27
Unang Kwarter-Modyul 2 Mga Talinghaga at Eupemistikong Pagpapahayag 8 Filipino

Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

  • Upload
    others

  • View
    106

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Unang Kwarter-Modyul 2

Mga Talinghaga at Eupemistikong Pagpapahayag

8

Filipino

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Filipino- Grade 8 Alternative Delivery Mode Unang Kwarter – Modyul 1: FB PB – 1a – C – 22 Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang – bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Department of Education – Region VII – Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Gina A. Semblante, Lea R. Flores

Tagasuri : Dr. Eugenia M. Solon

Tagaguhit : Gina A. Semblante, Lea R. Flores

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Unang Kwarter-Modyul 2 Mga Talinghaga at Eupemistikong

Pagpapahayag

Filipino 8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

para sa araling panitikan na tumatalakay sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na

pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang

kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-

alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa

pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang

hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

panitikang Ang Munting Ibon na isang kuwentong- bayan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon

sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob

ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman

mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang

sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng

pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan

mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

sitwasyon o realidad ng buhay.

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain

upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain

sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang

anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa

modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto

ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng

pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay

nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na

mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Panimula

May mga makatat manunulat na lalong nakahahabi ng malikhaing mga akda kapag nakaharap

sa mga pagsubok, kasawian sa pag-ibig, kamatayan ng isang mahal sa buhay at iba pa.

Ayon kay Jose A. Bragado, madaling mahirap ang gumawa ng tula at katunayan nito, hindi lahat

ng manunulat ay nakakasulat ng tula. Marami ring makata ang hindi makasulat ng kwento o nobe (vise-

versa). Kapwa sila ay gumagamit ng mga matatamis at matalinghagang pananalita at mga

eupemistikong pahayag para ang kanilang akda mapatula man, balagtasan o maikling kwento ay

magiging kabigha-bighani o kaakit-akit bigkasin o basahin. Tinagurian din sila ng ilang manunuri na

mga malaDiyos dahil sa paglikha ng mga tila buhay na buhay na mga tauhan sa kwento lalo na sa

mga epiko at kwentong bayan.

Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit ng mga

manunulat at makata na nagpapaganda ng kanilang likha. Mapapayaman din ang inyong mga

bokabularyo dito.

Sana matutuhan mong mahalin ang mga panitikan ng mga sinaunang Pilipino lalo na sa

panahon ngayong nasa pandemya ang bansa. O, ano pa ang hinihintay mo, ituloy na natin…

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto

at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Kumusta ka! Alam mo na ba kung ano ang kahulugan ng kwentong bayan at mga halimbawa nito? Nalilibang ka ba sa mga bugtong at palaisipan na napag-aralan ninyo sa unang modyul? Nilalaro nyo ba ito kasama ang inyong buong pamilya? Mabuti naman kung ganoon.

Sa araling ito, malalaman ninyo ang mga bagay na nagpapaganda sa mga

salawikain, sawikain, tula, balagtasan, alamat, epiko at maikling kwento.

Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag

na ginagamit sa tula, balagtasan, epiko, alamat at maikling kwento ayon sa

kasingkahulugan nito at kasalungat nito.

Mga Inaasahang bunga:

• Nakabubuo ng isang diyalogo gamit ang eupemistikong pagpapahayag o idyoma

• Nasasabi ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita at mga idyoma na

ginagamit sa tula, balagtasan at maikling kwento; alamat, epiko

• Natutukoy ang mga kahulugan ng mga pahayag eupemistikong ginagamit sa

usapan.

Paunang Pagtataya

Subukin ko ang Kaalaman Mo!

Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot sa mga sumusunod katanungan.

