Transcript
Page 1: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

D R . E S T E R T . R A D A 2 N D I N T E R N A T I O N A L C O N F E R E N C E

O N F I L I P I N O A S A G L O B A L L A N G U A G E S A N D I E G O , C A , U S A

J A N 1 5 - 1 8 , 2 0 1 0

Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng

Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa

Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo

Page 2: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin ng pag-aaral ang makabuo ng instrumento upang matanto ang kognitibong

akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyo

Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod: •  Matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong

akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyanteng nasa Una at Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng San Beda

•  Mailarawan ang proseso ng pagbibigay-bisa ng mga eksperto sa tulong ng mga batayan tulad

ng organisasyon ng mga pagsusulit sa instrumento, aspektong tekstwal nito, nilalaman o kognitibong aspekto at sa kabuuan, maisa-isa ang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap (acceptability), kapaki-pakinabang (usefulness), komprehensibo ng instrumento, at iba pa

•  Matukoy kung anong aytem sa instrumento ang dapat baguhin o tanggalin batay sa item

analysis; •  Makabuo ng talatuntunang may kinalaman sa katumpakan at kahusayan (validity and

reliability indices

•  Maipasagot ang instrumento sa maliit na bilang o populasyon ng mga estudyanteng nasa kolehiyo bilang paunang pagsubok (pilot test)

Page 3: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Mga Batayan sa Pagbuo ng Instrumento

�  BICS/CALP �  Cognitive Academic Language Learning Approach �  Language for Specific Purposes �  Curriculum Development System �  Process Writing Approach �  Iskalang Analiktik/Diederich Scale

Page 4: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Kaligiran ng Pag-aaral

Pigura 1 - Mababaw at Malalim na Antas ng Kahusayang Pangwika

Kahusayang Kombersasyonal

(BICS)

Kahusayang Kognitibo/Akademik

(CALP)

Prosesong Kognitibo

Kaalaman Pag-unawa Aplikasyon

Analisis Sintesis

Ebalwasyon

Prosesong Pangwika

Pagbigkas

Bokabularyo Gramar

Semantikang Kahulugan

Punksyonal na Kahulugan

Page 5: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Banghay ng Pag-aaral Akademikong Prosesong Kognitibo Prosesong Pangwika Gamit ng Wika (CALLA) Maghanap ng Kaalaman (Knowledge) C Sangkap sa Pagsulat

Impormasyon

(Seek Information)

Magbigay-kaalaman Pag-unawa (Comprehension) A Talasalitaaan (vocabulary)

(Inform)

Maghinuha (Infer)

Mangatwiran (Justify)

Mag-ugnay Paglalapat (Application) L Balarila (grammar)

Paghambingin Pagsusuri (Analysis) P Semantikong kahulugan

(Compare)

Pagsunud-sunurin

(Order)

Mag-isa-isa/ Maggrupo sa

(Classify)

Magsuri (Analyze)

Magbuod(Synthesize ) Pagbubuod (Synthesis) Punksyonal na kahulugan o gamit ng wika

Bigyang-solusyon

(Solve)

Magbigay-dahilan Pagtataya (Evaluation) Filipino

Tayain (Evaluate)

Pigura 2 – Antas ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino sa Kasanayang Pagsulat

Page 6: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Pagbuo ng Instrumento - CALLA

Academic Language Function (Apendiks B)

Student Uses Language to: Examples Quality Thinking Skill (Apendiks D)

Seek Information observe and explore the environment, acquire information inquire, describe information

Use who, what, when, where, and how to gather information

Knowledge (Kaalaman)

Inform identify, report Recount information presented by teacher or text, retell a story or personal experience

Comprehension (Pag-unawa),

Infer make inferences; predict implications; hypothesize,

Describe reasoning process(inductive or deductive)or generate hypothesis to suggest causes or outcomes

Comprehension

Relate Use of facts, rules, principles Give an example of in relation to the ideas presented, give the significance of an idea, situation

Application (Paglalapat)

