8
KULTURA ENERO 2016 IKALAWANG EDISYON Serye ng protesta laban sa pagbabago ng kurikulum sa UP, matagumpay #OverridePNoy: Lumalakas na paglaban sa pag-veto ni Aquino sa SSS pension hike Palayain ang mga kabataang bilanggong pulitikal! Dakilain ang alaala ng FQS, higit na pasiklabin ang mga pakikibakang masa EDCA: pagbabalik ng base militar sa Pilipinas Mga krimen ng mga tropang Amerikano sa ilalim ng Military Bases Agreement at Visiting Forces Agreement 3 3 4 5 6 7 >>>Ituloy sa p2 WALKOUT! Labanan ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Panagutin si Aquino: pahirap, kurap at tuta! Tinatawagan ang lahat ng mga kabataan at mag-aaral na ilunsad ang mga malalaking pambansang walk-out sa mga susunod na linggo laban sa pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Ipanawagan natin ang pagbabasura ng K-12 at mga makadayuhang patakaran sa edukasyon. Biguin natin ang mga pahirap, korap at makadayuhang patakarang itutulak ng rehimeng US-Aquino. Habang lumalapit ang pagtatapos ng termino ni Aquino, lalo nitong minamadali ang pagtutulak ng mga patakarang kontra-mamamayan at makadayuhan. Inaakala nitong makokopo ang suporta ng US at malalaking negosyo para sa kulelat na kandidato nitong si Mar Roxas na ipipilit na ipanalo sa pamamagitan ng panloloko, pandarahas at malawakang pandaraya sa halalan. Pinapaspas ni Aquino ang pagpapatupad ng mga kurakot na kontrata ng pribatisasyon at mga kasunduang gaya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na magbibigay ng base militar sa mga sundalong Amerikano. Para sa mga kabataan at mag- aaral, nangangahulugan ito ng mas matitinding atake sa karapatan sa edukasyon. Nakaamba na naman ang muling pagtaas ng matrikula at mga bayarin sa mga pamantasan sa buong bansa kasabay ng mga bogus na konsultasyon sa kampus ngayong unang kwarto. Mula ng naluklok si Aquino, halos dumoble na ang matrikula sa mga pamantasan mula sa nasa P30,000- 50,000 na aabot na sa nasa P60,000- 100,000 kada taon para sa kolehiyo. Taun-taon, tumataas ng aabot sa 10% ang matrikula sa kolehiyo. Mas mataas pa ito sa elementarya at high school. Labas pa rito, umaabot sa nasa P20,000 ang other school fees o mga bayaring hinuhuthot sa mga mag-aaral na taun- taon ding itinataas at nadadagdagan. Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng patakaran ng deregulasyon, walang tigil ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Bilyun-bilyong piso ang kinakamal na tubo ng malalaking kapitalista-edukador sa pakikipagsabwatan nila sa gubyerno. Ang sampung pinakamalalaking pamantasan sa University Belt sa Maynila pa lamang ay nagkamal na ng lalagpas na sa P3 bilyon noong nakaraang taon lamang. Sa kaso ng Unibersidad ng Santo Tomas na “non- profit” na paaralan, P1.4 bilyon ang nakamal na kita nito noong nakaraang taon lamang.

WALKOUT! Labanan ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin

Embed Size (px)

Citation preview

KULTURA

ENERO 2016IKALAWANG EDISYON

Serye ng protesta laban sa pagbabago ng kurikulum sa UP, matagumpay#OverridePNoy: Lumalakas na paglaban sa pag-veto ni Aquino sa SSS pension hikePalayain ang mga kabataang bilanggong pulitikal!Dakilain ang alaala ng FQS, higit na pasiklabin ang mga pakikibakang masaEDCA: pagbabalik ng base militar sa PilipinasMga krimen ng mga tropang Amerikano sa ilalim ng Military Bases Agreement at Visiting Forces Agreement

3

3

45

67

>>>Ituloy sa p2

WALKOUT! Labanan ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Panagutin si Aquino: pahirap, kurap at tuta!Tinatawagan ang lahat ng mga kabataan at mag-aaral na ilunsad ang mga malalaking pambansang walk-out sa mga susunod na linggo laban sa pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Ipanawagan natin ang pagbabasura ng K-12 at mga makadayuhang patakaran sa edukasyon. Biguin natin ang mga pahirap, korap at makadayuhang patakarang itutulak ng rehimeng US-Aquino.Habang lumalapit ang pagtatapos ng termino ni Aquino, lalo nitong minamadali ang pagtutulak ng mga patakarang kontra-mamamayan at makadayuhan. Inaakala nitong makokopo ang suporta ng US at malalaking negosyo para sa kulelat na kandidato nitong si Mar Roxas na ipipilit na ipanalo sa pamamagitan ng panloloko, pandarahas at malawakang pandaraya sa halalan.

Pinapaspas ni Aquino ang pagpapatupad ng mga kurakot na kontrata ng pribatisasyon at mga kasunduang gaya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na magbibigay ng base militar sa mga sundalong Amerikano.

Para sa mga kabataan at mag-aaral, nangangahulugan ito ng mas matitinding atake sa karapatan sa edukasyon. Nakaamba na naman ang muling pagtaas ng matrikula at mga bayarin sa mga pamantasan sa buong bansa kasabay ng mga bogus na konsultasyon sa kampus ngayong unang kwarto.

Mula ng naluklok si Aquino, halos dumoble na ang matrikula sa mga pamantasan mula sa nasa P30,000-50,000 na aabot na sa nasa P60,000-100,000 kada taon para sa kolehiyo. Taun-taon, tumataas ng aabot sa 10% ang matrikula sa kolehiyo. Mas mataas pa ito sa elementarya at high school. Labas pa rito, umaabot sa nasa P20,000 ang other school fees o mga bayaring hinuhuthot sa mga mag-aaral na taun-taon ding itinataas at nadadagdagan. Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng patakaran ng deregulasyon, walang tigil ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin.

Bilyun-bilyong piso ang kinakamal na tubo ng malalaking kapitalista-edukador sa pakikipagsabwatan nila sa gubyerno. Ang sampung pinakamalalaking pamantasan sa University Belt sa Maynila pa lamang ay nagkamal na ng lalagpas na sa P3 bilyon noong nakaraang taon lamang. Sa kaso ng Unibersidad ng Santo Tomas na “non-profit” na paaralan, P1.4 bilyon ang nakamal na kita nito noong nakaraang taon lamang.

2 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

Sa mga pampublikong pamantasan, itinutulak din ang pagtataas ng matrikula at paniningil ng patong-patong na mga bayarin para pagkakitaan ang mga mag-aaral habang kinakaltasan at kinukulimbat ang pondong nakaalaan sana para sa mga paaralan.

Ang pagpapatupad ng K-12 ay lalo ring nagtutulak sa pagtataas ng matrikula, mga bayarin at iba pang mga gastusin sa pag-aaral.

Higit na kahirapan ang idudulot ng taas-matrikula sa mga kabataan at kanilang mga pamilya. Malaking dagdag sa gastusin ng pamilya ang idudulot nito habang wala namang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa. Ngayon pa lamang, umaabot na sa lagpas kalahati ng gastusin ng karaniwang pamilya ang napupunta sa matrikula. Lalabas na ang kinikita ng karaniwang pamilya na nasa P235,000 kada taon ayon sa datos ng gubyerno, at lalo na ng mahirap na pamilya na nasa P69,000 kada taon ay hindi magiging sapat para magpaaral ng kahit isang anak lamang.

Kaya naman hindi kataka-taka na dumarami ang drop-outs at mga hindi nakakapag-aral. Ayon sa datos mismo ng gubyerno, nasa kalahati ng mga kabataang nasa edad ang hindi na pumapasok ng paaralan habang 2 lamang sa 10 na mga mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo ang makapagtatapos.

Tiyak na sasahol pa ang kalagayang ito sa pagpapatupad ng K-12 ngayong taon. Layon ng K-12 na pasahulin ang edukasyong Pilipino para umayon sa pangangailangan ng dayuhang kapital para sa mura at supil na lakas-paggawa. Itutulak din nito na huwag nang magkolehiyo ang mas marami, higit na isasapribado ang edukasyon at lalong palolobohin ang bilang ng drop-outs. Samantala, lalo rin nitong gagawing komersyalisado at makadayuhan ang edukasyong kolehiyo gaya ng ginagawa ngayong pagbabawas ng general education units at pagbabago ng kurikulum sa Unibersidad ng Pilipinas.

Dapat kumilos ang libu-libong kabataan at mag-aaral, kasama ang kanilang mga guro at magulang para itulak ang gubyernong Aquino na itigil ang pagtaas ng matrikula at ibasura ang iba pang mga bayarin sa pamantasan.

Dapat harapin ng mga walk-out ang mga bogus na konsultasyon at mga anunsyo ng pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Dapat pigilan ng sama-samang pagkilos ang pagpapatupad ng K-12 program. Dapat ding maging handang salagin ang mga hakbanging panunupil sa loob at labas ng mga pamantasan para pigilan ang mga protesta ng mga mag-aaral.

Ang mga pagkilos sa mga kampus ay dapat ikawing sa mga isyu at pakikibakang pambayan para higit na ilantad, labanan at panagutin ang pahirap, kurap, tuta at pasistang rehimeng US-Aquino. Dapat pasiglahin ang pakikibaka para sa dagdag-sahod, laban sa kontraktwalisasyon, para sa tunay na repormang agraryo at paglaban sa mga neoliberal na patakaran ng rehimen. Dapat malakas na labanan ang pagbabalik ng base

militar ng US sa bansa sa pamamagitan ng EDCA. Dapat harapin ang pandaraya at pagmamaniobra ng rehimen sa halalan para ipanalo ang kandidato nito. Dapat matatag na labanan ang kampanyang panunupil at pandarahas sa mamamayang lumalaban.

Sa paglakas ng mga protesta at paglaban ng kabataan at mag-aaral, tiyakin natin na makamit ang makabuluhang paglawak ng kasapian ng Anakbayan at pagpapalaki ng ating mga balangay. Gamitin din natin ang panahon ng kampanya para sa eleksyong 2016 para makapagpalawak sa pinakamarami ng mga kasapi at boluntir ng Kabataan Partylist na maaaring reklutahin sa Anakbayan.

Kamtin natin ang makabuluhang pag-abante sa pangkalahatang gawain ng pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng kabataan at mag-ambag tayo ng malakas sa pag-abante ng pangkalahatang kilusang masa tungo sa panibago at mas mataas na antas. Tanging sa sama-samang paglaban makakaasa ang kabataan ng mas magandang bukas para sa bayan.

WALKOUT: Pebrero 24 at Marso 11

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 BALITA

Serye ng protesta laban sa pagbabago ng kurikulum sa UP, matagumpay

Tinuligsa ng Anakbayan-UP Diliman ang panukalang bawasan ang kasalukuyang 45-unit General Education (GE) program pababa sa 21 unit bilang isang kolonyal na hakbang na naglalayong iayon ang edukasyon sa unibersidad sa demanda ng malalaking dayuhang negosyo para sa murang paggawa.

Sa botohan ng University Council sa pagpupulong nito noong Enero 25, lumabas

na 256 ang tutol habang 187 lamang ang pabor sa kagyat na pagpapatupad ng pagbabago sa GE program. Nagkaisahan sa pagpupulong na dapat pag-aralan muna ng mas malalim ang panukalang pagbabago sa kurikulum. Ang pagliit ng bilang ng mga kursong GE ay maghahawan ng daan para sa mas maraming ispesyalisadong kurso sa kurikulum na siyang tinutulak ngayon ng

programang K-12 ni Aquino at ng Asean integration, pahayag ng grupo. Dagdag pa ng grupo, gagawin ding opsyonal ang pagkuha ng mga kursong Pilipino at maglalagay ng mga babala sa mga kursong ituturo sa wikang Pilipino, na parang pinipigilan ang mga estudyante na kunin ang mga nasabing kurso.

“Hindi kami dapat hulmahin upang maglingkod sa interes ng dayuhan at tubo. Ang kinakailangan namin ay isang tunay na progresibo, makabayan, at pangmasang edukasyon, hindi isang mas kolonyal na edukasyon,” ani Orly Putong, tagapagsalita ng Anakbayan-UP Diliman. Ayon naman sa Congress of Teachers for National Democracy-UP (CONTEND-UP), ang pagbabawas ng mga kurso sa GE program ay maaaring magresulta sa mas maliliit na sahod at oportunidad para sa empleyo ng mga instruktor at assistant na propesor na nagtuturo ng mga kursong GE. Nagsagawa ng protesta ang mga grupo ng mag-aaral at guro sa pangunguna ng Anakbayan at Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND-UP) sa unang araw ng klase sa UP noong Enero 19. Nagmartsa rin ang mga estudyante mula sa UP Diliman patungong Commission on Higher Education, Quezon City noong tanghali ng Enero 22. Kinalampag din nila ang ginanap na pagpupulong ng University Council na tumalakay sa nasabing pagbabago ng kurikulum nito lamang Enero 25.

Matapos ang serye ng protesta, matagumpay na napaatras ng mga mag-aaral at guro ng University of the Philippines (UP) ang panukalang pagbabago ng kurikulum ng unibersidad na kinundena nila bilang kolonyal at kontra-Pilipino.

#OverridePNoy: Lumalakas na paglaban sa pag-veto ni Aquino sa SSS pension hikeBinagyo ng kaliwa’t kanang protesta at pagkundena ang ginawang pag-veto ni BS Aquino sa matagal nang inaasahang dagdag na P2,000 para sa mga pensyonado ng Social Security System o SSS.

Ayon sa grupong Anakbayan, isang makatarungang bagay lamang ang SSS pension hike sa harap nang pagiging inutil ng rehimeng Aquino sa pagpigil sa pagtataas ng mga presyo ng bilihin.

Mariin ding pinabulaanan ng grupo ang pahayag ni Aquino na malulugi ng P19 hanggang P25 bilyon ang SSS kada taon

sa oras na aprubahan ang nasabing panukala. “Hindi lang walang puso ang hacenderong pangulo kundi isang malaking sinungaling,” ayon sa grupo.

Kinundena rin ng Anakbayan ang pagtatangka ng gubyernong Aquino na hatiin ang publiko sa pagsasabong ng 2.15 milyong pensyonadong senior citizen laban sa natitirang aktibong kasapi ng SSS na ayon sa Palasyo ay hindi makikinabang sa pagtataas ng pensyon.

Pinaliwanag ng grupo na magiging pensyonado at direktang makikinabang sa panukala ang mga kasapi ng SSS sa oras na sila ay magretiro sa pagtatrabaho.

Pinagsususpetsahan din ng grupo ang “yellow politics” na nasa likod ng desisyon ni Aquino. “Ang pangunahing nagpanukala ng pagtataas ng pensyon ay si Neri Colmenares, isang kritiko ng korap na pulitika ni Aquino. Malinaw na pinupulitika nya ang panukalang batas,” ayon sa grupo.

Tinatawagan ng Anakbayan ang buong kasapi ng kongreso at senado na i-override ang pag-veto ni Aquino. Tinatawagan din ng Anakbayan ang publiko na lumahok sa mga protesta kasama ang mga pensyonado at itakwil ang manok ng Liberal Party na si Mar Roxas na magpapatuloy lamang sa pahirap na “daang matuwid”.

4 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Noong Enero 17, hinarang ang mga lider-estudyante at manunulat mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa pagbisita nina Jared Morales, Hermogenes Reyes Jr., at Rex Villaflor, mga bilanggong pulitikal na kasalukuyang nakadetine sa Special Intensive Care Area-1 sa Camp Bagong Diwa. Hindi pinalusot ng mga gwardya ang mga estudyante sa main gate ng kampo sa kabila ng bitbit nilang aprubadong request letter sa pagbisita.

Isang linggo ang lumipas, parehong pangyayari ang bumulaga sa mga lider-estudyante ng UP na hinarangan din ang pagpasok sa Batangas Provincial Jail kung saan nakabilanggo si Maricon Montajes na dating nag-aaral ng Film sa UP. Ayon sa gwardya na naka-duty sa araw ng kanilang pagbisita noong Enero 24, utos daw ng bagong jail warden na si David Quimio Jr. na hindi papasukin ang mga bisita ng mga bilanggong pulitikal dahil diumano espesyal ang mga kaso nila.

Si Montajes ay isa sa Taysan 3 na dinukot ng mga pwersa ng militar noong Hunyo 3, 2010 sa Mabayabas, Taysan, Batangas. Nananaliksik si Montajes sa kanyang tesis sa isang komunidad ng mga magsasaka nang inaresto siya kasama ang magbubukid na si Romiel Canete at kasapi ng Anakbayan na si Ronilo Baes.

Bakit arbitraryong pinipigilan ng gobyerno ang mga bisita sa pagdalaw sa mga

Palayain ang mga kabataang bilanggong pulitikal!

Karamihan sa mga tampok na bilanggong pulitikal ay mga beterano sa rebolusyonaryong pakikibaka, tulad na lamang nina Alan Jazmines, Wilma Austria, Benito Tiamzon, atbp. Aabot sa 50 ang matatanda habang 82 naman ang may sakit na mga bilanggong pulitikal.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, mayroong 136 kabataang bilanggong pulitikal na nasa edad 18 hanggang 35 anyos. Aabot naman sa 75 ang mga inaresto at ibinilanggo noong sila ay mga kabataan pa.

Kabilang sa mga kabataang bilanggong pulitikal sina Guiller Cadano at Gerald Salonga, mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) at mga organisador ng Kabataan Partylist at Anakbayan-Central Luzon, na kasalukuyang nakabilanggo sa Nueva Ecija Provincial Jail. Iligal silang inaresto ng mga elemento ng 3rd Infantry Battalion sa Carranglan, Nueva Ecija noong Agosto 9, 2014.

Ang tanging kasalanan nila ay ang pagpukaw, pag-organisa, at pagpakilos ng mga mamamayan ng Carranglan para sa kanilang mga karapatan. Sa panahon ng kanilang pagkaaresto, aktibo ang dalawa sa kampanya laban sa Dalton Pass East Alignment Road Project na magreresulta ng pagpapalikas ng mga magsasaka mula sa kanilang mga tahanan.

Hindi bababa sa 561 ang mga bilanggong pulitikal na nakadetine sa mga kulungan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng rehimeng Aquino. Ganito karami ang bilang ng mga aktibista at rebolusyonaryong ibinilanggo ng estado dahil lamang sa kanilang mga pulitikal na paniniwala.

bilanggong pulitikal? Hindi lamang ito lantarang panunupil sa karapatan ng mga bilanggo. Pinasisinungalingan din nito ang mga paulit-ulit na pagtanggi ni BS Aquino sa pagkakaroon ng mga bilanggong pulitikal sa ilalim ng kanyang rehimen.

Sa katunayan, ang mga bilanggong pulitikal ay pinapatawan ng mga gawa-gawang kasong kriminal katulad ng murder at illegal possession of firearms upang itago ang pulitikal na rason sa pagdakip at pagbilanggo sa kanila. Marami sa kanila ang tinorture, inalisan ng due process, at nagdurusa sa mga di-makataong kondisyon sa mga masikip na selda na napatunayang naglalagay sa buhay ng mga matatanda at may sakit na bilanggo sa panganib.

Ang mga kahabag-habag na kondisyong ito ay isa sa mga nagtutulak sa mga bilanggong pulitikal sa iba’t ibang dako ng bansa na maglunsad ng hunger strike mula Enero 12 hanggang 17. Sa kabila ng mahirap na kalagayan sa loob ng selda, patuloy sila sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan, paglaban sa panunupil, paggigiit para sa mas makataong kundisyon sa loob ng kulungan, at pagpapanawagan para sa kanilang sariling kalayaan.

Hindi maitangging ang mga bilanggong pulitikal ay mga indibidwal na inalay ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa sambayanan at pagsusulong ng panlipunang pagbabago kahit na nangangahulugan ito ng kanilang pagkabilanggo.

Akala ng gobyernong Aquino na ang pagbilanggo sa kanila ay paglilibing ng kanilang mga pakikibaka sa loob ng bilangguan. Sa halip na maging panakot sa mamamayan, mas lalo lamang nagbigay ng inspirasyon ang ehemplo ng mga bilanggong pulitikal sa mga bagong henerasyon para mangahas na lumaban at isulong ang pambansa demokratikong pakikibaka hanggang sa tagumpay.

Mga Bilanggong Pulitikal sa ilalim ng rehimeng Aquino

Total na bilang ng Bilanggong Pulitikal: 561Mga kabataangBilanggong Pulitikal: 136Mga inaresto at ibinilanggo noong sila ay mga kabataan pa: 75

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 LATHALAIN

kabayanihan ng sambayanang Pilipino at ang malaking papel ng kabataan sa pagsulong ng paglaban sa pang-aapi at pagsasamantala.

Sumigla rin ang kilusan ng pakikipamuhay ng mga kabataan at estudyante sa mga manggagawa at magbubukid sa mga piketlayn, pagawaan, maralitang komunidad, at sa kanayunan. Naglunsad din ng maraming mga pagkilos ang mga kabataan sa mga kabisera at sentrong lungsod ng iba’t ibang probinsya.

Ang mga kondisyong ito ay niluwal ng ilang taon ng walang sawa at solidong pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng kabataan at mamamayan sa linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba.

Nagbunga ang FQS ng libu-libong kadre’t masang aktibista na naging bag-as ng kilusang rebolusyonaryo. Ang kilusang ito ang namuno sa paglaban at kalauna’y pagpapatalsik sa pasistang diktadurang US-Marcos.

Sa kasalukuyan, dinaranas ng sambayanang Pilipino ang walang katulad na kahirapan na dulot ng pang-aapi at pagsasamantala ng dayuhan sa pakikipagsabwatan ng mga lokal

Naging mitsa ng pagputok ng FQS ang demonstrasyon ng mga estudyante, kabataang maralita, manggagawa at magsasaka noong Enero 26, 1970 sa harapan ng Kongreso kung saan nagtatalumpati noon si Marcos. Dahas ang kagyat na naging tugon ng rehimeng US-Marcos sa pagkilos na ito na pinangunahan ng KM.

Sa kabila ng panunupil ng estado, higit na sumiklab ang galit ng mamamayan. Libu-libo pa ang dumagsa sa Malakanyang noong Enero 30, 1970 upang kondenahin ang mga pasistang patakaran at kontra-mamamayang programa ng rehimeng US-Marcos.

Nasundan pa ito ng malalaki at sunud-sunod pang mga kilos-protesta hanggang Marso 1970. Linggu-linggo, mahigit 50,000 hanggang 100,000 ang umokupa sa mga plaza ng Kamaynilaan at nagmartsa sa mga lansangan patungong Malakanyang at US Embassy.

Umalingawngaw sa mga lansangan ang mga islogang “Makibaka! Huwag matakot!” at “Sagot sa Martial law, Digmang Bayan!” Buong giting na hinarap ng sambayanan ang dahas ng estado sa pangunguna ng armadong pwersa nito. Pinatunayan ng FQS sa kasaysayan ang nagpapatuloy na

Apatnapu’t anim na taon na ang nakalilipas ng pinagpuyos ng kabataan, sa pangunguna ng Kabataang Makabayan, ang mga bugso ng paglaban na tumagal ng tatlong buwan mula Enero hanggang Marso 1970, na tumatak sa kasaysayan bilang Sigwa ng Unang Kwarto o First Quarter Storm (FQS). Binigwasan nito ang kabulukan ng naghaharing sistema na pinamumunuan noon ng rehimeng US-Marcos sa pamamagitan ng papalaking daluyong ng mga protesta sa iba’t ibang panig ng bansa.

na naghaharing uri sa pamumuno ng rehimeng US-Aquino.

Marapat na higit na magpunyagi at paghusayin ng mga kabataan ang pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos ng mas marami pang bilang ng mamamayang Pilipino para sa pambansang demokrasya.

Wala nang ibang mas makabuluhang pagdakila sa alaala ng FQS kundi ang muling pagpapalakas ng daluyong ng paglaban ng mamamayan — at sa gitna nito, ang pagdagsa ng kabataan upang magiting na makibaka sa piling ng masang anakpawis, sa mga sentrong bayan man o sa kanayunan upang pawiin ang lahat ng pang-aapi at pagsasamantala.

Mga tampok na pagkilos ng FQS ng 1970Enero 26: Pagkilos ng 50,000 demonstrador sa okasyon ng State of the Nation Address ni Pangulo Ferdinand Marcos sa lumang Batasan. 300 kabataan ang nasugatan dahil sa marahas na dispersal.

Enero 30: Nagprotesta ang libu-libong estudyante at kabataan sa harap mismo ng Malakanyang. Aabot 4 estudyante ang patay at 162 ang sugatan nang linusob ng mga pulis ang mga demonstrador.

Pebrero 12: Mahigit 100,000 demonstrador ang nagtipon sa Plaza Miranda upang kundenahin ang pagpatay ng 4 estudyante noong Enero 30.

Pebrero 18: Itinanghal ang isang People’s Congress sa Plaza Miranda at 10 iba pang probinsya sa labas ng Maynila. Sa gabi, nagmartsa ang mga kabataan patungo sa US Embassy kung saan binugbog nanaman ng pulis ang iilan sa kanila.

Pebrero 26: Nagmartsa ang mga grupo ng kabataan papuntang US Embassy at sa Mendiola. Aabot sa 120 ordinaryong mamamayan ang inaresto at 80 naman ang nasugatan matapos napagkamalian na mga aktibista

Marso 3: Inorganisa ng Movement for a Democratic Philippines (MDP) ang isang People’s March mula sa Welcome Rotunda ng Quezon City patungong Plaza Lawton sa Maynila. Sinamahan ang kilos-protesta ng strike ng mga tsuper ng jeepney.

Marso 17 Inilunsad ang ikalawang martsa na tinaguriang Poor People’s March. Nagtanghal ng isang mock tribunal sa Plaza Moriones kung saan hinatual ng mga demonstrador ang mga “kaaway ng mamamayan.”

Dakilain ang alaala ng FQS, higit na pasiklabin ang mga pakikibakang masa

6 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANKULTURA PAHAYAG

sa libreng pagsakop at paggamit ng lupaing Pilipino at malayang paglabas-masok ng kagamitan at tauhan.

Matatandaan ding sa ilalim ng ibinasurang MBA at ng hanggang sa ngayo’y epektibo pang Visiting Forces Agreement (VFA) na kaakibat ng presensiyang tropang kano sa bansa, iba’t ibang porma ng pang-aabuso ang dinaranas ng mamamayan. Noong Enero 19, inanunsyo ng gobyernong Aquino na ibubukas nito ang walong lugar sa bansa para sa mga pwersang Amerikano. Isang araw bago nito, noong Enero 18, idineklara naman ng Korte Suprema na konstitusyonal ang EDCA sa kabila ng pagyurak nito sa pambansang soberanya ng Pilipinas at ng mga kaakibat na sari-saring pahirap na dala nito.

Malinaw na ginamit ng gobyernong Aquino ang lahat ng paraan, kabilang na ang paghawak nito sa leeg ng Korte Suprema, upang gawing lehitimo ang

Nilusob ng mga kabataan ang Embahada ng Estados Unidos sa madaling araw ng Enero 21. Binato ng pintura ng mga kabataan ang gate at tatak ng Embahada upang ipakita ang pagkamuhi nila sa panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa. Nangalampag din ang mga estudyante sa malalaking eskuwelahan sa Kamaynilaan at buong bansa noong Enero 22 bilang tugon sa isang pambansang araw ng pagkilos para ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas. Kinukundena ng Anakbayan ang katrayduran ni BS Aquino sa mamamayang Pilipino sa pagtulak nito ng EDCA. Iginiit ng grupo na mas masahol pa ang EDCA sa Military Bases Agreement (MBA) ng 1947 na ibinasura noong 1991. Kung ang MBA ay nagbukas ng base militar sa dalawang pook lamang sa Clark at Subic, ibinubukas ng EDCA ang halos buong kalupaan ng Pilipinas para

Sa pagbukas ng bagong taon, sunud-sunod na mga kilos-protesta laban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ang inilunsad ng mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS).

pagbenta ng kasarinlan ng bansa sa mga amo nitong imperyalista. Isang kasinungalingan ang pinapalabas ng gobyernong Aquino na makakapag-ambag ang EDCA para sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa laban sa agresyon ng imperyalistang Tsina. Sa katunayan, maaaring pasalubong ni Aquino sa US ang EDCA upang makuha ang pag-endorso nito sa kulelat na kandidato sa pagkapangulo ng Liberal Party na si Mar Roxas. Maaalalang ibinalita noong Setyembre 20, 2015 sa dayuhang pahayagan na New York Times ang sikretong pakikipag-usap ni Aquino sa US para sa muling pagbuhay ng mga base militar kapalit ang $300 milyon o P13.9 bilyon. Walang pagkakaiba kung sa gayon kay Emilio Aguinaldo ang ginawa ni Aquino na pagbenta ng soberanya ng bansa para sa personal na pakinabang. Kung buhay si Heneral Luna, baka napunyeta niya ang gubyernong Aquino. Ang gobyernong Aquino ay walang pinag-iba sa mga traydor na kinamuhian ng ating mga bayani.

Ilan sa mga gagawing base militar ng US:• Fort Magsaysay sa Nueva Ecija• Crow Valley sa Tarlac• Basa Air Base sa Pampanga• Naval Station San Miguel

sa Zambales• Antonio Bautista Air Base

sa Palawan• Naval Station Carlito

Cunanan sa Palawan• Benito Ebuen Air Base sa Cebu• Naval Base Rafael Ramos

sa Cebu

EDCA: pagbabalik ng base militar sa Pilipinas

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,

Eden Mae Galas, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,

Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 KULTURALATHALAIN

1983 Nahawaan ng mga sundalong Amerikano ng sakit na AIDS ang 18 minor de edad na babaeng biktima ng prostitusyon.

Lumala ang prostitusyon sa paligid ng mga base militar sa Olongapo at Angeles. Sa panahong ito, aabot sa 3,274 na kaso ng karahasan laban sa kababaihan ang naitala na mga sundalong Amerikano ang salarin. Wala ni isa sa mga kaso ang umusad.

1987 Isang dose anyos na batang babae na si Rosario Baluyot ang namatay sa isang impeksyon matapos pasukan ng sirang vibrator ang kanyang ari ng Amerikanong si Heinrich Stefan Ritter. Napawalang-sala ang akusado.

1990 Isang 18-buwan na sanggol ang nahawa sa gonorrhoea matapos siyang

1964 Isang 14-anyos na batang lalaki na si Rogelio Balagtas ay pinaslang habang nangongolekta ng mga punglo sa Clark Airfield target range. Binaril siya sa likod ng sundalong Amerikano na si Larry Cole.

Binaril ng mga sundalong Amerikano na sina James Edwards at James Thomas si Gonzalo Villedo habang siya ay nangingisda kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa Subic Bay.

1968 Pinaslang ng US Marine na si Kenneth Smith ang isang batang naglilinis ng sapatos na si Rogelio Gonzales.

1970 Pinaslang ng sundalong Amerikano na si Michael Moomey si Glicer Amor, isang empleyado sa base militar, matapos mapagkamalan niya diumano itong isang baboy ramo.

Binugbog ng dalawang US marines ang 5 manggagawa sa Clark. Tinali ng isang sundalong Amerikano sa kabayo at kinaladkad ang isang sibilyan na nakatira malapit sa base militar.

Binugbog ng makalawang beses ang isang sibilyang nagpuputol ng dahon sa loob ng Clark ng aabot sa dalawampung sundalong Amerikano.

Dinukot at ginahasa ang isang babae ng Gestapo Unit ng Clark Airfield sa Pampanga sa ilalim ni Col. Holman.

abusuhin kasama ng kanyang nanay ng tatlong sundalong Amerikano sa loob ng isang apartment sa Subic.

1992 Sikretong umalis ng bansa ang sundalong Amerikano na si Larry Venaska matapos siyang kasuhan ng isang Pilipina ng panggagahasa.

2000 Namatay ang isang 6-anyos na bata na si Crizel Jane Valencia sa sakit na leukemia dahil sa kontaminasyon ng mercury sa tubig na kanyang ininom sa Clark Airbase Command.

Daan-daang katao na ang namatay dahil sa pagkalason mula sa mga toxic na kemikal na itinapon ng mga pwersang Amerikano sa Subic at Clark.

Mga krimen ng mga tropang Amerikano sa ilalim ng Military Bases Agreement

Mga krimen ng mga tropang Amerikano sa ilalim ng Visiting Forces Agreement

isang helikopter sakay ang dalawang Amerikanong sundalo sa kanyang sakahan bilang bahagi ng isang clearing operation.

2005 Ginahasa ni Lance Corporal Daniel Smith at ng kanyang mga kasamahan ang isang Pilipina sa loob ng isang van. Hinatulan si Smith ng guilty sa salang panggagahasa ng Makati Regional Trial Court ngunit ipinuslit siya pabalik sa US ng mga opisyal ng Embahada at gobyernong Arroyo.

2008 Sa isang operasyong militar laban sa Abu Sayyaf, pitong sibilyan ang namatay kabilang na ang bana ni Rawina Wahid. Si Wahid ay idinala nang nakapiring ng mga sundalong Amerikano papunta sa isang kampong militar.

2002 Tatlong sundalo, kabilang na ang Amerikanong si Sgt. Reggie Lane, ang pwersahang pumasok sa bahay ni Buyong-buyong Isnijal, isang katutubong Yakal, sa Basilan. Binaril sa nasabing insidente si Buyong-buyong sa binti.

Misterosyo namang namatay si Dr. Julius Caesar Aguila na siyang kumilala sa identidad ni Sgt. Lane bilang isa sa mga sundalong nagdala kay Buyong-buyong sa ospital.

2004 Nasugatan si Arsid Baharun habang nagkokondukta ng target practice ang mga sundalong Amerikano sa Zamboanga City.

Namatay sa atake sa puso si Sardiya Abu Calderon matapos bumaba ang

2010 Si Gregan Cardeno, na kinuha ng mga sundalong Amerikano na interpreter sa Marawi City, ay nakitang patay noong Pebrero 2 matapos pa lamang magsimula ang kanyang trabaho noong Enero 30.

Si Captain Javier Ignacio, isang kaibigan ni Cardeno, ay pinatay din matapos niyang tulungan ang pamilya ni Cardeno na maisapubliko ang misteryoso nitong pagkamatay.

2014 Oktubre 11, 2014 nang nakitang patay sa isang motel ang transgender na si Jennifer Laude. Napatunayang may sala si Joseph Scott Pemberton sa pagpatay kay Laude sa korte ng Pilipinas.

Photo C

redits: PhilStar.com

8 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANKULTURA

Ang Masa • Linyang Masa • Makibaka, Huwag MatakotMga Awit mula sa FQS

Ano ang K-12?Dagdag na gastos at pasakit sa mga magulang ang dalawang taong dagdag na dulot ng K-12. Sa implementasyon niya sa taong ito, sisirit ang bayarin sa eskwelahan. Mag-aagawan pa ang milyong kabataan para makapasok sa iilang may Senior High School na siyang

napakataas din ng matrikula.

Para saan?Murang lakas paggawa, pagbabansot ng sahod at labor export program ng gobyerno ang tunguhin ng K-12. Mas maliit na sahod ang matatanggap ng mga semi-skilled gradweyt ng K-12 at ilalako sila sa ibayong dagat. Dayuhan at mga malalaking negosyante ang

makikinabang.

Stop K-12! Sumama sa Walkoutsa Pebrero 24 at Marso 11!

III. MAKIBAKA, HUWAG MATAKOT

Em GMakibaka, huwag matakot

Am DHarapin ang kahirapan

Em GMagkaisa at lumaban

Em D GNang makamtan ang

tagumpay.

Em GMagpakatatag, huwag

matakotEm Am D

Nang mapalaya ang bayanEm G

Hanay natin ay tibayan

II. LINYANG MASAG

Sundin ng buong tatagD

Ang linyang pangmasaAm D

Mula sa masa, tungo sa masaG-D7

Ito ang ating patnubay.

GSundin nang buong tatag

G7 CAng linyang pangmasa

Am D7 G EMula sa masa, tungo sa masa

D GIto ang ating patnubay.

I. ANG MASAG

Ang masa, ang masa lamang

DAng siyang tunay na bayani

Am DAng masa, ang masa

lamangG-D7

Ang siyang tagapaglikha.G

Ang masa, ang masa lamang

EAng siyang tagapaglikha

Am D7 G EAng masa o, ang masa

Am D7 G-D7Tagapaglikha ng

kasaysayan.

Em D GAt durugin ang kalaban.

Em GMagpakatatag, huwag

matakotEm Am D

Sa mga pagpapakasakitEm G

Kahirapa’y pangibabawanEm D G

Nang makamtan ang tagumpay

Makibaka, Huwag matakot!