Download pdf - OKKK Flyer

Transcript
Page 1: OKKK Flyer

OPERATION:Nitong mga nakaraan, napansin ni Mayor Del De Guzman sa

kanyang pag-iikot na marami-rami nang hindi nakasusunod sa mga ordinansang pinapatupad sa lungsod. Ilan sa mga ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng bangketa at kalsada; kalinisan; at marami pang iba.

Layon ng babasahin na ito na ipaalala sa mga Marikeño ang mga batas at ordinansang kadalasan ay nakalilimutan nang sundin. Karamihan sa mga ito ay mga simple ngunit lubusang nakaka-apekto sa ibang tao at sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ordinansang nakasaad dito, mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.

Maging responsableng mamamayan tayo ng ating lungsod. Huwag nating kalimutan ang disiplina lalo na ang pagsunod sa batas na ipinapatupad ng ating pamahalaan. Maging mabuting halimbawa tayo sa isa’t-isa para sa ikalilinis, ikaayos at ikapapayapa ng ating paligid.

Mayor Del R. De GuzmanMARIKINA CITY

MGA NUMERONG DAPAT NINYONG TANDAAN:

161 Sa anumang uri ng sakuna:

Kapag may kalamidad

City Social Welfare and Development Office

Philippine National Red Cross

646-2436 to 38

682-9279 | 646-1634

369-4132

382-7270

KALINISAN, KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN

Page 2: OKKK Flyer

maglaba, mag-sampay at magkula Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2D / Ordinance no. 3; Series 1993; Section 1

maglagay ng basura, kuyagot, at alin mang mga gamit (Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2F)

magluto(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2A)

maligo(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2D/ Ordinance no. 3; Series 1993; Section 1)

magtinda ng anumang bagay(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2A)

mag-inuman (Ordinance no. 74; Series 1996; Section 2)

pagdura(Ordinance no. 44; Series 1993; Section 1)

nakahubad(Ordinance no. 108; Series 2002; Section 3)

mga halaman(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2N)

pusali at maruming tubig (Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2D)

mag-parada ng sirang sasakyan o kariton(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2E)

anumang materyales na bahagi ng tahanan na makakasugat o makakasakit(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2L)

pagsasagawa ng pang-relihiyong gawain(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2C)

paglalaro at pagtatayo ng mini-basketball court(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2G)

Ang lahat ng dayuhan o bisita na tatagal ng tatlong araw sa pagtira sa komunidad ay kailangan magpaalam sa pangulo ng asosasyon.

Bawal ang magtayo ng anumang istraktura na walang pahintulot ang pamahalaang lokal.(Presidential Decree No. 1096;Chapter 3; Section 301)

Bawal ang pagtatayo ng istraktura na peligroso at nakakasakit.(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2K)

Bawal ang mag-alaga ng isang taong may nakamamatay na sakit na nakakahawa.

Bawal ang pagdalo ng lasing sa isang pagpupulong dahil ito ay pinagmumulan ng gulo at di pagkakaunawaan

Bawal mag-duty ang bantay-bayan kapag lasing

Bawal ang junk shop sa mataong lugar.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter 8; Section 23)

Bawal ang tamad sa isang komunidad

Bawal ang maghubad o magsuot ng maruming pananamit sa lansangan.(Ordinance no. 108; Series 2002; Section 3)

Bawal ang pag-aalaga ng hayop para sa kalusugan ng lahat. (Ordinance no. 67; Series 2003; Chapter VII; Section 32 and 33)

Bawal magsiga.(Ordinance no. 57; Series 1999; Section 1)

Bawal ang mabaho.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter 8; Section 23)

Bawal ang walang kubeta, hindi tahanan kung walang kubeta.(Ordinance no. 171; Series 2001; Chapter XI; Section 43)

Bawal ang magnanakaw ng kuryente at tubig. (Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter IX; Section 27)

Bawal ang labis na pag-iingay, malakas na pag-uusap, pagbubukas ng stereo, radyo, telebisyon at iba pa.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter IX; Section 2

Bawal ang pag-iimbak, pagtatago ng mga bagay na masama sa kalusugan o nakamamatay.Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter 8; Section 23)

Bawal ang sugal sa loob ng komunidad.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter IX; Section 31)

Bawal ang pala-away at makulit sa komunidad.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter IX; Section 30)

Bawal ang lasing na pagala-gala at naghahamon ng away sa komunidad.(Ordinance no. 116; Series 2001; Chapter IX; Section 30)

Bawal ang magkalat.(Ordinance no. 073; Series 2002; Section 2)

Bawal ang pag-pitas ng mga bulaklak sa parke.(Ordinance no. 073; Series 2002; Section 2)

Bawal ang maglagay ng anumang kagamitan sa mga bubungan, bukod sa hindi maganda tignan ay peligroso pa.(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2K)

Bawal dumura sa lansangan at pampublikong lugar.(Ordinance no. 44; Series 1993; Section 1)

Bawal ang bulok na yero sa bubungan, dingding at bakod.(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2K)

Bawal ang anumang negosyo na walang kapahintulutan sa asosasyon at license office ng lungsod.(Ordinance no. 286; Series 1998; Section 1)

Bawal ang pagtatayo ng day care learning center na walang kapahintulutan sa samahan at pamahalaan.(Ordinance no. 286; Series 1998; Section 1)

Bawal ang magsulat o magdumi sa mga pader.(Ordinance no. 86; Series 1994; Section 1)

Bawal ang mga kabataang 17 taon pababa ang pakalat-kalat sa lansangan sa alanganing oras.(Ordinance no. 163; Series 2001; Section 1)

Bawal mag-imbak ng labis na bagay na nasusunog, walang sunog kung walang masusunog.(Ordinance no. 59; Series 1993; Section 2J)

Bawal ang magtinda o bumili ng mga ninakaw na mga bagay. (National Code; Stealing/Anti-fencing Law)

BANGKETA at KALYE ang...

Para sa mas maayos na komunidad:BAWAL SA MGA