Transcript
Page 1: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

NOT

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan, Linggo 7 at 8 -

Modyul 4

Lipunang Sibil (Civil Society),

Media at Simbahan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

11

9

Page 2: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society), Media at

Simbahan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan

muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung

ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan

ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito

ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito

upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga

tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jessa Ann M. Gaite

Mga Tagasuri: Airlene B. Lagas, MAP M, Judith V. Esmillaren, MEd at

Ernida A. Lucagbo, MAEd

Editor: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1

Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT1 at Jessa Ann M. Gaite

Mga Tagapamahala

Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V

Page 3: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: [email protected]

Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Nimfa R. Lago, PhD, CESE

Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief

Amelita M. Laforteza, Division EsP Coordinator

Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager

Meriam S. Otarra, PDO II

Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Page 4: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4

Lipunang Sibil (Civil Society), Media at

Simbahan

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP

Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro

at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at

mungkahi sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

9

Page 5: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 6: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

This page is intentionally blank

Page 7: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

Talaan ng mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………………...... i

Nilalaman ng Modyul …………………………………...... i

Pangkalahatang Panuto …………………………………...... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ……………………………………. iii

Alamin ……………………………………….. 1

Subukin ……………………………………….. 2

Balikan ……………………....................…… 3

Tuklasin ……………………………………….. 3

Linangin ……………………………………….. 4

Suriin ……………………………………….. 4

Pagyamanin ………………………………………. 10

Isaisip ………………………………………. 11

Isagawa ………………………………………. 11

Buod …………………………………..... 12

Tayahin ……………………………………. 13

Susi ng Pagwasto ……………………………………. 15

Sanggunian ………………………………….… 15

Page 8: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 9: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 10: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

This page is intentionally blank

Page 11: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

i

Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at

paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging

makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.(Pasig City:

Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa

mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang

pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng

Bloom’s Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin

ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa

mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay

tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa

kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman

(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang

Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s

Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa

Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga

kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang

ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa

pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)

sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman

at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career

Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang

ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat

ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay

ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Page 12: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

ii

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa

ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng

buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto

(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa

Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan

ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

Page 13: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

iii

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot sa mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa bahaging Suriin. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.

Page 14: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

iv

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na

dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Subukin

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri

kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong

tatalakaying aralin.

Balikan

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng

pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa

nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying

bagong aralin.

Tuklasin

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng

iba’t ibang gawain.

Suriin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang

malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Pagyamanin

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong

natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa

ang kasanayang nililinang.

Page 15: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

v

Isaisip

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutuhan sa aralin.

Isagawa

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat

ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga

pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Page 16: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 17: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 18: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

This page is intentionally blank

Page 19: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

1

Modyul

Lipunang Sibil (Civil Society),

4

Media at Simbahan

Alamin

May alam ka bang mga organisasyong

naghahatid ng tulong sa mga mahihirap? Anong uri

ng tulong ang kanilang inihahatid? Ano kayâ ang

nagbubunsod sa kanila upang gawin ang ganoong

kabutihang-loob?

Sa nakaraang modyul ay nakilala mo ang mga

palatandaan ng hindi malusog na ekonomiya. Isang

malinaw na palatandaan halimbawa, ang

pangangailangan mong gumastos nang gumastos sa

cellphone load habang lumolobo nang lumolobo ang

sobrang puhunan ng mga kompanya ng telekomunikasyon. Marami pang anyo ng hindi

patas na pagtatamasa ng mga bunga ng ekonomiya. At sa wari ba ay pikit-mata mong

tinatanggap na lamang ang mga ito. Nabuo na sa isip mong ganyan talaga ang buhay.

Ngunit sa paglalakbay mo sa modyul na ito, malalaman mong maraming nag-iisip na hindi

kailangang maging ganyan na lamang ang buhay. Ang pagsalungat nila sa kalakaran na sa

una’y walang pumapansin, ay unti-unting nakakuha ng mga kakampi, hanggang sa dakong

huli ay nagbunga ng pagbabago sa kalakaran ng lipunan.

Matapos kang maglakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang

Mahalagang Tanong na: Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil

upang makamit ang kabutihang panlahat?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na

kaalaman, kakayahan, at pang-unawa:

Page 20: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

2

4.1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na

ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat

4.2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo

sa kabutihang panlahat

4.3. Nahihinuha na:

a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan

na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang

panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng

mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng

kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.

b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga

mamamayan sa pagpapasiya.

c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga

materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling

pagkukusa.

4.4. a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga

ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability),

pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,

pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga

pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable).

b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may

lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa

pamayanan at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 50

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng lipunang sibil?

A. Pamayanan na pantay-pantay ang tinatanggap ng mga residente na serbisyo at

benepisyo

B. Paglilingkod ng mga opisyal ng pamahalaan sa taumbayang nasasakupan.

C. Lipunang hawak ng iilang mga mamamayang angat ang katayuan sa buhay.

Page 21: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

3

D. Kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang

sa isa’t isa.

2. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.

B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.

C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.

D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.

3. Paano matitiyak ng mamamayan ang maayos na pagpapatupad ng batas?

A. Ang lahat ay magiging masunurin

B. Walang magmamalabis sa lipunan

C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi

D. Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang hilig gampanan

4. Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa isang

panrelihiyon na lipunang sibil?

A. Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay

B. Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa

C. Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang

D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon

5. Paano mapatutunayan na ang isang pamayanan ay may katangian ng lipunang sibil?

A. May pagtutulungan ang mga mamamayan sa abot ng makakaya.

B. Nanghihimasok ang lider sa buhay ng mga mamamayan.

C. Umiiral ang political dynasty sa pamayanang ito.

D. Laging magkasalungat ang mga paninindigan.

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media literacy?

A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anomang uri ng media.

B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.

Page 22: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

4

C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.

D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.

7. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin maliban sa:

A. Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan

B. Pagpapatibay ng pananampalataya sa Diyos

C. Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya

D. Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan

8. Ano ang iiwasang gawin ni Ben upang masugpo ang kasinungalingan sa mass media?

A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

B. Paglalahad ng sariling kuro-kuro.

C. Paglalahad ng iisang panig lamang ng usapin.

D. Paglalahad ng mga seryosong impormasyon.

9. Paano nagiging tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?

A. Maaapektuhan ng pagbabalita ang buhay ng lahat ng tao

B. Mass media lamang ang mapagkukunan ng impormasyon

C. Nagpapasiya tayo batay sa hawak natin na impormasyon

D. Maaaring salungatin ang isinasaad nitong impormasyon

10. Ano ang nararapat ginagawa sa loob ng isang Lipunang Sibil?

A. Pagtanggap ng mga pampublikong ospital sa mga taong may sakit

B. Pakikinig lagi ni Blessie ng balita tungkol sa mga katiwalian ng gobyerno.

C. Pagpapaimpluwensiya sa mga negosiyante sa nauusong gadget

D. Pagtulong nina Ariane at Emman na matugunan ang mga

pangangailangan ng mga tao sa evacuation center

Page 23: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

5

Balikan

Sa nakaraang modyul, binibigyang diin ang pagkilos upang masiguro na ang bawat

bahay ay magiging tahanan upang masimulan ang mapanagutang pangangasiwa at patas

na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Sa modyul na ito matutuhan mo ang gagampanang

papel ng mga mamamayan bilang kaagapay ng pamahalaan upang makiisa sa pagtugon ng

mga pangangailangan ng kapuwa.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano-

anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang

kabutihang panlahat?

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Ngayong may pandemya, may mga organisadong pangkat sa lipunan na

naghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Ginagawa nila ito para sa

kabutihang panlahat.

1. Sa unang kolum ng tsart sa ibaba, may nakatalang dalawang organisadong pangkat ng

lipunan. Punan ang ikalawang kolum ng mga ginawa nilang pagtulong sa mga

nangangailangan.

2. Sa ikatlong kolum, itala ang mga taong kanilang tinulungan.

3. Sa ikaapat na kolum, banggitin ang mga kabutihang dulot ng kanilang ginawang

pagtulong.

Organisadong

Pangkat ng Lipunan

Ginawang Pagtulong Nangangailangan

ng Tulong

Kabutihang Dulot

1. GMA Kapuso

Foundation

Hal: Pagbigay ng face

mask, alcohol, PPE, atbp.

1.

2.

Hal: Mga doktor at

nars sa PGH

1.

2.

Hal: Naiwasan ang

hawaan sa ospital

1.

2.

Page 24: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

6

4. Sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Batay sa tsart, ano-ano ang mga halimbawa ng lipunang sibil?

b. Sa palagay mo, ano ang layunin o adhikain ng mga lipunang sibil na ito?

c. Ano ang papel na ginagampanan ng mga lipunang sibil upang makamit ang kabutihang

panlahat?

d. Bakit may mga binuong lipunang sibil? Ipaliwanag.

e. Bilang kabataan ngayon, nais mo rin bang bumuo ng lipunang sibil sa hinaharap?

Pangatwiranan.

Linangin

Gawain 2

Panuto: May mga bagay na tinatamasa ang tao mula sa kagandahang-loob ng kapuwa.

1. Balikan sa iyong alaala ang mga uri ng paglilingkod o tulong na natanggap mo

mula sa kapuwa. Maaaring mula ito sa mga miyembro ng inyong pamilya o sa iba

pang tao sa lipunan. Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno.

2. Balikan din sa iyong alala ang mga paglilingkod na nagawa mo para sa kanila. Itala rin

ang mga ito sa iyong kuwaderno.

3. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

a. Ano ang nararamdaman mo sa mga pagkakataong nabanggit?

b. Ano ang adhikaing nagtulak sa kanila at sa iyo na kumilos tungo sa kabutihang

panlahat?

c. Bilang kasapi sa lipunang sibil, ano ang nararapat na tunguhin o goal ng iyong mga

gagawing paglilingkod? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong

sa Pagyamanin.

3. 3. 3.

2. ABS-CBN Lingkod

Kapamilya

1.

2.

3.

1.

2.

3.

1.

2.

3.

Page 25: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

7

Lipunang Sibil

“Paki lang.” May natatandaan ka bang pagkakataon na kailangan mong sabihin ito sa

isang taong kalapit mo? Siguro pagsakay mo sa jeep at nakapuwesto ka malayo sa driver,

sasabihin mo ito sa katabing pasahero at iaabot mo ang bayad. Ganito rin kung toka mong

maglaba pero deadline ang araw na iyon para sa isang project mo sa paaralan. Alam mong

magagawa mo naman, kaya lang may dahilan kung bakit kailangan mong ipagawa sa iba at

kailangan mong sabihing, “Paki lang.” Kung alam mo kung ano-ano ang mga kaya mong

gawin, alam mo rin kung ano-ano ang hindi. Maaaring marunong kang magsaing,

halimbawa, pero marunong ka bang magsaka at mag-ani ng isasaing mo? Wala ka mang

kilalang magsasaka, gusto mong patuloy silang magsaka upang may maisaing ka, at

masasabi mo rin sa kanila, “Paki lang.” At marami ka pang kailangang ipagawa sa iba upang

mabuhay, mga pangangailangang hindi mo makakalap nang mag-isa.

Hindi ikaw ang gumawa ng uniporme mo, ng bag, ng tsinelas. Hindi ikaw ang

gumawa ng kalsadang nilalakaran mo, ng tulay na tinatawid mo, ng cellsite tower na

naghahatid ng text sa iyo. Tingnan mo ang loob ng iyong bag. Alin-alin sa mga nariyan ang

ginawa mo mismo? Tingnan mo ang loob ng silid-aralan. Alin-alin sa mga iyan ang kaya

mong gawin? Hindi mo kayang bilangin ang mga taong kumilos upang magkaroon ka ng

mga kailangan mo. Kailangan mong pasalamatan ang napakaraming tao, at kailangan mo

ring sabihin sa kanila, “Paki lang.” Sasabihin mo halimbawa sa karpintero, “Pakiayos lang po

ang bubong namin,” o sa tubero, “Pakiayos lang po ang banyo namin.”

Gayundin sa pamahalaan gumagawa at nagpatutupad ito ng mga batas, upang

matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan. Tinitingnan nito

kung natutupad ang mga batas na ito, at pinarurusahan ang lalabag na nakahahadlang sa

pagtatamasa natin ng ating mga pangangailangan.

May mga batas tungkol sa pagkain, tungkol sa tubig, sa hangin, sa lupa, sa pag-

aaral, sa paghahanapbuhay, sa lahat halos ng bahagi ng ating buhay. Iisa ang layunin ng

mga batas na ito: upang tayo ay mapabuti, upang makamit ng lahat ang makabubuti sa isa’t

isa.

Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan sa

layuning ito. Halimbawa, hindi tayo makakain nang sapat, sapagkat mabilis ang pagtaas ng

halaga ng mga bilihin, at mabagal naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.

Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Hindi dahil nagkulang ang mundong ito sa

pagkakaloob ng ating mga pangangailangan, kundi dahil ang mga pangangailangan ng

nakararami ay iniimbak ng iilan lamang. Halimbawa, noong 2009, dahil sa mga bagyong

Ondoy at Pepeng, binaha ang mga palayan sa maraming bahagi ng Luzon, nawala ang

kikitain sana ng mga magsasaka, nadagdagan ang presyo ng bigas, kung kaya nabawasan

ang pambili natin ng iba pa nating mga pangangailangan. Samantala, ayon sa pagsisiyasat

Page 26: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

8

ng Senado, may nameke sa pirma ng mga magsasaka upang palabasing tumanggap sila ng

milyon-milyong tulong mula sa pork barrel ng mga mambabatas. Ngunit hindi kumilos ang

pamahalaan upang mabawi ang pondo at maipamahagi sa napakaraming magsasakang

nawalan ng kabuhayan, na siyang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas. Hindi mo na tuloy

mabili ang iba mo pang pangangailangan.

Dahil kapos ang kakayahan ng pamahalaan upang ang katiwaliang ito ay

mabigyang-lunas, at lahat tayo ay nabibigatan sa kalakarang ito, napakarami rin ng

kailangan nating katuwangin sa pagtugon dito, at sabihang, “Paki lang.” May mga nag-

organisa ng kani-kanilang sarili upang ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong sistema.

