Yamang Tubig

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Natural mineral

Citation preview

  • Yamang Tubig: Ingatan at Pagyamanin

    B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

    D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

    2

    Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

    INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

  • Karapatang Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO

    Kagawaran ng Edukasyon

    Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ngorganisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

    Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

    3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

    Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

    Inilathala sa Pilipinas ng:

    Yamang Tubig: Ingatan at Pagyamanin

  • i Tungkol Saan ang Modyul Na Ito?

    Ang tatlong-kapat o na bahagi ng mundo ay binubuo ng tubig. Ito ay isa sa mgalikas na yaman na napakahalaga sa mga tao, hayop at halaman. Ito ay gamit ng tao saaraw-araw na pamumuhay. Ito rin ay nagsisilbing tahanan ng mga isda at iba pang mgalamang-dagat.

    Naiisip mo ba kung walang tubig? Ano kaya ang mangyayari sa atin, sa mga hayopat pananim?

    Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pakinabang na nakukuha sa yamang-tubig maging ito ay sa ilog, lawa at dagat. Subalit ang paggamit nito ay may kaugnay natungkulin na itoy pangalagaan at panatilihing kapaki-pakinabang.

    Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

    Aralin 1 - Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang

    Aralin 2 - Polusyon . . . Pigilin, Siglay Pabalikin!

  • ii

    Anu-ano ang mga Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

    Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo na ang mgasumusunod:

    naipahahayag nang maikli subalit malaman, kumpleto at orihinal ang mgamensahe tungkol sa isang palathala ukol sa pangangalaga sa yamang-tubig;

    naisasagawa ang mga gawaing nakatutulong sa pangangalaga sayamang-tubig; at

    natutukoy ang mga pakinabang na nakukuha sa mga yamang-tubig.

  • iii

    Anu-ano na ang mga Alam Mo?

    Bilang paghahanda sa araling ito, subukan mong sagutin ang mga sumusunod.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

    tubig isda dinamita kemikal

    dalampasigan kanlungan populasyon

    1. May malawak na baybayin at pansariling ____________ang Pilipinas.

    2. Ang yamang-tubig ng Pilipinas ay binubuo ng mga __________, koral,halamang dagat at iba pang pagkaing-dagat.

    3. Sa pagdami ng __________, naaabuso ang ating likas na yaman.

    4. Humahantong sa _____________ ang mga basurang itinapon sa dagat.

    5. Ang paggamit ng ____________ sa panghuhuli ng isda ay nakasisira ng koralat iba pang yamang-dagat.

    6. Ipinagbabawal sa mga mangingisda ang paggamit ng ____________.

    7. Ang mga gulong ng sasakyan ay ginagawang ____________ ng mga isda.

  • iv

    Kung lahat ng mga sagot mo ay tama, magaling! Maaari mong basahin ang modyulupang magbalik-aral. Kung mayroon kang mga mali, ang modyul na ito ay para sa iyo.Kung pag-aaralan mong mabuti ito, madaragdagan pa ang iyong kaalaman!

    Tutulungan ka ng iyong Tagapatnubay na maunawaan ang mga mahahalagangkaisipan na magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Handa ka na ba?

  • 1Aralin 1Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang

    Ang tubig ay isang likas na yaman na marami ang pakinabang. Pinagkukunannatin ito ng pagkain at iba-iba pang mga produktong ginagamit.

    Sa araling ito, malalaman mo na marami tayong pakinabang na nakukuha samga yamang-tubig.

    Pagkatapos mong basahin ang araling ito, inaasahan na magagawa mo na angmga sumusunod:

    naisusulat nang tama at maayos ang mga payak na salita na naglalarawanayon sa nakita; at

    natutukoy ang mga yamang-tubig na napakikinabangan ng tao.

  • 2 Pag-usapan Natin

    Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig, kaya tayo ay sagana sa sariwang isda at yamang-dagat. Subalit sa paglaki ng populasyon at patuloy na pag-unlad ng industriya at kalakalan,hindi maiwasan na ang ating yamang-tubig ay maabuso.

    Kausapin mo ang mga nakatatanda sa inyong barangay. Itanong mo kung ano angpagkakaiba ng yamang-tubig sa inyong pamayanan noon at ngayon. Isulat ang wastongsalita na naglalarawan sa kanilang mga obserbasyon.

    Mga Obserbasyon sa PamayananNoon Ngayon

    May pagkakaiba ba? Kung mayroon, ituloy mo ang pagbasa ng araling ito upanglalo mong mapahalagahan ang ating yamang-tubig.

  • 3 Alamin Natin

    Habitat ang tawag sa tirahan ng mga hayop.

    Sa ilog at lawa nakatira ang mga Sa karagatan naman nakatira ang mgabuwaya, palaka, ahas at isda, gaya pugita at iba pang isda, tulad ng pating,

    halimbawa ng tilapia at hito. balyena at tuna. Dito rin matatagpuanang mga lamang-dagat tulad

    ng kabibe at seaweeds.

  • 4Makapagbibigay ka ba ng iba pang mga halimbawa ng mga nakatira sa tubig?Tinatawag natin itong mga yamang-tubig dahil ito ang nagbibigay sa atin ng pagkainat ibat ibang bagay para sa pangangalakal

  • 5 Pag-usapan Natin

    Malaki ang pakinabang natin sa mga hayop at lamang-dagat. Ito ay nakatutulongsa tao sa maraming paraan. Napagkukunan ang mga ito ng ibat ibang uri ng mga pagkainat ibat ibang klase ng mga produkto na maaaring ipagbili.

    Ang mga isda, seaweeds o halamang Ang pinatuyong balat ng buwayadagat, tahong at hipon ay nagsisilbing at ahas ay ginagawa namang bag,

    pagkain upang tayo ay maging sapatos, pitaka at jacket.malusog at malakas.

  • 6

    Ang pating at balyena ay pinagku- Ang mga perlas na nakukuha sa kabibekunan natin ng mga mahahalagang ay ginagawang hikaw at iba pang uri

    sangkap sa paggawa ng gamot, ng mga alahas. Angmga kabibe namanbitamina, at sabon. Nakatutulong ay ginagawang kagamitan sa bahay,

    ang mga ito sa pangangalaga katulad ng lampshadeng kalusugan ng tao. at picture frame.

  • 7 Subukin Natin

    Natutukoy mo na ba kung saan nanggaling ang ilan sa mga pinakikinabanganmong bagay sa araw-araw?

    Bilugan ang salita sa Hanay B na tumutukoy sa pinanggagalingan ng mgaprodukto na galing sa yamang-tubig sa Hanay A.

    Hanay A Hanay B

    1. kuwintas - tahong kabibe pusit

    2. dekorasyon - pating buwaya sigay

    3. kwintas - koral isda sardinas

    4. bag - buwaya kangkong kalamansi

    5. liver oil - gata pating niyog

  • 8Aralin 2Polusyon . . . Pigilin, Siglay Pabalikin!

    Sa paglaki ng populasyon at pagdami ng sari-saring industriya sa bansa, hindimaiwasan na magkaroon ng polusyon. Nagiging dahilan ito ng unti-unting pagkaubosng mga yamang-tubig.

    Ano kaya ang mangyayari sa tao kung tuluyan nang mapabayaan ang yamang-tubig? Maaari pa bang mapigilan ang polusyon sa tubig?

    Marahil sa ngayon ay napakikinabangan mo pa ang mga yamang-tubig. Ngunitsa paglipas ng panahon, baka wala nang makitang yamang-tubig ang susunod nahenerasyon.

    Basahin ang araling ito upang malaman mo ang sanhi ng polusyon sa yamang-tubig at ano ang maaaring gawin upang mapigil ito.

    Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa mo na ang mgasumusunod:

    nailalarawan ang mga gawain ng tao na nakapipinsala sa likas na yamang-tubig; at

    naipakikita ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa mga likas na yamang-tubig.

  • 9 Alamin NatinMga Sanhi ng Polusyon sa Tubig

    Pagtatapon ng mga basura sa ilog

    Pagtagas ng langis (oilspill) mula sa mgabapor.

    Pagdaloy ngmaruming tubigsa estero at ilog

    buhat sa pabrika

    Paglalaba sa ilog

  • 10

    Pagtatapon ng mga basura sa dagat. Pagdaloy ng dumi ng mgababuyan sa ilog

  • 11

    Subukin Natin

    May mga gawaing maaaring nakatutulong o nakasisira sa ating yamang-tubig. Lagyanng tsek (") ang nakatutulong at ekis (#####$) kung ito ay nakasisira sa pagpa-panatili ngyamang-tubig.

    ##### 1. Itinapon ni Berto ang styropor at lalagyang plastic sa tabi ng ilog.

    ##### 2. Pinuputol ni Mang Narding ang mga bakawan upanggawing panggatong.

    ##### 3. Ang Department of Environment and Natural Resources o DENRay naglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang gawingtirahan ng mga isda.

    ##### 4. Ibinalik ni Mang Rene ang nahuling maliliit na isda sa dagat.

    ##### 5. Gumagamit si Edmun ng dinamita para makahuli ng maraming isda.

    ##### 6. Naglagay ng palutang at harang ang may-ari ng cargo shipupang hindi kumalat ang langis na tumatagas sa dagat.

    ##### 7. Ang muro-ami ay isang paraan ng pagkuha ng mga koral sailalim ng dagat upang ibenta sa mangangalakal.

    ##### 8. Ang ilog ay ginagawang palikuran ng ibang mamamayan.

  • 12

    Gawin Natin

    Upang mapahalagahan ang tubig at mga nakatira rito, gumawa ng sariling pag-aaral.

    Mga kailangan:

    2 malalaking lalagyan tinunaw na sabongat malinaw na garapon 2 isdang maliliit panlaba

    Pamamaraan:

    1. Lagyan ng tubig ang bawat 2. Lagyan ng marka A ang isanggarapon. garapon at B ang isa pa.

  • 13

    3. Lagyan ng tig-isang isda ang 4. Lagyan ang garapon B ng tinunawbawat garapon. na sabong panlaba.

    5. Pagmasdan kung ano ang pagkakaiba ng nangyari sa isda sa garapon A at Bpagkalipas ng isang araw.

    6. Ano na ang kalagayan o kondisyon ng mga isda sa garapon A at B.

    7. Ano sa palagay mo ang naging dahilan ng magkaibang kondisyon ngmga isda?

  • 14

    Pag-usapan Natin

    Bilang mamamayan, tungkulin nating pangalagaan ang yamang-tubig. Maramingparaan upang maisagawa ito kahit sa maliit na paraan.

    Basahin nang patula ang mga sumusunod at alamin kung ano ang mensahengibinibigay nito:

    Ang tubig na pinaglabahan Siguraduhing gripo ay isaraItabi muna at gamitin sa palikuran. Kapag paggamit sa tubig ay tapos na.

  • 15

    Ang drum na may tubig-ulan Basong may tubig na iyong ininumanbakit di gamitin sa paglilinis ng tahanan? Takpan, itabi, at saka balikan.

    Sa paghuhugas ng pinagkainan. May butas o tagas na tuboGumamit ng planggana upang tubig ay di ng tubig sa daan

    maaksaya. Kaagad itawag sa kinauukulan.

  • 16

    Basurang natitipon sa bahay Pag may nakita kang di kanais-naisHuwag itapon kung saan-saan Na ginagawa sa ating yamang-tubig

    Kunin at linisin pwede pang pakinabangan Huwag mag-atubili, magsumbong sa pulisIlagay ang di na pwede sa tamang tapunan. Upang mga isday di maghinagpis.

    Kaakit-akit man perlas, kabibe, at koral Ang kumita ng pera sa taoy mahalagaHuwag mo nang pagbalakang Bastat walang inaabuso o sinasamantala

    dagitin sa karagatan Yamang iyong kinuha dapat na may kapalit Susunod na henerasyon, Upang hindi mauboswala nang masisilayan. isdang maliliit, sa tubig ibalik.

  • 17

    Subukin Natin

    Piliin ang larawan sa Hanay B na maaaring maging solusyon sa problema sa Hanay A.Hanay A Hanay B

    Mga Sanhi ng Polusyon Mga Solusyon sa Polusyon

    Pagtapon na basura sa Pagsasaayos ng tuboilog ng tubig.

    Paggamit ng mga Pagbubukud-bukodpestisidyo at kemikal, ng mga pakikinabanganna nakapipinsala sa at di-pakikinabangang

    tubig basura at paglalagay satamang lalagyan

    Natapon na krudo Paggamit ng kemikal(oil spill) sa karagatan na aprubado ng DENR.

    Tumatagas na tubo ng Paglalagay ng harangtubig na palutang sa paligid

    ng natapon napetrolyo.

  • 18

    Tandaan Natin

    1. Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig.

    2. Ang tirahan ng mga isda ay ang ilog, lawa, dagat, at karagatan.

    3. Ang mga yamang-tubig ay binubuo ng ibat ibang uri ng mga isda, kabibe atmga halamang-dagat.

    4. Ang mga sanhi ng polusyon sa tubig ay ang paglaki ng populasyon, pagdaming industriya at kalakal at kapabayaan ng mga tao na dapat nangangalaganito.

    5. Maraming produktong nakukuha mula sa tubig.

    6. Ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng unti-unting pagka-ubos ng isda, atlamang-dagat.

    7. Ang mga tao na rin ang mayroong kakayahan upang mapanatili angkalinisan ng tubig at buhay na nakatira dito.

  • 19

    Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

    A. Tukuyin kung anong produkto ang pinanggalingan ng mga sumusunod. Piliin saloob ng kahon ang sagot at isulat sa patlang.

    pating isda perlas kabibe buwaya pugita

    1. Masarap isuot ang na gawa sa balat ng .

    2. Ang mga sa sakit na ating iniinom ay galing sa taba ng .

    3. Magandang kalakal ang na gawa mula sa .

  • 20

    4. Ang mga palamuti sa katawan tulad ng ay gawa sa tunay

    na .

    5. Ang tinta sa ay may sangkap na galing sa __________.

    6. Ang mga ___________ gaya ng bangus at salmon ay karaniwang

    ginagawang .

    B. Isulat sa mga patlang sa ibaba ang maaari mong gawin upang maipakita mo angpangangalaga at pagpapahalaga sa mga yamang-tubig.

  • 21

    Anu-ano ang mga Natutuhan Mo

    A. Ipagpalagay mo na ikaw ang kausap ng taong nasa ibaba. Punan ng wastongpahayag ang mga lobo ayon sa hinihinging impormasyon o reaksyon ng kausap mo.

    Doon naman sa kabilangbarangay, maynagbugbugan sa pilahanng tubig. Halos sinlaki nalang ng buntot ng dagaang tulo ng gripo. Halosmaghapon sa pilahan!

    Naku, narinigmo ba yongbalitangnakakita rawng naglutangna mgapatay na isdasa ilog?

  • 22

    Ibuod Natin

    Sa modyul na ito, natutuhan mo ang mga sumusunod:

    h Ang mga ilog, dagat at karagatan ay habitat ng mga isda, pugita, pating,kabibe, itik, buwaya, koral at iba pang yamang-dagat.o Ang ilog at lawa ay tirahan ng mga isda, buwaya at palaka.o Ang karagatan ay tirahan din ng ilang mga isda. May malalaki at maliliit.

    Matatagpuan dito ang iba pang yamang-dagat katulad ng perlas,korales, kabibe at seaweeds.

    h Maraming produkto ang magagawa mula sa mga yamang-dagat:- Ang isda, maliliit man o malalaki ay hinuhuli upang gawing pagkain.- Ang mga perlas ay ginagawang alahas at palamuti sa katawan.- Ang mga kabibe ay ginagawang palamuti o kasangkapan.- Ang mga taba na galing sa malalaking isda ay ginagamit na sangkap sa

    paggawa ng gamot.- Ang mga balat ng buwaya at isda ay ginagawang sapatos, bag, pitaka,

    jacket at iba pang kasuotan.h Ang polusyon sa tubig ay dulot ng kapabayaan at di pagpapahalaga ng tao

    sa kalikasan. Ito ay sanhi ng:- pagtatapon ng mga basura sa ilog at karagatan

  • 23

    - paggamit ng mga kemikal at lason sa pangingisda- paggamit ng mga sabong panlaba at panlinis na nakasisira sa tubig- paggamit ng dinamita sa pangingisda- pagputol ng bakawan o mangroves at pagkuha ng mga koral- pag-agos sa mga ilog ng mga likido na galing sa mga pabrika- langis na natatapon mula sa mga barko

    Maraming paraan upang maiwasan at masugpo ang polusyon sa tubig:- Maglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang magsilbing

    kanlungan ng mga isda.- Magtanim ng maraming bakawan sa baybayin.- Ipaalam sa kinauukulan ang hindi kanais-nais na gawain na nakasisira sa

    yamang-tubig.- Huwag magtapon ng basura sa mga dinadaluyan ng tubig.- Gamiting muli o i -recycle ang mga basurang maaari pang

    pakinabangan.h Bawat isa sa atin ay dapat matutong magtipid ng tubig.

    Cover & copyright.pdfBLLM IPR.pdfTitle Page.pdfPrelims.pdfAralin.pdf