Compare describe similarities and differences in objects or ideas

Make/explain a graphic organizer to show similarities and contrasts

Analysis (Pagsusuri)

Order sequence objects, ideas, or events Describe/make a timeline, continuum, cycle, or narrative sequence

Analysis

Classify group objects or ideas according to their characteristics

Describe organizing principle(s), explain why A is an example and B is not

Application, Analysis

Analyze separate whole into parts; identify relationships and patterns

Describe parts, features, or main idea of information presented by teacher or text

Analysis

Solve Problems define and represent a problem; determine solution

Describe problem-solving procedures; apply to real life problems and describe

Synthesis (Pagbubuod)

Synthesize combine or integrate ideas to form a new whole

Summarize information cohesively; incorporate new information into prior knowledge

Synthesis

Justify and Persuade give reasons for an action, decision, point of view; convince others

Tell why A is important and give evidence in support of a position

Evaluation (Pagtataya)

Evaluate assess and verify the worth of an object, idea or decision

Identify criteria, explain priorities, indicate reasons for judgment, confirm truth

Evaluation

Page 7: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong

Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika

Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka

I. Kaalamang Panggramatika

Mataya ang batayang kaalaman sa talasalitaan, ponolohiya at morpolohiya

II. Kaalamang Tekstwal/Kognitibo

1.  Masukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda.

2.  Makatukoy o makapaglarawan ng impormasyong inilahad sa akda

Kaalaman Paghahanap ng Impormasyon

May pagpipiliang titik ng sagot (Multiple choice) Sanaysay (Essay)

80 3 sanaysay (100 puntos bawat isa) 10 puntos bawat sanaysay

50% 50% 5%

3. Makapaglahad muli ng mga detalye mula sa akda sa sariling pananalita

4. Matukoy ang pangunahing diwa ng akda

5. Matukoy ang natatagong detalye sa akda na hindi tuwirang inilalahad dito

Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman Paghihinuha Pangangatwiran

10 puntos bawat sanaysay

5%

Page 8: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong

Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika

Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka

6. Makabuo ng matalinong paghihinuha sa prosesong deduktibo o induktibo sa maaaring kinalabasan ng mga pangyayari

Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman Paghihinuha Pangangatwiran

10 puntos bawat sanaysay

5%

7. Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyon

8. Maiuugnay ang sitwasyon sa akda bilang halimbawa ng pangyayari, prinsipyo, katotohanan, atbp.

9. Mailalahad ang kaisipan mula sa akda

Paglalapat Pag-uugnay 10 puntos bawat sanaysay

5%

Page 9: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika

Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka

10. Makapagpaliwanag sa pamamagitan ng paghahambing o pagtataliwas ng mga ideya o bagay kaugnay sa inilahad sa akda

11. Mapagsunud-sunod ang mga ideya o pangyayari

12. Mapag-uuri-uri ang mga ideya ayon sa mga katangian nito

13. Mailarawan ang bahagi, katangian o pangunahing ideya sa akda at kaugnayan ng mga ito sa kabuuan

14. Makabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay rito

Pagsusuri Paghahambing Pagsusunud-sunod Pag-iisa-isa/Paggugrupo Pagsusuri

20 puntos bawat sanaysay

10%

Page 10: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/ Gamit ng Wika

Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng Pagmamarka

15. Makapagbigay ng dahilan sa pasya, pananaw o aksyong ginawa o gagawin batay sa iminumungkahi sa akda

16. Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin

17. Makabuo ng buod ng mga impormasyong inilahad sa akda batay sa dating kaalaman

Pagbubuod Pagbibigay-solusyon Pagbubuod

20 puntos bawat sanaysay

10%

18. Matukoy ang mga pamantayan o prayoridad sa pagpapasya o pinaniniwalang katotohanan

19. Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan

20. Makapagbibigay ng patunay o ebidensya ng aksyong gagawin, desisyon, pananaw at makapaghikayat sa kahalagahan ng desisyong nabuo o paninindigan o prayoridad