Isang musikerong nagngangalang Ito Rapadas ang nagpasimuno sa Facebook ng ideyang

maramihang pagpapahayag ng pagkadismaya, at ikinalat ng isa pang nagngangalang

Peachy Bretaña ang ideya. Sa pagpapalitan ng mga mensahe ng mga gumagamit ng

Facebook, nabuo ang planong Million People March. Inendorso ng Catholic Bishops

Conference of the Philippines sa Facebook account nito ang plano, na ginanap sa Luneta

noong Agosto 26, 2013, Araw ng mga Bayani. Sinabayan ito ng ganoon ding aktibidad sa

labing-isa pang mga lungsod sa buong bansa. Nasundan pa ito noong Oktubre 4, 2013 sa

Makati, at tinitiyak ng mga nag-organisa na magtutuloy-tuloy pa ang ganitong mga pagkilos

hanggang hindi naibabasura ang sistema ng pork barrel.

Ang ganitong kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-

samang pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag nating lipunang sibil. Hindi ito isinusulong ng

mga politikong maaaring may pansariling interes. Hindi rin ito isinusulong ng mga

negosyanteng ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa halip, ito ay ibinubunsod ng

pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na hindi

natutugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng

mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang

pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang

solusyon ng pamahalaan at kalakalan.

Noong 1994, halimbawa, inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan,

Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo

ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ). Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang

mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo. Nagdaraos

ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at

nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.

Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa

Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang Forum on Rehabilitation and

Reconciliation nang sumunod na buwan. Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga

nawasak na pamilya, ang muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat,

ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.

Page 27: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

9

Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas ang nagtipon-tipon noong 1984, at nabuo

sila bilang isang lipunang sibil. Naging isang pampulitikang partido sila na tinawag nilang

Gabriela, at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay

naisabatas ang mga sumusunod: Anti-Sexual Harassment Act (1995); Women in

Development and Nation-Building Act (1995); Anti-Rape Law (1997); Rape Victims

Assistance and Protection Act (1998); Anti-Trafficking of Persons Act (2003); at Anti-

Violence Against Women and Their Children Act (2004).

Ang Gabriela ay nagkaroon ng masigasig na kakampi sa Senado sa katauhan ni

Senador Raul Roco. Siya ang kinikilalang pangunahing nagsulong upang maisabatas ang

pagtatanggol sa mga karapatan ng kababaihan, kung kaya siya ay binigyan ng natatanging

taguring Honorary Woman. Ano-anong kabutihan ang maaaring idulot ng mga batas na ito?

Ang Media

Paano ipinaaalam ng isang lalaki sa isang babae na interesado siya rito? Isusulat ba

niya sa ¼ na bahagi ng papel? Ite-text ba niya? Magpapadala ba siya ng emoticon?

Manghaharana ba siya? Live ba, MP3, o YouTube? Sasabihin na lang ba niya nang

harapan? Ipi-print ba niya sa t-shirt? Ano’t ano man ang paraang piliin niya, gagamit siya ng

isa, ilan, o lahat sa mga ito: titik, tunog, o larawan (gumagalaw man o hindi). Alin man sa

mga ito ang gamitin niya, ito ang mamamagitan sa kaniya at sa padadalhan niya. Anumang

bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin

na medium, o media kung marami. Ginagamit natin ito kung may gusto tayong ipahatid na

impormasyon. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin,

tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet.

Sa tulong ng media, nalalaman ng mamamayan kung may paparating na bagyo,

kung kaya nakagagawa sila ng kaukulang paghahanda. Kapag may nangangailangan ng

saklolo at gustong ipanawagan sa marami, media rin ang inaasahan. Karapatan mong

alamin kung ano ang iyong ikabubuti, kaya tungkulin mo ring ipaalam sa iba ang ikabubuti

naman nila. Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napapanatili mo ang

ikabubuti ng ibang kasapi ng lipunan. Sa pagkamit ng ikabubuti ng bawat mamamayan,

nakakamit din ang ikabubuti ng kabuuan nito. Ang impormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat

ay napalulutang mo sa pamamagitan ng media.

Nagpapasiya kang huwag pumasok kung may abiso sa radyo o telebisyon na

suspendido ang klase. Nagpapasiya kang huwag kumain ng sitsirya dahil nababasa mo sa

diyaryo ang tungkol sa masamang epekto nito sa ating kalusugan. Nagpapasiya ka ayon sa

hawak mong impormasyon na pinalulutang ng media. Subalit paano kung ang hawak mong

impormasyon ay mali? Mabubuyo kang pumasok sa klase kahit suspendido, o kaya ay

magkakasakit ka sa bato. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang halimbawa ng

Page 28: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

10

lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung

bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid

sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa

pagpapasiya ng ikikilos.

Ang isang rally ba ay ibinabalita ng media mula sa panig lamang ng kapulisan?

Ibinabalita ba ang haka-haka na may rebolusyonaryong layunin ang mga nag-rally? Ang

pagbawas o pagdagdag sa katotohanan ay nagiging kasinungalingan. Kapag ang media ay

naglahad ng isang panig lamang ng pangyayari o usapin, maling impormasyon ang

pinalulutang ng mga ito sa lipunan, sapagkat hindi buo ang impormasyong hawak ng

lipunan. Sa kabilang banda, kung inilahad halimbawa sa media na isang milyon nga ang

sumama sa Million People March, gayong tatlong daang libo lang naman talaga, magiging

pagsisinungaling din ito. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang

kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang

kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. “Ang

kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na

lumilikha” (Papa Juan Pablo II, 1999).

Bago ang halalan, noong 2007, inilunsad ng isang estasyon ng telebisyon ang

lipunang sibil na “Bayan Mo, Ipatrol Mo.” Ipinakita ng ABS-CBN sa mga karaniwang

mamamayan kung paano ipararating sa nakararami ang nakalap na mahahalagang

impormasyon o balita gamit ang kanilang cellphone. Sa ganitong paraan ay maaaring

palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga pandaraya at katiwalian sa halalan.

Anumang anomalya ay napipigilan kapag ito ay naisisiwalat. Ayon kay San Ignacio, “Kapag

naglihim tayo, doon magtatrabaho ang diyablo.” Dahil sa matagumpay na pagsasamadla ng

mga katiwalian sa halalan noong 2007, itinuloy-tuloy na ng “Bayan Mo Ipatrol Mo” ang

pagpapalutang ng mga impormasyong may kinalaman hindi na lamang sa halalan, kundi

maging sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagpapaayos ng mga daan, at pagtatayo

ng mga sentrong pampamayanan (community centers). Noong 2012, umabot na sa apat na

libong mga kabataan ang nabiyayaan ng puspusang pagsasanay sa pamamahayag.

Sa ibang dako naman ng mundo, sa mga bansang Pakistan at Afghanistan ay

nagnanais mamayani ng Taliban, na binubuo ng mga katutubong Muslim na naniniwalang

hindi dapat magkaroon ng edukasyon ang kababaihan. Kilala ang grupong ito sa

paghahasik ng karahasan sa mga bansang ito. Noong 2008, nagsimulang sumulat ng blog

sa Internet ang isang walong taong gulang na babaeng mag-aaral ngunit ayaw magpakilala.

Inilarawan niya sa blog kung gaano kahirap mag-aral dahil sa panggigipit ng Taliban.

Ipinamanhik niya sa pamahalaang Pakistani na maglaan ng dagdag na pananalapi para sa

mga paaralan, at hinimok niya ang lahat ng kabataang babaeng Pakistani na igiit ang

karapatang matuto. Sa isang press conference, hindi inaasahang aminin ng tatay ng bata

ang tunay niyang pagkakakilanlan, ngunit naging daan ito upang lalong dumami ang

sumubaybay sa kaniyang mga blog. Kinilala ang batang blogger na ito bilang si Malala

Yousafzai.

Page 29: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

11

Noong Oktubre 16, 2012, habang nasa daan pauwi sakay ng school bus si Malala at

iba pang mag-aaral, pinatigil ng ilang lalaking pinaghihinalaang kasapi ng Taliban ang

kanilang sasakyan. “Sino si Malala?” tanong ng mga ito. Napasulyap sa kaniya ang ibang

mag-aaral kaya’t madali siyang natukoy. Sa kasamaang-palad, binaril siya ng isa sa mga

lalaki sa ulo, ngunit sa maagap na pagtulong ng ibang mamamayan, mabilis na naihatid si

Malala sa pagamutan. Itinuturing na isang milagro ang pagkaligtas niya sa pangyayaring

iyon. Sa tulong ng napakaraming nagkawanggawa sa loob at labas ng Pakistan, naipagamot

siya sa Birmingham, England, at doon niya ipinagpapatuloy ang pagsusulat ng blog. Sa

gulang na labing-anim, milyon-milyong dolyar na mula sa iba’t ibang bansa ang

naipagkakatiwala sa kaniya bilang donasyon. Balak niya kasama ang kaniyang ama na

magpatayo ng mga paaralan sa buong Pakistan na makatutulong sa pagbibigay ng

edukasyon higit lalo sa kababaihan. Samantala, tuwing may pumupuntang kasapi ng Taliban

sa kanilang bayan, hinaharap ito ng kabataang babae, at buong tapang nilang

idinideklarang, “Ako si Malala.”

Ang Simbahan

Sakali mang nakakamit natin ang lahat ng ating pangunahing pangangailangan, hindi

pa rin ito nagbibigay ng katiyakan na magiging ganap na tayong masaya. Sa apat na bilyong

dolyar na kabuuang kayamanan ni Howard Hughes, walang tao sa planetang ito ang mas

mayaman pa sa kaniya noong nabubuhay pa siya. Sa kabila nito, namatay siya noong 1976

na may palatandaan ng kakulangan sa pagkain, at sa taas na mahigit anim na talampakan,

tumimbang lamang siya ng apatnapung kilo. Samantala, ayon pa rin sa pagsisiyasat ng

Senado, hindi bababa sa dalawampu ang mga bahay ni Janet Napoles sa Pilipinas, at

dalawa sa California, U.S.A. Dumating ang panahong hindi siya maaaring pumunta sa isa

man sa mga ito, at kinailangan niyang iwanan lahat ang kaniyang pag-aari. Walang nagnais

bumili ng mga bahay niya dahil sa masalimuot na kasaysayan ng mga ito. Pinatutunayan ng

mga halimbawang ito na gaano man karami ang matamo ng isang tao para sa kaniyang

sarili, makararamdam pa rin siya ng kahungkagan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan.

Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin.

Inoorganisa natin ang ating sari-sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin sa

kabila ng kariwasaan. Iba’t iba tayo ng antas ng pagkaunawa sa totoong kabuluhan ng

buhay: may mas malalim, may mas mababaw. Sa maraming pagkakataon ng iyong

pagkabagot, dito mo napagtatanto ang iyong kababawan, kung kaya nagpapatuwang ka sa

mga kasapi ng lipunan na may kalaliman ang pag-unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga

lider ng moralidad: pari, pastor, ministro, imam, guru, monghe, at iba pa. Magpapatuwang ka

sa kanila, at sasabihin mo, “Paki lang po.”

Page 30: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

12

Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang kanilang sarili

bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakasasakop. Itinuturing nila ang kanilang sarili bilang

kasabay natin sa paghahanap ng kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating paghahanap

ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang

panrelihiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan.

Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin

sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.

Hindi ka nag-iisa sa iyong pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit hindi itinuturing ng

Simbahang Katoliko, halimbawa, nahiwalay sila sa kalakhan ng lipunan, kundi bilang

kasanib dito. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong

pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa

pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa panawagan ng lahat na, “Paki lang.”

Ang mga parokya halimbawa sa Pilipinas ay naoorganisa ng mas maliliit pang yunit

na tinatawag na Basic Ecclesial Community, o Maliit na Sambayanang Kristiyano. Ito ay

upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang

pamayanan. Noong si Cardinal Gaudencio Rosales ay obispo pa lamang sa Bukidnon, ang

mga kaabag o mga lider ng mga Basic Ecclesial Community ay nabigyang-kapangyarihan

ng DENR upang dumakip at maghabla sa mga nagtotroso. Ang mga kaabag o lider ay

pinagkalooban ng mga two-way radio upang ipaalam ang impormasyon tuwing may papasok

na trak sa mga kagubatan. Sa isang liblib na barangay sa bayan ng Valencia ay binaril at

napatay si Fr. Nery Satur ng mga pinaghihinalaang nagtotroso. Noong 1997, isinulat ni

Bishop Rosales ang talambuhay ni Fr. Satur. Pinamagatan niya itong Father Nery Satur and

the Church He Died for.

Ang Couples for Christ ang nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa isang

mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999. Mula noon, sa

pamamagitan ng kanilang Gawad Kalinga Project, nakapagpatayo na rin sila ng mga

pabahay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nakarating na rin sa ibang bansa ang proyektong

ito tulad ng Australia, Austria, Cambodia, Canada, Colombia, India, Indonesia, Ireland,

Kenya, Papua New Guinea, Singapore, South Africa, at United States.

Bumuo ng organisasyong tumututol sa paninigarilyo ang Seventh Day Adventist

Church sa Pilipinas noong 1982. Gayundin sa Lungsod ng Quezon noong 1989, ipinasa ang

isang ordinansang nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Taong 1990

naman nang magpasiya ang mga kasapi sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas

(KBP) na tanggihan sa pagpapatalastas ang mga kompanya ng sigarilyo. Samantala noong

1994, pinaigting ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang kampanyang “Yosi Kadiri” tulad ng

isinulong ng mga Sabadista. Naging Batas Pambansa noong 2003 ang pagbabawal sa

pagpapatalastas ng paninigarilyo.

Page 31: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

13

Narito ang mga katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil na inilarawan sa modyul na

ito:

1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang

makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo. Hindi ito

nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng

pangkomersyong hangarin ng sino mang negosyante.

2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng

saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan buhay ang diwa ng

demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan

upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.

3. Walang pag-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi:

mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi, anomang kasarian dahil

isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang

lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng bunga ng pagsisikap

ng lipunan.

4. Pagiging organisado. Bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at negosyo,

patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat

nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin

ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.

5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes

kundi kabutihang panlahat: isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng

Simbahan ang espiritwalidad. Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga

kasapi upang mapagtagumpayan ang ano mang balakid.

“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang,” sabi nga ni Fr. Eduardo

Hontiveros sa isang awit. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid

sa isang hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla

sa kapuwa hibla ay may ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa

anomang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa

kabilang banda, ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili,

kung hindi man nakapagpapalala, ng mga suliraning panlipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng

lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa atin, hindi maiaalis ang patuloy nating

pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo nating nakikiusap na, “Paki lang.”

Page 32: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

14

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang sagot sa sumusunod na tanong:

1. Ano-anong mga pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi ninyo kayang matamo kung

sa iyong pamilya lamang iaasa? Ipaliwanag.

2. Ano-anong kalagayang panlipunan ang humahadlang kung kaya hindi ninyo matamo ang

mga ito? Ipaliwanag.

3. May mga hakbang bang ginagawa ng pamahalaan upang matamo ninyo ang mga ito?

Patunayan.

4. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng lipunan?

Ipaliwanag.

5. Magbigay ng iba pang mga usapin na hindi natutugunan ng lipunang sibil. Patunayan.

6. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugon sa mga usaping ito?

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto:

1. Sa ibaba, makikita ang mga mahahalagang salita/konsepto mula sa babasahin. Ipakita

ang kaugnayan ng mga ito sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Batayang

Konsepto na sasagot sa Mahalagang Tanong sa simula ng modyul na ito. Lakipan ito ng

paliwanag.

2. Gamit ang sumusunod na salita/konsepto, lumikha ng isang awit na rap tungkol sa

lipunang sibil na humihikayat sa mga tagapakinig na mag-ambag sa pagsulong ng

kabutihang panlahat.

Page 33: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

15

Isaisip

Gawain 4a: Pagninilay

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa journal tungkol sa mga pagkatuto gamit ang talahanayan

sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at

kaalamang pumukaw sa

akin?

Ano ang aking pagkaunawa

at reyalisasyon sa bawat

konsepto at kaalamang ito?

Ano-anong hakbang ang

aking gagawin upang

mailapat ang mga pang-

unawa at reyalisasyong ito sa

aking buhay?

Page 34: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

16

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:

Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 54-63.

Isagawa

Gawain 5: Pagganap

Panuto:

1. Gabay ang mga konsepto sa Suriin, pumili ng isang adbokasiya isusulong mo mula sa

sumusunod:

a. Katarungang panlipunan

b. Pag-unlad ng Kabuhayan

c. Pakikilahok sa pamayanan

d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan

e. Kapayapaan

f. Espirituwalidad

2. Gumawa ng plano ng nais mong buuing lipunang sibil upang maisulong ang napiling

layunin.

4. Gamitin ang pormat ng plano sa ibaba.

Bubuuin kong

lipunang sibil

Adbokasiya na

isusulong nito

Pangangailangan

ng pamayanan na

tutugunan

Mga paraan ng

pagtugon

Hal: “Igsuon Ko,

Tulubagon Ko”

Hali: Pakikilahok sa

Pamayanan

Hal: Mga na-

stranded sa bus

terminal na walang

makakain dahil sa

lockdown

1.

2.

3.

4.

Hal: Pakikipag-usap sa

pamilya at pagtawag sa

mga kaibigan para sa

perang pambili ng pagkain

para sa mga stranded na

pasahero

1.

2.

3.

4.

Page 35: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

17

Pagninilay:

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 5:

a. Makatotohanan ang bubuuing lipunang sibil batay sa napiling adbokasiyong isusulong

b. Tiyak at angkop sa pamayanan ang pangangailangan na ninanais tugunan

c. Malinaw at makatotohanan ang mga paraan sa gagawing pagtugon

d. May kasamang pagninilay ang ipapasang output

Gawain 6: Pagsasabuhay

Panuto:

1. Gamit ang internet, magsaliksik ng mga kilalang lipunang sibil (halimbawa: Gawad

Kalinga) na kumikilos sa pamayanan.

2. Kilalanin ang mga taong bumubuo nito.

3. Alamin kung naging matagumpay ang kanilang pagsusulong nito.

4. Bilang kabataan ngayon, bumuo ng adbokasiya mo batay sa iyong pananaliksik na

kilalang lipunang sibil.

5. Gawin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Pananaliksik ng Kilalang Lipunang Sibil

Kilalang lipunang sibil:

Mga taong bumubuo nito: (Ilarawan ang bawat isa. Hal.: Papel na ginagampanan)

Mga Tagumpay na nakakamit nito:

Adbokasiya ko kaugnay sa lipunang sibil na ito:

Pagninilay:

Page 36: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

18

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:

1. Natutukoy ang pagkakakilanlan (identity) ng mga lipunang sibil na kumikilos sa

pamayanan

2. Natutukoy at nailalarawan ang mga taong bumubuo sa lipunang sibil na ito

3. Nailalahad ang mga tagumpay nito sa pagtulong sa kapuwang nangangailangan

4. Makatotohanan ang sariling adbokasiyang binuo, kaugnay sa kilalang lipunang sibil

5. May kasamang pagninilay ang ipapasang output

Buod

Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan

na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan,

pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan,

pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan

(gender equality) at ispiritwalidad.

Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga

mamamayan sa pagpapasiya.

Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga

materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling

pagkukusa.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?

A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.

B. May panahon tayo para sa iba pa nating nais gawin.

Page 37: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

19

C. Di lahat ng pangangailangan natin ay matamo nating mag-isa.

D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba sa pagtulong.

2. Ano ang kahulugan ng lipunang sibil?

A. Lipunang hawak ng iilang mga mamamayang angat ang katayuan sa buhay.

B. Paglilingkod ng mga opisyal ng pamahalaan sa taumbayang kanilang nasasakupan.

C. Pamayanan na pantay-pantay ang tinatanggap ng mga residente na serbisyo at

benepisyo

D. Kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang

sa isa’t isa.

3. Ano ang nararapat ginagawa sa loob ng isang Lipunang Sibil?

A. Pagtanggap ng mga pampublikong ospital sa mga taong may sakit

B. Pakikinig lagi ni Blessie ng balita tungkol sa mga katiwalian ng gobyerno.

C. Pagpapaimpluwensiya sa mga negosyante sa nauusong gadget

D. Pagtulong nina Ariane at Emman na matugunan ang mga pangangailangan ng mga

tao sa evacuation center

4. Paano napalalakas ang paniniwala ng isang tao na mahalagang magiging kasapi sa isang

panrelihiyon na lipunang sibil?

A. Malalim na pagkaunawa na hindi siya nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay

B. Pakiramdam ng kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa

C. Kalakarang kinamulatan sa piling ng mga magulang

D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon

5. Paano mapatutunayan na ang isang pamayanan ay may katangian ng lipunang sibil?

A. Umiiral ang political dynasty sa pamayanang ito.

B. Laging magkasalungat ang mga paninindigan.

C. Nanghihimasok ang lider sa buhay ng mga mamamayan.

Page 38: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

20

D. May pagtutulungan ang mga mamamayan sa abot ng makakaya.

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mapalaganap ang media literacy?

A. Maging mapanuri sa mga babasahin sa anumang uri ng media.

B. Sanayin ang paggamit ng Freedom to Access Information.

C. Maniwala agad sa anomang nabasa sa media.

D. Gamitin ang karapatang ipahayag ang sarili.

7. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga kaaya-ayang gawin maliban sa:

A. Pag-aaral ng mga leksyon sa paaralan

B. Pagpatitibay ng pananampalataya sa Diyos

C. Pagsali sa mga rally upang makamit ang hustisya

D. Pagsali sa mga organisasyong tumutulong sa kapuwa mamamayan

8. Ano ang iwasang gawin ni Ben upang masugpo ang kasinungalingan sa mass media?

A. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

B. Paglalahad ng sariling kuro-kuro.

C. Paglalahad ng iisang panig lamang ng usapin.

D. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.

9. Paano nagiging tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?

A. Hawak ng mga nagbabalita ang pagpasiya ng lahat ng tao

B. Mass media lamang ang mapagkukunan ng impormasyon

C. Nagpapasiya tayo batay sa hawak natin na impormasyon

D. Maaari salungatin ang isinasaad nitong impormasyon

10. Paano matitiyak ng mamamayan ang maayos na pagpapatupad ng batas?

A. Ang lahat ay magiging masunurin

B. Walang magmamalabis sa lipunan

C. Matutugunan ang mga pangangailangan ng bawat kasapi

Page 39: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

21

D. Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang hilig gampanan

Susi ng Pagwawasto

Subukin

2 C Pag-unawa/Comprehension

3 C Pagsusuri/Analysis

Page 40: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

22

Tayahin

Bilang ng

Aytem

Sagot Kasanayan/Skill

1 C Pag-unawa/Comprehension

2 D Kaalaman/Knowledge

3 D Paglalapat/Application

4 A Pag-unawa/Comprehension

5 D Pagtataya /Evaluation

6 A Paglalapat/Application

7 C Pagsusuri/Analysis

8 C Pagtataya /Evaluation

9 C Pag-unawa/Comprehension

10 C Pagsusuri/Analysis

Page 41: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

23

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-

aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National

Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,

Guimaras Province, May 6, 2019.

Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon

ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and

Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September

26, 2017.

Page 42: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),
Page 43: Edukasyon sa Pagpapakatao · 1 day ago · Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan, Linggo 7 at 8 - Modyul 4: Lipunang Sibil (Civil Society),

Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069 E-mail Address: [email protected]