12
ANG BALITANG TOTOO MARSO 5-11,2013 VOL 1 NO 1 PNOY, NANGANGAMPANYA SA KABILA NG GULO SA SABAH? - Basahin sa Pahina 5 Mga kardinal, dumagsa na sa Roma - Basahin sa Pahina 5 www.tapatPH.com @tapatPH tapatPH TAPATAN: Manhid ka ba? tampok - Pahina 9 Miriam College, Cheerdance Champion sports - Pahina 12 Sa tingin mo, ano ang dapat gawin ng gobyerno tungkol sa lumalalang isyu ng Sabah? i-text ang sagot niyo sa: 0932-1469436

TAPAT Vol 1 No 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Balitang Totoo.

Citation preview

Page 1: TAPAT Vol 1 No 1

ANG BALITANG TOTOO

MARSO 5-11,2013VOL 1 NO 1

PNOY, NANGANGAMPANYA SA KABILA NG GULO SA SABAH?

- Basahin sa Pahina 5

Mga kardinal, dumagsa na sa Roma- Basahin sa Pahina 5

www.tapatPH.com@tapatPH tapatPH

TAPATAN:

Manhid ka ba?tampok

- Pahina 9

Miriam College, Cheerdance Champion

sports- Pahina 12

Sa tingin mo, ano ang dapat gawin ng gobyerno tungkol sa lumalalang isyu ng Sabah?

i-text ang sagot niyo sa:0932-1469436

Page 2: TAPAT Vol 1 No 1

2 MARSO 5-11,2013balitaPDAF misuse, iimbestigahang maigiKinakalampag ngayon ng isang kongresista ang mga ahensyang may hawak sa kasong di umano’y maling paggamit ng pork bar-rel ng ilang mambabatas, na laliman at imbestigahan ng maigi ang nasabing isyu.

Ani House Deputy Speaker Erin Taña-da, dapat atasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investiga-tion (NBI) paratingnan at pag-aralan ang mga pekeng non-governmental organiza-tion (NGO) na nakinabang sa P195 mi-lyon na pork barrel diumano nina Senador Ramon “Bong” Revilla, chairman ng Lakas-CMD, Senate President Juan Ponce-Enrile, SenadorJinggoy Estrada at dating Buhay Partylist Rep. Rene Velarde noong 2011.

Maging ang Commission on Audit (COA) ay hinimok ng kongresista na ip-asiyasat narin sa Ombudsman ang parti-

sipasyon sa di umano’y anomalyang ito ng mga taga-Department of Agriculture (DA). Napag-alaman na ang DA ang si-yang nag-aapruba sa kung aling mga NGO ang mabibigyan ng alokasyon mula sa pork barrel ng mga mambabatas.

Samantala, naniniwala naman si House Minority Leader Danilo Suarez na may kinalaman sa pulitika o elek-syon ang pagputok ng nasabing isyu.

Kuwestyonable umano ang timing ng pagpapalutang ng administrasyon sa isyu na nagdadawit sa mga taga-oposisyon.

Giit pa ng mambabatas, iniisa-isa na ng administrasyon ang mga kalaban nito sa pulitika para palabasin na ang mga lider ng oposisyon gaya ng United Nationalist Alliance (UNA) at Lakas ay may bahid ng katiwalian.

Ni GRACE CAJILES

Buy and sell ng boto, itigil na! - obispo Ni PAUL ANG

Nananawagan ang isang obispo sa mga kandidato at sa publiko na itigil na at hu-wag nang gawin pa ang mistulang ‘buy and sell’ ng boto na kalakaran lalo na sa darat-ing na Mayo 13 mid-term polls.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. , hindi umano dapat na iwan ng mga Kristiyano at Pilipino ang ka-nilang tamang pananampalataya sa Diyos sa bawat gawain nito, lalo na sa pagboto dahil kasalanan umano ang pagbili ng mga kandidato sa boto, maging ang pagbebenta nito ng publiko.

“Anuman ang gawin ng mga manana-mpalataya, dapat gawain ito bilang isang Kristiyano, maipapakita ang gawaing ma-ka-Kristiyano sa paghalal ng kandidato sa halalan na naaayon sa kagustuhan ng puso at konsensiya,” paliwanag ni Bacani. Dag-dag pa ng obispo, nararapat lamang na gawing inspirasyon at gabay ng mga tao ang pagiging Kristiyano upang maging ma-linis ang kanilang konsensiya sa pa boto at makapili ng karapat-dapat na mga pul tiko na siyang may malaking maitutulong sa ka-pakanan ng nakararami.

Nanawagan si Bp. Teodoro Bacani Jr. na baguhin na sa darating na halalan ang mga nakagawiang vote-buying at selling.

Sina Senador JV Ejercito at Senate President Juan Ponce Enrile ay dalawa lamang sa sinasabing sangkot sa pag-divert ng PDAF sa isang pekeng NGO.

Rice industry sector, lumagda sa cov-enant kontra rice smuggling

Ni ROMY PANAHON

Lumagda sa isang kasunduan ang iba’t ibang sektor sa industriya ng bigas sa bansa upang sama-samang labanan ang malawa-kang rice smuggling sa bansa.

Ang covenant na sinaksihan nina Ag-riculture Secretary Proceso J. Alcala at National Food Authority (NFA) Admin-istrator Orlan A. Calayag na tinawag na “Covenant of the Multi-Sectoral Groups of the Rice Industry” ay pinangunahan ni 2nd district Nueva Ecija Rep. Joseph Gilbert F. Violago na kasamasa kampanya ng pama-halaan para mawakasan ang pagpupuslit ng bigas sa bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, ang rice indus-try multi-sectoral groups na kinabibilangan ng mga magsasaka, rice traders, millers, processors at retailers mula sa Luzon ay nagkaisa na huwag bumili at magbenta ng

mga puslit na bigas.Kaugnay nito, nanawagan din ang mga

ito kay Pangulong Benigno Aquino III na magpalabas ng isang public declaration bi-lang suporta sa Anti-Smuggling Drive at otorisahan ang Department of Agriculture na mabusisi ang Customs area na sinasa-bing may mga alingasngas ng smuggled rice na nakaimbak at dapat na mai-discharge.

Nais din ng rice industry major stake-holders na magpalabas si Pangulong Aqui-no ng kautusan sa Department of Interior and Local Government (DILG), sa Philip-pine National Police (PNP) at sa Philippine Coast Guard para kontrolin ang pagpasok ng mga imported rice at gawing ang pama-halaan sa pamamagitan ng NFA ang tang-ing importer ng bigas sa bansa.

- sundan sa Pahina 5

Soup no. 7 huwag inumin, wa epekSa isang bansa na may kakulangan sa paggalang sa buhay ng sanggol sa sinapu-punan, mukhang patuloy pa rin ang ganitong pananaw. Nananawagan ang Philippine Medical Association (PMA) sa publiko na huwag kumain ng tinatawag na soup no. 7 dahil ito ay kontrabado at masama sa katawan ng tao.   

Ibinunyag ni PMA Vice President Dr. Leo Olarte na nakakarating na sa Pilipi-nas ang soup no. 7 at ibinebenta sa mga iligal natindahan.

“Itong soup number 7 po ay merong stem cell daw na pampalakas sa ating li-

bido, sa ating sexual activity... Stem cell daw ito na nanggagaling sa mga aborted fetus na galing sa China,” aniya.

Ito ay nakalagay sa parang gamot o tablet na ihahalo sa mainit na tubig para maging sabaw.

Giit ni Olarte, bukod sa kontrabando ang soup no. 7 ay pekeng gamot din ito o walang bisa.

Kaya panawagan ng PMA sa publiko, na huwag magpaloko sa mga nag-aalok ng stem cell therapy galing sa fetus o hindi kaya’y sa hayop o halaman, bagkus ay lu-mapit sa mga lisensyadong doktor. (GC)

Page 3: TAPAT Vol 1 No 1

3MARSO 5-11,2013 balita16 pasaway na senatoriables, pinadalhan ng violation notice ng COMELEC Ni PAUL ANG

Pinadalhan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang 16 na pasaway na senatorial candidates upang bigyan ng babala ang mga ito tungkol sa kanilang mga pagla-bag sa campaign rules.

Ayon sa listahan ng COME-LEC, kabilang sa mga napadalhan ng campaign violation notice ay sina dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, dating Las Piñas Rep. Cynthia Vil-lar, dating Sen. Jun Magsaysay at Sen. Alan Peter Cayetano.

