TOMO III Blg. 2 Opisyal na Paygang Pampaaralan ng Lupac- Tabigue HUNYO - NOBYEMBRE, 2013
12 HULYONOBYEMBRE 2013
Lupac-Tabigue, Boac, Marinduque
Kapag bata ay malusog hindi inaantok, aktibo at laging listo sa pagsagot, ito ay madalas na sabihin ng guro sa mga bata.
Si Jollibee kasama ang mga bata at coordinators sa paglunsad ng
B.L.T. ( Lawrelyn Limpiada
Noong Hulyo 15, 2013,
inilunsad ang Busog Lusog-
Talino Supplementary
Feeding Program sa Lupac-
Tab i gue E leme ntar y
School.
Dahil sa lumalaking bilang
ng malnutrisyon, ang pama-
halaan ng Boac ay tumugon
sa proyekto ng Jollibee
Group Foundation upang
mabawasan ang bilang ng mal-
noris at kulang sa timbang sa
bawat paaralan.
Mapalad ang L.T.E.S. na
maisama sa programang ito.
Layunin ng programa na
mapakain ng masustansiya at
sapat ang mga bata upang
lumaking malisog at matalino
ang mga ito.
Mabilis na kumilos ang
ilang tauhan ng D.P.W,H,
upang ihanda ang paaralan
sa darating na dilubyo. Da-
hil may kalumaan na at
nakikita nilang mahina ang
pagkakapit ng bubong sa
mga kahoy, nilagyan ng
matibay na tali ang bubun-
gan. Siniguro nila na pali-
bot ng tali ang itaas. Hang-
gang sa ibaba upang
hindi ito mawasak.
Ang paaralan ng L.T.E.S. ay
ginagawang evacuation Cen-
ter ng mga tao pati na rin ng
mga maliliit na sasakyan. Sa-
pagkat alam nilang delikado
ang kanilang tahanan na
malapit sa ilog at dagat, kaya
sa takot nilang madisgrasya,
agad silang lumikas dala-dala
ang mga gamit at pagkain.
Picture ng nagaharsiya nu bubong
Mabilis na itinatali ng mga tauhan ng D.P.W.H. ang bubong
sa matibay na haligi nito. (kuha ni Lawrelym Limpiada)
Ipinagdiwang ng L.T.E.S. ang
Buwan ng Nutrisyon noong ika-
29, ng Hukyo, 2013.
Ibat-ibang talent sa pag-
sayaw at pagtula ang ipinamalas
ng bawat bata.
Pagluluto naman ng ibat-ibang
putahe mula sa sari-saring gulay
na kanila ring dala ang ipinag-
malaki ng mga bata mula sa ika-
anim na baitang. Hindi lng sa
pagsasayaw at pagluluto
kinaki- t a a n ang mga
bata. Nagkaroon di ng paligsa-
han para sa lahat sa larangan
ng paggawa nga poster at islo-
gan mula sa Unang Baitang
hanggang ikaanim na Baitang.
Kitang-kita sa mga mukha ng
mga bata ang kasiyahang nada-
rama, na para nbang sinasabing
Pwede po bang iextend pa ng
isang araw ang paligsahang
ito?
Matagumpay ang isinagawang
MTAP Review sa D.L.H.M.S.
tuwing Sabado. Pinalad ang mga
bata ng L.T.E.S. mula sa Grade
One hanggang Grade Six na
makakuha ng Una, ikalawa at
ikatlong pwesto laban sa mga
mag-aaral na ibat ibang paara-
lan.
Kabilang sa mga nagtagumpay
mula sa Grade I sina Ashly Pie-
dragoza, Hariette Garcera at
Andrew Zoleta, sa Grade III, si
Ian Zoleta, sa Grade IV, sina
Joshua Lee Matining at Jan-
nica Rose Laugo, sa Grade V
sina Lawrelyn Limpiada, Karen
Laugo Cathy Mabuti at Rachel
Ann Manahan at sa Grade VI
sina Rossel Valenzuela, Marivel
Malitao at Brenz Axel Rabi.
Isa itong malaking tagumpay
ng ating paaralan kung iha-
hambing sa mga nakaraang pag-
sasasanay ng MTAP kayat lak-
ing pasasalamat ng mga guro sa
mga batang ito sa kanilang pag-
pupunyagi!
Nasilat ng Elemen-
tary Sofball Girls ng
koponan ng Boac ang
ikalawang pwesto sa
ginanap na Provincial
Meet noong Nob. 6-
8 ng taong kasaluku-
yan sa Torrijos Cen-
tral School. Igi-
nawad sa mga manla-
laro ng naturang
Koponan ang silver
medal matapos silay
maungusan ng kopo-
nan
ng Torrijos sa iskor
na 8-7.
Napili sa koponan
ng Boac ang tat-
long manlalaro na
sina Rachel Ann
Mervcene ,mag-
aaral ng L.T.E.S.
at dalawang mag-
aaral mula sa
Balimbing Elemen-
tary School upang
makasali sa kopo-
nan ng Marindu-
que sa gaganaping
MIMAROPARA. /
J.M. Jayag
Nanalo ang team
ng softball girls la-
ban sa koponan ng
Balimbing Elemen-
tary School sa
Iskor na 10-9noong
Oktober 15 ng
taong kasalukuyan
sa ginanap na
Marinduque State
Col lege. Hindi
makapaniwala ang
mga bata na sila
ang makakakuha ng
gintong medalya
dahil sa higpit ng
labanan kontra sa
B.E.S.
Kailangang ma-
nalo tayo ngayon
kase, noong na-
karaang
taon sa ating Munici-
pal Meet Champion
din tayo,ani Crissel
sa kanyang mga ka-
sama.
