Transcript
Page 1: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 1ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Ni Johnny Glorioso

Ni Ronald Limwith reports from

Quezon PIO

buong istorya sa pahina 2

ADN Taon 12, Blg. 471Abril 1 – Abril 7, 2013

DIARYO NATINANGalamin sa pahina 4page 5Daily draw results on page 11

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Dating Konsehal Benny Brizuelasundan sa pahina 2

ano kaya ang mangyayari

sa kandila?churches

in lucena city

Phil ippineChari tySweepstakesOff ice

photo by jeff baylosis

PEACE COVENANT NG LAHAT NG KANDIDATO, INILUNSAD SA QUEZON

KON. BRIZUELA, NAGING DAAN SA PAGKAKATAYO NG KAMAY NI HESUS

Lucena City- Tuwing panahon ng Mahal na Araw, bahagi na ng naging panata ni Dating Konsehal Benito J. Brizuela na samahan ang ilan daang Lucenahin sa paglalakad mula sa Lucena patungo sa grotto ng Kamay ni Hesus sa bayan ng

Lucban. Katulad nitong nakalipas na Holy Week, Huwebes Santo nang simulang magsakripisyo si Kon. Brizuela kasama ang iba’t ibang sector.

Taun-taon ay ito ang nagiging panata ng local na mambabatas at kapag regular na araw ng Sabado ay tinutulungan niya ang

Ni Shanaiah De Villa

WHOLESALE BENDISYON. Hose kung hose! Para lang nagdidilig ng halaman ang sakristang ito na umasiste sa pagbebendita ng mga palaspas sa selebrasyon ng Domingo de Ramos kahapon sa Sto. Niño Church ng Tondo, Manila. Contributed by Weeli Clamor

Dating PBA star Sonny Jaworski, sumama kina Mayor Dondon Alcala sa pamamahagi ng reading glass

LUCENA CITY – Nakiisa ang “living legend” ng Philippine Basketball Association na si dating Senador Robert “Sonny” Jaworski sa pamamahagi nina Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala at dating Vice Mayor

Philip Castillo ng mga reading glass o salaming pambasa sa Purok Pinagkaisahan Barangay Gulang gulang nitong nakaraang Linggo.

Hindi magkamayaw ang mga tao na nagsigawan at palakpakan ng makita ang mahusay na dating

basketbolista na dumayo pa sa Lungsod matapos ang imbitasyon ng City Sports Development Office na pinangangasiwaan ni Mr. Renato del Mundo.

Umabot sa halos 500-residente sa nasabing lugar ang napagkalooban ng mga reading glasses

sundan sa pahina 2

KAMAY NI HESUS SA LUCBAN, QUEZON | Photo by Jose Z. Orenday

Page 2: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN2 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

PEACE COVENANT. Isinagawa nitong nakaraang Miyerkules ang pagpirma ng peace covenant sa SM City Lucena upang maisakatuparan ang pagsusulong ng isang maayos, tahimik, mapayapa at malinis na halalan sa lalawigan ng Quezon. Dang Cabangon

sundan sa pahina 9

PEACE COVENANT NG LAHAT NG KANDIDATO... mula sa pahina 1LUCENA CITY-

Nagtulong-tulong ang mga opisyal at tauhan ng Commission On Election, Quezon Provincial Police Office at Lucena City Police upang maisakatuparan ang pagsusulong ng peace covenant para sa isang maayos, tahimik, mapayapa at malinis na

halalan sa lalawigan ng Quezon.

Ang signing ng peace covenant ay dinaluhan ng lahat ng mga kandidato sa panlalawigang posisyon na pinangungunahan nina Gob. Jayjay Suarez at katunggali na si Cong. Irvin Alcala. Dumalo din dito ang lahat ng mga aspirante sa mga

posisyong panlalawigan, mga kongresista at buong tiket ng mga maglalaban sa liderato ng lungsod ng Lucena.

Ang peace covenant ay bahagi ng kampanya ng COMELEC at Philuppine National Police upang masiguro ang matahimik na halalan sa kabuuan ng Quezon.

Ayon naman kay Quezon PNP Provincial Director Sr.Supt Dionardo Carlos , ang naturang aktibidad ay upang masiguro hindi lamang ang kaligtasan ng mga kandidato kundi pati na din ng voting population sa lalawigan ng Quezon. Johnny Glorioso

kaniyang mga kababayan na magtungo ditto. Libreng transportasyon ang kaniyang ibinibigay sa mga mananampalataya mula sa 33 barangay ng Lucena.

Ngunit ang hindi batid ng mga mamamayan ay ang naging kontibusyon

ni Kon. Brizuela upang maisakatuparan ang pagtatayo ng nasabing sagradong lugar.

Ayon ditto, bilang ganti sa hindi mabilang na biyaya at regalong ibinibigay sa kaniya ng Poong Maykapal lalo na sa pagkakaloob

sa kaniya ng bagong buhay matapos niyang malampasan ang isang karamdaman sa puso, kaya naman naganap ang pagkakaroon ng grotto sa Lucban. Isa si Kon. Brizuela sa nag-ambag pang maisakatuparan ito.

Ang Kamay ni Hesus Grotto ay isa sa pinakatanyag na lugar sa Pilipinas na dinadagsa ng libu-libong deboto mula sa Pilipinas at ibang bansa. Ito ay tinaguriang ikatlo sa pinakamataas na Ascending Christ sa buong mundo.

KON. BRIZUELA, NAGING DAAN... mula sa pahina 1

Dating PBA star Sonny Jaworski...

mula sa pahina 1na ang mismong nag-abot ay sina Mayor Dondon Alcala, dating Vice Mayor Philip Castillo at Robert Jaworski.

Sa mensahe ni dating Senador Jaworski, sinabi niya na sa larong basketbol ay hindi pwede ang buwaya at “hayaan na lamang daw natin ang mga buwaya sa ilog”. Binanggit pa ng dating sikat na basketball player na mahalaga din

ang pagkakaisa upang makamit ang minimithing kaunlaran ng bawat mamamayan.

Ang pamamahagi ng mga reading glasses ay bahagi lamang ng nagpapatuloy na pagkakaloob ng serbisyo ni Mayor Dondon Alcala kasama ang Team Pagbabago sa mga mamamayan ng lungsod. Contributed by PIO-Lucena

SAMA-SAMANG “URBAN”. Masayang nagpakuha ng larawan kasama ni Lucena City Mayor Dondon Alcala ang mga pangulo at iba pang opisyales ng 131 urban poor associations ng lungsod ng Lucena sa isinagawang talakayan nitong nakaraang Miyerkules sa City Antigua Restaurant, Lungsod ng Lucena. Dang Cabangon

“Paghihirap ni Hesus, salamin ng kahirapan ng mamamayan” – BAYAN-ST

M A N I L A , PHILIPPINES – Sinalubong ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (Bayan-ST) ang Semana Santa sa pagsasadula ng “Kalbaryo ng Mamamayan” sa Plaza Salamanca ngayong hapon. Ang pyesa ay binubuo ng mga serye ng pagtatanghal kasama ang pagsasadula ng kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan ng bansa at ang paghahalintulad nito sa pinagdaanang kahirapan ni Hesus.

Ayon sa Bayan-ST, “Katulad ng krus na pasan ni Hesus at ang pagpapahirap sa kanya ng hari ng Imperyo ng Romano, ang mga mamamayan ay dumadaan sa parehong kahirapan sa ilalim ng tuwid na daan na programa ng administrasyon ni Aquino, pasan ang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin, kawalan ng tirahan at bahay panirikan at unti-unting pagsasapribado ng mga batayang serbisyo katulad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan.”

Sa dulang inilunsad ng Bayan-ST, ipinakita nito ang pagpapangaral ni Kristo ng tunay na kalagayan ng mamamayan at ang paglaan ng kanyang buhay sa pamamagitan ng paghihirap na dinaanan niya sa mga Romano. Isinalamin nito sa dula ang kasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan na sumailalim sa parehong paghihirap.

Dagdag ng Bayan-ST, “Halos walang pinagbago sa kasalukuyang panahon at sa lumang panahon. Naranasan rin ng mga pamilya ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao ang parehong pagluluksa ni Birheng Maria sa dinanas ni Kristo na serye ng mga tortyur at pagpapahirap.”

Bilang pag-alala ng Semana Santa, magkakaroon pa ng mga susunod na pagtatanghal ang Bayan-ST sa Timog Katagalugan para sa buong linggo. Kagabi, nagtanghal ang grupo sa isa sa mga sitio sa North Triangle, EDSA, ang Sitio San Roque, na nakaambang na ma-demolish. Contributed by BAYAN-Quezon

Statement of Misis Cynthia Villar re: SWS Survey

"I am grateful and humbled by

the continued vote of confidence

of the people in my senatorial

candidacy. These encouraging

results will fuel me to help Filipinos even more.

As the campaign period progresses, I would like to reach out to more people

– not only geographically, but also across all sectors of the society. I would

continue my dialogue and interactions with as many people as possible to

better understand their problems, which will enable me to help them."

Kamay ni Hesus Dinagsa ng libu-libong tao

Hatinggabi pa lang ng huebes santo, maguumaga ay biernes ng magsimulang magtungo ang mga mamamanata sa higanteng dambana ng Kamay ni Hesus sa bayan ng Lucban.

Mula sa Lungsod ng Lucena, pinangunahan ni dating Lucena City Kagawad Benny Brizuela ang isang malaking grupo na nagumpisang maglakad patungo sa Lucban dakong hatinggabi. Subalit ayon na rin sa mga nakahanay na mga kubol patungo

sa naturang lugar, nagimulang dumagsa ang mga tao alas diyes pa lang gabi ng huebes. Dakong alas dos ng madaling araw, nagsisikip na ang lansangan patungo sa Lucban.

Ang mga may sasakyan ay bahagya nang makausad sa kapal ng mga taong naglalakad. At sa loob mismo ng compound ng dambana ay nagsisiksikan na ang mga mananampalataya. All roads lead to Lucban, mga bata edad apat pataas bukod pa ang sanggol na

Page 3: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 3ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Ang mga miyembro ng Quezon PGS na binigyan ng mga pananim na buto mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor. Kasama sa larawan si Gng. Rhodora V. Abuy supervising agriculturist at pinuno ng Support Facilities Division. Contributed by OPA-Information & Training Unit.

Pagpapasinaya ng Mulanay-San Francisco provincial road

M U L A N A Y QUEZON– Matapos ang mahabang panaho ng paghihintay, nito lamang nakalipas na linggo ay nagkaroon na ng katuparan ang matagal nang inaasam ng mga residente ng nasabing bayan na isang kongkretong daan.

Si Governor David “Jayjay” Suarez mismo ang nanguna sa pagpapasinaya ng Mulanay-San Francisco provincial road na sakop ng Barangay Ilayang Tayuman, San Francisco, Quezon.

Naniniwala si Suarez na malaking tulong ang nasabing daan sa paglalabas ng mga

produktong agrikultura ng nasabing barangay, particular na ang aning palay ng mga ito at kopra.

Kaya lang, ayon kay Barangay Captain Leonardo Garcia, kahit mailabas nila ang mga produktong ito ay may kinakaharap sila na isa pang problema. At ito ang mababang presyo ng kopra at palay sa kasalukuyan. Aniya, gawa nito kaya’t ang kanyang mga kabaranga ay lugi sa panahon ng anihan at pagkokopra.

Sa ngayon, ang presyo ng kopra sa kanilang lugar ay labing tatlong piso lamang kada

kilo na siyang labis na nagpapahirap ngayon sa mga kasamahan nitong magsasaka ng niyog.

