29
URI NG KOMUNIKASYON Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Uri ng Komunikasyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Uri ng Komunikasyon

Citation preview

Page 1: Uri ng Komunikasyon

URI

NG

KOMUNIKASYON

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 2: Uri ng Komunikasyon

VERBAL• Isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay.

• Sangkot sa prosesong ito ang pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita at pakikinig.

• Ito rin ang tawag sa komunikasyong ginagamitan ng wika, pasulat man o pasalita na siyang kumakatawan sa mga ideya at saloobin ng isang tao.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 3: Uri ng Komunikasyon

Ayon kay Gerald: (1960) ginagamit ang komunikasyon sa mga ideya at bagay-

bagay.1. Kung sunud-sunod ang mga informasyong dapat lutasin, higit na mabisa ang pandinig kaysa visual na metodo upang makagawa ng temporal na diskriminasyon.

2. Kung abala sa isang gawain ang tagatanggap, ang kanyang fokus sa pakikinig ay nababawasan.

3. Kung ang mensahe ay mahahalaga at payak. Mas madali itong mauunawaan at matatandaan kapag napakinggan o nabasa.

4. Kapag mahalaga ang flexibiliti ng transmisyon ng mensahe, efektibo ang paggamit ng tinig lalo na sa pagbibigay ng infleksyon at empasis.Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 4: Uri ng Komunikasyon

5. Kung maglalahad ng isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit ng verbal na komunikasyon ay napakabisa.

6. Kapag ang resepsyong viswal ay hindi mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong pangkaligiran, ang paggamit ng komunikasyong verbal ay mas lalong kapaki-pakinabang.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 5: Uri ng Komunikasyon

Paraan ng Pagpapakahulugan o Interpretasyon ng mga

Simbolong Verbal

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 6: Uri ng Komunikasyon

1. Referent– tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita

-- tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon, ugnayan ng bagay sa ibang bagay.

2. Komong Referens– ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa proseso ng komunikasyon.

3. Kontekstong Verbal– ang tawag sa kahulugan ng isang salita na matutukoy batay sa ugnayan nito sa iba pang salita.

4. Paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance (Paralanguage)– maaari ring magbigay ng kahulugang konotativo

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 7: Uri ng Komunikasyon

Di- Verbal na Komunikasyon

• Hindi ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.

• Tumutugon sa mga kabatirang dala ng tagapaghatid sa tagatanggap nang walang ginagamit na mga salita

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 8: Uri ng Komunikasyon

Iba’t Ibang Anyo ng Di-verbal na Komunikasyon

1. Kinesika ( Kinesics)

-- ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 9: Uri ng Komunikasyon

* Ilang galaw ng katawan na ginagamit sa di-verbal na komunikasyon

1. Ekspresyon ng Mukha

Mehrabian (1971)

7%- verbal na pagpa-

hayag-kahulugan

ng mensahe

38%- palatandaan ng

pagsasalita ( tono ng tinig)

55%- ekspresyon ng mukha/ kahulugan ng kilos

* Hindi dapat ipagwalangbahala ang ekspresyon ng mukha sa paghahatid ng mensaheng di- verbal

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 10: Uri ng Komunikasyon

b.Galaw ng Mata Argyle at Ingham (1988)

2.95 segundo – katamtamang tagal

ng pagtingin

1.18 segundo – ang pagtitinginan ng

dalawang taong may

paghanga sa isa’t isa

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 11: Uri ng Komunikasyon

c. Kumpas

-- unibersal na kahulugan

Pagtaas ng kamay

Pagtikom ng kamao

nakabuka ang hintuturo at ang

hinlalato– victory sign

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 12: Uri ng Komunikasyon

d. Tindig

-- nakapagbibigay ng hinuha kung

anong klaseng tao ang iyong

kaharap o kausap.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 13: Uri ng Komunikasyon

2. Proksemika (Proxemics)

-- pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo (Edward Hall 1963-

Antropologo)

hal. Malapit– may interes

Malayo– kawalan ng interes

Uri ng Proxemic Distance

1. Intimate Distance

-- up to 1- ½ ft.

2. Public Distance

-- 12 ft. o higit pa

3. Social Distance

-- 4 -12 ft.

4. Personal Distance

-- 1- ½ - 4 ft.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 14: Uri ng Komunikasyon

3. Kronemika

~ Oras

Dalawang Aspekto

1. Panahon o oras na Pangkultura

a. Teknikal o Siyentipikong Oras

- eksakto

- ginagamit lamang ito sa laboratoryo at

kaunti lamang ang kaugnayan nito sa

pang-araw-araw nating pamumuhay

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 15: Uri ng Komunikasyon

b. Pormal na Oras -- tumutukoy kung paano binibigyan ng

kahulugan ang kultura at kung paano ito itinuturo.

Hal. Sa kultura ng ating oras = hinahati sa segundo,minuto,oras, araw, linggo, buwan at taon. Sa ibang Kultura = ginagamit ang pagbabagu-bago ng buwan o panahon sa pagpapaliwanag

ng oras. Sa eskwelahan = may itinakdang oras sa isang

asignatura, ilang linggo sa sa loob ng isang semestre

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 16: Uri ng Komunikasyon

c. Impormal na Oras

= medyo maluwag sapagkat hindi eksakto.

hal. Magpakailanman, agad-agad,

sa madaling panahon at

ngayon din

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 17: Uri ng Komunikasyon

D. Sikolohikal na Oras

-- tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 18: Uri ng Komunikasyon

3. Pandama o Paghawak ( Haptics)

-- ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. ( sense of touch)

* Ilarawan ang mga ss:

hawak pindot

hablot pisil

tapik batok

haplos hipo

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 19: Uri ng Komunikasyon

4. Paralanguage

-- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita

-- pagbibigay-diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig

-- kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 20: Uri ng Komunikasyon

5. Katahimikan / Hindi Pag-imik

-- may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di pag-imik/ katahimikan

-- pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanayang sasabihin

-- sandata rin ang katahimikan

-- tugon sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin

-- tumutukoy sa pagbigkas ng isang salita

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 21: Uri ng Komunikasyon

6.Kapaligiran

-- ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran

-- Pormal/ di pornal – kaayusan ng lugar

7.Simbolo (Iconics)

-- mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe

Hal. Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 22: Uri ng Komunikasyon

8.Kulay

-- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon

Hal. Itim na damit

Bandilang pula

taling dilaw sa noo

puting panyo

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 23: Uri ng Komunikasyon

Pisikal ba taglay ng tagapagsalita na maaaring makatulong sa

mensaheng nais niyang iparating

Melba Padilla 2003

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 24: Uri ng Komunikasyon

a. kulot na buhok -- matigas ang ulo

b. malapad ang noo – matalino; malawak ang pananaw sa buhay

c. makitid ang noo – hindi matalino; makitid ang pananaw sa buhay

d. magatla o malinyang noo – maraming suliranin

e. salubong ang kilay – galit; masungit; naiinis; matapang

f. mangungusap na mata – mapaglarawan o mapagpahayag

g. mapungay na mata – inaantok; mapangarapin; may gusto

h. malaking tainga – mahaba ang buhay

i. ngiting aso – taksil o masama ang pakay

j. bumagsak ang mukha – napawi ang tuwa

k. mukhang maamo -- mabait Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 25: Uri ng Komunikasyon

Konsiderasyon sa Mabisang

Komunikasyon

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 26: Uri ng Komunikasyon

-- Binigyang halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon na siyang batayan upang makategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at konteksto ng pakikipagtalastasan.

Etnograpiya/ etnograpi–

ay mula larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 27: Uri ng Komunikasyon

S etting – Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?

P articipant – Sinu-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?

E ends – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?

A ct sequence– Paano ang takbo ng usapan?

K eys – Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal

I nstrumentalities– Anong tsanel ang ginamit? Pasalita ba o pasulat?

N orms– Ano ang paksa ng usapan?

G enre– Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo o nangangatwiran?

Ilang Konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa sa komunikasyon

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 28: Uri ng Komunikasyon

S Saan ginanap ang mga kumperensya ng mga peryodistang mag-aaral?

UST Medicine Auditotirum

P Sinu-sino ang mga kalahok sa kumperensyang ito?

Mga delegadong estudyante na pawang mamamahayag o peryodista na galing sa iba’t ibang kolehiyo o pamantasan

E Ano ang pakay o layunin ng kumperensyang ito?

Magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pamamahayag batay sa mga karanasan ng mga batikang mamamahayag sa bansa

A Paano ang takbo ng usapan?

Maayos ang daloy ng talakayan dahil may sistemang sinusunod at may tagapamagitan sa bahagi ng talakayan at tanungan

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON

Page 29: Uri ng Komunikasyon

K Ano ang tono ng pag-uusap?

Pormal ang talakayan sa kumperensya

I Pasalita ba o pasulat ang tsanel na ginamit?

Pasalita ang ginagamit na instrumento sa talakayan

N Ano ang paksa ng usapan?

Kasalukuyang isyu at usapin sa mga pahayagang pampaaralan gaya ng karapatan ng mga peryodista at mga suliranin ng pahayagang pangkampus.

G Ano ang diskursong ginagamit?

Gumagamit dito ng pagsasalaysay, pangangatwiran at pagpapaliwanag.

Modyul 3: URI NG KOMUNIKASYON