51
Wk37 Yaman sa Lupa

Wk37-Yaman Sa Lupa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mother tongue 1, yaman sa lupa,

Citation preview

Slide 1

Wk37Yaman sa Lupa1. Paghahawan ng Balakid

Saan nagmula ang mga pagkaing ito?

*halamang ugat

*halaman

Saan kadalasang tumutubo ang mga halamang ugat? Madali ba itong tumubo? Anong mangyayari kapag tumigil na sa pagtatanim ng halamang ugat ang mga magsasaka? Makapagtatanim ba tayo ng mga gulay at halamang ugat sa ating tahanan? Ano-anong yaman sa lupa ang tinutukoy sa kuwento? Magsasaka ang mga magulang nina Nelson at Lina. Masipag magtanim sina Mang Lino at Aling Mercy. Hindi tumutulong sa mga gawain ang kanilang mga anak. Ayaw tumungo ni Lina sa bukid dahil ayaw niyang marumihan ang kanyang mga paa. Ayaw din ni Nelson tumulong dahil nabibigatan siya sa pandilig. Isang araw, bumagyo nang malakas at naaksidente ang sinasakyang karitela ng mag-asawa. Nasira ang mga pananim at nasugatan ng malubha ang mag-asawa. Natakot ang magkapatid ng magdamag hindi nakauwi ang kanilang mga magulang. Nalungkot sila ng malamang hindi na makakapagtanim ang kanilang mga magulang dahil sa tinamong pinsala sa katawan. Dahil dito, itinuloy ng magkapatid ang pagtatanim ng gulay sa kanilang bukid. Ang pagtatanim, pagdidilig at paglalagay ng pataba ay pinagtulungan nilang dalawa. Di naglaon, namunga ang kanilang tanim na talong, okra, kamote, ube, gabi, kamoteng kahoy, patatas at iba pang gulay. Tuwang-tuwa ang magkapatid ng maipagbili nila ang kanilang mga ani. Napatunayan nilang totoo ang pangaral ng kanilang magulang; na tunay ngang may yaman sa lupa.Pangkat I Sumulat ng maikling tula na may apat na pangungusap tungkol sa pagtatanim ng gulay. Ugnayang GawainPangkat IIIsakilos kung paano natin pangangalagaan ang ating halamanan o hardin. Pangkat III Gumawa ng patalastas kung paano hihikayatin ang mga batang kumain ng gulay. Talakayana. Ano ang sinasabi sa kuwento? b. Bakit hindi sumasama si Lina sa bukid? c. Ano ang dumating sa mag-asawang Lino at Mercy? d. Ano ang nangyari nang hindi umuwi ang mag-asawa? e. Ano ang ginawa ng magkapatid na Nelson at Lina? f. Bakit nasabi ni Lina na may yaman sa lupa? g. Mahalaga ba ang pagtatanim ng mga halamang ugat? Bakit? Ikalawang araw

Balikan ang kuwentong May Yaman sa Lupa Iguhit MoIguhit ang paborito mong gulay. Magsulat ng talata tungkol dito. Sundan ang gabay na tanong sa pagsulat ng talata. 1. Ano ang paborito mong gulay? 2. Ilarawan ang paborito mong gulay. 3. Anong luto ang iyong gusto dito?4. Bakit gustong-gusto mo ang gulay na ito? Anong makukuha natin sa pagtatanim ng mga halamang ugat at gulay? Bakit mahalaga ang mga ito?

Ano ang gusto mong prutas o gulay?

Gusto ko ang gulay na ito sapagkat.___________Bakit ito ang napili mong gulay o prutas?

Ano-ano ang pang-abay na ginamit sa paglalarawan ng mga gulay, prutas, at halamang ugat? Basahin Natin Ang Diyalogo Nang may Tamang Lakas ng Boses at Bigkas ng mga Salita Basahin Natin! Elvie: Masarap ang dinala mong bukayo. Agnes: Dala ito ni Nida galing sa Batangas. Hapon na siya ng dumating dahil mabagal ang bus na sinakyan niya. Malayo ang lalawigan ng Batangas. Elvie: Kaya pala. Agnes: Oo, alam mo magandang lugar ang Batangas.Palagi kaming nagbabakasyon doon.TandaanMay mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang inilalarawan. Ang tawag dito ay pang-abay. TandaanMay mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang inilalarawan. Ang tawag dito ay pang-abay. Talakayan1. Ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata? 2. Ano ang mga pang-abay na ginamit nila sa kanilang pag-uusap? May mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang inilalarawan. Ano ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga pangngalan, salitang naglalarawan ng pangyayari? Mga Pang-abay mamaya, bukas, mahina, marami, at iba pa Ikalimang Araw Paglalapat Pag-usapan ang teleserye na pinanood kagabi at ibahagi sa kamag-aral. Tukuyin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap na kanyang sinabi. Pagtataya

A. Bilugan ang mga salitang pang-abay. 1. Bukas pa ako pupuntang Lucena. 2. Maganda ang boses ni Mona. 3. Nawala ang bola sa madamong lugar ng plasa. 4. Bakit maliliit ang dala niyang mangga? 5. Isa-isang pumasok ang mga bibe sa kulungan . Gamitin ang mga pang-abay na nasa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap. madilim-dilim mahirap nag-uunahang palaging maaga makuha Bukas, _________ pa ay pupunta na sa bukid si tatay. Maraming gulay doon. Mangunguha siya ng kalabasa, talong, sitaw, okra, at labanos. Sa palengke, ______________bumili ang kanyang mga suki. ________ ubos ang kanyang tindang gulay, kaya __________ siyang nakakauwi. Gamitin ang mga salitang pang-abay sa pangungusap. 1. dagdagan pa 2. mamaya na 3 kahapon 4. walang ibinigay 5. bukas Tambalang SalitaPanuto: Isulat sa patlang ang tambalang salita na bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga tambalang salita sa kahon.bagong-lutohatinggabiabot-kayapusong-mamonbalitang-kutserohanapbuhaytakdang-aralinlakas-loobsulat-kamaybunsong-anak1. Ang dating mamahaling gamot ay ________ na ngayon.2. ______na ang uwi si Ron mula sa kanyang trabaho sa call center kaya matulog ka na.3. May ginataan na _______ sa kusina kaya magmerienda muna tayo.4. Natapos mo ba ang ating _______ sa Sibika at Kultura?5. Huwag kang maniwala sa tsismis dahil mga _______ ang maririnig mo.6. Ano ang _______ ng tatay mo sa Saudi Arabia?7.______ si Rina kaya madali siyang umiyak kapag nanonood ng drama.8. Kailangan mo ng _______ kung sasabihin mo sa kanya ang katotohanan.9. Si Maria ang nagsulat ng liham na ito dahil alam ko ang kanyang _______.10. Apat ang anak ni Aling Nena at si Pedring ang kanyang _________.