Ayon kay Suarez, ang suporta ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga magsasaka ang kanyang kailangan para labanan ang malawakang importasyon at smuggling ng bigas at palm oil na siyang kalaban ngayon ng coconut oil. Sa ngayon aniya ang dapat gawin ay ang tangkilikin ang mga lokal na industriya habang ginagawa pa lamang ng mga mambabatas ang mga hakbang upang protektahan ang mga ito. Contributed by Quezon-PIO

DISTRICT ENGINEER JOSE. E. ALMERODepartment of Public Works and Highways Quezon IV DEO

Greetings from

Ang DIARYO NATIN sa Quezon

Greetings!To the 11th Anniversary of

Villar elated over inclusion of LPPCHEA on Ramsar List of Wetlands

of International ImportanceFormer Las Piñas

Representative Cynthia Villar said she is happy that the Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) is included on the Ramsar List of Wetlands of International Importance.

“The inclusion of LPPCHEA on the Ramsar List of Wetlands of International Importance is very good news indeed. We should be proud of the recognition, and at the same time, we are encouraged even more to protect it," said Villar.

LPPCHEA is the sixth Philippine site designated as ‘Wetlands of International Importance’, it was included on the list on March 15.

The others on the list are: the Tubbataha Reefs National Marine Park in Sulu (listed on December 11, 1999); the Agusan Marsh Wildlife Sanctuary (listed on December 11, 1999); the Naujan Lake National Park in Oriental Mindoro (listed on December 11,

1999); the Olango Island Wildlife Sanctuary in Cebu (listed on January 7, 1994); and the Puerto Princesa Subterranean River National Park in Palawan (listed on June 30, 2012).

The Philippines joined the Ramsar Convention in 1994. Signatories to join the Convention agree to "include wetland conservation considerations in their national land-use planning," and commit to implement and promote "the wise use of wetlands in their territory."

The Convention on Wetlands—signed in Ramsar, Iran on 1971— is an intergovernmental treaty that embodies the commitments of its member countries to maintain the ecological character of their Wetlands of International Importance and to plan for the "wise use", or sustainable use, of all of the wetlands in their territories

"The international treaty organization has recognized LPPCHEA’s

global importance to biodiversity and the need to give it special protection from various threats. LPPCHEA is the so-called 'last bastion' in Metro Manila and faces various threats" said Villar.

Ramcar Convention cited on its website that LPPCHEA “faces threats” such as “ongoing land reclamation projects and mangrove cutting”, and “waste from nearby cities (that) accumulates along the coast”

Despite being declared as a critical habitat in 2007 by Proclamation No. 1412, there are existing plans to reclaim the area.

Villar is very vocal about her opposition on the planned 635.14-hectare Manila Bay reclamation project that will also affect LPPCHEA. She filed a petition for Writ of Kalikasan on March 16 against the said project, which the Supreme Court granted on April 10 last year. The writ of kalikasan was issued but not a temporary

environmental protection order or TEPO—without a TEPO, the contractor can still proceed with the projects.

A series of hearings, which wrapped up only a few weeks ago, was held at the Court of Appeals. Villar herself took the court stand on October 12 as petitioner and witness. Villar’s group is aiming for the issuance of a permanent environmental protection order, so that the reclamation project will be junked altogether.

“I have repeatedly talked about the catastrophic effects that the proposed Manila Bay reclamation project will bring about—including the damage to the bird sanctuary as well as to the mangrove forest and marine habitat. The worst of which, is that it will cause severe flooding in 37 barangays in Bacoor, 11 in Paranaque and 17 in Las Piñas. Floods with a depth of as much as 5.12 meters or equivalent to a two-storey high building,” cited Villar.

LPPCHEA serves as a sanctuary to migratory bird species from as far as Siberia. According to the Wild Bird Club of the Philippines, Metro Manila has 150 species of birds, 72 of which are found at LPPCHEA. It is the only bird sanctuary located in an urban setting, thus it is considered as the ‘last bastion’.

Description of LPPCHEA on the Annotated Ramsar List of Wetlands of International Importance:

Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA):

A coastal wetland in Manila Bay situated within the metropolis of Manila, comprising two interconnected, m a n g r o v e - c o v e r e d islands, shallow lagoons and coastline. A Presidential Proclamation in 2007 designated the site as a ‘Critical Habitat’ for the survival of threatened, restricted-range and congregatory species. At least 5,000

individuals of migratory and resident birds have been recorded at the site, including about 47 migratory species such as the vulnerable Chinese Egret (Egretta eulophotes). The most important of the resident bird species is the vulnerable Philippine Duck (Anas luzonica) which breeds at the site. Records from 2007-2011 show that the site supports at least 1% of the estimated population of Black-Winged Stilts (Himantopus himantopus) using the East Asian-Australasian Flyway. The site faces threats associated with being located near densely populated areas. Waste from nearby cities accumulates along the coast and heavy metals and other organic contents coming from residential and industrial effluents affect surrounding areas. Other threats include ongoing land reclamation projects and mangrove cutting. Efforts to ensure the long-term conservation of this site are ongoing.

Mga kooperatiba ng magsasaka, higit na pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan Mas pinapagtibay

at pinalakas ngayon ng administrasyon ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang mga aktibong kooperatiba ng mga magsasaka sa lalawigan. Ito aniya ay upang mas higit na makatulong sa sector ng agrikultura at mabigyan ng magandang kabuhayan ang mga mamamayan.

Ayon kay Gov. Suarez, milyong piso na ang halaga ng mga kagamitang pangsakahan a kanilang ipinapamahagi sa iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka s

Quezon.Noong nakaraang

linggo, kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Day, bumisita sa barangay Mabunga, San Francisco, barangay Ilayang Yuni, Mulanay, at barangay Ilayang Yuni, Buenavista ang masipag na gobernador para kumustahin ang kanyang mga kababayan. Pinakahuling tumanggap ng mga gamit pangsakahan ay ang kooperatiba sa mga lugar na ito.

Kasama sa mga tinanggap ng kooperatiba na kagamitan ay ang mga certified palay seeds, corn

seeds, multi-tiller, drip irrigation, sprayer, grass cutter, open source water pump, hand tractor, mini thresher, flatbed dryer, open water source pump, mini corn shelter, mini 4-wheel tractor, mobile corn dryer at hauling truck.

Kasama ni Gov. Suarez ang mga local na opisyal ng nabanggit na mga bayan, sina board members Vic Reyes at Lourdes “Bunso” Pasatiempo at mga opisyal ng Department of Agrarian Reform – Quezon. Contributed by QPIO

Page 4: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN4 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Ang DiAryo nAtinSandigan ay Katotohanan, Walang KinatataKuyan

JOHNNY G. GLORIOSOPublisher

CRISELDA DAVID(On leave of absence)

SHERYL GARCIA Acting Editor-in-chief

Columnists/ReportersDARCIE DE GALICIA, BELL S. DESOLO, LITO GIRON,

BENG BODINO, BOOTS GONZALES, MAHALIA LACANDOLA-SHOUP, LEO DAVID, WATTIE LADERA,

REYMARK VASQUEZ, RONALD LIM, JOAN CLYDE PARAfINA, MADEL INGLES, CHRISTOPHER REYES

MICHELLE OSERA Marketing Manager

ATTY. REY OLIVER S. ALEJANDRINO ATTY. RAMON RODOLfO R. ZABELLA JR.

Legal Consultants

ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa no. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City,

Tel. No. (042) 6602508, 7932704, Email: [email protected]

DTI Cert. No. 01477125

mga likhang obra, kritiko, pahayag at balita mula sa mga baguhang manunulat at kritiko ng ating panahon. Napakarami ring mga magagandang na independent films na gawa nina John Red, Siegfried Barros Sanchez, Sine Patriyotiko, ST Exposure at marami pang iba.

Hindi man lantad sa publisidad, patuloy ang pagpapalaganap hindi lang

ng progresibo kundi mga militante at mapanlabang uri ng protest art sa iba’t-ibang panig ng bansa na bumabasag sa kombensyunal at tradisyunal na uri ng arte.

Ang hamon kasi ay sa mga manunulat, sa mga artists ay ang paggawa ng mga akda na maiintindihan at mapapakinabangan ng mas malawak na hanay ng mga mamamayan sa ating lipunan. Hindi man madaling aminin, tinitingnan pa rin ng nakararami na pamburgis lang ang literatura. Pang-culturatti. Pang-illustrado. Katumbas ng “Ivory Tower”, ‘ika nga.

Simple lang naman ang hamon sa iba pang nga manunulat, mamamahayag, artista, musikero’t mang-aawit, pintor, at iba pa; ito ay ang paglikha ng mapagpalayang sining na maghuhudyat at tutulong sa paghulma sa magandang bukas. Nasa sa kanilang mga palad na iyon, kung sasabay silang sumugod sa sigwa ng panahon o magpakulong sa apat na sulok ng pampalibang at prestihiyoso nilang mga obra.

Hamon para sa mga manunulatSa panahon ng mala-kanluraning kultura

o pamumuhay, kadalasang binubulag tayo ng mga mga napapanood at naririnig sa radio at telebisyon. sa kasalukuyan, ang media ay madalas kasangkapan ng ilang mga Diyos-diyusan sa gobyerno upang pagtakpan ang kanilang kanya-kanyang mga kabulukan. Madalas na ipinantatapal ang mga ‘pampalibang’ na noon time shows sa kalam ng sikmura ng mamamayang gutom sa tunay na pagbabago. Idagdag pang kadalasang kamatayan naman ang katapat ng matapat at mapagpalayang pamamahayag. Kasing dalas ng pag-alingawngaw sa kamalayan ng naghihikahos na mamamayan.

Pero hindi tayo dapat magpadala sa kultura ng ligalig.

Ang kultura ng protesta ay palagian namang namumukadkad sa pahina ng ating kasaysayan. Mula noon hanggang ngayon, ang pagsulat ng mga dula at iba pang piyesang nagsasalarawan ng kaapihan at opresyon ng mga mamamayan ay patuloy na iniaaanak ng mga tulad nina Direktor Lino Brocka, Bonifacio Ilagan, Pete Lacaba, Renato Constantino, Bienvinido Lumbera at iba pa.

Sa magulo at masalimuot na mundo ng internet, marami pa ring mga progresibo at mapanlikhang website tulad ng Bulatlat.com at Pinoyweekly.net, mga online magazine sa internet na naglalathala ng

eDiToryAl

ANo BA yAN!!!Ni Johnny Glorioso

TirADorNi Raffy SarnatePara sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa [email protected]

Reprinted from lucenahin.com.ph

sundan sa pahina 10

Semana SantaSinalubong ang pagsisimula ng Semana Santa

ng mga away pamilya na naging laman ng mga balita sa telebisyon at pahayagan.

Unang pinagusapn ang mga patutsada ng pamilya Ongpauco ni Heart Evangelista laban kay Senador Chiz Escudero.Si Heart ang bunsong anak ng mga Ongpauco, isang mayamang angkan na ayon na din sa balita ay doble ang yaman kung ikukumpara kay Senador Chiz. Nilalaman ng mga balita ang mga binitiwang pangungusap ng ina ni Heart, ang diumano ay kawalan ng galang sa kanila ng Senador at ang hindi magandang ugali at pakikitungo nito sa kanila. Patay malisya naman si Heart sa lahat ng ito na waring higit na kinampihan ang kanyang kasintahan. Ay , ang pagibig nga naman kpag pumasok sa puso ninuman hahamaking lahat pati na ang mga magulang. Naapektuhan kahit papanu ang kandidatura ng Senador, biglang bumaba ng ilang antas ang standing nito sa ipinalabas na resulta ng bagong survey.

Natabunan naman ng balitang James at Kris Aquino ang mga balita kina Senador Chiz at Heart at

mantakin niyo na kumain ito ng napakahabang oras sa pambansang telebisyon. Pero pansin niyo ba na hindi ito gasinong kinagat at pinatulan ng mga pahayagan lalo na ng broadsheet at kung may nailabas man ay parang pinagbigyan lang. Yun bang wag lang di maibalita.

Ayon na din sa mga lumabas na balita, na hindi naman natin tiyak kung anu ba talaga tama , nagugat ang lahat sa kagustuhan ni Kris na ilabas ng bansa ang anak nila na mahigpit namang tinututulan ni James. Naghain ng petisyon sa korte na humihiling na mabigyan ng hold departure order ang anak sa kagustuhan nito na hindi mapalayo sa kanya ang anak. Pero tulad ng inaasahan,

Nang maging sulo ang mga kandila By TILDE ACUÑA | bulatlat.com

Mga supporter ni Alcala at Talaga, nagbabangayan na!

Hi ! Hello! Mga Ginigiliw kung Mambabasa! Kumusta na ang inyong “ HOLY WEEK”!

Ayos ba ang bakasyon ninyo sa inyo-inyong mga lugar? Alam nyo mga suki, karamihan sa ating mga Pinoy ay dito nila ginugunita ang Semana Santa. Kaya ang iba, na nasa ibang lugar maging sa ibang bansa ay nagbabalik bayan para dito gunitain ang kulturang Pilipino ng mga Pinoy. Kung patpaano pinahirapan ni Hhudas ang ating Panginoong Hesukristo.Sana, maging Masaya kayo ngayong nagdaang Holy Week at sa araw ng Lunes, ay balik uli tayo sa ating mga trabaho pero, babalik uli kayo sa darating na May 13 midterm electon para muling bumoto! Ano, ‘di po ba? Yes! Sabi nong isa nating TEXTER.

Alam nyo mga suki! Habang papainit- ng papainit ang panahon, ay papainit din ng papainit ang bangayan sa larangan ng Pulitika, katulad ng nangyari dyan sa Dasmariñas, Cavite, isa ang patay –pito ang sugatan sa partido ng mga Maliksi.

Dito sa Quezon ay parang mainit din ang panahon. Kamakailan mga suki, ay meron tayong napakapanayam na supporters ni Alcala huwag ko na raw banggitin ang kanyang pangalan! Abay! Kuruin mong muntik na siyang upakan ng suntok ng mga supporters ni Talaga? Ang sabi sa kanya may tulog daw si Mayor Dondon Alcala! Sa darating na Eleksyon. Ang sabi naman ng supporter ni Alcala baka yang si Amoto ang may tulog kay Dondon! Ah! Ganoon pag nanalong mga Talaga! Papalayasin ko kayong mga Vendors sa Quezon Avenue! Ay! Di tingnan natin kung makababalik pa ang ipinagmamalaki ninyong Lawin ng Lucena. Alam nyo mga suki! Dito sa mga supporters ng mga Alcala at Talaga ay wala tayong kinakampihan nasa gitna po tayo! Kaya nga MEDIA eh! Di po ba? Ang lagay niyan ay abangan na lang natin ang mangyayari sa darating na Eleksyon.

Anomalya sa Quezon Provincial Jail, dapat

imbestigahan!

Alam nyo mga suki! Kamakailan ay inulan tayo ng katakot takot na TEXTER tungkol sa nangyaring umano’y “anomalya” sa Quezon Provincial Jail (QPJ). Ito ang kanyang Txt messages, “Tito Raffy its hard to tell, inmate po me d2 sa QPJ, at bawal po CP d2 pero nid naming to para mailabas naming mga problema namin d2, dahil kawawa mga detainers d2 kapag walang Com.outside,sana po walang makaalam ng number ko Tito Raffy.”63919505.

Ang akala natin ay wala ng anomalya dyan sa (QPJ) at sinibak na ang dating Warden dyan, yon pala ay may nangyayari na namang anomalya. Aba! Ay dapat imbestigahan yan ni P.D. Carlos at kung hindi kaya ng Provincial Director abay! Dapat malaman ni PNP Chief Gen. Allan Purisima, kung totoo yang mga nangyayaring anomalya sa QPJ.

Page 5: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 5ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Churches in Lucena Cityby Analou Tumalac Reprinted from lucenahin.com.ph

.com.phThe Weekly Online Magazine for Every Lucenahin

Lucenahin is an online magazine that features people, places, events, and interests in Lucena City.

With its first issue published to coincide with Lucena Day 2012, Lucenahin has always worked hard to feature articles that celebrate the beauty and unique identity of the city.

Lucenahin.com.ph aspires to one day become the top go-to destination for all and everything Lucenahin.

Looking back in our history, before the Spanish colonization, most of the filipinos were practicing the Islamic belief while others are engaged to pagan practices.

The origin of Christianity here in the Philippines started way back the 1500's when the Spaniards came to the Philippines. They introduced the Catholicism faith to the Filipinos and gained a lot of converts. As the year passed, Protestantism, which is also a part of the Christian belief, was introduced in the Philippines by the Americans who came here after the Spanish colonization.

The belief of Lucenahins also varies from Muslim, Roman Catholic, Protestant and other religious practices, thus you will find here different fellowship groups, churches, sanctuaries and establishments, which caters

to the individual faith of every Lucenahins.

Below are the lists of different Churches in Lucena City:Roman Catholic Church (Episcopal District of St. John)St. Ferdinand CathedralAddress: Quezon Avenue, Lucena CityCanonical Erection: 1881Titular: St. Ferdinand, KingParochial Feast: May 30Phone: (042) 710-7573

Our Lady of Lourdes ParishAddress: Iyam, Lucena CityCanonical Erection: 1966Titular: Our Lady of LourdesParochial Feast: February 11Phone: (042) 710-2134

St. Jude Thaddeus Parish and Diocesan ShrineAddress: Cotta, Lucena CityCanonical Erection: 1956Titular: St. Jude ThaddeusParochial Feast: October 28

Phone: (042) 373-0292

St. Isidore Labrador ParishAddress: Ibabang Dupay, Lucena CityCanonical Erection: 1958Titular: St. Isidore LabradorParochial Feast: May 15Phone: (042) 710-3126

St. Raphael the Archangel ParishAddress: Dalahican, Lucena CityCanonical Erection: 1995Titular: St. Raphael the ArchangelParochial Feast: October 24Phone: (042) 660-5700

Holy Face (Sta. Veronica) of Jesus ParishAddress: University Site Village, Lucena CityCanonical Erection: 2000Titular: Holy Face of JesusParochial Feast: July 9Phone: (042) 373-4637

Our Lady of

Peñafrancia ParishAddress: Capistrano Subdivision, Gulang-Gulang Lucena CityCanonical Erection: 2005Titular: Our Lady of PeñafranciaParochial Feast: 3rd Sunday of SeptemberPhone: (042) 660-6481

Other Churches in Lucena City:

Aglipayan ChurchIglesia Filipina IndependenteAddress: Enriquez cor. Cabana Sts. Lucena CtiyFounded in Lucena: 1903

Evangelical ChurchUnited Church of Christ in the PhilippinesAddress: Quezon Avenue, Lucena CityFounded in Lucena: 1912

Conservative BaptistLucena Baptist ChurchAddress: Riverside

Subdivision, Red-V, Lucena CityFounded in Lucena: 1962

Seventh-Day AdventistAddress: Leon Guinto St, PantocBrgy. 9, Lucena CityFounded in Lucena: 1926

Iglesia Ni CristoAddress: Quezon Avenue, Lucena CityFounded in Lucena: 1969

IslamMuslim Islamic Association of Lucena CityAddress: Bel-Air Subd. Brgy. 10Lucena CityFounded in Lucena: 1980

Sources:

List of Parishes of the Roman Catholic Diocese of Lucena. Retrieved from http://www.church.nfo.ph/

Lucena City, Honoring Five Decades of Challenging Times. 2012

Farmer’s Enhancement Productivity Program, sinimulan naInilunsad na

noong nakaraang Linggo ang Farmer’s E n h a n c e m e n t P r o d u c t i v i t y Program or FEPP ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Unang mabibiyayaan ng nasabing programa ang distrito ng Bondoc Peninsula, kung saan may mahigit sa dalawang daan na mga magsasaka ang makikinabang.

Ang pagsasanay na ito ay gagawin sa

tulong ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, at umaasa ang gobernador ng Quezon na si Gov. David Suarez na makakatulong ito na malutas ang problema ng mga magsasaka sa pagpupuhunan.

K a d a l a s a n g inuutang muna ng mga magsasaka ng puhunan para makapagtanim, kaya halos nawawalan na ng kinikita ang mga ito dahil sa patong patong na bayarin at interes.

Batay sa programang FEPP, ang pamahalaang panlalawigan ang siyang magiging kapitalista ng mga maliliit na magsasaka. Lahat ng binhi ng mais, gamit sa pagtatanim at iba pang farm inputs ay manggagaling sa probinsya. Bukod dito, sinabi din ni Gov. Suarez na bibigyan ng monthly subsistence ang mga magsasaka habang h indi pa inaani ang kani lang mga pananim.

Dagdag pa ng ba tang gobernador na ang pamahalaang panla lawigan na r in ang b ib i l i ng mga inaning mais sa mga magsasaka para mat iyak na may b ib i l i ng kani lang an i . I sa d in i tong paraan para maprotek tahan s i la sa pagmamalabis ng i lang mga middlemen a t mas iguro na nasa tamang presyo ang kani lang mga pananim. Contr ibuted by Quezon-PIO

Tatlong farm-to-market road, pinasinayaan ni

Gov. David SuarezPormal na

pinasinayaan ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang tatlong farm-to-market road sa tatlong barangay sa bayan ng Tiaong, Quezon na Brgy. Aquino, San Pedro at Ayusan I noong March 25, 2013.

Ayon kay Gov. Suarez sa pagkakaroon ng maayos na kalsada ay magkakaroon na rin ng maayos na daloy ng mga serbisyo at mga produkto papunta at palabas ng mga naturang mga barangay. Natapos na din aniya ang maaalikabok na mga araw at mapuputik na mga gabi ng mga residenteng araw-araw na dumadaan sa naturang mga kalsada.

N a g p a h a y a g naman ng pasasalamat ang tatlong punong barangay na sina Kap. Miguel Espelita ng Brgy. Aquino, Kap. Simon Paz ng Brgy. San Pedro at Kap. Ronnie Solis ng Brgy. Ayusan I dahil sa naisaayos ang kalsada

Ayon sa kanila, kulang ang salitang pasasalamat sa n a p a k a h a l a g a n g p r o y e k t o n g ipinagkaloob sa kanilang barangay at kung dati-rati anila ang tawag sa kanilang daan ay patay na sapa, ngayon ay highway na.

Ayon naman kay Tiaong Mayor Roderick Umali, tumataas ang antas ng pamumuhay ng mamamayan dahil sa mga proyektong i p i n a g k a k a l o o b sa mga barangay ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Suarez.

S a m a n t a l a , sisimulan na din ang pagpapagawa ng farm-to-market road sa Brgy. San Jose sa bayan ng San Antonio, Quezon matapos isagawa ang groundbreaking ceremony sa pangunguna ni Gov. Suarez, Mayor Aniano “Ariel” Wagan at Punong Barangay Fernando Casas.

Ang naturang farm-to-market road ay may kabuuang habang 920 meters na nagkakahalaga ng limang milyong piso.

N a k i i s a din sa naturang pagpapasinaya sina Bokal Bong Talabong, Bokal Gary Estrada, dating Bokal Liza Alvarez, Tiaong Mayor Roderick Umali, dating Lucena City Mayor Ruby Talaga, dating Tiaong Mayor Leleng Umali, mga miyembro ng sangguniang bayan ng San Antonio at Tiaong at mga opisyal ng mga barangay ng dalawang bayan. Contributed by Quezon-PIO

Mga kagamitang pansakahan, ipinamahagiI p i n a m a h a g i

ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang iba’t ibang kagamitang pansakahan sa dalawang samahan sa bayan ng San Antonio at Tiaong noong March 25, 2013.

U n a n g napagkalooban ng mga kagamitan ang Del Valle Multi-Purpose Cooperative sa isinagawang turn-over ceremony sa Brgy. San Jose, San Antonio, Quezon. Kabilang sa mga ipinagkaloob sa naturang samahan ay dalawang hand tractor, dalawang multi-tiller, sampung push-type weeder, at isang grain moisture meter.

I p i n a g k a l o o b naman sa Samahan

ng Magsasaka sa Sitio Loob ng Tiaong. Quezon ang isang double pass rice mill, isang hand tractor with kama-type trailer, isang multi-tiller at sampung knapsack sprayer.

Ayon kay Gov. Suarez, hindi natatapos sa pamamahagi ng mga kagamitang pansakahan ang pagtulong ng kanyang a d m i n i s t r a s y o n . Tutulungan din aniya ang mga ito na sumailalim sa business and entrepreneurship training upang mas mapalakas pa ang samahan at makatulong upang maiangat ang pamumuhay ng mga miyembro nito at ng komunidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng dalawang samahan na nabiyayaan ng

mga kagamitan na ipinahayon ng mga chairman nito na sina Nenita Dela Vega ng Del Valle Multi-Purpose Cooperative at Ariel De Jesus ng Samahan ng Magsasaka sa Sitio Loob.

Ayon pa kay De Jesus, nagpapasalamat sila dahil nabigyan ng pansin ang kanilang p a n g a n g a i l a n g a n at bilang kapalit, pagtutulung-tulungan nilang alagaan, mapalago at maging k a p a k i - p a k i n a b a n g ang mga kagamitang ibinahagi sa kanila.

Ang mga i p i n a m a h a g i n g kagamitan ay mula sa ilalim ng programang Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCESS) ng

Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagsusumikap ni Gov. Suarez.

S a m a n t a l a , tumanggap din ang mga magsasaka mula sa bayan ng San Antonio nang 220 sako ng certified palay seeds.

Nakiisa sa magkahiwalay na aktibidad sina Bokal Bong Talabong, Bokal Gary Estrada, dating Bokal Liza Alvarez, San Antonio Mayor Aniano Ariel Wagan, Tiaong Mayor Dick Umali , dat ing Lucena City Mayor Ruby Talaga, dat ing Tiaong Mayor Leleng Umali , mga miyembro ng sangguniang bayan ng San Antonio at Tiaong at mga opisyal ng mga barangay ng dalawang bayan. Quezon PIO

Page 6: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN6 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Lalaki natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Atimonan

AT I M O N A N , QUEZON - Patay na ng matagpuan ng mga pulis ang biktimang si Rolando Aguilar Salvatierra sa loob ng kanyang bahay sa Brgy Talaba.

Sa imbestigasyong isinagawa ng mga elemento ng scene of crime operatives, napagalaman ang biktima ay pinatay sa kubo nito bago dinala sa kanilang bahay. Narekober ng mga pulis malapit sa bahay ang isang duguang kamiseta na sinasabing pagaari ni Angelo

Pangarap ni Villar na magtayo ng livelihood projects sa buong bansa

IPINAHAYAG ni Nacionalista Party-Team PNoy senatorial candidate Cynthia Villar na ang kanyang 111 livelihood projects na naitayo sa iba’t ibang panig ng kapuluan ay masyadong maliit.

Dahil dito, pangarap niyang puntahan ang may 1,600 munisipal idad at siyudad sa buong bansa para itayo ang kanyang livelihood projects na magbibigay ng hanapbuhay lalo na sa mahihirap nating kababayan.

Sa campaign sortie ng Team PNoy sa Naga City, sinabi ni Villar na sa kasalukuyan, mayroon lamang siyang 111 livelihood projects sa

buong bansa.Sa 111 livelihood

projects, 69 sa mga ito ay matatagpuan sa Luzon, 35 sa Mindanao at 7 sa Visayas.

Sinimulan ni Villar, na kilala sa tawag na “Misis Hanep Buhay,” ang kanyang livelihood projects sa Las Pinas City.

Ginunita niya na noong nag house-to-house campaign nang tumatakbo siyang kongresista, nakita niya na marami ang walang trabaho lalo na sa hanay ng mga kababaihan. Aniya, hindi maiwan ng mga ito ang kanilang bahay at mga anak.

Bunga nito, ipinasya niyang gumawa ng mga

programa para magkaroon ng pagkakakitaan ang mga kababaihan na hindi na nila kailangang umalis ng kanilang bahay o iwan ang kanilang mga anak.

“At layunin kong bigyan ng pagkakakitaan an gating mga kababaihan para makatulong sa kanilang mga mister at kabuhayan ng kanilang pamilya,” dagdag pa ni Villar na naging Board of Regents sa mahigit 100state universities and colleges (SUCs) nang maupo siyang chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education (CHED).

Aniya, marami sa SUCs ay matatagpuan sa Bicol Region.

Nang manungkulan

siyang chairperson of the Congressional Spouses Foundation noong 1998- 2000, sinabi ni Villar na nakapagpatayo sila ng 11 regional centers para sa mga kababaihan na biktima ng pang-aabuso, at isa sa mga ito ay nasa Bicol Region, sa n Ligao, Albay.

Matapos ang rally nang Team PNoy na isinagawa sa Naga City gymnasium, nagtungo si Villar sa Baao kung saan siya ang pangunahing tagapagsalita sa induction ng mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Federation of Baao women sa Baao, Camarines Sur.

Sakaling manalo siya sa darating na halalan sa

Mayo, nangako si Villar na babalik siya sa Baao para dahil ang kanyang mga proyektong p a n g k a b u h a y a n na magbibigay ng hanapbuhay sa mga residente rito.

Nang maging kongresista siya ng Las Pinas, sinabi ni Villar na kilala sa bansag na “Misis Hanep Buhay,” na sinuportahan niya ang mahahalagang panukalang batas para protektahan ang karapatan at interes ng mga kababaihan.

Si Villar ay nasa ika-4 na puwesto sa hanay ng mga napipisil na iboto ng mamamayan sa darating na eleksyon.

Urgino na siya ngayong itonuturing na principal suspek sa naturang krimen.

Isinasailalim ito ngayon sa masusing imbestigasyon samantalang nakatakdang i-autopsiya ang bangkay ng biktima. Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek at matandang alitan umano ang dahilan ng pamamaslang. Johnny Glorioso

“Quezon PGS, garantisadong organiko”

Marso 25, 2013 Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor Lungsod ng Lucena – isinagawa ngayong araw ng mga Opisyales ng Quezon Participatory Guarantee System o Quezon PGS na kilala rin bilang organisadong samahan ng mga magsasakang nag-oorganiko sa lalawigan ng Quezon ang kanilang buwanang pagpupulong sa nasabing tanggapan.

Pinangunahan ito ng kanilang Chairperson na si Gng. Carmen Cabling kaagapay ang mga piling kawani ng OPA sa pangunguna ni Gng. Jing Dimalaluan. Dito pinag-usapan ang mga mahahalagang bagay at mga pagplaplano para sa susunod pang mga gawain ng samahan kagaya ng paghahanda sa muling pakikiisa ng grupo sa idaraos na CHEFS ON PARADE 2013 na ginaganap sa Mall of Asia na kamakailan ang Quezon PGS ang isa sa mga tampok na aktibong nakiisa at nakipagsabayan sa bentahan ng produktong organiko. Ayon sa mga kasamahan at mga ibang nakiisa roon, angat ang produktong organiko ng Quezon sa mga naroon at kaya itong isabay sa mga ibang lugar na nag-oorganiko rin. Ang

pamamaraang PGS ay higit na kinakitaan ng kaayusan lalot ang lalawigan ng Quezon ay kilala bilang kauna-unahang gumamit ng pamamaraang ito base sa sistema ng organikong pagsasaka.

Napag-usapan rin sa pulong ang pagpapalawig ng samahan para sa ibang bayan sa Quezon na interisadong sumali sa Quezon PGS. Dagdag pa dito, tinalakay ang aprobado at inilaang pondo para sa buong operasyon ng samahan mula sa Tanggapan at inisyatibo ni PA Roberto D. Gajo. Sa panghuli at isa rin sa pinakatampok ng buwanang pulong na ito ang paggagawad ng Certificate of Guaranteed Organic para sa mga miyembro ng Quezon PGS na pumasa sa isinagawang pagsusuri alinsunod base sa Quezon Organic Standard at Philippine National Standard na kung saan ang mga nagawaran ng sertipiko ay garantisadong 100% organiko ang kanilang produkto.

Ito ay sina G. Edgardo Alcala, G. Teody De Chavez, G. Dionisio Valencia at G. Daniel Quilazon mula sa BINHI Sariaya, Quezon, G. Rosalio Fulgar, Gng. Rosemarie Romero at G. Manuel Luna mula sa

OFAP Pagbilao, Quezon at Gng. Nicanora Cabriga mula naman sa SAMAPOKATA ng Lungsod ng Tayabas. Ang nasabing Certificate of Guaranteed Organic ang magsisilbing lisensya nila at makikita sa

lugar ng pamilihan ng organikong produkto gaya ng Organic Market sa Perez Park nasa bakuran ng Capitolyo at may mabebentang organic na produkto tuwing araw ng biyernes. OPA-Information & Training Unit.

Nadakip na drug pusher patay sa pakikipag-agawan ng baril

B U E N AV I S T A , QUEZON - Kinilala ang suspek na si Emelito Becenio ,alyas totoy bansot, 44 na taong gulang, tubong Brgy Povlacion Guinyangan, Quezon isa umanong notoryus na drug pusher.

Nadakip si becenio makaraang magsagawa ng operasyon ang mga pulis at nakuha mula dito ang isang caliber 22 revolver na may mga bala, plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang itim na motorsiklo at osang

cellphone.Dadalhin umano

ito sa munsipyo sibalit habang daan sakay ng servive ng mga pulis ay nagawa nitong makalag ang posas sa kamay at inagaw ang 9mm pistol ng pulis na nagmamaneho ng patrol car. Kaagad namang pinagtulungang agawin pabalik ang baril nina PO1 Aguilar at PO1 Abel sibalit nakalabit umano ito ni Becenio ng dalawang ulit na tumama sa baba nito at naglagos sa utak na ikinasawi nito noon din. Johnny Glorioso

Dalaga pinagsamantalahan ng 6 na sabog sa droga

P I T O G O , Q U E Z O N -Pinagsamantalahan ng anim(6)na sabog sa droga ang isang 20,anyos na dalaga sa Brgy.Sisirin ng bayang ito.

Ang biktima ayitinago sa pangalang Loren(di tunay na pangalan residente ng nabanggi t na lugar.Nadakip naman ang isa sa anim na suspek na s i ,Eddie Rasales 18,anyos residente ng s i t io Catmon B r g y . V i l l a f u e r t e G u m a c a , Q u e z o n .

Nakatakas naman ang l imang (5)mga suspek na di pinangalanan dahi l pawang mga menor de-edad.na residente r in sa naturang bayan.Batay sa ulat na ipinadala ng Pi togo PNP sa Camp Guil lermo Nakar kay (OIC) PSSUPT.

D i o n a r d o B . C a r l o s , Q u e z o n PNP Provincial D i r e c t o r . N a g a n a p ang panghahalay ng anim (6)na mga supek ng dakong 9:00 ng gabi na habang nagiinoman sa isang

munting kubo,kasama ang biktima ay patuloy ang isinasagawa nilang pot-session at ng makaramdam na pagkahilo at lango na sa droga ay pinagtripan na nilang pilahan ang biktima.At ng makaraos at mailugso ang kapurihan

ng biktima ay agad na tumakas pero,nasakote ang isa sa mga suspek ng matyempuhan ng mga nagpa-patrulyang mga Barangay Tanod na ngayon ay detinido sa Lock-up jail ng Pitogo PNP at sinampahan na ng kaukulang kaso.Raffy Sarnate

Page 7: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 7ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

krusADA repormA Ni Joseng “BATUTA” Bautista

eDisyoNmulA sA piA

Ni Lito Giron

Solusyon sa krisis ng kuryente sa MindanaoSinisikap ng pamahalaan na magkaroon ng

mekanismong makatutulong sa power distribution utilities para makabili ng diesel-fed electric generating plants upang mabilis na malunasan ang krisis sa kuryente sa Mindanao, sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ayon kay Pangulong Aquino iniharap na ang plano ng Kagawaran ng Enerhiya kung paano matutulungan ng pamahalaan ang mga distribution facilities na makabili ng generating sets.

Ang paggamit ng diesel power plants ay pinakamabilis na lunas sa suliranin sa kuryente sa Mindanao dahil sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon ay maaaring ipatayo ng gobyerno ang mga plantang nasabi.

“Sa isang taon, kasama na ang apat na buwan ukol sa procurement ng gobyerno,” sabi pa ng Pangulo. “Kaya nga pinag-aaralan namin ang mekanismo para magawa sa madaling panahon ang balak ukol sa distribution utilities nang matapos ang problema sa kuryente.”

Binigyang diin pa ng Pangulo na ang nais ng gobyerno ay mabilis na lunas na umaayon sa batas dahil ayaw ng administrasyon niya ang mga shortcuts.

“Makatutulong ang ‘state of emergency’ para lamang sa mabilis na pagbili. Ayaw naman nating madaliing sobra na baka magkaroon ng shortcut sa batas, tapos sasabihin ng Komisyon ng Audit, hindi puwede lahat iyan. Balik na naman tayo sa wala,” dugtong pa ng Pangulo.

“Gusto nating sa pasimula pa lamang, kapag naipadala na iyan, talagang sumusunod sa lahat ng mga alituntunin, lahat ng patakaran at lahat ng batas para kapag nagamit na ay hindi naman mawawala

agad,” sabi ng Pangulo.Tahasang sinabi ng Pangulo na ang nais ng

gobyerno ay tiyaking hindi maaapektuhan ang nalalapit na halalan at lahat ng presinto sa halalan ay may sapat na kuryente upang maipadala agad ang lahat ng resulta ng halalan.

Inihayag ng Pangulo na sa 2015, kapag ang mga plantang permanente ay nagsimula nang gumawa nang sapat na enerhiya, inaasahan niyang mawawala na ang problema ng kuryente sa Mindanao.

Idinugtong ng Pangulo na tatlo hanggang apat na taon para magtayo ng planta ng kuryente at ang pinakamaagang pakay na petsa ay may halos 300 megawatts mula sa plantang pinaaandar ng karbon pagsapit ng 2015. Pagkatapos nito hanggang sa 2017 ang kahalintulad na mga planta ay magsisimula na ring umandar.

Madaragdagan din ang kuryente sa Mindanao sa pamamagitan ng Iligan diesel power plant na nanunumbalik na ang dating kapasidad.

Inulit ng Pangulo na ibig niyang matiyak na naaayon sa batas ang mga hakbang tungkol sa paglulunas ng problema sa kuryente sa Mindanao.

Sa kasalukuyan ay 35 megawatts ang makukuha buhat sa mga diesel power plants na ito.

Ipinaalam sa lahat na 5 buwan nang nawawala si

Mary Grace f. Amponin, 22 taong gulang at nakatira sa Purok Ipil-3 Pantoc, Brgy. 9, Lucena City.

Mangyaring ipagbigay-alam lang po sa 09106580755 o sa pahayagang ito. Si Mary Grace po ay may diperensya sa

pag-iisip. Maraming salamat po.

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Iba’t ibang samahang pang-agrikultura sa ikatlo at ikapaat na distrito ng Quezon, nabiyayaan ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura

lalawigan. Kabilang dito aniya ang Farmers’ Productivity Enhancement Program na magbibigay ng tulong sa mga magsasaka mula sa agriculture inputs, labor costs, gayundin ang mga subsidiya na ipagkakaloob ng serbisyong suarez sa agrikultura.

S a m a n t a l a ,

ipinagkaloob naman ni Governor Suarez ang iba’t ibang kagamitang pansakahan mula sa ilalim ng programang Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCESS) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagsusumikap ni Gov. Suarez sa dalawang

samahan sa bayan ng Lopez, Quezon.

Ipinagkaloob sa MASSCO Farmers Marketing Cooperative ang dalawang hand tractor with implements, isang mini thresher at isang blower. Ipinagkaloob naman sa Samahang Mag-iimpok ang isang decorticating machine, isang fiber peat dryer,

isang baling machine, isang twining machine at isang carding machine.

Nakiisa sa naturang aktibidad sina Bokal Romano Talaga, Bokal Manny Butardo, Bokal Gerald Ortiz, Lopez Mayor Sonny Ubana at miyembro ng sangguniang bayan ng Lopez, Quezon. Contributed by QPIO

nagpapakain ng LIBRE at tunay na NAGMAMALASAKIT SA BAYAN!

2. Huwag na rin po nating PAPATULAN ang mga KARINYONG PAIMBABAW tulad ng MALAPOT NA PAGBIBIGAY ATENSYON SA MGA MATATANDA at mga KABATAAN, na anila’y mga mamamayang LABIS NILANG PINAHAHALAGAHAN! Sapagka’t ang mga MATATANDA raw, ayon sa kanila, ay MGA MOOG NA SAKDAL TIBAY at ang mga KABATAAN naman daw ang PAG-ASA NG BAYAN! Gayun alam naman nating sila ay GINAGAMIT LAMANG.

3. Huwag na rin po nating BIGYANG PANSIN ang mga KANDIDATONG NANGANGAKO NG PAGKAKASATUPARAN ng mga adbokasiyang NILUMOT NA subali’t hindi kailanman nabigyang ng KAUKULANG PANSIN AT PAGGANAP SA PANAHON NG KANILANG MGA PANUNUNGKULAN!

Sapagka’t ang mga taong ganito ay SAGAD SA BUTO ang KASINUNGALINGAN!

4. HUWAG NA HUWAG na ninyong IPAGBILI ANG INYONG PAGKATAO AT KARANGALAN SA MGA KANDIDATONG “NAMIMILI

NG BOTO” sa halagang batid ninyong PAGTUTUBUAN NG IBAYONG LAKI sa pamamagitan ng WALANG PAKUNDANGANG PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN! At higit sa lahat. . . .,

5. Huwag na rin po ninyong iboto ang mga kandidatong batid niyong NAGNAKAW NA!

TANGGAPIN NIYO ANG SALAPING INIAALOK, SUBALI’T HUWAG NA HUWAG PO NATIN SILANG ILULUKLOK, sapagka’t ang HALAGANG KANILANG INIABOT AY PAUTANG NG USERERO NA LIBONG PORSYENTO ANG TUBO!

ANG ATIN PONG IHALAL AY IYONG MGA KANDIDATONG MAY “KONSYENSA”, TAKOT SA DIYOS, AT MAY MGA PLATAPORMANG MAGBIBIGAY TRABAHO SA MGA MAMAMAYAN! TRABAHO AT HINDI PAUTANG! May GANAP na ka-alaman sa PAMAMAHALA at epektibong PAG-IIMPLEMENTO NG MGA PROYEKTO PARA SA MGA KAGALINGANG-BAYAN! HINDI BULAGSAK, at hindi para sa kagalingang PANSARILI!

BIGYAN PO NATIN NG MAKAKATOHANANG KAHULUGAN ANG “PAGBABAGO” SA BALANGKAS NG PULITIKA SA

T u m a n g g a p ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura ang iba’t ibang samahan ng mga magniniyog at mangingisda mula sa mga bayan ng ikatlo at ikaapat na distrito sa lalawigan ng Quezon.

Personal na pinangunahan ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang pamamahagi ng certificate of award ng

mga proyektong adopt-a-reef, fish cage at salt fertilizers kaugnay ng isinagawang Technical Awareness on Scale Insect Infesting Coconut sa Gumaca Covered Court sa bayan ng Gumaca, Quezon noong March 23, 2013.

Ayon kay Gov. Suarez, patuloy ang pagkakaloob ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda sa

Malapit na naman po ang HANGALAN, este ang HALALAN, at minabuti ko po na muling paalalahanan ang ating BAYANG MAMBOTOTO na ang IKAGAGANDA o ang HIGIT PANG PAGSAMA ng ating mga KATAYUAN SA BUHAY ay NAKASALALAY sa inyong PAGGAMIT NG TALINO at hindi ng KABOBOHAN sa PAGHAHALAL ng

ating mga LINGKOD BAYAN!NARIRITO ANG SA AMING

PALAGAY AY MAKABULUHANG PAGPAPAALA-ALA;

1. Huwag na po tayo, kayong PADADALA sa mga PASINAYA na karaniwan ng ginagamit ng mga kandidato upang AKITIN AT ARI-IN ng mga mamamayan na sila ang karapat-dapat na IHALAL sapagka’t sila ay

Pinasinayaan ang Mulanay-San Francisco provincial road sa Barangay Ilayang Tayuman, sa baying ng San Francisco, Quezon noong nakaraang ika-21 ng Marso 2013. Pinangunahan ang pagpapasinaya nina Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez, San Francisco Mayor Joselito Alega, at Barangay Ilayang Tayuman Captain Leonardo Garcia, kasama sina Board Member Victor Reyes, Board Member Lourdes “Bunso” Pasatiempo at Provincial Administrator Rommel Edaño. Contributed by Quezon-PIO

Sa nalalapit na halalan

Page 8: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN8 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

LEGAL & JUDICIAL NOTICERepublic of the PhilippinesREGIONAL TRIAL COURTFourth Judicial RegionLucen City BRANCH 55 IN RE: CORRECTION IN THE ENTRY OFTHE CERTIFICATE OF LIVE BIRTH OFANNA MAE MALLARI AREJA,Petitioner, -versus-SPEC. PROC. NO. 2013-4 CRISTINA R. JAVIERTO, LOCAL CIVILREGISTRAR OF LUCENA CITY,Respondent.x-----------------------------------x O R D E R

Anna Mae Mallari Areja through counsel filed a verified petition dated January 14, 2013 praying that, after due hearing, the Local Civil Registrar of Lucena City be ordered to correct the entry in her Certificate of Live Birth, more particularly the first name of her mother from “Clemencia” to “Patria”.

Petitioner alleges, among

others, that she was born on November 8, 1987 in Lucena City to common-law spouses Alberto Areja and Patria Mallari; that her mother, since childhood, has been using the name of Clemencia and it was only when her mother secured a copy of her birth certificate that she learned that her registered name is Patria and not Clemencia; as a consequence, petitioner’s mother’s name started using the real name of Patria in all her subsequent transactions and affairs; to obviate any confusion relative to petitioner’s

records, there is a need to correct the erroneous entry in her birth certificate, and such correction will not affect any substantive rights of status of third persons.

Finding the petition to

be sufficient in form and substance, notice is hereby given that the same is set for hearing on April 11, 2013 at 8:30 in the morning before the Regional Trial Court, Branch 56, Lucena City.

