21
8 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya 8

Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

  • Upload
    others

  • View
    30

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristina C. Villaceran

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Nova A. Pardillo

Tagaguhit: Cristina C. Villaceran

Management Team Schools Division Superintendent: Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendents: Dr. Cartesa M. Perico Dr. Ester A. Futalan Dr. Leah B. Apao CID Chief: Dr. Mary Ann P. Flores Division EPS in Charge of LRDMS: Mr. Isaiash T. Wagas EPS in ESP: Mrs. Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032)225-6405 E-mail Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

i

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3.3

(Week 6)

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang ahensya ng edukasyon ay lugod na gumagawa ng paraan para mapa

abot natin sa ating mga mag-aaral ang pagkatuto na nararapat lamang sa kanila

lalong lalo na sa panahon na ating kinakaharap ngayon. Lugod naming inaabot sa

inyo tagapagdaloy, ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakato 8 ng Alternative

Delivery Mode na may araling- Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa

Pagpapatatag ng Pamilya.

Ang modyul na ito ay gawa ng pinagsamang pagsisikap ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon para magabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy. Ginawa rin ito upang matulungang makamit ng mag-aaral ang

pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang isinasabuhay ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makatulong sa mga mag-aaral para sila

ay mapatnubayan at magkaroon ng malayang pagkatuto sa mga gawain na naaayon

sa kanilang kakayahan, yugto, bilis at oras. Isa rin sa layunin nito ay ang matulungan

ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang

isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, mahalagang bigyan ng paunang kaalaman ang mag-

aaral para masubaybayan sila kung paano gamitin ang modyul na ito.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

iii

Kinakailangan ding itala ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin ang mag-aaral para

makita nila ang kahalagahan nito at maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul na may galak at tuwa.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyong epektibong pagkatuto. Lugod

naming inaabot sa inyo ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng

Alternative Delivery Mode na may araling- Ang Kahalagahan ng Komunikasyon

sa Pagpapatatag ng Pamilya.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan at kakayahan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad nitong mabigyan ka ng epektibo at makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito malalaman ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit o gawain na ito, malalaman

natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin

ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay o maikonekta ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

iv

Tuklasin

Ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa

bahaging ito sa maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa bahaging ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang mga

bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawain para sa

mapatnubay at malaya mong pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at

mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang mas lalong maproseso ang mga

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong

sa iyo upang maisalin at maisabuhay ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

sitwasyon o reyalidad ng buhay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

v

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong masukat ang

antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, bibigyan ka ng panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga wastong sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka

o sulat ang anumang bahagi o pahina ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang lahat ng mga gawain na napapaloob sa modyul

na ito. Siguraduhin rin na kumpleto mong na isagawa ang lahat ng mga gawain.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan at isabuhay ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga

gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paggawa

ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

vi

5. Siguraduhing natapos ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang

pagsasanay.

6. Pakibalik nang maayos at malinis ang modyul na ito sa iyong guro o

tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung may pagkakataon na ikaw ay mahirapang intindihin at sagutin ang mga

gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o

tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong nanay o tatay, o sa

nakatatanda mong kapatid o sino man na kasama mo sa bahay na mas

nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, matulungan at makararanas

ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

1

Alamin

Panimula

Siguro sa panahong ito napahalagahan mo ang papel ng komunikasyon sa

pagpapatag ng inyong pamilya. Pero, hindi pa tayo nagtatapos dyan. Mas

pagyamanin pa natin ang ating kaalaman at kakayahan pagdating sa pagkikipag-

ugnyan sa ating pamilya at kapwa. Hindi lamang ang ating pamilya ang natutulungan

at napagtitibay ng komunikasyon kundi pati na rin ang ating kakayahan na makipag-

ugnayan sa ating kapwa. At ang lahat ng ito ay nararapat lamang na matutunan

nating una sa loob ng ating pamilya.

Sa araling ito mas paunlarin pa natin ang ating kaalaman pagdating sa

komunikasyon gaya nang kung paano ito nagbibigay daan sa mabuting ugnayan sa

kapwa, mga pasailta, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon na nakapag-uunlad

ng pakikipagkapwa at ang mga antas nito.

Sa pag-aaral ding ito, inaasahang masasagot at mapapaliwanag mo ang

mahalagang tanong na ito: Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng bukas na

komunikasyon sa ating pamilya pagdating sa pakikipag-ugnayan natin sa ating

kapwa?

Sa modyul na ito, inaasahan din malilinang sa iyo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pagpapahalaga:

1. nakikilala ang pasalita, di-pasalita at virual na uri ng komunikasyon at limang mga

antas nito

2. nahihinuha na:

a) ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak

ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa

b) ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

2

na uri ng komunikasyon ay nakapagpaunlad ng pakikipagkapwa

c) ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa

angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa

3. napahahalagahan ang papel ng komunikasyon sa pagpapatibay hindi lamang sa

ugnayan sa ating pamilya pati na rin sa ating kapwa

Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag,

MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya ay nagbibigay

daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.

2. Sa di-pasalita na uri ng komunikasyon ang mensahe ay naihahatid sa

pamamagitan ng mga galaw, ekspresyon ng mukha o mga pagtitinginan.

3. Ang virtual na komunikasyon upang maging ganap ay nangangailangan ng

paggamit ng mga teknolohiya para mai-abot ang mensahe na hindi posibleng

mangyari nang harap-harapan.

4. Isa sa mga mabisang gamitin sa mga modernong pamilya para tumatag ang

komunikasyon at ugnayan sa isa’t isa ay ang paggamit ng virtual na

komunikasyon.

5. Isa sa mga antas ng komunikasyon ay ang pang-midya kung saan pinapaabot

ang mensahe gamit ang iba’t ibang midyum ng midya.

Subukin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

3

Balikan

Sa bahaging ito, magbabalik tanaw tayo sa mga karanasan natin pagdating sa

pakikipag-ugnayan sa ating kapwa gamit ang bukas na komunikasyon na una

nating natutuhan sa ating pamilya.

Paano Ako Nakikisalamuha o

Nakikipag-usap sa Aking Kapwa

Bunga o Epekto Nito

1.

2.

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat

hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay

na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. lahat

ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro

upang mabigyan ng nararapat na marka.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

4

Tuklasin

Basahin ang mga kasabihan o sipi na nasa ibaba. Ano sa tingin ninyo

ang nais ipahiwatig o ipa-abot nang sumulat nito sa atin? Isulat ang inyong

sagot sa papel.

1. “Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.”-

Marisol Mapula

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

2. “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.”- Dr. Manuel Dy

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Suriin

Ngayon kilalanin natin ang tatlong uri ng komunikasyon na ginagamit natin sa

tuwing tayo ay nakikipag-ugnayan sa ating pamilya at kapwa. Una ay ang pasalita. Ito

ay uri ng komunikasyon na kung saan ipinapahiwatig mo ang mensahe sa anyong

pasalita o pasulat na ginagamitan ng wika o salita. Ikalawa naman ang di-pasalita.

Dito ipinapahiwatig ang nais mo na hindi gumagamit ng mga wika o salita kundi

ipinapakita mo ito sa iyong kilos at galaw ng katawan o ekspresyon ng iyong mukha.

Ang pangutlo naman ay ang tinatawag nating virtual na komunikasyon. Ito ay

ginagamit ngayong modernong panahon at ginagamitan ito ng mga teknolohiya o

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

5

gadgets at internet. Napakahalaga nito lalong lalo na sa modernong pamilya na may

mga magulang na nagtratrabaho sa ibang bansa. Nang dahil sa virtual na

komunikasyon nagkakaroon ng opurtunidad ang mga kasapi ng pamilya na mag-usap.

Mahalagang maunawaan din natin na sa paggamit natin sa mga uri na na nabanggit

ay dapat maging sensitibo tayo para makatulong ito na maging daan sa pagpapaunlad

ng pakikipagkapwa.

Kilalanin din natin ang limang antas ng komunikasyon (Ruesch at Bateson) na

makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

1. INTRAPERSONAL- ito ay komunikasyong pansarili. Nangyayari sa loob lamang ng

isang indibidwal. Ipinapahayag nila ito sa pamamagitan ng pagsulat ng liham, kanta

at tula, pagguhit, pagpinta at marami pang iba.

2. INTERPERSONAL- ito ay komunikasyong nagaganap o nangyayari sa dalawa o

higit pang tao.

3. PAMPUBLIKO- ito ay komunikasyong nangyayari sa harap ng malaking grupo o

mamamayan ng tagapakinig

4. CROSS-CULTURAL- ito ay komunikasyong ipinakikilala ang kultura ng ibang

bansa sa pamamagitan ng pagtatanghal

5. PANG-MIDYA- ito ay antas ng komunikasyon na ang pinagmumulan ng mensahe

ay ginagamitan ng midya.

Mahalagang maunawaan din natin na malaki ang papel ng ating pamilya sa

paghubog natin sa ating kakayahan sa pakikipag-ugnayan at pagkikipag-usap sa ating

kapwa. Kung ang isang pamilya ay walang bukas na komunikasyon mahihirapan din

tayong magkaroon ng malalim at positibong ugnayan sa ating kapwa.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

6

Basahin ng mabuti ang mga pangyayari na nasa ibaba. Aalamin natin

kung anong antas ng komunikasyon ang ginamit ng mga tauhan sa bawat

pangungusap- intrapersonal, interpersonal, pampubliko, cross-cultural o pang-

midya. Isulat ang inyong sagot sa papel.

_________ 1. Si Anna ay isang tahimik na bata. Hindi siya masyadong

nagsasalita. Sa tuwing malungkot o masaya siya at wala ang kanyang mga

matatalik na kaibigan na pinagbubuhusan nya ng kanyang damdamin, pupunta

na lamang siya sa kanyang kwarto at doon siya sumulat ng mga tula at kanta

para mailabas niya ang kanyang saloobin.

_________ 2. Masaya si Karen na mayroon syang matatalik na kaibigan na

handang kuma-usap sa kanyan sa tuwing mayroon siyang mga pinagdadaanan

na mga magbibigat na problema.

_________ 3. Sa tuwing may proyekto sa paaralan na gagawin ang baitang

nina Nilo, agad siyang tumatawag ng pagpupulong para sa lahat ng mga

kamag-aral niya sa kanyang baitang. Sinisiguro niyang ang lahat ay may sapat

na kaalaman sa mga dapat gawin.

_________ 4. Si Marco ay gabi na tuwing dumarating sa kanilang bahay.

Minsan hindi na niya naaabotan ang balita sa T.V. kung kaya nakikinig nalang

siya sa online na balita.

_________ 5. Ang grupo nina Isna na mananayaw ay iniimbitahan na

magtanghal sa ibang bansa para maipakita ang iba’t ibang sayaw ng Pilipino.

Pagyamanin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

7

Magandang oportunidad ito dahil sa ganitong paraan nila mai-aabot ang

mensahe ng kultura na likas ay sa atin lamang.

Sa bahagi ng araling ito, isasaisip natin na kahit ano mang hamon na

darating sa ating pamilya lalong lalo na sa mga modernong pamilya na kung

saan kadalasan ang mga magulang ay parehong nagtratrabaho, ay kaya pa rin

natin itong malampasan sa mabuting paraan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba para mas maipakita mo ang

pagpapahalaga mo sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon o diyalogo.

Isulat sa papel ang inyung sagot.

1. Paano mo maisasabuhay ang pagiging maingat sa mga salita na binibitawan

mo sa iba?

2. Bakit mahalaga sa isang diyalogo ang mainam na pakikinig sa tuwing may

kausap?

Ngayon na alam na natin ang tatlong uri ng komunikasyon, hawag nating

kalimutan na isaisip na mahalagang gamitin ito sa mabuting paraan. Nararapat

na maging sensitibo tayo sa paggamit ng mga ito tuwing tayo ay nakikipag-

ugnayan sa ating kapwa.

Isaisip

Isagawa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

8

Sa gawaing ito, magbibigay kayo ng mga halimbawang sitwasyon kung

saan magagamit mo sa magandang paraan ang tatlong uri na ito sa pakikipag-

ugnayan mo sa iyong kapwa. Isulat ang sagot sa papel.

Uri ng Komunikasyon Mga Mabuting Paraan Kung Paano

mo Ito Magagamit sa

Pakikipagkapwa

1. PASALITA

2. DI-PASALITA

3. VIRTUAL

Tayahin

I. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong papel.

1. Ito ay isa sa mga uri ng komunikasyon na kung saan ginagamitan ng wika o

salita.

a. interpersonal b. cross-kultural

c. virtual d. pasalita

2. Ang intrapersonal ay isa sa mga antas ng komunikasyon na ____________.

a. pansarili b. pang-pangkatan

c. pang-midya d. kultural

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

9

3. Ang _______________ sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay

nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa.

a. komunikasyon

b. bukas na komunikasyon

c. pagmamahal

d. pakikpagkapwa

4. Ang di-pasalita na uri ng komunikasyon ay nangyayari lamang sa loob ng

isang ____________.

a. grupo b. pamilya

c. indibidwal d. organisasyon

5. Ito ay isa sa mga antas ng komunikasyon kung saan naglalayon na ipakilala

ang kultura sa ibang bansa.

a. cross-cultural b. pampubliko

c. interpersonal d. pang-midya

II. Ipaliwanag

1. Paano nakatulong ang komunikasyon sa pakikipag-ugnayan natin sa ating

kapwa?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

10

Karagdagang Gawain

Panoorin ang videong- 6 Kabawalan sa Pakikipag-usap sa Kapwa ni Sid

Eugenio

https://www.youtube.com/watch?v=szn46gULg8s

Saguting ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyon mga sagot sa papel.

1. Sa mga nabanggit sa video mayroon bang parte sa kabawalan na alam mong

ikaw iyon? Ano at paano mo kaya ito maiwawasto?

2. Ano kaya posibleng mangyari kung ang lahat ng nabanggit na kabawalan ay

talagang sinusunod natin?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

11

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.Tama

2.Tama

3.Tama

4.Tama

5.Tama

Tuklasin

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Isaisip

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Balikan

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Pagyamanin

1.Intrapersonal

2.Interpersonal

3.Pampubliko

4.Pang-midya

5.Cross-cultural

Tayahin

I.

1. D

2. A

3. B

4. C

5. A

II.

Magkaiba ang mga

posibleng sagot

Isagawa

-Magkaiba ang mga

posibleng sagot

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

12

Sanggunian

Bognot, Comia, Gayola, Lagarde, Leaňo, et al.,Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2013

https://www.youtube.com/watch?v=szn46gULg8s

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 3.3 (Week 6) Ang Kahalagahan ng

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark