39
Edukasyong Pangkatawan

guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

Edukasyong Pangkatawan

Page 2: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT III

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Cardiovascular Endurance, Lakas ng Kalamnan, Tatag

ng Kalamnan, at Flexibility)

I. Layunin

1. Naiisa-isa sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na nalilinang/napapaunlad ng mga gawaing pisikal.

2. Naisasagawa ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin. 3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa

kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

a. Paksa: (1) Filipino Pyramid Activity Guide(2) Fitness Challenge b. Kasanayan: Balik-Tanaw sa mga Sangkap ng Physical Fitness,

Cardiovascular Endurance, Lakas ng Kalamnan,Tatag ng Kalamnan, Kahutukan (Flexibility)

c. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat d. Sanggunian: Curriculum Guide; www.obesity.org.ph/ e. Kagamitan: hula hoop, lubid, baton, palaruan

III. Pamamaraan

A. Pang- araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain:

Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral Ilahad sa mga bata na naisagawa na nila ang iba’t ibang pagsubok sa physical fitness nang nakaraang unang markahan.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 1

Page 3: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

Sabihin din sa mga bata na sa Ikatlong Yunit, patuloy na pauunlarin ang kanilang physical fitness.

Ilahad ang Filipino Activity Pyramid Guide.

Ipabasa sa mga bata ang talata tungkol sa Aralin 1 at pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipakita sa mga bata ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan at sa labas ng tahanan. Ipatukoy rin kung gaano nila kadalas na ginagawa ang mga ito at ang fitness component na napapaunlad ng gawain.

Ipasagot ang “Simulan Natin” na nasa LM.

Itanong kung ilang puntos ang kanilang natamo sa gawain.

Ipaliwanag ang kahulugan ng kanilang puntos na nakatala sa kasunod na pahina.

C. Panlinang na Gawain

Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain. Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin” at hikayatin ang mga bata na pagtuunan ang pagpapaangat ng antas ng gawaing pisikal at fitness. Itanong kung ano-anong mga gawaing pisikal ang dapat isagawa upang mapataas ang antas ng physical fitness.

D. Paglalapat

Ipagawa ang nasa LM “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.

Ipasagot ang checklist upang maitala ang kanilang ipinakitang galing sa Fitness Challenge.

E. Paglalagom

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

Itanong kung paano malilinang ang mga sangkap ng fitness.

Page 4: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

IV. Pagtataya

Ipasagot sa mga bata ang “Suriin Natin” upang mataya ang antas ng pagkilos sa kanilang pakikilahok sa gawaing pisikal.

V. Takdang Aralin

Ipakopya sa isang malinis na papel o bond paper ang Talaan ng Isang Linggong Physical Activity na nasa LM. Ipasulat o ipalarawan sa mga bata ang kanilang paboritong gawaing pisikal sa loob ng isang linggo at lagdaan ito. Ipapasa ang talaan sa susunod na pagkikita sa PE.

Page 5: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3 PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Paglinang ng Flexibility

I . Layunin

1. Nasusubok ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan.

3. Naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

Paksa: (1) Filipino Pyramid Activity Guide (2) Two-Hand Ankle Grip

Kasanayan: Pagpapaunlad ng flexibility ng katawan Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat,

paggalang sa kapuwa Sanggunian: Curriculum Guide, www.obesity.org.ph/ Kagamitan: Palaruan

III. Pamamaraan

A. Pang araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.

2. Pampasiglang Gawain: Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Fitness Challenge noong nakaraang aralin.

Itanong kung paano pa malilinang ang mga fitness components.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 2

Page 6: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

Sabihin na sa araling ito, patuloy na pauunlarin ang kanilang flexibility kaya ihanda ang katawan sa mga gawain.

Ipabasa sa mga bata ang talata tungkol sa Aralin 2 at pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipakitang muli ang Filipino Physical Activity Pyramid Guide sa “Simulan Natin”. Ipatukoy ang bahagi nito na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng flexibility ng katawan.

Ipasagot ang tanong at talakayin. Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng iba’t ibang bahagi ng katawan? Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad ng flexibility ng katawan?

C. Panlinang na Gawain

Ipabasa ang Ipagpatuloy Natin. Itanong kung ano ang flexibility at sabihin ang mga gawain sa araw-araw na nangangailangan ng flexibility. Ipakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan. Ipatukoy rin kung ito ay gawaing pang araw-araw, ehersisyo, laro, o sayaw.

D. Paglalapat

Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa flexibility. Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.

E. Paglalagom

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipang dapat tandaan. Itanong kung bakit kailangang mapaunlad ang kahutukan (flexibility).

