Transcript

1

DAHILAN

BAKIT NABIBIGOANG TAO

2

Maari mong i-download ang file na ito sa:

jefmenguin.comIbahagi ang jefmenguin.com sa iyong

mga kaibigan at kakilala.

3

1. Bulag sa LayuninA useless life is an early death. Magmasid ka sa iyong paligid. Sa napakaraming tao na nakakasalamuha mo sa araw, malinaw basa iyo kung anu-ano ang mithiin o naisin sa buhay ng bawat isa sakanila? Ilan sa kanila ang magtatagumpay sa buhay? Ilan sakanila ang mabibigo? Ilan sa kanila ang nagpupunyagi upangmakamtan ang pangarap.

Ang sabi ni Aristotle, “An unexamined life is a life unlived”. Ilangtaon na ang nakararaan, hinanap ko rin ang aking sarili. Tulad ngmarami, nabuhay din ako ng parang dahon na tinatangay lamangng agos ng panahon. Gumigising sa umaga, nagmumumog, nag-aalmusal, nagsisipilyo, naliligo, pumapasok sa eskuwelahanupang magturo, uuwi ng bahay, maghahanda ng lesson plan, magtsitsek ng papel ng mga estudyante, manunuod ng TV, at matutulog upang maagang gumising kinabukasan. At gawin angnakagawian sa araw araw. Paminsan-minsan may social life din naman ang isang teacher. Pero sa pangkalahatan, predictable anglahat ng gawain. Pare-pareho lang naman. Tumatakbo ang orashanggang magising ka isang umaga at makita mo ang isang taona wari ay napaglipasan na nang panahon. Nakakaawa.

But there is suffering in life, and there are defeats. No one can avoid them. But it's better to lose some of the battles in the struggles for your dreams than to be defeated without ever knowing what you're fighting for.

-Paulo Coelho

4

Minsan sa isang Toastmasters meeting, napag-usapan ang mid-life crises. Namanghaako sa aking narinig. May ilan na nasa edad 60 pataas na dumaranas pa rin daw ng mid-life crises. At mayroon namang ilan na nasa 20s ang nagsasabing nararanasan na nilaito. Technically, ang mga kabataang ito ay masasabing nasa quarter-life crises. At malamang ilan sa mga kakilala mo ay mga taong naghahanap din ng kabuluhan sabuhay. Sila din ay nagtatanong:

•Sino ako?•Saan ako patungo?•May halaga ba ang buhay ko?•Paano ako liligaya?

Walang pinipiling edad ang mga tanong na ito. Maaring isang araw ay makalimutan nanatin magtanong at matulad sa marami na parang robot na kumikilos ngunit walangbuhay, lumalakad subalit walang tiyak na direksyon at destinasyon.

Lumaki ako sa isang squatters area. Bagaman at hindi totoo ang lahat ng napapanoodninyo sa pelikula, malinaw sa akin kung bakit maraming naliligaw ng landas. Malabo sakanila ang landas ng kanilang tinatahak. At hindi nila natatanaw and dulo nito. Para sakanila, ang buhay ay pang-araw na pakikipagsapalaran upang manatiling buhay. Maraming masipag, kumikilos, kumakapit sa patalim, at ginagawa ang lahat upangmaitawid ang sikmura sa malupit na gutom. At mayroon din namang bumibigay nalamang, umaasa sa iba, at hindi na lumalaban pa. May ilan sa mga matapangmakipagsapalaran ang nakakasumpong ng tamang daan. At marami, parang torumpo, paikot-ikot hanggang hininga ay malagot.

5

Subalit huwag mo rin iisipin na ang kayamanan o ang pagiging mayaman ay nagbibigay ng direksyon. Higit na mas marami ang limitado at makitid ang pananaw. Ilagaw mo ang salapi sa mata ng isangnilalang, mahirap man o mayaman, at kung siya ay masisilaw , magmimistulang bulag, at hindi namakikita ang tunay na kahulugan ng buhay. Marami din sa kanila ang nabubuhay upang matugunanang gutom sa kayamananan at kapangyarihan. Marami rin sa kanila ang gumagalaw ng parang robot ngunit walang buhay. Marami rin sa kanila ang buhay na patay.

Lahat ng pinoy ay may pagkakataong magtagumpay. Habang nabubuhay tayo, habang may oras pang nalalabi para sa atin, may pagkakataon tayo na hanapin ang totoong misyon natin sa buhay. May pagkakataon tayo na bigyang kahulugan ang bawat sandali, minuto, oras, araw, buwan, at taon ngating buhay.

Ang paghihirap ay hindi nangangahulugan ng kabiguan. Ang araw ay sumisikat para sa lahat ngnilalang. Ang ulan ay dumidilig sa lahat, sa tigang na lupa at sa sapa. Mabait ang Diyos. Ang taolamang ang malupit sa kanyang kapwa, sa kanyang sarili.

Kung nais mong tumigil sa paikot-ikot na buhay na parang torumpo. Kung nagsasawa ka na samundong nagpapagalaw sa iyo. Kung nais mong may makabuluhang mangyari buhay mo. Panahon napara baguhin ang iyong mundo. Panahon na para baguhin ang iyong sarili.

Tumigil ka sandali. Idilat mo ang iyong mga mata. Hanapin ang iyong tunay na misyon. Paulit ulit kangmadadapa. Magagalusan. Masusugatan. Subalit kong malinaw sa iyo ang iyong layunin, higit kang masmapalad sa mas nakakarami sa atin.

May paborito akong berso mula sa bibliya. Ang sabi, “Seek ye first the kingdom of God and his righteousness, and all these things shall be given unto you”. Sa madaling salita, hanapin mo angkalooban sa iyo ng Diyos at lahat ng pangarap mo ay matutupad.

Kaya mo yan!

“Seek ye first the kingdom of God and his righteousness and all these things shall be given unto you”.

6

2. Walang PaninindiganWalang gulugod. Walang paninindigan. Walang balls. Sunod-sunuran lamang. Ito ang katangian ng mga taong talunan. Bagaman ang pagkakaroon ngpaninindigan ay hindi nagtitiyak ng tagumpay, ang kawalan ng paninindigan ay nagtitiyak ng kabiguan.

Ang mga dakilang tao ng kasaysayan ay may paninindigan. Dahil sapaghahangad ng equality o pagkakapantay pantay, nagawang manindigan niMahatma Gandhi. Hinangad nya ang paglaya ng India mula sa pananakop ngEngland. Nanindigan siya na maaari itong makamit sa mapayapang paraan. Makailang ulit siyang ikinulong. Makailang ulit siyang hinimok ng mga pulitikona mas mahusay ang paggamit ng dahas sa pag-agaw ng kapangyarihan. Subalit siya ay nanindigan. Lalaya ang bayan sa mapayapang paraan.

Sinabi nilang wala siyang alam. Isang karaniwang maybahay lamang. Paglalaruan lamang siya ng mga pulitiko at mga uhaw sa kapangyarihan. Hindi nila naisip na siya ay puno ng panindigan. Nanindigan siya sa mithiin ngkanyang kabiyak na maibalik ang demokrasya sa Pilipinas. Nanindigan siya nahindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan, at wala sinoman sa kanyangpamilya ang maaaring magsamantala. Maraming katangian si Cory Aquino. Sa ganang akin, dakila siya dahil sa kanyang mga panindigan.

7

Ang mga taong walang panindigan ay hindi marunong tumayo sa sariling mga paa. Kapag binigyanmo sila ng posisyon, madali silang natatangay ng mga tiwali. Maaring hindi sila maging magnanakaw, subalit sila ay magbubulag-bulagan, magbibingi-bingihan, at magsasawalang kibo na lamang. Nakikiayonpara sa pakikisama, para maging “in” kahit alam nilang sila ay nasa mali.

Ang paninindigan ay buong pusong pagtangan sa mga dakilang prinsipyo katulad nang katapatan, kalayaan, kapayapaan, at pagkamakabayan. Kapag walang prinsipyo ang isang tao, masasabi natin nawala siyang paninindigan.

We need conviction not only to fight for our most noble ideals. We need to have conviction everyday. We need conviction to make the most of our lives.

Ito ang pinapaniwalaan ko. Maraming tao ang nananatili sa kahirapan hindi dahil kulang sila sa sipag at talino. Kulang sila sa paniniwala na maari silang mabuhay ayon sa kanilang mga dakilang pangarap. Many people stay living the lives they hate because they do not have the conviction that will bring them out of their prisons.

Malaya taong gawin ang mga inaakala nating tama at mahusay. Malaya tayong angkinin ang magandangbuhay na ating inaasam. Mas pinipili ng marami ang maging maghintay na lamang, ang maging sunud-sunuran, ang maki-ayon, at magmistulang gulay na walang gulugod. Tunay nga ang ang kabiguan sabuhay ay bunga ng kawalang paninindigan. Manindigan tayo.

Kaya natin ito.

