Click here to load reader

tional Writers Workshop 2019. · PDF file Pagdating ng mga tao Narinig natin ang mga umiiyak panalangin Hindi malakas, parang pabulong Na parang mga patak ng tubig sa mga kahon Natulog

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of tional Writers Workshop 2019. · PDF file Pagdating ng mga tao Narinig natin ang mga umiiyak...

  • Gerald Castillo Galindez currently teaches at Notre Dame of Tacurong College as a Senior High

    School teacher of Literature. He is a member of the SOX Writers Associa-

    tion and is currently the Interim-Chairperson of the SKWA (Sultan Kudarat

    Writers Association)

    Gerald is the winner of the 2008 United Methodist Church Pananaw Maga-

    zine National Poetry contest. He won the first ever 2017 Cotabato Province

    Poetry Contest with his poem San Gerardo and the Execoetidae. He authored

    two SOX Poetry Zines I, Alone, 2017 and Ginapasaya Mo Ako, 2018. And Co

    -edited the SOX Zines Kalimudan: Literary Work from Sultan Kudarat, 2018 and

    the Best of Sulat SOX, 2018. He published his poems in Cotabato Literary

    Journal, Alpas Journal, SulatSOX, Dagmay and the latest Mindanao Harvest

    4, a 21st Century Literary Anthology, Edited by Jaime An Lim, Christine

    Godinez-Ortega and Ricardo M. De Ungria. He was a fellow for poetry in

    the 2018 Davao Writers Workshop and the 26th Iligan National Writers

    Workshop where he won a Jimmy Balacuit Literary award for poetry.

    Copyright © 2019 by Gerald C. Galindez, Self-published All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmit- ted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer.

    [email protected]

    Maalikabok Ka Lang

    Pero Kaganda Mo And Other Poems

    GERALD CASTILLO GALINDEZ

    Maalikabok Ka Lang Pero Kaganda Mo

    Sugar Veins

    Meri Krismas Langit

    Chill-reading Lovecraft During Turbulences

    Nakagising ako 4am

    Hegalong Player Facemelter Extravaganza

    Ang Mga Kahon

    How to Brighten Extremely Dark Old Videos Using VLC

    Ang Yawyaw ng Sigbin

    Cthulhu Rising

  • Para sa inyo lagi,

    Victoria, Gerardo, Hiraya, at Magwayen

    Acknowledgements

    Unang naglabas ang mga tula na Meri Krismas Langit at Maalikabok Ka Lang Pero Kaganda mo sa Cotabato Literary Journal . Nanalo ang tula na Hegalong Player Facemelter Extravaganza ng 2nd Place sa Jimmy Y. Balacuit National Literary Award noong 26th Iligan Na- tional Writers Workshop 2019. Ang tula na Maalikabok Ka Lang Pero Kaganda Mo ay galing sa ideya at twitter post ni Seth Victorio, isa sa mga former-students ko.

  • Cthulhu Rising Sa panaginip niya ako gikausap Si Cthulhu, The Great Dreamer,The Great Slumbering One - Mag-gising na siya—tulungan ko daw siya Sabi ko— Wow! Putcha! Whattanice Idol! Imagine Sa lahat daw ng gikausap niya Ako lang daw ang nakaintindi Isipin mo Gikausap niya daw dati si Van Gogh at Poe, hindi nagwork, xet!

    Gikausap niya din si Cobain at Bourdain, wala din nagwork, xet! Pero ako? - Ako daw? Perfect – sabi niya (Naga-galawgalaw pa yung tentacles niya) Alangan! Ako na gud ito Pasikat ko din. Pero narealize ko. Kahirap man ng mga ginapagawa niya oi! Kadami pa gid! Makaya ko kaya ito? Madami daw dapat gawin Marami daw kulektahin, (ka demanding ba) Hindi ba pwede mag alay na lang ng virgin sa bilog na buwan, tusukin ng dagger sa heart kunin ang puso then shhoooooob! Summoned! Pero kailangan daw talaga Mag-puasa, maghalad sa mga alangain na petsa Maligo sa mga ilog sa gabi, (much better kung sa loob ng kweba) Maghuli ng mga puti na isda, Tilapya kung meron Makinig sa mga sikada sa mga puno na walang edad Hanapin ang dalaga na onse ang daliri Sa terminal ng bus amuyin ang mga tao, ang brake, ang suka sa running board Makisayaw sa mga Badjao sa sidewalk Magbilang ng sinsilyo sa kalsada—Magbilang ng mga anino Maglakad-lakad, magreflect-reflect Baka may makita pag magtingin sa araw. Yun— Hindi na ako nagapasok sa trabaho Wala na din ako nagalabas ng kuwarto Gitakpan ko na din ang mga bintana Gamumuk na lang ako, nagahintay—matulog Kausapin ulit ng boses sa panaginip Makatakot baya minsan pero kalakas ng boses niya Naga kurog-kurog ako Hindi mo marinig? Sure? Kalakas ba! Parang dalugdog Makagising ako sa mga madaling araw na naga-ulan Maglabas ako sa basketball court Maghangad – yakapin ko ang madilim na paligid Tikman ko ang madilim na mga patak ng ulan Ginatawag niya ako palagi sa sa taas ng cell tower Naga orasyon ako doon Hindi ko magets ang ginasabi ko Pero pag wala na kayong narinig tungkol saakin Siguro nag fail din ako. Wag niyo na ako hanapin.

    Maalikabok Ka Lang Pero Kaganda Mo

    Maalikabok ka lang pero kaganda mo, Lalo na sa mga hapon pag ginatamaan ka ng ilaw ng araw na nagalubog sa Daguma - Ang korona mo naga-baga. Maalikabok ka lang Pero grabe kainit ang pag-alaga mo- Wala kang ginapili, wala kang paborito, gi-yakap mo lahat ng tribu. Maalikabok ka lang, Pero kadami mong ginatago Mga kayamanan sa iyong buhok, Mga pakpak na ginto, apoy sa dulo ng mga uway o yantok Mga perlas sa tawa ng mga masayahing tao. Maalikabok ka lang Pero kadaming naga-asa sa iyong paaralan, Ang iyong industriya ay buhay sa mga pangarap ng iyong mga anak, ng mga babu at bapa, ng mga manong at manang, ng mga iyoy at iyay Gintahi mo ang mga malalalim na sugat ng kasaysayan. Maalikabok ka lang pero kalalim ng iyong ugat, sayo naga daloy ang mga pinag halong tula at awit at kulay ang mga sayaw na nagasabog! Ang pinag-isang kultura na patuloy sa paglipad, Tulad ng mga ibon na tunay na naga-may-ari ng lupa. Tacurong, Maalikabok ka lang pero kaganda mo.

  • Sugar Veins Naghukay ako ng Gold malapit sa amin Kahit gipagsabihan na nila ako, scam daw yun Wala ako nakinig Naghukay pa din ako Nag invest ako sa mga gamit Magandang piko, pala, sako, at makina In-all-in ko na Nag stop na din ako work, nag loan na din ako - Sure na talaga ito! Sa pader na bato - Sa gilid ng bangin - Sa tabi ng ilog - Nandoon ang sugar veins Naga kinang-kinang Ginakabahan na ako Ito na ang jackpot, napamura ako sa excitement - xet! Nagstart na ako hukay Kalakas ko! Walang makapigil Gina-isip ko na habang ginatira ko ang bato Ang mansion, ang private jet (Sige pa! sige pa!) Ang corvette, ang Lamborghini (Sige pa! sige pa!) Ang condo sa Makati (Sige pa! sige pa!) Ang Beach House, Ang Rest house, Ang Extra House (Sige pa! Sige pa!) Diretso lang, diretso lang! malapit na Wag mag-stop! wag mag-stop! Hindi dapat mapagod (Laksan ko pa! laksan ko pa!) (Diinan ko pa! Diinan ko pa!) Walang gahi-gahi Tak! Tak! Tak! Tak! Tak! Tak! …

    Meri Krismas, Langit

    Kasaya ng panahon ngayon Krismas

    Kadaming gift, makulay, ginabalot ng silopin—

    Lingaw, makapa-excite, makapa-good vibes—

    Pero hindi sa bahay namin—

    Wala kami naghingi.

    Pero kung puwede

    Kahit konti lang sana

    Hininga, init

    Konting tibok—pulso sa maliliit na kamay.

    Konting init,

    Konting buhay.

    ’Yon lang sana.

    Kami pala ang magbigay ng regalo ngayon

    Ibalot namin sa karton, silopin

    Kahirap buhatin

    Luha ang nagatulo, hindi pawis

    Kabigat.

    Kahirap ipadala sa langit.

  • Chill-Reading Lovecraft During Turbulences Paano pag na-kidlatan yung pakpak? Mahati tapos mag-ikot-ikot, mahulog sa itim na dagat (o bukid)

    Paano niyo ako hanapin? Kung nag-palit kami ng kasama ko na gusto sa seat window Kasi first time niya - Ayaw ko din maging KJ Paano pag nakidlatan yung ulo? Tapos nakurente si Jacqueline at kasama niya? Hindi baya maopen ang cockpit sa labas Paano pag nakidlatan kami lahat? Paano pag sa lakas ng hangin Mamatay ang makina namin? Mag-stall. Mag flash emergency lights. Magstart na siguro kami pray eh! Madaming mag-sigaw-sigaw, mag-iyak-iyak (alam mo na yun sa mga palabas) Genuinely asking for His mercy real quick As in real quick kay naga nose dive na ang plane In Jesus name! In Jesus name! Ilang minutes lang Ma-bungkag lahat ng katawan namin Sunugin pa gid ng engine fuel, Kainin pa gid ng Pating o Baraccuda (pag sa dagat) Kainin pa gid ng mga sapat (pag sa bukid) Paano na lang? Paano na lang? Wala ko pa natapos itong libro. Tama lagi yung sabi ni Norman Stansfield ba “It's when you start to become really afraid of death that you learn to appreciate life” Paano na lang kaya yun no? Paano pag multo na lang pala ako ngayon Tapos hindi ko alam - (sige lang atleast makasama ko na ang mga anak ko) Diba? Paano pag multo na lang kami lahat? Tapos hindi din namin alam? Siguro

    Magpasok parin kami sa mga classroom na walang laman. Magturo parin sa mga estudyante na wala doon.

    Homaygad! Hala! Gold! Pure Gold! Hallelujah! Praise the lord! Ga shine shine! Ari nagid! Yes! Pero… Daw may nag-kasa ng baril sa likod ko haw?

  • Nakagising ako 4am – Nakagising ako 4am – Gi-on ang ilaw, Gi-rub ang mata, Gi-check ang motor - nandyan pa Gi-check ang aso - buhay pa nag-ihi - Nag-hangad sa kisame - nag-isip, Katagal ko na hindi naka excersice, Katagal na talaga - Bakit pala ako naga excersice dati? Magpa-payat, magbalos, - Magbalos kanino? Tama, yun yon - magbalos – dati, Pero masama man magbalos Gina suntok ko ang punching bags ng gym hanggang masugat ang kamay. Yong itsura niya na register sa utak ko, mas lalo pa akong naga lakas, wala ng steroids steroids... Maganahan

Search related