Kabilang din sa nasabing lista-han sina Sen. Koko Pimentel, dat-

ing Akbayan Rep. Risa Hontiveros, Bayan Muna Rep.Teddy Casino, Rep. Sonny Angara, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Francis Escude-ro, Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, Rep. Jack Enrile, Nan-cy Binay, Bam Aquino at dating senadora na si Jamby Madrigal.

Nabigyan ng mga notice ang mga nasabing senatoriables bun-sod ng kanilang paglabag sa mga campaign rules ng poll body tulad ng pagkakabit ng ilang posters at tarpaulins sa mga lugar na ipinag-babawal ng COMELEC, at mag-ing ang kanilang mga gimik sa pangangampanya tulad sa online

networking sites.Sa kabilang dako, magugu-

nitang iniimbestigahan na ng COMELEC ang di umano’y pag-papa-raffle ni Madrigal ng iPad sa Facebook at ang pa-contest ni Pi-mentel sa Twitter habang posible pa umanong madagdag sa listahan nito si dating senador Ernesto Maceda.

Sa panig naman ng mga party-list groups, nangunguna ang Kabataan party-list na may pinakamaraming campaign viola-tions na napadalhan na ng apat na abiso habang kasama pa rito ang lima pang ibang partido.

Ayon sa COMELEC, iilang miyembro ng Team PNoy, na sina Movie and Television Review and Classifi-cation Board (MTRCB) chairperson Grace Poe, Bam Aquino, Sen. Alan Peter Cayetano, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros at Rep. Sonny Angara ay lumabag sa campaign rules.

Halalan sa Mayo, dapat environment-friendly Nag-ala superhero ang mga akti-bista na suot ang popular super-heroes costumes na tulad nina Hulk at Ben 10, kasama din ang mga local eco-warriors na Super Walang Aksaya, Boy Bayong at B Eliminator at nagtungo sa tang-gapan ng Commission on Elec-tions (COMELEC) sa Intramuros upang himukin ang ahensiya na gawing environment -friendly ang kapaligiran sa panahon ng halalan sa Mayo.

Tinatagubilinan ng naturang mga grupo ang mga politiko sa ka-nilang obligasyon bilang mga future public servants at maimulat ang mga botante kung sino ang kara-pat dapat na maluklok sa puwesto.

“The country’s leaders should be green superheroes--not jokers or, worse, environmental villains,

(Ang mga pinuno ng bansa ay da-pat mga bayani ng kalikasan -- hin-di mga payaso o mas malala, mga kalaban ng kalikasan) ” pahayag ni Francis dela Cruz, tagapagsalita ng Greenpeace Southeast Asia.

Ang naturang mga superhe-roes ay kasama ng environmental advocates mula sa Greenpeace, EcoWaste Coalition, Global Alli-ance for Incinerator Alternatives (GAIA), Buklod-Tao at Gulayan Pilapil Neighborhood Association (GPNAI). Ang mga ito ay nagsuot ng kulay berdeng maskara bilang pag-promote sa kanilang 2013 Green Electoral Initiative (GEI) na tinawag na “Berde ka ba?” – isang snapshot kung saan ang mga sena-torial candidates ang tinutumbok sa mga usaping pang-kapaligiran. (RP)

Low earners, senior citizens may discount sa tubig - MayniladUpang mapagaan ang bayarin ng mga low earners sa bansa, nagkaka-loob ang West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng discount sa singil sa tubig sa mga ito na nasa kanilang mga concession area.

Ang mga low earners na gumag-amit ng hindi hihigit sa 10 cubic meters (cu.m.) na tubig kada bu-wan ay tatanggap ng 41 porsiyen-tong discount sa basic water rate nito sa kumpanya.

Bukod dito, nagkakaloob din ng bawas-gastos sa water service appli-cation fees ang kumpanya.

Mula sa standard fee dito na P8,160 kasama na ang guarantee deposit, ang mga ito ay sisingilin lamang ng P3,000 ng Maynilad upang madaluyan lamang ang mga

ito ng sapat na suplay ng malinis na tubig.

Ang mga senior citizens naman na kokonsumo ng hindi hihigit sa 30 cu.m. Kada buwan ay may 5 porsiyentong discount mula sa Maynilad.

Ang mga government-owned/non-profit senior citizen centers at pabahay na umaabot sa 2,786 ac-counts naman ay bibigyan ng 50 porsiyentong discount.

Samantalang ang mga may mali-it na negosyo tulad ng home-based sari-sari stores ay magbabayad la-mang ng residential charges sa ka-nilang unang 10 cu.m. na gamit sa tubig mula sa semi-business rate. Kasama dito ang mga institusyon na nagkakaloob ng serbisyo pub-liko tulad ng public preparatory,

elementary, secondary at tertiary schools na pinangangasiwaan ng mga local government units (LGU); public hospitals na ino-operate ng mga LGU, at mga bi-langguan na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan. (RP)

Pagbabawal ng softdrinks sa mga eskwelahan, pinag-aaralan ng Malakanyang

Bukas umano ang Malakanyang na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng softdrinks sa mga pampublikong paaralan sa bansa upang maiwasan na din ang mga kabataang mag-aaral ang mataas na sugar content ng mga produk-tong ito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa umano ang palasyo na pag-aralan na ang naturang pagbabawal sub-alit kinakailangan pa din umanong ikonsulta ang usaping ito sa De-partment of Education (DepEd) at sa Department of Health (DOH).

“Meron din pong iilan na priba-

dong eskwelahan na hindi po sila pumapayag na magbenta ng soda sa mga kantina nila o saan man sa loob ng eskwelahan dahil mismo sa high sugar content [ng mga produktong ito]. Hindi po ito na-kakabuti dun sa mga bata,” paliwa-nag ni Valte sa isang panayam sa radyo.

Sa kabilang dako, suportado din ng Malakanyang ang kampanya ng DOH na ipagbawal na din ang pagbebenta ng mga produkto at pagkain na mataas sa calories sa mga paaralan sa bansa maging ang tamang food labeling sa mga ito. (PA)

Pag-aaralan ng administrasyon kung dapat nga bang ipagbawal ang softdrinks sa mga paaralan, tulad sa New York City sa U.S. kung saan bawal sa buong lungsod ang mga nasabing high calorie na inumin.

Page 4: TAPAT Vol 1 No 1

4 MARSO 5-11,2013balita6,212 Hacienda Luisita farmers, nabiyayaan na ng lupain

TARLAC CITY, Tarlac--Ma-karaan ang mahigit 10 taon, tu-manggap na nitong nakaraang lingo ang may 6,212 mga mag-sasaka ng Hacienda Luisita na benepisyaryo ng Comprehen-sive Agrarian Reform Program (CARP) ng lupa na pagmamay-ari ng pamilya ni Pangulong Be-nigno Aquino III sa naturang la-lawigan.

Ang naturang bilang ay mula sa 8,641 bilang ng mga magsasaka na nag-apply bilang benepisyar-yo ng lupain ng mga Cojuangco mula noong Mayo 2012. Ito ay

sampung buwan mula nang mag-palabas ng kautusan ang Korte Suprema na dapat ipamahagi ang kontrobersyal na lupain.

Personal na tinungo ni DAR Secretary Virgilio delos Reyes ang barangay Mapalacsiao, Tarlac City, isa sa mga bayang sakop ng Haci-enda Luisita, at doon ay naipaskil ng kalihim ang pangalan ng natur-ang mga magsasaka na makikina-bang sa lupain ng mga Cojuangco.

Nilinaw ni delos Reyes sa mga magsasaka na hindi maaaring mai-benta sa loob ng sampung taon ang lupaing naibigay sa kanila ng

pamahalaan dahil kung ibebenta nila ay babawiin ito sa kanila ng pamahalaan at may kaukulan pang kasong kakaharapin.

Ang bagay na ito ayon sa kali-him, ang ilan sa mga kasunduan na nabuo kaugnay ng ginawang pamamahagi ng lupain sa mga CARP beneficiaries ng Hacienda Luisita.

Isa naman ang 63-anyos na lolang si Aling Julieta Garcia na kasama sa listahan ng mga makikinabang sa naturang lupain ang personal na nagpasalamat sa kalihim.

Ni ROMY PANAHON

Customs collector, dinismis ng OmbudsmanMISAMIS ORIENTAL--Ipinag-utos ng tanggapan ng Ombuds-man ang pag-dismis sa isang kolektor ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Phividec sa Tagoloan, Misamis Oriental dahil sa hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagsasama sa kanyang SALN ang pag-aari ng lupain sa Davao City.

Sa siyam na pahinang kautusan, napatunayan ng Ombudsman na si Customs Collector IV Lowell Lomuljo Medija ay guilty sa ka-song ‘gross neglect of duty and seriousdishonesty’ kaya’t bukod sa pagkaka-dismis nito sa trabaho ay kanselado na angkanyang eligibil-ity, walang na siyang benefits at hindi na maaaring magtrabaho saanumang tanggapan ng goby-erno.

