32
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste 10

Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

  • Upload
    others

  • View
    304

  • Download
    29

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 2:

Konteksto ng Suliraning

Pangkapaligiran: Solid Waste

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amabhelle R. dela Merced

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Vincent D. Robles

Tagalapat: Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:

Konteksto ng Suliraning

Pangkapaligiran: Solid Waste

Page 4: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konteksto ng Suliraning

Pangkapaligiran: Solid Waste.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran: Solid Waste.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran

ng Pilipinas

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong aralin:

Leksyon 1: Kahulugan ng Solid Waste

Leksyon 2: Mga Uri ng Solid Waste

Leksyon 3: Electronic Waste (e-waste)

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang kalagayan ng ating kapaligiran sa kasalukuyan;

2. nasusuri ang mga dahilan na nagdudulot ng mga suliraning pangkapaligiran;

at

3. nakagagawa ng paraan/solusyon upang makatulong na maibalik ang

kaayusan ng ating kapaligiran.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

2

Subukin

Panuto: Tara, Subukan Mo Ito! Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin

at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Isang dahilan kung bakit malakas ang negosyo ng turismo sa bansa?

A. Sapagkat maraming magagandang pasyalan sa bansa.

B. Sapagkat nais tumakas sa mga dayuhan.

C. Dahil tanggap ng mga Pilipino ang lahat ng lahing banyaga.

D. Dahil maraming lupain na maaaring tayuan ng bahay sa bansa.

2. Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa

____________?

A. residensyal o tahanan

B. industriyal

C. institusyunal

D. komersyal

3. Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga

suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:

A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng

bansa.

B. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning

pangkapaligiran.

C. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na

yaman.

D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa

pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.

4. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng anong

programa upang mabawasan ang problema sa basura.

A. Segregation Waste Facility

B. Material Recovery Facility

C. Basura Mo, Piso Mo

D. Project Dumpsite

5. Ang electronic waste ang pangunahing kinukuha ng waste picker upang ibenta

at pakinabangan.

A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag.

B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

D. Mali ang una at ikalawang pahayag.

Page 9: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

3

6. Mahalaga na mapigilan ang coral bleaching upang higit tayong makahikayat ng

turista sa bansa.

A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag

B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

D. Mali ang una at ikalawang pahayag.

7. Ito ay isa sa magagandang resulta ng Ecological Solid Waste Management Act of

2000.

A. Material Recovery Facility

B. Non-biodegradable

C. Bantay Kalikasan

D. Mother Earth Foundation

8. Ang coral bleaching ay isang suliraning pangkaragatan na pumapatay sa coral

reefs na tirahan ng mga isda at iba pang yamang dagat samantalang

pinaghahandaan din ang sobrang pagtaas ng sea level na epekto ng climate

change.

A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag

B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

D. Mali ang una at ikalawang pahayag.

9. Ang Republic Act 7586 ay naaprubahan upang mapangalagaan ang mga

protected areas ng bansa. Ito ay mas kilala sa tawag na _____________.

A. National Resettlement and Rehabilitation Area

B. National Greening Program

C. National Integrated Protected Areas System

D. Sloping Land Protected Area

10. Isa sa mga suliraning kinahaharap ng ating yamang–gubat ay ang illegal logging.

Ang sumusunod ay epekto ng ilegal na pagputol ng mga puno maliban sa isa:

A. Pagtatayo ng mas maraming subdivision upang maging tirahan.

B. Patuloy na pagguho ng mga lupa sa kabundukan.

C. Paglalagay ng mas maraming kalsada at daanan.

D. Pagpaparami ng tirahan ng mga hayop sa kagubatan.

11. Ang climate change ay isang natural na pangyayari na dulot ng pagpapabaya ng

mga tao sa kanyang kapaligiran, ang ilan sa epekto nito ay ang mga nakasulat

sa ibaba maliban sa:

A. El Niño C. La Niña

B. malawakang pagbaha D. paglago ng mga halaman

12. Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.

A. Department of Science and Technology

B. Department of Transportation

C. Department of Environment and Natural Resources

D. Department of Education

Page 10: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

4

13. Dahilan kung bakit patuloy na lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura

maliban sa isa.

A. patuloy na pagkasira ng lupang sakahan dulot ng El Niño

B. pagkawasak ng mga palaisdaan

C. pagdami ng subdivision at mall

D. pagdagsa ng suporta ng mga tulong para sa sektor ng agrikultura

14. Ipinag-uutos ng Presidential Decree o Atas ng Pangulo 1153 na ang mga

mamamayang nasa gulang na _____ pataas ay kailangang magtanim ng 12

seedlings bawat taon sa loob ng 5 taon.

A. labindalawa (12)

B. labintatlo (13)

C. sampu (10)

D. labing- isa (11)

15. Maraming mga Non-Government Organizations ang nangunguna sa pagbuo ng

mga programa upang mabawasan ang suliranin sa solid waste, piliin sa

sumusunod ang gumagamit ng mass media bilang platform sa kanyang

adhikain.

A. Bantay Kalikasan

B. Mother Earth Foundation

C. Clean and Green Foundation

D. Greenpeace

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawain.

Page 11: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

5

Aralin

1 Konteksto ng Suliraning

Pangkapaligiran

Kamusta? Alam kong naunawaan mong mabuti sa nakaraang aralin ang mga

dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu sa

bansa. Sa ikalawang bahagi ng aralin 1, ang paksang iyong pagtutuunan ng pansin

ay ang mga suliraning pangkapaligiran. Isa sa mga suliraning pangkapaligirang

kinakaharap ng lipunan ay ang isyu sa basura o solid waste. Inaasahan na bilang

isang kabataan ay magiging daan ka upang mabawasan o malimitahan ang

problema na ito.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang konsepto ng kontemporaryong isyu.

Ipinakilala sa iyo ang lipunan na iyong ginagalawan. Bilang bahagi ng lipunan,

inaasahang ikaw ay makatutulong sa pagpapaunlad nito. Upang higit na mapatibay

ang iyong kaalaman ukol dito, punan ang talahanayan ng mahahalagang

terminolohiya nauugnay sa pangunahing salita. Piliin ang iyong sagot mula sa loob

ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

LIPUNAN KULTURA SOCIOLOGICAL

IMAGINATION

Isyung Personal Gampanin Pananampalataya

Kultura Norms Pamilya

Social Group Ugnayan Symbols

Pamahalaan Isyung Panlipunan Mores

Page 12: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

6

Tuklasin

Awit – Suri

Panuto: Suriing mabuti ang awiting “Kalikasan”, na isinaayos nina Cesar Nebril Jr.

at Necei L. Nebril. Maaaring hanapin sa internet ang kanta upang masabayan.

Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

"KALIKASAN"

Masdan mo ang iyong paligid

Bawat isa ay nanganganib

Sa dalang kapahamakan

Na tayo rin ang may lalang.

Paghawan sa kagubatan

Paglason sa karagatan

Usok na di mapigilan

‘Yan ba’y hakbang sa kaunlaran?

Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal

Kalikasan, dulot ay kaginhawahan

Pag-ingatan at ating pangalagaan

Upang tayo’y mabuhay nang

matiwasay.

Hindi mo ba nakikita

At di mo ba nadarama

Ganda ng ating kalikasan,

Tila ngayo’y naglaho na.

Ano ang iyong itutugon?

Paano ka tutulong?

Na ang ating kalikasan ay

Kagiliwang pagmasdan.

Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal

Kalikasan, dulot ay kaginhawahan

Pag-ingatan at ating pangalagaan

Upang tayo’y mabuhay nang

Matiwasay.

Kung tayo ay magkakaisa

Buhay nati’y liligaya

Paligid ay giginhawa

Kalikasan ay sisigla.

Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal

Kalikasan, dulot ay kaginhawahan

Pag-ingatan at ating pangalagaan

Upang tayo’y mabuhay nang

Matiwasay.

Pag-ingatan at ating pangalagaan

Upang tayo’y mabuhay

Mahalin ang kalikasan

Upang tayo’y mabuhay nang

matiwasay.

Ang awiting ito ay lubhang may pagmamahal para sa ating kalikasan. Paano ka

naapektuhan ng awitin. Ipakita ito sa pamamagitan ng:

1. Iguhit ang ating kalikasan batay sa awitin. Mula sa awiting ito, ano ang nais ipahiwatig ng awitin? Gumawa ng paghahambing sa ating kalikasan noon at ngayon. Maaaring gumamit ng ½ ng bondpaper at kung iyong nanaisin ay kulayan ito. Idikit o i-stapler sa iyong sagutang papel ang bondpaper.

Page 13: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

7

Suriin

Ang kapaligiran ay isang mahalagang salik na pinagmumulan ng mga hilaw

na materyal na ginagamit upang makagawa ng produkto. Ito ay binubuo ng elemento

ng panahon at klima na siyang nag-uugnay sa mga tao, hayop, halaman at iba pang

organismo sa kanyang lipunan.

Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan na pinalilibutan ng maraming

anyong lupa at anyong tubig. Kilala ang bansa sa kanyang pagiging mabundok na

lupain kabilang na dito ay ang Bundok ng Apo, Bulkang Mayon at Bulkang Taal na

nagpakita ng kanyang pagiging aktibo noong Enero 2020. Ngunit nariyan din ang

iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, dagat, mga bukal, mga ilog at iba

pa na dahilan kung bakit patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista na

nagbibigay ng kita sa turismo at hanapbuhay sa mga mamamayan ng bawat rehiyon.

Ngunit sa kasalukuyan, tila nakalilimutan ng tao ang pag-aalaga sa ating

kapaligiran kaya sa halip na ito ay higit na mapaganda ay pinangangambahan na

makalimutan na. Kaya, ang mamamayang patuloy na umaasa sa kanyang

kapaligiran ay siya ring nakakaranas ng hindi mabuting epekto nito sa kanyang

pamumuhay.

Tara, at aralin natin ang mga suliraning kinahaharap ng ating likas na

yaman.

1. SULIRANIN SA SOLID WASTE

Ang Municipal Solid Waste (MSW) o Solid Waste ay mga basurang

nagmumula sa mga tahanan, komersyal na establisimyento, mga institusyunal at

mga industriyal.

1. Residensyal (Residential Waste) –

Itinuturing na malaking bahagdan ng

basura ay nagmumula sa mga

kabahayan o tahanan. Ayon sa report

ng National Solid Waste Management

Report, 2018, umaabot sa 56.7% ng

basura ay mula sa ating mga tirahan.

