78
UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT ni Patrocinio V. Villafuerte Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas

Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

UGNAYANGPAGBASA-PAGSULAT

niPatrocinio V. Villafuerte

Puno, Kagawaran ng FilipinoPamantasang Normal ng Pilipinas

Page 2: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang “nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.”

Page 3: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa kumbensyonal na mga programa ng pagtuturo ng wika, kasunod ng pagtuturo ng pagbasa ang pagtuturo ng pagsulat.

Page 4: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.Inihihiwalay rin ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat.Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malalaking titik.

Page 5: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo.

Hindi nabubuo ang tuluy-tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.

Page 6: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina.

Ang mga salitang natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa talasalitaang nakapaloob sa tekstong binabasa.

Page 7: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa pagbaybay.

Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto.

Page 8: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat.

Napatunayan sa pag-aaral nina Noyce at Christie (1989) na mabisa ito sa pagtuturo kung pag-uugnayin.

Page 9: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang Pagbuo ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.

Page 10: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.

Page 11: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

ANG LIMANG SAKLAW NA MAG-UUGNAY

SA PAGBASA AT PAGSULAT

1.Kaalaman sa Informasyon

2.Kaalaman sa Istruktural

3.Kaalaman sa Transaksyonal

4.Kaalaman sa Aestetiko

5 Kaalaman sa Proseso

Page 12: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na nakapagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasa.

Page 13: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Kapag sila’y nakapagsusulat tungkol sa aklat ay kanilang natututuhan ang proseso ng pagkakasunud-sunod na yunit ng wika.

Nalilinang nila ang mga kasanayan sa:

Page 14: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

1. Encoding at decoding

2. Pagsulat ng pangungusap

3. Paglinang ng talata

4. Pagsulat ng higit na

mahabang seleksyon

Page 15: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

ANG KAHALAGAHANNG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT

1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi.

2. Nagaganap ang pagkatuto.3. Nalilinang ang aspeto ng

pagkaunawa.

Page 16: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

4. Naihahanda ang mga

mag-aaral sa daigdig na

naghihintay sa kanila.

Page 17: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

ANG PAGSULAT BILANG PROSESO

1. Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at binibigyan ng kaukulang evalwasyon ng guro ng kanilang mga naging produkto.

Page 18: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi produkto.

Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong pagdulog sa pagsulat.

Page 19: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Mga Hakbang sa Prosesong Pagdulog sa Pagsulat

1. Panimulang pagsulat

2. Paghahanda ng burador

3. Pagrerebisa

4. Pagwawasto

5. Pagpapalathala

Page 20: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

ANG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT SA KASALUKUYAN

Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oprtunidad upang pag-ugnayin ang pagbasa at pagsulat.

Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat

Page 21: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang Reader Response Journal

Ang Reader Response Journal ang pinakagamiting uri ng journal na nagagamit sa iba’t ibang paraan.

Page 22: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Reader Response Journal

1. Pagbasa ng isang tekstong literari

Page 23: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

2. Pagsulat ng tugon / reaksyon mula sa binasang teksto

Page 24: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

3. Paggamit ng mga panimulang ideya para sa malawak na saklaw ng susulatin

Page 25: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Gumagamit ng reader response journal ang mga mag-aaral upang makapagtala ng kanilang mga ideya at saloobin mula sa tekstong kanilang binasa.

Page 26: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Magagamit ang reader response journal sa malayang pagbabasa at maging sa mga babasahing seleksyon na itatakda ng guro.

Page 27: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa paggamit ng reader response journal, hinahayaan ng guro ang mga mag-aaral na makontrol ang kanilang mga tugon sa pagtatakda ng gawaing-bahay.

Page 28: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sinusuportahan ng guro ang mga karanasan ng kanyang mga mag-aaral sa tulong ng teksto upang maging masaklaw ang pagtalakay nila sa kanilang mga karanasan.

Page 29: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang mga tekstong naitala sa reader response journal ay maaaring mapalawak. Nagagawa ito kung gaganyakin ng guro ang kanyang mga mag-aaral na balikang basahin ang mga ideyang naisulat nila sa reader response journal.

Page 30: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

May 10-15 minuto araw-araw ang nilalaan ng guro sa pagpapasulat ng reader response journal.

Page 31: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa panahong ito ay pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral batay sa kanilang binasang seleksyon – anuman ang nais nilang sulatin at dapat nilang sulatin.

Page 32: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Mahalaga lamang na masubaybayan at mapatnubayan ng guro ang kanyang mga mag-aaral habang isinasagawa ang proseso lalo na sa mga di-gaanong familyar na gawain.

Page 33: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Halimbawa ng akdang maipababasa sa mga mag-aaral:

TIKTAKTOK

AT

PIKPAKBUM

(Ang Magkapatid na Laging Nag-aaway)

ni Rene Villanueva

Page 34: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Magkapatid sina Tiktaktok at Pikpakbum.

Pero magkaiba ang ugali nila.

Kaya madalas, nag-aaway sila.

Page 35: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Maraming kalaro si Tiktaktok.

Marami namang kagalit si Pikpakbum.

Page 36: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Marunong bumilang si Tiktaktok.

“Isa, dalawa, tatlo.”

Page 37: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sagot naman ni Pikpakbum,

“Ang tatay mong kalbo!”

Page 38: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Malusog si Tiktaktok dahil mahilig sa gatas, gulay at itlog.

Page 39: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Pero sakitin si Pikpakbum dahil mahilig sa softdrinks, tsokolate at kendi.

Page 40: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Tumutulong si Tiktaktok sa kanilang tatay at nanay.

Page 41: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Pero si Pikpakbum, laging naglalaro sa lansangan.

Page 42: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Isang araw, may napulot na karne si Tiktaktok.

“Tingnan mo ito,” sabi niya kay Pikpakbum.

Page 43: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Kinuha ni Pikpakbum ang karne at tinikman.

|Ang sarap,” sabi ni Pikpakbum.

Page 44: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Mabilis na tumakbo si Pikpakbum at tinangay ang kapirasong karne.

Page 45: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

“Pahingi naman,” sigaw ni Tiktaktok. “Bigyan mo ako kahit konti.”

Page 46: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sumagot si Pikpakbum,

“Kainin mo ang paa mo!”

At nagtawa nang nagtawa habang mabilis na tumatakbo.

Page 47: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

At naghabulan ang dalawa.

Nakapagtago agad si Pikpakbum.

Hingal na hingal naman si Tiktaktok.

Page 48: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Nang hindi makita ang kapatid, naupo na lamang si Tiktaktok.

Habang nagpapahinga si Tiktaktok, may dumating na isang matadero.

Page 49: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

“May nakita ka bang magnanakaw na may dala-dalang karne?” tanong sa kanya ng matadero.

Page 50: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

“Wala ho, sagot ni Tiktaktok.

Ninakaw pala ang karne sa palengke,” naisip ni Tiktaktok.

Page 51: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

“Masamang kainin ang karneng iyon dahil bulok na at may lason pa sa daga,” sabi ng matadero.

Page 52: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Tumakbo agad si Tiktaktok at

sumigaw nang sumigaw.

“Pikpakbum! Pikpakbum!

Huwag mong kainin ang

karne! May lason pala ‘yan!”

Page 53: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Nang makita nila sa isang sulok si Pikpakbum ay umiiyak ito.

“Aruy ko po! Ang sakit ng tiyan ko!” sabi ni Pikpakbum.

Page 54: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Pinahiga agad ng matadero si Pikpakbum.

Diniinan niya ito sa tiyan hanggang sa magsuka nang magsuka.

Page 55: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Pagkatapos, kumuha ng tubig si Tiktaktok at pinainom ang kapatid niya.

Saka pa lamang nawala ang sakit ng tiyan nito.

Page 56: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Magmula noon ay nagbago na si Pikpakbum.

Hindi na sila nag-aaway ng kanyang kapatid.

Page 57: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Hindi na rin niya ito nilalamangan.

Naging magkaibigan na sila.

Page 58: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Maaaring makatulong ang talaang ito sa pagtalakay sa aralin:

1. Ang karakter na gustung-gusto ko sa kuwento ay si

_____dahil _____________.

Page 59: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

2. Ang tauhan ay nagpapagunita sa akin sa isang taong kilala ko dahil _______________________________________________________________.

Page 60: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

3. Ang tauhan ay nagpapaalala sa akin dahil _______________________________________________________________.

Page 61: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

4. Ang bahaging nakapagpapaisip sa akin ay ang ___________________

______________________.

Page 62: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

5. Ang bahaging nagpapaalala sa akin tungkol sa aking buhay ay ang _______________________________________. Nangyari ito noong _______________.

Page 63: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

6. Kung ako si _________ sa oras na ito ay __________

_______________________

_______________________

_______________.

Page 64: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang Dialogue Journal

Ang dialogue journal ay isang uri ng journal at balangkas na paraan sa pagsulat ng mga mag-aaral na nag-uugnay sa kanilang guro.

Page 65: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ito’y isang paraan ng pag-uugnay ng pagbasa at pagsulat.

Page 66: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ang Paggamit ng Dialogue Journal

1. Sumusulat ang mga mag-aaral sa journal.

Isinusulat ng mga mag-aaral ang anumang paksang nais nilang sulatin.

Page 67: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

2. Kinukulekta ng guro ang journal pagkatapos ng klase.

Page 68: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

3. Binabasa ng guro ang bawat journal at isinusulat niya ang kanyang mga tugon.

Page 69: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

4. Ibinabalik niya ang journal na susunod na araw.

Page 70: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

PangwakasAng kauna-unahang kumprehensibong pag-aaral sa pagsulat ng dialogue journal ay naganap noong 1979 sa Los Angeles.

Page 71: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa loob ng buong taong 1979 ay sumulat ng mga dialogue journal si Leslee Reed sa kanyang 26 na mag-aaral na nasa ikaanim na baitang.

Page 72: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Ito ang naging data base para sa etnografikong pag-aaral ng pagsulat ng journal.

Page 73: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Dito nagsimula ang pagbibigay-halaga sa interaktibong pagsulat sa konsepto ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral at guro.

Page 74: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Pinasusulat ni Reed ang kanyang mga mag-aaral ng (1) kanilang mga natutuhan. (2) mga suliraning namamagitan sa kanilang mga kamag-aaral

Page 75: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

(3) kanilang mga karanasan sa tahanan o komunidad.

Gabi-gabi ay binabasa ni Reed ang mga journal.

Page 76: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Sa umaga ay makukuha ng mga mag-aaral ang ang mga naisulat na sagot ni Reed.

Sa buong araw ay dala-dala ng mga mag-aaral ang kanilang journal.

Page 77: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

Si Reed ay guro. Tayong lahat ay guro. Naniniwala akong kayang-kaya nating gawin ang paghahanda at pagtugon sa reader response journal at maging sa dialogue journal.

Page 78: Ugnayang Pagbasa at Pagsulat

MaramingSalamat

Po!