Sa SALN ni Medija, hindi nito isinama ang nabiling house and

lot sa Talomo BucanaMoon land Subdivision sa Davao habang ang anak na si Brian Dexter ay may isa pang lote na nakapangalan dito ga-yung wala naman itong maaaring pagkunan ng pambili ng lupain.

Sinasabing ang asawa ni Medija na si Evelyn ang nagmamay-ari naman ng isa pang residential lot na nasa pangalan nito.

Si Medija ay napatunayan ding may piggery sa loob ng 5.5 ek-taryang lupang agrikultural na may tanim na mga punong kahoy tulad ng pomelo, saging at man-gga, anim na poultry buildings at isang residential lot sa Toril Eden Mountain Haven Subdivision sa Davao.

Ang kaso ay nag-ugat sa re-klamo ni intelligence officer Os-car Moratin ng Department of Finance-Revenue Integrity Protec-tion Service (DOF-RIPS). (RP)

Mga asong patungong kawali, pinalayaNi ELVIE LACARAN

Pagkatapos ng 'di mabilang na demonstrasyon at protesta, nagawad na sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang kanilang lupain.

BATANGAS CITY, Batangas--Nakaligtas sa mainit nakawali at pagkaka-adobo ang sangkater-bang mga aso makaraang mais-alba ang mga ito ng Regional Public Safety Battalion4-A ng PNP sa Batangas City.

Base sa report ng PNP Region 4-A Director, Chief Supt. Be-nito Estipona, nakatanggap ng impormasyon ang 2nd Mobile Company ng Regional Public Safety Battalion 4-A nitong na-karaang Huwebes ukol sa mga asong ibibiyahe patungo sa lung-sod ng Baguio na gagawin san-ang dog meat.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad atnaharang ang van na may

plakang WRP-965 na nagdadala samga aso, sa kahabaan ng high-way sakop ng Dioco highway Lemery,Tagaytay City.

Arestado naman ang mga nasa likod ng iligal na operasyon nak-inilalang sina Cabrera Generoso Garga 47-anyos, Roneto Medina 35-anyos, at Rosendo Magsino 52-anyos.

Lupaypay na ang 24 na mga aso, habang 3 naman ang patay na nangmabuksan ng mga otoridad ang van.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek habang nakatakda namang i-turn-over sa Philippine Animal Welfare Society(PAWS) ang mag asong nailigtas.

Sardine fishing ban, inalis ng BFARMakaraan ang tatlong buwan, tinanggal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sardine fishing ban sa dalam-pasigan ng silangan ng Sulu, Basi-lan Strait at Sibuguey Bay.

Mula ngayon, maaaring maglayag sa nabanggit na mga karagatan ang mga mangingisda para makapanghuli ng sardine fish.

Naipatupad noong Disyembre 2012 ang sardine ban sa nabang-git na mga lugar upang mabigyang daan ang pagpaparami ng binhing sardine fish sa lugar at madagda-gan ang bilang nito doon.

Noong 2012, umabot sa 156,153,51 metric tons ng sar-dine fish ang nahuli sa  natur-ang lugar na mas malaki kaysa sa

Pinagbabawal ng 1998 Animal Welfare Act ang pagkain ng karne ng aso o dog meat.

146,835.66 metric tons na huli ng sardine fish noong 2011.

Samantala, tumaas ng mahigit na 35 porsiyento ang  sardine pro-duction sa Autonomous Region in Muslim  Mindanao (ARMM), mula 4,013.23 metric tons noong first quarter hanggang 6,380.79 metric tons sa ikalawang quarter ng 2012. (RP)

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

Page 5: TAPAT Vol 1 No 1

5MARSO 5-11,2013 balitaNakasaad pa sa kasunduan na

ang lahat ng smuggled rice ay kailangang kumpiskahin ng Bu-reau of Customs habang ang NFA warehouses ang imbakan nito na may kaukulang bayad. Kapag ang nakumpiskang bigas ay bubuksan sa bidding, ang NFA ay bibigyan ng kapangyarihan na tanggihan o magsagawa ng pagtapat sa offer

para sa highest bidder.Bilang karagdagang safety nets

at bilang isang mid-term solution sa smuggling, ang mga rice mill-ers at processors ay nagkasundo na maglagay ng kanilang brand name/s na rehistrado sa NFA upang mabilisang mabubuking ang mga puslit na bigas at masino ang accountabilities.

- Rice Industry, mula sa Pahina 2PNoy, nangangampanya sa kabila ng gulo sa Sabah?

Muli na namang pinasaringan ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay si Pangulong Benigno Aquino III matapos nitong una-hin ang pangangampanya sa kan-yang ‘Team PNoy’ sa kabila ng gulo na naaganap sa bansang Ma-laysia, partikular sa Sabah kung saan nasasangkot ang ilang Pili-pinong Muslim.

Ani Magsaysay, “Dapat mamili si PNoy kung ano ba talaga ang priority niya, patakbuhin ang bansa o maging campaign manager ng Team PNoy. Ano ang mas impor-tante?”  Ito ay matapos unahin ng pangulo ang kampanyang ‘Team PNoy’ sa Pampanga, ang tinaguri-

ang balwarte ng mga Arroyo. Isiniwalat naman ni senatori-

able Nancy Binay na naiwasan sana ang nangyaring gulo sa Sabah kung binigyan pansin lamang ni PNoy ang liham ni Sultan Jamalul Kiram III na ipinadala kay Aquino noong 2010 patungkol sa pagaako ng karapatan ng Sultanate ng Sulu sa Sabah.

Ayon pa kay Binay, sa kalagit-naan ng gulo binanggit ni, Kirama ang tungkol sa sulat, ngunit wala diumano itong natanggap na kasa-gutan mula sa pangulo. Inamin naman ng pangulo na ang liham ay nawala sa dami ng kanyang pa-peles.

Ayon pa kay Magsaysay, kandi-dato ng UNA sa pagka-senador, dapat inuna ng pangulo ang isyu sa Sabah at sinabing kaya naman ng kanyang mga kandidato ang kanilang mga sarili kaysa bale-walain ang buhay ng mga Pili-pinong nakasalalay.

Kinumpirma naman ng mga otoridad ng Malaysia na 12 Pilipi-no na ang namatay sa nangyaring putukan kamakailan.

Dagdag pa ni Magsaysay, “So ngayon, ang tanong ng mga Muslim kay PNoy: kanino ka ba talaga?  Are you working for the Malaysian interest or the Filipinos’ interests?”

WORLD NEWS Ni JANDEL POSION Mga kardinal, dumagsa na sa RomaRome, ITALY—Patuloy na nagsisidatingan ang iba pang mga kardinal mula sa iba’t-ibang bansa para makilahok sa pagpili ng bagong Santo Papa matapos magbitiw si Santo Papa Benedito XVI noong Pebrero.

Mula kahapon, nagsimula na ang serye ng pagtitipon na kilala sa tawag na general congregations upang pag-usapan ng mga kardinal ang petsa para sa espesyal na elek-siyon o conclave para sa pagpili ng susunod na Santo Papa.

Maliban sa petsa ng conclave, pag-uu-sapan din ng mga kardinal ang magiging direksiyon ng Simbahang Katoliko at kung anong uri ng Santo Papa ang gusto nilang

makita.Sa panayam kay Fr. Federico Lombar-

di, ang tagapagsalita ng Vatican, mahigit 75 na kardinal na ang nasa Roma mula Linggo, samantalang may iilang kardinal pa ang paparating, at may kabuuang 141 kardinal ang dadalo.

Pinahayag naman ni Fr. Lombardi na hindi pa naisasaayos ang Sistine Chapel kung saan magpupulong ang mga kardi-nal para sa conclave

Sa ngayon, nakabibisita pa rin ang mga turista at mga peregrino sa Sistine Chapel na kilala dahil sa kisameng pininturahan ni Michelangelo.

Mubarak et al, muling lilitisin sa AbrilEGYPT—Isang korte sa Egypt ang nagtakda ng bagong paglilitis sa dati nitong lider na si Hosni Mubarak, ang kanyang mga anak at mga opisyal noong panunungkulan niya, na isagawa siyam na araw bago ang eleksiyon ng par-liamento sa susunod na buwan.

Ayon kay Samir Abu el Maati, ang pinuno ng Appeals Court, nakatakda ang bagong paglilitis sa Abril 13.

Napatalsik sa pwesto si Mubarak matapos na mabilang-go sa kasong pag-utos sa pagpatay sa mga demonstrador, samantalang ang mga anak at ibang opisyal sa kanyang adminstrasyon ay humaharap sa kasong katiwalian at pag-gamit ng pampublikong pondo.

Gayunman, pinaghatian pa rin ng tatlo ang pinagsamang premyo para sa first, second at third place ng torneyo.

Sa umpisa ng torneyo ay tangan ni GM So ang Elo rating na 2684 ngunit dahil sa maganda niyang ipinakita sa torneyo ay umakyat sa 2701 ang kanyang rating, ayon sa talaan ng FIDE, ang world gov-erning body ng chess.

Ang iba pang nagtapos sa Top 11 ay sina (ayon sa pagkakasunod) GM Anish Giri ng The Nether-lands,  GM Ivan Cheparinov ng

Bulgaria, International Master Wei Yi ng China, GM Marcin Dziuba ng Poland, GM Ding Liren ng China, NM Yaacov Norowitz ng USA, GM Gawain Jones ng Eng-land, at GM Ivan Sokolov ng The Netherlands. 

Pinaghahandaan na ngayon ni GM So ang paglahok niya sa 2013 World Chess Cup na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyem-bre 5 sa Tromso, Norway. Tanging sina GM So at GM Oliver Barbosa pa lamang ang nakapag-qualify sa 2013 World Chess Cup.

- GM Wesley, mula sa Pahina 12

top-scorer ng torneyo.Nalimita naman si Lao sa 18

puntos at 5-of-20 shooting la-mang sa Game 3.

Nagharap din sa juniors fi-nals ang dalawang koponang ito

noong 2011 ngunit nanalo noon ang Xavier School, 2-1. Noong isang taon ay nakuha ng Hope Christian ang No.1 spot at nakab-alik sa finals ngunit tinalo sila rito ng No.3 Chang Kai Chek, 2-0.

- Hope Christian, mula sa Pahina 12

Bata, naglikom ng pera para sa kaibiganUNITED STATES — Isang pitong taong gulang na bata sa Amerika ang tumutulong ngayon sa kanyang kaklase sa pamamagitan ng paglikom ng 30,000 dolyar para makahanap ng gamot para sa kakaibang sakit ng kaibigan.

Kahit nasa grade one palang si Dylan Siegel, hindi ito naging sagabal sa paglilikom ng pera para sa pagsasalik-sik ng lunas para sa kaibigan nito na si Jonah Pournaz-arian na naghihirap dahil sa kakaibang sakit sa atay na wala pang lunas na naiimbento.

Sinimulan ni Dylan na magsulat ng libro na pinama-gatang Chocolate Bar at ipagkaloob ang kanyang mga

nalikom sa mga mananaliksik nitong nakaraang tag-lagas.Sa panayam naman kay Mr. Siegel, ama ni Dylan, sini-

simulan na din trabahuin ng kanyang anak ang kanyang layunin na makapagpondo ng isang milyong dolyar.

Nagbigay din ng kanyang mungkahi si Mr. Siegel na gumawa nalang sila ng lemonade pero mas gusto talaga ng kanyang anak na magsulat ng libro para sa suportang gusto nitong ipaabot sa kaibigan.

Sa ngayon, ang Chocolate Bar ay nakalikom na ng ma-higit 30,000 dolyar sa mga events, sales at mga donasyon mula sa Facebook at mula sa isang website na nakalaan para sa kanyang hangarin.

Page 6: TAPAT Vol 1 No 1

6 MARSO 5-11,2013

Pinatunayan ng diyose-sis ng Bacolod ang ban-ta nito na idadaan sa

eleksyon ang pagpapatuloy ng laban sa kontrobersyal na Reproductive Health Law o R.A. 10354. Matatandaang lampas sampung taon na paulit-ulit sinubukang ipasa ang panukala at paulit-ulit din itong nababasura.

Nitong nakaraang Disy-embre, sa direktiba mismo ng Palasyo matagumpay na naigapang at naipasa ang naturang panu-kala. Nakakabit dito ang pangakong dagdag pork barrel para sa papabor at kabawasan o kawalan naman ng PDAF para sa tutol dito. Hindi na bago na tuwing may ipinapasang batas patungkol sa paggugol ng pondo, kasu-nod nito ang pagpataw ng buwis upang mai-sakatuparan lamang ang pagpopondo nito. Ang pagpasa sa Sin Tax law ay sinasabing magiging tulay upang mapondohan ang RH law na naglalayong gastusan ng higit sa labing tatlong bilyong piso ang pills at condom.

Bakit tama lang ang bansag na Team Buhay at Team Patay? Una, papatayin na

naman tayong mga mamamayan sa karag-dagang buwis na magpapamahal sa bilihin. Ikalawa, patay na naman ang mga Pili-pinong nangangailangan ng libreng gamot na nagpapagaling at hindi nakapapatay gaya na lamang ng paracetamol at antibiotics. Ikatlo, patay pa rin sa kahirapan ang ating mga kababayan dahil pagkain, damit at ba-hay ang kanilang kailangan, ngunit pinili ng ating gobyerno na gastusin na lamang ang bilyon-bilyon sa pills at condom. Ikaapat, sa dami ng mga Katoliko sa ating bansa -- na tinatayang nasa 80% ng kabuuang popu-lasyon -- kung matutuloy ang sinasabing

editoryal

OMNIBUS COMMUNICatIONS fOr aSIa fOUNdatION INC.

Publisher

NIrva dELaCrUzEditor in Chief

dIaNa UICHaNCOManaging Editor

SKY OrtIGaSCreative director / Online Editor

YEN OCaMPOMarketing director

tapat is published every tuesday by the Omnibus Communications for asia foundation, Inc.

You can reach us through the following:Mobile number: +639064992537

Email: [email protected]: www.tapatPH.com

all rights reserved 2013

Editoryal Team Buhay at Team Patay, tama lang

“Sa dami ng mga Katoliko sa ating bansa -- na tinatayang nasa 80% ng kabuuang populasyon -- kung matutuloy ang sinasa-bing ‘Catholic vote’ siguradong buhay ang maninindigan para sa turo ng Simbahang Katolika at patay ang mga pumili sa pildo-

ras at kondom.”

‘Catholic vote’ sigura-dong buhay ang manin-indigan para sa turo ng Simbahang Katolika at patay ang mga pumili sa pildoras at kondom.

Sa ating pananaw, mga kababayan, napap-anahon na rin na piliin natin ang mga kandi-dato na may takot sa Diyos. Ang ginawa ng diyosesis ng Bacolod ay isang pagpapaalala sa

mga mananampalataya na matagal na ring nadadaya ng popularidad at pangako.

Siguro din naghahanda lamang ang Sim-bahang Katolika sa mga maaari pang itulak na panukala gaya ng aborsyon, diborsyo, euthanasia o ang legal na pagpatay sa mga may sakit at walang pakinabang o sa mga nakatatanda, at ang kasal para sa parehong kasarian. Hindi na kaila sa atin na ang mga nagtulak ng RH bill para maisabatas ay siya ring mga gumagalaw para maipasa ang mga nasabing panukala.

Ikaw ba, kabayan, pabor ka ba sa Team Buhay o sa Team Patay?

Page 7: TAPAT Vol 1 No 1

7MARSO 5-11,2013

“Mapalad tayo na mataas ang tingin at re-speto natin sa ating mga kababaihan. Di tulad ng

ibang bansa.” 

opinyonGRASSROOTS

Leonardo Q. Montemayor

A fresh approach to coconut industry development

Amid the rosy reports on the economy’s expan-sion in 2012, one senses uneasiness and even dismay over the lack of growth in jobs and incomes as well as the widening gap between the rich and the poor.

A particularly wor-rying scenario is play-ing out in the coun-tryside. Take the case of the predominantly coconut-producing ar-eas, which account for around a quarter of the country’s population. Around five years ago, the price of copra was at the 50-pesos-per-kilo level. Coconut farmers were ecstatic.

Today, the price hov-ers around the 10-peso mark.

Given a national pro-

duction average of 1,000 kilos of copra in one hectare of coconut land, a typical farm family is currently earning about P10,000 a year. That’s about P833 a month, or less than P30 per day! Even if some intercrop-ping and side jobs en-able the doubling of a family’s daily income to P60, that amount will still not suffice to keep body and soul together.

This dire situa-tion need not, and should not, prevail.

For one thing, the coconut levy funds have been freed after many years of litiga-tion. Some P70 billion are now held in trust by the national treasury for the benefit of the co-conut farmers and the

entire coconut industry.This huge resource,

coupled with inno-vative approaches to develop the industry, can bring about a radi-cal transformation in the coconut sector.

An idea that has been gaining ground is that farmers should no longer focus on copra as their main product. The argument is that reliance on copra and its main derivative – crude coconut oil – is a pre-scription for perpetu-ating the poverty and joblessness in coconut areas. This is not only because coconut oil is a minor player and price taker in the global market for vegetable oils, but also because so many other valu-able parts and features of the coconut are be-ing ignored and wasted.

One initiative has been dubbed by some as the “fresh coco-nut” (FRESCO) in-dustry development approach. Unlike in the traditional set-up, where farmers concen-

trate on just producing dried coconut meat, the FRESCO model will empower the coconut farmer by developing and processing the co-conut in its entirety.

Out of the coconut husk will emerge dura-ble plant pots, anti-soil erosion nets, and soil conditioning peat. The coconut shell will be the raw material for activat-ed carbon. Water from the mature coconut is a rich source of vitamins, minerals and amino acids. Coconut farm-ers and their families should be encouraged to drink it or use it in for their cooking needs. The water from the ma-ture coconut can also be processed into natural sports/isotonic beverag-es more nutritious than the synthetic drinks now monopolizing the market. Alternatively, evaporated coconut wa-ter yields an equally nu-tritious concentrate that is tastier than premium soy or oyster sauce.

Furthermore, 30-40% of the white liquid

(called “gata”) resulting from squeezed coconut meat can be separated as fresh or virgin co-conut oil, which can be used for cooking, beauty and health care, among others. In turn, skimmed coconut milk can be made into deli-cious lactose-free bever-ages, ice cream, butter, cheese and other dairy products. The residual “sapal” or coconut flour can be mixed with wheat flour for baking.

Under the FRESCO model, these various by-products from the whole coconut will be pro-duced by a national net-work of farmer-owned, village or municipal level processing plants. It will not be unrealistic to project that farmers’ incomes and job oppor-tunities will multiply many times. Utilizing the coconut levy funds now in government’s hands for this purpose will therefore be money wisely invested for the sustained benefit of co-conut farmers and the entire Filipino people.

ALAGADAnthony Perez

Bobotante ka ba?

May kasabihan tayo – “libre ang panaginip” o “libre ang mangarap.” Kung kaya’t sisikapin natin na ibahagi sa inyo ang mga panaginip o pangarap ng ordinaryong Pilipino sa munting bahagi ng pa-hinang ito.

Nawa’y magsilbing paalala, inspirasyon o dahi-lan para makapagmuni-muni tayo sa mga bagay-bagay na bahagi ng ating pang araw-araw na buhay.

Tulad na lang halimbawa ng pagiging matriar-chal society ng Pilipinas.

Tutuo ba na sa karamihan ng pamilyang Pili-pino … ang ama ang hari, pero ang ina ang alas?

Karaniwa’y dinadaan sa biro ang katagang ito ngunit napaka-makatotohanan ano po?

Aminin na natin na napakalaki ng impluwensiya sa atin ng mga babae sa ating buhay tulad ng ating mga nanay at lola. Kaya nga ang daming Pilipino na Mama’s Boy eh.

Mapalad tayo na mataas ang tingin at respeto natin sa ating mga kababaihan. Di tulad ng ibang bansa. 

Masisisi ba nila tayo kung napakahusay ng ating ina at lola, ng ating mga guro na nagturo sa atin mula pre-school, ng ating mga yaya at kasamba-hay, at pati marahil ang mga nars na nag-alaga sa atin kung tayo ay may sakit?

Nakita naman ninyo, saan mang lupalop ng mundo … pinupuri ang kanilang kakayahan at paraan ng pag-aalaga. Very affectionate kasi ang at-ing kababaihan.

THE DREAMERPaul Edward Sison

Sagrado sa Pilipino ang ating Ina

Alam ko na ang nasa isip mo … “ang ating ina, isusubo na lang … ibibigay pa sa atin.”

Marami diyan imbes na sarili ang isipin at bu-mili ng kung anu-ano para sa kanya tulad ng mga bagong damit, make-up, sapatos, atbp. ay ma-nanatiling napaka-simple para lang may pambiling pasalubong para sa mga anak.

Sigurado ako, bawat isa sa inyo may mga ku-wento tungkol sa kadakilaan ng inyong ina – kung paano siya nagmalasakit, kung paano niya isina-kripisyo ang sariling kapakanan para sa inyo at in-yong pamilya.

Kaya nga mahal na mahal natin ang ating mga ina.

Lalo na’t “Honor thy Father and thy Mother” ang kabilin bilinan ng sampung utos.

At masakit sa atin kung babastusin, iinsultuhin, at lalapastanganin ang ating minamahal na ina.

Tama po ba? Manhid na lang siguro ang hindi maaapektuhan.

Kung tayo’y nasasaktan … ganun din kaya si Hesus sa kanyang ina?

Hayaan ninyong isulat dito ang sinulat ng ak-ing kaibigang si Rogie Ylagan ng Antipolo tungkol sa eleksyon. May sundot sa konsen-sya dahil marami sa atin ay guilty at tatamaan sa kanyang sinulat. Mara-mi sa atin ang umaangal bakit hindi umuunlad ang Pilipinas at bakit mahirap pa rin ang bu-hay. Kung minsan nyo na ring sinabi ang ilan sa mga ito, mag-isip-isip na tayo...baka nasa atin ang problema.

Paulit-ulit na tayong sinasabihang vote wise-ly. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahalal si wisely, dahil pinapairal

natin ang ating pagiging bobotante. Ang sabi ng bobotante:

1. “Sayang ang boto ko, di naman ‘yan ma-nanalo.” Ginawa mong sugal ang boto mo. Dahil dehado, kahit tingin mo eh ok naman, hindi mo iboboto. Ngayon binoto mo yung kahit ayaw mo pero at least malaki chance manalo. Ok congrats, panalo ka. Para kang tumaya sa karera ng kabayo o sabong. Panalo ang ti-nayaan mo. Ano ngayon premyo mo? Ilang taon ka na bumoto ng gan-yan, malaki na ba nap-

analunan mo? O ganon pa rin sitwasyon mo? 2. “Wala pa naman silang napatunayan. Mga bago lang ‘yan. “

Kaya bumoto ka ng pamilyar na pangalan. Sila uli, dahil sabi nga tutal may napatunayan na sila. May karanasan na. At naranasan mo na rin ang hirap. At mara-mi ring may karanasan na sa pangungurakot, expert na. Mahirap nang hulihin.

3. “Di ko kilala mga kandidato. Bahala na sa makikita ko sa ba-lota.” Napakaraming mga web pages tulad nito na nagpapakilala sa mga kandidato. Pag bibili ka ng cellphone, nag-re-research ka pa ng sandamukal at nagta-tanong-tanong ka kung ano ang okey na bilhin. Naghahanap ka pa kung san ka makakamura. Andami mong oras na

naka-log in sa Facebook pero yung pagbasa man lang ng profile at list ng mga kandidato online, di mo magawa. Tapos rereklamo ka ng kung sino-sino ang nananalo. 4. “Boto ko ‘tong anak/kapatid/asawa/pinsan ni kwan. Ok naman kasi siya kaya malamang ok din itong kadugo niya.” Hindi tamang man-ghusga dahil lang sa kadugo. Maaari itong makaapekto, sang ayon ako dito. Puedeng sa mabuti, puede ring sa masama. Pero kung ito lang ‘yung dahilan mo para iboto o hindi iboto ang isang kandidato, ito ay tatak ng pagiging bo-botante.

5. “Artista/atleta/ekonomista/sikat ‘yan, kaya iboboto/hindi ko yan iboboto.”

Tulad ng dugo o lahi, ang trabahong pinang-

galingan ay hindi da-pat maging kaisa-isang basehan ng pagboto. Hindi porke ganito o ganyan ang trabaho nila, iboboto o hindi na sila ang iboboto. Puede itong maging batayan. Pero marami pang ibang puedeng gawing panukat kasama nito.

6. “Di na ko boboto, wala rin naman mag-babago.”

Ok lang yan, pero huwag ka ring masya-dong mag-reklamo. Da-hil ang di mo pagboto, katulad na rin ‘yan ng pagsuporta mo sa taong ayaw mong manalo. Ang di mo pagboto, ay hindi direktang pagboto sa kandidatong di mo gusto.

Tandaan: nasa inyong mga kamay ang kinabu-kasan ng ating bansa at ng iyong pamilya. Mag-ing mapanuri sa pag-pili ng iboboto ngayong Mayo.

