Transcript
  • Liksyon 10 para sa ika-5 ng Setyembre, 2020

  • Halimbawa ng maliliit na grupo:

    Ang unang maliit na grupo

    Sa Lumang Tipan

    Sa Bagong Tipan

    Pagiging kabahagi ng maliit na grupo:

    Organisasyon

    Mga proseso

    May nakakatuwang paraan upang makilahok sa paglago ng Iglesia at pangangaral ng Ebanghelyo: maliliit na grupo.

    Nasa Biblia ang maliliit na grupo. Pinili ng Dios ang maliliit nga grupo upang patibayinang ating pananampalataya, tulungan tayong maunawaan ng higit ang KanyangSalita, pasiglahin ang ating pananalangin at turuan tayo kung paano magpatotoo.

  • Ang tatlong persona ng Dios ay nagtipon bilang maliit na grupo bagogawin ang sanlibutan. Ang kanilanghangarin ay magplano at tuparin angpaglikha ng tao at kanilang palibot.

    Nagdesenyo din Sila ng alternatibong plano baka sakalinglumayo sa Dios ang tao: Ang Plano ng Pagtubos (1Ped. 1:18-20; Mat. 25:34; Apoc. 13:8).

    Makikita natin kung paano ang maliliit nagrupo ay nagtitipon na may iisa o maraminghangarin sa isip. Sa sitwasyon ng Dios, Ang unaNilang pagtitipon ay pagpaplano, at ang mgasumusunod ay nakatuon sa pagtupad sanatatanging plano.

    Baliban doon, ang dapat maging pangunahinglayunin ng bawat maliit na grupo ay mag-akitng mga kaluluwa para sa Kaharian ng Langit.

  • Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, Hinati ni Moses ang bayan sa mga kampo (bawat tribo) at mga tolda(bawat pamilya). Sa huli, iminungkahi ni Jethro napalawakin ito sa pamamagitan ng mas maliit nagrupo ng tag 1,000, 100, 50 at 10 tao.

    Bawat maliit na grupo ng 10 tao ay pinamumunuan ng relihiyosong pinuno. Ang mga grupong ito ang pumigilsa maraming problema at tumulong upang malinangang espiritwal na buhay ng bayan, at magtayo ng malapit at magiliw na mga relasyon… Iyon ay–ganundin ngayon–epektibong paraan ng pakikisama, paglagong espiritwal at paglutas ng problema.

    Sa huli, itinatag ni Samuel ang mga paaralan ng mgapropeta. SInunod nila kaparehong organisasyon at layuninsa mga grupong itinatag ni Moses (1S. 10:10; 2K. 2:3).

  • “At sa araw-araw, sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi silanagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.” (Gawa 5:42)

    Itinatag ni Jesus ang unang maliit na grupo saBagong Tipan sa pagpili ng labindalawang apostol.

    Naturuan sila at nasanay sa praktikal na paraan kung paano gamitin sa epektibong paraan ang kanilangmga kaloob sa pangangaral ng Ebanghelyo, habanglumalago sa pang-espiritwal.

    Ang puso ng naunang Iglesia ay mgamaliit na grupo na nagtitipon sa mgabahay (Gawa 12:12; Ro. 16:5; 1Co. 16:19; Col. 4:15; Filem. 2).

    Bumuo din sila ng maliliit na grupo ng mangangaral. Tinulungan nila ang isa’t-isasa personal na karanasan upang maganapang misyon. Salamat sa mga grupong ito, kumalat ng mabilis ang Ebanghelyo sabuong sanlibutan (Gawa 15:39-41; 20:4; Ro. 15:19).

  • “Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ngkatawan, ayon sa kaniyang minagaling. At kung ang lahat nga'y pawang isangsangkap, saan naroroon ang katawan? (1 Corinto 12:18-19)

    Ang katawan ng tao ay binubuo ng mga selula na nagkakatiponupang bumuo ng mga bahagi o organ na bumubuo naman samga sistema ng katawan. Bawat selula ay may sariling tungkulinsa bawat organ, bawat organ ay may tungkulin sa bawat sistemang katawan, at bawat sistema ay may tungkulin sa katawan..

    Silang lahat ay magkakaugnay at gumagawangmagkakatugma. Ang Iglesia ay katawan ni Kristo at kapareho din ang gawain. Kung ang isang tao ay kabahagi ng maliit na grupo, mahirap itongmadismaya at mas madaling matapos ang misyon.

    Ang mga grupo ay inayos sa paraang bawat tao ay makakabahagi ng pinakamarami nilang kaloobupang tulungang lumago at tapusin ang misyon.

  • MGA PROSESO

    “At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sabahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.” (Gawa 12:12)

    Gumagamit ang Dios ng maliliit na grupo upang palaguinang Iglesia sa pagpapasigla sa pananampalataya ng mgakasapi at turuan sila kung paano magpatotoo tungkol kay Jesus.

    Bawat grupo ay may pangunahing layunin upang dalhin angmga tao kay Jesus, kahit marahil iba-iba ang mga paraan o proseso ayon sa mga natatanging hangarin.

    Narito ang mga halimbawa ng mga natatanging hangarin:

    Pamamagitan para sa iba

    Pananalangin para sa karaniwang alalahanin

    Paggugol ng panahongmagkakasama

    Pag-aaral sa Salita ng Dios

    Pagsasanay sa paglilingkod

    Pag-aaral kung paano ibahagiang Ebanghelyo

    Pagtulong sa komunidad

    Pakikilahok sa gawaingpangmisyon

    Hindi lang ito ang pwedeng gawin. Bawat lokal na iglesia ay dapat magplano kasama ng kanilang mga maliliit na grupo na may natatanging hangarin ayon sa kanilang pagkakaiba.

  • “The blessing of the Lord will come to the church

    members who thus participate in the work,

    gathering in small groups daily to pray for its

    success. Thus the believers will obtain grace for

    themselves, and the work of the Lord will be

    advanced.”E.G.W. (Evangelism, p. 111)

    “Let little companies meet together to study the

    Scriptures. You will lose nothing by this, but will

    gain much. Angels of God will be in your

    gathering, and as you feed upon the Bread of Life,

    you will receive spiritual sinew and muscle. You

    will be feeding, as it were, upon the leaves of the

    tree of life. By this means only can you maintain

    your integrity.” E.G.W. (This Day With God, January 3)


Recommended