Ganito rin ang na-
sambit ng koponan
ng Volleyball boys
and girls , kase nga
pinakaaasam-asam
din nila ito. Kung
kayat pinagbuti nila
ang kanilang pagla-
laro sa tulong ng
kanilang coach na si
G. Mario Jose Med-
alla.
Masayang-
masayang naiuwi ng
L.T.E.S. ang gintong
medalya. / Lawrelyn
Limpiada
Nakuha ng dalawang
bata ang pangalawa at
pangatlong pwesto sa
larangan ng takbuhan.
Ang mga naturang mag-
aaral ng L.T.E.S. ay
sina Rio Orillla at
Marianne Janap ng Ika
-anim na Baitang. Sila
ay kapwa mananakbo ng
100-meter dash sa gi-
nanap na Zonal Meet sa
Poras Elementary
School noong Oktubre
18, 2013./ J.M. Jayag
Mga estudyante ng L.T.E.S. na nagwagi sa larong softball
MGA NILALAMAN::
Earthquake ...p 2
Ang Alamat..p3
Epekto ng Makabagong
Teknolohiya.p4
World Teachers
Day..p9
2 11 HULYONOBYEMBRE 2013
HULYO
NOBYEMBRE
Mumunting Tinig..
Isang anak ang salita ng S
Anak: Tays kains nas pos tayos.
Tatay: Tigi-tigilan mo na nga
yang kalalalgay mo ng s sa
mga salita mo.
Anak: Oos pos, tays.
Tatay: Anong ulam jan?
Anak: Meron po tayong inigang
Na bangu na may kamati
At ibuya na may ardina
.arap nga abaw eeeeh.
Ha.ha! Ha!ha!...ha! ha! ha!
Nasaan ang Espiritu Santo?
Pari: Bakit di ka pumasok sa
loob, iho?
Bata: Kc po baka mawala ang
bike ko.
Pari: Wag kang mag-alala ang
Espiritu Santo ang magba
bantay ng bike mo ( pu
masok na sila simbahan )
Pari: Marunong ka bang Mag
dasal?
Bata: Opo. Sa ngalan ng Ama,
ng Anak, Amen.
Pari: Kulang yata. Nasaan ang
Espiritu Santo?
Bata: Nasa labas po binabanta
yan po yong bike ko.
Ang Niyog
ni Jim Matining
Ito pa lang niyog,
Habang tumutubo;
Langit na mataas
Siyang tinuturo.
Kung itoy lumakit,
Masunod ang anyo;
Lupang tinubuan
Doon din tutubo.
Ang Alamat ng Tabigue Sa isang maliit na baryo sa
may hilagang kanluran ng bayan
ng Boac, ay may isang lugar na
mayroon daw dalawang version
kung paano ang lugar na to ay
napangalanan.
Noong unang panahon bago pa
man dumating ang mga Kastila,
May isang mag asawang mang-
ingisda na nakatira sa isang
kubo sa tabi ng ilog Boac. Ang
naturang Mangingisda ay si
Mang Miguel na kilala sa tawag
na Igue. Ang kanyang kabiyak ay
si Aling Rosa. Wala pa silang
supling nang may maganap na
isang pangyayari.
Napakasipag na mangingisda
itong si Mang Miguel. Na-
pakaaga niyang pumapalaot
upang manghuli ng isda. Nasa
laot na siya at nanghuhuli ng
isda ay paparating pa lamang
ang kanyang mga kasamahan.
Ginagawa niya ito upang maka-
balik din siya ng maaga ng ba-
hay.
Isang araw, maaga siyang pu-
malaot, hindi niya napansin aka-
pal at maitim na papawirin sa
dakong hilagang silangan ng
kanilang tahanan. Mahina ang
Simoy ng hangin at banayad
naman ang karagatan, kung
kayat wala sa kanyang hinagap
na may kakaibang mangyayari
sa araw na iyon.
Nang siya ay nasa kalautan
na, nagsimula na siyang mag-
kana ng lambat. Ilang oras lang
ay puno na ng huli ang kanyang
munting Bangka kung kayat
gumayak na siyang pauwi. Nag-
paalam pa siya sa kanyang mga
kasamahan. Papasok na siya sa
bunganga ng ilog Boac nang
masalubong niya ang rumara-
gasang baha galing sa ilaya.
Nagulat siya kasi napakagannda
ng sikat ng araw, subalit na-
pakalaki at malakas ang agos ng
tubig baha. Maingat niyang
iginaod ang kanyang Bangka sa
pag-aalalang baka matangay
ang kanyang mga huling isda at
ikasawi rin niya. Tanaw naman
sa tabi ng ilog ang kanyang
asawa na naghihintay sa kan-
yang pagdating. Sinubukan ni-
yang bumagtas sa kabila ng ilog
nang biglang tumaob ang kan-
yang Bangka sa pagsilwak ng
tubig. Buong tapang siyang lu-
mangoy habang dinig na dinig
niya ang sigaw ng kanyang
kabiyak. Tabi Igue! Tabi
Igue! Tabi Igue!, aniya
Narinig ito ng mga tao at
tinulungan nilang makaahon
si Mang Miguel habang
tinutulungan nila ito, paulit-
ulit nilang sinasambit ang
hiyaw ng asawa. Tabi Igue!
Tabi Igue! At magmula
noon ang lugar na iyon ay
tinawag na TABIGUE .
Sa isang version naman
ay ganito ang pangyayari.
Ang Tabigue daw ay mula sa
pangalan ng isang puno na
matatagpuan kung saan ang
mga mangingisda ay du-
madaong. May malaking puno
doon na siyang silungan ng
kani-kanilang asawa habang
naghihintay ng kanilang pag-
dating. Kapag tinatanong daw
sila kung saan galing, agad na
sasagot ng Sa Tabigue
hanggang tinawag na ang
lugar na ito ng Tabigue.
Ang aming paaralan,
Sadyang nakahahalina;
Sa taglay nitong ganda
Tiyak mamamangha ka.
Maraming pagbabago,
Naganap sa tuwina;
Tulad ng mga larawang
Nagbibigay sigla.
Ibat-ibang asignatura,
Na sa pader ay mababasa
May mga larawan ding
Dito ay nakapinta.
Malinis na paligid,
Ating mamamalas;
Sa harap o sa likod man
Nitong aming paaralan.
ang sarili sakaling lu-
makas ang lindol.
Ang gawaing ito ay
kasabay ng pagdiri-
wang ng Earthquake
Drill sa buong bansa.
Naging matagumpay
ang nasabing gawain
dahil sa pagtutulungan
ng mga mag-aaral, mga
guro at mga kapu-
lisan. /Rachel Ann
Manahan
Matagumpay na naisa-
gawa ang pambansang
paghahanda sa lindol or
Earthquake Drill sa Lu-
pac-Ta igue Elementary
School noong Hulyo 10.
Nagkaroon muna ng Film
Viewing upang maipakita
sa mga bata ang nangyari
noon sa Japan nang itoy
makaranas ng malakas na
lindol. Sinundan ito ng
pagpapakita ng wastong
posisyon upang mailigtas
Maingat sa pagbaba ng hagdan ang mga bata patungo sa ground
pagkarinig sa hudyat ng Earthquake Drill.
Matagumpay na ipinagdi-
wang ang Buwan ng Wika sa
Lupac Tabigue Elementary
School noong Agosto 29,
2013.
Tulong-tulong ang mga
guro mula kindergarten
hanggang Grade Six upang
isagawa ang ibat ibang bi-
lang na kanilang ipapakita.
Tampok sa palatuntunang
ito ang mga piling sayaw,
isahang tinig, tula,
sabayang bigkas, at
may teatro pa mula sa
mga piling mag-aaral ng GradeVI.
Nagkaroon din ng paligsahan
sa pagsulat ng tula at sanaysay,
pagguhit, at paggawa ng poster
at islogan tungkol sa kahalagahan
ng wika. Kaugnay ng gawing
ito,ang mga bata rin ay nanood ng
isang palabas tungkol sa mga ba-
yani ng ating lahi ang El Presi-
dente
Nagkaloob ng sari-saring
papremyo tulad ng lapis, papel,
pera at iba pang kagamitan
p a r a s a m g a
batang nagsipagwagi./Rossel
Valenzuela
Itinuloy ng mga opisyal
ng PTA ang kanilang
proyektong sementadong
daan patungo sa Social
Hall. Nahihirapan ang
mga batang dumaan lalo
na kung umuulan.
Maputik at bumabaha sa
lugar na ito.
Nanguna sa gawaing
ito ang kanilang Pan-
gulo g PTA na si Gng
Rosemarie Malitao,
Felomino Ledesma-
Pangalawang Pangulo
at Kagawad Isagani
Sadiwa. /Rosemarie
Ledesma
Tumanggap muli ng ma-
higit na 300 bagong aklat
mula sa isang alumni ang
paaralang L.T.E.S. noong
Setyembre 21,
Ang mga aklat na ipi-
nagkaloob ng alumni ay
mga sangguniang aklat ng
ibat-ibang asignatura na
magagamit ng maraming
mag-aaral lalo na ang mga
kindergarten at mga
Grade I.
Kabilang sa nasabing alumni
ay si Gng. Nora Llave Salazar
na isang dating guro na walang
sawang tumutulong sa pagbibi-
gay ng aklat sa kanyang paara-
lang pinagtapusan.Siya din ang
nagbigay ng isang set ng ency-
clopedia para sa silid-aklatan
ng L.T.E.S.
Layunin ng Alumni na maian-
gat ang kalidad ng edukasyon
ng mga bata sa naturang
paaralan. /Rachel Ann Mana-
Tulong-tulong sa paghalo ng semento ang mga opisyal ng PTA
para tapusin ang daan.
3 10 HULYONOBYEMBRE
2013 HULYONOBYEMBRE
2013
Oktubre 21, 2013
Mahal na Editor,
Maraming salamat po sa pagkaka-
roon namin ng bagong sipi ng pahay-
agang pampaaralan. Natutuwa po ako
dahil sa panibagong tagumpay dahil
sa inyong pagsusumikap at taos pu-
song dedikasyon.
Bilang Patnugot at sa lahat ng
bumubuo nito, talagang maipag-
mamalaki ko ang ating paaralan.
Hagad naming ang inyong patu-
loy na pag-ani ng tagumpay.
Mabuhay ang inyong pahayagan,
Ang Tabing-DAGAT
Gumagalang:
MA. JANNICA LAUGO
Marami man akong hiningi kay Napoles na hindi niya tinupad,
okey lang
Marami man siyang ninakaw na hindi ko hinangad...
saEarthquake Drill lalo na sa
mga mag-aaral. Layunin nito na
ipaalala sa lahat ang mga dapat
gawin sa pagdating ng lindol. Imi-
numungkahi din na isama sa kuri-
kulum ang paghahanda at ang mga
dapat gawin kung may lindol. Da-
pat mamulat ang bawat mamama-
yan tungkol dito.
Kaakibat ng gawaing ito, Patu-
loy ang pag-aaral ng PHILVOLCS,
PAG-ASA, Mines and GeoScience
Bureau at iba pang ahensiya
upang lubos na makatulong sa
paghahanda sa lindol sa ating
bansa at nang maiwasan ang pag-
papanic sa pagdating nito.