Page 8: TAPAT Vol 1 No 1

8 MARSO 5-11,2013tampokTagalog? Ingles? Parehong narito!Ni DIANA UICHANCO

Mababa ba ang grado ng anak mo sa Filipino? Hirap ba siyang intindi-hin ang mga aralin at homework

dahil Ingles ang ginagamit niyo sa ba-hay? O baka naman sa Tagalog siya sanay kaya’t tagilid siya sa English at Reading. Kung nakakapagsalita lang ang mga librong pambata, malamang humihiyaw na sila para mapansin mo dahil kung sa Ingles o Tagalog man nangangapa ang bata, maba-basa niya ito at mag-e-enjoy pa siya pihado. Bilingual ang maraming aklat na inilalabas ng ilang taon na ngayon ng iba’t ibang tagal-imbag – may English at Tagalog transla-tion sa bawat pahina kaya’t ma-e-engganyo ang nagbabasang alamin ang kahulugan ng mga salita’t pangungusap sa lenggwa-heng hindi pa niya masyadong nakakabisa.

“Puwede naman silang matuto ng In-gles at Tagalog sa TV,” sabi siguro ng iba. Ngunit marami na ring mga pag-aaral ang nagpapakitang mas maraming benepisyo ang pagbabasa kaysa panonood ng tel-ebisyon, lalong lalo na para sa mga bata. Sa telebisyon, nasasanay ang nanonood sa mabilis na paggalaw ng mga images, at ito ay nakakaapekto sa kanyang atten-tion span. Ang resulta? Madaling mainip, hirap sa mga gawaing nangangailangan ng “concentration” tulad ng pakikinig sa klase, pag-aaral ng leksyon at iba pa.

Sa mga aklat, nahahasa ang bata sa pag-basa upang malaman at intindihin ang kuwento. Kung sa TV ay nasasanay ang batang tumanggap ng impormasyon ng nakatitig lang sa screen, sa pagbabasa ng

libro ay mas pinaghihirapan. Eh ano ngay-on? maaaring tanong mo. Parang walang halaga ito ngunit malaki ang nagagawa nito sa paghubog ng mga mabuting asal sa isang bata, tulad ng tiyaga at pasensiya. At masasabi nating kailangan ng mga asal na ito upang magtagumpay sa buhay, hindi ba?Wastong kaalaman, mabuting asal

Kung ikaw ay ama o ina ng mga batang maliit, pihadong napapansin mo kung minsan na may napupulot silang mga di-mabuting ugali at napakahirap tanggalin ng mga ito. Sa mga kalaro ba nila napulot ‘yon? Sa eskwela? Sa mga palabas sa TV? Kahit saan pa man, hindi mo mapipigilang ma-expose ang mga anak mo sa iba’t ibang uri ng mga tao’t pamamaraan –maliban na lang kung ikulong mo sila sa bahay araw-araw

at itapon ang TV at mga diyaryo! Ngunit ang maaaring mong gawin ay dagdagan ang pinanggagalingan ng wastong kaalaman at mabuting asal na nasa paligid nila. Maliban sa iyo, ang mga babasahin ay makapagta-tanim ng mga aral na gagamitin nila ha-bangbuhay.

Ang Adana House, Hiyas, at Lampara ay ilan lang sa mga naglilimbag ng mga aklat na kwentong pambata. May mabuti nang aral at wastong kaalaman na maibibigay sa mga anak mong maliit, mahahasa pa sila sa Ingles at Pilipino! Pati mga kwento ay na-kakaaliw kung iisa-isahin mo ang mga libro, kaya’t kahit wala si Lola Basyang na mag-kukwento sa mga bata, magiging masayang bonding ninyong pamilya ang storytelling gamit ang mga aklat na ito.

Pera-pera lang ‘yanSubukan mong mag-ikot sa grocery habang gu-

tom ka. Kung di mo pa ito nagagawa, makikita mong tila gusto mong bilhin lahat ng mukhang

katakam-takam. Totoo nga ang sinasabi ng mga eksperto sa psychology na kapag namimili sa tin-dahan ng wala ka sa ayos (may dinaramdam, galit, sobrang gutom atbp.), apektado ang pagpapasya at malamang hindi pinag-iisipang mabuti ang pagpili ng mga bilihin. Mabuting alamin ang mga wastong kaugalian sa paghawak ng pera, kasama na dito kung paano mag-desisyon ng wasto pagdating sa paggas-tos. Heto ang mga sagot ng ilang tao sa tanong na ito:

Ano ang strategy mo para di ka napapagastos ng di kailangan sa palengke, grocery o mall?

Bago kami pumunta sa mall, kinakausap muna namin ang mga bata para alam nila kung bakit kami pupunta doon at di mamimilit na bumili ng kung anu-ano. Halimbawa, sasabihin namin ‘Kailangan nating bumili ng sabon at shampoo at pwede kayong magtingin-tingin. Pero yun lang ang bibilhin natin.’ Kapag pupunta kami sa grocery, may listahan kaming dala.-Mara Esguerra, ina ng 4

Huwag gumamit ng credit card at huwag magdala ng cash o basta yung tamang cash lang kapag wala ka na-mang balak bilhin o hindi mo kailangan yung gusto mong bilhin. Kung may gusto kang bilhin pero hindi ka sigurado, maghintay ng tatlong araw hanggang isang buwan bago mo bilhin. - Francis Bautista, sales executive

Una, isulat ang mga talagang kailangang bilhin. Ikal-awa, alamin ang halaga ng mga iyon. Ikatlo,magdala ng pera na sapat lang para sa mga talagang kailangan. Ikaapat, bilhin agad ang mga nakalista at umalis na, habang iniisip ang swerte sa natipid na panahon. Ika-lima, gamitin ang oras na natipid para sa bagay/hobby na gustong-gusto mong gawin. - Theresa Bambao, guro

Kapag may gusto akong bilhin, tinatanong ko sarili ko kung ito ba ay kailangan (need) or gusto (want) ko lang. Kapag ito ay kailangan, bibilhin ko ito dahil ito ay importante. Kapag ito naman ay gusto ko lang kasi bago o uso, nagdadalawang isip ako. Ganyan ang naging pamantayan ko, lalo na nuon ako ay naging estudyante sa ibang bansa.- Ferdie Maglalang, manunulat

Sinusulat ko lang sa listahan kung ano’ng mga kailan-gan ko. Tapos sinisiguro kong ang perang nasa wallet ko ay sapat lang para sa kailangan kong bilhin. - Dominic Barrios, photographer

Bago pa man ako pumunta sa grocery store/palengke, nililista ko na lahat ng “kailangan” kong bilhin, at kasama na doon ang pagba-budget. Kung magkano lang yung nasa listahan, yun lang more or less yung perang dadalhin ko, para makaiwas na rin sa paggastos sa mga hindi importanteng bagay. Kapag may kaunt-ing sobra sa pera, tsaka lang ako bibili ng mga wala sa listahan. Ang mahalaga, pasok sa budget, at alam ko yung priorities ko sa paggastos. - Lobelea Barrion, estudyante

Napapagastos ka ba ng hindi inaasahan?

Page 9: TAPAT Vol 1 No 1

9MARSO 5-11,2013 tampokManhid ka ba?Ni ANTHONY PEREZ

May mga bagay tayong gina-gawa (o hindi ginagawa) na

akala natin ay hindi napapansin ng kahit na sino man. Mga sim-pleng bagay na pinalalampas natin o hindi masyadong binibigyan ng halaga, ngunit lumalabas na na-paka-importante pala. Mga bagay na kapag napabayaan natin ay na-kadudulot ng abala o inis sa ibang tao. Ang lagay eh, kailangan nat-ing makisama—yung wastong uri

Guh

it: N

ICO

LE B

AUTI

STA

ng pakikisama ha.Kahit na ba mas madaling

gawin kung ano lang ang gusto mo, tandaang hindi ikaw ang in-iikutan ng mundo. Naalala mo pa ba ang Golden Rule? Gawin sa iba ang nais mong gawin din sa ‘yo. Bakit mahalaga ito? Dahil mahalaga ang tao, kaya’t mahalaga rin kung pa’no natin sila pakitun-guhan. Kung nakikita mo ang sarili mo sa listahang ito, manhid

ka nga! Buti na lang habang may buhay ay may pag-asang baguhin ang kailangang baguhin!

1. Ang pagsasalita ng malakas sa pampublikong sasakyan, lalo na kung ikaw ay nasa sasakyang ta-himik tulad ng LRT, MRT, o FX. Hindi na namin kailangang mala-man kung sino ang nakabuntis kay ganyan, o kung bakit iniwan ni ganito si ganyan, o kung saan

mang lupalop kayo gigimik. Tan-da ng kawalan ng modo ang pag-sasalita ng malakas sa mga pam-publikong sasakyan, ganun na rin ang pagpapatugtog ng malakas. Hindi bawal magkwentuhan, mga katoto. Pero kung magkukwen-tuhan ay huwag naman sanang parang nasa kabilang bundok ang kausap sa lakas ng boses.

2. Ang pagpapatugtog ng vid-eoke sa dis-oras ng gabi. Kailan-gan pa bang ipaliwanag ito? Oo, masayang magkantahan. Pero ig-alang natin ang oras ng tulog ng mga tao. May mga taong sadyang manhid, umaabot hanggang uma-ga ang kanilang sintunadong pag-kanta ng Skyline Pigeon. Please naman, isipin din natin ang kapa-kanan ng iba na pagod na pagod sa trabaho at gusto nang matulog lalo na’t may pasok pa kinabukasan.

3. Ang hindi pagligo o pagsipi-lyo. Alam niyo bang manhid na tayo sa sarili nating BO or body odor, o sa madaling salita ay ang-hit? Oo. Hindi natin mapapansin kung tayo ay nangangamoy na, pero yung katabi natin sa jeep, maaamoy niya na isang linggo ka nang hindi naliligo. Ganun din ang hindi pagsipilyo. Huwag na nating hintaying mag-biro ang ating mga kasama na tulad nito: “Pare, alam ko ang ulam ninyo kanina. Pusit! Naaamoy ko pa eh.”

4. Ang hindi nagsasabi ng

“thank you.” Magpasalamat sa la-hat ng bagay, maliit man o malaki. Isa yan sa katangian ng mga Pili-pino na hindi dapat tinatalikuran o kinakalimutan. Madalas kasi, nakakaligtaan nating magpasala-mat. Tanungin ninyo yung nag-bigay ng kanyang upuan sa bus o LRT kung ano ang pakiramdam ng hindi napasalamatan. Tayo ay nagpapasalamat hindi lang bilang ganti sa gumawa sa atin ng kabuti-han; ito ay tanda rin ng sibilidad. Ugaliing magpasalamat kahit sa mga nagsisilbi sa atin.

5. Ang hindi nagre-reply sa text. May mga taong hindi sanay mag-text. Kaya kapag tayo ay nakatang-gap ng text, magkaroon naman tayo ng konting pag-unawa sa pa-god nila kaka-text sa inyo sa cell-phone at mag-reply. Kung walang load, maki-text muna sa iba. Ga-nun din sa tawag. Handa siyang gumastos para lang makausap ka, at may dahilan siya na tumawag at kausapin ka kahit na pwede naman niyang i-text. Tawagan mo siya kung nagmiss call siya, o mag-text man lang para tanungin bakit siya napatawag. Ang hindi marunong mag-reply ay may kakulangan sa konsiderasyon sa ibang tao.Ilan lang ‘yan sa mga halimbawa ng pagka-manhid, at siguradong madagdagan niyo pa yan. Huwag naman sana tayo maging manhid; mas masaya ang buhay kung mag-ing sensitibo tayo sa pangangailan-gan ng bawat isa.

Mainit-init na paalaala para sa FIRE PREVENTION MONTH

Ni MICHELLE S. NICOMEDES

Noong mga panahon kuweba at gubat pa ang tirahan ng karami-han ng tao, ang pag-diskubre ng apoy at, pagtagal, ang mga par-aan ng pagsindi ng apoy ang si-yang nasa isip ng mga mamama-yan. Walang pangangailangan para sa tulad ng “Fire Prevention Month” noon, pero malaki at

marami na ang mga pagbabago sa buhay ng tao. Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month kung kaya’t nagkakaroon ng mga programa at paalaala tungkol sa halaga ng seguridad laban sa sunog.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Tapat na makausap ang isang taga-Bureau of Fire Protection national headquarters na si Fire Officer 2 Laurence Firmanes. Binigyan niya kami ng ilang tips para makaiwas sa sunog. Ilan dito ay ang main-gat na pagsusuri ng mga binibiling electrical appliances at ang main-gat na pagpili ng mga electrician na magsusuri ng mga electrical wire sa inyong bahay.

“Pag bibili kayo ng electrical ap-pliances, dapat mayroon nakala-gay na seal ng ICC. And seal na ito ang nagpapatunay na ang bin-ibili niyong appliances ay nasuri ng DTI,” sabi ni Firmanes.

“Huwag kayong magtitiwala sa mga hindi lisensyadong electri-cian para lang makatipid, “dagdag pa niya, “dahil ang paggamit ng mababang klase ng materyales ay puwedeng maging sanhi ng ikasu-sunog ng iyong bahay.” Ito pa ang ilang mga karagdagang mahalagang tips upang makaiwas sa sunog:

1. Suriing mabuti ang mga iba’t ibang gamit sa loob ng bahay na may malaking posibilidad na pagmulan ng sunog. Isa dito ay ang electrical wires – ang pangu-nahing pinagmumulan ng sunog. Mabuti na ang manigurado – ku-muha ng electrician para suriin ito. Isa pang kailangang bigyang pansin ay ang LPG o liquified pe-troleum gas. Huwag mapanatag na maglagay sa bahay ng tangke ng LPG na panay kalawang dahil ito ay may malaking posibilidad na

sumabog at pagmulan ng sunog. Ugaliing bumili sa mga subok na dealer para sa inyong seguridad.

2. Huwag mag-iwan ng nakabu-kas na apoy ng walang magbaba-ntay nito. Kung kailangan mo ta-lagang iwanan ang iyong niluluto, puwede namang patayin muna ang apoy o kaya’y hinaan ito kung saglit ka lang aalis. Tatagal nga ang pagluluto mo, pero mas mahalaga naman ang seguridad ng pamilya mo.

3. Iwasan ang mahiga ng may hawak na nakasinding sigarilyo. Alam naman nating nakaka-engg-anyong matulog basta’t nakahiga, at kung ‘yan nga ang mangyari, baka mahulog pa ang sigarilyong nakaipit sa mga daliri o kaya madikit sa anumang madaling ka-pitan ng apoy. Kaya kung pagod na at gusto nang matulog, ma-

buti ay patayin mo na muna ang iyong sigarilyo sa ash tray o kaya ay ubusin mo na muna bago ka pumwesto sa hihigaan mo.

4. Mag-ingat sa mga nakasind-ing kandila o gasera – isa sa mga pangunahing pinagmu-mulan ng sunog. Ilagay sa hindi abot o matatabig ng mga bata o alagang hayop. Kung kailangan mong umalis, patayin muna ang apoy, at sindihan nalang muli sa iyong pagbalik.

5. Itago sa wastong lugar ang mga bagay na madaling magli-yab, tulad ng alkohol, gasolina at pintura. Ilagay ang mga ito sa lugar na kung saan hindi mabibi-lad sa araw at sa bahagi ng bahay na kung saan hindi labis na na-giging mainit. Isang mabuting gawin ay ilagay sa labas ng bahay ngunit may lilim.

Page 10: TAPAT Vol 1 No 1

10 MARSO 5-11,2013libangan

Ayaw sumulat na bolpenDi ba kung minsan ayaw sumulat ng bolpen? Para dumaloy ang tinta, magla-gay ka ng nakasinding posporo sa ilalim ng dulo ng bolpen. Pero ikut-ikutin ang bolpen para hindi matunaw ang plastik.

Instant icepackBasta’t may bata sa bahay, kailangang may nakahandang ice-pack palagi dahil pihadong may magkakaroon ng bukol o pasa. Kung nagtatago ka ng yelong nasa plastik sa freezer, palaging mag-reserba ng isa para sa ganitong pangangailangan kung mayroon mang madapa, mabunggo o mauntog. Bago i-apply sa balat, ibalot sa malinis na basahan o tuwalya.

Gising na!Hindi mo ba naririnig ang alarm mo tuwing umaga kaya palagi ka na lang late sa trabaho? Puwes, subu-kan mo ito: ilagay ang alarm clock sa loob ng aluminum na kaserola. Pagtunog nito, malamang magigis-ing ka agad!

Bawal: amoy bawang!Para matanggal ang amoy ng bawang sa kamay mo, kiskisin ang kamay sa gamit na giniling na kape (used coffee grounds).

May isang lalaking puro itim ang suot: itim na pantaas, itim na polo, pantalon, medyas, sapatos, jacket. Nakasuot din ng itim na gwantes. Siya’y naglalakad sa isang kalyeng as-paltado, at lahat ng street light ay nakapatay. Isang itim na sasakyan – nakapatay ang headlights – ang humahagibis papalapit sa lalaki, ngunit ito’y tumigil ng hindi nabubun-dol ang lalaki. Paano nakita ng drayber ang lalaki?

1. Seahorse 2. a) 3. Temperatura 4. Ang kwadradong takip ng manhole ay maaaring ihulog ng palihis (diagonally) sa butas. Kung bilog ang manhole, hindi maaaring ihulog ang takip sa butas. Kaya’t para sa seguridad at kaligtasan, ang lahat ng takip ng manhole ay dapat bilog. 5. Nangyari ito during daytime

taPat HIrINGACCOUNT EXECUTIVE- Graduate of Mass Communication or any related course- Willing to work under pressure and able to meet deadlines- Willing to extend hours to finish deadlines- Excellent oral and written communications skills- Good interpersonal skills- Team player- Computer Literate- Attentive to details- Passionate, hard working and well organized pro-fessional with ability to prioritize and multitask- With pleasing personality

Email your resumes to:[email protected]

May isang uri ng hayop na kung saan ang lalaki – hindi ang babae – ang nagdadala ng supling sa katawan bago isilang. Anong hayop ito? Clue: Hayop sa karagatan ito!Gaano katagal pagkatapos ng conception nagsisimulang tumibok ang puso ng bata sa sinapupunan?a) 18 araw b) 4 na linggo c) 5 buwan d) 6 na buwan

Ano ang bumababa at tumataas ngunit hindi gumagalaw?

Bakit ang lahat ng manhole ay bilog at hindi kwadrado? (Hindi ito bugtong)

Page 11: TAPAT Vol 1 No 1
Page 12: TAPAT Vol 1 No 1

12 MARSO 5-11,2013sportsKape at Gatas magtutuos sa PBA Games (March 6) - Smart Araneta Coliseum

5:15 p.m. - Air21 vs Meralco 7:30 p.m. - SanMig vs Alaska

Kape kontra Gatas.Iyan ang matutunghayan sa pag-tatapat ng SanMig Coffee at Alas-ka Milk sa PBA Commissioner's Cup Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa paghugot ng ikatlong panalo sa anim na laro ay puntirya din ng SanMig Mixers na maba-hiran ang malinis na kartada ng Alaska Aces na hindi pa natatalo sa limang laban.

Patuloy na aasa ang SanMig sa import nitong si Denzel Bowles na siya ring naghatid sa kanila sa kampeonato sa naturang torneyo noong isang taon. Huhugot na-man siya ng suporta kina Joe Cal-vin Devance, Marc Pingris, Mark Barroca, Peter June Simon at ang two-time Most Valuable Player (MVP) ng liga na si James Yap.

Galing sa dalawang sunod na panalo ang SanMig laban sa Talk 'N Text, 90-82, noong Pebrero 24 at kontra GlobalPort, 91-84,

noong Sabado sa Jesse Robredo Coliseum sa Naga City.

Hindi naman magiging madali para sa Mixers na masungkit ang ikatlong diretsong panalo dahil mabigat na kalaban ang nangun-gunang Aces.

Ang Alaska ay patuloy na sasan-dal kina JVee Casio, Calvin Abue-va, Cyrus Baguio, Joachim Thoss, Gabe Espinas at import na si Rob-

ert Dozzier.Ang Alaska ay galing sa naka-

bibilib na 92-69 panalo kontra sa reigning Philippine Cup cham-pion Talk 'N Text noong Biernes.

Sa larong iyon ay limang man-lalaro ng Alaska ang umiskor ng double-digit sa pamumuno ni Dozzier na nagtapos na may 23 puntos bukod pa sa 18 rebounds at limang assists.

Sa isa pang laro sa Miyerkules ay magkakasubukan naman ang Air21 at Meralco.

Ang Air21 Express ay galing sa 53-60 kabiguan laban sa Petron Blaze noong Biernes habang naun-gusan naman ng Meralco Bolts ang GlobalPort, 90-89, noong Pebrero 24.

Samantala, noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum din ay tinambakan ng Petron ang Barako Bull, 91-78, at binigo naman ng Rain or Shine ang Barangay Gine-bra, 96-93.

Alaska           Petron           Rain or Shine    Barako Bull      SanMig Coffee  Meralco          Talk 'N Text      GlobalPort      Air21          Ginebra          

TEAM STANDINGSW5543222211

L0113333445

Editor, MENERE RICAMATA NASIAD

Paeng Nepomuceno muling  kinilala ng Guinness RecordsSA edad na 56 ay patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bansa   si Rafael "Paeng" Nepomuceno.

Kamakailan ay muling kinilala ng Guin-ness World RecordS ang champion bowler ng Pilipinas.

Tatlong Guinness World Record ang ha-wak ni Nepomuceno at isa rito kanya pang pinalawig. 

Nasa lumang talaan ng Guinness ang 118 kabuuang titulo na napanalunan ni Nepo-muceno sa buong mundo at ito ay itinaas ng Guinness sa 124 matapos na kilalanin ang anim pang kampeonatong kanyang na-panalunan.

Kabilang sa mga titulong idinagdag sa record ni Nepomuceno ay ang 2008 South Pacific Classic sa Melbourne, ang 2010 Bowling World Cup National Finals at ang 2011 Philippine International Open.

Hawak din ni Nepomuceno ang  Guin-ness World Record bilang youngest world bowling champion nang manalo siya sa 1976 Bowling World Cup  sa Teheran, Iran

sa edad na 19.Siya rin  ang katangi-tanging manlalaro na nanalo ng world

bowling titles sa tatlong dekada. Bukod sa 1976 ay nakopo rin ni Nepomuceno ang kampeonato sa Bowling World Cup noong 1980, 1992 at 1996.

“It’s truly a big honor for me and the country to be listed for the third time in the Guinness World Records,” sabi ni Nepo-muceno, ang pinakabatang Pinoy na nanalo ng international bowling championship sa edad na 17.

Noong 1999 ay nahirang  si  Nepomuceno  bilang Bowling Athlete of the Millennium ng  FIQ, ang world governing body ng bowling. Siya rin ang kauna-unahang  male bowling athlete na maluklok sa  World Bowling Hall of Fame.

Mayroon din siyang life-sized image na naka-display sa en-trance ng Hall of Fame and Museum sa Arlington, Texas.

Kampeonato ng Tiong Lian, inangkin ng Hope Christian

Sa nakalipas na dalawang season ng Metro Manila Tiong Lian Bas-ketball Association (MMTLBA) ay narating ng Hope Christian High School ang finals ng juniors division subalit sa parehong pag-kakataon ay bigo itong maiuwi ang kampeonato.

Kaya naman nang muling pu-masok sa finals ang Hope Chris-tian sa taong ito ay siniguro nitong hindi na ito uuwing luhaan.

Huwebes ng gabi sa Chiang Kai Chek College gym ay tinalo ng Hope Christian ang Xavier School, 62-55, sa Game 3 para manaig sa finals series, 2-1, at maging kampe-

on sa kauna-unahang pagkakataon mula 1993.

Ginawa ni Arjan dela Cruz ang walo sa kanyang 29 puntos sa fourth period para pangunahan ang Hope Christian sa Game 3. Mayroon din siyang 11 rebounds at kasama si John Apacible na may 15 rebounds ay nadomina ng Hope Christian ang Xavier School sa rebounding department, 54-44.

Nakauna sa serye ang Hope Christian nang makahirit ito ng 74-66  panalo sa Game 1 subalit nakabawi ang Xavier School sa Game 2, 80-74, sa likod ng 31 puntos mula kay Kyles Lao, ang

GM Wesley So unang Pinoy na naabot ang 2700 Elo ratingGumawa ng kasaysayan sa chess ang Filipino Grandmaster na si Wesley So noong isang linggo.

Ang 19-taong-gulang na si So ang naging unang Pilipino na naabot ang Elo rating na 2700. Ito ay matapos na makaiskor ng 8.0 puntos si So sa 10-round 28th Reykjavik Open chess champion-ship na nilahukan ng 227 man-lalaro kabilang ang 34 iba pang

Grandmasters.Nagtapos si GM So na katabla

sa unang puwesto sina GM  Pavel Eljanov ng Ukraine at GM Bassem Amin ng Egypt. Ngunit opisyal na nakuha ni Eljanov ang kampe-onato bunga ng mas mataas na tie-break points. Pumangalawa naman si GM So at pumangatlo si GM Amin.

- sundan sa Pahina 5

CHEERDANCE CHAMPION. Nakopo ng Miriam College sa ikalawang sunod na taon ang kampeonato ng 11th Women’s Colleges Sports Association (WCSA) cheerdance competition na ginanap kamakailan sa Rizal Memorial Coliseum sa May-nila. Pumangalawa naman ang St. Scholastica’s College at pu-mangatlo ang University of Asia & the Pacific.

- sundan sa Pahina 5