1. Mga pahayag na hindi nakakasakit ng damdamin

Eupimistiko Kasabihan

Salawikain alamat

ALAMIN

SUBUKIN

1

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

2. Ito ay kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan at kadakilaan.

tula epic

balagtasan alamat

3. Ang isang tula tulad ng balagtasan ay naglalarawan ng

Kagandahan/kariktan diwa

kadakilaan talinghaga

4. Ang tula at balagtasan ay binubuo ng mga

Saknong talata

Sukat taludtod

5. Ang mga saknong ay binubuo ng

Taludtod tugma

Sukat talinghaga

6. Ito ay ang pagkakasintunog ng mga tuno sa dulo ng bawat taludtod ng saknong.

Tugma ritmo

Sukat talinghaga

7. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod ng tula

Tugma sukat

Talinghaga ritmo

8. Ito ay salik/sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula

Talinghaga ritmo

Sining sukat

9. Isang uri ng patulang pagtatalo sa pamamagitan ng pangangatwiran.

Balagtasan duplo

Juego de prenda tula

10. Ano ang tawag sa taong tagapamagitan o tagahatol sa dalawang taong nagtatalo?

Lakandiwa/lakambini medyetor

Mambabalagtas huwes

11. Sila ang taong bumibigkas sa isang balagtasan

Lakandiwa ispeker

Mambabalagtas madla

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

12. Kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.

Epiko alamat

Kwentong bayan tula

13. Kwentong puno ng kababalaghan at may supernatural na kapangyarihan ang pangunahing

tauhan tulad ng mga super hero.

Epiko alamat

Kwentong bayan pabula

14. Ang eupemistikong pagpapahayag ay gumagamit ng mga

Idyoma Kasabihan

Salawikain Kariktan

Gawain 1.1 Panuto: Suriing mabuti ang larawan at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.

1. Kilala mo ba ang nasa larawan? Ano ang masasabi mo tungkol sa mga taong ito?

3

BALIKAN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

2. Ano kaagad ang iyong nadarama o ginagawa kapag makasalubong ka ng isang pulubi? Ibigay

ang iyong saloobin.

3. Naranasan mo na bang magbigay ng limos o tulungan ang isang pulubi? Ipaliwanag.

Gawain 1.2 Pagpapayaman sa Bokabolaryo: Saliksikin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalista at ibigay ang kasalungat na kahulugan nito. Salita Kasingkahulugan Kasalungat

1. pangungulila 2. tumataghoy-taghoy 3. bantayog 4. habag 5. pagdurusa

Gawain 1.3 Basahing at unawaing mabuti ang tula, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod

na katanungan. Gumamit ng sagutang papel.

Sa Isang Pulubi Salvador R. Barros

Sa labing lansangan, nang kita’y makita

habag ng puso ko’y nagbangong pagdaka,

ikaw’y nakaluhod, wala kang kasama,

tumataghoy-taghoy sa pangungulila:

larawan ng isang kawalang pag-asa’t

bantayog ng libong mga pagdurusa!

sa lagay mong yao’y ninais ko sana

na ikaw’y limusan ng abot ng kaya,

ngunit ang nangyari’y kaawa-awa ka!

Ako ma’y wala rin kahit isang pera…

1. Sa iyong palagay sino ang nagsasalita sa tula?

2. Paano inilalarawan ang pulubi sa tula?

3. Bakit nasabi ng may-akda na “kaawa-awa ka?”

4. Anong salita sa ikaapat na linya o taludtod ang naglalarawan sa salitang pangungulila?

4

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Halaw sa balagtasang “Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan” Nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes

5

5. Saan kadalasan matatagpuan ang mga pulubi?

6. Ayon sa tula ano ang inilalarawan ng isang pulubi?

7. Ipaliwanag ang linyang “bantayog ng libong mga pagdurusa

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig sa paraang patula ukol sa

isang paksa

Panuto: Mababasa sa ibaba ang ilang bahagi ng balagtasan. Suriing mabuti ang akda at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gumamit ng sagutang papel. LAKANDIWA: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay ng lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. PARUPARO: kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kab’yak na kampupot, aanhin ko iyan buo o wala nguni’t akin lamang. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang Kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. KAMPUPOT: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t Paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. PARUPARU: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililoy nasa kagandahan.

TUKLASIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

BUBUYOG: Ang isang sanglang naiwan sa akin

Ay di mananakaw magpahanggang libing

Gawain 1.1 Pagpapayaman sa Bokabolaryo: Saliksikin ang kasingkahulugan ng mga salitang

nakalista at ibigay ang kasalungat na kahulugan nito. Ilagay ang inyong sagot sa inyong

sagutang papel.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat

1. Nagtatalo

2. Talulot

3. Malagas

4. Paglilo

5. Kabiyak

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino-sino ang nagtatalo sa balagtasan?

2. Ano at sino ang kanilang pinagtatalunan?

3. Sino ang namamagitan sa dalawang nagtatalo?

4. Ano ang katangian ni Paruparo? Ni Bubuyog?

5. Ano ang hatol ni Lakandiwa sa dalawang nagtatalo?

6. Ano ang sagot ni Bubuyog sa hatol ni lakandiwa tungkol kay Kampupot

7. Ayon kay Kampupot sino ang kanyang kasintahan?

8. Ipaliwanag ang linyang “ang paglililoy nasa kagandahan”.

Ang alamat ay mga kwento na pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo

Kung Bakit Nasa Ilalim Ng Lupa Ang Ginto

(Buod)

Sa iyang nayon sa Baguio na kung tawagin ay suyuk, naninirahan ang mga igorot na

pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa

kanilang lugar kaya siya ang nagiging puno ng matatandang pantas.

6

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Taon-taon ay nagdaraos sila ng Kanyaw bilang parangal sa kanilang mga anito. Pumapatay sila ng

baboy na inialay sa kanilang bathala, nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso nakakita siya ng isang uwak na

nakatayo lang at mapupula ang mata at hindi natatakot sa kanya. Karaniwan ang mga ibon sa gubat

ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Hindi niya mawari

kung ano ibig sabihin ng kanyang nakita.

Siya’y bumalik sa nayon at sinabi niya ang mga pangyayari sa gubat. Ang sabi ng mga

pantas mag daos sila ng Kanyaw. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang

altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae ay naghanda ng masasarap na pagkain at ang mga

lalaki naman ay humuli ng isang baboy para iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit ng mga

bathala, kung ito man ay nagagalit sa kanila.Inilagay ang baboy sa altar sa itaas ng bundok-bundukan

at nagulat sila sa nangyari! Ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki, ang mukha

ay kulay-lupa na sa katandaan natakot sila.

Huwag kayong matakot dahil sa mababait kayo gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan.

Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo sa aking tabi. Pagkatapos sukluban niyo ako ng

malaking palayok. Pagkatapos ng tatlong araw bumalik sila sa bundok-bundukan at itinaas nila ang

palayok gaya ng sinabi ng matanda. Nakita nila ang isang punong kahoy na maliit, kumikislap ito sa

liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Si Kunto ang kauna-

unahang lumapit sa kahoy at pumitas ng dahon.

Nagkaroon kaagad ng kapalit ito at bawat isa ay pumitas ng dahon. Yumaman ang mga

taga-Suyuk. Ang dati nilang tahimik na pamumuhay ay napalitan ng inggitan at kasakiman. Patuloy na

tumaas ang punong-kahoy hanggang hindi na maabot ng tingin ng mga tao, kaya napagkasunduan ng

mga mamamayan na pagputol-putolin nila ang mga sanga at paghati-hatian ang puno. Tinaga at

binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit ng bumuwal ang punong kahoy,

kumidlap ng ubod-talim at kumulog ng ubod-lakas. Parang pinagsaklob ang lupa at langit.

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Nayanig ang lupa at bumuka ang lugar na kinabagsakan ng puno. Pinagalitan sila ng

Bathala, “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan ngunit sa halip na kayo’y higit na mag-

ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong puso. Hindi niyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag

saktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”

Pagkasabi ng katagang ito, sa harap ng mga taga-Suyok ang puno ay nilulun na ng lupa. Mula noon

nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Panuto: Basahin ang buod ng alamat at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang

papel ang inyong mga sagot.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?

2. Anong kahiwagaan mayroon ang uwak na kanyang nasalubong?

3. Ano ang idinaraos ng mga igorot kung nagagalit o natutuwa ang kanilang bathala?

4. Ano ang nangyari sa baboy na kanilang iniaalay?

5. Ano ibig sabihin ng salitang pariralang ang mukha ay kulay lupa? Ano kasalungat na kahulugan

nito?

6. Anong ibig sabihin na lantay na ginto?

7. Ipaliwanag: Parang pinagsaklob ang lupa at langit.

Ang Epiko ay mahabang tulang pasalaysay ng pakipagsapalaran na punong-puno ng

kababalaghan ang pangyayaring nagaganap, kung saan ang pangunahing tauhan ay may

supernatural na kapangyarihan. Pinapaniwalaan na ang bawat bayan at pangkat-etniko sa Pilipinas

ay may natatanging Epiko.

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Ang Labanan ni Aliguyon at Pumbakhayon (epiko ng mga Ifugao)

At sinabi ni Pumbakhayon kay Aliguyon,

“Aliguyon doon tayo maglaban sa dalampasigan,

Dahil ang palay naming ay halos ginto na at hinog;

Masisira ang aming palay kapag ditto tayo nagdigma.”

At sumagot si Aliguyon, “Anong masama roon?

Hindi ako aalis sa iyong palayan,

Lalabanan kita rito hanggang ang mga kawayan at mga punong alimit

Ay tumubo sa iyong palayan.”

At sinukat ni Aliguyon si Pumbakhayon,

Tiningnan niya ang mga paa nito at sinabing,

“Tila matipuno si Pumbakhayon?

Sinusubok niyang ideretso ang kulot niyang mga daliri sa paa.

Hindi kaya walang silbi ang pakikidigma

Kung pantay lang kami ng husay at lakas?”

Hinawi ni Aliguyon ang mga palay

Upang makausad sa kapatagan.

Ganoon din si Pumbakhayon.

Inihagis ni Aliguyon ang kaniyang sibat,

Deretso kay Pumbakhayon;

Matalas ang pag-iisip, nasalo

Ni Pumbakhayon ang sibat ni Aliguyon.

Sinundan ng mga mata ni aliguyon ang sibat.

Nakita niyang nasalo ito ni Pumbakhayon

Kung kaya’t pumalatak siya sa inis.

Inihagis ni Pumbakhayon ang sibat kay Aliguyon

Matalas, ang pag-iisip, nasalo

Ni aliguyon ang sibat ni Pumbakhayon.

Nakita ni Pumbakhayon ang husay ni Aliguyon

Kung kaya’t pumalatak siya sa inis

At sinabing, “Napakahusay ni Aliguyon,

9

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Anak ni Amtalao!”

At inihagis nila ang sibat sa isa’t isa,

At nasalo nila ang sibat ng isa’t isa,

At naglaban sila nang matindi sa palayan;

Mula bukangliwayway hanggang tanghali,

Nasisinagan ng kanilang mga sibat ang palayan,

At sinasabayan ito ng kanilang mga sigaw pandigma,

Ang mga dalagang nanonood kay Pumbakhayon

Ay nagsisisigaw,

“Laban, laban, Pumbakhayon!

Patayin si Aliguyon! Ibigay sa amin ang kaniyang ulo,

Nang maging sariwa na ang hangin sa aming mga kabahayan!”

Tiningnan ni Pumbakhayon ang mga dalaga at sinabing,

“Magsitahimik kayo, mga magagandang dilag,

Dahil karapat-dapat na kalaban si Aliguyon;

Magkasinghusay kami.”

Nang margining ni Dangunay at Pangaiwan ang tungkol sa kanilang anak,

Umalis ang ina, puno ng kaba,

Kasama ang kaniyang sanggol na si Bugan.

Ibinalot niya ng kumot ang sanggol at itinali sa likod

At lumabas siya ng bahay

At tumawid siya sa bakuran, ng bayan,

At lumakad siya hanggang sa marating ang pader ng bayan.

Tinanaw niya ang palayan

At nakita ni Aliguyon at Pumbakhayon;

Nakita niya ang dalawa at pinaghambing ang mga ito,

Si Pumbakhayon at Aliguyon

At sinabi, “Walang mas mahusay, pantay sila sa lahat ng bagay.”

Sumimangot siya sapagkat pareho silang magaling.

Sumimangot sa nakitang palayang nauulapan ng alikabok ng digma.

Itninaas ni Dangunay ang isang bolo,

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

At nakuha nito ang pansin nina Pumbakhayon at Aliguyon.

Sumigaw si Dangunay mula sa pader

“Kayong dalawa, ano ang nakukuha niyo sa paglalaban sa palayan?

Pantay lang ang inyong lakas!

Ano pa ang silbi ng pakikidigma?”

Panuto: Basahin ang buod ng Epiko at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. A.

1. Ilarawan si Aliguyon, ilarawan si Pumbakhayon bilang mandirigma.

2. Paano mo ilalarawan ang labanang ito? Paano ito natapos?

3. Anong ibig sabihin ng salitang pumalatak?

B. Ipaliwanag:

4. Mula bukang liwayway hanggang tanghali

5. Nauulapan ng alikabok ng digma ang palayan

6. Ang palay naming ay halos ginto na at hinog

MGA TALINGHAGANG SALITA O EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG

Ang pakikipag usap sa kapwa ay tulay sa pagkaunawaan. Ngunit minsan naghahatid ito ng

hindwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin.

Gumagamit ito ng mga pahayag idyomatiko.

SURIIN

11

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Ang Eupemistikong Pahayag ay salita na badyang pampalubagloob o pampalumay upang ito

ay hindi masama pakinggan o basahin. Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong

bulgar o malaswang mga salita.

Mga halimbawa: Idyoma Kahulugan

Hikahos sa Buhay - Mahirap Magulang - Maraya

Lumulusog - Tumataba Balingkinitan Payat Tinatawag ng Kalikasan - Nadudumi Sumakabilang Bahay - Kabit Kasambahay - Katulong Mapili - Maarte o Pihikan May amoy - Mabuhay Ibaon sa Hukay - Kalimutan na

Panuto: Piliin ang tamang kahulugan sa idyomang sa loob ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal. a. Walang pera b. hindi natahi c. walang trabaho

2. Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto. a. Lola b. tiya c. ina

3. Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat. a. Malakas b. matanda na c. bata pa

4. Alimuom niyo naman po. a. Mabango b. mabaho c. malangsi

5. Bakit ba bahag ang buntot ka? a. Duwag b. matapang c. mabagal

PAGYAMANIN

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

6. Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo. a. Kalimutan b. alalahanin c. tandaan

7. Napakabukas ng palad mo. a. Matulungin b. mapagbigay c. mapagmahal

8. Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. a. Kapatid b. bana c. anak

9. Bakit siya nagbibilang ng poste? a. Luko-luko b. nakatayo c. walang trabaho

10. Napaka basag ng pula mo. a. Barkadista b. luko-luko c. basagurelo

11. Huwag mo akong ibaon sa hukay. a. Isipin b. dalhin c. kalimutan

12. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. a. Mahirap b. mayaman c. masipag

Panuto: Bigyan mo ng pansin ang mga eupemistikong pahayag na ginamit sa usapan.

Pagkatapos isulat ang sagot sa sagutang papel at ibigay ang kahulugan nito.

Lef: Hoy! Joan kumusta ka na? Ibang – iba ka na ngayon. Halos di kita makilala para kang

hinipang lobo.

Joan: Mabuti naman naku. Oo nga eh. Napabayaan na kasi ako sa kusina, Aba iba na rin naman

ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

Ang lakas ng dating mo.

Lef: Naku ha, pomoporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong

Medisina? Ikaw ang may utak klase natin noong high school tayo di ba? Malamang kayang-

kaya mo ang kursong pinangarap mo.

Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y

hinangad ko na.

ISAISIP

13

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Lef: Masaya akong malaman ‘yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong

pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na

iyong mararanasan.

Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

Ano ang masasabi mo sa usapan? Nakakasakit ba sa damdamin ng isang tao ang mga salitang

ginagamit sa usapan? Maganda ba sa pandinig ang usapan?

Ang nabasa ninyong usapan ay gumagamit ng mga salitang hindi nakakasakit ng damdamin. Ang

mga ito ay tinatawag na eupemistikong pagpapahayag at ito ay gumagamit ng mga idyoma para

maganda pakinggan ang usapan.

Panuto: Sa inyong sagutang papel, bumuo ng pangungusap gamit ang mga idyomang

sumusunod:

Alilang kanin – pabahay at pakain ngunit walang sweldo

1.

Balitang kutsero – balitang hindi totoo

2.

Ahas – Taksil, traydor

3.

Haligi ng tahanan - ama

4.

ISAGAWA

14

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Nag alsa ng sariling bangko - mayabang

5.

Panuto: Gumawa ng usapan gamit ang mga pahayag eupemistiko/idyoma batay sa sitwasyong

ibinigay isulat ang diyalogo sa loob ng mga lobo at lagyan ng simula at wakas ang

usapan. Kopyahin ang pormat sa isang buong papel at doon ilagay ang inyong mga

sagot.

Sitwasyon: Dalawang magkaibigan nagkita at nag kumustahan. Si kaibigan A ay mataba at

mayaman samantalang si kaibigan B ay payat at mahirap.

Kaibigan A Kaibigan B

TAYAHIN

15

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Panuto: Gumawa ng sampong flashcard na may nakasulat na idyoma at may

kahulugan. Lagyan ng disenyo at kulay.

Halimbawa ng Flashcard

KARAGDAGANG GAWAIN

16

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Subukin:

1. Eupemistiko 2. Tula 3. Kagandahan/kariktan 4. Saknong 5. Taludtod 6. Tugma 7. Sukat

8. Talinghaga 9. Balagtasan 10. Lakandiwa 11. Mambabalagtas 12. Alamat 13. Epiko

14. idyoma

Balikan:

1.ibat-ibang kasagutan 2.ibat-ibang kasagutan 3.ibat-ibang kasagutan

Gawain 1.2

Kahulugan Kasalungat

1.pananabik 2.dumadaing 3.monument 4.awa 5.pagtitiis

1. hindi iniisip

2. walang naramdaman 3. 4. suklam 5. matiwasay

Tuklasin: (Bulaklak ng:::)

Kahulugan Kasalungat

1.nagdebate/nag-aaway

2.petals 3.matanggal/maalis 4.pagtaksil 5.kaparis/kahati

1. nagkaintindihan 2. 3. nakadikit 4. tapat 5. buo

Balikan: Gawain 1.3 Mga katanungan (Sa isang pulubi) 1. may akda 2. nakaluhod at walang kasama 3. dahil wala siyang perang maibigay sa pulubi 4. tumataghoy-taghoy 5. iba-ibang kasagutan 6. larawan ng kawalan ng pag-asa 7. iba-ibang kasagutan

SUSI SA PAGWAWASTO

Mga katanungan (Bulaklak ng lahing

kalislinisan)

1. Paruparu at Bubuyog

2. Tungkol sa pag-ibig kay Kampupot

3. Lakandiwa

4. Iba-ibang kasagutan

5. Paghatiin si Kampupot

6. Kung hahatiin man si Kampupot

kay Paruparo na ibigay

7. Luha ng Langit, buwan at araw

8. Iba-ibang kasagutan

17

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Pagyamanin: 1. Walang pera 7. Matulungin 2. Ina 8. Bana 3. Matanda na 9. Walang trabaho 4. Mabaho 10. Luko-luko 5. Duwag 11. Kalimutan 6. Tandaan 12. Mahirap

Isaisip: Hinipang lobo Tumaba Pinabayaan sa kusina May Gintong kutsara sa bibig -------- Ipinanganak na mayaman Lakas ng dating ----------------------- Sikat May utak-------------------------------- Matalino Nagsusunog ng kilay -------------------- Magdamag na nag-aaral Butas ng karayom ------------------------ Dumaan sa hirap Matamis ang Bunga------------------------Matagumpay

18

Alamat

1. Kunto 2. Pula ang mata at hindi natatakot sa tao 3. Kanyaw 4. Naging isang matandang-matandang lalaking halos kulay lupa na 5. Parang naaagnas na bangkay – bagong silang na bata 6. Walang halo, kuro 7. Iba-ibang kasagutan

Epiko

1. Malakas, maliksi, matapang 2. Walang hanggan – hininto nila ang labanan dahil pareho silang malakas 3. Saltik ng dila 4. Naabutan sa pagsikat ng araw 5. Natabunan ng alikabok 6. Handa ng anihin

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 26: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Sanggunian

Aklat

Bola, Asuncion, et al. Panitikang Filipino 8 modyul para sa mag-aaral

Juban, Ailen G. et al. Pluma II. Phonix House Incorporated.

Reynaldo S. Reyes Reynaldo S,Filipino 4. Strategic Intervention Materials, EFERZA Academic

Publications.

CNU Handbook – Panulaang Pilipino, “Sa isang pulubi” pahina 149,

Internet

Google Internet Information about the lessons

Google Internet Pictures/Icons

Google.com/search? q=euprmistikong-pahayag

https://philnews.ph/2018/12/14/sawikain-30-halimbawa-sawikain-kahulugan/

https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-halimbawa/

https://restiechavez.com/ang-story-ng-pulubi-na-gustong-yumaman/

https://shuffledink.com/custom-flash-cards/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Idyoma

https://townsoftheworld.com/

19

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 27: Unang Kwarter-Modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/Fil-8-Modyul-2-final.pdf · mga epiko at kwentong bayan. Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark