11
BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 1

VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

1

Page 2: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

2ANG PANGANGAILANGAN SA TUNAY NA REPORMANG

NARINIG na niya bago pa man nakita ang

pagpatak ng ulan. Napangiti siya. Bago niya namalayan, isang halakhak na ang kumawala mula sa kanyang mga labi. Hindi sapat ang patubig sa palayan kaya’t ilang buwan niyang pinanaginipang muling maamoy ang pinaghalong lupa at ulan, pero nang sa wakas ay napasibol na niya ang punla ng

palay at ang kailangan niya na lang ay araw, ginising siya ng biglang pag-ulan. Araw-araw naman siyang nakikinig sa ulat ng panahon— sa mga pangako ng tag-ulan o

tag-araw. Pero katulad ng taun-taong pangako na mapapasakanya na ang kanyang lupang sinasaka, sumuko na siya sa katotohanang ang panahon—tulad ng karapatang ipinangako

sa kanya—ay hindi niya hawak at lalong hindi niya maaasahan.Ito ang tipikal na senaryo sa pang-araw-araw na buhay ng isang magsasakang Filipino.

Pito sa bawat sampung magsasaka sa bansa ay hindi pa rin pag-aari ang kanilang lupang sinasaka. Ito ay sa kabila ng ilang taong pagpoprotesta, pakikipagkasundo, pagsigaw at pakikiusap ng mga magsasaka para sa kanilang karapatang tawaging “akin” ang lupa na dugo at pawis ng ilang henerasyon na ng kanilang pamilya ang ipinandilig. Hindi na rin

Lahat ng mga batas ukol sa agrarian reform ay nag-ugat sa mga probisyon ng Konstitusyon ukol sa social justice o katarungang

panlipunan ay ang konsepto na kung sino ang agrabyado sa buhay ay siya dapat ang nakaaangat sa batas. Sa bansa kung saan ang

mga mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mga mahihirap ay lalong naghihirap, mahalaga ang social justice provisions upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ang isang paraan

para maisakatuparan ito ay ang repormang pang-agraryo.

UPANG MAKAMIT NG MGA MAGSASAKA

A N G KATA RU N GA N G PA N LI PU N A NNI MICHELLE NABRE

P AGRARYO-ANG

Page 3: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

3mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye at mga obrang nagsalarawan sa nakalulungkot na sitwasyon ng karamihan sa mga magsasaka. Pero ang higit na nakakalungkot ay ang reyalidad na ang mga batas na magtatanggol sana sa mga karapatan ng mga magsasaka ay kulang o kaya nama’y hindi epektibong naipatutupad kaya’t tila wala rin silang ipinagkaiba sa literatura o mga palabas sa sinehan—na kathang-isip pa lang ang nakakamit na hustisyang panlipunan.

ANG KONSEPTO NG KATARUNGANG PANLIPUNAN (SOCIAL JUSTICE)Lahat ng mga batas ukol sa agrarian reform ay nag-ugat sa mga probisyon sa Konstitusyon ukol sa social justice o katarungang panlipunan sa konsepto na kung sino ang agrabyado sa buhay ay siya dapat ang nakaaangat

sa batas. Sa bansa kung saan ang mga mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mga mahihirap ay lalong naghihirap, mahalaga ang social justice provisions upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ang isang paraan para maisakatuparan ito ay ang repormang pang-agraryo.Sa ilalim ng Artikulo XIII, Seksyon 4 ng Saligang Batas, nakatakda ang estadong magpatupad ng isang agrarian reform program batay sa karapatan ng mga landless farmers at regular farm workers na ariin ang mga lupang kanilang sinasaka, o sa kaso ng ibang farm workers, ay makatanggap ng makatarungang kabahagi ng kanilang ani. Kaugnay nito, ipapamahagi ang agricultural lands ng bansa batay sa limitasyon at iba pang patakaran na maaaring ipatupad ng Kongreso.

CARP MAS NAGING PABIGAT SA MGA MAGSASAKABahagi ng masalimuot na kasaysayan ng mga ipinasa at nagpaasang mga batas para sa repormang pang-agraryo ang Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Sa ilalim nito, ang retention limit ng landowners ay hanggang limang ektarya. Ang mga benepisyaryo naman ay babahaginan ng hindi lalagpas sa tatlong hektarya ng lupa. Para tuluyang mapasakanila ang lupang sinasaka, kailangan pang magbayad ng mga magsasaka ng 30 amortizations bawat taon na may pataw na 6% interes. Kapag hindi sila nakabayad ng

tatlong amortizations ay maaaring ipasawalang-bisa ang award sa kanila, ilitin ng bangko ang lupa, at ibibigay ito sa iba pang kwalipikadong benepisyaryo.

