Download ppt - Epiko at Pangngalan

Transcript

EPIKOAng epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Mga halimbawa ng Epiko sa Pilipinas

• LUZON

–Hudhud (Ifugao)

–Biag ni Lam-ang (Ilokano)

–Ullalim (Kalinga)

–Ibalon (Bicolano)

• VISAYAS

– Hinilawod (Hiligaynon)

– Humadapnon (Panay)

– Labaw Donggon

– Maragtas

• MINDANAO

– Bidasari

– Darangan

– Indarapatra at Sulayman

– Tulalang

– Tuwaang

• nagulumihanan

• bulwagan

•mabunyi

• kinikimkim

• katipan

•mabagsik

• pumailanlang

PANGNGALAN

salita o bahagi

ng pangungusap na

tumutukoy sa ngalan ng tao,

bagay, pook, hayop, at

pangyayari

PANGNGALANG PANTANGI

• mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari

• Tinitiyak na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba

Hal.

Jose Rizal, Luneta, Bathala, Pasko

PANGNGALANG PAMBALANA

• mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa

Hal.

bayani, parke, bundok, relo

BASAL

• pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian

• Tumutukoy sa hindi materyal na bagay kundi sa diwa o kaisipan

Hal.

yaman, buhay, lakas, tapang

TAHAS

• pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal

• Tumutukoy sa mga materyal na bagay

Hal.

tubig, bundok, pagkain, tunog

HANGO

• pangngalang nakabatay sa isang salitang basal

• Maylapi

Hal.

kaisipan, kalungkutan, salawikain,

katapangan

PATALINGHAGA

• pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang

Hal.

buwaya (imbis na kurakot)

langit (imbis na ligaya)

PALANSAK

• Pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan

Hal.

hukbo, kumpol, madla, kapuluan

DI-PALANSAK

• Pangngalang tumutukoy sa bagay na isinasaalang-alang nang nag-iisa

Hal.

tao, bulaklak, diwata, aso

PANLALAKI

• tumutukoy sa tao o hayop na lalaki

Hal.

sastre, hari, tatay, ginoo, pari

PAMBABAE

• tumutukoy sa tao o hayop na babae

Hal.

reyna, nanay, binibini, madre

DI-TIYAK

•maaaring tumutukoy sa lalaki o babae man.

Halimbawa:

magkaibigan, guro, magulang, bata

WALANG KASARIAN

• tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari, at iba pang walang kasarian.

Halimbawa: damit, telepono, parke, kaarawan

PAHALANG5. nakabatay sa salitang basal na may panlapi6. tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan8. hindi materyal na bagay kundi mga diwa at kaisipan9. mga tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari10. lalaking mananahi12. tawag sa babaing wala pang asawa13. asawa ng hari

PABABA1. babaing mananahi2. malaking hayop na may mahabang ilong3. Pilipinas, India, Thailand, Malaysia, Singapore4. ang asawa ng iyong ina5. kalipunan ng mga sundalo7. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Lapu-Lapu, Marcelo H. Del Pilar9. pook pasyalan11. Philippine Normal University, University of the Philippines, De La Salle University

  1   2         3                  

            4       5              

                                   

      6                   7        

                    8              

                                   9                       10          

                                   

        11   12                      

                                   

                                   

                                   

  13