Download docx - Ekonomiks aralin 5 and 6

Transcript

ARALIN 5ANG IMPORMAL NA SEKTOR: MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA

PANIMULAAng pagkamit ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan. Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan.

ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG1 Economic Development Model ni W. Arthur Lewis

Impormal Na Sector uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).

1970’s pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart

Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana.

International Labour Organization (ILO)sinang-ayunan ng International 2 First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972

Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.

Ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor.

15th International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, SwitzerlandILO: ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng:

o mababang antas ng organisasyon o hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayano napakaliit na antas ng produksiyon

Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.

3 Noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3

milyong katao.

Noong Abril 2008, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector

operator. Sa kabuuang bilang na ito,

o 2/3 ay mga kalalakihan o ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas.

4 Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA) “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.

5 Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.

6 IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa,

ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

7 Sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.

Halimbawa Ng Mga Kabilang Sa Sektor Na Ito: mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor) pedicab driver karpintero mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum)

Kabilang Din Sa Sektor Na Ito Ang Mga Gawaing Ipinagbabawal Ng Batas: Prostitusyon ilegal na pasugalan pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc (DVD)

Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor: Hindi nakarehistro sa pamahalaan; Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor. Ito ay nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig.

8 Hedayet Ullah ChowdhuryAssistant ProfessorKazakhstan Institute of Management, Economics, and Strategic ResearchSa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal of Development, “ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba’t ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.”

Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa EkonomiyaSinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Ilan sa mga dahilan:

Ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay Hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa

Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina Balitao et al.,

DAHILAN KUNG BAKIT PUMAPASOK ANG MGA MAMAMAYAAN SA IMPORMAL NA SEKTOR: Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan; Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang

tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan; Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad

nang maayos; Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; at Mapangibabawan ang matinding kahirapan.

Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal na sektor.

Ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon.

EPEKTO SA EKONOMIYA NG IMPORMAL NA SEKTOR: Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro,

hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.

Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan .

Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa:

Prostitusyon Pagbebenta ng ipinagbabawal na gamo Ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan Pamimirata partikular na ang software piracy

Ayon sa Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamay-ari nito (Intellectual Property Rights---IPR).

MGA BATAS PANG-EKONOMIYA KAUGNAY SA IMPORMAL NA SEKTOR

1. REPUBLIC ACT 8425: Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Nilagdaan: Disyembre 11, 1997 Ipinatupad: Hunyo 3, 1998

Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal.

Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 8425 MGA BUMUBUO SA BASIC AT DISADVANTAGED SECTORS NG LIPUNANG PILIPINO :

Magsasaka Mangingisda Manggagawa sa pormal na sector Migrant workers (OFW) Kababaihan Senior citizens Kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong

gulang) Mga bata (minors - 18 taong gulang pababa)

Urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang mababa)

Mga manggagawa sa impormal na sector Mga katutubo Mga may kapansanan (differently-abled

persons) Non-governmental organizations (NGO’s) Mga kooperatiba

2. REPUBLIC ACT 9710: Magna Carta of WomenNilagdaan: Agosto 14, 2009

Ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW).

Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran. Inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan Kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng:

o Karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawao katiyakan para sa kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yamano abot-kayang pabahayo pagpapanatili ng kaugalian o Pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba pang panlipunang aspekto.

Ang batas na ito ay malaking tulong sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National Statistics Office (NSO), halos kalahati ng mga bumubuo sa sektor na ito ay kababaihan.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442: Philippine Labor CodeNaisabatas: Mayo 1, 1974Pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na manggagawa”---

mga industrial homeworker kasambahay

batang manggagawa kababaihan

---na kabilang sa impormal na sectorBook 2, Title II of the Labor Code, ito ay may probisyon tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan.

4. REPUBLIC ACT 7796: Technical Education and Skills Development Act of 1994Nilagdaan: Agosto 25, 1994Layunin nito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng:

Industriya Paggawa lokal na pamahalaan

teknikal bokasyonal

--na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa. Itinalaga ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong teknikal.

5. REPUBLIC ACT 8282 Social Security Act of 1997 Tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga

manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan.

Upang maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security System (SSS)

Social Security System (SSS) bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga personal na kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa oras ng kanilang pangangailangan.

6. REPUBLIC ACT 7875 National Heath Insurance Act of 1995Naging batas: Pebrero 7, 1995Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program.

Maliban pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para sa mga partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng:

Magna Carta for Small Farmers (R.A. 7607) Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977) Barangay Microbusiness Enterprises Act (R.A. 9178)

PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAAN Para Sa Mga Mamamayan Na Bumubuo Sa Impormal Na Sektor:1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)Ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.

2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K) Pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s).

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay. Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda at kanilang pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing pangkabuhayan na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)Programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit na sitwasyon.

Bernardo Villegas, isang kilalang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa ng mga tao ang lumabag sa batas kaysa magutom o mamamatay”. Kung kaya’t, upang maiwasan ito, marapat lamang na ang mga mamamayan at pamahalaan ay magkaisa para sa implementasyon ng mga magagandang batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng lahat.

IMPORMAL NA SEKTOR Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa pagpapatakbo ng negosyo.

BUREAUCRATIC RED TAPE Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan.

BUWIS Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan upang maisagawa ang mga program at proyektong panlipunan.

QUALITY CONTROL Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa mamimili laban sa mga depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta sa kanilang kapahamakan.

SOFTWARE PRIVACY Ito ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga pelikula, musika, at iba pa sa anyong CD, VCD, o DVD.

SOCIAL REFORM AGENDA Ang programa ng pamahalaan, ayon sa itinatadhana ng R.A. 8425, na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor.

KABABAIHAN Batay sa pag-aaral at sarbey sila ang bumubuo sa halos kalahati ng kabuuang populasyon ng impormal na sektor.

PHILIPPINE LABOR CODE Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. TESDA Ang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong teknikal at kasanayan sa mga

Pilipino. PHILHEALTH PROGRAM Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan, o serbisyong

medikal para sa mga manggagawa.

1. (ILO)Labour Organization 2. (NSO) National Statistics Office 3. (ISS)Informal Sector Survey 4. (LFS) Labor Force Survey 5. (NEDA)National Economic and Development

Authority 6. (LFS)Labor Force Survey 7. (PDI)Philippine Daily Inquirer8. (NGO) Non-government organization 9. (CD) Compact disc 10. (DVD)Digital video disc 11. (IPR)Intellectual Property Rights 12. (SRA) Social Reform Agenda 13. (NAPC) National Anti-Poverty Commission 14. (OFW) Overseas Filipino Workers15. (NCRFW) Commission on the Role of Filipino

Women 16. (PCW)National Philippine Commission on

Women

17. (CEDAW)Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s

18. (TESDA)Technical Education and Skills Development Authority

19. (SSS) Social Security System 20. (Philhealth) Philippine Health Insurance

Corporation 21. (DILP)DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD

PROGRAM 22. (DOLE)Department of Labor and Employment 23. (SEA-K) SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE

KAUNLARAN PROGRAM 24. (DSWD) Department of Social Welfare and

Development 25. (ISLA)INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD

ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS 26. (CWP)CASH-FOR-WORK PROGRAM

ARALIN 6ANG PILIPINAS AT ANG KALAKALANG PANLABAS

“No man is an island.” Nagpapatunay ito na sa buhay ay kailangan natin ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma sa tao kundi maging sa isang bansa.

ANG PRINSIPYO NG KALAKALANG PANLABAS Isang batayang katootohanan na may mga produkto at serbisyong hindi kayang matugunan sa loob ng isang lokal na pamilihan ng isang bansa.

Oxford Dictionary of Economics, ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa. Pangunahing layunin nito ay matugunan ang mga pangangailangan. Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang maisagawa ang produksiyon.

Sistemang Barter, ang batayan ng pagpapalitan ng kalakal o produkto ay nakabatay ayon sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang bansa.

Ang absolute advantage at comparative advantage theory ang nagiging basehan ng mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan.

Export ay tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan Import ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa ibang bansa.

Absolute advantage theory ni Adam SmithIto ay kaalinsabay ng pagkakalathala ng kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” noong 1176Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay dapat na magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto. Subalit, paano malalaman ng isang bansa kung anong produkto o serbisyo ang dapat niyang pagtuunan o pagkadalubhasaang iprodyus?

Iba’t ibang kasanayan ang kailangan upang makapagprodyus ng mga nabanggit na produkto. Ipagpalagay ring ang mga manggagawa sa bansang A at B ay kayang makagawa ng nabanggit na kabuuang dami ng sapatos at pantalon sa loob ng isang araw. Samakatuwid, ang pagiging produktibo ng paggawa ang siyang magsasabi kung gaano karami ang maaaring magawang sapatos at pantalon. Kung kaya’t ang bansang A ang may absolute advantage sa produksiyon ng sapatos at ang bansang B naman ay mas efficient sa pagprodyus ng pantalon.

Ano naman ang maaaring maganap na sitwasyon kung ang isang bansa ay may absolute advantage sa pagprodyus ng parehong produkto. Bakit mayroon pa ring kalakalan? Ipagpalagay na may dalawang bansa C at D. Ang mga produkto ay mais at t-shirts. Ang pagiging produktibo ng isang manggagawa ay makikita sa talahanayan.

Batay sa talahanayan, kayang iprodyus ng bansang C ang mais at t-shirt na mas efficient kaysa sa bansang D. Samakatuwid, mayroon siyang absolute advantage sa pagprodyus ng mais at t-shirts. Kung tutuusin, kaya niyang magprodyus ng mais ng limang beses ang dami kompara sa bansang D. Kaya rin ng bansang C na magprodyus ng 1.25 na beses sa kayang iprodyus na t-shirts ng bansang D. Ngunit may comparative advantage ang bansang C sa pagprodyus ng mais; ang bansang D naman ay may comparative advantage sa paggawa ng t-shirts. Sa kabilang dako, maaari ding ipaliwanag ang comparative advantage gamit ang konsepto ng opportunity cost.

Para makagawa ng 10 pang t-shirts, kailangang isuko ng bansang C ang 20 sako ng mais. Ang opportunity cost ng pagprodyus ng isang t-shirt ay dalawang sako ng mais. Para sa bansang D upang makagawa ng 8 pang t-shirts, kailangang isuko ang 2 sako ng mais. Samakatwid, ang opportunity cost ng pagprodyus ng isang t-shirt ay kalahating sako ng mais. May mas mababang opportunity cost sa pagprodyus ng t-shirt ang bansang D, kaya may comparative advantage ang bansang D sa pagprodyus ng t-shirt.

Kung kaya’t masasabi nating ang isang bansa ay may comparative advantage sa paggawa ng isang bagay o serbisyo kapag kaya niyang gawin ang produkto o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa larangan ng kanyang paghahambing sa ibang bansa. Ang mga bansa ay dapat na magpakadalubhasa at mag-export ng mga produkto o serbisyo kung saan siya ay may comparative advantage at mag-import na lamang ng mga produkto o serbisyo na wala siyang comparative advantage sa pagprodyus.

Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

Balance of Payment (BOP) nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Balance of Trade (BOT) naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Philippines Statistic Authority (PSA) o National Statistics Office

ANG UGNAYAN NG PILIPINAS SA MGA SAMAHANG PANDAIGDIG: WTO; APEC, ASEAN“Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o “No Man is an Island”.

Kalakalang Panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon.

Samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod:1 WORLD TRADE ORGANIZATIONNabuo: Enero 1, 1995Punong Himpilan: Geneva, Switzerland

Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech, Morroco noong Abril 15, 1944.

Kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade (GATT) Kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong

nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura. Samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan

ng mga kasaping estado o member states. Nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado. Binubuo ng 160 bansang

Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso.Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi maging aspektong pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa isang kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang kasaping bansa.

Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization (WTO) ay ang sumusunod: Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa

kalakalan (trade barriers); Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay

para sa mga papaunlad na bansa (developing countries); Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction

laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;

Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito.

“Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon “nina Balitao et. al. (2012) PRINSIPYO ng World Trade Organization:

Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon. Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga

hadlang-pangkalakalan; Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak ang mga dayuhang

kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pang-ekonomiko at manatiling bukas ang pamilihan;

Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo; Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang, hindi-kabilang, observer status, at mga

bansang nasa representasyon ng European Union sa WTO.

2 ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (APEC)

Itinatag: Nobyembre 1989 Punong Himpilan: Singapore

Samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito.

Ang mga bansang nasa rehiyon ng Pasipiko ay nagkakaroon ng ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng kaunlarang pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan.

Binubuo ng 21 bansa Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy.

Ang desisyon ng samahan sa mga isyu o usapin ay ibinabatay ayon sa consensus.

Mga kasapi nito kabilang: Philippines Australia Brunei Canada

Indonesia Japan South Korea Malaysia

New Zealand Singapore Thailand United States

Nobyembre 1991: China/ Hongkong/ TaiwanNobyembre 1993: Mexico Papua New Guinea Nobyembre 1994: Chile Nobyembre 1998: Peru /Russia /Vietnam

Kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting: 1993 Saan: Blake Island, Washington D.C. Pangunguna: Pangulo ng Estados Unidos Bill Clinton Kung saan ay nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng taripa at quota.

Taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal Quota ay ang takdang dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa.

“Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi.

Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa.

Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa magiging epekto nito tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan.

Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa.

3 ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN)

Association of Southeast Asia (ASA)Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Itinatag: August 8, 1967Punong-himpilan: Jakarta, Indonesia

Naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa sa

Timog-Silangang Asya. Idagdag pa rito ang pagnanais na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang

pang-ekonomiko. Founding Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok Declaration Ito ay binuo ng mga bansang:

Indonesia Malaysia Pilipinas Singapore Thailand

Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei/ Cambodia/ Laos/Myanmar/Vietnam.

Upang mas mapaghusay at tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng TATLONG COMMUNITY:

ASEAN Political-Security Community ASEAN Economic Community ASEAN Socio-Cultural Community.

Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito.

Dialogue partners: Australia China Estados Unidos European Union

Japan New Zealand Russia South Korea

ASEAN Free Trade Area (AFTA) Nilagdaan: January 28, 1992 Saan: SingaporeIto ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan, Mga Patakaran at Programa

Ang kalakalan bilang isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa isang bansa.

Sa aspekto ng kabutihan sa mga gawaing ito: Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian o tangkilikin ng mga tao upang matugunan

ang kanilang mga kagustuhan at pangangailangan Mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng produksiyon upang mas maging mahusay ang kalidad ng mga

produkto Ang mga produkto ng mga bansa gaya na lamang ng Pilipinas ay nabibigyan ng pagkakataong makilala at

tangkilin sa ibang bansa dulot sa husay at nagiging pagkakakilanlan din ng ating bansa Ang kalakalang panlabas ay nakakatulong upang mas maging matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa at

maging episyente ang pamilihan para sa mga produkto at serbisyo.

Sa kabilang dako, ang kalakalang panlabas ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto. Ilan sa mga ito ay:

Nalilinang ang kaisipang kolonyal ng mga mamamayan sapagkat nagkakaroon sila ng pag-uugaling mas tinatangkilik ang mga produktong banyaga kaysa sa mga produktong local

Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produkto ng ibang bansa kaysa lumikha o tumuklas ng paraan para makabuo ng sariling gawang produkto

Humihina ang ilang lokal na negosyo o industriya dahil sa mahigpit na kompetisyon laban sa mga dayuhang produkto at kompanya. Ang pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto gaya na lamang ng pagkawala ng trabaho ng mga tao.

Programa at Patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan Aklat na Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon nina Balitao, et.al. ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 7721)-Ito ay isinabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng batas na ito, pinayagan ang pagpasok, pangangasiwa, at pamamahala ng kanilang mga sangay sa ating bansa. Foreign Trade Service Corps (FTSC) - Ito ay ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa. Sumasabay sila sa kasalukuyang kalakaran sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagsali sa mga trade exposition o trade exhibit. Ang pangunahing layunin nito ay maglunsad ng kaalaman o impormasyon tungkol sa kalakarang pangnegosyo sa bansa at sa imprastruktura at pakinabang na dulot nito sa mga nais mamuhunan o investors.Trade and Industry Information Center (TIIC) - Ito ang nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center na nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga mamimili.Center for Industrial Competitiveness - Naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas o kalidad at produktibidad ng mga manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan ng manggagawa, produkto, at serbisyo. Sa tulong ng pamahalaan ay naglulunsad ng mga training center upang mas lalong mapaghusay ang kakayahan at pagiging produktibo ng mga manggagawa.

BARTER Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa sa daigdig.

TARIPA Ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produktong inaangkat. ABSOLUTE ADVANTAGE Ito ay tumutukoy sa ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang produkto kapag mas

mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa halaga ng produksiyon ng ibang bansa. BOP/ BALANCE OF PAYMENT Ang tawag sa pandaigdigang batayan o sukatan para sa mga gawaing pang-

ekonomiya. COMPARATIVE ADVANTAGE Isang batayan ng pakikipagkalakalan na kung saan mas makabubuti sa bansa ang

espesyalisasyon bilang batayan ng kalakalan at ang prinsipyo ng opportunity cost. EXPORT Ang pagluluwas ng mga produkto patungo sa iba’t ibang bansa sa daigdig. IMPORT Ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa. CHINA Ang pangunahing bansang may mataas na pagluluwas ang Pilipinas ayon sa datos ng Philipppine

Statistical Authority ng June 2014. EAST ASIA Sa ilalim ng economic bloc, ito ang samahang may mataas na pagluluwas ang ating bansa ng mga

produkto at serbisyo. (WTO) World Trade Organization Isang organisasyong pangkalakalan na itinatag upang isulong ang malayang

kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa daigdig. (APEC) Asia Pacific Economic-Cooperation Ang samahan ng mga bansa sa Asya Pasipiko na naglalayong

paunlarin ang ekonomiya ng mga kasaping bansa sa pamamagitan ng pagiibayo ng kalakalan. (ASEAN) Association of Southeast Asian Nations Ang samahan ng mga bansa na nagtatag ng tatlong

pangunahing komunidad na kinabibilangan ng Political & Security Community, Economic Community, at Socio-Cultural Community na siyang magiging batayan ng ugnayan ng mga kasaping bansa.

International Organization/ Samahang Pandaigdig Ang tawag sa batayan ng transaksiyon ng pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa larangan ng kalakalang pandaigdig.

QUOTA Ito ay ang takdang dami ng mga produkto na maaaring iluwas sa isang bansa.

Ang patakarang nagbubunsod upang isulong ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang dito.

(BOP)Balance of Payment (BOT) Balance of Trade (PSA) Philippines Statistic Authority(NSO) National Statistics Office(BOT-G) Balance of trade in goods(PROC) People’s Republic of China(GATT) General Agreement of Tariffs and Trade (WTO) World Trade Organization (APEC) ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (ASA) Association of Southeast Asia (ASEAN) Association of Southeast Asian Nations (AFTA) ASEAN Free Trade Area (FTSC) Foreign Trade Service Corps (TIIC) Trade and Industry Information Center