Download pptx - Kabihasnang Greek

Transcript

Kabihasnang Greek

Heograpiya ng Greece

Mabundok

May liku-likong mga baybayin

Ang klima ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo at barley.

Ang Panahong Hellenic(800 B.C.E. – 338 B.C.E.)

Hellene – katawagan ng mga Greek sa kanilang sarili . Hango ito sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.

Panahong Hellenic – panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greece hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E.

Ang Polis

Polis – Ito ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na mga lungsod-estado o city state dahil malaya at may sariling pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod.

Acropolis – ang pinakamataas na lugar sa lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.

Acropolis ng mga Athens

Agora – isang bukas na lugar sa gitna ng lungsod kung saan maaaring magtinda o magtipon-tipon ang mga tao.

Athens: Isang Demokratikong Polis

Athens at Sparta – dalawang malalakas na

lungsod-estado na naging tanyag sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens samantalang sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito.

Oligarkiya o Oligarchy – Isang uri ng pamahalaan na binuo ng mga tag-Athens kung saan ang pamumuno ay hindi sentralisado at sa halip ay binubuo ng mga lupon ng mga dugong-bughaw upang palitan ang hari.

Mula 594 B.C.E., pinalawig nina Solon, Pisistratus, Cleisthenes, at Pericles ang pamahalaan ng nakararami o democracy.

Council of 400 – binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa apat na pangunahing tribo ng Athens na nilikha ni Solon.

Pisistratus – ipinagtanggol niya ang katayuan ng mga mahihirap.

Ostracism – isang sistema na sinimulan sa panahon ni Cleisthenes na kung saan pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib para sa Athens.

Direct Democracy – isang sistema ng pamamahala kung saan direktang kabahagi ang mga taga Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan .

Sa panahon ni Pericles, naranasan ng Athens ang tugatog ng demokrasya. Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.

Sparta: Isang Mandirigmang Polis

• Nanatili ang Sparta na isang oligarkiya at isang estadong militar. Layunin nito na lumikha ng malalakas at magagaling na sundalo.

Ang Banta ng Persia

Nakailang ulit na tinangka ng Persia na sakupin ang Greece. Nanguna ang athens at Sparta sa pakikidigma sa Persia.

Cyrus the Great – noong 546 B.C.E., sinalakay niya ang Lydia sa Asia Minor. Humalili sa kanya kalaunan ang anak niya na si Darius I.

Ang Digmaang Graeco-Persia(499 B.C.E. – 479 B.C.E.)

o Noong 490 B.C.E., tinangka ng plota ng Persia na salakayin ang Athens. Pumunta ito sa Marathon Bay na 25 milya lamang ang layo mula sa Athens. Bagamat hindi dumating ang tulong na hiniling ng Athens mula sa Sparta, nanalo pa rin ang hukbo ng Athens.

o Xerxes – anak ni Darius I ay tinangkang pabagsakin ang Athens. Noong 480 B.C.E., tinalo ng kanyang hukbo ang puwersa ng Sparta sa Thermopylae.

Ang Digmaang Peloponnesian(431 B.C.E. – 404 B.C.E.)

• Delian League – isang malawak na pederasyon na kung saan sinikap ni Pericles ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado sa Greece.

• Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong kapakanan, ang Delian League ay hindi ganap na napabuklod ang mga lungsod-estado sa Greece. Sa halip, ito ay naging daan sa pagpapalawig ng imperyong pangkalakalan ng Athens.

• Noong 431 B.C.E., sumiklab ang Digmaang Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa Athens.

•Noong 404 B.C.E., tinalo ng Sparta ang Athens.

• Nagpatuloy ang alitan sa iba’t-ibang lungsod-estado at bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa Labanang Leuctra noong 371 B.C.E.

• Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at watak-watak.

Imperyong Macedonian(336 B.C.E. – 263 B.C.E.)

Philip II – Hari ng Macedonian na nagnais na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikidigma.

Alexander the Great – Naging tanyag na lider ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334 B.C.E., pinangunahan niya ang isang hukbo na lumusob sa Kanlurang Asya.

KABIHASNANG GREEK

Umunlad ang kabihasnang Greek sa dalawang yugto. Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Greek. Ang ikalawang yugto ay ang Panahon ng Hellenistic . Ang paghahalo ng kultutrang Silangan at Kanluran ay nagbunga sa bagong kultura na tinawag na Hellenistic.

PANANAMPALATAYAAng tradisyunal na pananampalataya sa Greeceay ang pagsamba sa iba’t ibang diyos sapangunguna ni Zeus. Ang iba pang diyos at diyosang mga Greek ay ang mga sumusunod:• Hera - diyosa ng pag-aasawa;• Hestia – diyosa ng Hearth;• Hephaestus – diyos ng apoy, bakal at

pagpapanday;• Hades – diyos ng underworld at mga patay;

• Poseidon – diyos ng karagatan;• Apollo – diyos ng araw;• Aphrodite – diyosa ng pag-ibig;• Ares – diyos ng digmaan;• Artemis – diyosa ng buwan, pangangaso at

panganganak;• Athena – diyosa ng karunungan, digmaan at

tagumpay;• Demeter – diyosa ng butil at ng ani;• Dionysus – diyos ng alak at ng ubas; at• Hermes – tagapaghatid ng balita ng mga diyos.

ARKITEKTURALayunin ng arkitektura ng Greek na parangalan ang mga

diyos. Ang pinakamagandang gusali na itinayo ng mga Greek

ay ang ang mga templo. Ang mga ito ay gawa sa marmol na karaniwang kulay puti.

Parthenon – isa sa pinakatanyag na templong Greek na itinayo sa pagitan ng 447 B.C.E at 432 B.C.E

Doric – pinakasimple at walag disenyo.

Ionic – mas manipis at may disenyong mga scrolls sa mga dulo.

Corinthian – may pinakamagarbong disenyo sa lahat.

ESKULTURA Hangad ng mga eskultor ng Greece na lumikha ng mga pigura na ganap at eksakto ang hubog, ang mga mukha ay hindi nagpapakita ng galit o pagtawa, tanging katiwasayan lamang.

Phidias - pinakatanyag na eskultor na humubog sa higanteng estatwa ni Athena para sa Parthenon.

PAGPIPINTA

Ipinakita ng mga Greek ang kanilang kahusayan sa pagpipinta sa magaganda nilang palayok.

Ang karaniwang disenyo nito ay pang-araw-araw na gawain tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumentong pangmusika, pagligo at iba pa.

DULA AT PANITIKANDrama - isang uri ng palabas sa entablado na bahagi ng mga ritwal sa pista alay kay Dionysus, ang diyos ng alak.

Tragedy - isang uri ng drama na naglalarawan ng pagbagsak ng tao dahil sa pagiging mapagmataas o mapagmalaki.

Comedy - isa pang uri ng drama na karaniwang ukol sa politika na inilalahad sa nakatatawang pamamaraan.

Aeschylus, Sophocles, at Euripides – pinakatanyag na manunulat ng Tragedy

Aristophanes – pinakatanyag na manunulat ng Comedy

Sa panitikan, naging tanyag ang mga Greek sa larangan ng tula.

Pindar – sumulat ng mga tula alay sa mga nagwagi sa mga palaro sa Olympia.

Sappho – isang manunulat ng tula na pag-ibig at pakikipagkaibigan ang tema.

Epiko o Epic - mga mahahabang tula na naglalarawan ng mga ginawa ng mga bayani.

PILOSOPIYA

Socrates, Plato, at Aristotle - Ang tatlong pinakamagaling na pilosopo ng kabihasnang Greek.

Ayon kay Socrates, “The unexamined life is not worth living.”

Si Plato ang nagsulat ng akdang The Republic, dito inilarawan niya ang isnag ideyal na estado. Sa paniniwala niya, tanging mga pilosopo lamang ang maaaring maging matalino at magaling na pinuno.

Pinag aralan naman ni Aristotle ang mga hayop, halaman, astronomiya at pisika at nagsulat ng akdang Politics, kung saan tinignan niya ang iba’t-ibang uri ng pamhalaan.

PAGSULAT NG KASAYSAYAN Herodotus – unang gumamit ng salitang history nang sinulat niya noong 440 B.C.E ang History of the Persian Wars bilang isang ulat ng mga kaganapansa digmaan ng Greece at Persia. Dahil dito, kinilala siya bilang “Ama ng Kasaysayan”.

Thucydides – isa pang sumulat ng kasaysayan, ang History of the Peloponnesian War na sinimuan niya noong 431 B.C.E.

AGHAM Pythagoras – pinaunlad niya ang prinsipyo ng geometry na taglay ang kanyang pangalan, ang Pythagorean Theorem.

Archimedes – tinantiya niya ang paraan ng pagsukat ng circumference ng isang bilog at natuklasan din niya ang prinsipyo ng specific gravity.

Euclid - ang kinilalang “Ama ng Geometry.”

Aristarchus - ang nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot ito sa sarili niyang axis.

Eratosthenes – nakagawa ng halos tumpak na tantiya ng circumference ng daigdig.

Democritus - nagpanukala na ang lahat ng bagay ay binubuo ng maliliit na sangkap na tinatawag na atom.

MEDISINA Hippocrates – itinatag ang isang paaralan para sa pag-aaral ng medisina. Gumamit siya ng siyentipikong pamamaraan sa pagkilala at paggamot ng sakit at ayon sa kanya ang bawat sakit ay may likas na sanhi. Hippocratic Oath – ang sinumpang pangako ng lahat ng mga magtatapos sa pag-aaral ng medisina na nilikha ni Hippocrates. Ang kaalaman tungkol sa katawan ay pinaunlad nina Herophilus, “Ama ng Anatomy” at Erasistratus, ang “Ama ng Physiology.”

YUN LAMANG PO AT

MARAMING SALAMAT !!!