22
PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Panuto: Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang titik ng larawan na nagpapakita ng kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang titik ng larawan na nagpapakita ng kawalan ng kalayaan. Sundan ang pormat na ito: Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan A. Paggawa ng gawaing bahay B. Pag-inom ng alak C. Bayanihan

aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

  • Upload
    others

  • View
    413

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN ATPAG-UNAWA

Panuto: Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang mga sumusunod na

larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan

at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang titik ng larawan na nagpapakita ng

kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang titik ng larawan na nagpapakita ng kawalan

ng kalayaan. Sundan ang pormat na ito:

Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Kawalan ng Kalayaan

A. Paggawa ng gawaing bahay B. Pag-inom ng alak C. Bayanihan

Page 2: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

D. Maagang pakikipag E. Pakikipag-away F. Pag-aaral ng

relasyon sa kabilang

kasarian

leksiyon

G. Paninigarilyo H. Kahirapan I. Masayang

pamilya

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Bakit mo nasabing may kalayaan sa mga larawan sa unang hanay?

2. Bakit mo nasabing walang kalayaan sa mga larawan sa ikalawang hanay?

3. Ano ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan?

May bago ka bang natuklasan tungkol sa kalayaan?

Ngayon naman, pag-aralan ang mga situwasyon na karaniwang

ginagawa ng ilang nagdadalaga at nagbibinatang katulad mo. Suriin kung

naipamumuhay nila ang kanilang pagkakaroon ng kalayaan.

Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon, masasabi mo bang may kalayaan

sa mga ito? Sa bawat situwasyon sa unang hanay, sabihin kung may kalayaan o

Page 3: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

wala sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () kung mayroon o ekis (×) sa

ikalawang kolum. Isulat ang iyong patunay sa iyong sagot, isulat ito sa ikatlong

kolum.

SITUWASYON

MAY

KALAYAAN

O WALA

PATUNAY

1. Pagbibisyo (pagsugal,

pagsigarilyo, pag-inom ng alak,

pagkalulong sa droga)

2. Maagang pag-aasawa o

pagbubuntis

3. Pagpapabaya sa pag-aaral

(hindi gumagawa ng project, o

naghahanda ng takdang-aralin,

etc.)

4. Pagrebelde sa magulang

5. Pagsama sa maling

barkada

Ano ang nahinuha mong kahulugan ng kalayaan mula sa gawaing

ito? Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Isang mahalagang biyaya kasunod ng buhay na ipinagkaloob sa tao,

ay ang biyaya ng kalayaan upang pamahalaan ang buhay na ito. Malaking

hamon sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng kalayaan na

ipinagkaloob sa tao. Tama ba ang pakahulugan mo sa salitang ito? Tama ba

ang paraan nang paggamit mo dito?

Sa susunod na bahagi ng modyul na ito, unawain mo ang tunay na

kahulugan ng kalayaang taglay mo.

Page 4: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

KALAYAAN

PAGPAPALALIM

May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay

kapangyarihan na gawin ang anomang naisin ng tao. Kung susuriin

ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi

ang anomang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang

mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng

taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman

ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang

mga ito.

Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?

Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang

tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya.

Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang

kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao

ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan

at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na

malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang

pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos

para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring

magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit

subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi

tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang pagpili.

Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang

piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada

kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan

nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang

piniling gawin. Hindi malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na

kanyang pinili. Samakatuwid, ang kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may

Page 5: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas Moral. Ipinaliwanag

ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ng

kaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay

hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas na

Batas Moral ang nagbibigay –hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at

nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning

kailangang sundin na nagbibigay-hugis at direksiyon sa kalayaan.

URI NG KALAYAAN

Mayroong dalawang uri ng kalayaan:

1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,

nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na

Kalayaan ng kilos-loob ang:

a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o

hindi magnais

b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan

upang tukuyin kung alin ang nanaisin

Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Dito”.

Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais

na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya

ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya

nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit

sa planong paliligo. Nanaisin niya marahil ang magpiknik na

lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar o umuwi na lang.

Walang maaaring magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito

maipagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na

ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang

Page 6: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa

sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang panlabas na

kalayaan.

Halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, propesyonal at pang-

akademikong kalayaan. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili

ng sasalihang samahang politikal, bumoto o pumili ng taong mamumuno. Ang

pang-akademikong kalayaan halimbawa ay ang kalayaang pumili ng paaralang

papasukan at kursong kukunin sa kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na

gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan subalit hindi

taliwas sa mga panuntunan.

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang

konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na

nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat

upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang

layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong

linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.

Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa

pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan

sa pagsunod sa batas na ito. Sa bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao,

mas nadaragdagan ang kanyang kalayaan. Bakit nga ba pinayagan ng Diyos na

maging malaya ang tao na tanggapin o suwayin ang Kanyang batas? Bakit

hinahayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at

magpasya para sa kanyang sarili? Ito ay sa dahilang umaasa ang Diyos o maging

ang magulang ng pagsunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi dahil sa

pinilit at pagsunod na may takot.

Dahil dito, ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na

pananagutan. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at

pagpapasyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa

paggamit ng kalayaan? Narito ang ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):

Page 7: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang

kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, ginagamit mo ang

kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng ating

pagkatao. Ang maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran,

kasamaan ay ilan sa mga ito. Itinatalaga din ang kalayaan para sa

ikabubuti ng kapwa katulad ng pakikilahok sa mga proyektong

pampamayanan o maging sa pagtatanggol sa mabubuting adhikain.

2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong

pagpapasya. Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto,

mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan

ng pasiya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang

anumang pagkakamali.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad

sa mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Ang mga

batas na ito ang siyang batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng

kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang

kilos-loob, ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may

kakayahan na magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral

na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan. Ang

kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispirituwal na aspeto

ng ating pagkatao. Bigay ito ng Diyos sa tao upang malaya

niyang mahubog ang kanyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan

ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa

Ang tunay na

KALAYAAN ay ang

paggawa ng

kabutihan

nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang

mabuti.

Tayain natin ang iyong pag-unawaAno ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong

naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

a. Paano maipamamalas ang tunay na kalayaan?

b. Bakit kailangang may hangganan ang kalayaan ng tao?

Page 8: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

c. Paano naging malaya ang taong gumagawa ng mabuti?

Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa babasahin. Sagutin ito sa iyong

kuwaderno gamit ang graphic organizer.

Likas sa Tao

Kabutihan

Naging malinaw ba para sa iyo ang mga konseptong tinalakay tungkol sa kalayaan ng

tao? Nawa’y naging malinaw sa iyo ang tamang paraan ng paggamit ng kaloob na ito sa iyo

ng Diyos. Hangad kong magiging matalino at maingat ka sa iyong paggamit ng kalayaan.

Ang unang hakbang sa landas na pinili mong tahakin ay nangangahulugang pagpili ng

kahihinatnan nito.

Ano ang gagawin mo kung hindi mo gusto ang dulo ng daan?

Page 9: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

“Kung anong itinanim ay siya ring aanihin.” “ Ang mangga ay hindi maaaring

mamunga ng santol.” Ilan lamang sa kilalang kasabihan tungkol sa paraan ng

paggamit ng tao ng kaniyang kalayaan. Sa bahaging ito ng aralin, ilalapat mo ang

mga natutunan mong konsepto tungkol sa kalayaan sa pang-araw-araw mong

buhay.

PagganapPanuto:

Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng

pagkilala sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat situwasyon.

Isulat ito sa unang kolum ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos.

Isulat din sa ikalawang kolum ang pangmatagalang epekto ng kilos.

Gabay mo ang naunang situwasyon bilang halimbawa.

SITUWASYON AGARANG EPEKTOPANGMATAGALANG

EPEKTOHalimbawa:

Kapag tinanggihan ko ang

alok ng kaibigan kong

sumama sa kaniya para

magsugal.

Halimbawa:

-hindi masasayang ang

pera ko.

-hindi ako matututong

magsugal.

- hindi niya na ako yayain

ulit sa susunod.

Halimbawa:

- hindi ako magugumon

ako sa sugal.

- makakapagtapos ako ng

pag-aaral

Kapag tumutulong ako sa

gawaing bahay.

Kapag hindi ko ginawa

ang aking mga takdang-

aralin.

Page 10: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

rnal.

Kapag maaga akong

nakipagrelasyon sa

kabilang kasarian.

Kapag nag-aral ako ng

leksiyon araw-araw.

Kapag pinagbigyan ko ang

alok ng kaibigan kong

manood ng pornograpiya.

Pagninilay

Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong tunay na kahulugan ng kalayaan.

Sagutin ang mga tanong na: Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan?

Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko? Gawin ito sa iyong

dyo

Ano ang nabago sa aking pananaw tungkol sa kalayaan?

Paano ko maipakikita ang pagpapahalaga ko sa kalayaang taglay ko?

Pagsasabuhay

Ang paggamit ng kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Bagama’t hindi

perpekto ang tao kaya’t siya ay nagkakamali sa ilang pagpapasiya. Subali’t dahil sa

kalayaan, maaari niyang baguhin at paunlarin ang kaniyang pagpapasiya at ang

kaniyang pagkatao.

Page 11: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

Panuto:

Sa mga ginawa mong pasiya sa nakaraan, alin sa mga ito ang nais mong

baguhin at paunlarin upang masigurado mong ginagamit mo ang iyong kalayaan sa

tamang paraan?Gawin ang “ Kalayaan Ko, Kabutihan Ko” sa pamamagitan ng

pagtala ng mga kilos na nais mong baguhin o paunlarin. Banggitin din ang nagging

epekto nito sa iyong pagkatao o sa kapwa. Ang gagawin mo upang mapaunlad o

baguhin ang kilos. Itala rin ang mga araw ng pagsasagawa nito at ang epekto o

resulta nito.

Kilos Na Nais

Kong

Baguhin/Paunlar

in

Naging Epekto

sa

Pagkatao/Kap

wa

Gagawin

Kong

Pagbabag

o

Lune

s

Mar

tes

Miy

erko

les

Huw

ebes

Biy

erne

s

Sab

ado

Ling

go

Epekto sa

Pagkatao/

Kapwa

Halimbawa:

Pagsagot nang

pabalang sa

aking mga

magulang.

Naging walang

respeto hindi

lang sa

magulang

kundi pati sa

ibang tao.

Pipiliin ko

na ang

mga

salitang

gagamitin

ko sa

pakikipag-

usap sa

aking

magulang.

Magiging

mahinaho

n.

× Naging

magalang at

mapagtimpi

sa sariling

emosyon.

Page 12: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

Binabati kita sa pagsisikap mong maging mapanagutan sa paggamit ng

iyong kalayaan. Hangad ko ang patuloy na pagsasagawa at pagsasabuhay ng

gawain hindi lamang sa loob ng isang lingo kundi sa buong buhay mo.

Page 13: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol

Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet)

Mga Sanggunian:

De Torre, Joseph M. Christian Philosophy. Manila: Sinag-tala Publisher(1980).

Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala

Publishers, Inc. (1990).

Institute for Development Education Center for Research and Communication.

Perspective: Current Issues in Values Education 4. Manila: Sinag-tala Publisher

(1992).

Lipio, Felicidad C. Konsiyensiya para sa mga Katolikong Pilipin.NB.Manila.(2004)

Quito, Emerita S. Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. (2008).

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa

Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig

City: Awtor

Philosophy of Freedom (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from

ht t p : / / e n . w i k i p e d i a.o r g/ w i k i / P h il os o p h y o f Freedom

Freedom (philosophy) (n.d.) Retrieved June 20, 2009 from

ht t p : / / e n w i k i p e d i a.o r g / w i k i / F r e e d o m

Page 14: aquireligion.weebly.comaquireligion.weebly.com/uploads/4/5/5/9/4559155/module_7... · Web viewAno ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan? May bago ka bang natuklasan tungkol