Ang ilang halimbawa ng mga

basurang ito ay mga pinagbalatan ng

mga gulay at prutas, mga natirang pagkain, mga pinaglagyan ng pinamili

tulad plastic, styro at maging paperplate at ang espesyal na basura tulad

ng mga bote na ginagamit na panlinis, bote ng mga pabango o maging ng

mga gamot at ang huli ay tinatawag na waste electrical and electronic

equipment (WEEE) tulad ng battery, mga sirang cellphone at appliances.

Page 14: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

8

Residential, 56.70%

Commercial, 18.30%

Institutional, 12.10%

Industrial , 4.10%

2. Komersyal o Commercial Waste – Mga

basura na nagmumula sa mga pribado at

pampublikong establisyemento na

bumubuo ng halos 27.1 % ng basura

ayon sa NSWM Report, 2018. Ang mga

pamilihang tulad ng palengke at talipapa

ay may bahagdan na 18.3 % na basura.

3. Institusyunal o Institutional Waste –

Bumubuo sa 12.1% ng mga basura sa

bansa na nanggagaling sa mga

pampublikong opisina, mga ospital at

maging sa mga paaralan gayundin sa

mga nasa sektor ng agrikultura.

4. Industriyal o Industrial Waste - Ayon sa

NSWM report 2018, 4.1% ay nagmumula sa

pabrika tulad ng mga kahon, mga lalagyan

ng mga kemikal at mga materyales na

ginagamit sa kanilang operasyon.

Iba pang mga

establisyemento

Pamilihang Bayan 18.3%

Bahagdan ng pinanggagalingan ng basura

National Solid Waste Management Status Report 2008-2018

Page 15: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

9

URI NG BASURA

Ang mga basura ay nauuri ayon sa komposisyon ng mga ito.

1. Biodegradable (nabubulok) – Ang mga

basura na nagmumula sa mga balat

ng gulay at prutas, mga natitirang

pagkain at mga basura mula sa ating

kapaligiran tulad ng tuyong dahon at

mga sanga ng punongkahoy. Ang mga

basurang kabilang dito ay may

kabuuang bahagdan na 52.3% mula

sa datos ng NSWM Report 2018. Ito

ang pinakamalaking bahagdan ng

basura. Ito ay mga uri ng basura na

maaaring ibaon sa lupa upang maging pataba ng mga halaman.

Hatian ng bahagdan ng mga basurang nabubulok

a) Mga basurang nagmumula sa loob ng mga tahanan- 86.2 %

b) Mga basurang nagmumula sa labas ng mga kabayahan – 13.8%

2. Recyclables– Ang mga basura na

kabilang dito ay bumubuo sa

27.78% na bahagdan ng

kabuuang basura ng bansa sa

kabuuang lawak na 4.1 %

hanggang 53.5 %. Kabilang sa

pangkat na ito ay mga papel,

dyaryo, mga bote, mga plastic,

mga kahon na maaaring magamit

muli o makagawa ng mga bagay

mula sa mga ito. Ito ang may

pinakamalaking uri ng basura na itinatapon ayon sa pag-aaral.

Hatian ng bahagdan ng mga basurang nabubulok

a) Mga basurang mula sa plastic – 38%

b) Mga basurang mula sa papel – 31%

c) Mga basurang mula sa goma, mga textiles – 31%

3. Special Waste – Ito naman ang

bumubuo sa mula sa 1.92 % - 9.2 % na

bahagdan. Kabilang sa mga basurang

ito ay mga gamit sa ospital tulad ng

dextrose, syringes, mga bulak at hose,

facemask, gloves, mga sirang gamit sa

bahay tulad ng refrigerator, telebisyon,

radio, washing machine at mga electric

waste.

Page 16: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

10

4. Residual Waste – Ito naman ay ang

17.98% ng mga basura na nagmumula

sa mga pabrika, sektor ng agrikultura at

sektor ng industriya. Ang 12% na

bahagdan nito ay tanggapan ng

pamahalaan na pinaghalo-halong

patapon at wala ng gamit na basura.

Electronic Waste (E-Waste)

Isang lumalaking suliranin sa solid waste ay ang ginagawang pagtatapon ng

mga Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE) o Electronic Waste (E-

Waste). Ayon sa ginawang pag-aaral ng Global Information Society noong 2010,

humigit-kumulang na anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa mga landfill na

siyang kinuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang

mapakikinabangan nila sa mga ito tulad ng tanso. Ngunit ang pinangangambahan

na gawain ay ang maling paraan ng pagbabaklas ng mga ito sapagkat ang ilan sa

mga e-waste ay nagtataglay ng lead, cadmium , mercury, barium at polyvinyl

chloride na nakakalason ng lupa at tubig.

Bukod sa suliranin sa e-waste ay malaki rin ang kinahaharap na suliranin ng

bansa hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Bakit nga ba masasabi na mali ang

paraan ng pagtatapon ng basura lalo na sa mga kabahayan?

Bahagdan ng Uri ng Basura

National Solid Waste Management Status Report 2008-2018

Biodegradable, 52.30%

Recylables, 27.78%

Special Waste, 9.20%

Residual Waste, 17.98%

Page 17: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

11

Una, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sapagkat maraming

mga kabahayan na ginawa ng basurahan ang mga estero, mga ilog, mga bakanteng

lote at maging mga kalsada. Ikalawa, ang mga kabahayan o maging ang mga ilang

tanggapan ay hindi nakasusunod sa segregation o paghihiwa-hiwalay ng mga uri ng

basura. Ikatlo, maraming mga kabahayan ang nagsusunog ng mga basura na

mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan.

Sa mga suliranin na kaakibat ng basura ay mga epekto na hindi alintana ng

ilan sa ating mga kababayan.

1. Ang maling pagtatapon ng basura ay nagdudulot ng malawakang pagbaha sa

bansa na nagdadala ng sakit sa mga mamamayan.

2. Ang hindi paghihiwalay ng mga basura ay dagdag gawain sa mga garbage

collector.

3. Ang pagsusunog sa mga basura ay nakadaragdag ng polusyon sa hangin.

4. Ang ulat na pinamagatang “The Garbage Book” ng Asian Development Bank

(2004) na nagpapatunay na ang mga katas ng basura o leachate mula sa

Rodriguez at Payatas Dumpsite ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib

sa kalusugan ng tao. Kung matatandaan, noong Hulyo 2000 ay naipasara ang

Payatas Dumpsite sapagkat ito ay gumuho at pumatay sa maraming katao.

Bunsod ng mga suliranin na ito, ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act

9003 o Solid Waste Management Act of 2000 na naglalayon na magkaroon ng ligal

na batayan proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Isang resulta nito ay

pagkakaroon ng Material Recovery Facility sa bawat barangay, mga tanggapan at

mga paaralan kung saan isasagawa ang waste segregration bago dalhin sa mga

dumpsite. Tinuturuan din ang mga mamamayan na magresiklo, gumawa ng mga

pataba buhat sa basura at iba pa batay sa memorandum of agreement.

Iniulat din ng National Solid Waste Management (NSWM) na may ilang lokal

na pamahalaan ang gumawa ng paraan upang makatulong na masugpo ang

problema sa basura. Ang ilan sa itinuturing na Best Practices sa pamamahala sa

basura ay:

LUGAR BEST PRACTICES

Sto. Tomas,

Davao del Norte

No Segregration, No Collection

No Orientation & Implementation of Ecological

Solid Waste Management, No Issuance of

Municipal Permit

Municipal-wide composting & livelihood projects,

Quezon City Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with

Methane Recovery for Power Generation

Page 18: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

12

Barangay Bagumbuhay,

Project 4 Quezon City

Garbage = Points

Teresa, Rizal Residual Waste Management

Bago City,

Negros Occidental

Takakura Waste Composting

Sta. Rosa, Laguna Basuranihan – coined from basura (waste) and

bayanihan (cooperative effort)

Calatagan , Batangas Eco-Bank project

Magarao, Camarines Sur Zero Basura Olympics

Marikina City Food Waste Truck Program

Taguig City 4 o’clock Habit

https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2019/08/National-Solid-Waste-Management-Status-Report-2008-2018.pdf

Katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa basura ay

mga Non-Government Organization tulad ng:

Mother Earth Foundation– tumutulong sa pagtatayo ng mga MRF sa mga

barangay.

Clean and Green Foundation– pagpapatayo ng mga Orchidarium and

Butterfly Pavillon, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso para sa Pasig

at Trees for Life Philippines.

Bantay Kalikasan– paggamit ng mass media upang mamulat ang mga

mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La

Mesa Wastershed at Pasig River Rehabilitation Project.

Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa

pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang ikalawang paksa sa ating

Unang Markahan- Aralin 1. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay

upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo ang iyong

sagutang papel at simulan na.

Page 19: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

13

Pagyamanin

A. Tsart ng Solid Waste

Panuto. Buoin ang graphic organizer na nagpapakita ng mga halimbawa, dahilan at

epekto ng suliranin sa basura (solid waste). Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

B. Wasto o Di – Wasto

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang salita o

lupon ng salitang may salungguhit ay nagpapakita ng wastong kaalaman o hindi

wastong kaalaman para sa kabuuan ng pahayag. Isulat ang salitang WASTO kung

ito ay nagpapakita ng tamang pahayag at DI- WASTO kung ito ay hindi

nagpapahayag nang tama. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga basura sa kabahayan ay pinagmumulan ng pinakamalaking bahagdan

ng basura sa bansa.

2. Ang 4 o ‘clock habit sa Lungsod ng Taguig ay nangangahulugang walang

maglilinis ng kapaligiran araw- araw tuwing ika- 4 ng hapon.

3. Ang special waste ay mga uri ng basura na nagmumula sa mga tanggapan ng

pamahalaan at mga pribadong kompanya.

4. Ang recyclable/di nabubulok na basura ay ang pinakamalaking uri ng basura na

itinatapon ng taong-bayan.

5. Ang pagtatayo ng material recovery facility ay resulta ng Ecological Solid Waste

Management Act of 2000.

6. Malaki ang naitutulong ng hindi pagbubukod-bukod ng mga basura sa kaayusan

at kagandahan ng bansa.

SOLID WASTE

EPEKTO DAHILAN HALIMBAWA

Page 20: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

14

7. Nagdudulot ng sakit sa balat ang mga kemikal na nagmumula sa katas ng

basura.

8. Isa sa mga solusyon upang mabawasan ang basura ay ang pagsusunog sa mga

ito.

9. Ang mga basura mula sa pamilihang bayan ay kabilang sa komersyal.

10. Malaki ang epekto ng kawalan ng disiplina ng tao sa problema sa basura.

C. Bubble Map

Panuto. Sa pamamagitan ng isang bubble map, buoin ang konsepto ng suliraning

pangkapaligiran na may kinalaman sa solid waste o basura. Isulat ang iyong sagot

sa sagutang papel.

Batay sa iyong naging sagot upang buoin ang bubble map, makikita mo na

mayroong ugnayan ang mga nagaganap na suliraning pangkapaligiran sa

pag-unlad ng bansa. Ukol dito, ipaliwanag ang ugnayan ng suliraning

pangkapalirigan sa pag-unlad ng bansa. Magbigay lamang ng 2 hanggang

3 pangungusap.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

____________

Epekto ng

Solid

Waste

Uri ng

Solid

Waste

Pinagmulan

ng Solid

Waste

SOLID

WASTE/

BASURA

Suliranin

ng Solid

Waste

Page 21: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

15

D. Tapat–Tapatin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga terminolohiyang ipinakikilala sa Hanay A.

Isulat ang malaking titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A

1. Mga basura na nagmula sa mga ospital katulad ng

lalagyan ng oxygen, mga dextrose, syringes at mga hose

na gamit na.

2. Ang mga basura na kabilang dito ay nanggaling sa mga

tanggapan / opisina, sa mga paaralan na hindi na

maaaring ipamigay o ipagamit sa iba.

3. Mga basura na maaaring gamiting bilang pataba ng

mga halaman.

4. Isa sa malaking problema na kinahaharap ng bansa na

nagdudulot ng sakit at pangit na kapaligiran sa ating

lahat.

5. Ang mga katas ng basura o leachate ay nagtataglay ng

mga kemikal na ___________.

6. Nangangasiwa sa pagpapatayo ng material recovery

facility sa mga barangay.

7. Isa sa pinanggagalingan ng mga basura sa bansa na

kinabibilangan ng mga pabrika at ibang kompanya.

8. Ang non-government organization na ito ay naglalayon

na baguhin ang tingin ng tao sa kanyang kapaligiran.

9. Ang mga basurang kabilang dito ay ibinubukod ng mga

waste picker upang kuhanin ang mga tanso na

maaaring ibenta at pakinabangan.

10. Ito ay isang best practice na ginawa sa Magarao,

Camarines Sur upang mabawasan ang kanilang mga

basura.

HANAY B

A. Industriyal

B. Special Waste

C. Solid Waste

D. Mother Earth

Foundation

E. Zero Basura

Olympics

F. Institutional

G. Lead at

Arsenic

H. Greenpeace

I. Biodegradable

J. E- Waste

K. Residual

L. Residential

E. Sumulyap at Magmasid

Panuto: Gusto mo na bang lumabas? Sige pinapayagan kitang lumabas ng inyong

bahay ngunit sa bakuran lang.

Ikaw, habang nakatanaw sa iyong komunidad ay muli mong alalahanin ang

iyong napag-aralan tungkol sa solid waste. Tingnan kung may ganito ring problema

ang inyong lugar.

Page 22: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

16

Kung ang iyong sagot ay oo, ano ang iyong namasid? Tama ba ang ating

aralin? Kung wala kayong problema sa inyong komunidad tungkol sa ating aralin

ay maaari kang mangalap ng impormasyon sa mga libro, sa dyaryo o magsaliksik sa

internet. Ayan, handa ka na! Ngayon naman ay kunin ang iyong sagutang papel

upang gawin ang iaatas kong gampanin.

Kung bibigyan kita ng pagkakataong makausap ang inyong Barangay

Captain, anong programa ang mailalatag mo sa kanya upang mabawasan ang

suliranin sa basura

Gamitin ang data retrieval chart sa iyong paglalahad sa Kapitan.

Suliranin Dahilan Epekto Programa/

Solusyon

Solid Waste

F. S.E.P.

Panuto: Malaki ang suliranin na kinahaharap ng bansa tungkol sa basura o solid

waste. Buoin ang talaan ng sanhi-epekto-programa. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel

Epekto

Kalusugan

Kabuhayan

Kapaligiran

Programa

Pamahalaan

NGOs

AKO

Problema sa Solid Waste

Mga Dahilan

Kawalan ng disiplina

ng mga mamamayan tungkol sa tamang

pagtatapon ng basura.

ningas cogon sa

pagbubukod- bukod ng

basura

pagsusunog ng mga

basura sa mga

kabahayan

Kagustuhan kumita ng pera o salapi

Page 23: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

17

Isaisip

Balik-tanaw sa Aralin

Panuto. Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang paliwanag sa sagutang papel.

Magbigay ng 2 hanggang 3 pangungusap sa bawat kasagutan.

1. Ipaliwanag kung bakit mahirap malutas ang suliranin sa solid waste.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Sa iyong pananaw, ano ang mas epektibong paraan upang malutas ang problema

sa solid waste, Material Recovery Facility o 3Rs (Reduce, Reuse, Recycle)? Bakit?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang mabawasan ang mga suliranin

sa basura o solid waste?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Isagawa

Junk Art

Panuto: Gumawa ng isang junk art. Humanap sa loob ng inyong bahay o bakuran

na maaaring maging materyales ng inyong proyekto. Bawal lumabas ng inyong

bakuran upang bumili o manghingi sa kapit-bahay. Ang ilan sa maaaring mong

gawin ay ang sumusunod. Pumili lamang ng isa.

a. pencil holder

b. alkansya

c. paso mula sa bote ng mineral

d. pang – disensyo sa ibabaw ng lamesa

- bote na may lamang mga buhangin na kinulayan

- bote na may lamang star na gawa sa makukulay na papel

- anumang bagay na mapapakinabangan

Page 24: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

18

Rubric sa Junk Art

Kraytirya

Di

Pangkaraniwan

4

Kahanga-hanga

3

Katanggap-

tanggap

2

Pagtatangka

1

1. Kalidad ng mga

kagamitan

Mahusay,

malikhain,

tama, at

matibay ang

lahat ng mga

bagay na

ginamit.

Mahusay,

malikhain, tama

at matibay ang

maraming mga

bagay na

ginamit.

Mahusay.

Malikhain, at

tama ang ilan,

sa mga bagay na

ginamit.

Di- malikhain at

di - mahusay

ang mga

kagamitan.

2. Leybel 90% ng aytem

ay may tamang

leybel.

80% ng aytem

ay may tamang

leybel.

70% ng aytem

ay may tamang

leybel.

Maliit sa70%

ang may

tamang leybel.

3. Layunin Ang paksa o

pangyayari ay

maliwanag, at

makatotohanang

naisalarawan.

Ang paksa o

pangyayari ay

makatotohanang

naisalarawan.

Ang paksa o

pangyayari ay

maliwanag na

naisalarawan.

Di - maliwanag

at di -

makatotohanan.

4. Kalinisan/

kaayusan

Lahat ng mga

bagay ay

naisagawa nang

maayos at

malinis.

Maramisa mga

bagay ay

naisagawa nang

maayos.

Di - gaanong

naisagawa nang

maayos subalit

malinis.

Walang

kaayusan at di -

malinis ang

gawa dahil sa

pag-aapura.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tamang

sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa

____________?

A. komersyal

B. industriyal

C. institusyunal

D. residensyal o tahanan

2. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglabas ng anong

programa upang mabawasan ang problema sa basura.

A. Material Recovery Facility

B. Segregation Waste Facility

C. Basura Mo, Piso Mo

D. Project Dumpsite

Page 25: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

19

3. Isang dahilan kung bakit malakas ang negosyo ng turismo sa bansa?

A. Dahil tanggap ng mga Pilipino ang lahat ng lahing banyaga.

B. Sapagkat nais tumakas ng mga dayuhan sa kanilang bansa.

C. Sapagkat maraming magagandang pasyalan sa bansa.

D. Dahil maraming lupain na maaaring tayuan ng bahay sa bansa.

4. Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga

suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:

A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng

bansa.

B. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na

yaman.

C. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning

pangkapaligiran.

D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa

pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.

5. Ang electronic waste ang pangunahing kinukuha ng waste picker upang ibenta

at pakinabangan.

A. Tama ang unang pahayag at ikalawang pahayag.

B. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawang pahayag.

C. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag.

D. Mali ang una at ikalawang pahayag.

6. Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa basura,

alin ang hindi kabilang sa mga ito?

A. Ang maling pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, bakanteng lote ay

nagdudulot ng malawakang pagbaha.

B. Ang pagsusunog ng mga basura sa mga bakuran

C. Ang paggawa ng compost pit sa ating mga bakuran.

D. Ang pagsunog ng mga gulong at ibang goma sa ating paligid.

7. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay naglalayong maibsan ang

suliranin sa basura ng bansa. Saang batas ito nakasaad?

A. P.D. 9000 C. P.D. 9008

B. R.A. 9003 D. R.A. 9006

8. Iba-iba ang mga pinagmumulan ng basura sa bansa. Alin sa sumusunod ang

mga ito?

A. Tahanan, Industiyal, Opisina, Ospital

B. Komersyal, Pabrika, Institusyunal, Kabahayan

C. Tanggapan, Ospital, Pabrika, Paaralan

D. Residensyal, Komersyal, Institusyunal, Industriyal

9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng residual waste?

A. diaper

B. gulong

C. tuyong sanga ng punongkahoy

D. syringes

Page 26: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

20

10. Mga halimbawa ng basura mula sa mga kabahayan maliban sa isa:

A. mga kemikal sa pabrika

B. mga lumang testpapers at mga libro

C. mga lalagyan ng pataba ng lupa

D. mga sirang appliances

11. Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.

A. Department of Science and Technology

B. Department of Transportation

C. Department of Environment and Natural Resources

D. Department of Education

12. Dahilan kung bakit patuloy na lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura

maliban sa isa.

A. patuloy na pagkasira ng lupang sakahan dulot ng El Niño

B. pagkawasak ng mga palaisdaan

C. pagdami ng subdivision at mall

D. pagdagsa ng suporta ng mga tulong para sa sektor ng agrikultura

13. Maraming epekto ang pagiging ningas cogon ng mga Pilipino tungkol sa 3Rs,

alin ang hindi kabilang sa mga ito

A. Nadadagdagan ang gampanin ng mga waste collector.

B. Patuloy ang pagtaas ng antas ng suliranin sa basura.

C. Nauubos ang mga kalat sa ating mga kabahayan.

D. Nalilinis ang ating mga kabahayan.

14. Maraming mga Non-Government Organization ang nangunguna sa pagbuo ng

mga programa upang mabawasan ang suliranin sa solid waste, piliin sa

sumusunod ang gumagamit ng mass media bilang platform sa kanyang

adhikain.

A. Bantay Kalikasan

B. Mother Earth Foundation

C. Clean and Green Foundation

D. Greenpeace

15. Ito ay non–government organization na naglalayon na baguhin ang pananaw ng

mga mamamayan ukol sa ating pangangalaga sa kalikasan.

A. Bantay Kalikasan

B. Mother Earth Foundation

C. Greenpeace

D. Clean and Green Foundation

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang

ikalawang paksa sa ating modyul. At handa ka nang harapin ang susunod na

modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang

aking pagbati!

Page 27: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

21

Karagdagang Gawain

Gawain 1. Tsek Natin

Panuto: Lagyan ng tsek () ang nagpapakita ng iyong damdamin sa paglutas ng

suliranin sa solid waste. Sagutin ang gawain sa iyong sagutang papel.

______ 1. Maglagay ng tatlong basurahan sa loob ng ating bahay upang

mapatupad ang 3Rs bilang pasimula ng paglutas sa suliranin.

______ 2. Hayaan natin na sunugin ni nanay ang mga basura sa ating bahay.

______ 3. Ibukod ang solid waste na maaaring ibenta tulad ng dyaryo, mga lumang

notebook at mga bote.

______ 4. Gumawa ng compost pit sa likod bahay upang tapunan ng mga balat ng

gulay at prutas.

______ 5. Magtanim ng mga halaman gamit ang mga mineral plastic bottles.

______ 6. Pagsama-samahin ang mga lalagyan ng detergent powder, mga panlinis

ng banyo, mga bote ng gamot sa isang lugar sa ating bakuran.

______ 7. Gumawa ng mga bagong gamit mula sa mga bagay na ating naresiklo.

______ 8. Ang sirang appliances ay ipagbili sa mga tamang tao na may kaalaman

dito.

______ 9. Gumamit ng mga paper bag sa halip na plastic bag sa pamamalengke.

______ 10. Huwag makisali sa mga programa ng barangay ukol sa basura.

Gawain 2. News Reflection

Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong

matapos nito.

EDITORYAL - Basura ng Canada nasa Pilipinas pa (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

HINDI natupad ang taning na bago mag-Mayo 15 ay maibabalik na sa Canada ang basurang dinala sa bansa noong 2013 at 2014. Puro pangako lang ang Canadian leader na sosolusyunan daw ang problema. Walang isang salita si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Dahil walang nangyayaring pagbabalik ng basura sa Canada, ni-recall na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador ng Pilipinas sa Canada at iba pang diplomat noong Biyernes. Kinabukasan, nasa bansa na ang ambassador bilang pagsunod kay DFA Sec. Teddy Locsin. Darating na rin ang mga consul at pati ang Labor attaché sa Canada ay nire-recall na rin.

Page 28: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

22

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/05/20/1919278/editoryal-

basura-ng-canada-nasa-pilipinas-pa

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng artikulo?

2. Paanong inaksyunan ng pamahalaan ang hindi magandang pangyayari na ito?

3. Makatwiran bang madismaya ang Canada sa paulit–ulit na pag-uutos ng

Pilipinas na kuhanin ang kanilang mga basura. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isang araw makaraang makauwi ang ambassador ng Pilipinas,

nagpahayag naman ng pagka-disappoint ang Canada sa mabilis na

aksiyon ng Pilipinas. Gumagawa naman daw sila ng paraan upang

masolusyunan ang isyu sa lalong madaling panahon. Nakikipag-ugnayan

na raw sila sa Philippine authorities ukol dito.

Ganito rin ang sinabi ni Trudeau noong Nobyembre 2017 nang magtungo siya sa bansa para sa APEC summit. Nag-usap sila ni President Duterte at sinabi ng Canadian leader na aaksiyunan na ang problema sa mahigit 100 containers ng basura na binubuo ng mga household at hospital wastes. Subalit walang natupad sa sinabi ni Trudeau.

Sa galit ni Duterte, nasabi niya sa Canada na huwag gawing basurahan

ang Pilipinas. Inatasan naman ng Department of Finance ang Customs na ibalik ang mga basura sa Canada bago ang Mayo 15. Walang nangyari sa taning sapagkat hanggang ngayon, nasa bansa pa ang basura.

Tama lamang na pauwiin ang mga diplomat sa Canada para malaman na hindi nagbibiro ang Pilipinas sa isyu ng basura. Maaaring binabalewala ni Trudeau ang bantang giyera ni Duterte at ang pananakot na hahakutin sa Canada at ikakalat sa beaches doon. Ngayong na-recall na ang mga diplomat, siguro naman matatauhan na ang Canada at kukunin na ang kanilang basura.

Huwag gawing basurahan ng Canada ang Pilipinas. Alam naman ng Canada na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala na basura sa ibang bansa. Isa sila sa lumagda sa Basel Convention ukol sa batas na ito. Huwag tantanan ang Canada hangga’t hindi naibabalik ang kanilang basura.

Page 29: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

23

PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL

Gumawa ng isang balitang lathalian (feature writing) na nagpapakita ng iyong

natutuhan sa ating aralin. Maaaring lakipan ito ng larawan na makakaakit upang

basahin ang iyong balita.

Gamiting gabay ang mga tanong:

1. Paano nakakaapekto ang problema sa solid waste sa pamumuhay ng mga

Pilipino?

2. Maglagay ng isang jingle sa iyong lathalain upang mahikayat ang mga

mamamayan na tumulong sa paglutas ng nasabing problema.

3. Tukuyin kung paano nasabi na sociological imagination ang suliranin sa solid

waste o basura at ang dahilan kung bakit maituturing na kontemporaryong

isyu ito.

RUBRICS PARA SA SANAYSAY (PAG-AARAL PAGSULAT PANGARAL)

Kraytirya Di - Pangkaraniwan

4

Kahanga - hanga 3

Katanggap - tanggap

2

Pagtatangka 1

1. Paksa Naipapaliwanag ng malinaw ang mga nasasaliksik

na relatibong detalye na may kaugnayan sa

paksa

Naipaliwanag nang malinaw

Naiugnay ang relasyon ng pang

– suportang detalye sa paksa ngunit di-sapat

Walang kaugnayan ang teksto sa paksa

2. Organisasyon Naisasaayos ng mabuti ang

pagkakasunud – sunod nang

mga detalye at nakapagprodyus ng isang kaaya –

ayang komposisyon

Naisaayos nang mabuti ang

pagakakasunud – sunod ng mga

detalye

Ang organisasyon ng mga ideya

ay hindi sunud – sunod at kulang

ang detalye

Hindi organisado ang Gawain

3. Grammar Nagpamalas ng mayaman at malawak na kaalaman sa paggamit ng mga salita at

wastong bantas.

Nagpamalas ng malawak na kaalaman sa

paggamit ng mga salita at

wastong bantas

Nagpamalas ng limitadong

kaalaman sa paggamit ng

mga salita at wastong bantas

Di angkop ang mga salitang

ginamit at mai ang paggamit ng

bantas

4. Tono ng sanaysay

Tumpak at angkop para sa

pormal na salaysay at

nagpamalas ng kahusayan at

tiwala sa sarili

Angkop para sa pormal na

sanaysay at nagpamalas ng

kahusayan

Nagpamalas ng limitadong

kaalaman sa paggamit ng

mga salita at wastong bantas

Di – wasto at di -angkop ang

sanaysay

5. Kayarian ng sanaysay

May matatag at malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahusay na pagsusuri ng

mga detalye at wikang ginamit

May matatag at malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahinang pagsusuri ng

mga detalye at wikang ginamit.

Simple ang argumento na

sinuportahan ng mahinang

pagsusuri ng mga detalye at wikang ginamit

Hindi mahusay ang argumento

at walang ginawang

pagsusuri sa mga detalye at wikang ginamit

Page 30: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

24

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1. A

2. A

3. B

4. A

5. D

6. B

7. C

8. A

9. A

10. A

11. B

12. B

13. C

14. A

15. B

BALIKAN

Lipunan

- Pamilya

- Pananampalataya

- Pamahalaan

-Social Group

- Gampanin

Kultura

-Norms

- Symbols

- Mores

Sociological

Imagination

- Ugnayan

- Isyung Personal

- Isyung Panlipunan

TUKLASIN

Ang mag-aaral ay

malayang sumagot

ayon sa kanyang

pagkakaunawa.

A. Tsart ng Solid

Waste

Ang mag-aaral ay

malayang sumagot

ayon sa kanyang

pagkakaunawa

B. WASTO O

DI– WASTO

1. W

2. D

3. D

4. W

5. W

6. D

7. W

8. D

9. W

10. W

C. BUBBLE MAP

Ang mag-aaral ay

malayang sumagot

ayon sa kanyang

pagkakaunawa

D. TAPAT-TAPATIN

1. B

2. F

3. I

4. C

5. G

6. D

7. A

8. H

9. J

10. E

E.SUMULYAP

AT MAGMASID

Ang mag-aaral

ay malayang

sumagot ayon sa

kanyang

pagkakaunawa

F. S.E.P

Ang mag-aaral ay

malayang sumagot

ayon sa kanyang

pagkakaunawa

TAYAHIN

1. D 6. C 11. C

2. A 7. B 12. B

3.C 8. D 13. B

4. B 9. A 14. A

5. A 10. D 15. C

ISAGAWA

Maaaring ibatay

ang pagtataya SA

JUNK ART sa

rubrics o gumawa

ng sarili ang guro

ISAISIP

Ang mag-aaral ay

malayang sumagot

ayon sa kanyang

pagkakaunawa.

TSEK NATIN

1 / 6. /

2. 7./

3. / 8. /

4. / 9. /

5. / 10.

Page 31: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

25

Sanggunian

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10: 2017. 1st ed. Pasig City:

Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga

Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City:

Department of Education

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul 3.

2015. 1st ed. Pasig City: Department of Education

Modyul 2: Lupain Ng Ating Lahi.. n.d. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

Most Essential Learning Competencies (Melcs). 2020. Ebook. Pasig: Department of

Education. https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.

National Solid Waste Management Status Report. 2018. Quezon City: Department of

Environment and Natural Resources.

Page 32: Unang Markahan Modyul 2: Konteksto ng Suliraning … · 2020. 11. 8. · ii Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konteksto

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]