Page 7: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

IV. Pagtataya Ipakita ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng

paglagay ng tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng kanilang flexibility. Ipakopya sa kwaderno ang talaan at ipasagot ito. Itanong kung ilan sa talaan ang nilagyan ng tsek.

Magtanong din kung ano pang mga gawain ang makatutulong upang mapaunlad ang flexibility.

Ipapuno ang talaan sa LM at ibabahagi nila sa kanilang kamag-aral ang ginawang talaan.

V. Takdang-aralin Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakakatulong

sa pagpapaunlad ng flexibility ng katawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna o pananakit ng katawan.

Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng flexibility. Ipapasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.

Page 8: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

Yunit 3PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Paglinang ng Koordinasyon

I. Layunin

1. Nasusubok ang physical fitness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon ng katawan.

3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

a. Paksa: Coordinated Walk b. Kasanayan: Pagpapaunlad ng Koordinasyon ng Katawan (Coordination) c. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat; paggalang sa

kapwa d. Sanggunian: Curriculum Guide; Teaching Physical Education e. Kagamitan: palaruan; hula hoop

III. Pamamaraan A. Pang- araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain

Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin. 3. Balik-aral

Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Two-Hand Ankle Grip noong nakaraang aralin Itanong kung paano pa malilinang ang flexibility ng katawan. Ipakita ang larawan. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata. Pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipabasa ang “Simulan Natin”. Pag-usapan ito.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 3

Page 9: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

C. Panlinang na Gawain Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”. Itanong kung ano ang koordinasyon (coordination) at itanong din kung bakit kailangan itong malinang. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng halimbawa ng mga gawaing pisikal na nagpapaunlad ng koordinasyon.

D. Paglalapat

Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa koordinasyon (coordination). Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 - Coordinated Walk. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa. Ipagawa ang Gawain 2 - Gamit ng Hula Hoop. Magkaroon ng talakayan sa ginawa. Ipasagot ang mga tanong: (a) Mahirap bang gawin ang coordinated walk? Ang paggamit ng hula hoop? Bakit? (b) Paano makatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng iyong koordinasyon? (c) Sa isinagawang gawain, maaari mo bang sabihin kung ano ang kahalagahan ng pagtaya ng iyong koordinasyon?

E. Paglalagom

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

Itanong kung bakit kailangang mapaunlad o malinang ang koordinasyon ng katawan (coordination).

IV. Pagtataya

Ipabasa ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng kanilang koordinasyon. Ipakopya sa kwaderno ang talaan at ipasagot ito. Itanong kung ilan sa talaan ang nilagyan ng tsek.

Itanong din kung ano pang mga gawain ang makatutulong upang mapaunlad ang koordinasyon.

(Muling balikan ang talaang ginawa makalipas ang isang linggo at muling ipakita kung talagang nagawa nila nang maayos ang mga pagsubok.)

Page 10: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

V. Takdang-aralin

Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakatutulong sa pagpapaunlad ng koordinasyon (coordination) ng katawan.

Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM, gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng koordinasyon. Ipapasa ang konrata sa susunod na pagkikita.

Page 11: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Rhythmic Interpretation

I. Layunin

1. Nakalilikha ng mga kombinasyon ng kilos na ginagamitan ng dalawa o higit pang kilos.

2. Naisasagawa nang wasto ang mga nilikhang kilos nang may tiwala sa sarili. 3. Naisasagawa ang mga hakbang na gumagamit ng mga nilikhang kilos. 4. Naipakikita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong pag-iingat sa likhang-

galaw.

II. Nilalaman

Paksa: Likhang galaw Ayon sa Tema at Ritmo Kasanayan: Pagpapaunlad ng Pagkamalikhain Ayon sa Ritmo at Tema Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat, paggalang sa

kapwa Sanggunian: P.E Curriculum Guide, Teaching Physical Education Kagamitan: palaruan, mga tugtog o musika na may iba’t ibang tempo o bilis.

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain

Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang Coordinated Walk at gawain sa hula hoop noong nakaraang aralin.

Itanong kung paano pa malilinang ang koordinasyon (coordination) ng katawan.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 4

Page 12: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

Ipakita ang larawan sa LM sa Aralin 4.

Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipasuri ang larawan sa “Simulan Natin”. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata.

Ipabasa ang talata. Pag-usapan ito.

Ipagawa ang nasa larawan sa parehas na pahina. Itanong kung ano ang tempo ng tugtog kung lalapatan ng musika ang kanilang galaw.

C. Panlinang na Gawain

Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”. Itanong kung ano ang rhythmic interpretation. Itanong kung paano ito ipakikita sa mga nanonood. Pag-usapan ang mga inilahad na halimbawa ng interpretation. Itanong kung paano maipahihiwatig ang mensahe ng lilikhaing galaw. Itanong din kung paano ito maiintindihan ng mga manonood.