8

Matalino sila. Masipag sila. Pero natatalo pa rin sapagkat madali silang umaayaw. Ang mgawinners nang buhay ay marunong magsikhay, magpunyagi, mag- persists. At ang mgatalunan naman ay madaling tumigil, umayaw. Mga mahusay magbiro, subalit mabilis mapikonkapag biniro ng buhay.

Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Nakakalungkotisipan na maraming tao ang umaayaw na kahit hindi pa man nag-uumpisa. Kaya maaari kongsabihin na ang taong may persistence ay taong matapang. They persist on doing what is right; they persist on not doing what is not right.

Likas na sa atin ang humanga sa iba. At madali sa atin ang humanga sa mga taong tila hindimarunong umayaw. Natatandaan ko pa na maraming taga hanga si Robert Jaworksi at kung saan man siya team nabibilang dahil sa “never-say-die attitude” na ipinapakita nila. Sa maraming pagkakataon, namangha ako sa husay ng ganitong paniniwala. Minsan napanoodko kung paanong nag-alisan ang mga fans sa Araneta Coliseum dahil malaki na ang lamangnang kalaban sa huling dalawang minuto. Subalit maya maya ay nagsisipagbalikan sapagkatmabilis na humahabol ang team ni Jaworkski. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi.

Naalala mo ba ang huling pagkakataon na umayaw ka sa isang hamon? Mayroon bang isanghamon na pinagsisihan mo at hindi mo hinarap?

9

Kung ang bundok ay lubhang napakataas, tila ba mas mainam na lamang manatili sapaanan. Kapag ang suliranin ay gabundok, tila ba ang pag-ayaw ang pinakamadalingsolusyon. Sa mga talunan, mahirap akyatin ang matayog na pangarap. Sapagkat hindisila nakakatiyak ng tagumpay, pipiliin na lamang nila ang tiyak ng kabiguan. Hindi silamagtatangka, ang kung magtangka man ay madali rin aayaw.

Ang champion boxers ay tinatamaan din ng suntok. Bumabagsak din. Nabubugbog din paminsan minsan. Subalit hindi umaayaw. Ang pagbagsak ay hindi pagkatalo. Matataloka lamang kapag ayaw mo na tumayo.

Marami ang naiingit kay Manny Pacquiao, sikat na boksingero at isang bilyonaryo. Marami ang naghahangad na maging kampeon. Subalit hindi nila nakikita angpagpupunyagi, ang pagtitiyaga, ang mahaba at mahirap na pagsasanay para sa 12 rounds na boxing match. Sa laban ni Pacquiao, matalo at manalo, mayaman pa rin. Subalit mas higit sa salapi ay ang maging tagumpay. Ang makamit ang tunay naminimithi.

Subalit kahit paulit-ulitin man, hindi maiintindihan nang mga talunan ang salitangpersistence. Nakaka-adik din ang pagiging takot. Ito ang dahilan kung bakit mas pinipilinang marami ang manatili sa paanan ng bundok at pagmasdan na lamang at humangasa mga matatapang, sa mga may persistence na akyatin ang bundok na kanilangpangarap. Ang mga tamad ay magkakasya na lamang sa mga balato, sa barya, at sapagyayabangan.

We can be successful. We must persist. Kaya natin!

10

Grade one lang ang tinapos koNo read no write pa akoPaano na ngayon ang buhay koIsang kahig, isang tuka, Ganyan kaming mga dukha….

Maliit pa ako nang una kong marinig ang kantang ito ni Freddie Aguilar. Hindi ko na naririnig ngayon si

Freddie, pero ang mga linyang ito ay maririnig pa rin natin sa maraming tao. Mahirap lamang po kasi

kami. Broken family po kasi kami. Hindi po kasi ako matalino. Hindi po kasi ako nakapag-aral. Wala po kasi

akong suwerte sa buhay. Naloko po kasi ako. Tanga po kasi ako.

Makakahanap ang mga talunan ng maraming palusot, maraming dahilan kung bakit hindi sila

nagtagumpay sa buhay. Subalit kung kung bubuksan lamang ang mga mata, ang palusot na ito ay hindi

talaga lulusot. Ang sabi mo Pedro, mahirap daw siya dahil hindi siya nakatapos nang pag-aaral. Subalit

ilan ba ang mga nakatapos sa pag-aaral ang nanatitiling under-earners, mga taong kumikita ng lubhang

mababa kumpara sa kanilang potensyal. At ilan din ba ang mga hindi nakakatapos sa pag-aaral ang siya

ngayong may-ari nang mga malls sa kamaynilaan at mga lider ng industriya? Ang mga tauhan nila

siyempre ay yung mga nakapag-aral.

11

Hindi ko po minamaliit ang edukasyon. Sa katunayan ay nagpunyagi ako na magkaroon ngmagandang edukasyon. At malinaw sa akin ang halaga ng edukasyon. Hindi ako nag-aralpara lamang makakuha ng diploma, hindi para lamang makapagtrabaho.

At sa palagay ko, isa sa mga dahilan kung bakit marami tayong palusot ay sapagkat maramitayong natutunan na maling edukasyon. Gaya halimbawa sa turo nang maraming guro nawalang mangyayari sa buhay mo kapag hindi ka nakapagtapos sa pag-aaral. Tapat anglayunin nang mga gurong ito na hikayatin ang mga mag-aaral na mag-punyagi sa pag-aaral. Subalit hindi nila naisip na marami rin silang hinikayat na maging talunan, ang mga hindinakatapos na naniwalang wala na silang pag-asa sa buhay.

Ang sabi ng talunan, magnenegosyo ako kapag nagkapera ako. Ang sabi ng mganagtatagumpay, magnenegosyo ako para magkapera. Ang mga tulunan ay naghihintay ngsuwerte. Ang mga nagtatagumpay ay gumagawa ng suwerte sa buhay nila. Kung walasilang pera, gagamitin nila ang lakas at talino upang kumita, gaano man kaliit, upang sapagsisikap ay mapalago ang maliit na kapital. Minalas ang talunan. Nagsikap at nag-isip angtagumpay.

Ang sabi ng talunan, mananatili siyang mahirap dahil ipinanganak siyang mahirap. Ang hindialam ng talunan maraming mayaman ang galing sa basurahan, sa walang wala. Peromahirap nya itong maintindihan. Naniniwala siya sa palusot.

Maging ang mga matatalino ay maramin ring palusot. I got an opportunity to train some school principals on leadership. At napailing ako sa katotohanang marami rin sa kanila anglimitado ang pananaw sa buhay. Lubhang mababa ang standards. Mga walang gulugod. Umaasa lamang sa biyaya ni binibigay ni Mayor o ni Congressman. Hindi naghahanap ngparaan para maitaas ang antas ng edukasyon sa paaralang kanilang pinamumunuan. Walaraw pera ang kanilang eskuwelahan. Pero hindi lulusot ang ganitong mga palusot.

12

Hindi lulusot sapagkat may mga prinsipal sa malalayong probinsya naitatanghal at napapapurihan sa mga pahayagan. Nagsikap silang maitaas ang antas o level ngeducation sa eskuwelahang kanilang pinamumunuan. Sa pagtuturo ng Math halimbawa, gumamit sila ng mga bagay na makikita sa kanilang lugar. Nag-isip sila nang mga paraanng pagtuturo na kawili-wili at madaling maintindihan. Sa madaling salita, they focused their attention not on their lack of resources, but on the richness of their resourcefulness. Lossers rise and fall on resources or the lack of it. Winners make do with what they have and make the most of it. That is the miracle of resourcefulness. Ang pagigingmapamaraan ay tinuturo sa mga mag-aaral. Bihira ang natututo sapagkat marami sa mganagtuturo at namumuno ay mga utak talunan.

Maraming palusot subalit hindi lulusot. Hindi lulusot sapagkat sa bawat excuses ay mga winners ka na maaring ituro. Mga taong nagtagumpay sa kabila ng kakulangan. Si Hellen Keller ay bulag, pipi, at bingi. Napatunayan nya na maaring maging matagumpay. Si Doming ay anak mahirap, subalit napatunayan nya na hindi sagabal ang kahirapan. Ang kahirapan ay pang-araw araw na paalala na may kaginhawan sa buhay. Nagsilbiitong inspirasyon sa akin na baguhin ang mukha ng mundo.

Ang pagpapalusot ay hindi nagpapalubag ng kalooban. Maari nating lokohin angkaisipan, subalit hindi ang ating mga damdamin. Maari natin maging bukambibig na hinditayo nagtagumpay dahil napagkaitan tayo ng suwerte sa buhay, subalit hindi nito maaalisang nararamdamang kabiguan. Ang mga talunan ay nakatuon sa palusot. The winners focused on their dreams. And they will do everything to make their dreams realized.

Clarify your purpose. Strengthen your conviction. Persist on doing good. And stop making excuses. Burahin mo sa aklat ng iyong buhay ang mga palusot at ikaw ay magtatagumpay. Maghihhirap, babagsak, gugulong-gulong, subalit hindi mabibigo. Kayamo yan! Kaya natin!

13

Security is mostly a superstition. It does not exist in nature, nor do the children of men as a whole experience it. Avoiding danger is no safer in the long run than outright exposure. Life is either a daring adventure or nothing. - Helen Keller

A journey to a thousand miles begin with a single step. Paulit-ulit natin itongnaririnig. Ilan lamang ang tunay na gagawa. Maraming mga tao ang takot sumubok. Takot silang mapahiya. Takot silang maging katatawanan. Takot silang kutyaain nangkanilang kapwa. Takot silang mawalan ng kaibigan. Takot silang mabigo. And because they don’t take risks, because don’t take the first step, they get only the fruits of their fears.

Bahala na. Mali daw ang ganitong paniniwala ayon sa aking mga naging guro. Dapatdaw tiyak ka sa iyong mga ginagawa. Walang katiyakan ang buhay. Walang tunay nasiguridad. There is no security in playing safe. We have to dare; we have to risk. We have to explore, experience, experiment, and explore some more. As long as you keep on standing where you are, you won’t get to where you want to be.

To take risk is not to gamble. Winners take risk because they fully understand that their destinations is a million times better than their present situations. Bahala na is an affirmation of faith. Bahala na came from “Bathala na!” Ang ibig sabihin, gagawin koang lahat ng aking magagawa at ibubuhos ko ang aking buong lakas. At sa hindi komaabot, ang Bathala na ang magpupuno.

Bathala na. Let go and let God.

14

The most important thing to remember is this: To be ready at any moment to give up what you are for what you might become. Araw araw ay isang paghamon sa atin kung gagawin pa ba natin angmga dati nating ginagawa na hindi naman nagdadala sa atin sa nais natin patunguhan. Ang sabi nangmarami ang dahilan daw kung bakit nanatili sila sa kanilang kinalalagyan ay dahil hindi sila naambunanng suwerte. Palusot! Ang sabi nang marami, kaya daw hindi sila umaalis sa trabahong kinamumuhiannila ay dahil wala silang choice. Palusot! Ang bawat tao ay may karapatang mamili ng buhay na gusto nya. Ang karapatang ito ay hindi ibinibigay nang tao. Ito ay karapatang nakamit nya dahil sa nabuhaysya sa mundong ito. Ito ang kanyang trophy sa pakikipagbuno nang isang sperm cell nang kanyang amalaban sa libo libong iba pa para marating ang egg cell nang kanyang ina. Ang bawat tao ay champion sarace for life bago pa man siya isilang. Yes, we were born champions. Huwag nyo sanang kalimutan.

Mediocrity is a choice. Success is a choice. Prostitution is a choice. Priesthood is a choice. Hell is a choice. Heaven is a choice. And to ignore the truth that you have a choice is your choice!

I like to illustrate this point by sharing with you the poem The Road Not Taken by Robert Frost:

And both that morning equally lay In leaves no step had trodden black. Oh, I kept the first for another day! Yet knowing how way leads on to way, I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh Somewhere ages and ages hence: Two roads diverged in a wood, and I— I took the one less traveled by, And that has made all the difference.

Two roads diverged in a yellow wood, And sorry I could not travel both And be one traveler, long I stood And looked down one as far as I could To where it bent in the undergrowth;

Then took the other, as just as fair, And having perhaps the better claim, Because it was grassy and wanted wear; Though as for that the passing there Had worn them really about the same,

15

Darating tayo sa sangang daan. Darating tayo sa mga panahon na tatanungin natin ang atingmga sarili. Susunod lamang ba tayo sa agos? Gagaya ba tayo sa iba na walang gagawinghakbang? Tayo ba ay magbibingibingihan lamang? Tayo ba ay aasa lamang sa kagandahangloob ng iba at magmamaktol kung hindi tayo bibigyan? Tutulad ba tayo sa iba na maghihintaylamang nang suwerte, o sisihin ang kamalasan o ang Diyos dahil hindi natin nakamtan angtagumpay? Maraming tanong. At tayo lamang ang makakasagot.

Higit na mas marami, 99 sa isang daan ang susunod na lamang sa agos, ang sasayaw sa tugtog, upang matanggap ng iba. Higit na mas marami, 99 sa isang daan ang tatahak sa dating daan, ang muli't muling mabibigo. Subalit may isang maghahawi ng talahiban, gagawa nang bagongdaan. Mas malapit, mas mabilis. Higit na mas marami, 99 sa isang daan, ang magsisi dahil hindisilang nagtangka. Yes, twenty years from now karamihan sa regrets mo ay bunga nang mgabagay na hindi mo ginawa.

Itapon na ang idea that we don’t have a choice. We do. Nakakalungkot na kinakalimutan natin itohabang tayo ay nagkakaedad. We lost our faculty of wonder. We lost our ability to appreciate the possible.

I was a scout master. I learned from kids the value of taking risks. During a camp, I saw a four year old girl courageously crossed rope bridges. Tuwang tuwa siyang nakatapos. Pero huwag poninyong ipagkakamali na wala siyang takot dahil siya ay bata pa. Nakakatakot malaglag. Nakakatakot madulas. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Ang takot sa kanyang mga mata. Pero humahakbang siya. Samantalang may ilang boy scouts, edad sampu hangganglabingdalawa, na naiiyak sa takot. Naiihi. At hindi umaalis sa dulo ng tulay na lubid kung saan silanaroon. Lumilipas ang oras, naiinip ang lahat, subalit hindi kikilos, hindi susubok dahil sa takot. Mga karanasan na hindi nila malilimutan. Marami silang naging palusot, mga dahilan kung bakithindi nila nagawang tumawid. Subalit hindi nila kaylaman maloloko ang kanilang sarili. Hindi silanakarating sa kabilang dulo dahil hindi sila humakbang, hindi sila sumubok.

16

Courage is not the absence of fear. Courage is courage because of the presence of fear. Courage is nothing but the decision to take risk, to do your first step, your second step, your thousandth step in the face of fear. Do what you fear. Do what others think to be impossible. Take risk.

Gamitin natin ang ating talino. Hanapin natin, hindi ang pinakamadali at pinakamalinis na daan. Hanapin natin ang tamang daan. At kung hindi natinmakita ang daan, tayo ang gagawa nang daan. Tayo ang hahawi nang masukal na damuhanupang makita ang lubhang mas mahusay at mabilis na daan. Bathala na ang magpupuno kung saan tayo magkukulang.

Lumilipas ang oras. Why spend your time staying where you are at now when you can invest it on getting where you want to be. Be clear about what you want. Have the conviction to get there. Take the first step. Take risk.

Bahala na!Kaya mo yan!Kaya natin!

17

Experience is the best teacher. Tama po. Pero marami sa atin ang hindi natuto sa mga aralng karanasan. Maraming tao ang hindi umaalis sa multo ng nakaraan. Pinipili nilang gugulinang ngayon sa pag-aalala sa mga nakalipas. Ang tanging halaga lamang po nang nakalipasay ang mga aral na makukuha natin mula rito. With right attitude, past failures become the best teachers. With wrong attitude, past failures are monsters. Ang mahusay na estudyante ngbuhay ay marunong makinig sa kanyang karanasan.

Sa mata ng mga nagtagumpay ay pagkakamali ay hindi kabiguan. Isa itong detour, hindi dead end. Isa itong pagkaantala, hindi pagkatalo.

Ang kasabihang pinoy na “ tumatanda na walang pinagkatandaan” ay puno ng kahulugan nakung ating mauunawaan ay magtuturo sa atin nang mahalagang aral sa buhay. Angpaghahanap nang tagumpay ay katulad nang paghanap sa isang lugar. Mas mabilis mongmahahanap ang iyong patutunguhan ko matatandaan (remembers) and mga tanda (street signs, landmarks, and others). Sa ganoong paraan, hindi ka na muli pang babalik sa mgamaling landas sapagkat gagabayan ka nang mga tanda. Kung ikaw ay pabalik-balik lamang saisang lugar, alam mong ikaw ay naliligaw. Lumilipas ang oras, lumulubog na ang araw, subalithindi mo pa rin nahahanap ang nais mong patunguhan sapagkat wala kang pinagkatandaan.

18

Magandang halimbawa ang pagnenegosyo. Ang pagkakamali sa isang negosyante ay maaringmangahulugan ng milyon milyon. Sa isang baguhan pa sa larangan ng negosyo, ang bawathakbang ay dapat na tama lamang, hindi dapat sumablay. Ito rin ang inakala ko dati.

Nang maspasya ako na umalis sa akademya at subukang i-package ang aking sarili bilang isangmotivational speaker dala dala ko ang kaisipan nang isang mahusay na guro. Sa isip ko, hindidapat ako magkamali. Ginugol ko ang aking oras sa pagpapaunlad nang aking kaalaman sanegosyo, sa paggawa ng business at marketing plan, at sa pagpapaunlad nang aking kakayananbilang isang speaker. Masasabi kung isa ako sa may pinakamalawak na kaalaman sa mgapaksang leadership, communication, at personal development kung ang pagbabatayan ay daminang aklat na nabasa ko sa loob ng limang taon. Hindi bababa sa limang libro sa isang linggo saloob ng limang taon. Maraming mga guro.

Ngunit ang mas mahusay pa rin ay ang mga pagkakamali. Mahusay itong magturo sapagkat hindimo makakalimutan. Sinusubok nang pagkakamali ang bawat teorya at mga haka haka. Ipinapakita nang pagkakamali na maari kang malugi, mawalan ng pera, at magutom. Dalawangbeses na akong nagtangka na magtatag nang isang isang consulting company. Dalawang besesna rin akong nalugi. At iniinda ko pa rin ang sakit na dulot nang mga pagkaluging ito. Maramiitong aral na itinuro sa akin. Mga aral na hindi mo mababasa sa libro. Subalit ang pagkakamalingito ay mas mahusay pa sa isang MBA Degree. Mahal ang tuition sa pagkakamali. Subalit kongmakikinig ka at matuto sa kanyang mga aral, magtatapos kang valedictorian nang buhay.

19

You learn faster when you learn from your mistakes. Be thankful for the mistakes in your life. Only through remembering them that you can avoid or eliminate them. Maraming tao ang ayawmagkamali. Kaya hindi na lamang sila kumikilos. At iyon ang gabundok na pagkakamali. Make more mistakes. Some people live and learn. Others simply live. Live more and learn more. Learn from your mistakes.

Ang mga pagkakamali na wala tayong natutunan ang tunay na pagkakamali. Ang sabi nang iba, nauulit lamang daw ang kasaysayan. Sa tingin ko, hindi nauulit ang kasaysayan. Ang nauulitlamang ay ang mga pagkakamali sapagkat marami pa rin sa atin ang hindi natuto mula sa atingmga karanasan.

Magkasingdami lang ang mga pagkakamali nang mga kampeon at mga talunan. Ano angpagkakaiba? Madaling tinatanggap nang mga kampeon ng buhay ang kanilang mga pagkakamali, tinatawanan na lamang, at natututo mula sa mga pagkakamali. Ang bayani lalong tumatapanghabang nasusugatan. Ang mga duwag ay tumatakbo at napapaslang kapag naabutan. Isa ka bang bayani o isang talunan? Paano mo haharapin ang susunod mong mga pagkakamali?

Kaya mong matuto mula sa iyong mga pagkakamali.

Kaya mo yan!Kaya natin!

20

7. Wala silang disiplinaMadaling malaman ang isang talunan. Hindi mo na kailangan na basahin ang kanilang mga isip. Hindi mo kailangan usisain sila. Malalaman mo kung paano nila tinitingnan ang buhay. Pagmasdanmo lamang kung paano siya nabubuhay araw-araw. Ang mga talunan ay mga walang disiplina.

Katulad siya nang isang guro na nagtuturo nang walang ginagamit na lesson plan. Ala-tsamba nalamang. Ang katwiran nya, sampung taon na siyang nagtuturo. Pawang kayabangan. Puno nangkamangmangan. That teacher does not have the discipline of a teacher. True teachers strive to grow up everyday, learn new things about the world and themselves, because they are not teaching for the past, they are teaching for the present and for tomorrow. They cannot repeat for the people in front of them today are different human beings with many different motivations. Teaching is about preparation and a teacher who does not fully prepare definitely does not have a place in a classroom. Ang mahusay na guro ay marunong sumunod sa mga prinsipyong kanyang itinuturo.

Katulad sila ni Homer na isang empleyado. Masasabing talentado siya. Mahusay siyang magsalitaat makiharap sa mga tao. Magaling siyang magbenta ng kanyang produkto. Kay pinagkatiwalaansiyang mamahala nang 28 na tao. Mga taong ngayon ay umaasa sa kanyang mga direksyon at payo. Subalit palagi siyang huli kung pumasok. Liliban sa trabaho kung may kunting aberya sapamilya, sa kalsada, at sa lagay na panahon. Pabaya sa kanyang tungkulin. Hindi maaasahan. Ilanlamang ito sa mga palatandaan na ang tao ay walang disiplina.

Discipline is being what you ought to be and doing what you ought to do. Successful people are disciples, followers, of the highest order. They don’t have to be told or to be watched because they are disciplined people.

21

My will shall shape the future. Whether I fail or succeed shall be no man's doing but my own. I am the force; I can clear any obstacle before me or I can be lost in the maze. My choice; my

responsibility; win or lose, only I hold the key to my destiny. -Elaine Maxwell

Naala ko si Strawberry. Isang secretary sa isang opisina sa Makati. Maganda at mahusay manamit. Nangagarap na makapunta sa Estados Unidos at magkaroon nang negosyo dito sa Pilipinas.. Pero kung hindi siya magbabago, malamang maging kabilang siya sa talaksan nang mga talunan. Maliit lamang angkompanya na kanyang pinapasukan at sumusweldo lamang siya nang sampung libo isang buwan. Sa tuwing maiiwan siyang mag-isa sa opisina, she spends most her time visiting her Facebook and Friendster accounts, and chatting with one of her boyfriends through Skype. Alam nang boss nya itobecause she is using her boss's computer. May history ang bawat browser. Maraming katulad niStrawberry sa mga opisina. They don't earn for you but expect you to increase their salary because they don't have enough. Ganyan ang mga taong walang displina. Gustong makaisa. They are not disciples of high ideals. They are slaves to their appetites.

Ang mga baguhang artista na walang displina ay nalalaos bago pa man sumikat. Ang boksingerong walang disiplina ay natatalo na bago pa man umakyat sa ring.Ang empleyadong walang disiplina ay magpapalipat lipat, walang asenso, at pabigat sa katrabaho.Ang taong walang disiplina ay dadamputin sa kangkongan.

Mahalaga sa ating mga Pilipino ang sumunod sa kung ano ang mabuti at tama. Sumunod sa batastrapiko. Magbayad ng tamang buwis. Maging makatarungan sa lahat ng tao. Magtrabaho nang tapat.

Mahalaga sa atin na paunlarin ang disiplina sa ating mga sarili. Ang pagsunod sa tama at lalong mabutisaan man tayo naroon sa lahat nang pagkakataon. Ang kawalan ng disiplina ay kumunoy nang kabiguan. Ang pagkakaroon nang disiplina ay hagdanan sa tagumpay.

Kaya mo yan! Kaya natin!

22

Tapatan tayo.

Mamahalin mo ba, o makikisama ka ba sa isang tao na ang papel yata sa mundo ay ipaaalalasayo na hindi ka perpekto?Sa kunting pagkakamali, madali nyang pinupuna ang mga kilos mo. Hindi ka raw maayos manamit. Mali daw ang pronunciation mo. Lumalaki daw ang bilbil mo. Namumula ang pimples mo sa tungki ng ilong mo. Kesyo malaki raw ang tenga mo. Mali maliraw ang grammar mo. Wala kang pag-asa na magtagumpay sa buhay dahil Pangit ka. Pangitka. Pangit ka!

Kung hindi ka masokista, nakakatiyak ako na hindi mo nanaisin makita, makasama, o mamahalin ang mga taong ganito. Kaya huwag ka magtaka kung bakit may mga talunan. Marami sa mga talunan ang ganito ang ugali sa kanilang mga sarili. Hindi kataka-taka kung bakit wala silang respeto sa kanilang mga sarili.

What does your self-talk reveal about you? If someone in your life talk to you like the way you talk to yourself, would you stay with them? More important that your self-esteem is your self-respect. Sabi nga sa dakilang aral, "mahalin mo ang iyong kapwa gaya nang pagmamahal mo sa iyong sarili". Paano mo mamahalan ang iyong kapwa kung hindi mo minamahal ang iyongsarili.

23

Ang paggalang sa sarili ay pagkilala sa kung sino ka talaga at kung ano ang iyong halaga. Subalit marami sa atin, kapwa nakapag-aral at mangmang, ay nangangapa pa rin sa dilim.

Sa napakaraming pagkakataon, may mga nakausap akong mga tao na nagsasabing hindi nanila mababago ang kanilang ugali at pagtingin sa kanilang sarili. Ganuon na daw talaga sila. Namamali po sila. Maari pong magbago ang tao. Maari pong maibalik ang respeto sa sarili. We only need to recognize the obvious.

We cannot be like anybody. You can only be you. That you who is unique. That you who is valuable. We heard people say that no one in this world is indispensable. You don't dispense people. You cannot replace people. You can only change your relationship with them, but you cannot erase them. You are irreplaceable too. The world needs your gift. But first, you have to recognize your importance. Recognize who you truly are, the hero, the miracle maker.

Think about the best version of you. You can be that person everyday. Talk like your best version. Think like your best version. Walk like your best version. Work like your best version. Appreciate like your best version.

At kapag nakilala mo nang lubos ang iyong sarili, magliliwanag ang iyong isipan sa misyon mo sa buhay, lalawak ang iyong mga pangarap, dagli kang babangon kapag nadadapa, iiyak at tatawa sa iyong mga karanasan, mamahalin mo ang iyong kapwa gaya nang pagmamahal mo sa iyong sarili.

Kaya mo yan!

Kaya natin!

24

25

Visit and share to your friends all the worth-reading articles..


Recommended