ANG SITWASYON NG MGA MAGSASAKA NGAYON SA ILALIM NG CARPMatapos ang 28 taon mula nang ipatupad ang CARP, 4.7 milyong ektarya ng lupa ang naipamahagi at may 2.9 milyon na ang naiulat na agrarian reform beneficiaries (ARBs). Ngunit kahit na-extend ang deadline para sa pamamahagi ng lupa

sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), bigo pa ring maipamahagi ang natitirang 1.3 milyong ektarya mula sa target ng batas noong 2009; at ang mga naibahaging lupa naman ay hindi pa rin tuluyang nailalagay sa ilalim ng kontrol ng mga benepisyaryong magsasaka.Ang sektor ng agrikultura at repormang pang-agraryo ay nananatiling pinakamababang contributor sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Page 4: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

4 LATHALAIN

Kada taon, higit $1 bilyong halaga ng food products ang kailangang angkatin ng Pilipinas. Talamak ang land conversion kaya umuunti ang agricultural lands. Mababa ang agricultural production. Ang mga magsasaka pa rin ang ilan sa may pinakamababang sahod sa lahat ng mga manggagawa. At pinakamalala ang insidente ng kahirapan sa mga agricultural areas.

TUNAY NA REPORMANG PANG-AGRARYO ANG TANGING SAGOT

Sa harap ng mga katotohanang ito, ang kailangan ay isang tunay na repormang pang-agraryo, na siya namang isinusulong ng Department of Agrarian Reform (DAR) ngayon sa pangunguna ni DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano.

Sa ilalim ng panukalang Genuine Agrarian Reform Law (GARL), libreng ipamamahagi ang lupa at ititigil na ang

non-land schemes tulad ng profit-sharing, leaseback, at joint venture na minsan ay ginagamit lamang na instrumento ng mga mapansamantalang “panginoong may lupa” para ipagkait ang sakahan sa mga benepisyaryo.

Ang libreng land distribution para sa mga magsasaka ang puso ng isang tunay at makabuluhang repormang pang-agraryo. Ito ay upang iwasto ang malalang di pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino sa lipunan. Isa rin itong pagkilala na sapat na ang napakaraming taon ng paninilbihan ng mga magsasaka at panahon na para makawala sila sa tanikala ng mga panginoong may lupa.

Ang estado, sa ngalan ng katarungang panlipunan at kapakanan ng publiko, ay may obligasyong iangat ang pamumuhay ng mg magsasaka at hindi ipatong sa mga nakayuko na nga nilang mga balikat ang bigat ng gastusin para

maging kanila ang lupang sinasaka.

Maraming pera ang gobyerno. Kung gugustuhin, sapat iyon para mabayaran ang mga landowners at maihandog ang lupa ng libre sa mga magsasaka. Kung hindi, magpapatuloy lang ang tila hungkag na pamimigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na madali ring napapawalang-bisa dahil hirap na hirap magbayad ang mga mahihirap na benepisyaryo ng taunang amortization. Sa katunayan, humigit kumulang 10 porsyento pa lang ng ARBs ang nakayanang bayaran ng buo ang amortizations.

Bilang paglilinaw, hindi naman nanakawin sa mga landowners ang kanilang pag-aari. Bibigyan sila ng karampatang bayad at ang pagkuha ng kanilang lupa ay daraan sa tamang proseso sa ilalim ng batas. Sa GARL nga lamang, ang

gobyerno ang siyang magbabayad sa mga landowners ng just compensation para sa ibabahagi nilang lupa. Ang mga “sullied landholdings” o ang mga lupang mapapatunayang nakuha ng may-ari sa pamamagitan ng panloloko, intimidasyon, puwersa at iba pang ilegal at mapang-abusong paraan lamang ang maaaring agarang kumpiskahin ng gobyerno. At sakaling ideklarang sullied landholdings ang kanilang lupain, maaari pa rin namang umapela ang mga may-ari nito.

Bukod dito, magkakaroon din ng support services para sa mga magsasaka na nagkakahalaga ng 10 bilyon piso kada taon. Ang lokal na gobyerno mula sa mga itatalagang Land Reform Zones (mga lugar na poprotektahan laban sa anumang aktibidad na makaaapekto sa agricultural production sa lupa) ay

obligadong dagdagan ang support services sa pamamagitan ng paglalaan ng 10% ng kanilang pondo kada taon para sa mga ARBs sa kanilang lugar.

Matagal na ang itinakbo ng masalimuot na kasaysayan ng bansa tungo sa repormang pang-agraryo. Hindi na masukat ang haba ng panahong kumapit ang mga magsasaka sa pangakong totoong mapapasakanila na ang lupaing kanilang sinasaka. Ngunit kahit sino ay mapapagod ding maghintay na umulan sa gitna ng napakahabang tagtuyot.

Sana, sa oras na pumatak nga ang ulan, hindi pa tuluyang nakatiwangwang ang lupa at namatay na ang mga pangarap at buhay na itinanim dito.

At kung mangyayari iyon, saka pa lang makakamit ng mga magsasaka ang diwa na katarungang panlipunan na silang mga walang-wala sa buhay ang siyang dapat nakaaangat sa batas.

Page 5: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

5

NAGING makasaysayan ang pagbubukas

ni Secretary Rafael V. Mariano ng tarangkahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa mga magsasasaka at mga aktibista nang siya’y maupo sa puwesto bilang pinuno ng ahensya noong nakaraang taon. Bago ito buksan ni Mariano, halos dalawang dekada nang nakasara ang gate ng opisina ng DAR sa Quezon City. Ito ay kinando simula noong administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada upang maiwasan ang pagpasok at pagsugod ng mga nagpoprotestang magsasaka sa loob ng opisina.

Ani Mariano, “Kapag may nakita tayong mga magsasakang paparating, atin na silang salubungin at iparamdam sa kanila ang mainit na pagbati at pag-aasikaso sa anumang kanilang nais iparating sa atin.”

