4
Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo. Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H appy two subscribers! ” Nag- trending kamakailan lang ang post na ito ni Mary Grace. Kaisa niya ang maraming kabataan na nagnanais ibahagi ang pagiging malikhain sa paggawa ng vlogs at ipakita sa ito mundo sa pamamagitan ng YouTube . Sa kaniyang post makikita ang isang maliit na cupcake, isang bote ng softdrinks, at chicken fillet meal na may kasamang french fries mula sa isang kilalang fastfood chain. Matapos ang dalawang araw, pinost sa Facebook page ng fastfood chain na ito ang litrato ni Mary Grace na may caption : “Salamat rin Mary Grace sa pagpapaalala na marapat lamang ipagdiwang ang mga bagay na tunay na nagpapasaya sa atin.” ( Thank you, Mary Grace, for reminding us that doing what makes you happy is worth celebrating. ) Pagninilayan natin ngayong ikaanim na Simbang Gabi ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet. Mula sa lipi ni Aaron si Elisabet, ang lipi ng mga pari. Pari sa templo ang kaniyang asawang si Zacarias. Dinalaw ng anghel ng Panginoon si Zacarias noong siya’y nag-aalay sa santuwaryo ng templo. Mula sa lipi ng mga pari at naghahain ng alay sa templo: pawang nasa kontekstong panrelihiyon lahat ng naganap noong ibalita ng anghel ng Panginoon ang pagdadalantao ni Elisabet. Sa kabilang banda, may isang payak na dalaga sa bayan ng Nazareth. Maaalala natin ang sikat na tanong: “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” (tgn. Jn 1:46). Isang bayang hindi tanyag sa kaniyang pagkatangi, kundi sa kaniyang kahinaan— maraming naninirahang kapos-palad, walang natatangi, hindi binanggit sa propesiya ng sinumang propeta, sa madaling sabi: “Low-key and no repute.” Ayon naman sa mahabang talaangkanan, mula sa lipi ni Haring David ang lalaking itinakdang ikasal kay Maria na si Jose. Isang dalaga, payak ang pamumuhay, mula sa isang bayang hindi kilala: walang kontekstong panrelihiyon. Dito naganap ang pamamalita ng anghel Gabriel kay Maria na siya’y maglilihi at ipapanganak ang pinananabikang Mesiyas ng bayang Israel. Dinalaw ni Maria si Elisabet pagkatanggap niya ng Mabuting Balita mula sa anghel. Nagmamadali siyang naglakbay papunta sa mataas na lupain ng Juda. Sinasabing ginabayan siya ni Jose upang makasakay sa isang karaban. Buntis na si Maria, delikado ang daraanan pati na ang sasakyan. Malayo-layo rin ang Nazaret sa lupain ng Juda; tinatayang nasa isandaang kilometro ang distansya. Noong una silang magkita, galak ang nangibabaw sa dalawang magiging ina, kung kaya sumikad ang bata sa tiyan ni Elisabet. Isang tagpong kagalakan lamang ang madarama. Pareho silang napuspos ng Espiritu ng Diyos, dahilan kung bakit tinaguriang puno ng grasya si Maria, at kagalakan naman ang dala nito sa panahanan ni Elisabet. Sa tagpong ito, dinalaw ng bagong tipanan ang lumang tipanan. Hindi lilipas ang luma: si Elisabet ang unang hakbang upang maitawid tayo sa bagong tipanan. Ang kaniyang anak na si Juan ang magpapahayag na tunay ang tipanan ng Diyos noong una at magiging ganap ito sa pamamagitan ni Maria na siyang magsisilang sa Emmanuel—ang Diyos na sumaating piling, ang Diyos na Tagapagligtas. Nakatutuwang isiping sa mga payak na lugar, tao, at pangyayari sumibol ang kaganapan ng pangako ng Diyos. Sa kapayakan, muling niligawan ng Diyos ang sangkatauhan. Sa kapayakan dumalaw at ipinahayag ng Diyos ang kaniyang Mabuting Balita. At sa pamamagitan ng pagsang-ayon ni Maria, dinalaw ng Diyos ang sangkatauhan upang tuparin ang pangako niyang Kaligtasan. Maraming maaaring pakahulugan ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet: paglilingkod, pagmamahal, pakikiisa, pagtawid mula luma patungong bagong tipanan, at marami pang iba. Gayunpaman, gusto kong bigyang- diin ang emosyong kanilang nadama, ang nangibabaw nilang kagalakan! Habang palapit na tayo sa araw ng Pasko ng Pagsilang, huwag nawa natin kalimutang magalak! Marami mang pinagdaanang pagsubok sa taong ito nang dahil sa pandemya at mga kalamidad, inaanyayahan pa rin tayong magalak! Paano ba tayo lubusang magagalak? Simple lang: hayaan nating dalawin tayo ni Maria at ni Hesus sa lahat ng yugto ng ating buhay. Kung nabibigatan na, hayaan mong tulungan ka ni Hesus. Kung may dinaramdam kang sakit, hayaan mong pagalingin ka ni Hesus. Kung nadapa, hayaan mong ibangon ka ni Hesus. Kung may nais tayo kay Hesus hayaan nating tulungan tayo ni Maria sa panalangin. Sa kabilang banda, kapag tayo’y namimighati at nahihirapan sa buhay, maalala nawa natin ang kuwento ni Mary Grace —tagpong nadarama ang grasya ng kagalakan kahit sa maliliit na bagay at sa kapayakan. At ngayong panahong ito, hayaan nating si Hesus ang ating maging kagalakan na sa kahit anong banta ng pandemya at unos ng buhay, siya’y tunay at marapat nating ipagdiwang. —Vinz Anthony B. Aurellano, SSP Mary G race

Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H ...Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H ...Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat

Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo.

Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020

“Happy two subscribers!” Nag-trending kamakailan lang ang

post na ito ni Mary Grace. Kaisa niya ang maraming kabataan na nagnanais ibahagi ang pagiging malikhain sa paggawa ng vlogs at ipakita sa ito mundo sa pamamagitan ng YouTube. Sa kaniyang post makikita ang isang maliit na cupcake, isang bote ng softdrinks, at chicken fillet meal na may kasamang french fries mula sa isang kilalang fastfood chain. Matapos ang dalawang araw, pinost sa Facebook page ng fastfood chain na ito ang litrato ni Mary Grace na may caption: “Salamat rin Mary Grace sa pagpapaalala na marapat lamang ipagdiwang ang mga bagay na tunay na nagpapasaya sa atin.” (Thank you, Mary Grace, for reminding us that doing what makes you happy is worth celebrating.)

Pagninilayan natin ngayong ikaanim na Simbang Gabi ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet. Mula sa lipi ni Aaron si Elisabet, ang lipi ng mga pari. Pari sa templo ang kaniyang asawang si Zacarias. Dinalaw ng anghel ng Panginoon si Zacarias noong siya’y nag-aalay sa santuwaryo ng templo. Mula sa lipi ng mga pari at naghahain ng alay sa templo: pawang nasa kontekstong panrelihiyon lahat ng naganap noong ibalita ng anghel ng Panginoon ang pagdadalantao ni Elisabet.

Sa kabilang banda, may isang payak na dalaga sa bayan ng Nazareth. Maaalala natin ang sikat na tanong: “May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?” (tgn. Jn 1:46). Isang bayang hindi tanyag sa kaniyang pagkatangi, kundi sa kaniyang kahinaan—maraming naninirahang kapos-palad, walang natatangi, hindi binanggit sa propesiya ng sinumang propeta, sa madaling sabi: “Low-key and no repute.” Ayon naman sa mahabang talaangkanan, mula sa lipi ni Haring David ang lalaking itinakdang ikasal kay Maria na si Jose. Isang dalaga,

payak ang pamumuhay, mula sa isang bayang hindi kilala: walang kontekstong panrelihiyon. Dito naganap ang pamamalita ng anghel Gabriel kay Maria na siya’y maglilihi at ipapanganak ang pinananabikang Mesiyas ng bayang Israel.

Dinalaw ni Maria si Elisabet pagkatanggap niya ng Mabuting Balita mula sa anghel. Nagmamadali siyang naglakbay papunta sa mataas na lupain ng Juda. Sinasabing ginabayan siya ni Jose upang makasakay sa isang karaban. Buntis na si Maria, delikado ang daraanan pati na ang sasakyan. Malayo-layo rin ang Nazaret sa lupain ng Juda; tinatayang nasa isandaang kilometro ang distansya. Noong una silang magkita, galak ang nangibabaw sa dalawang magiging ina, kung kaya sumikad ang bata sa tiyan ni Elisabet. Isang tagpong kagalakan lamang ang madarama. Pareho silang napuspos ng Espiritu ng Diyos, dahilan kung bakit tinaguriang puno ng grasya si Maria, at kagalakan naman ang dala nito sa panahanan ni Elisabet. Sa tagpong ito, dinalaw ng bagong tipanan ang lumang tipanan. Hindi lilipas ang luma: si Elisabet ang unang hakbang upang maitawid tayo sa bagong tipanan. Ang kaniyang anak na si Juan ang magpapahayag na tunay ang tipanan ng Diyos noong una at magiging ganap ito sa pamamagitan ni Maria na siyang magsisilang sa Emmanuel—ang Diyos na sumaating

piling, ang Diyos na Tagapagligtas. Nakatutuwang isiping sa mga payak

na lugar, tao, at pangyayari sumibol ang kaganapan ng pangako ng Diyos. Sa kapayakan, muling niligawan ng Diyos ang sangkatauhan. Sa kapayakan dumalaw at ipinahayag ng Diyos ang kaniyang Mabuting Balita. At sa pamamagitan ng pagsang-ayon ni Maria, dinalaw ng Diyos ang sangkatauhan upang tuparin ang pangako niyang Kaligtasan.

Maraming maaaring pakahulugan ang pagdalaw ni Maria kay Elisabet: paglilingkod, pagmamahal, pakikiisa, pagtawid mula luma patungong bagong tipanan, at marami pang iba. Gayunpaman, gusto kong bigyang-diin ang emosyong kanilang nadama, ang nangibabaw nilang kagalakan!

Habang palapit na tayo sa araw ng Pasko ng Pagsilang, huwag nawa natin kalimutang magalak! Marami mang pinagdaanang pagsubok sa taong ito nang dahil sa pandemya at mga kalamidad, inaanyayahan pa rin tayong magalak! Paano ba tayo lubusang magagalak? Simple lang: hayaan nating dalawin tayo ni Maria at ni Hesus sa lahat ng yugto ng ating buhay. Kung nabibigatan na, hayaan mong tulungan ka ni Hesus. Kung may dinaramdam kang sakit, hayaan mong pagalingin ka ni Hesus. Kung nadapa, hayaan mong ibangon ka ni Hesus. Kung may nais tayo kay Hesus hayaan nating tulungan tayo ni Maria sa panalangin.

Sa kabilang banda, kapag tayo’y namimighati at nahihirapan sa buhay, maalala nawa natin ang kuwento ni Mary Grace—tagpong nadarama ang grasya ng kagalakan kahit sa maliliit na bagay at sa kapayakan. At ngayong panahong ito, hayaan nating si Hesus ang ating maging kagalakan na sa kahit anong banta ng pandemya at unos ng buhay, siya’y tunay at marapat nating ipagdiwang.

—Vinz Anthony B. Aurellano, SSP

Mary Grace

Page 2: Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H ...Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat

Antipona sa Pagpasok(Basahin kung walang pambungad na awit)

Mapalad ka, O Maria, hinirang ng Diyos Ama na sa Anak n’ya’y magdala noong maging tao siya at nanatiling Birhen ka.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - Ibig ni Maria na maibahagi ang kahanga-hangang biyaya ng Diyos sa kanyang buhay at ang Mabuting Balita na dala niya sa kanyang sinapupunan. Dahil dito, minarapat niyang dalawin ang isa pang babae na ganoon din ang naranasan—si Elisabet na kanyang pinsan. Naging isang masayang himig ng papuri sa Diyos ang pagtatagpo ng dalawang ina.

Mga kapatid, inaanyayahan din tayong makita ang biyaya ng Diyos sa ating buhay. Huwag nawa tayong makalimot magpasalamat at magbigay papuri sa ating mapagpalang Diyos sa pamamagitan ng ating tapat na paglilingkod sa kanya at sa ating kapwa.

Pagsisisi

P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagdiriwang ng banal na paghahaing nagdudulot ng kapatawaran ng Maykapal. (Tumahimik)

P - Panginoon, kami’y nagka-sala sa iyo.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.B - Kami ay lingapin at sa kahi-rapan ay iyong iligtas.

P - Kaawaan tayo ng maka-pang yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at

patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pangi noong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapang-

yarihan, loobin mong kami’y t u w a n g a n n g b a n a l n a panalangin ng Mahal na Birhen upang kami’y lumaya sa lahat ng panganib at makapanatili sa iyong kapayapaan sa pama-magitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpa-sawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Awit 2:8-14] (Umupo)

Tulad ng isang dalagang naga-galak sa pagdalaw ng kanyang kasintahan, nararapat ding magalak ang bayan ng Diyos sapagkat kapiling nila ang Panginoon.

Pagbasa mula sa aklat ng Awit ni Solomon

ANG tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig, mga gulod, tinatahak upang ako’y makaniig. Itong aking mangingibig ay katulad niyong usa, mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla. Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya, sumisilip sa bintana para ako ay makita. Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang tinuran: “Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.” Lumipas na ang taglamig sa buong lupain at ang tag-ulan ay natapos na rin. Bulaklak sa kaparangan tingna’t namumukadkad na, ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya, sa bukid, ang mga ibo’y humuhuni, kumakanta. Yaong mga bungang igos ay hinog nang para-para, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka. Ika’y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan, halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan, at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 32)

T - Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

1. Ang Panginoong Diyos ay pasa lamatan,/ tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan./ Isang bagong awit, awiting malakas,/ kasaliw ang tugtog ng alpang marilag! (T)

2. Ngunit ang mga panukala ng Diyos/ ay mamamalagi’t walang pagkatapos./ Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,/ mapalad ang bayang kanyang ibinukod. (T)

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H ...Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat

3. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;/ siya ang sanggalang natin at katulong./ Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,/ sa kan-yang ngalan ay nagtitiwala. (T)

Aleluya (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Emman’wel na hari namin halina’t kami’y sagipin at utos mo’y tutuparin. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lc 1:39-45)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasB - Papuri sa iyo, Panginoon.

SI MARIA’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak niyang sinabi, “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa

lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - Marapat lamang na pa-purihan ang Diyos hindi dahil nakatanggap tayo ng biyaya kundi dahil mula sa kanyang kabutihang loob patuloy ang kanyang pagbibigay:

T - Panginoon, biyayaan mo kami.

L - Para sa mga pinuno ng ating SImbahan: Maging masigasig nawa sila sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat ng tao. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga pinuno ng ating pamahalaan: Magpakita nawa si la ng natatanging pagpapahalaga sa kapakanan ng mga dukha at aba sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod at makabuluhang programa. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga pamilya: Maging tagapagpalaganap nawa ang bawat miyembro nito ng pag-ibig at kabanalan tungo sa pangkalahatang kapayapaan. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa ating lahat na natitipon ngayon: Maging bukas nawa tayo sa pagbabahagi ng talino, oras, at pag-ibig sa kapwa bilang tanda ng ating pasasalamat sa lahat ng biyaya ng Panginoon. Manalangin tayo: (T)

L - Para sa mga namayapa nating kapatid: Makita nawa nila ang Diyos na nananabik sa kanilang pagpasok sa kanyang tahanan. Manalangin tayo: (T)

L - Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan (Tumahimik). Dumalangin tayo: (T)P - Mapagpalang Ama, ipag-kaloob mo nawa ang aming

mga kahilingan. Maipagdiwang nawa namin nang may galak at lubos na pasasalamat ang pagdating ni Hesukristong Anak mo at aming Panginoon.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P - Ama naming Lumikha, sa paggunita namin sa Mahal na Birhen hinihiling naming ang aming paghahain ay lakipan mo ng kapupunan upang kami ay maging handog na ikinalulugod mo kailanman sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

Prepasyo (Adbiyento II)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala matan.

P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama ma gitan ni Hesukristo na aming Pangi noon.

Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag. Nga-yong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kan-yang pagsilang, kami’y nana-nabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa

Pagdiriwangng huling hapunan

Page 4: Taon 34 Blg. 31 Misa de Gallo — Puti Disyembre 21, 2020 “H ...Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat

ng iyong kagandahang-loob upang lagi naming madama ang iyong paglingap sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Yumuko kayo at hingin ang biyaya ng Diyos.(Tumahimik)

Ang makapangyarihang Diyos Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hinihintay nating bumalik ngayon ay siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya r in nawang pumuspos sa inyo sa pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada ki laan.B - Santo, Santo, Santo Pangi-noong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang napa-ririto sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain bilang pagkai’t inuming pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y dumating.

Ama NaminB - Ama namin...P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Lc 7:49)D’yos na makapangyarihan may gawa ng tanang bagay na puspos ng kadakilaan sa lingkod niyang hini-rang, banal ang kanyang pangalan.

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

ang aming pagsasalo sa haing nagbibigay-buhay sa paggunita namin sa Mahal na Ina ng iyong Anak ay magdulot nawa sa amin

P - Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa, at pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Kayong nagagalak sa pagdating ng nagkatawang-taong manunubos ay puspusin nawa niya ng gantimpalang buhay na ‘di matatapos kapag siya’y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.

Pangwakas

P - Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayong taglay ang pag-ibig upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang

www.stpauls.ph St Pauls Online [email protected] (02)8895-9701-04 loc. 701-702/0926-740-7000

Shop anywhere, anytime with

ST PAULS ONLINE Get home delivery of your favorite religious items from ST PAULS: Religious Books • The Youngster • Hãlo • Sambuhay • Pandasal • 365 Days with the Lord Simbahay • Bibles • Religious Articles • Altar and Church Vestments

SHOP NOW