( Rachel Ann Manahan)
Ang lindol ay isa sa mga
kalamidad na nagdudulot ng
malaking pinsala sa bawat
bansa. Ito ay nagiging sanhi ng
pagkamatay ng pagkamatay ng
mga tao at hayop at pagkasira
ng mga bahay, gusali at iba
pang inprastraktura. Kaya na-
man ang sapat na paghahanda
sa pagtama ng lindol ang nara-
rapat gawin sa mga mamama-
yan upang maiwasan ang mga
pangyayaring tulad nito. Sa-
pagkat maaaring dumating ang
lindol anumang oras, akapaligid
ang mga bulkan kaya lagging
nasa panganib ng pagyanig.
Dahil dito, pinaigting ng
pamahalaan ang pagsasailalim
Punong Patnugot: Lawrelyn Limpiada
Pang, Patnugot: Rossel Valenzuela
Mga Tagapagbalita:
Rosemarie Ledesma
Giezel Mandac
John Mark Jayag
Editoryal: Rachel Ann Manahan
Ruth Joy Laugo
Lathalain:
Marivel Malitao
Jannica Rose Laugo
Ma.Veronica Abling
Isports:
Joshua Lee Matining
Janna Abegail laugo
Mga Tagapayo:
Gng. Juanita Matining
Gng. Merbe M. Landoy
Gng. Elizabeth M. Villo
Gng. Marites Labog
KONSULTANT
Gng. Merlie L. Llave
Oktubre 22, 2013
Sa iyo Ma. Jannica,
Akoy nagagalak sa iyong liham. Ang
pagsisikap naming mapaganda ang ating
pahayagan, ay para na rin sa karangaln ng
ating paaralan.
Maraming salamat sa iyong pagsulat
ditto sa ating pahayagan, ( Ang Tabing-
DAGAT ).
Mahirap man ang aming dinanas,
subalit natutuwa naman kami sa pag-alalay
sa amin ng aming mga tagapayo. Kami man
ay umaasa na magkakaroon ng magandang
laban sa paligsahan.
Idalangin rin ninyo na ang ating paha-
yagan ay magustuhan ng mga hurado, pati
na rin ang mga artikulo na nilalaman nito.
Muli maraming salamat!
Sumasainyo,
LAWRELYN LIMPIADA
Matalinong Tindera
Tagpo 1: Sa palengke isang
umaga.
Tindera: Bili na kayo ng
banig.Murang-
mura lang kasya ang
limampu. Ale, Mama,
bili na kayo!
Mamimili: Bigyan mo nga ako
ng isa Dalawa na
kaya. Magpipista sa
amin sa Linggo at
marami akong kamag-
anank na darating.
Tindera: Tamang-tama. Pista
na pala sa inyo! Sigu-
radong maraming tao.
Gawin na ninyong
tatlo.
Mamimili: O, sige na nga!
Tindera: Ay, salamat po! Di
kayo magsisisi,
Manang.
Tagpo 2: Sa palengke, pag-
karaan ng isang lingo
Mamimili: Sinungalin ka! Hindi
nagkasya ang li-
mampu. Ibabalik ko
na ang mga binili kong
banig.
Tindera: Ay Manang! Paano po
ba ang ginawa ng mga
tao at hindi nag-
kasya?
Mamimili: Paano pa ay di naka-
higa.
Tindera: Ay naku, mali po
kayo! Dapat nakatayo
dahil kasya ang li-
mampu kapag na-
katayo.
Ang biro ay madalas na nakakaaliw. Kung ikaw ay binibiro, wag seryosohin? Kung ikaw
ay nagbiro, iyong pakaisipin.
Masunurin
Tagpo 1: Sa Appliance
Store, isang umaga
Ina: Nonoiy, huwag kang
aalis sa tabi ng benti-
lador na iyan. Pupunta
lang ako sa kabila. Ba-
balikan kita riyan.
Nonoy: Opo, Mommy.
Tagpo 2 : Pagkalipas ng
ilang Sandali.
Ina: Nasaan na kaya si
Nonoy? Dito ko lang
iniwan. At ang benti-
lador , wala na rito.
Teka. Miss mawalang
galang na nga, Nasaan
kaya ang bentilador
rito?
Saleslady: Nabili na po.
Inilagay na po sa kahon.
Baka po nasa counter
na. Bakit po?
Ina: May napansin ka bang
bata sa tabi ng benti-
lador?
Saleslady: Bata? Baka po
iyon pong sunod nang
sunod sa paglalagay ng
bentilador sa kahon.
Ina: Oo iyon nga. Nasaan
siya?
Saleslady: Baka nasa
counter din po. Pun-
tahan po ninyo sa
counter 5.
Tagpo 3. Sa Counter 5
Ina: Nonoy, nariyan ka pala?
Kanina pa ako hanap ng
hanap sa iyo.
Nonoy: Sabi po ninyo wag
akong hihiwalay sa
bentilador. Sabi po
ninyo wag akong hihi-
walay sa bentilador.
Kaya narito po ako sa
counter,dahil narito
ang bentilador.
Ina: Aba eh, bibilhin na yata
iyan! Di mapapasama
ka.
Nonoy: Sabi po ninyo, Su-
musunod po lamamng
ako.
Ina: Hay, naku!!!!
Nagkalituhan
Tagpo : Sa bus na papuntang
San Pedro Laguna Isang
tanghali, nagtatanong ang
konduktor:
Konduktor: Kayo, Ale, ilan?
Pasahero 1: Dalawa, Sago
Konduktor : Kayo, Lolo.?
Pasahero 2: Isa, Buko.
Konduktor: Kayo po, Mama?
Pasahero 3: Tatlo kami Kape
Barako.
Konduktor: Kayo, Miss?
Miss: Lima kami, tatlong ham-
burger, dalawang hotdog.
Konduktor: Ay mali! Saan po
kayo bababa? Lumihan o
Gotohan?
Doon pala sa papuntang
San Pedro, hindi pala kalye
ang palatandaan ng pagbaba
ng pasahero. Ang palatan-
daan nila y mga pangalan ng
produktong naksulat sa
gusali.
Maraming mag-aaral ang gumagamit ng bagong teknolohiya gaya na lang ng kompyuter. Ang kompyute ay
isang uri ng makina na makakapagpabilis ng gawain ng isang
tao. Ang kompyuter ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang
palawakin ang kanilang kaisipan.
Epekto ng makabagong teknolohiya
maging maayos at mabilis
ang serbisyong kanilang
binibigay araw-araw sa
kanilang mga kliyente.
Napakalaki ng naitutulong
ng bagong teknolohiya sa
atin.
(Nicole Hernandez)
Ang mga pagamutan at ospital ay gumagamit rin ng
kompyuter sa pagtuklas at
pagsuri ng karamdaman at sakit.
Maging sa mga sasakyan tulad
ng MRT at LRT. Ang mga
bangko rin ay gumagamit ng
bagong teknolohiya upang
Ang Aming Pahingahan
Mga bata namin
Pagkatapos kumain
Walang naglalaro
Pagkat mayroong biliin.
Kamiy magbabasa ng
kwento at aralin.
Upang di masayang
itong oras mandin.
Sa munting pahingahan
Doon gugulin,
Magbasat sumulat
pag-awit, mayroon din,
Guro namiy natutuwa
sa araw-araw naming
ginagawa
sanay di daw mgbago
matukso sa gawang
masama.
Magbasa nang magbasa
Ito ay mahalaga
Huwag tayong manghi-
nayang
Uunlad ating isipan
Gayundin ang bayan
(Aica Moldogo)
4 9 HULYONOBYEMBRE 2013 HULYONOBYEMBRE
2013
Dengue, mapanganib na sakit! Maiiwasan kung ligtas
tayo sa kagat ng lamok na Aedes.
Isa itong halik ng ka-
matayan subalit hindi mo man
lang mapapamnsin subalit di
mo man lang napansin hang-
gang sa hindi pa kinakikitaan
ng mataas na lagnat at mat-
inding pagsakit ng ulo, pag-
susuka at pananakit ng kasu-
kasuan na kung magkaminsan
ay binabalewala dahil sabi nila
ay trangkaso lang. Subalit
paano na kaya kung ito ay lu-
mala.
Mayroon akong kapitba-
hay noon na isa sa tinamaan
ng sakit na dengue ng sila ay
mangupahan sa Barangay Lay-
lay. Noong una ay di niya alin-
tana ang kagat ng lamok, na
iyon pala ay carrier na ng
naturang sakit.
Nilagnat muna siya at
agad dinala sa ospital sapag-
kat pakiramdam nila ay wala
itong pagbabago,agad silang
nagpasya na dalhin siya sa
Doon natuklasan na siya pala
ay biktima na ng mapinsalang
Dengue.
Mabilis na sinalinan ng
dugo ang pasyente sa dahi-
lang siya ay nag-aagaw bu-
hay na.
Salamat sa Diyos, Si-
yay nakaligtas!
( Rachel Valenzuela )
1. Panatilihing may takip ang
anumang ipunan ng tubig.
Tandaan, ibig ng lamok sa
mga stagnant water.
2. Laging magpahid ng in-
sect repellent tulad ng
OFF LOTION.
3. Panatilihing malinis ang
ating tahanan at buong
paligid.
4. Gumamit ng kulambo sa
pagtulog.
5. Magsuot ng mahabang
manggas.
6. Laging linisin ang mga kanal
upang hindi pagbahayan ng
lamok.
7. Ugaliin ang pagpapausok
tuwing ika-apat ng hapon.
8. Iwasan ang paglalagay ng
tray sa ilalim ng mga air
c o n d i t i o n e r .
( Rachel Ann Manahan )
Ano nga ba ang Chikun-
gunya?
Ayon sa Department of
Health, ang Chikungunya ay
isang viral diseases na na-
kukuha mula sa mga
Dengue-Carrying Mos-
quito kaya para na rin itong
Dengue.
Mga sintomas o palatan-
daan ng sakit na Chikun-
gunya na katulad ng sin-
tomas ng dengue virus:
nilalagnat
may mga rashes
nahihilo at pagod ang
pakiramdam
nananakit ang kalam-
nan at kasukasuan.
Ang Chikungunya ay laganap
na sa Asya ngayon ngunit
wala pa ring bakuna na pwe-
deng makasugpo ng naturang
sakit kaya ang dapat pa ring
gawin ay paglilinis ng kapaligi-
ran upang mawala ang mga
pinamamahayan ng lamok. Gaya
ng pag-iingat sa dengue, dapat
iwasan na makagat ng mga
lamok na siyang nagsasalin ng
virus. Sabi sa history ng virus
na ito, ang Chikungunya ay ha-
ngo sa salitang ang ibig sabi-
hin ay matuyo at mamilipit
Tag-ulan na naman, at sa
panahong ito, bukod sa pag-
dagsa ng ulan ay nariyan rin
ang posibilidad na tayoy
madatnan ng mga ibat-ibang
sakit na maaari naming maiwa-
san. Ang mga halimbawa nito
ay ang cholera, na siyang nag-
ulat na dumadami sa kaso sa
Pilipinas , ang lepthospirosis
na kaya nagdudulot ng sakit ay
dahil sa tubig-baha , at iba
pang mga karamdaman. Ating
alamain ang ilang halbang
upang makaiwas sa sakit:
1. Siguraduhing ligtas ang pi-
nagkukunan ng tubig. Ang
ligtas na tubig ay napakaha-
laga para sa kalusugan. Tu-
wing tag -ulan, maapektu-
han ang ating mga
pinag-iigiban ng tubig. Kayat
dapat maging sigurista. Ang
tubig na hindi tiyak ay dapat
huwag r ing gamitin na
panghugas ng gulay at prutas
na kakainin.
2. Pakuluan ang tubig na hindi
sigurado. Kung hindi nakatiti-
yak sa kalidad ng inyong tubig,
pakuluan ang tubig (dapat Ku-
long-kulo talaga) ng di kukulang
sa isang minute. Bago magpa-
kulo ng tubig, maari ring salain
ang tubig, at hayaan itong nasa
lalagyan upang mahulog sa
ibaba ang mga maliliit na sedi-
ment.
3. Panatilihing wasto ang pagta-
pon ng dumi. Ang dumi ng tao
ay isang pinagmumulan nh mga
mikrobyong nagdadala ng chol-
era at iba pang sakit. Maaaring
hindi ito problem para sa iba,
ngunit sa panahon ng tag-ulan
at tag-baha , ito ay nagiging
isang problema para sa
marami. Dapat malayo sa mga
pinagkukunan ng tubig gaya ng
ilog, balon at iba pa.
4. Iwasan ang magbabad sa tubig
-baha. Ang sakit na leptospiro-
sis ay dala ng mga mikrobyong
galing sa mga daga at iba pang
hayop, na maaaring dalhin ng
tubig baha at makapasok sa
balat ng tao. Iwasan ang
paliligo sa tubig-baha.
5. Huwg hayaang maipon sa mga
lalagyan ang tubig na hindi gu-
magalaw o stagnant water. Ang
mga naipon na tubig sa mga
lalagyan ay maaaring maging
lugar ng mga lamok na nag-
dadala ng dengue.
6. magpatinginkaagad sa doctor
kung may sintomas tulad ng di-
mapigilan at malatubig na pag-
tatae, mataas na lagnat, pagsa-
kit nga tiyan at ng katawan
upang maagapan ang anumang
sakit na nakuha.
Nagretiro na ang aming
punongguro ng Lupac-Tabigue
Elementary School na si Gng.
Zenaida R. Ricohermoso noong
Oktubre 22, ng taong kasaluku-
yan.
Masakit man sa kalooban na
mapawalay sa pamilya ng DepEd
ay nagretiro na si Mam Zeny,
ang principal II ng L.T.E.S. sa
edad na 65.
Si Gng. Ricohermoso ay
unang dumating dito noong Hu-
lyo 1, 2007 bilang Prinsipal II.
Nanungkulan siya bilang Moni-
toring Prinsipal ng Riverside
Zone ng humigit kumulang sa
anim na taon. Malaking pagba-
bago ang naganap sa paaralan
sa ilalim ng kanyang panunung-
kulan tulad ng pagkakonkreto
ng bakod sa likod ng Social
Hall, paglagay ng konkretong
flooring sa harapang bahagi
ng paaralan at iba pa. marami
ring mga karangalan ang na-
tamo ng mga bata at paaralan
maging akademiko. Sa lumipas
na dala-wang taon tumaas din
ang NAT Result ng Grade VI.
Marami rin siyang naitulong sa
pagkapromote ng kanyang mga
guro tulad nina Gng. Rowena
Racelis na isa na ngayong Head
Teacher. Gayundin sina Gng.
Merlie Llave, Gng. Marites
Labog, Gng. Merbe Landoy at
Gng. Juanita Matining na
kapwa nagging Teacher III.
Di matawaran ang kanyang
kabaitan at kasipagan kung
kayat ang kanyang paglisan sa
paaralan ay isang kawalan.
Bye Mam Zeny Di ka namin
malilimutan./Janna Abegail
Laugo.
Isang kakaibang pagdiri-
wang ng World Teachers Day
ang ipinamalas sa Unang Linggo
ng Oktubre bilang pagpaparan-
gal sa mga guro sa ibat ibang
paaralan, sa bawat distrito,at
mapamunicipal man.
Ang mga Samahan ng mga
Magulang o PTA ay nagkaroon
ng kani-kanilang gimik upang
mabigyang kasiyahan at pagpa-
pahalaga ang araw na ito.
Maging ang mga Supreme Pupil
Government o SPG ay nakipag-
tulungan din upang sa munting
programang inihanda nila bilang
pasasalamat sa kani-kanilang
guro ay magkaroon ng kahu-
lugan. Ang iba namay sadyang
may inuhandang espesyal na
regalo na naghatid ng katuwaan
sa mga guro, munti man itong
handog ay nakapagpapataba ng
puso para sa mga guro na nan-
gangahulugan lamang na sa
bawat aral na itinanim sa
munting isipan ng mga mag-
aaral ay nagsilbing malaking
bagay para sa kanila ng mai-
padama na ang guro ay naging
mabuti at dapat maalala.
Hay.. Gusto ko na ring maging
guro Ang sarap kc na marinig
na may mag-aaral na handa
pang magpasalamat sa lahat ng
bagay na kanyang natutunan..
wika ng isang mag-aaral.
Maliban dito, hindi lang
bata at magulang ang nagbigay
pugay sa pagsusumikap ng mga
guro, maging ang mga
punongguro na nagtiyagang
nag-evaluate ng mga na-
gawa ng aming mga guro sa
Unang Markahan. Siyempre
katulong kami ni titser
dyan sa pagpapaganda ng
aming silid at paaralan.