Kabilang si Mariano sa mga raliyistang madalas na makikita noon sa labas ng tanggapan ng DAR. Bilang founding member ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), isang militanteng grupo ng mga magsasaka, kabataan at kababaihan na pinamunuan din noon ni Mariano o mas kilala bilang Ka Paeng, madalas nilang isinusulong ang tunay na repormang pangsakahan sa pamamagitan ng pagpoprotesta sa labas ng opisina ng DAR.

Ngayon, nasa kabilang panig na ng gate si Mariano. Siya ang kauna-unahang magsasaka na humawak ng pinakamataas

na posisyon sa DAR, ang isa sa mga ahensiyang naataasan para ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) o ang program ng pamahalaan na naglalayong pagkalooban ang mga magsasaka ng pagmamay-ari ng kanilang lupang sinasaka.

Para kay Antonio Flores, Secretary General ng KMP, isa itong malaking hakbang tungo sa inaasam nilang pagbabago. Ani FLores, “Sa mga nakaraang rehimen, karamihan sa mga DAR secretary ay mula sa uring panginoong may lupa at malaking negosyante... Noon, wala kaming maasahan, hindi kami halos makapasok sa loob kahit na magkaroon ng mga dayalogo. Pero ngayon

Isang magsasaka para sa magsasakaDAR SEC. RAFAEL MARIANO:

Si Ka Paeng ang kauna-unahang tunay na magsasaka na naupo bilang pinakamataas na opisyal ng Department of Agrarian Reform, ang ahensyang naatasan para ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) o ang programa ng pamahalaan na naglalayong pagkalooban ang mga magsasaka ng pagmamay-ari ng kanilang lupang sinasaka.

Ni DANI MEI MANUEL

ay iba na... Naaasikaso talaga at bukod diyan, open ang pakikipagdalayalogo roon, ‘yung pumasok sa loob. Hindi katulad noon na kailangan mo pang kalampagin ang gate bago ka pansinin ng mga nakaraang secretary.”

BILANG MAGSASAKAIpinanganak at lumaki sa isang mahirap

na pamilya si Ka Paeng sa Quezon, Nueva Ecija. Parehong magsasaka ang kanyang amang si Narciso at ang kanyang inang si Herminigilda. Kuwento ni Flores, kaibigan at kasamahan ni Ka Paeng sa KMP, “Ang mga magulang niya ay settlers. Maliit na lupa lang ang kanilang binubungkal sa

Nueva Ecija.”Nasa elementarya pa

lamang siya nang simulan niyang tulungan ang kanyang mga magulang sa pagsasaka para sa panginoong may lupa. Sa murang edad, nasaksihan na niya ang masakim na mundong dinaranas ng mga magsasaka. Dahil kinakamkam ng panginoong may lupa ang karamihan ng ani at kaunti na lamang ang natitira sa kanyang ama, lumaki ang utang ng kanilang pamilya.

Kahirapan ang dahilan kung bakit hindi natapos ni Ka Paeng ang kanyang pag-aaral ng agriculture at agri-cooperatives sa Wesleyan University at sa Christian College of the Philippines (dating Liwag Colleges) sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija. Napilitan siyang huminto sa kolehiyo nang magkasakit ang kanyang ama. Bilang tagapaghanapbuhay ng kanilang pamilya, naging magsasaka si Ka Paeng upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Flores, dito lubusang naintindihan ni Ka Paeng ang hirap at sakripisyo ng isang magsasaka. Aniya, “Hindi mawawala ang diwa niya bilang magsasaka.. at ang pagbatid niya sa mga magsasaka.”

Kuwento pa ni Flores, kahit pa pinuno na ng KMP si Ka Paeng at hanggang maging kongresista, “Kapag nauwi ‘yan sa kanilang bayan, halos isang buwan na hindi bumabalik kasi nag-aararo sa kanilang palayan doon.”

LATHALAIN

Ph

oto

Co

urt

esy

of D

AR

Offi

cial

Fac

ebo

ok

pag

e

Si Ka Paeng ay aktibo noon pa sa mga samahan ng mga magsasaka

Page 6: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

6

BILANG isa sa mga nangunguna sa pagtataguyod ng karapatan

ng mga magsasaka sa loob ng maraming dekada, inaasahang makikinig si Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, o Ka Paeng, sa mga hinaing ng mga magsasaka. Ngayong isa na siyang kalihim, malaki ang responsibilidad na nakaangkla sa kanyang mga balikat.

Ayon kay Antonio Flores, Secretary-General ng KMP, hindi raw magiging madali ang trabaho ni Mariano bilang kalihim dahil lumipas na noong 2014 ang CARP law kaya, “Ang aming inasahan sa kanya ay ang pagsisikap niya, iyong pag-iikot niya sa buong bansa, at

Malaki ang inaasahan ng mga magsasaka kay DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano ngayong siya na ang kalihim ng ahensya at

maipatutupad niya ang adhikain at adbokasiya sa usapin sa tunay na reporma sa lupa.

‘WALANG MAGSASAKANG MAPAPATALSIK SA KANYANG LUPANG SINASAKA’

Ni DANI MEI MANUEL

ang paglilinaw kung ano ang kahalagahan na maging batas itong GARB (Genuine Agrarian Reform Bill).”