Any person claiming or

having an interest in the entry sought to be corrected may file an opposition and to appear before this Court on the date, time and place set forth therein, in order to be heard.

Let a copy of this Order

be published before the hearing date, at the expense of petitioner, in a newspaper of general circulation in the Province of Quezon, once a week for three (3) consecutive weeks.

Let copies of this Order

be sent to the Office of the Solicitor General, the Civil Registrar General-National Statistics Office, and the Office of the City Prosecutor of Lucena.

Let a copy of this Order

and of the Petition be sent to the Local Civil Registrar of Lucena City. SO ORDERED. Lucena City, March 5, 2013. DENNIS R. PASTRANAPairing JudgeRTC Branch 56Lucena City 3rd PublicationApril 1, 2013ADN:March 18, 25 & April 1, 2013

sundan sa kasunod na pahina

ATING BAYAN!At huwag po

nating bibigyang lugar ang KABOBOHAN SA PAGPILI NG IHAHALAL!

***Security of Tenure,

the long term effect of its continuous denial

Whoever is the author of that 3 and 6 months tenure of office failed to consider its deleterious effect to the marginalized which continue to grow as the practice continuously hack on whatever was left into the poor’s resources. Whereas before the marginalized can still afford to send their children to school in their desperate effort to improve their lives, now only embrace the faintest hope that government shall FINALLY REALIZED that the flight of the growing poor is caused by a repressive law that continues to serve only the rich. “THE DECIMATION OF THE SECURITY OF TENURE NOT ONLY FROM THE PRIVATE SECTOR BUT FROM THE GOVERNMENT AS WELL”.

Whereas before, the marginalized can still afford to build a house by borrowing from a bank, using the security provided for by having a secured tenure of office or a permanent job, now is left with nothing to convince the bank that the loan is secure, and that the loan shall be eventually paid. The devastating effect of this continuous denial sends the ECONOMY REELLING, PLUMMETING DOWN from the NON-GROWTH in this DEPRESSED SECTOR OF FILIPINO MAJORITY.

NAGTATAKA PA PO BA KAYO KUNG BAKIT ANG PILIPINAS AT PILIPINO AY NAGHIHIRAP?

mula sa pahina 7

krusADA repormA

Mapait na kuwento ng pagkakait sa isang iskolar ng bayan

Tinanganan niya ang pangakong magandang buhay na hatid ng edukasyon. Pursigido mula pagkabata, nag-uwi siya ng mga medalya ng karangalan sa pamilya na pangarap niyang maiangat mula sa kahirapan.

Pero hindi na ito matutupad matapos niyang kitlin ang sariling buhay, nang ipagkait sa kanya ang tanging pinanghahawakan sa buhay: ang karapatang makapag-aral.

Niyanig ng pagkamatay ni Kristel Tejada, 16, unang taon na mag-aaral ng Behavioral Science sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Manila, hindi lamang ang komunidad ng UP kundi maging ang sistema ng edukasyon na umano’y kumikitil sa pangarap ng milyun-milyong kabataan sa bansa.

Pag-aaral ang buhayMula pagkabata,

hanggang grade school at high school, achiever si Kristel.

“Lahat ng contest sinasalihan niya. Napo-flourish siya at nakakaya niyang gawin iyon kahit na hirap kami sa buhay. Hirap man kami, gumagaan ang pakiramdam namin kapag nag-e-excel siya sa klase,” ayon kay Christopher Tejada, ama ni Kristel, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Isang part-time na taxi driver ang ama ni Kristel. Hindi regular ang kanyang trabaho sa kalsada. Wala namang hanapbuhay ang kanyang ina na nag-aalaga sa kanyang mga anak. Panganay si Kristel sa apat na magkakapatid.

Dahil sa mahigpit na badyet ng pamilya, pumapasok si Kristel sa UP Manila na kendi lang ang baon para sa tanghalian.

Pero papasok siya, basta’t may pamasahe lamang.

Maging ang kanyang mga propesor, hanga sa kanyang talino at determinasyong matututo.

“Paborito ni Kristel ang psychology. Hindi ‘yan nag-a-absent. Nag-absent lang ‘yan first two meetings, noong nahihiya pa siyang pumasok at noong hindi na siya pinayagang makapasok. Tahimik ‘yan sa klase, bihirang-bihira sasagot pero nakakatuwa na kapag sumagot siya, may laman at tama,” ayon kay Andrea Martinez, propesor ni Kristel.

Dagdag pa ng propesor, “Mahusay siyang writer. Kaya mataas ang grade na nakuha niya sa first exam niya. ‘Yung eagerness to learn at determination to study, nasa kanya.”

Apat na beses

nagmakaawaHindi miminsan

na lumapit ang mga magulang ni Kristel sa administrayon ng UP Manila upang maisalba ang pag-aaral ng kanilang anak, sa gitna ng kawalan nila ng kakayahang magbayad ng matrikula.

Ayon sa ama ni Kristel, sa unang beses, pumunta siya kay Vice-Chancellor for Academic Affairs Josephine de Luna para makiusap kung maaaring mag-apply ng loan. Pero sinagot siya umano na wala nang ibang pagpipilian si Kristel kundi ang maghain ng Leave of Absence (LOA).

“Sabi ko, ‘Ma’am, ano po ang Leave of Absence?’ Ang sabi niya, ‘Leave of Absence’ ibig sabihin hindi na siya papasok. Hindi na maki-credit.’ Nagulat ako, ‘Ma’am!?! Hindi na po siya papasok!?! Ibig

sabihin, nasayang ‘yung mga pinasok na niya?’ Sabi ko, ‘Diyos ko, ginapang ko ang pamasahe ng anak ko. Pinangutang ko ang ganito at ganyan, tapos sasabihin niyo sa akin hindi na siya papasok?’” ayon sa ama ni Kristel.

Nakakita ng pag-asa ang ama ni Kristel nang papuntahin ang anak niya para kausapin ni de Luna. Umasa siyang baka sakaling magbago ang sitwasyon. Pagpunta sa opisina ng vice-chancellor, agad ibinigay ni Christopher ang isang sulat na nagpapakumbaba at nagsasabing kasalanan ng magulang kung bakit hindi nakabayad ng matrikula ang anak. Muli siyang umapela kung maaaring makapag-loan.

“Pero sabi niya (de Luna), ‘No. There’s no option.’ Tapos sabi niya sa anak ko, ‘And you have to file your leave of absence

as soon as possible… Do you have anything to say for yourself?’ Diretsahan. Kinalabit ko ang anak ko, sabi ko, ‘Anak, magsalita ka…magmakaawa ka.’ Sa kabiglaan ng anak ko sabi na lang niya, ‘Ma’am, wala na po…’ Napahiya na siya eh.”

Pagkatapos noon, paulit-ulit na tinanong ni Kristel sa kanyang ama kung bakit ganoon ang nangyari, samantalang nag-aaral naman siya nang mabuti. “Sabi ko, ‘Anak,

Page 9: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 9ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

Iba’t ibang samahan at kooperatiba, pinagkalooban ni Gov. Suarez ng mga kagamitang pansakahan

Iba’t ibang kagamitang pansakahan ang ipinamahagi ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez sa mga samahan at kooperatiba mula sa bayan ng Candelaria at Sariaya, Quezon noong March 26, 2013.

Sa bahagi ng bayan ng Candelaria, ipinagkaloob sa Kinatihan I Multi-Purpose Cooperative ang dalawang coffee dryer, dalawang coffee de-huller, isang drilling rig, dalawang double pass rice mill, limang knapsack sprayer, isang welding machine na may kasama nang shop tools at isang grain moisture meter. Samantala, sa Golden Harvest Famers Association ang isang drip irrigation, isang

greenhouse, at isang shredding machine.

Sa bayan ng Sariaya naman ay ibinigay sa Kapatiran MSK Multi-Purpose Cooperative ang dalawang coffee dryer, isang dripping rig, dalawang drip irrigation, isang greenhouse at isang extracting processor. Sa Sampaloc 2 Farmers Water Works Association ay dalawang drip irrigation, isang greenhouse at isang extracting processor. Sa Pinagbakuran Multi-Purpose Cooperative naman ay ibinigay ang dalawang drip irrigation, isang greenhouse, shredding machine at isang extracting processor. Samantalang isang extracting processor naman ang ipinagkaloob sa Maunlad na

Niyogan Multi-Purpose Cooperative. Ibinigay naman sa Tumbaga I Bukal Irrigators Association ang dalawang double pass rice mill, limang knapsack sprayer, isang welding machine with shop tools at isang grain moisture meter.

Ayon kay Gov. Suarez, sa pamamagitan ng mga kagamitang pansakahan ay matutulungan na mas mapalakas ang mga samahan at kooperatibang pang agrikultura. Gayundin, matutulungan aniya na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga miyembro nito at ang komunidad.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga samahan at kooperatibang nabiyayaan ng mga kagamitang pansakahan.

Sa tulong anila ng mga kagamitang ipinagkaloob ay madaragdagan at mapapataas ang produksiyon ng kanilang mga inaani.

Ang mga ipinamahaging kagamitan ay mula sa ilalim ng programang Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARCESS) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagsusumikap ni Gov. Suarez.

Nakiisa sa naturang aktibidad sina Bokal Romano Talaga, Bokal Bong Talabong, dating Bokal Liza Alvarez, at mga opisyal ng mga barangay ng dalawang bayan. Contributed by Quezon-PIO

Ang mga barangay tanod ng Barangay Mabunga, San Francisco dala ang mini thresher na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka sa naturang lugar. Ang mini thresher ay isa lamang sa

mga iba pang pinamigay na gamit pangsakahan noong ika-21 ng Marso 2013 sa nasabing bayan. (QPIO)

Ang mga barangay tanod ng Barangay Mabunga, San Francisco dala ang mini thresher na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga magsasaka sa naturang lugar. Ang mini thresher ay isa lamang sa mga iba pang pinamigay na gamit pangsakahan noong ika-21 ng Marso 2013 sa nasabing bayan. Contributed by QPIO

nakasakay sa cart, mga mag singirog na magkahawak kamay na naglalakad, mga bahagyang may mga edad na subalit kaya pang maglakad, lahat sila ay dumagsa patungo sa dambana ng Kamay Ni Hesus. Sa gilid naman ng lansangan makikita ang mga nakahanay ding mga volunteers na may nakahandang tubig na inumin at may mga instrumento pa upang makapag pa kuha ng blood pressure.

Ang masakit at hindi lang maganda dito ay ang paglalagay ng mga campaign materials ng ilang mga pulitikong, nagsamantala sa pagdami ng tao, hindi na iginalang ang kabanalan ng okasyo. At nagawa pang magsabit ng kanilang mga larawan sa mga kubol na nagbibigay ng libreng serbisyo.

Sa mga botante, huwag po nating tangkilikin at iboto ang ganitong uri ng mga tao, na waring winawalanghiya ang sagradong araw. Bukod sa hindi pa ito ang tamang araw para mangampanya, sinisira ng mga ito ang kasagraduhan ng mahal na araw.

Pagsapit ng alas kuatro ng umaga, waring lalong dumami ang mga nagsisipaglakad, hindi na halos makadaan sa lansangan ang sunod sunod na mga sasakyan. Sinikap din naman ng inyong lingkod na makisabay sa mga

nagsisipaglakad subalit mula sa lungsod ng Tayabas ay hanggang nawawalang Paraiso lang ang aking kinaya.

Bumalik na ako upang kunin ang aking sasakyan sa kagustuhan kong masaksihan ang mga pangyayari sa xompound ng dambana ng Kamay ni Hesus subalit nahirapan din akong makapagmaneho dahil sa kakapalan ng tao. Nangangamoy na ang aking clutch sa katatapak sa paahong bahagi ng lansangan hanggang sa ipinasiya kong magbalik na lang pagsapit sa summit. Inisip kong lalo akong mahihirapan pagsapit ko ng Lucban dahil sa kakapalan ng taong akong dadatnan.

Pasado alas kuatro na ng umaga ng bahagyang humupa ang daloy ng mga tao, iilan na din ang mga nakabantay sa mga kubol ng mga volunteers, may mga mangilan ngilan pa ding nagsisipaglakad. Sa kabuuan, naging maayos naman ang naging kaganapan subalit hindi ko pa rin lubos na maisip na sana ay hindi ito maging katulad noong nakaraang taon na dimagsa din ito ng mga magnanakaw, mga pickpockets, mga m a p a g s a m a n t a l a n g mga mandurukot. Sana matutunan din nilang igalang ang okasyong ito na nagaganap lamang tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Johnny Glorioso

Kamay ni Hesus dinagsa... mula sa pahina 2

huwag ka mag-give up. Papasok ka. Huwag ka magpaapekto sa sinasabi nilang LOA. Gagawa pa tayo ng paraan,’” kuwento ng kanyang ama.

Sa ikatlong punta ni Christopher sa opisina ng vice chancellor, nagtanong siya, kung sakaling makapagpasulpot siya ng P7,000 kinabukasan, papayagan bang mag-enroll si Kristel? Nag-alok na kasi noon ang mga propesor ni Kristel, sa pangunguna ni Martinez, na pautangin muna ang pamilya.

“Sabi niya (de Luna), ‘Hindi rin. Deadline na eh,’” ayon sa ama ni Kristel.

Dumaan ang mga araw. Patuloy ang pagdurusa ni Kristel. Minsan, papasok siya, minsan hindi. Nag-umpisa na rin siyang makaranas ng diskriminasyon dahil nakiki-sit-in siya sa mga

klase, pero hindi naman siya officially enrolled.

Nagdesisyon si Christopher na makiusap sa ika-apat na pagkakataon, at dumiretso na sa opisina ni Chancellor Manuel Agulto. Pero wala roon ang chancellor.

“Pagpunta ako roon, ibinigay sa akin ang isang scratch paper, at nakalagay doon: From the Office of the Vice-Chancellor, final decision: file LOA. So ibig sabihin, wala na. Ano pa magagawa namin? Final decision na eh,” ayon kay Christopher.

Para subukang kumita, nagtrabaho pa umano si Kristel bilang student assistant sa Office of Student Affairs. Pero hindi siya pinasahod dahil hindi raw siya officially enrolled. “Nagbigay siya ng serbisyo, tapos parang sasabihin sa kanya, hindi ka naman taga-rito eh. Lalo naging masakit iyon

para sa kanya,” sabi ng ama ni Kristel.

Pagbasura sa STFAP

M a g d a d a l a w a n g dekada na ang STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program), na sinasabing isang mapanlinlang na mekanismo upang pagtakpan ang pagtaas ng matrikula sa unibersidad.

Sa pagkamatay ni Kristel, muling nag-init ang matagal nang panawagan ng mga estudyante na ibasura ang STFAP.

Dismayado ang mga magulang ni Kristel nang mailagay siya sa Bracket D, na may tuition fee ng P300 kada yunit. Sa bracket na iyon, dapat kumikita ang mga magulang ng estudyante ng P135,000 – P250,000 kada taon. Hindi sila sakop noon, giit ng ama ni Kristel.

Dagdag pa ni Christopher, wala siyang trabaho noong nag-a-apply siya sa STFAP, kaya’t ninanais nilang mapasok sa Bracket E2.“Pero ang nangyari, two weeks before namin maipasa ang application namin sa STFAP, nagkaroon ako ng trabaho. Pwede ko naman i-declare na wala akong trabaho. Kaso pinrotektahan ko si Kristel. Gusto ko maging honest. Kasi i-declare ko man o hindi, dapat nasa Bracket E2 pa rin kami. I-compute ko man, P426 kada araw na sahod, times 26 days per month, times 12 months, hindi pa rin aabot ng P135,000,” sabi ni Christopher.

Dagdag pa niya, “May tatlo pa akong anak na pinag-aaral bukod kay Kristel. Magrerenta pa kami. Hindi na kami kakain? Kaya hinamon ko sila (administrasyon

ng UP), kaya niyo bang patunayan na nasa Bracket D ako? Wala namang nangyari. Nasaan ang hustisya doon?”

Paliwanag ni Mariz Zubiri, tagapangulo ng University Student Council, nakadepende ang STFAP sa pagsusubsidyo ng isang estudyanteng nasa mataas na bracket sa isang estudyanteng nasa mababang bracket. Lagi rin umanong nasa estudyante ang burden na patunayan na siya ay mahirap.

“Sabi nila ire-revise nila ang STFAP. Pero nakita natin na sa bawat pag-revise ng STFAP mas dumadami lang ang kinikita ng administrasyon ng UP, tapos mas tumataas ang tuition fee. Dapat ibasura na ito ng administrasyon,” ayon kay Zubiri.

Sinabi pa ni Zubiri na matagal nang nilalabanan

ng mga estudyante ang ‘no late payment’ policy sa UP Manila, pero itinatanggi umano ng administrasyon na umiiral ito. “Masakit na hindi tayo pinakinggan ng administrasyon. Kinailangan pang may magbuwis ng buhay para maniwala ang lahat na totoo ang polisiya na ito.”

S i s t e m a n g ‘nakamamatay’

Samantala, ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon ang itinuturong pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng matrikula at pagpapatupad ng represibong mga polisiya gaya ng STFAP at ‘no late payment’ policy, hindi lamang sa UP kundi maging sa iba’t ibang state universities and colleges (SUCs).

Kaya para sa marami, hindi sapat ang pahayag ni Agulto na ititigil pansamantala ang ‘no late

sundan sa pahina 10

Mapait na kuwento... mula sa pahina 8

Page 10: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN10 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

ANo BA yAN!!!Ni Johnny Glorioso mula sa pahina 5

sundan sa kasunod na pahina

nanaig ang kagustuhan ng pinakamakapangyarihang babae sa bansa. Una dito, marami na ang nagpayo kay James na wag kalabanin si Kris dahil hindi kailanman ito mananalo, pero siyempre pa nanaig ang damdamin nito bilang ama.

Madaling na annulled ang kasal ng dalawa, parang sa isang kisap mata lang ay nawalan na ito ng bisa, at lumabas tuloy na ang anak nila ay illegitimate. Peke daw ang kasal sa dahilang hindi naman pala autorisadong magkasal ang nag officiate sa dalawa, kaya ang nangyari, kung gaano kabilis silang nakasal ay ganun kabilis itong na annull. Ang tanong, papanung nangyari na nakasal sila gayong hindi naman pala autorisadong magkasal ang nag officiate sa kanila?Isang sikat na basketbolista at isang sinasabing queen of all media na anak ng naging Pangulo at kapatid ng Pangulo nakasal ng gayun gayun na lang at agad agad?

Tulad naman ng

inaasahan, muling dinagsa ng mga mananampalataya ang Kamay ni Hesus sa bayan ng Lucban. Madami ang naglakad mula sa lungsod ng Lucena at ibat ibang bayan mula sa Laguna patungo sa naturang lugar. Alas dose ng hatinggabi ng huebes , maguumaga ay biernes ay mistulang nag prosisyon ang mga namamanata patungo sa naturang dambana. Noong nakaraang taon, maraming mga kababayan tayo ang nagsamantala sa okasyong ito, santambak ang naging biktima ng mga mandurukot at santambak ang dumayong mga m a g n a n a k a w . Madaming nadakip ang mga pulis subalit waring mas marami ang nakalusot sapagkat mas maraming mga ninakaw ang hindi napabalik sa mga naging biktima ng mga pickpockets.

For your comments, suggestions or reactions, please email me at [email protected].

PROUD TO BE LIBERAL! Sama-samang nagpakuha ng larawan ang Liberal Party ng Tayabas kasama ang dating Business Manager ng Ang Diaryo Nation, dating Kapitana Precy Glorioso kasama sina Cong. Irvin Alcala, Bokal Alona Obispo at iba pang local na kandidato ng lungsod. Dang Cabangon

ng ipinagkaloob sa mga empleyado ng MTCC .

10-libong pisong halaga ang ipinagkaloob ni Mayor Dondon Alcala at kaparehong halaga din ang ipagkakaloob sakaling ang susunod na performer ay singhusay o kasingganda ng naging performance ng taga MTCC na nag todo effort at nagsuot pa ng mga costumes. Contributed by PIO-Lucena

Honorarium ng mga

Huwes... mula sa pahina 12

payment’ policy. Higit pa umano rito ang usapin.

“Kailangang ibalik ang tunay na karakter ng UP, ‘yung mga estudyante niya bilang iskolar ng bayan. Maibabalik lamang ‘yun kung talagang buwis ng mamamayan ang nagpapaaral sa kanila, hindi ‘yung pera ng mga magulang nila. The fact na unti-unting tinatanggalan ng government subsidy ang UP at iba pang SUCs, unti-unti ring tinatalikuran ng gobyerno ‘yung responsibilidad niya sa edukasyon,” ayon kay Martinez.

Nangangamba ang iba’t ibang grupo na sa tulak ng gobyernong Aquino na maging self-sufficient ang SUCs sa balangkas ng Public-Private Partnerships, tiyak na magiging mas komersiyal pa ang katangian ng edukasyon. Patuloy na mababawasan ang badyet ng SUCs, at matutulak ang administrasyon ng mga pamantasan sa interes na kumita.

Nang sa wakas ay binawi ng UP Manila ang ID ni Kristel, pina-scan pa ito ng nanlulumong estudyante bago ibinigay.

“’Yun na kasi ang buhay niya eh,” pagmumuni-muni ng ama ni Kristel. “Kung ang isang bagay binigyan mo ng halaga, kapag tinanggal ‘yun, napakasakit. Sanay na sanay siyang mag-aral nang mabuti, tapos sasabihin sa kanya, huwag ka nang mag-aral kasi wala kang pera. Kaya noong isinabmit niya ‘yung ID niya, parang nawalan na rin siya ng buhay.”

Isang testamento ang pagkamatay ni Kristel sa lumalalang krisis sa edukasyon, ayon sa mga estudyante na naging inspirasyon ang paalalang hindi na dapat maulit pa ang nangyari kay Kristel.

Maging ang pamilya Tejada, namulat sa pangyayari. “Sana mas maging aware ‘yung kinauukulan na meron talagang mali, na may mga dapat itama sa mga

polisiya sa edukasyon,” ayon kay Blesilda, ina ni Kristel.

Para naman kay Martinez, sana hindi masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Kristel. “Sana magbunga ito ng mas makabuluhan pang mga pagbabago. Sa immediate, ‘yung pagrepaso sa mga polisiya na hindi makatarungan at hindi maka-estudyante. Dapat dagdagan din ang subsidyo ng gobyerno para sa SUCs.”

Giit pa ni Christopher, “Ang pagtutuunan natin, sistema. Kailangan mabago ang sistema para hindi na mahirapan ang iba pa. Sana maging eye opener itong nangyaring ito sa anak ko. Ayokong maranasan ng ibang ama na mangyari ito sa kanilang anak. Ako, gagawin ko rin ang lahat para sa adbokasiyang ito. Sana maayos natin ang sistema para wala nang sumunod kay Kristel.”

Sa pagkamatay ni Kristel, muling

napaalala sa publiko na “nakamamatay,” ayon nga sa mga grupong kabataan, ang krisis ng edukasyon sa Pilipinas. Wala mang may nais na maulit ang sinapit ni Kristel, tiyak na marami pang iskolar ng bayan ang pagkakaitan ng karapatang mag-aral at mabuhay, hangga’t patuloy na lilimutin ng gobyerno na ang edukasyon ay isang karapatan. Pher Passion, reprinted from pinoyweekly.org

Mapait na kuwento... mula sa pahina 9

Tula Sa Semana SantaPluma at Papel ni Rogelio L. Ordoñez, reprinted from pinoyweekly.org

Di Na Kami Mananalangin Sa Gethsemanedi na kami lalakad nang paluhod sa paanan ng bundok ng mga olibo di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane sa silangang jerusalem sa may sapa ng kedron pauit-ulit na kaming nilatigo ng mga senturyon ng estado nakatihayang dinuran-tinadyakan pinalunok ng ostiya sa maruming inodoro pinalagok ng benditang madilaw mula sa pantog ng berdugo iba sa ami’y isinimento sa dram

ipinakain sa tiyan ng karagatan iba’y pinugutan ng ulo parang bolang marahas na sinikaran gumulong sa dalisdis ng kabundukan dahil nangaral ng katotohanan sa api’t dukhang mamamayan at buong timyas na nagmahal sa sagradong kalayaa’t kaunlaran.

di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane payungan man kami’t liliman ng umiindak na mga dahon ng nagnonobenang mga puno ng olibong di naibuwal ng bagyo di naihapay ng misa’t ritwal

BENNY JAVIERTO BRIZUELA

Konsehal ng LucenaBida ang BAYAN!

Page 11: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN 11ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

mula sa pahina 5 PIROUETTE GAMING CORPORATION Daily Draw Results

Phi l ippineChari tySweepstakesOff ice

Saturday | Mar. 23

Sunday | Mar. 24

Monday | Mar. 25

Tuesday | Mar. 26

Wednesday | Mar.27

Thursday | Mar. 28

Friday | Mar. 29

Morning Afternoon EveningDay | Date

Tinanggap ng mga magsasaka ng Buenavista, Quezon ang handog ni Gov. David C. Suarez at pamahalaang panlalawigan na mga certified palay seeds noong ika-22 ng Marso. Kasama ng mga magsasaka at ni Gov. Suarez sina Buenavista Mayor Remedios Rivera, at Vice Mayor Myrna Villamater. Contributed by Quezon-PIO

10/09 05/28 22/24

04/01 14/01 15/10

20/06 21/29 09/2

36/07 32/22 06/33

34/26 32/08 13/28

MAUNDY THURSDAY

GOOD FRIDAY

ng mga pariseong mapanlinlang siyam-na-raang taon man mabilis na dumaan sa payapang hardin ng gethsemane di na namin kakausapin mga bituin sa karimlan bautismuhan man kami ng kristal na luha ng kedron paulit-ulit na kaming nagrosaryo sa tiyan ng higanteng mga templo nanikluhod-nagpatirapa sa altar ng kung sinu-sinong santo lumunok ng ostiya linggu-linggo nakipagprusisyon sa mga deboto naghosana sa diyos daw na totoo krus pa ring simbigat ng mundo lagi naming pasan-pasan tungo sa mabungong kalbaryo!

oo, di na kami

mananalangin sa hardin ng gethsemane malapit sa puso ng kedron di na kami sasandal sa punong olibo linggu-linggo man ay semana santa paulit-ulit na kaming ibinayubay ipinako sa krus ng dalita’t lumbay muli’t muli na kaming namatay muli’t muli ring nabuhay dahil pag-asa’y nagsasayaw sa telon ng balintataw dahil ideolohiya ng pagsinta madagundong ang kadensa inhustisya’y bibingihin ng bomba ng adhikain lipuna’y papatagin diyus-diyosang iilan siya naming ililibing sa burol ng mga bungo pupunuin ng kanilang dugo matining na sapa ng kedron lulunurin ng baha golgotha ng dukha!

Di Na Kami Mananalangin... mula sa pahina 10

Golgotha Ng Masasa burol ng makabagong jerusalem sa tambakan ng inuod na mga bungo itinuturnilyo-minamartilyo mga kamay at paa ng manggagawa sa pabrika buto’t lama’y nilalamon ng makina nilalatigo-binubugbog sa asyenda lugaming katawan ng mga sakada dugo nila’y ididilig

sa damong naluoy-nanilaw at tubong nabansot-namayat sa lupang natigang-nagbitak.

sa lungsod ng makabagong jerusalem mulang canal de la reina hanggang tripa de gallina mga ina’y lumuluhang nakanganga sa utak dinadalit ama nami’t ave maria sa taberna ng alak ng dalita’t dusa mga ama’y naghihintay sa gapisong ostiya naglalaway mga dila’t ngalangala

sa simbahan ng mga pari’t mongha bawat santo’y nakaluhod sa sakristiya kalembang ng kampana’y musika ng pera ngunit mga pulubi’y naglipana sa kalsada mga bata’y naglupasay sa bangketa mga magdalena’y nananangis sa casa de la puta krus nila’y papasanin hanggang doon sa golgotha.sit laus plena sit sonora sit jucunda sit decora

mag-antanda at magdasal ave, ave, pater patrum darating na ang daluyong! sa palasyo ng gahamang panginoon buong lakas na hihipan ni pilato gintong pakakak ng punong ministro senturyon at escribano mahistrado’t pariseo iindak at hahalakhak habang gumagapang prusisyon ng duguang masa tungo sa burol ng bungo ng nag-aabang na golgotha!

BENNY JAVIERTO BRIZUELA

Konsehal ng LucenaBida ang BAYAN!

Page 12: Ang Diaryo Natin Issue 471

ANG DIARYO NATIN12 ABRIL 1 – ABRIL 7, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE | MORE THAN 5000 COPIES IN CIRCULATION WEEKLY

ADN Taon 12, Blg. 471

DIARYO NATINAbril 1 – Abril 7, 2013

ANG

YOUR AD HEREPlace your advertisements now

at Ang Diaryo Natin sa Quezon and reach your target market with our 5000 copies in circulation Province-wide! (promotions, product launchings, greetings, job hirings, project biddings, legal notices, publicities, obituaries and other announcements)Enjoy full colors with the following rates:1 whole page Php 20,000.001/2 page 12,000.001/4 page 7,000.001/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00

For advertising concepts: print, radio, television, e-commerce, please contact Michelle Osera at (42)6602508 or 09423779112 and email add: [email protected]

!

sundan sa pahina 10

BAGONG KATROPA. Tuwang-tuwang nagpakuha ng larawan kay Senador Robert “Sonny” Jaworski ang ilan sa mga miyembro ng Team Bagong Lucena na kinabibilangan nina Mayor Dondon Alcala, dating Kon. Vic Paulo, dating Kon. Benny Brizuela, Kon. Boyet Alejandrino, Kon. Dan Zaballero at Third Alcala. Si Jaworski ay dumayo pa sa Lungsod matapos ang imbitasyon ng City Sports Development Office na pinangangasiwaan ni Mr. Renato del Mundo. Dang Cabangon

Honorarium ng mga Huwes ng MTCC pinataasan ni Mayor Dondon Alcala

LUCENA CITY – Pormal na inanunsyo ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala ang pagtataas sa honorarium ng mga Huwes ng City Court. Mula sa dating P4-libo na buwanang tinatanggap ng mga ito sinabi ni Mayor Dondon Alcala na gawin na itong

P10-libo kada buwan.Nagpahayag naman

ng labis na kasiyahan sina Judge Joselito Tamarray sa ginawang ito ng alkalde. Nagbiro pa nga ang punong lungsod na tiyak muling sasakit ang ulo ng City Budget sa panibagong hakbang na ito subalit ito namananiya ay bilang bahagi sa pagbibigay ng

konsiderasyon sa mga Huwes ng MTCC.

Ang pagtataas sa honorarium ng mga Huwes ay epektibo mula ngayong buwan ng Marso.

S a m a n t a l a , nasiyahan din ang alkalde sa naging performance ng mga empleyado ng MTCC dahil sa magandang

production number na ipinakita ng mga ito sa flag raising ceremony kahapon.

Dahil dito, hinamon ng alkalde ang mga susunod na magpi-perform na kung magiging mas maganda at mahusay ang production number ay magbibigay siya ng premyo na gaya

Tips Upang Maiwasan ang Krimen at Sakuna sa

Semana Santa at Bakasyon sa Tag-araw

Muling nagpaalala si Provincial Director, PSSupt Dionardo B. Carlos ng mga Tips upang maiwasan ang krimen at sakuna sa ating kapaligiran.

Narito ang ilan sa mga paalala upang maging gabay sa pag-iwas sa krimen:

Kung Iiwan na Walang Bantay ang Bahay

1. Ikandado ang lahat ng pinto at bintana. Tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw;2. Mainam kung may burglar alarm para maalerto ang mga kapitbahay kung may nakapasok sa kabahayan;3. Iwasan mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob ng bahay;4. Itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik;5. Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric stove o tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances;6. Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan, bisikleta o sasakyan.

KUNG MAY DALANG SASAKYAN

1. Tiyaking maayos at walang problema ang sasakyan at tandaan ang salitang:

B – BatteryL – LightO – OilW – WaterB – BrakesA – AirG – GasA – AccessoriesR – Registration/Radio

2. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng dokumento na kailangan sa pagmamaneho ng sasakyan, halimbawa: driver’s license, vehicle registration, early warning device, etc;3. Sa pagmamaneho, iwasan ang one-hand driving. Tiyakin na kontrolado mo ang sasakyan sa lahat ng panahon. Kung may kasamang mga bata, siguraduhin na naka-lock ang lahat ng pinto;4. Huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho;5. Huwag magmamaneho kung ikaw ay nakainom ng alak, nahihilo o inaantok. Kung maaari, magsama ng isang extra driver kung malayo ang biyahe;6. Kung bibiyahe sa gabi, siguraduhin na gumagana ang headlights, signal at tail lights;7. Magdala ng flashlight o emergency light.

KUNG GAGAMIT NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN

1. Iwasang magsuot ng mamahaling alahas o magdala ng malalaking halaga o salapi;2. Ingatan ang dalang cellular phones o iba pang gamit na malimit dalhin tuwing bibiyahe o lalakad;3. Iwasan din ang pagdadala ng mgaraming gamit para hindi mahirapan sa biyahe at madali ang pagbabantay sa mga dala-dalahin;4. Mainam na maging maaga sa istasyon ng tren, daungan, paliparan at bus terminals para maiwasan ang siksikan at matiyak na maayos ang puwesto ng mga bata/matatanda/kababaihan;5. Mag-ingat sa mga mandurukot, salisi gang, laglag-barya gang at iba pa. hanapin ang Police Assistance Booths sa mga paliparan, daunga, istason ng ng tren at bus terminals.

KUNG NASA SIMBAHAN, “BEACHES”, “RESORT” AT IBA PA

1. Iwasang magsuot ng mamahaling alahas; 2. Iwasang magdala o magpakita ng malalaking halaga ng pera;3. Ingatan ang dalang hadbag o wallet;4. Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tao. Tiyakin na sila ay may ID o papel na kanila ay pagkakakilanlan; 5. Kapag nasa beach, resort o kahalintulad na mga ito, panatilihing malinis ang kapaligiran; 6. Kapag maliligo sa beach o swimming pool, siguraduhin na marunong lumangoy o mayroon kasamang marunongn lumangoy; 7. Alamin ang lugar ng First Air Station at PNP Assistance Booth para sa emergency o police assistance; 8. Kung maglalamay o kasama sa vigil, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna. Mas mabuting may kasama.