47
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art Ikatlong Markahan Ika-pitong Linggo (Unang Araw) I. Layunin: - Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan. - naiingatan ang sariling kagamitan sa paaralan. (pag- iingat sa aklat) II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran Aralin 31: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16 Edukasyon sa Pagpapakatao Teaching Guide pah. 8-11 ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____ Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I pah. 136-137 Kagamitan: aklat. tsart ng tula III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Hulaan mo ano ito? Ako’y susi ng karunungan At kaban ng maraming yaman Malayo at malapit iyong nararating Kung ako lamang ay iyong babasahin. 2. Pagganyak: Ipabasa/iparinig ang tugma Kaibigang Aklat Aklat, di hamak Pag binasa….ngingiti, iiyak Papadyak ka sa galak! Aklat-Filipino, Basahin nating lahat Sapagkat ito’y nagpapayaman ng utak at kaibigan nating tiyak. Tungkol saan ang tugma? 3. Paglalahad: Ngayong umaga, ating pag- aaralan ang mga paraan sa pag- iingat sa ating aklat. PAG-IINGAT SA AKLAT ni M. L. Sadang Aklat ay hindi dapat singitan ng papel Lapis, pambura at bolpen Hindi pantakip sa ulo kung tag-ulan O pananggalang sa sikat ng araw. Iwasang ipatong o ilapag kung saan Pagkat maaring madampot ng sinuman O kaya’y mahawakan ng batang walang-malay masira ang dahon at mga nilalaman. Ilagay ito nang maayos sa bag Pag ginamit maingat lang sa pagbuklat Dapat na malinis ang mga palad Nang di marumuhan ang gamit na aklat. 2. Pagtalakay: Tungkol saan ang tula? Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pag-iingat sa aklat? Bakit mahalaga na pag-ingatan ang inyong mga aklat? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat: Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga gamit sa paaralan tulad ng iyong aklat? Tandaan: Aklat ang susi ng karunungan Kaban ng maraming yaman Kaya dapat ating pag-ingatan Balutan at pahalagahan.

guroako.com · Web viewInilabas ni Netnet ang kahong lalagyan ng kanyang mga laruan. Ibinuhos ng mga bata ang mga laruang laman ng kahon. Nang matapos maglaro, isa-isang nag-alisan

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ika-pitong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.

· naiingatan ang sariling kagamitan sa paaralan. (pag-iingat sa aklat)

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

Aralin 31: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I

pah. 136-137

Kagamitan: aklat. tsart ng tula

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Hulaan mo ano ito?

Ako’y susi ng karunungan

At kaban ng maraming yaman

Malayo at malapit iyong nararating

Kung ako lamang ay iyong babasahin.

2. Pagganyak:

Ipabasa/iparinig ang tugma

Kaibigang Aklat

Aklat, di hamak

Pag binasa….ngingiti, iiyak

Papadyak ka sa galak!

Aklat-Filipino, Basahin nating lahat

Sapagkat ito’y nagpapayaman ng utak

at kaibigan nating tiyak.

Tungkol saan ang tugma?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, ating pag-aaralan ang mga paraan sa pag-iingat sa ating aklat.

PAG-IINGAT SA AKLAT

ni M. L. Sadang

Aklat ay hindi dapat singitan ng papel

Lapis, pambura at bolpen

Hindi pantakip sa ulo kung tag-ulan

O pananggalang sa sikat ng araw.

Iwasang ipatong o ilapag kung saan

Pagkat maaring madampot ng sinuman

O kaya’y mahawakan ng batang walang-malay

masira ang dahon at mga nilalaman.

Ilagay ito nang maayos sa bag

Pag ginamit maingat lang sa pagbuklat

Dapat na malinis ang mga palad

Nang di marumuhan ang gamit na aklat.

2. Pagtalakay:

Tungkol saan ang tula?

Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pag-iingat sa aklat?

Bakit mahalaga na pag-ingatan ang inyong mga aklat?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga gamit sa paaralan tulad ng iyong aklat?

Tandaan:

Aklat ang susi ng karunungan

Kaban ng maraming yaman

Kaya dapat ating pag-ingatan

Balutan at pahalagahan.

2. Paglalapat:

Lutasin:

Ibinili ka ng iyong tataya ng bagong aklat. Tuwang-tuwa ka dahil matagal mo na iyong ipinabibili . Paano mo iyong pag-iingatan.

Ano ang una mong dapat gawin bago basahin ang aklat?.

IV. Pagtataya:

Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng pag-iingat sa aklat at malungkot na mukha kung hindi.

___1. Pagkagamit sa aklat hinayaan lamang ni Oscar na nakakalat ito sa sala nila.

___2. Umuulan kaya pinantakip ni Ben ang aklat sa kanyang ulo.

___3. Tinakpan ng plastic ni Andy ang aklat para hindi ito marumihan.

___4. Hindi sinusulatan ni Ria ang aklat dahil hiniram lamang niya ito.

___5. Pinilas ni Tere ang dahon ng aklat at ginawang pamarikit ito.

V. Kasunduan:

Isaulo ang tula at humanda sa isahang pagbigkas nito bukas

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.

· naiingatan ang sariling kagamitan sa tahanan

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

Aralin 32: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I

pah. 139-140

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Tama ba o mali?

Takpan ng plastik ang aklat para hindi marumihan.

Ingatan ang aklat na hiniram.

Iwanan na lang aklat na hiniram kung saan-saan.

Maaring gupitin o pilasin ang dahon ng aklat.

Itago ang aklat sa tamang lalagyan pagkagamit.

2. Pagganyak:

Itanong: Mayroon ba kayong sariling lalagyan ng inyong mga damit at gamit sa bahay?

Maayos ba ang pagkakalagay ng inyong mga damit at gamit?

Sino ang nag-aayos ng inyong mga damit at gamit?

3. Paglalahad:(Gumamit ng cut-out ng batang babae)

Ngayong umaga, babasa tayo ng maikling kwento tungkol kay Delia.

MAAYOS BA?

Ito si Delia. Maayos siya sa kanyang mga damit at gamit. Inilalagay niya nang maayos ang kanyang mga damit sa cabinet. Matutularan ba ninyo si Delia?

4. Pagtalakay:

Sino ang batang maayos sa kanyang mga damit at gamit?

Anong kabutihan ang magagawa ng pagiging maayos sa gamit at damit?

Paano ninyo dapat ilagay ang inyong mga damit at gamit sa cabinet?

Anong kaasalan ang ipinakita ni Delia?

Kaya mo ba siyang gayahin?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga gamit at damit sa inyong tahanan?

Tandaan:

Ang damit at pansariling gamit.

Ilagay iayos sa cabinet.

Bawat bagay ay may paglalagyan

Pagkagamit, ibalik sa dating lugar

Pangalagaan, sariling kagamitan

Ito ay ugaling dapat tandaan.

2. Paglalapat:

Lutasin:

Nagmamadaling umuwi si Rolando galing sa paaralan. Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang bag sa pintuan at nakipaglaro sa kapwa bata na sa kanya ay naghihintay. Tama ba iyon? Bakit? Kung ikaw si Rolando, ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya:

Iguhit nang maayos ang mga bagay sa tamang lalagyan. Gumuhit ng cabinet kung saan ilalagay nang maayos ang iyong mga gamit at damit.

medyas, panloob na kasuotan, sando, t-shirt

shorts bimpo.

V. Kasunduan:

Lutasin:

Bakit dapat isoli sa lalagyan ang bagay na ginamit?___________________

Ano ang maaring manyari kung saan-saan lamang iiwan ang mga bagay na ginamit sa tahanan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.

· naiingatan ang mga laruan

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

Aralin 33: Pangangalaga sa Pansariling Kagamitan

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I

pah. 141-142

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Saan mo dapat ilagay nang maayos ang iyong mga sariling gamit at damit?

Bakit mahalaga na maayos ang iyong mga gamit at damit?

2. Pagganyak:

Kunwari darating ngayon si Sta. Claus.

Ano ang gusto mong hilingin sa kanya?

Anong laruan ang ibig mong ibigay sa iyo ni Sta. Claus? Bakit?

Marami ka bang laruan sa inyong bahay?

Pinag-iingatan mo ba ang iyong mga laruan?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, babasa tayo ng maikling kwento tungkol kay Netnet?

Alamin natin kung katulad din ba siya ni Delia na maayos at masinop sa kanyang mga gamit?

HALINANG MAGLARO!

Dumating ang mga kalarong bata ni Netnet sa kanilang bahay. Inilabas ni Netnet ang kahong lalagyan ng kanyang mga laruan. Ibinuhos ng mga bata ang mga laruang laman ng kahon. Nang matapos maglaro, isa-isang nag-alisan ang mga bata. Pati si netenet ay tumalikod na rin. Naiwan ang mga laruang nagkalat.

4. Pagtalakay

Anong kaasalan ang ipinakita ng mga bata? ni Netnet?

Mabuti ba ang kanilang ginawa matapos maglaro?Bakit?

Kung ikaw si Netnet o isa sa mga kalaro, ano ang iyong dapat gawin sa mga laruan pagkatapos gamitin?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong mga laruan?

Tandaan:

Maging maingat sa laruan

Upang ito ay magtagal.

Ang mga gamit at laruan

Ilagay sa kahong lalagyan.

2. Paglalapat:

Gumuhit ng isang kahong lalagyan ng iyong mga laruan.

IV. Pagtataya:

Lutasin:

Nagalit si Rowena sa nakababatang kapatid dahil pinaglaruan ang kanyang bagong manyilka. Inihagis niya ang manyika’t tumama sa dinding. Tama ba iyon?_______

Bakit?___________________________

V. Kasunduan:

Sagutin ang tseklis:

A – Palagi B- Madalas C- Paminsan-minsan

1. Maingat ba ako sa aking mga laruan?___

2. Inilalagay ko ba ang aking mga laruan sa kahong lalagyan?_____

3. Itinatago ko ba ang aking laruan sa angkop na lugar ng bahay?______

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ika-pitong Linggo

( Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.

· nakikisa sa pagtitipid ng kuryente

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

Aralin 34: Pangangalaga sa Pinagkukunang Yaman

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I

pah. 143-145

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Bakit kailangang maging maingat tayo sa ating mga laruan?

2. Pagganyak:

Magpakita ng bill ng Meralco.

Itanong: Mga bata alam ba ninyo kung ano ito?

Ipaliwanag na ang bill ng meralco ay ang kunsumo ng bawat bahay sa kuryente na dapat bayaran.

Paano kaya liliit ang ating bayarin sa kuryente?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang mga paraan kung paano tayo makatitipid sa paggamit sa kuryente. PANGANGALAGA SA PINAGKUKUNANG YAMAN

Ilaw ang liwanag o tanglaw sa kabahayan

Bubuksan lamang kapag kailangan.

GANITO KA BA?

Sa gabi nag-aaral ng leksiyon si Nilda. Nagsisindi siya ng ilaw. Kailangan ni Nilda ng ilaw sa kanyang pagbabasa at pagsusulat. Pagkatapos niyang mag-aral, pinapatay niya ang ilaw dahil hindi na niya kailangan sa kanyang pagtulog.

4. Pagtalakay

Ano ang kahalagahan ng ilaw?

Ano ang kahalagahan ng tubig?

Ano ang kaasalang ipinararating sa atin ng tula?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa mga pinagkukunang yaman?

Tandaan:

Patayin ang ilaw kung hindi kailangan

Nang hindi lumaki, ating babayaran.

2. Paglalapat:

Lutasin:

May patay sa kapitbahay nina Nestor. Takot na takot siya. Sa gabi, binubuksan niya ang lahat ng mga ilaw sa silid. Tama ba iyon? Bakit?

IV. Pagtataya:

Sagutin : Tama o Mali

___1. Magdamag na nakabukas ang ilaw ng kwarto ni Bella kahit siya ay tulog na.

___2. Sinisindi ni Lito ang lahat ng ilaw kahit hindi naman kailangan.

___3. Pagkatapos magbasa ng mga aralin, pinapatay na ni Nilda ang ilaw.

___4. Sabay sabay na pinaandar ni Rico ang mga kagamitang de kuryente sa kanilang bahay.

___5. Gumagamit ng jumper si Mang Isko para makatipid sa kuryente.

V. Kasunduan:

Sagutin ang tseklis:

A – Palagi B- Madalas C- Paminsan-minsan

1. Iniiwasan ko bang buksan ang ilaw kung hindi kailangan?

2. Iniiwasan ko ba ang pagbubukas-sara sa repridyereytor?

3. Nakatitipid ba ako sa paggamit ng kuryente?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ika-pitong Linggo

( Ikalimang Araw)

I. Layunin:

· Naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid para sa mabuting kalusugan.

· nakikiisa sa pagtitipid ng tubig

II. Paksang Aralin: Pagkalinga sa Kapaligiran

Aralin 35: Pangangalaga sa Pinagkukunang Yaman

Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao

Teaching Guide pah. 8-11

ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panhon I

pah. 146-147

Kagamitan: aklat. tsart ng kwento, larawan

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga paraan kung paano tayo makatitipid sa paggamit sa kuryente?

2. Pagganyak:

Natatandaan ba ninyo si Pol Putol?

Saan ba siya napadpad na lugar ng siya ay tangayin ng malakas na hangin?

May puno ba sa disyerto?

Ano ang ibig niyang gawin sa sobrang init?

Paano kaya kung walang tubig?

3. Paglalahad:

Ngayong umaga, pag-aaralan natin ang mga paraan kung paano tayo makatitipid sa paggamit ng tubig.

SI SENDONG AKSAYA

Si Sendong ang tagahugas ng pinggan. Pagkatapos kumain, isa-isa na niyang hinuhugasan ang mga kasangkapang ginamit. Mayroon siyang isang palangganang sahuran ng tubig. Pero kahit puno na ng tubig ang palanggana, hindi pa rin niya sinasara ang gripo. Kaya naaksaya ang tubig. Tapon nang tapon ang tubig mula sa umaapaw na palanggana.

4. Pagtalakay

Anong ugali ang ipinakita ni Sendong?

Tama ba ang kanyang gawain? Bakit?

Magbigay ng mga gawain na nangangailangan ng tubig.

Paano kaya kung mawawala ang tubig?

Ano ang magiging epekto nito sa ating buhay?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa mga pinagkukunag yaman tulad ng tubig?

Tandaan:

Pagtitipid ay ating gawin

Sa tubig na gagamitin.

2. Paglalapat:

Lutasin:

Naghuhugas ng pinggan si Lena. Isinahod niya sa palanggana ang tubig mula sa gripo. Paano siya makakatipid ng tubig?

IV. Pagtataya:

Lagyan ng √ ang gawaing nagpapakita ng pagtitipid sa tubig at X ang hindi.

___1. Naghuhugas ng sasakyan ang tatay. Gumagamit siya ng timba at tabo para di maaksaya ang tubig.

___ 2. Isinasahod ng nanay ang pinagbanlawan ng damit para pambuhos sa inidoro.

___3. Hinahayaan lang ni Ernie na patuloy na tumulo ang gripo habang siya ay nagsesepilyo.

___4. Nakita ni Roy na pumapatak ang gripo pero di niya ito pinansin.

____5. Agad ginagawa ng tatay ang mga tubong may tagas para di maaksaya ang tubig.

V. Kasunduan:

Buuin ang tugma:

Tubig ay lubhang mahalaga

Kaya hindi dapat ________.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· nakikinig at nakasasagot sa kuwento sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit at dula-dulaan.

· Nakabibigkas ng kwento na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati at hinto.

· Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat

· Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may mataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.

nakababasa nang kusa, wasto, may tamang din at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita

II. PaksangAralin: Ang Ating mga Paraan Transportasyon

-tricycle, bisekleta, bangka, barko, dyip, bus, kotse, LRT, motorsiklo, balsa,pagsakay sa kabayo/kalabaw, ang ating paa

A. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

B. Pagbigkas na Wika: Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati at hinto

C. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

D. Pagbaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

F. Pagsulat: Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

G. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

H. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

I. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 61-68

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers (BRIGHT)

Kagamitan: lathalain , larawan at iba pa

K. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Paghahanda:

A. Gawain Bago Bumasa:

Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan/pangungusap./kilos

mabilis tumakbo

nasirang hawakan ng bag

natanggal na sintas ng sapatos

masayang naglalaro

2. Pagganyak:

Sino sa inyo ang marunong magbisikleta?

Saan kayo nagbibisikleta?

3. Pangganyak na Tanong:

Ipakita ang pabalat ng aklat. Ano ang gusto ninyong malaman

tungkol dito?

B. Gawain Habang Bumabasa:

Gamitin ang malaking aklat.

Tanungin ang mga bata sa nakikita nila sa pabalat, may akda at iba pa tungkol dito.

Pagbasa ng guro sa kuwento:

SINA PEDRO AT PABLO

Isang araw, nagpunta sa plasa sina Pedro at Pablo upang maglaro.

Maya-maya ay biglang umulan. “Ulan! , Ulan! Ulan!” sigaw ng dalawang batang lalaki. “Ayan na ang ulan!” Naulanan na ang mga punongkahoy! Naulanan na ang mga kalsada! Naulanan na ang mga bubong! Pero tayong dalawa hindi nababasa ng ulan!” sabi ng dalawang bata.

Tuwang-tuwa ang dalawang bata sa ulan. “Ulan huminto ka na!” nmalakas nilang sigaw. Sa ilang sandal pa ay tumigil na ang ulan. Tinawag ni Pedro si Pablo para maglaro. May bagong bisikleta si Pedro. Kulay berde naman ang dalang bisikleta ni Pablo.

Nagkarera ang dalawa. “Bilisan mo, Pablo! Bilisan mo pa!” kantiyaw ni Pedro. “Bilisan mo rin! Bilisan mo” kantiyaw naman ni Pablo. Ngunit napansin ni Pedro na biglang natanggal ang kadena ng kanyang bisikleta. Biglang lumuwag ang pedal nito. Hindi siya makapadyak nang mabilis. Kahit anong gawin ni Pedro, ayaw umandar ng kanyang bisikleta. Parang maiiwan na siya sa karera. Sinikap pa rin niya itong ipedal. Nagtaka siya nang biglang tumakbo ito nang mabilis na mabilis hanggang makarating sa dulo ng paligsahan. “Mabuhay, nanalo ang bisikleta ko!” sigaw ni Pedro.

C. Gawain Matapos Bumasa:

1. Pagtalakay:

Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento’

Saan naganap ang kwento?

Bakit nagpunta ang dalawang bata sa plasa?

Ano ang nagyari habang nasa plasa ang mga bata?

Anong laro ang ginawa ng dalawa?

Ano ang naramdaman ng dalawang bata habang sila’y nagkakarera?

2. Pagsasanay:

Gumuhit ng isang medalya na ihahandog sa batang nanalo sa laro.

IV. Pagtataya:

Ipabasa sa mga bata nang isahan.

1. “ Ayan na ang ulan!”

2. “Ulan huminto ka na!”

3. “Ula, Ulan, Ulan!”

4. “Bilisan mo Pablo!”

5. “Mabuhay, nanalo ang bisikleta ko!”

V. Kasunduan:

Iguhit at kulayan ang bisikleta ni Pablo at Pedro sa inyong notebook .

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· nakikinig at nakasasagot sa kuwento sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit at dula-dulaan.

· Nakabibigkas ng kwento na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati at hinto.

· Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat

· Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may mataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.

· Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang din at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi

II. PaksangAralin: Ang Ating mga Paraan Transportasyon

-tricycle, bisekleta, bangka, barko, dyip, bus, kotse, LRT, motorsiklo, balsa,pagsakay sa kabayo/kalabaw, ang ating paa

A. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

B. Pagbigkas na Wika: Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati

at hinto

C. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

D. Pagbaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

F. Pagsulat: Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

G. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

H. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

I. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 61-68

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers (BRIGHT)

Kagamitan: lathalain , larawan at iba pa

K. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Balikan ang mga mahahalagang detalye sa nabasang kwento kahapon.

Saan lugar gustong maglaro ng mga bata?

Ano ang nangyari sa kanila sa plasa?

Bakit kaya umulan ng araw na iyon?

Ano ang nangyari sa bisikleta ni Pablo?

Ano ang naramdaman ng dalawang bata habang sila ay nagkakarera?

Anong sasakyan ang ginamit ng mga bata sa karera?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad: (Gumamit ng mga Larawan)

Ngayong araw, ating pag-aaralan ang iba’t ibang uri ng mga sasakyan.

Sasakyang Pantubig Panlupa Panghimpapawid

Bangka kotse eroplano

barko dyip helicopter

balsa bus jet

submarine bisikleta

yate motorbike

tren

tricycle

2. Pagtalakay:

Alin-alin sa mga sasakyang ito ang nasakyan na ninyo?

Paano nakatutulong ang mga sasakyang ito sa buhay ng mga tao?

Nakaaapekto kaya ang mga sasakyang ito sa pag-unlad ng ating bansa?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Paano nakatutulong ang mga sasakyan sa pag-unlad ng bansa?

Tandaan: May mga ibat-ibang uri ng mga sasakyan tulad ng:

Sasakyang Pantubig Panlupa Panghimpapawid

Bangka kotse eroplano

barko dyip helicopter

balsa bus jet

submarine bisikleta

yate motorbike

tren

tricycle

Ang mga sasakyan ito ay nakatutulong sa pagpapadali ng paglalakbay ng mga tao, paninda at iba pang kalakal.

2. Pagsasanay:

Pumili ng isang sasakyang nais mo at iguhit ito.

IV. Pagtataya:

Tingnan ang mga sasakyan; isulat kung ito ay pang-lupa, pang-tubig o pang-himpapawid.

1. kotse

2. kalesa

3. jet

4. submarine

5. tricycle

V. Kasunduan:

Gumupit at magdikit ng tig-isa ng uri ng transportasyon sa inyong notbuk.

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

II. PaksangAralin: Ang Ating mga Paraan Transportasyon

-tricycle, bisekleta, bangka, barko, dyip, bus, kotse, LRT, motorsiklo, balsa,pagsakay sa kabayo/kalabaw, ang ating paa

A. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

B. Pagbigkas na Wika: Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati

at hinto

C. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

D. Pagbaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

F. Pagsulat: Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

G. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

H. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

I. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 61-68

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers (BRIGHT)

Kagamitan: lathalain , larawan at iba pa

K. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Balikan ang mga mahahalagang detalye sa nabasang kwento kahapon.

Ipasabi sa mga bata ang ginawa ng dalawang bata sa plasa.

Itala sa pisara ang sagot ng mga bata.

Hal. Naglaro sa plasa.

Nagkarera sila.

Nagpunta sila sa plasa.

B. Panlinang na Gawain:

1. . Paglalahad:

Magbigay ng isang paraan kung paano napananatiling malusog ang ating mga katawan.

Gusto ba ninyong mag-ehersisyo tayo?

Sabayan natin ang awit, gawin ang kilos na ipinahihiwatig sa awit(iparinig),

MAG-EXERCISE TAYO TUWING UMAGA

Mag-exercise tayo tuwing umaga (3x)

Upang ang katawan natin ay sumigla.

sa umaga’y magdyagging-dyagging

sa plasa’y magtambling-tambling

ang leeg mo ay ipapaling-paling

ang braso mo’t kamay ay isuntok-suntok mo sa hangin.

2. Pagtalakay:

Tungkol saan ang awit?

Anu-anong kilos ang sinabi sa awit?

May mga kilos na nagawa ito ay nasa pangnagdaang aspeto ng pandiwa.

hal. naglaro kahapon

May mga kilos na kasalukuyang ginagawa, ito ay pangkasalukuyang aspeto

ha. Naglalaro ang mga bata ngayon

May mga pandiwa na gagawin pa lamang, ito ay nasa aspeto ng panghinaharap

hal. Maglalaro kami bukas.

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Anu-ano ang tatlong kapanahunan ng pandiwa?

Tandaan:

Ang pandiwa ay may 3 panahunan.

nagawa na ginagawa pa gagawin pa lang

Hal.

Salitang-ugat

NaganapNa

Ginaganap Pa

Gaganapin pa lang

Kain

kumain

kumakain

kakain

laro

naglaro

naglalaro

maglalaro

lakad

naglakad

naglalakad

maglalakad

tayo

tumayo

tumatayo

tatayo

simba

nagsimba

nagsisimba

magsisimba

2. Pagsasanay: Punan ng wastong pandiwa ang bawat hanay

Salitang-ugat

NaganapNa

Ginaganap Pa

Gaganapin pa lang

Tulog

Luto

Langoy

Walis

uwi

IV. Pagtataya:

Punan ng wastong pandiwa ang patlang.

1. Kahapon ako ay ________ng lollipop.

2. Bukas _____ako sa nanay sa Maynila.

3. ____ang mga bata sa kantina ngayon.

4. Bakit ka __kahapon?

5. Saan ka ______sa Linggo?

V. Kasunduan:

Punan ng wastong pandiwa ang bawat hanay

Salitang-ugat

NaganapNa

Ginaganap Pa

Gaganapin pa lang

Akyat

Suklay

laba

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

II. PaksangAralin: Ang Ating mga Paraan Transportasyon

-tricycle, bisekleta, bangka, barko, dyip, bus, kotse, LRT, motorsiklo, balsa,pagsakay sa kabayo/kalabaw, ang ating paa

A. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

B. Pagbigkas na Wika: Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati

at hinto

C. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

D. Pagbaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

F. Pagsulat: Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

G. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

H. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

I. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 61-68

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers (BRIGHT)

Kagamitan:

lathalain , larawan at iba pa

K. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Sabihin kung naganap na, ginaganap pa o gaganapin pa lang ang kilos:

nagsaing, nagsusulat, tumakbo, luluwas, magsisimba

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ipabasa ang mga pangungusap sa mga bata.

Kahapon kami ay nagpunta sa Enchanted Kingdom.

Sumakay kami sa Ferris Wheel.

Ngayon ang mga bata naman sa baitang dalawa ng namamasyal doon.

Siguro’y kasalukuyan silang sumasakay sa ibat’ ibang sasakyan.

Sa isang taon uli ay pupunta kami sabi ng nanay.

2. Pagtalakay:

Anu-anong mga pandiwa ang ginamit sa pangungusap?

nagpunta

sumakay

sumasakay

pupunta

Kailan nagpunta ang mga bata? naganap na ba ang kilos?

Aling kilos ang ginagawa sa kasalukuyan?

Kailan gaganapin ang kilos na pupunta?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Anu-ano ang tatlong kapanahunan ng pandiwa?

Tandaan:

Ang pandiwa ay may 3 panahunan.

nagawa na ginagawa pa gagawin pa lang

2. Pagsasanay: Punan ng wastong pandiwa ang bawat hanay

Salitang-ugat

NaganapNa

Ginaganap Pa

Gaganapin pa lang

tahi

Duyan

Bili

Pasok

kain

IV. Pagtataya:

Punan ng wastong pandiwa ang patlang.

Pagkatapos ng Field Trip ay pagod na ____ang mga bata.

Mabuti na lamang at Sabado bukas. Walang pasok, sabi ni Bb. Reyes. ____kami ng patintero. Sa Lunes ______uli tayo.

Naku ang saya!

V. Kasunduan:

: Punan ng wastong pandiwa ang bawat hanay

Salitang-ugat

NaganapNa

Ginaganap Pa

Gaganapin pa lang

Saing

Nood

tanim

BanghayAralinsa MTB-MLE

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

II. PaksangAralin: Ang Ating mga Paraan Transportasyon

-tricycle, bisekleta, bangka, barko, dyip, bus, kotse, LRT, motorsiklo, balsa,pagsakay sa kabayo/kalabaw, ang ating paa

A. Talasalitaan: Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.

Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.

B. Pagbigkas na Wika: Pagsasabi ng kuwento , alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na may wastong bilis, kawastuan, diin, at paghahati

at hinto

C. Pag-unawa sa Binasa: Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento, alamat at iba pa.

Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio at iba pa.

D. Pagbaybay: Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan

Pagbaybay sa mga salitang kilos kilos na nasa pangungusap.

E. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.

Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang-unang baitang.

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap.

F. Pagsulat: Pagsulat ng payak naparirala, pangungusap,talata, at kwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unag pangungusap, biro, tulam awit, bugtong, maikling kwento at iba pa.:

Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan

G. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa pagsasalaysay ng sariling karanasan sa iba’t ibang kaayusan.

H. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon: Pakikinig at pagsagot sa mga usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radio, patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

I. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.

MTB – MLE Teaching Guide pp. 61-68

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers (BRIGHT)

Kagamitan:

lathalain , larawan at iba pa

K. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Pag-ugnayin ng guhit ang mga dinaglat na pangalan sa salitang pantawag.

A B

1. Gng. a. Kapitan

2. G. b. Gobernador

3. Gob. c. Doktora

4. Dra. d. Ginoo

5. Kap. e. Ginang

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Basahin natin ang karanasan ni Ronie ng siya ay maglakbay.

Noong bakasyon, sumama ako sa aking mga magulang na umuwi sa aming probinsiya sa Mindoro. Sabik akong sumakay sa maliit na barko na kung tawagin ay roro. Ilang oras din kaming naglakbay sa dagat. Hindi ako nakaranas ng pagkainip dahil marami akong nakiktang maliit na isda sa tubig.

Nang kami nama’ypauwi sa eroplano naman kami sumakay. Mas sabik ako kasi iyon ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa eroplano.

Mas mabilis kaming nakabalik sa Maynila. At para makauwi sa aming bahay.

Sumakay rin kami sad yip at sa traysikel.

2. Pagtalakay:

Anu-anong mga sasakyan ang naranasang sakyan ni Ronie?

Alin sa mga sasakyan ang pinakamabilis?

Paano nakatulong ang pagsakay sa sasakyan kapag naglalakbay?

Anu-anong mga salitang kilos ang ginamit?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Anu-ano ang tatlong kapanahunan ng pandiwa?

Tandaan:

Ang pandiwa ay may 3 panahunan.

nagawa na ginagawa pa gagawin pa lang

2. Pagsasanay:

Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na magbahagi ng kanilang karanasan sa sasakyan.

IV. Pagtataya:

Tingnan ang larawan. Sumulat ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na ipinakikita sa larawan.

1. batang nagsisipilyo

2. 2 batang nagsasayaw

3. batang naghihilamos

4. batang nagsusulat

5. batang umaawit

V. Kasunduan:

Gamitin sa pangungusap na may salitang kilos.

1. Si Gng. Pascual

2. Si Atty. Reyes

3. Si Gov. Alvarado

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Unang Araw)

I. Layunin:

· naibabahagi sa klase ang karaniwang sinasakyan ng pamilya.

II. Paksa: Salitang-kilos

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 19-22

Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw , ay pag-uusapan natin ang iba’t ibang transportasyon sa inyong lugar.

3. Tukoy-Alam:

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

4. Paglalahad:

A. Iparinig ang awit na “Bangkang Papel”

Pagkatapos ng ulan, paligid ay pagmasdan

At sa ating bakuran, may naipong tubig-ulan

Tubig-ulan (2x) , may naipong tubig-ulan…

Kaya’t kumuha ng papel, itupi-tupi ito

ayan bangkang papel, makapaglalaro ako!

Bangkang papel (2x), gumawa tayo ng bangkang papel!

Halika na, halina, palutangin na natin

Sa ibabaw ng tubig, Bangka ay paglayagin

May malaki, at maliit, at may pinakamalaki

Dali lakasan ang ihip, unahan, unahan tayo,

talunin mo ang Bangka ko, tatalunin ko ang sa ‘yo…

Bangkang papel (2x), kay tulin, ng bangkang papel (2x)

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anong sasakyan ang nabanggit sa awit?

Nakasakay na ba kayo sa bangka?

Marunong ba kayong gumawa ng bangkang papel?

Paano nakatutulong ang bangka sa kabuhayan ng mga tao?

Anu-ano pa ang iba pang uri ng sasakyan o transportasyon sa inyong lugar?

6. Paglalahat:

Ano ang ibig sabihin ng transportasyon?

Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Tandaan:

Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.

Ang iba’t ibang uri ng transportasyon ay :

Bangka kotse eroplano

barko dyip helicopter

balsa bus jet

submarine bisikleta

yate motorbike

tren

tricycle

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Kumuha ng larawan ng sasakyan , sabihin kung ito ay

Pang-lupa, Pang-tubig o Pang-himpapawid

Hal. larawan ng dyip

IV. Pagtataya:

Iguhit ang sasakyang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya.

Tawaging isa-isa ang mga bata upang magkwento tungkol sa kanilang iginuhit.

Hal. larawan ng tricycle

Araw-araw dito kami sumasakay kasama ang aking mga kapatid patungo sa ating paaralan.

Dito rin sumasakay si nanay kapag pumupunta siya sa palengke para mamili.

V. Kasunduan:

Gumupit at magdikit ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa inyong notbuk. Lagyan ng pangalan ang bawat isa.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:

· nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng sasakyan.

II. Paksa: Salitang-kilos

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 19-22

Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin

Sabihin: Ngayong araw , ay ilalarawan natin

ang iba’t ibang uri ng sasakyan.

3. Tukoy-Alam:

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

4. Paglalahad:

Muling ipakita ang ginawang bangkang papel ng mga bata.

Ano ang masasabi ninyo sa sasakyang ito?

Hal. Ito ang aking bangkang papel. Ito ay yari sa papel.

Kulay pula ito.

Gamit ang mga larawan isa-isang ipatukoy sa mga bata ang iba;t ibang uri ng transportasyon.

Basahin natin kung paano inilarawan ang bawat sasakyan.

Bumili ng bagong asul na kotse ang tatay.

Sa matuling jet sumakay ang itay ng pumunta sa Saudi.

Sumakay kami sa mahabang tren.

Sa makulay na dyip sumakay ang mga kapatid ko.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anu-anong mga sasakyan ang inilarawan?

Anong uri ng kotse ang binili ng tatay?

Saan sumakay ang tatay ng pumunta sa Saudi?

Anong salita ang ginamit para ilarawan ang tren?

6. Paglalahat:

Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Lahat ba ng transportasyon ay magkakapareho ?

Tandaan:

Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.

May mga sasakyang pangtubig, pang-lupa at panghimpapawid.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Kumuha ng larawan ng sasakyan , at ilarawan ito.

IV. Pagtataya:

Ikahon ang angkop na pang-uri na maglalarawan sa bawat sasakyan.

1. tren - mabagal mahaba makipot

2. kotse - maganda mahaba malaki

3. tricycle - 2 gulong 3 gulong 4 gulong

4. eroplano - matulin mahaba lumilipad

5. dyip - makulay mabagal makupad

V. Kasunduan:

Iguhit ang paborito mong sasakyan. Sumulat ng 2 pangungusap para ilarawan ito.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:

· nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng sasakyan.

II. Paksa: Salitang-kilos

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian: K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4) pah. 19-22

Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin

Ano ang paborito mong sasakyan?

Pag laki mo ano ang pinapangarap mong sasakyan?

3. Tukoy-Alam:

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

4. Paglalahad:

Ipabasa ang kwento: “ Si Pedring”

Maliit pa lamang ay hilig na ni Pedring ang laruang kotse. Ito kasi ang paborito niyang laruan. Bigay ito ng kanyang ninang noong Pasko. Kulay pula, malaki at makintab ang kanyang kotse-kotsehan. Pagkatapos niya itong laruin itinatago niya ito sa lalagyan para hindi masira. Pag laki ko sabi niya “bibili ako ng bago at magarang kotse.”

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Sino ang batang mahilig sa kotse?

Paano niya iningatan ang kanyang laruan?

Ano ang masasabi mo sa kanyang laruan?

Ano ang pangarap niyang bilhin pag laki niya?

6. Paglalahat:

Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Lahat ba ng transportasyon ay magkakapareho ?

Tandaan:

Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.

May mga sasakyang pangtubig, pang-lupa at panghimpapawid.

Gumagamit tayo ng mga pang-uri upang ilarawan ang mga sasakyan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

Hulaan mo?

Mabilis tumakbo itong sasakyan ko

Laging makintab na parang bago.________

Nang tumingin ako sa langit

Biglang gumuhit ka

Napapikit lang ako’y

Sobrang layo mo na______________

Sasakyang malaki na palutang-lutang

Sa malawak at malalim na karagatan_____________

IV. Pagtataya:

Ilarawan ang mga sumusunod na mga sasakyan.

Piliin sa kahon ang pang-uri na angkop sa bawat isa.

mahaba matulin malaki

bago mamahalin

1. kotse________

2. bisekleta________

3. barko________

4. tren_________

5. dyip________

V. Kasunduan:

Alamin:

Anong sasakyang pampasahero ang sa Pilipinas lamang matatagpuan?

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:

· nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng pamilya.

II. Paksa: Salitang-kilos

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 19-22

Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin

Ngayong araw ay magbabahagi tayo ng ating mga karanasan tungkol sa pagsakay sa isang dyip.

3. Tukoy-Alam:

Nakasakay na ba kayo sad yip?

Masarap bang sumakay sad yip?

4. Paglalahad:

Gamit ang larawan magkwento tungkol sa pampaseherong sasakyan na kung tawagin ay Jeep.

Sa Pilipinas lamang makakakita ng ganitong uri ng sasakyan. Sa lahat ng panig ng bansa ay makikita ang ganitong uri ng transportasyon. Marami ang naisasakay ng dyip. May dalawa itong mahaba at magkaharap ng upuan. Sa unahan nakasakay ang tsuper katabi ang upuan ng dalawa pang pasahero. Makukulay at magaganda ang mga dyip sa ating bansa. Sinasalamin nito ang pagiging masayahin ng mga Pinoy.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Anong uri ng sasakyan ang sa Pilipinas lamang matatagpuan?

Paano nakakatulong ang dyip sa mga tao?

6. Paglalahat:

Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Lahat ba ng transportasyon ay magkakapareho ?

Tandaan:

Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.

May mga sasakyang pangtubig, pang-lupa at panghimpapawid.

Gumagamit tayo ng mga pang-uri upang ilarawan ang mga sasakyan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Awit: Ang Jeepney ni Tatay

Ang jeepney ni Tatay ay may butas ang gulong (3x)

Takpan natin ng bubble gum.

Ano ang sinabi tyngkol sa jeepney ng tatay?

8. Kasanayang Pagkabisa

Ilarawan ang dyip na iyong nasakyan.

IV. Pagtataya:

Tawaging isa-isa ang mga bata at pagbigayin ng pang-uri na maglalarawan sa jeep.

V. Kasunduan:

Iguhit ang jeepney ng Tatay.

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:

· nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng pamilya.

II. Paksa: Salitang-kilos

1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

Sanggunian:

K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)

pah. 19-22

Kagamitan: tsart ng awit na “bangkang Papel”, bangkang papel , papel at pangkulay, malaking batya na may tubig

III. Pamamaraan:

1. Paunang Pagtataya:

Anong sasakyan ang karaniwang sinasakyan ng inyong pamilya?

2. Tunguhin

Ngayong araw ay gagamitin natin ang mga pang-uri sa paglalarawan sa pamilya.

3. Tukoy-Alam:

Ano ang masasabi mo sa iyong pamilya?

4. Paglalahad:

Big Book – Under the Sea

5. Pagtuturo at Paglalarawan:

Saan nagtungo ang pamilya?

Saan sila sumakay?

Ano ang masasabi mo sa bawat kasapi ng pamilya?

6. Paglalahat:

Anu-ano ang mga iba’t ibang uri ng transportasyon?

Lahat ba ng transportasyon ay magkakapareho ?

Tandaan:

Transportasyon ang tawag sa mga sasakyang ginagamit ng mga tao sa paglalakbay at pangangalakal o paghahanapbuhay.

May mga sasakyang pangtubig, pang-lupa at panghimpapawid.

Gumagamit tayo ng mga pang-uri upang ilarawan ang mga sasakyan.

7. Kasanayang Pagpapayaman:

Iguhit ang sariling pamilya habang nakasakay sa paboritong sasakyan.

IV. Pagtataya:

Gamitin ang angkop na pang-uri para sa bawat kasapi ng pamilya.

1. Si Mang Isko ay isang (tamad, masipag, makulit) na tsuper ng taxi.

2. (Masinop, Bulagsak, Pabaya) si Aling Nena sa pagtatago sa konting ipon niya.

3. (Mababait, Malilikot, Mayayabang) ang mga anak nila na laging nasa tabi ng mag-asawa.

4. Ang pamilya nila bagaman mahirap ay (malungkot, masungit, masaya) naman.

5. (Sapat, Sobra, Kulang) ang kinikita ni Mang Isko para sa gastusin ng kanyang pamilya.

V. Kasunduan:

Gamitin sa pangungusap

1. masunuring mga anak

2. mapagmahal na mga magulang

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

( Unang Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Ano ang dapat mong gawin kung pansamantalang umalis ang inyong guro sa silid-aralan?

2. Pagganyak:

Nakaranas na ba kayong mapagsabihan ng inyong guro?

Anong alituntunin ang hindi mo sinunod?

Inulit mo pa ba ang paglabag na iyon? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang dapat gawin sa mga mag-aaral na lumalabag sa mga tuntunin ng silid-aralan?

2. Paglalahad:

Ipabasa ang kwento:

Matapos mapag-aralan ng mga bata ang pagrerecycle, binigyan sila ng gawaing-bahay ng kanilang guro. Ito ay ang paggawa ng bookmark mula sa lumang karton at magasin.

Pinaalala pa ng guro na kailangan nila itong ipasa sa susunod na araw.

Kinabukasan, isa-isang tinawag ng guro ang mga bata para ipakita ang kanilang nagawa.

Tatlong beses ng tinatawag ng guro si Efren pero hindi siya tumatayo para lumapit sa guro.

“Bakit Efren, wala ka bang nagawa na bookmark?” tanong ng guro. Nakayuko si Efren habang sinabi na

“Opo, Ma’am, kasi po nakalimutan ko.”

Napagsabihan si Efren ng kanyang guro. “Alam mo ba Efren kung bakit kita napagsabihan ngayon?” dagdag pa ng guro. “Kasi hindi ka nagpasa ng takdang-aralin sa napagkasunduan nating araw ng pasahan. Sana ay hindi na ito mauulit ha?” “Opo, Ma”am” malungkot at nahihiyang tugon ni Efren.

3. Pagtalakay:

Ano ang takdang-aralin ng mga bata?

Bakit ayaw lumapit ni Efren sa guro?

Pinarusahan ba si Efren?

Anong paglabag ang kanyang ginawa?

Tama ba iyon? Bakit?

Gagayahin ba ninyo ang ginawa ni Efren? Bakit?

4. Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nilabag at nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Ang hindi paggawa ng takdang-aralin ay isa sa paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

5. Paglalapat:

Pagsasadula sa kwentong narinig.

IV. Pagtataya:

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Antok na antok ka na pero hindi pa tapos ang inyong ginagawang takdang-aralin. Ano ang gagawin mo?

a. matutulog ka na lang

b. ipagagawa sa nanay

c. papasok ng walang ginawang takdang-aralin

2. May kahirapan ang inyong takdang-aralin kaya

a. hindi mo na lang tatapusin

b. hihingi ng tulong sa kapatid pero ikaw parin ang gagawa

c. mangongopya na lang sa kaklase kinabukasan.

3. Nakalimutan mong sagutan ang iyong takdang-aralin kaya

a. sasabihin mo na naiwan ang iyong notbuk sa bahay

b. iiyak ka na lang

c. sasabihin mo ang totoo sa iyong guro

4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paglabag sa alituntunin ng silid-aralan?

a. paggawa ng takdang-aralin

b. pagtuturo ng takdang-aralin sa kaklase

c. hindi paggawa ng takdang-aralin

5. Ano kaya ang dapat gawin sa batang hindi gumagawa ng takdang-aralin?

a. paluin b. pagsabihan c. pauwiin

V. Kasunduan: Pangako: Lagi akong gagawa ng aking mga Takdang-aralin.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

( Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Bakit napagsabihan si Efren ng kanyang guro?

Anong paglabag sa alituntunin ng silid-aralan ang kanyang ginawa?

2. Pagganyak:

Alin samga sumusunod na gawain sa silid-aralan ang pinakagusto ninyo? Bakit?

pagsusulat? pagbabasa? paglalaro?

Nasusunod ba ninyo ang mga tagubilin ng inyong guro habang isinasagawa ang laro?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang dapat gawin sa mga mag-aaral na lumalabag sa mga tuntunin ng silid-aralan?

2. Paglalahad:

Ipabasa ang kwento:

Boys Versus Girls

Sa kanilang klase sa Matematika, sinimulan ito ng guro sa isang laro. Pabilisan sa pagbibigay ng tamang sagot. Magtutunggali ang mga lalaki laban sa mga babae. May karampatang parusa ang grupo na matatalo tulad ng pagdidilig ng halaman o paglilinis ng silid-aralan.

“Handa na ba kayo mga bata?” tanong ni Gng. Santos

Pinaalala muna niya ang pamantayan sa laro.

“Handang-handa na po kami” sigaw ng mga bata.

Maganda ang labanan ng dalawang pangkat, wala ni isa na ibig magpatalo sa dalawang pangkat.

Hanggang sa isa na lamang ang puntos na pinaglalabanan ay matatalo ng mga babae ang mga lalaki. Dahil ayaw magpatalo ng mga lalaki, nang hindi makasagot ang kagrupo ni Arnold bigla niyang isinigaw ang sagot. “Ihinto na lamang natin ang larong ito.” sabi ng guro.

3. Pagtalakay:

Anong laro ang ginawa ng mga bata?

Sino ang dalawang pangkat na naglaban?

Bakit biglang ipinasya ng guro na ihinto na lamang ang laro?

Sa iyong palagay, ano ang naramdaman ng guro sa ginawa ni Arnold? Tama ba ang kanyang ginawa?

Anong paglabag sa alituntunin ang nagawa niya?

Itutuloy pa kaya ng guro ang kanilang paglalaro?

4. Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nilabag at nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Ang pagsigaw sa sagot kahit hindi pa tinatawag o binibigyan ng pagkakataong sumagot ay paglabag sa alituntunin sa silid-aralan?

5. Paglalapat:

Pagsasadula sa kwentong narinig.

IV. Pagtataya:

Lutasin:

Masaya kayong nagtatalakayan sa inyong klase ng inyong guro. Maya-maya, tinawag niya ang iyong katabi para sumagot. Hindi ito makasagot pero ikaw alam mo kung ano ang dapat isagot sa tanong ng guro. Ano ang gagawin mo?___________

V. Kasunduan:

Pangako: Sasagot lamang ako kapag ako na ang tinawag o binigyan ng pagkakataong sumagot.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

( Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Bakit dapat kang maghintay ng iyong pagkakaton bago ka sumagot?

2. Pagganyak:

Saan kayo dapat maglaro?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang dapat gawin sa mga mag-aaral na lumalabag sa mga tuntunin ng silid-aralan?

2. Paglalahad:

Oras ng rises, habang abala ang guro sa paggabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagbili ng mga pagkain sa kantina ay mabilis na nakabalik sa silid-aralan sina Jose att Wally. Naghabulan ang dalawa paikot-ikot sa mga desk. Maingay at magulo ang dalawa habang nagtutugisan. Maya-maya, biglang may bumagsak, “Krrrrash” basag ang plorera ng guro sa ibabaw ng kanyang mesa. Dumudugo naman ang kamay ni Jose.

3. Pagtalakay:

Anong oras naganap ang kwento?

Sinu-sino ang naghabulan sa loob ng silid-aralan?

Ano kaya ang mararamdaman ng guro pagbalik niya sa loob ng silid-aralan?

Anong paglabag sa alituntunin ng silid-aralan ang nalabag ng dalawa?

Tutularan ba ninyo sila? Bakit?

4. Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nilabag at nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Ipinagbabawal ang paglalaro tulad ng takbuhan sa loob ng silid-aralan dahil maari itong maging sanhi ng inyong kapahamakan.

5. Paglalapat:

Pagsasadula sa kwentong narinig.

IV. Pagtataya:

Piliin ang mga maaring ibunga kung magtatakbuhan kayo sa loob ng silid-aralan. Lagyan ng √.

___1. Mapupuri ng guro

___2. Magugulo ang mga desk/upuan.

___3. Maaring madulas

___4. Kikintab ang sahig.

___5. Maaring maaksidente o mapilayan

V. Kasunduan:

Pangako: Iiwasan ko ang maglaro sa loob ng aming silid-aralan.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

( Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Bakit ipinagbabawal ang paglalaro sa loob ng silid-aralan?

Anong kapahamakan ang maari mong maranasan kung hindi mo susundin ang alituntuning ito?

2. Pagganyak:

Narinig na ba ninyo ang salitang “Bully”

Ano ba ang ginagawa ng isang “Bully”

Nakaranas ka na bang makipag-away sa inyong kaklase? Bakit?

Mabuti ba ang may kaaway? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang dapat gawin sa mga mag-aaral na lumalabag sa mga tuntunin ng silid-aralan?

2. Paglalahad:

Habang tahimik na nagklaklase ang mga mag-aaral sa unang baitang, bigla na lamang umiyak si Celia. Nahinto tuloy sa pagtuturo ang kanyang guro.

“Ano ang problema mo Celia?” ang tanong ng guro.

Pahikbi-hikbing sumagot si Celia, “Kasi po, inaaway ako ng katabi ko kasi hindi ko po siya napahiram ng krayola.” Tinanong ng guro si Delia. “Totoo ba iyon, Delia? tanong ng guro. Buong taray na sumagot si Delia. “Kasi madamot siya, hinihiram ko lamang ayaw niyang magpahiram eh.”

3. Pagtalakay:

Bakit napahinto ang guro sa kanyang pagtuturo?

Ano ang sanhi ng awayan ng dalawang bata?

Sa iyong palagay, ano ang mararamdaman ng guro sa paraan ng pagsagot ni Delia?

Tama ba iyon?

Tutularan ba ninyo si Delia ? Bakit?

4. Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nilabag at nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Iwasan ang pakikipag-away sa kapwa mag-aaral.

Dapat na matuto kayong makisama nang maayos at mabuti sa inyong mga kapwa bata.

5. Paglalapat:

Pagbuo ng Character Map

IV. Pagtataya:

Lutasin:

Laging tinutukso ni Bernard si Allan. Pag di siya nakikita, sinusulatan niya ang kanyang papel. Inilalaglag din niya ang bag nito. At ginigitgit pa niya ito sa desk. Tama ba ang asal ni Bernard sa kanyang kamag-aral? Bakit?

V. Kasunduan:

Pangako: Iiwasan ko ang makipag-away sa aking mga kamag-aaral.

ARALING PANLIPUNAN I

Ikatlong Markahan

Ikapitong Linggo

( Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:

Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga paglabag sa mga alituntunin sa silid-aralan.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Paaralan

A. Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

B. Sanggunian:

Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 10

Teacher’s Guide pp.

Activity Sheets pp. 25-28

C. Kagamitan:

larawan , tsart ng kwento

D. Integrasyon ng aralin sa ESP, Art at Filipino

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral

Paano mo dapat pakisamahan ang iyong mga kamag-aaral?

Bakit dapat mong iwasan ang pakikipag-away sa kaklase?

2. Pagganyak:

May nakuha ka na bang 100 sa test?

Paano mo ito nakuha?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya:

Itanong:

Ano ang dapat gawin sa mga mag-aaral na lumalabag sa mga tuntunin ng silid-aralan?

2. Paglalahad:

Ipabasa muli ang kwento:

Nagbibigay ng pagsusulit sa mga batang nasa Ikalawang baitang si Bb. Lopez nang tawagin siya ng punong-guro.

“Sagutin ninyo ang pagsusulit, kahit na nasa labas ako,” ang sabi ni Bb. Lopez sa kanyang mga mag-aaral.

Pagkalabas ni Bb. Lopez sa silid-aralan ay nangopya na sa kani-kanilang kuwaderno ang mga bata.

Si Carlos lamang ang hindi nangopya sa kanyang kuwaderno.

“Bakit hindi ka mangopya sa kuwaderno mo, Carlos?” ang tanong ni Ben.

“Dapat ay mangopya ka rin kagaya naming lahat,” ang sabi ni Cristy.

“Hindi, kahit na mababa ang makuha kong marka, hindi ako mangongopya,” ang sagot ni Carlos.

3. Pagtalakay:

Ano ang ginagawa ng mga bata sa ikalawang baitang?

Bakit umalis ang guro?

Ano ang ginawa ng mga bata pagkaalis ng guro?

Sino lamang ang hindi nangopya?

Bakit ayaw mangopya ni Carlos?

Anong ugali ang ipinakita niya?

Anong alituntunin ang kanilang nilabag sa loob ng silid-aralan?

4. Paglalahat:

Anong halimbawa ng alituntunin sa silid-aralan ang nilabag at nabanggit sa kwentong narinig o nabasa?

Tandaan:

May iba’t bang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Bawal ang mangopya kapag may pagsusulit.

5. Paglalapat:

Ipasadula ang mga mahahalagang pangyayari sa narinig na kwento.

IV. Pagtataya:

Lutasin:

Ang Pagsusulit

Dalawang linggong hindi nakapasok sa paaralan si Dedet. Nagkasakit kasi siya.

Nagulat si Dedet pagpasok niya. Mayroon silang pagsusulit sa Matematika. Anong pagkahirap-hirap noon! Pinawisan siya ng gabutil ng munggo.

Ano kaya ang dapat gawain ni Dedet?

V. Kasunduan:

Pangako: Iiwasan ko ang mangopya kapag may pagsusulit.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-pitong Linggo

(Unang Araw)

I. Mga layunin:

· nasasabi ang bilang ng buwan sa isang taon

· nasasabi ang mga buwan ng taon sa wastong pagkakasunud-sunod.

II. Paksa

A. Aralin 31: Mga Buwan ng Taon

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Curriculum Guide pah. 12; Gabay ng Guro pah. 55-56; Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: plaskard ng ngalan ng mga buwan, kalendaryo, tsart ng tula

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Pagsasabi ng bilang ng buwan sa isang taon ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Lutasin Natin:

Dadalawin ni Ana ang kanyang lola sa probinsiya. Dalawang araw siyang magtatagal doon.

Inihanda niya ang kanyang mga gamit kahapon.

Ang alis niya ay sa makalawa pa.

Kung ngayon ay Martes,

a. Anong Araw ng magimpake si Ana ng mga gamit?_______________

b. Anu-anong araw siya mananatili sa bahay ng lola?_______________

c. Anong araw siya muling babalik ?________

2. Pagganyak:

Awit: Lubi-Lubi

Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

Oktubre, Nobyembre, Disyembre

Lubi-lubi.

Tungkol saan ang awit?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Iba’t Ibang Buwan

Bagong taon ay Enero

Pebrero’y araw ng puso ko

Marso, Abril, saka Mayo

Magbabakasyon naman tayo.

Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan

Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.

Linggo ng Wika’y Agosto naman

At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.

Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo

Nobyembre nama’y sa sementeryo.

Ang Disyembre ay Araw ng Pasko.

Halina’t magbigay ng aginaldo.

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Isulat ang mga ngalan ng buwan sa pisara:

Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

Oktubre, Nobyembre, Disyembre

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Ilan ang mga buwan sa isang taon?

Anu-ano ang mga buwan sa isang taon?

F. Paglalahat

Ilan ang mga buwan sa isang taon?

Tandaan:

May 12 buwan sa isang taon.

Ang mga ito ay ang:

Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

Oktubre, Nobyembre at Disyembre

Enero ang unang buwan ng taon.

Disyembre ang huling buwan ng taon.

Ang bilang ng mga araw sa bawat buwan ay di pare-pareho.

Kalendaryo ang ginagamit para malaman ang wastong ayos ng mga buwan sa isang taon.

G. Paglalapat:

Sabihin ang buwan ng iyong kaarawan.

Sinu-sino sa inyo ang pareho ang buwan ng kaarawan?

IV. Pagtataya:

Pasalita:

Ilan ang buwan sa isang taon?

Anu-ano ang mga ito?

V. Kasunduan

Isaulo ang tula at humanda sa isahang pagbigkas bukas.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin:

· nasasabi ang bilang ng buwan sa isang taon

· nasasabi ang mga buwan ng taon sa wastong pagkakasunud-sunod.

· naisusulat ang mga ngalan ng buwan nang may tamang baybay at gamit ng malaking titik.

II. Paksa

A. Aralin 31: Mga Buwan ng Taon

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 55-56

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: plaskard ng ngalan ng mga buwan , kalendaryo, tsart ng tula

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi ng bilang ng buwan sa isang taon ayon sa wastong pagkakasunud-sunod

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Ilan ang buwan sa isang taon?

Anu-ano ang mga ito?

2. Pagganyak:

Kailan ang buwan ng iyong kaarawan?

Paano mo ipinagdiriwang ang iyong kaarawan?

B. Panlinang na Gawain:

Muling ipabasa ang tula sa mga bata.

Iba’t Ibang Buwan

Bagong taon ay Enero

Pebrero’y araw ng puso ko

Marso, Abril, saka Mayo

Magbabakasyon naman tayo.

Sa Hunyo’y Araw ng Kalayaan

Hulyo nama’y pakikipagkaibigan.

Linggo ng Wika’y Agosto naman

At Setyembre’y pasasalamat ng bayan.

Sa Oktubre’y buwan ng Rosaryo

Nobyembre nama’y sa sementeryo.

Ang Disyembre ay Araw ng Pasko.

Halina’t magbigay ng aginaldo.

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Ipahanap at pabilugan ang mga ngalan

ng buwan sa tula.

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Ilan ang mga buwan sa isang taon?

Paano isinusulat ang unang titik sa bawat ngalan ng buwan?

Paano ang wastong baybay?

F. Paglalahat

Ilan ang mga buwan sa isang taon?

Tandaan:

May 12 buwan sa isang taon.

Ang mga ito ay ang:

Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo

Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre,

Oktubre, Nobyembre at Disyembre

Sinisimulan sa malaking titik ang pagsulat sa ngalan ng mga buwan.

G. Paglalapat:

Padiktang pagsulat ng mga ngalan ng buwan.

IV. Pagtataya:

Iwasto:

hunyo nobyembre agosto abril enero

V. Kasunduan

Alamin ang mga mahahalagang pagdiriwang na ginaganap sa bawat buwan ng taon sa ating paaralan.

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin:

· nagagamit ang kalendaryo sa pagsasabi ng araw ng ibinigay na petsa

II. Paksa

A. Aralin 31: Mga Buwan ng Taon

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 55-56

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: plaskard ng ngalan ng mga buwan , kalendaryo

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi ng araw ng ibinigay na petsa.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anong buwan ang :

nasa una ng : nasa pagitan ng: kasunod ng:

Mayo Abril Hunyo Setyembre

2. Pagganyak:

Laro: Unahan sa pag-ayos ng mga ngalan ng araw gamit ang plaskard.

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Ipabasa ang sitwasyon.

Ito si Abby. Nagpaplano ang kanyang mga magulang na ganapin ang kanyang kaarawan sa isang restoran.

Sa Setyembre 14 ang kanyang kaarawan.

Kung ang Setyembre 10 ay araw ng Lunes,

anong araw kaya ang kaarawan ni Abby?

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Gamit ang kalendaryo, gabayan ang mga bata na lutasin ang suliranin.

Pabilugan ang petsa ng kaarawan ni Abby.

Pabilugan din ang Setyembre 10.

Sino ang magdiriwang ng kanyang kaarawan?

Kailan ang kanyang karawan?

Ilan taon na si Abby sa kanyang kaarawan?

Saan ito balak ganapin?

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Isulat sa pisara ang mga araw at petsa:

Setyembre 10 Lunes

Setyembre 11 Martes

Setyembre 12 Miyerkules

Setyembre 13 Huwebes

Setyembre 14 Biyernes

Batay sa nakasulat na mga petsa at araw anong araw magdiriwang ng kanyang kaarawan si Abby?

Isang paraan pa ng paglutas sa suliranin ay sa pamamagitan ng paggamit sa kalendaryo.

Setyembre 2012

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

26

27

28

29

30

F. Paglalahat

Paano ang paghanap ng araw sa kalendaryo?

Tandaan:

Hanapin muna ang buwan.

Hanapin ang binigay na petsa.

Hanapin ang araw sa hanay na katapat ng petsang ibinigay.

G. Paglalapat:

Lutasin:

Hanapin mo sa kalendaryo ang araw ng iyong kaarawan.

Anong buwan?____

Anong araw?_____

IV. Pagtataya:

Tingnan ang kalendaryo at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Disyembre 2012

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

26

27

28

29

30

31

1. Ilan ang araw sa buwan ng Disyembre?_____

2. Anong araw ang Pasko?___________

3. Anong araw ang Disyembre 28?________

4. Anong buwan ang susunod sa Disyembre?___

5. Anong araw ang Disyembre 3?_______

V. Kasunduan

Gumamit ng kalendaryo.

Alamin:

Anong araw ang Pebrero 14?

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin:

· nagagamit ang kalendaryo sa pagsasabi ng petsa ng ibinigay na araw.

II. Paksa

A. Aralin 31: Mga Buwan ng Taon

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 55-56

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: plaskard ng ngalan ng mga buwan , kalendaryo

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi ng araw ng ibinigay na petsa.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anu-anong mga impormasyon ang makikita sa kalendaryo?

2. Pagganyak:

Ilang linggo mayroon sa isang buwan?

Ilang araw mayroong sa buwan ng :____

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad:

Magbabakasyon ang pamilya nina G. at Gng.

Sanchez sa Baguio City ngayong buwan ng Disyembre . Sa ikalawang linggo ng buwan ang kanilang alis. Magtatagal sila roon ng tatlong araw.

Kailan ang petsa ng kanilang pagbabalik?

C. Pagsasagawa ng Gawain:

Gamit ang kalendaryo, gabayan ang mga bata na lutasin ang suliranin.

Sino ang magbabakasyon sa Baguio?

Kailan ang kanilang alis?

Gaano sila katagal doon?

Kailan ang petsa ng kanilang pagbabalik?

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawain:

Disyembre 2012

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

26

27

28

29

30

31

Bilugan ang ikalawang linggo ng buwan.

Lagyan ng ekis ang 3 araw na ilalagi nila roon?

Anu-anong petsa ito?

Anong petsa sila babalik? Ikahon mo.

F. Paglalahat

Paano ang paghanap ng petsa sa kalendaryo?

Tandaan:

Hanapin muna ang buwan.

Hanapin ang binigay na araw

Hanapin ang petsa sa hanay na katapat ng araw na ibinigay.

G. Paglalapat:

Lutasin:

Hanapin mo sa kalendaryo ang petsa ng:

1. Araw ng Kalayaan

2. Ikalawang Sabado sa buwan ng Oktubre

3. huling Linggo ng buwan ng Mayo

IV. Pagtataya:

Tingnan ang kalendaryo at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Disyembre 2012

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

3

4

5

6

7

8

9

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

24

25

26

27

28

29

30

31

1. Anong petsa ang huling Huwebes sa buwan ng Disyembre?__________________

2. Ang pista ng Niños Inocente ay tuwing ika__ng Disyembre.

3. Ang petsa ng unang linggo ng Disyembre?_____

4. Anu-ano ang mga petsa ng mga linggo sa Disyembre?_______

5. Anu-ano ang mga petsa ng lahat ng Sabado?

V. Kasunduan

Alamin ang mga petsa ng mga Holiday sa taong 2013

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan

Ika-pitong Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin:

· nagagamit ang kalendaryo sa pagsasabi ng araw ng ibinigay na petsa

· nagagamit ang kalendaryo sa pagsasabi ng petsa ng ibinigay na araw.

II. Paksa

A. Aralin 31: Mga Buwan ng Taon

B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah.

Curriculum Guide pah. 12

Gabay ng Guro pah. 55-56

Pupils’ Activity Sheet pp.____

C. Kagamitan: plaskard ng ngalan ng mga buwan , kalendaryo

D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:

Pagsasabi ng araw ng ibinigay na petsa.

Pagsasabi ng petsa ng ibinigay na araw.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Anu-anong mga impormasyon ang makikita sa kalendaryo?

2. Pagganyak:

Sabihin kung anong buwan ginaganap ang mga sumusunod :

Bagong Taon

Araw ng mga Puso

Bakasyon

Pasko

Araw ng mga Patay

Mahal na Araw

B. Panlinang na Gawain:

1