Minsan nang ipinangako ni Ka Paeng na, "Walang magsasakang mapapatalsik sa kanyang lupang sinasaka.” Bagaman mahirap, may mga hakbang na siyang nasimulan para tiyaking maibibigay sa mga magsasaka ang matagal na nilang inaasam sa loob ng maraming dekada.

Ayon kay Flores, ang imbestigasyon sa pagpapatupad

ng CARP at CARPER law ang pinagtutuunan ng pansin ni Ka Paeng sa unang taon nito bilang kalihim ng DAR. Aniya, “Ang ginagawa ngayon ni Ka Paeng, ‘yung investigation sa lahat ng implementation dahil mahigit 30 years na itong umiiral subalit malaking pondo ang nagastos sa gobyerno at wala pa ring lupa ang mga magsasaka.”

Bukod pa rito, ayon kay Flores, nagkaroon din ng “moratorium para sa pagbabayad ng amortization sa Landbank...

at moratorium sa land use conversion.” Marami rin daw natulungan na mga magsasaka si Ka Paeng na nakulong o di kaya’y pinapalayas sa kanilang lupang sinasakahan.

Malaki ang inaasahan ng mga dating kasamahan ni Ka Paeng katulad ni Flores sa mga magagawa niya para sa sektor na pinanggalingan niya mismo. Kaya naman bilang paalala, ang mensahe ni Flores kay Sec. Mariano, “Iyong naumpisahan natin na pakikibaka sa kanayunan, nadala natin sa pambansang antas hanggang sa kasalukuyan. Nasa Department of Agrarian na ikaw na isang kalihim. Sana ipagpatuloy natin ang ating adhikain at adbokasiya sa usapin sa tunay na reporma sa lupa.”

LATHALAINP

ho

to C

ou

rtes

y o

f DA

R O

ffici

al F

aceb

oo

k p

age

Ang makasaysayang pagbubukas ng tarangkahan ng DAR para sa mga magsasaka

Page 7: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

7

BAGO pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay ang pagsasaka na ang

pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino. Naging bahagi pa nga ito ng sistema ng ating pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Hindi naglaon ay sapilitang inagaw ng mga Kastila ang mga lupain sa mga Pilipino. Isa ito sa mga naging dahilan ng paghihimagsik at pag-aaklas noong araw. Natalo ang mga Kastila, dumating ang mga Amerikano. Naging problema sa kanila ang mga lupang pinag-aagawan kaya pinamunuan nila ang pag-oorganisa ng mga lupain sa Pilipinas. Ang ilan sa mga lupaing ito ay binili ng mga Amerikano sa mga Kastila at ito ang tinawag na mga “friar lands” kung saan ang ilan sa mga ito ay isinalin sa mga indibidwal at ibinenta sa malalaking korporasyon.

Dahil sa mga pangyayaring ito, mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng mga PML o ang tinatawag na ‘Panginoong-May-Lupa’. Nanaig ang sistemang piyudalismo. Ang mga kawawang magsasaka ay mas lalong nalugmok sa kahirapan at paunti-unting nawalan ng karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

Sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino, isang batas ang kanyang pinirmahan noong Hunyo 10, 1988 upang mas makatulong sa mga magsasaka sa kanayunan. Isinabatas ang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program, ang pagbabahagi ng pampubliko at pribadong agricultural lands sa mga magsasaka at mga nagtatrabaho sa sakahan na walang sariling lupa. Ang layunin ng CARP ay ang pagkakaroon ng pantay na land ownership sa bansa at matulungan ang mga agrarian reform beneficiaries na epektibong mapamahalaan ang kanilang kabuhayang agrikultural. Ang pinakamahalagang aspeto ng CARP ay ang pamamahagi ng lupa sa

mga magsasakang benepisyaryo. Ang land distribution at acquisition ay initiated ng isang Notice of Coverage o NOC—isang sulat na nagpapaalam sa isang land owner na ang kanyang lupain ay sakop o nakailalim sa programa ng CARP at ito ay subject for acquisition at ipapamahagi sa mga beneficiaries. Kasabay nito, ipapaalam din sa may-ari ng lupain ang kanyang karapatan sa

ilalim ng batas kasama na rito ang matitirang limang ektaryang lupain na maiiwan sa kanya. Maganda ang hangarin ng nasabing batas dahil isa sa mga magandang dulot nito ay pagkakaroon ng social justice lalo na sa mga magsasaka sa kanayunan ngunit dumaan ang dalawang dekada, umabot sa deadline ang nasabing batas. Halos wala pa sa kalahati ang naipamahaging lupa. Samu’t

ANG KUMPLIKADONG UGAT NG PROBLEMA SA LUPA NG MGA MAGSASAKA

sari ang mga nakitang butas sa programa.