D. Paglalapat

Maghanda ng apat na tema na gagawan ng interpretasyon ng bawat pangkat.

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Papiliin ang mga bata ng lider sa bawat pangkat.

Ipabasa ang nasa loob ng kahon sa “Gawin Natin”.

Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pagkamalikhain upang masanay nang husto.

(Pipili ang guro o maaaring gumawa ng sariling ideya.) Ilan sa mga halimbawa ng interpretasyon ay ang mga sumusunod: Kalikasan - panahon, hayop, halaman Likhang-isip na bagay - higante o duwende,engkantada, awiting pambata Mga gawain/hanapbuhay ng tao - guro, driver, ballet dancer, paglalaba, pagmamaneho Mga sasakyan - eroplano, tren, bus, barko, bisekleta Machinery - orasan, elevator, crane, forklift Moods/feelings - masaya, malungkot, galit

Page 13: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

E. Paglalagom

Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

Itanong kung ano ang rhythmic interpretation. Itanong din kung ano ang mga dapat gawin upang maipahayag ang mensahe ng likhang galaw.

IV. Pagtataya

Ipakita at ipapuno ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ipatukoy sa pam-amagitan ng paglalagay ng tsek sa kolum na naglalarawan ng kanilang sama-samang pagganap bilang isang pangkat. Ipakopya sa kuwaderno ang talaan at ipasagot ito.

Itanong kung ano ang temang nabunot ng bawat pangkat.

Magtanong din kung ano ang kanilang pakiramdam pagkatapos ng ga-wain.

V. Takdang-aralin Ipabasa ang talata sa “Pagbutihin Natin”.

Ipagawa ang mungkahing gawain sa LM upang lubos na malinang ang kanilang pagkamalikhain .

Ipapuno ang talaan sa mga kapamilya batay sa pagtataya ng ipinakitang galing ng bata.

Ipapasa ang iskor kard sa sunod na pagkikita.

Page 14: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Paglinang sa Himnastiko

I . Layunin

1. Nasusubok ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa simpleng kasanayang pang-himnastiko.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa simpleng kasanayang pang-himnastiko.

3. Naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, at paggalang sa kapwa.

II. Nilalaman

Paksa: (1) Forward Lunge (2) Half Knee Stand (3) Supine Leaning Rest, (4) Front Scale, (5) Side LyingKasanayan: Pagpapaunlad ng flexibility ng katawan Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok, pagiging maingat, paggalang sa kapwaSanggunian: Curriculum Guide,MSEP 5 St. Augustine Publications, INC. Banghay-Aralin sa Makabayan (MSEP 5)

Kagamitan: silid-aralan, open court, video clips, larawan

III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain:

Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 5

Page 15: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang larong Lawin at Sisiw.

Sabihin na sa araling ito, malalaman ang mga kasanayang pang-himnastiko, kaya ihanda ninyo ang inyong katawan sa gawain.

B. Panimulang Gawain

Ipakitang muli ang Filipino Physical Activity Pyramid Guidesa “Simulan Natin”.

Ipatukoy ang bahagi nito na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng mga kasanayang pang-himnastiko.

Ipasagot ang tanong at talakayin.

C. Panlinang na Gawain Ipabasa ang Ipagpatuloy Natin.

D. Paglalapat Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pang-himnastiko.Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Magkaroon ng talakayan sa ginawa.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat.

IV. Pagtataya

Ipagawa ang nasa LM ang “Suriin Natin”.

V. Takdang-aralin Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o

ehersisyong nakakatulong sa pagpapaunlad ng himnastiko upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna o pananakit ng katawan.

Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng mga kasanayang pang-himnastiko. Ipapasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.

Page 16: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan
Page 17: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

STUNTS ( ISAHAN, DALAWAHAN, TATLUHAN,

PANGKATAN)

I .Layunin

1. Nasusubok ang physical fitness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon

at pagpapatibay ng katawan.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.

3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga,paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

Paksa: STUNTS (ISAHAN, DALAWAHAN, TATLUHAN, PANGKATAN)

Kasanayan: Pagpapaunlad ng Koordinasyon at pagpapatibay ng Katawan.

Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa

Sanggunian: Curriculum Guide; Teaching Physical Education, MSEP 5 St. Augustine Publications, INC. MSEP 5 St. Bernadette Publication, INC. Kagamitan: palaruan, sako, puzzle mat, video clips

III.Pamamaraan A. Pang- araw-araw na Gawain

1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 6

Page 18: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na

ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang mga

kasanayang pang-himnastiko noong nakaraang aralin.

B. Panimulang Gawain

Ipabasa ang “Simulan Natin”. Pag-usapan natin ito.

C. Panlinang na Gawain Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng halimbawa ng mga gawaing pisikal na nagpapaunlad ng koordinasyon at nagpapatibay ng katawan.

D. Paglalapat

Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pagpapatibay ng katawan.Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 – ISAHAN

Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na

dapat gawin. Ipagawa ang nasa LM Gawain 2- DALAWAHAN.Gabayan ang

mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.

Ipagawa ang nasa LM Gawain 3- TATLUHAN.Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Ipagawa ang nasa LM Gawain 4-PANGKATAN.Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapa tandaan. (Itanong kung bakit kailangang mapaunlad o malinang ang koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.)

Page 19: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

IV. Pagtataya Ipabasa ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM.

V. Takdang-aralin Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM, gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng koordinasyon. Ipapasa ang konrata sa susunod na pagkikita.

Page 20: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

STUNTS tambling

I .Layunin

1. Nasusubok ang physical fitness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon at pagpapatibay ng

katawan.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaingpisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.

3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalan sa kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

Paksa: STUNTS (TAMBLING) Kasanayan: Pagpapaunlad ng Koordinasyon at pagpapatibay ng Katawan. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa.

Sanggunian: Curriculum Guide; Teaching Physical Education, MSEP 5 St.Augustine Publications, INC. MSEP 5 St. Bernadett Publication, INC.

Kagamitan: palaruan, video clips, larawan

III.Pamamaraan

A. Pang- araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 7

Page 21: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang mga

STUNTS (Isahan, dalawahan, tatluhan, pangkatan)noong nakaraang aralin.

Ipakita ang larawan. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata. Pag- usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipabasa ang “ Simulan Natin”. Pag-usapan ito.

C. Panlinang na Gawain

Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”.

D. Paglalapat Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pagpapatibay ng katawan.Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 – TAMBLING.

Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat.

IV. Pagtataya

Ipabasa ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at sagutan ang mga ito.

V. Takdang-aralin Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakatutulong sa pagpapaunlad ng koordinasyon at pagpapatibay ng katawan. Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM, gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng koordinasyon. Ipapasa ang konrata sa susunod na pagkikita..

Page 22: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

YUNIT 3

PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

STUNTS pyramid

I .Layunin

1. Nasusubok ang physical fitness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.

3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya attiyaga,paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro.

II. Nilalaman

Paksa: STUNTS (PIRAMID) Kasanayan: Pagpapaunlad ng Koordinasyon at pagpapatibay ng Katawan. Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok; pagiging maingat, paggalang sa kapwa

Sanggunian: Curriculum Guide; Teaching Physical Education, MSEP 5 St. Augustine Publications, INC. MSEP 5 St. Bernadette Publication, INC.

Kagamitan: palaruan, sako, video clips, larawan

III.Pamamaraan

A. Pang- araw-araw na Gawain 1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang mga aralin.

Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minutoARALIN 8

Page 23: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

3. Balik-aral Itanong kung naisagawa nila nang maayos ang pagtambling

noong nakaraang aralin.

Ipakita ang larawan. Itanong kung ano ang ginagawa ng mga bata. Pag-usapan ito.

B. Panimulang Gawain

Ipabasa ang “Simulan Natin”

C. Panlinang na Gawain Ipabasa ang “Ipagpatuloy Natin”. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng halimbawa ng mga gawaing pisikal na nagpapaunlad ng koordinasyon at nagpapatibay ng katawan.

D. Paglalapat Sabihin na kailangang masubok ang kanilang kakayahan sa pagpapatibay ng katawan. Ipagawa ang nasa LM Gawain 1 – Piramid na may tatlong tao. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Ipagawa ang nasa LM Gawain 2- Piramid na may limang tao.Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin. Ipagawa ang nasa LM Gawain 3- Piramid na may pitong tao.Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.

E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.

IV. Pagtataya

Ipabasa ang talaan sa “Suriin Natin” sa LM at ang mga sagutan ito.

Page 24: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan

V. Takdang-aralin Sabihin na gawing madalas ang mga gawain o ehersisyong nakatutulong sa pagpapaunlad ng koordinasyon at pagpapatibay ng katawan.

Sabihin din na sa tulong ng isang kontrata sa LM, gagawa ang mga bata ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng mga kasanayang panritmo at pansayaw. Ipapasa ang konrata sa susunod na pagkikita.

Page 25: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/TG-YUNIT-3.docx · Web viewIpakita ang mga larawan sa LM at ipatukoy kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng flexibility ng katawan