Pagtataya Pagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayat Pagtataya

30 puntos bawat sanaysay

15%

Page 11: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP Ang layunin ng pag-aaral Ang pagsusulit ay bahagi ng pananaliksik ukol sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga Estudyante na nasa Una at

Ikalawang Antas sa Kolehiyo ng San Beda. Limitasyon ng pagsusulit: Tatagal ang pagsusulit ng isa at kalahating oras. Tig-iisang seksyon lamang bawat kurso ang bibigyan ng pagsusulit mula sa una at ikalawang

antas at tanging yaon lamang estudyante na kumukuha o nakapasa na sa Filipino 1 hanggang Filipino 3. Tatayain ang kakayahang pangwika sa Filipino ng mga estudyante base sa binuong pagmamarka.

Ang sitwasyon at ang gawain Naglalaman ang pagsusulit ayon sa silabus sa Filipino na may kinalaman sa retorika. Isasagawa ang pagsusulit sa kalagitnaan ng semestre sa oras ng kanilang klase sa Filipino.

Binubuo ang pagsusulit ng 80 aytem sa multiple- choice at hiwalay na puntos para sa sanaysay batay sa talahanayan ng ispesipikasyon sa itaas. Katangian ng kukuha ng pagsusulit Ang mga estudyanteng nasa “A” na seksyon sa Una at Ikalawang Antas sa bawat departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda ang kukuha ng

pagsusulit: AEC (Economics), AIT (Information Technology), AMC (Marketing), ABE (Entrepreneurship), ALM (Legal Management), AFM (Financial Management), APH (Philosophy), at APS (Psychology) na nakapasa sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 o kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2 at Filipino 3 sa panahon ng pagsusulit.

Mga kakayahang tatayain Nakatuon sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga estudyante batay at paglalapat nito sa kasanayang pagsulat. Tunghayan ang mga batayan sa

pagtataya: Kakayahang Panggramatika Ponolohiya – ang paraan ng pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang wika. Morpolohiya – pag-aaral ng mga morpema o ang pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng sariling kahulugan, na hindi maaaring bawasan o hatiin pa. Talasalitaan – pag-aaral ng kahulugan ng salita Kaalamang tekstwal – kohesyon at retorika Retorika – mabisang pagpapahayag Paglalarawan – isang paraan ng pagpapahayag na layuning makabuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig na gumagamit ng pandama, pang-

amoy, panlasa, pandinig at panalat. Pagsasalaysay - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, at

Paano. Paglalahad – isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan. Enumerasyon – pag-iisa ng mga detalye sa malinaw na pagkakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari Paghahambing at Pagtataliwas – pamamaraang angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba

atbp. Pangangatwiran - isang paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang

kontrobersiyal na isyu o paksa para sa iba Kaalamang punksyonal – pagbuo ng mga ideya, katatasan sa wika/manipulasyon, pangangatwiran, imahinasyon o kakayahang pampanitikan Kaalamang sosyolingwistika – paggamit ng wika batay sa sitwasyon Antas ng Wika – pampanitikan, kolokyal, panlalawigan, pabalbal, pambansa Rehistro – mga teknikal na termino batay sa larangan Nilalaman ng pagsusulit Isa itong criterion-referenced test na susukat sa kakayahan ng indibidwal na estudyante at walang kinalaman sa kaalaman o pagkatuto ng iba pang kaklase o kurso. Bagama’t

maaaring tingnan kung anong kurso ang nagtala ng mas mataas na kakayahang pangwika. Talasalitaan Wastong gamit Ponolohiya at Morpolohiya Retorika/ Sanaysay

paglalarawan/ pagsasalaysay paglalahad pangangatwiran

Page 12: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP/Iskalang Analitik-Diederich scale (binago) Pamantayan sa pagmamarka Kawastuhan ng mga sagot para sa mga aytem sa A. – C. at iskalang analitik sa Sanaysay. Scantron ang gagamitin sa mga

aytem A. – C at maglalaan ng hiwalay na papel para sa sanaysay. Tunghayan ang iskala sa ibaba batay sa Diederich scale:

� 

Para sa kognitibong nilalaman ng sanaysay, tunghayan ang tsart sa ibaba. Ang kabuuang iskor nito ang ilalagay sa kognitibong bahaging inilaan sa diederich scale sa itaas.

CALP puntos Sanaysay Kaalaman 10 Pang-unawa 10 Paglalapat 10 Pagsusuri 20 Pagbubuod 20 Pagtataya 30 (Kabuuan) 100

Aytem A-C 50%

Nilalaman (20%) at organisasyon (10 %) Kognitibo Ka/– 10 Pa – 10 Pl – 10 Ps – 20 Pb – 20 Pt - 30

Pagbuo ng mga ideya at organisasyon

Napapanahon (relevance)ng mga halimbawa

Daloy o kohirens

Istilo (10 %) Sangkap Indibidwalidad

o awtentisidad Pagbuo ng mga salita, parirala, pangungusap

Mekaniks (10 %) Gramatika Anyo Bantas Baybay Kalinawan

ng sulat

Page 13: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP Karagdagan nito ang ilang tanong bilang gabay sa pagmamarka sa iskala:

Panimula – Nakapukaw ba sa interes ng mambabasa? Gitna – Lohikal ba ang ayos ng mga impormasyon at aksyon? Katapusan – Nabuo ba sa katapusan ang kabuuan ng sulatin o hindi ba bitin ang katapusan? Istruktura ng mga pangungusap – Buo ba ang mga pangungusap o hindi putul-putol ang mga ideya? May “sense” ba ang mga

pangungusap? Talasalitaan – Angkop ba ang mga salitang ginamit o eksakto ba sa layunin ng nagsusulat?

Halimbawang paksa: Personal na Pagpapahalaga, Syensya at Kalikasan, at Pulitika at Nasyonalismo Plano sa pagsukat sa katangian ng instrumento: Reliability – pangkalahatang kakayahan ng pagsusulit na masukat ang kognitibong kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo Validity – may kinalaman sa iterpretasyon ng iskor at pormat ng pagsusulit kung nakamit ang layunin ng pag-aaral Situational authenticity – naaangkop ang pagsusulit sa layunin nito dahil ginamit ang silabus sa Filipino na naaayon sa pagtataya sa

kakayahang pangwika Interactional authenticity – napapanahon ang mga akda na batay sa kultura at isyung pangwika at lipunang Pilipino Dating (Impact)/Kahihinatnan (Consequences) - ang kinalabasan ng pagsusulit ay inaasahang magiging batayan sa pagpapayabong

ng pagkatuto at pagtuturo ng wikang Filipino Praktikalidad - kayang gawin ang pagsusulit ayon sa kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo at wala pang nabuong pagsusulit

batay sa silabus sa Filipino maging sa KWF na pangunahing institusyon sa pag-aaral sa wika Rubrik – napapaloob dito kung paano gagawin ang pagsusulit, panuto, tagal ng oras, pagmamarka, pagsasagawa ng pagsusulit Input – prompt – tagpuan, kalahok, layunin, anyo/nilalaman, tono (magaan pero pang-akademiko), wika (Filipino), gawi, uri

(multiple-choice/essay) Input data Pormat – 75 aytem ng multiple-choice (scantron) at 100% sa sanaysay Paano gagawin – pasulat Haba – isang oras at kalahati Inaasahang tugon Pasulat Sakop ng pagsusulit – silabus sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 Pamantayan ng pagmamarka – kawastuhan ng sagot at iskalang analitik

Page 14: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Pagmamarka – SBC/IETLS

Napakagaling (Excellent) – 81%-100% Magaling (Good) – 61% - 80% Katamtamang Galing – 41% - 60% (Average) Mahina (Weak) – 21% -40% Napakahina (Poor) – 0% -20% Paglalarawan sa pagmamarka (Descriptive bands): �  Napakagaling – Mahusay ang kognitibong kakayahang pangwika sa lahat ng antas nito – kaalaman, pag-

unawa, paglalapat, pagsusuri, pagbubuod at pagtataya. May hustong kaalaman din sa talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, kaalamang tekswal, punksyonal, sosyolinggwistika, antas ng wika at rehistro.

�  Magaling – May sapat na kaalaman sa aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika at mataas ang kognitibong kakayahang pangwika (antas ng pagsusuri at mas mataas pa). Mahusay ang organisasyon, daloy o kohirens ng mga ideya, istilo at nasunod ang mekaniks ng wastong pagsulat.

�  Katamtamang Galing – Masasabing nababatid ang aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, sapat ang antas na kognitibo ngunit sa mababang antas ng kahusayang pangwika at hindi pa gaanong tumataas sa antas ng malalim na pag-iisip. May sapat na kaalaman sa wastong pagsulat tulad ng organisasyon, kohirens, istilo at mekaniks.

�  Mahina – Nahihirapang maalala ang dating alam sa aspektong pangwika at nasa mababang antas na kognitibo. Hindi gaanong binigyang-tuon ang mekaniks ng pagsulat.

�  Napakahina – Di man lang nakapasa sa anumang aspektong pangwika maging sa kognitibong kakayahang pangwika.

Page 15: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Proseso ng Pagbibigay-bisa ng mga Eksperto

�  TALATANUNGAN (Bihasang Tagasuri) �  Pangalan _________________________ �  Pamantasan/Kolehiyo

________________________________ �  Katungkulan _________________________________ �  Bilang/Haba ng Taon sa Propesyon

_________________________________ �  Natapos na Kursong

Gradwado_________________________ �  Pamantasan na Pinagtapusan

_________________________________ �  Mga larangang bihasa o may mga ginawang pag-aaral

________________________

Page 16: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Mga Batayan ng Pagsusuri sa Instrumento

Batayan Oo Bahagya Hindi Hindi Angkop

Komento/ Paliwanag

A.  Organisasyon B.  Tekstwal C.  Nilalaman/ Kognitibo D. Kabuuan

Page 17: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Organisasyon 1. Mula sa madali patungo sa mahirap ang mga aytem? 2. Sa pagsulat ng panuto: a. tiyak? b. malinaw? c. maikli? d. nauunawaan? B. Tekstwal 1. Angkop ang mga talasalitaan/ mga salitang ginamit? 2. Tama lamang ang haba ng mga salita/talasalitaan? 3. Tama lamang ang haba ng mga pangungusap? 4. Angkop ang tipo ng mga letra? 5. Malinaw ang mga detalye?

Page 18: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

C. Nilalaman/Kognitibo 1. Sapat ang mga tanong upang masukat ang dimensyon batay sa kognitibong domeyn: a. kaalaman? b. pagkaunawa? c. paglalapat? d. pagsusuri? e. pagbubuod? f. pagtatasa? 2. Sapat ang seleksyon sa pagtatamo ng layunin ng pagsusulit? D. Kabuuan 1. Mahirap ba ang pagsusulit? 2. Natalakay ba ang lahat ng aytem sa pagsusulit? 3. May pag-uulit ba sa mga konsepto sa pagsusulit? 4. May mahahalaga bang paksang nakaligtaan o hindi nabigyang-diin? 5. Balanse ba ang mga kasanayan at konseptong sinusukat sa pagsusulit? 6. Natugunan ba ng pagsusulit ang layunin nito? 7. Malinaw at sapat ba ang mga panuto? 8. Sapat ba ang haba at kalidad (mahirap o madali) sa tagal ng itinakdang oras para masagutan

ang pagsusulit? 9. Angkop ba sa kakayahan ng estudyante ang nililinang na kasanayan at gawain sa

pagsusulit? 10. Madali bang basahin ang mga seleksyon at teksto sa kabuuan? 11. Kapaki-pakinabang ba ang ginawang pagsusulit sa pagkatuto?

Page 19: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices)

�  validity – pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang criterion-referenced test. May kinalaman ang validity sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya. May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content validity, construct validity, face validity, at consequential validity

Page 20: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

�  criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit. Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo, kurikulum at iba pa.

�  content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa pagsusulit.

�  face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung katanggap-tanggap sa gagamit nito.

Page 21: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

�  construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral. Layunin nitong mailarawan ang katangiang sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan, ang construct validity ay kalipunan ng mga ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa iba’t ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pag-aaral at mula lamang sa San Beda College ang sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang talatuntunang ito.

�  consequential validity sinusukat dito ang magiging bunga (consequences) nito sa kumukuha ng pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit ng kakayahan ng mga estudyante.

Page 22: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

�  reliability – nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at “dependable” o magagamit muli sa hinaharap May mga uri ng reliability: reliability coefficient at coefficient of equivalence.

�  Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng tinatawag na error sa iskor.

�  Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong domeyn?.

Page 23: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Ang Instrumento

�  Kaalamang panggramatika (multiple choice) – Talasalitaan: Halimbawa: May tila bahaw na alingawngaw sa

kanyang dibdib. a. Mahinang tinig b. di mawari c. malamig na pakiramdam d. kaba Wastong gamit: Hatiin natin ang bibingkang binili ng nanay. a b c d Hatian mo naman ako ng mga bayabas na mapipitas mo. a b c d Ponolohiya, morpolohiya: Silidan mo ng tubig ang balde at maliligo ako. Sarisari ang kulay ng mga banderitas tuwing pista sa nayon.

Page 24: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

CALP Layunin Kognitibong

domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika

Tanong /Gawain mula sa Instrumento

Masukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda. Matukoy ang pangunahing diwa ng akda Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyon

Kaalaman Pag-unawa Paglalapat

Paghahanap ng Impormasyon Paghihinuha Pangangatwiran Pag-uugnay

Ano ang tinutukoy ng dalawang mukha ng syensya? Tukuyin ang pangunahing diwa ng akda. Anong bahagi ng akda ang nagbigay ng “clue” sa pangunahing diwa nito? Maglahad ng karanasang maihahalintulad sa mga lalaking Indostan sa tula. Nangyayari ba sa tunay na buhay ang pangyayari sa akda? Bakit mo nasabi?

Page 25: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

CALP Layunin Kognitibong

domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika

Tanong/Gawain mula sa Instrumento

Makabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay rito Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan

Pagsusuri Pagbubuod Pagtataya

Pag-iisa-isa/Paggugrupo Pagsusuri Pagbibigay-solusyon Pagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayat

Gumawa ng dayagram o web ng sanhi at bunga ng dalawang mukha ng syensya at ipaliwanag ang ginawang dayagram. Anong suliranin ang inilahad sa akda? May solusyon ba? Pangatwiranan. May magagawa ba ang tao upang maiwasan ang masamang dulot ng syensya?

Page 26: Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong ... · Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo . Layunin ng Pag-aaral Pangunahing layunin

Sanaysay - Prompt

Pansinin ang mga naunang tanong. Sagutin ang mga tanong na ito sa pagsulat ng sanaysay na hindi kukulangin sa 200 salita. Hindi kasama sa bilang ng mga salita ang mga pang-ugnay tulad ng pang-ukol, pang-angkop, atbp. Hindi dapat limitahan ang pagsulat sa pagsagot lamang ng mga tanong. Kailangang sundin ang panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng pagkakaroon ng simula, gitna, at wakas. Tatayahin ang nilalaman at organisasyon, istilo, at mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong baybay, gamit, bantas, kahulugan, atbp. Inaasahang makasusulat ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino, may kohirens, kohesyon sa mga pangungusap at talata at angkop na rehistro batay sa larangan o disiplinang tinatalakay. Nilalayon nitong mataya ang kognitibong kasanayan sa pagsulat ng kumukuha ng pagsusulit na ito.


Recommended