Taong 2008, isang amendatory law ang ipinasa sa Kongreso para palawigin pa ang extension ng deadline ng pamamahagi ng lupa hanggang limang taon. Ito ay ang CARPER o ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms. Ngunit katulad ng CARP, umabot din ito sa itinakdang deadline at hindi nakumpleto ang pamamahagi ng lupa sa mga dapat mabigyan. Isa sa kinaharap na problema ng programa ay ang nakapailalim sa mandato ng CARPER na ang mga pribadong lupa na karamihan ay pagmamay-ari ng mga asendero at mga korporasyon ay maaari lamang maipamahagi kung maibibigay ang mga lupa na bahagi ng orihinal na plano ng CARP ngunit taon din ang binilang, hindi umabot sa 90 percent target na agricultural lands ang naibigay sa mga beneficiaries. Kaya naman, ayon sa ilang agricultural groups, imposible itong mangyari at tila wala silang natatanaw na pag-asa sa ganitong klaseng sistema. Dagdag naman ng Department of Agrarian Reform, isa sa mga naging hadlang at kinaharap ng kanilang ahensya sa implementasyon ay mga technical description sa mga titulo ng lupa, ang iba naman sa mga ito ay nasira kaya’t kailangan pang idaan sa court proceedings para sa muling pag-iisyu ng mga titulo. Naging hadlang din ang pagsasampa ng petisyon ng mga may-ari ng lupa upang hindi mapasama o mapailalim sa CARP ang kanilang mga lupain.

Nakakapagtaka na ang problema sa lupa ng mga magsasaka na idinulot ng mga Kastila at Amerikano ay hindi maresolba ng mga batas. Umaasa ang mga magsasaka na sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa patnubay ni DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano ay maipatupad na ang Genuine Land Reform at mapasakamay na ng mga magbubukid ang lupang para naman talaga sa kanila.

Ni FAY MANIAUL

Umaasa ang mga magsasaka na sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa patnubay ni DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano ay maipatupad na ang Genuine Land Reform

at mapasakamay na ng mga magbubukid ang lupang para naman talaga sa kanila.

Ph

oto

Co

urt

esy

of D

AR

Offi

cial

Fac

ebo

ok

pag

e

LATHALAIN

Nag-ugat ang problema ng mga magsasaka sa lupa simula noong panahon ng mga Kastila at Amerikano.

Page 8: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

8

EDITORYAL

BENJIE REDONDO FELIPEEditor-in-Chief

DEAH RICACHOOperations Officer

KATE AGNAAdministrative Assistant

JOHARA MARIE MALIGANG Editorial Assistant

FAY ZAIRENE MANIAULArt Director

KC CORDEROManaging Editor

HENRY VERIDIANOJANSSEN CHARLES ESTRABELA

DAVID VERIDIANOPhotographers

CEZAR ZEAProductionCoordinator

CARLO VALENZUELAVINCE ANDREW ONG

PATRICIA DELARALayout Artists /

Cartoonists

DANI MEI MANUELROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS

KATHERINA DELGADOMICH NABRE

PATRISHA BAGALSOWriters/Reporters

TONIE CABIGTINGVIRNARD GABISON

ANGEL SAGALESResearchers

Printing: GEORGE APACIBLEDistribution: Philippine Information Agency

HAROLD CLAVITE - Director GeneralANGELO VILLAR - Deputy Director General

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Office at may tanggapan sa: 3rd Floor, Philippine Information Agency, Visayas Avenue,

Diliman, Quezon City

Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng s

inuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay libreng ipinamamahagi ng Presidential Communications Office.

May karampatang parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: (02) 9204336

E-mail: [email protected]: Mula sa Masa Para sa Masa

OPINYON

NAGMULA sa ranggo ng mga magsasaka. Hindi lang nakita, narinig at

nadama kundi naranasan din ang pangangailangan sa tunay na repormang pansakahan. Bukod sa kakayahang mamuno, ito ang hatid ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano. Kaya kung meron mang karapat-dapat sa kumpirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA), walang dudang isa na rito si Ka Paeng.

Bago pumasok sa recess ang Kongreso noong Marso, ang kumpirmasyon sa pagtatalaga kay Sec. Mariano bilang Kalihim ay hindi inaksyunan ng CA. Dahil sa pag-bypass na ito, kailangang muling italaga ng Pangulo ang Kalihim upang patuloy nitong magampanan ang tungkulin bilang lider ng DAR.

Bagama’t pinili ngang i-reappoint ng Pangulo si Ka Paeng nitong Abril, nanganganib pa rin ang huli na matanggal bilang DAR secretary kapag muling hindi i-confirm o kapag patuloy na iba-bypass ng CA ang naturang appointment lalo na’t kamakailan lang ay ipinatupad na ng Komisyon ang three-strike policy nito.

Sa ilalim ng bagong polisiya,

KARAPAT-DAPAT SI KA PAENG SA DAR

ang mga presidential appointees na tatlong beses nang na-bypass ng CA ay nahaharap sa prospekto ng rejection.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ang pag-bypass kay Sec. Mariano at dalawang iba pa ay dahil sa scheduling problems na kinaharap ng Komisyon. Ayon naman sa ilang grupo, nabalaho ang kumpirmasyon ni Ka Paeng dahil sa malakas na oposisyon

mula sa mga landlord dahil sa kanyang matatag na pagsulong sa Genuine Agrarian Reform Law at karapatan ng mga magsasaka, o dahil sa rami ng mga makapangyarihang taong kanyang nabangga bilang kilalang miyembro ng grupong makakaliwa na aktibong nagpoprotesta laban sa kasalukuyang repormang pansakahan ng gobyerno.

Anuman ang tunay na dahilan,

hindi nito matatabunan ang katotohanang si Ka Paeng ang Kalihim na kailangan ng mga Pilipinong magsasaka ngayon kung totoo nga ang malasakit ng gobyerno para sa kapakanan ng huli.

Si Ka Paeng, katulad ng karamihan ng mga magsasaka, ay nagmula sa pamilya ng mga magsasakang namulat sa pang-aabuso ng mga landlord. Isa siya sa mga mahihirap na Pilipinong ilang taong nagbungkal ng lupa para mabaon lamang sa utang dahil sa hindi makatarungang sitwasyong kinahaharap ng marami sa mga magsasaka sa bansa. Isa siya sa hindi mabilang na mga magsasaka na araw-araw ay yumuyuko sa lupa pero piniling taas-noong lumaban para sa kanilang mga karapatan. At siya na nga ngayon ang kauna-unahang magsasakang nakaupo sa pinakamataas na posisyon sa Kagawaran ng Repormang Pansakahan.

Isa sa mga makasaysayang ginawa ni Ka Paeng mula nang maitalaga siya ay ang pagbubukas sa mahigit dalawang dekada nang nakakandadong pintuan ng ahensya para sa mga magsasaka. Bilang kapalit, ang pintuan para maging lider ng Department of Agrarian Reform ba ang siya namang isasara ng Commission on Appointments laban sa isang magsasaka?

Page 9: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

9OPINYON

PTK NISEC

SA mga bansang aking napupuntahan pag kasama ako sa mga

biyahe ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte ay lagi akong nakikipagkita sa aking mga counterpart doon. Gusto kong makita ang sitwasyon ng kanilang communications department, at gusto ko rin na may ideya sila kung ano na ang estado ng departamento na hinahawakan ko.

Nakatutuwa na laging mainit ang pagtanggap ng aking mga counterpart—kung paano ko rin naman sila malugod na inaasikaso kapag sila ang pumapasyal sa ating mga pasilidad ng komunikasyon.

Noong Abril 13 ay bumisita ako sa Bahrain Ministry of Information Affairs (MIA) sa Manama, sa hangaring magkaroon ng mutual agreement ang ating Department of Communications sa kanilang ahensya. Nabanggit ko sa aking mga counterparts doon na pinalalawak natin ang Philippine News Agency, at ang pagtatayo ng Salaam Television Network sa Pilipinas. Ang Salaam ang magiging first Muslim, first Islamic channel sa ating bansa na itatatag ng ating pamahalaan.

Excited ako sa proyektong ito at isa iyon sa mga dahilan kaya bumisita ako at nakipag-usap sa kanilang Ministry of Information at sa Bahraini News Agency. Malaki kasi ang posibilidad na magkaroon tayo ng kooperasyon sa kanila at maaari tayong matuto sa Bahraini News Agency at sa Bahraini Broadcasting lalo na sa mga proseso ng broadcasting sa Muslim o batay sa mga kulturang Islam.

Inilibot ako sa kanilang mga pasilidad ng mga MIA officials sa pangunguna ni Engr. Abdulla Ahmed Al Balooshi, General Director of Technical and Technology Affairs, na kumatawan kay Information Affairs Minister Ali bin Mohammed Al-Rumaihi.

SALAAM TV NETWORK AT PAGBISITA SA COMMUNICATIONS

DEPARTMENT NG IBANG BANSA

Isinagawa namin ang tradisyunal na pag-inom ng Arabic coffee bilang bahagi ng pagtanggap nila sa akin at sa aking mga kasamahan. Nagpalitan kami ng mga kuru-kuro ng kanilang general director sa receiving room ng Minister's Office.

Una kong sinilip ang state-of-the-art radio and television broadcast facilities doon. Napakaganda! Humanga ako sa kanilang TV station at sa Bahraini News Agency na dating Gulf News Agency. Sa aking palagay ay isa sila sa nangunguna pagdating sa pagbabalita dahil sa kanilang state-of-the-art technology.

Nabanggit ko sa aking mga kasama sa pagbisitang iyon na marami kaming matututunan

sa Bahraini News Agency, at isang malaking hakbang sa magaganap na ugnayan sa kanila ang aming pagdating. Umaasa ako na ang mga ahensya sa komunikasyon ng ating bansa at ang kanila—ang Philippine News Agency at ang Bahrain News Agency—ay maging magkatuwang sa pagbabalita.

Bumisita rin ako sa kanilang 800-square-meter Production Studio 1 at nakita ko ang kanilang ipinagmamalaking beehive interior motif at ang wall-to-floor video screen. Ipinakita rin sa akin ang headquarters ng Bahraini News Agency na may Arabic, English, Social Media at maging Internet sections.

Sa kanilang News Center

naman ay may fixed and movable video walls, at ang Radio Bahraini ay may malaking studio na ginagamit sa multipurpose production.

Ang Bahraini News Agency ay may apat na television stations at siyam na radio stations. Ang TV broadcast ay digital na ang signal, samantalang ang radyo ay nasa proseso pa ng paglilipat sa digital broadcasting.