Natutuwa naman ako kase
napasama ang aming
punungguro at mga guro
dito sa L.T.E.S.na mabigyan
ng pagkilala at at ginawaran
ng Katibayan ng pagkawagi
noong Pandaigdigang Araw ng
mga Guro na ginanap sa Plaza
ng Boac, Oktubre 5 taong
kasalukuyan sa pamamahala
ng ating District Supervisor
Gng, Rhodora C. Yambao.
Mabuhay at Congrats po
mga titser namin sa L.T.E.S.!
Saludo kami sa inyo!!! /R. Le-
desma
Ito ay humahalina sa
bawat mga tagapakinig at
nagdudulot sa kanila ng
lugod sa tuwina.
Araw-araw, kapuna-
puna ang mga kabataan,
mga indibidwal na nasa
gawing gitna at dapithapon
ng buhay na nalilibang sa
napapakinggang musika
mula sa kanyang IPOD o
Cell Phone man sa pagsa-
kay sa dyip at tricycle.
Kapansin-pansin ang
malakas na tugtuging pi-
natutugtog ng tsuper.
Nandyan din ang mga
radio ng tahanan na ki-
nagigiliwan ng bawat pa-
milya. Sa mga teleserye at
ibat ibang programa sa
telebisyon kapuna-puna
ang mga musikang nagbibi-
gay kulay at gana sa mga
manonood. Tunog na sa
lahat ng sulok ay naroon
ang musika.
Sa kabilang banda ang
mga magigiliw na tagpakinig
ay walang tinatakda sa pag-
pili ng mang-aawit. Isang
halimbawa ang mga Pilipino,
tinatangkilik nila ang mga
awiting banyaga kahit hindi
nila maunawaan ang kahu-
lugan nga mga ito. Bigyang
pansin si Psy na pumukaw sa
buong mundo sa kanyang mga
sumisikat na awitin. Nariyan
din ang mga Koreanong banda
na tumawag ng pansin sa
maraming kabataan. Bukod
dito meron ding naglalagay
ng kani-kanilang awitin sa
mga internet sites kagaya
ng YOU TUBE upang
umani ng pansin sa nakara-
rami.
Ang mga ito ay patunay na
ang musika ay may natatang-
ing haplos sa buhay ng lahat
ng tao. Sa ibat ibang panig
ng mundo. Nagsisilbi itong
tulong sa pagkakaunawaan./
Veronica Abling
Musika ang nagdudulot ng pagkakaisa sa mga tao sa buong mundo
Masayang tinatanggap ni Gng.
Ricohermose ang parangal
mula kay Gng. Rhodora Yam-
bao
8 5 HULYONOBYEMBRE
2013 HULYONOBYEMBRE
2013
PARA NG naulit ang kasay-
sayan sa pagdating ng bagyaong
Yolanda kamakailan. Itinuring
siyang Super Bagyo at pinaka-
malakas kumpara sa ibang mga
bagyong nanalasa sa buong
mundo sa taong ito. Yolanda ang
tawag sa kanya ditto sa Pilipinas
pero, sa buong mundo, siya ay si
Haiyan. Ayon sa huling ulat ha-
bang isinusulat ito, nahigit na sa
100 bilang ng mga tao na na-
matay kay kay Yolanda at sa
Leyte pa lang ang karamihang
biktama.
Noong 1970, isang bagyo na
bininyagan sa local na pangalang
Yolanda (Patsy sa buong mundo)
ang nanalasa sa Pilipinas. Ayon
sa Wikipedia, 241 katao ang
namatay kay Yoling na itinuring
na pinakamalakas na bagyo sa
taong iyon. Tiyak naming hindi
sinadya pero ang Yoling ay mas
malaki o sabihin nang palayaw
ni Yolanda . At sa kapwa sila
nanalasa sa Pilipinas sa Buwan
ng Nobyenbre, Mas napaaga
lang dumating si Yolanda sa
bansa bandang Nobyembre
8,2013 habang si Yoling ay ban-
dang Nobyembre 19,1970. Pero
pareho silang itinuring na pina-
kamalakas na bagyo ng taon.
Bakit nagging Super Bagyo si
Yolanda?
Batay sa pahayagan ng Na-
tional Oceanic and Atmos-
pheric Administration, ang
lakas ng hangin ni Yolanda ay
umabot sa 200 mph (320 km/
h). Si Yolanda umano ang nag-
talay ng pinakamalakas na
hangin kasunod ng Super
Bagyong Tip (Warling sa Pilipi-
nas noong 1979. Nagpalakas
kay Yolanda ang katotohanan
na nabuo siya sa laot o open
ocean o malawak na karagatang
walang matatagpuang isla na
maaaring makahadlang sa kan-
yang pamumuo.
Bukod pa rito ang tem-
peratua ng karagatan na ang
init ay umabot sa 86 degrees
Fahrenheit (30 degrees Cel-
cius). At tumatagos ang init
nito hanggang sa pinakapusod
ng ng dagat na nagpapalakas
lalo sa namumuong bagyo. Sabi
pa sa paliwanag ng mga mete-
orologists, isang malaking en-
ginr ang mga bagyo na pi-
nalakas ng paglilipat ng init sa
dagat tungo sa himpapawid.
Wala rin anilang gaanong
tinatawag na wind shear sa
lugar na nagpabuo kay Yolanda.
Ang wind shear na ito ang sin-
sabing sumisira sa namumuong
bagyo at pumipigil sa paglakas
nito.
Dito sa L.T.E.S. nagluluto
kami ng mga pagkaing ma-
sustansiya at masarap, para
sa mga batang mabababa at
kulang sa timbang. Gumagamit
kami ng mga sangkap at gulay
na maaani sa gulayan ng
paaralan. Narito ang isa sa
aming mga menu. Subukan
nyo!
Mga Sangkap:
malunggay (dahon)- 1/2 tasap
Pako (hinimay) -1/2 tasa
Hilaw na saba(niyadyad) -1/2
tasa
Kalabasa ( niyaduad)- 1/2
tasa
Kamote ( niyadyad) -1/2 tasa
Mantika 1 kutsara
Sibuyas- 1 piraso
Bawang- 1maliit na buo
Itlog- 2 piraso
Asin(iodize)- 1 kutsara
Ketsup 120 ml.
Paraan ng Pagluluto
1. Ihanda ang lahat ng mga
gulay. Hugasan bago hi-
mayin.
2. Himayin ang pako at
malunggay
3. Yadyarin ang kalabasa,
kamote at sibuyas.
4. Hiwain ang bawang at
sibuyas.
5. Batihin ang itlog at at
ihalo sa pinagsama-
samang mga gulay,
bawang at sibuyas.
6. Timplahan ng asin at pa-
minta.
7. Haluing mabuti, saka
gawing patties
8. Iprito sa mainit na man-
tika hanggang sa maging
golden brown at saka
ihain.
Tikman mo. Oh! Di ba ma-
sarap!
Ano nga ba ang pawikan?
Ang pawikan ay isang uri
ng reptiles na nabibilang sa
mga Chelonia Ang katawan
nito ay nakapaloob sa spe-
cial shell na tumubo buhat
sa kanyang ribs. Ang pawi-
kan ay isang salitang gina-
gamit sa mga lamang dagat.
Di lamang ditto sa pilipinas
kilala ang pawikan, maging sa
North America ay kilalang-
kilala ito at tumutukoy rin
sa iba pang uri ng mga pa-
gong na matatagpuan naman
sa kalupaan. Ang mga uri ng
Testudines ang sinasabing
nabubuhay ng maramihan at
mayroon ding nanganganib
na ang lahi nito. Tinatayang
mayroong 300 uri ng pawi-
kan ang nabubuhay pa
hanggang sa ngayon. Ang iba
naman ay nanganganib at kumu-
kunti na ang lahi dahil na rin sa
pagtatayo ng mga beach resort
sa kanilang mga tirahan at ang
iba namay sa sobrang paghu-
huli.
Sinasabing ang pinaka-
malaking pawikan na Leather-
back Turtle ay umaabot sa
haba na 2,1 metro at tumitim-
bang ng 365 kilos. Hindi ito
katulad ng ibang pawikan na
walang atikaba sa halip ito ay
gawa sa carapace.
Ang mga pawikan ay nan-
inirahan sa maiinit na karaga-
tan at paminsan-minsan ay
sumasalunga sa malalamig na
tubig. Sila ay natatangay ng
mabilis na agos ng tubig o
kayay ng malakas ng hangin ./
Ruth Joy Laugo
Ang mga guro kahit anong
pagod, nagagawa pang ngu-
miti. Hindi bnila alintana ang
hirap sa maghapong pagtu-
turo , basta ang mahalaga sila
ay nakapagpatuto ng mga
bata.
Dahil sa pagsisikap nila na
maiayos ang mga bata ga-
yundin ang mga silid aralan,
nagkaroon naman ito ng say-
say sa kanilang buhay. Ka-
makailan lamang ay nagkaroon
ng District Schools Evalua-
tion. Lahat ay ginawa ng
guro. May nag-ayos ng mga
gulayan, mayroong nagpinta
at nagpalit ng ga lumang
paso May nagpatarpulin pa
para daw magandang tingnan
kahit magastusan pa sila.
Sulit ang naging pagod ng
mga guro. Masaya nilang
tinanggap ang mga tropeong
napanalunan./ Marivel Mali-
tao
Sa isang taong implemen-
tasyon ng K-12 para sa
Unang Baitang ay napatu-
nayan ng Dep Ed na ito ay
naging epektibo sa mga mag-
aaral. Marami sa mga bata
ang higit na nagkaroon ng
kaalaman sapagkat naging
maganda ang panimulang pag-
tuturo sa mga mag-aaral ayon
sa mga asignaturang inilun-
sad. Marami man itong aralin
para sa mga batang may edad
na 6-7 taong gulang
nakayanan ng mga ,mag-aaral na
ito ay mabigyan ng atensiyon.
Higit silang naging masaya at
interesado sapagkat may mga
sayawan at awitang dito ay sad-
yang nagpapaganyak sa mga mag-
aaral.
Ngayong taon, ang K-12 ay
isinasagawa na rin ng mga guro sa
Ikalawang Baitang. Mahirap man
sa simula ang pagtuturo ng mga
aralin para sa mga guro ay nasisi-
yahan naman sila sa mga kaakibat
na gawain rito./Joshua Lee
Matining
6 7 HULYONOBYEMBRE
2013 HULYONOBYEMBRE
2013
Pagbabasa pagkatapos kumain ang gawain
ng mga bata sa kubong ito...
Mas masarap at tahimik ditto..
Dito na lang tayo! Aba! Paano na, wala tayong mauupuan..
Pero okey lang basta matuto lang tayo!...
Matiyagang nagtuturo ang mga batang ito
Sakanilang kapwa mag-aaral pagkatapos
ng pananghalian.
Teka.. Isa-isa lang Huwag ka ng
sumingit. Hindi ko nga mabasa eh..
Oppps! Hindi naman makita at madinig
ay. Pakilakas nga Salamat!