Transcript

Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng

Katutubo

Mayroon ng sining at Panitikan ang mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila.

May sariling pamahalaan (barangay), batas, sining, panitikan at wika ang mga katutubo noon.

Mga biyas ng kawayan, dahon ng palaspas at balat ng punongkahoy ang pinakapapel nila noon.

Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal (lanseta)

Ang mga gawa ng mga katutubo noon ay

sinunog ng mga Kastila dahil ito daw

ay gawa ng demonyo.

Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604).

Sinabi niya na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinawag na Baybayin.

• Baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo.

- Binubuo ito ng labinpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labinapat (14) na katinig.

Kung nais bigkasin ang katinig kasama ang /e/ o /i/, nilalagyan ng tuldok sa itaas.

Kung nais bigkasin ang katinig kasama ang /o/ o /u/, nilalagyan ng tuldok sa ibaba.

Kung nais kaltasin ay ang anumang patinig kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng kruz (+) pananda sa pagkaltas ng huling tunog.

Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit (//) sa dulo ng pangungusap hudyat ng pagtatapos nito.

Teorya tungkol sa mga Taong

Unang Nanirahan sa

Pilipinas

Marami ang nabuong alamat at teorya

hinggil sa unang taong nanirahan sa Pilipinas.

Teorya ng Pandarayuhan ni Dr. Otler Beyer

Isang Amerikanong AntropologoKilala din ang teoryang ito bilang wave migration theory.

Ito ay sumikat noong 1916.Sabi ni Beyer, may tatlong grupo ang nagpasimula ng lahing Pilipino: Negrito, Indones, at Malay.

Nasira ang teorya ni Dr. Beyer dahil nakakita ng bungo at isang panga ang pangkat ng arkeologo na pinangunahan ni Dr. Robert B. Fox sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.

Pinatutunayan ng bungong ito na mas nauna ang grupo ng tao nito o yung lahi nito kaysa sa Malaysia na sinasabing pinanggalingan ng mga Pilipino.

Tinawag nila itong Taong Tabon.

Nanirahan sila sa yungib may 50,000 taon nang nakakaraan.

May nakuha ring bakas ng uling na nagpapatunay na marunong magluto ang mga sinaunang tao sa Pilipinas.

Pinatunayan ni Landa Jacano sa kanyang pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center of Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahi ng Pilipino.

Ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa homo sapiens o modern man at ang taong Java na kabilang sa Homo erectus.

Natagpuan ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa sa kuweba ng Callao, Cagayan.

Sinasabing mas matanda pa daw ito sa Taong Tabon at nabuhay ito 67,000 taon na nakakalipas.

Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong AustronesyanoAng mga Pilipino daw ay

nagmula sa lahi ng mga Austronesian.

Ito ay hango sa salitang Latin na auster na ibig sabihin ay “south wind” at nesos na nangangahulugang isla.

Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiyang Timog-Silangang Asya, nagmula ang mga Austronesian sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nustantao.

Dahil sa kalakalan, migrasyon at pag-aasawa kaya kumalat ang lahing ito sa iba’t ibang rehiyon.

Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong AustronesyanoAyon kay Peter Bellwood ng Australia

National University, ang lahing ito ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan at nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C

Kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig.

Ang mga Austronesian ang kinikilalang nagpaunlad ng rice terracing.

Naniniwala din ang lahing ito sa mga anito.

Naniniwala din sila sa paglilibing ng bangkay sa banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.


Recommended