Sabi ko sa aking counterpart, "So once you finished that, the nine radio stations can be multiplied to how many... 10 programs per channel in a digital platform? So you will have 90. The problem now is the content. Maybe, we can work out a mutual understanding where we can put Filipino programming." Nabanggit ko ang importansya ng balita o programa sa Filipino lalo pa at may mahigit 60,000 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Bahrain—na tiyak ng captured market. Maririnig nila ang mga kaganapan sa ating bayan kahit wala sila sa Pilipinas. Again, looking forward tayo na maisakatuparan ito sa malapit na hinaharap.

Sa bawat pagbisita ko sa mga communications department ng ibang bansa ay napag-uusapan din ang transfer of technology at training. Umaasa ako na ang mga kasamahan ko sa Presidential Communications Operations Office ay makapagsasanay sa alinman sa mga pasilidad sa komunikasyon sa ibang bansa at matututunan ang kanilang sistema at teknolohiya. Handa naman ang PCOO na magsanay rin at magturo sa kanilang mga staff na ipadadala sa atin.

Samantala, gagamitin ko ang pagkakataon na ito para ipaalam sa lahat ang nalalapit na pag-ere ng Salaam TV Network na ipapalabas din sa PTV4. Sa pamamagitan nito ay higit nating mauunawaan ang kultura ng ating mga kapatid na Muslim.

Ang matagumpay na pagtatalakayan nina PCOO Sec. Martin Andanar at Kingdom of Saudi Arabia

Minister of Culture and Media Adel Al-Toraifi

Page 10: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITA VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

10

Ni DANI MEI MANUEL

NAGSIMULA ang buhay-aktibista ni Sec. Rafael Mariano noong siya’y 20 taong gulang pa lamang

nang sumali siya sa Bisig ng Kabataan, isang organisasyon ng mga kabataan na nagsusulong ng karapatan ng mga magsasaka.

Noong 1981, sa edad na 25, nahalal siya bilang konsehal sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija, ang lugar kung saan siya ipananganak at lumaki.

Kalauna’y naging regional vice chairperson siya ng Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon noong 1984.

Nagsilbi naman siya bilang secretary-general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas nang maitatag ito noong 1985. Taong 1990 naman nang maging national vice chairperson siya ng KMP at taong 1993 nang maging national chairman siya ng organisasyon.

Sa loob ng mahigit tatlong dekadang panunungkulan bilang tagapangulo ng grupo, matagumpay niyang pinamunuan ang samahan na ngayo’y binubuo na ng 15 regional chapters, 65 provincial chapters at mahigit dalawang milyong indibidwal na miyembro. Ang paglawak ng kanilang samahan, ayon kay Antonio Flores, Secretary-General ng KMP, ay dahil sa pagpupursige ni Ka Paeng bilang lider ng grupo.

Pagpapaliwanag ni Flores, “Noon, hindi lahat ng probinsya ng Pilipinas ay may chapter ang KMP. Pero dahil sa

Makulay ang naging pakikipaglaban ni Ka Paeng para sa karapatan ng mga magsasaka.

Naging aktibista siya, lider ng mga magsasaka hanggang maging mambabatas. Sa lahat ng aspeto

ng kanyang buhay ay iisa ang kanyang mithiin—lupa para sa

mga magsasaka.

LUPA PARA SA MGA MAGSASAKA

mga pakikibaka... ang lahat ng mga kaso na hindi kayang tugunan sa mga lokal na ahensya, idinulog sa pambansang antas at dito nakatulong si Ka Paeng sa paglapit sa iba’t ibang ahensya.”

Si Ka Paeng ang nanguna sa pangangampanya para sa totoong repormang pangsakahan at ang paglaban sa iba’t ibang uri ng feudal exploitation. Isa rin siya sa libu-libong magsasaka na nagprotesta sa ngayo’y tinaguriang Mendiola Massacre, isang dapat ay mapayapang kilos-protesta na nagsusulong ng repormang pangsakahan, na nauwi sa gulo at kumitil sa buhay ng 13 magsasaka.

At bilang pagkilala sa mga namatay na magsasaka, pinangalanan nila ng kanyang asawang si Estrelita ang anak nilang babae bilang Mendiola.

Hindi lang ang mga pakikibaka sa

lebel na nasyunal ang pinagtuunan ng pansin ni Ka Paeng. Aktibo rin siya sa pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga magsasaka sa mga probinsiya. Hindi raw malilimutan ni Flores ang kontribusyon ni Ka Paeng sa KMP at sinabing, “Maliban sa pagiging tagapagsalita, nagbabahagi siya ng iba’t ibang karanasan ng mga magsasaka sa buong Pilipinas para mapagkunan ng aral at magamit sa aming lokal na pakikibaka. Marami siyang naging tulong sa amin dahil ‘yung mga buhay na karanasan ay naipaabot niya lalo na sa mga baguhang miyembro para sila ay mamulat at maging konsolidado sa loob ng samahan.”

Sa matagal na panahon na nakasama ni Flores sa pakikibaka si Ka Paeng, lubusan niya itong nakilala at itinuring na, “mas mahigit pa sa isang kapatid.” Nakasama raw niya si Ka Paeng na nanirahan sa kanilang opisina sa Quezon City sa loob ng mahigit na sampung taon at nakasalo “sa pagkain, sa paglilinis nitong opisina, hanggang sa mga pulong, sa mga discussion tungkol sa mga issue.”

Mailalarawan daw niya bilang isang simpleng tao ang kaibigan na ngayo’y kalihim ng DAR. Bagaman seryoso raw ang kalihim sa pagsisilbi sa bayan, makuwento at palabiro rin daw ito. Naaalala rin daw ni Flores na, “Kapag may mga pagtitipon, magaling siyang kumanta. Magaling din siyang maggitara.

Ph

oto

Co

urt

esy

of D

AR

Offi

cial

Fac

ebo

ok

pag

eLATHALAIN

Hangarin ni DAR Sec. Rafael Mariano na maipatupad ang Genuine Land Reform program sa panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Page 11: VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-VOL-2... · VOLUME 2 ISSUE NUMBER 4 BALITA 3 mabilang ang mga nobela, pinta, pelikula, teleserye

BALITAVOLUME 2 ISSUE NUMBER 4

11LATHALAINLATHALAINIyong ‘Patak ng Ulan’ ang palagi niyang kinakanta dahil alaala raw niya iyon sa kanyang pagsasaka dahil kung walang ulan, mahirap mabuhay ang mga pananim.”

Taong 1998 naman nang maging national chairman siya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), isang progresibong grupo na binubuo ng iba’t ibang sektor ng lipunan na nagsusulong ng demokrasya at ng liberasyon ng lipunan mula sa imperyalismo, piyudalismo at kapitalismo.

SI KA PAENG BILANG PINAKAMAHIRAP NA KONGRESISTA

Naging kinatawan si Ka Paeng ng Anak-Pawis party-list sa Kongreso simula 2004 hanggang 2013. Itinuring siya bilang isa sa mga pinakamahirap na kongresista dahil hindi lumalagpas sa P100,000 ang taunang net worth niya. Ang pinakamababang net worth na idineklara niya ay P18,537 noong 2005 at ang pinakamataas naman ay noong 2012 na nagkakahalaga ng P92,507.

Isa rin siya sa tinaguriang “Batasan 5” o ang mga kongresista na napiit sa Batasang Pambansa sa loob ng dalawang buwan noong 2006 dahil

“Ang lahat ng mga kaso na hindi kayang tugunan sa mga lokal na ahensya, idinulog sa pambansang antas at dito nakatulong si Ka Paeng sa paglapit sa iba’t ibang ahensya.”

sa paratang na nagsabwatan sila para sa

planong pagpapatalsik sa administrasyong Arroyo.

Bilang kongresista, isa siya sa lumalaban para sa pagpasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) Bill na kalauna’y naisabatas at naging Republic Act 9700.

Isinulong niya ang Genuine Agrarian Reform Bill na naglalayong magkaroon ng malaya at libreng distribusyon ng lupa

PROTEKSYON para sa mga karapatan at kapakanan ng mga magsasaka— ito ang pundasyon ng 2017-2022

Strategic Plans and Directions ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano.

Ayon sa kalihim, kailangang igiya sa bagong direksyon ang Kagawaran para mas epektibo nitong matugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka.

Aniya, "I believe that if this directive is promoted and strictly enforced, other

Patuloy pa rin ang mga panginoong may lupa (landlord) sa pagkamkam

sa mga lupang sakahan. Para malampasan ang mga ganitong

pagsubok na kinahaharap ng mga magsasaka, sa halip na

Comprehensive Agrarian Reform Program ay dapat nang isulong ang Genuine Agrarian Reform— isang

hakbang na maglalapit sa mga magsasaka sa pangakong tuluyan

nang mapapasakanila ang lupang sinasaka.

‘GENUINE AGRARIAN REFORM’ DAPAT ISULONG—KA PAENG

Ni MICHELLE NABRE

Paniniyak ni Ka Paeng, "Under my watch, the department would do its best to fulfill its mandate of providing land to the landless tillers."

thrusts of the departments such as farmers' security of tenure, provision of support services, the rest would follow suit."

Ipinaliwanag ni Ka Paeng na makalipas ang napakaraming taon, semi-feudal pa rin ang umiiral na sistema ng agrikultura sa bansa. Wala pa ring humpay ang mga landlord sa pagkakamkam sa lupang para sana sa mga magsasaka at sa paglabag sa mga karapatan ng huli; at laganap pa rin ang kahirapan sa rural na lugar, ilegal na pag-convert sa gamit ng lupa, at agri-trade liberalization.

Naniniwala siya na para malampasan ang mga pagsubok na ito na patuloy na kinahaharap ng mga magsasaka, kailangan ng lumayo sa Comprehensive Agrarian Reform Program at isulong ang Genuine Agrarian Reform—isang hakbang na maglalapit sa mga magsasaka sa pangakong tuluyan nang mapapasakanila ang lupang sinasaka.

sa mga magsasaka. Ipinanukula din niya ang Coconut Levy Funds Administration and Management Act of 2008 na may hangaring magbuo ng Coconut Industry Development Council, isang ahensyang mamamahala sa Coco Levy Funds. Isinulong din niya ang Farmers Security of Tenure Act upang maprotektahan ang mga magsasaka nang hindi sila maapi o mapatalsik sa sinasakang lupa hanggang walang hatol mula sa korte. Sa kasamaang palad, hindi nakakuha ng suporta sa kongreso ang mga panukalang ito kaya’t hindi naisabatas.

Lar

awan

ku

ha

ni J

anss

en C

har

les

Est

rab

ela

Antonio Flores, Secretary-General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas