29
TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES (ENGLISH LEARNER ADVISORY COMMITTEE, ELAC) Mga Magagamit sa mga Palihan para sa mga Pamilya ng mga Mag-aaral ng Ingles Departamento para sa mga Landas na Mahigit Isa ang Wika (Multilingual Pathways) Sangay ng Kurikulum at Instruksiyon (Division of Curriculum and Instruction) SY 2015-16

TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

  • Upload
    trananh

  • View
    293

  • Download
    49

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES (ENGLISH LEARNER ADVISORY COMMITTEE, ELAC)

Mga Magagamit sa mga Palihan para sa mga Pamilya ng mga Mag-aaral ng Ingles

Departamento para sa mga Landas na Mahigit Isa ang Wika (Multilingual Pathways)

Sangay ng Kurikulum at Instruksiyon (Division of Curriculum and Instruction) SY 2015-16

Page 2: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Mga Bunga ng Pag-aaral Lubusang maunawaan ang lahat ng

mga itinakdang pangangailanganpara sa isang Tagapayong Konseho para sa mga Mag-aaral ng Ingles (English Learner Advisory Council, ELAC)

Mapag-aralan kung paano mapahuhusay at mabibigyan ng suporta ang isang nakapanghihikayat na ELAC

Makatanggap ng mga bagong kasangkapan para higit na makapagbigay-suporta at magawan ng dokumentasyon ang mga tungkulin at responsibilidad ng ELAC

2

Page 3: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Ano ang ELAC? Ang ELAC ay isang

inihahalal na komite ng mga magulang, kawani, at miyembro ng komunidad ng espesipikong itinatalaga para pagpayuhan ang mga opisyal ng paaralan hinggil sa mga serbisyo ng programa para sa mga mag-aaral ng Ingles.

Kinakailangan ito kapag mayroong 21 o higit pang mga Mag-aaral ng Ingles (English Learners).

3

Page 4: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Bakitmay

ELAC?

Regulasyon ng Estado: Kodigo ng mga Regulasyon ng California, Titulo 5, Seksiyon 11308 (b),

(c), at (d)

Batas Pederal: 20 Kodigo ng Estados Unidos

Seksiyon 6312 (g)(4)

Batas ng Estado: Kodigo ng Edukasyon ng California, mga

seksiyon 35147 (c), 52176 (b), at (c), 62002.5, at 64001 (a)

4

Page 5: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Bakit mayELAC?

Para magbigay ng suporta sa ating mga mag-aaral ng Ingles sa kani-kanilang mga landas

tungo sa habambuhay na pagkatuto at tagumpay!

5

Page 6: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Lumalawak

Tumutulay

Nagsisimula

Ang Landas ng EL tungo sa Habambuhay na Pagkatuto ng Wika

Itinalaga atPinagsamang ELD

Pinagsamang ELD /pagtuon sa

akademikong wika

Pagbibigay ng bagong klasipikasyon at 2 taon na pagsubaybay

May kakayahan ang mga mag-aaral sa lahat ng

antas ng matayog na pag-iisip at mga gawain na

kailangan ng puspusang pagsusumikap. 6

Page 7: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Mga Kinakailangang Gawin ng ELAC

Pagbibigay ng payo sa Prinsipal at mga Kawani tungkol sa mga

programa at serbisyo para sa mga Mag-aaral ng Ingles

Balanseng Pagtatala ng mga Marka (Balanced Score Card}

/ Iisang Plano para sa Tagumpay ng Mag-aaral (Single Plan for Student

Achievement)

Mga Badyet ng Paaralankasama na ang mga pondo para

sa mga EL7

Page 8: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Tumutulong ang ELAC sa paaralan para sa

paglinang ng:

• Pagtatasa ng mga Pangangailangan

• Taunang Census sa Wika

• Mga paraan para maging higit na malay ang mga magulang sa kahalagahan ng pagpasok sa klase

8

Mga Kinakailangang Gawin ng ELAC

Page 9: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Mayroon bang mahigit sa 21 Mag-aaral ng

Ingles (English Learners) sa

inyong paaralan?

Oo!Pumunta sa hakbang #1.Kailangang magsagawa

ng eleksiyon.

NO?

Hindi kinakailangan ng ELAC.Wala.

9

Page 10: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

10

Mga Pangangailangan sa Pagbuo ng Kasapian sa mga Eleksiyon para sa ELAC

Hakbang #1: Eleksiyon

Kailangang may mga Magulang ng mga Mag-aaral ng Ingles na nasa komite

Sa minimum, kailangang ang porsiyento ng mga magulang ng EL ay kapareho ng % ng mga estudyanteng EL sa paaralanHalimbawa: Kung 25% ng mga estudyante sa paaralan ay mga

Mag-aaral ng Ingles, kailangang 25% ng mga miyembro ng ELAC ay mga magulang ng mga EL.

Posibleng kasama sa mga karagdagang miyembro ang mga kawani ng paaralan, mga magulang ng hindi EL at/o mga miyembro ng komunidad

Tala: Ang mga magulang ng EL na naka-empleyo sa SFUSD ay hindi puwedeng ibilang sa hanay ng mga magulang na EL na dapat kasama sa pagbuo ng kasapian.

Page 11: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #1:Eleksiyon

Mag-anunsiyo sa school loop, mga pahayagan, at mga pulong ng paaralan/klase, asemblea sa umaga at iba pang pagtitipon ng paaralan

Magkaroon ng mesa na nagbibigay impormasyon kasama ang mga kawani o boluntaryo para makapag-imbita ng mga magulang sa gabi ng Pagbabalik sa Klase ( Back to School) o kung kailan nasa kampus ang mga magulang

Itakda ang Setyembre bilang “Buwan ng pag-iimbita sa mga boluntaryo at mga pinuno ng tagapayong komite”

Hilingin sa mga kawani at aktibong magulang na mag-imbita ng mga posibleng kandidato para sa komite

Personal na anyayahan ang mga magulang na lumahok11

Mga Ideya para sa Pag-imbita para sa ELACMagpadala ng imbitasyon at liham ng nominasyon sa pampaaralang komunidad Mga pangunahing wika ng mga pamilya sa pampaaralang komunidad Halimbawa na nasa website ng SFUSD ELAC

Page 12: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #1: Eleksiyon

Mga magulang ng EL lamang ang puwedeng bumoto.Kailangang maghalal ang bawat ELAC ng kahit isa man lamang miyembro para sa Tagapayong Komite ng mga Mag-aaral ng Ingles ng Distrito (District English Learner Advisory Committee, DELAC).

Tala: Isinasagawa ang mga Eleksiyon sa SFUSD sa mga taong nagtatapos sa numerong even, halimbawa, 2014, 2016, 2018 (o sa mga pagsisimula ng anumang taon na may mga bakante). Kailangang punan ang mga bakanteng eleksiyon sa pamamagitan ng eleksiyon.

12

Page 13: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #1: Eleksiyon

Kinakailangang mayroong dokumentasyon ng eleksyon:

Kailangang magtabi ng mga rekord bilang ebidensiya:Notipikasyon at/o liham ng nominasyon sa paaralan,Gabay sa proseso ng eleksiyon,Mga balota, Mga tala ng mga tinalakay sa pulong; atListahan ng mga miyembro ng ELAC(kailangang maisumite sa Departamento para sa mga Landas na

Mahigit sa Isa ang Wika o Multilingual Pathways Department)13

Page 14: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

1. Magsabi ng kahit isang bagay kung saan nagbibigay ng payo ang ELAC.2. Magsabi ng kahit isang bagay kung saan tumutulong ang ELAC. 3. Ano ang porsiyento ng magulang ng EL na inihahalal sa ELAC? 4. Sabihin kung sino-sino ang mga bumoboto para sa ELAC. 14

Kumustahin ang kaalaman (kasama ang katabi):

Page 15: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Nasaan na tayo sa ating iskedyul para ELAC?

Ano-ano ang ating mga susunod na hakbang?

Talakayin Natin

15

Page 16: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #2: Pagsasanay para sa ELAC

Responsibilidad ng paaralan at ng distrito na:

Magkaloob ng pagsasanay at mga materyales para matulungan ang mga miyembro na matupad ang kanilang mga legal na responsibilidad.

Magplano ng pagsasanay nang may konsultation sa lahat ng aspeto sa mga miyembro ng ELAC.

16

Page 17: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #2: Pagsasanay para saELAC

Puwedeng magamit ang mga pondo para magkaloob ng makatuwirang suporta kagaya ng pangangalaga sa bata, mga serbisyo sa pagsasalin, pagkain, transportasyon at karagdagang pagsasanay.

Kailangang itabi at panatilihing napapanahon ang mga dokumento sa pagsasanay.

17

Page 18: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #2: Pagsasanay para sa ELAC

Mga Halimbawa ng Mga Dokumento para sa Pagsasanay:

Slideshow tungkol sa ELAC Iskedyul ng ELAC Mga Itinatakda at Iminumungkahing

Paksa para sa ELAC Form para sa mga Rekomendasyon ng ELAC

Kailangang itabi at panatilihing napapanahon ang lahat ng mga materyales sa pagsasanay sa binder ng ELAC. 18

Page 19: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #3: Mga Pulong ng ELAC

Mga itinatakdang pangangailangan para sa mga

pulong ng ELAC:•Kailangang bukas sa publiko ang mga pulong at magpahintulot ng mga opinyon mula sa publiko.

•Kailangang i-anunsiyo ang mga abiso at adyenda o mga pag-uusapan at ipaskil ang mga ito nang hindi bababa sa 72 oras bago ang pulong.

•Kailangang may akses ang publiko sa lahat ng mga tinalakay at/o ipinamahaging mga materyales sa pulong. •Itabi ang binder ng ELAC at tiyakin na naroroon ito sa isang pampublikong lugar.

19

Page 20: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #3: Mga Pulong ng ELAC

Pagpapatuloy ng mga itinatakdang pangangailangan para sa mga pulong ng ELAC:

•Hindi bababa sa 4 na beses sa isang akademikong taon. (Hinihikayat ng SFUSD ang pagpupulong kada buwan.)

•Lumikha at sumunod sa mga tuntunin.

•Itabi ang mga dokumentasyon ng: kalendaryo ng mga pulong at mga

notipikasyon sa komunidad, adyenda o mga pag-uusapan, mga tala ng

mga tinalakay, listahan ng mga nagsidalo, listahan ng mga miyembro ng ELAC, dokumentasyon ng pagsasanay para sa

ELAC, at mga rekomendasyon

20

Page 21: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #3: Mga Pulong ng ELAC

Kung iba’t iba ang mga wikang sinasalita ng mga miyembro ng ELAC•Magkaloob ng kawaning nakapagsasalita ng dalawang wika para magbigay ng suporta•Isagawa ang pulong sa wika ng nakararami•Ihanda ang mga nakasulat na dokumento nang maaga para magkapanahon para sa pagsasalin. Magtakda ng pasalitang interpretasyon (kung kinakailangan).

21

Page 22: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #3: Mga Pulong ng ELAC

Mga Gawain ng Komite:Lahat ng mga ELAC ay kailangang may mga tao na nagboboluntaryo/ napili para magtulungan sa mga gawain.

Tagapangulo (o Presidente)• Pinamumunuan ang pulong • Pumipirma sa mga liham o dokumento• Dumadalo sa mga pulong ng SSC

Pangalawang Pangulo (o Bise-Presidente)• tumutlong sa Pangulo sa anumang gawain o sa

lahat ng mga gawain

Kalihim (puwedeng isang kawani)• Kumukuha ng mga tala sa pulong • Pinananatiling napapanahon ang binder

Kinatawan ng DELAC • Dumadalo sa mga pulong ng DELAC at

ibinabahagii ang impormasyon sa ELAC22

Page 23: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #4: ELAC na Lubusang Gumagana

Malinaw ang layunin

Lumilikom ng impormasyonBukas ang impormasyon sa

lahat

Isang pagtitipon para sa talakayan

Nakagagawa ng mga rekomendasyon at nagagawan ng aksiyon ang mga ito23

Page 24: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

May mahalagang papel ang mgakawani ng SFUSD sa ELAC sa:

Pagsasagawa ng outreach o pag-abot sa higit na nakararaming tao

Pagkakaloob ng datos na bukas sa lahat Paghihikayat ng diskurso o talakayan, Pagiging bukas sa paminsan-minsang kakulangan

sa ginhawa at kawalan ng kontrol, at Pagtanggap ng mga rekomendasyon24

Hakbang #4: ELAC na Lubusang Gumagana

Page 25: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

• Ang mga adyenda o pag-uusapan sa pulong ay ay itinatakda ng pamunuan ng ELAC,

• Nakatuon sa mga pangangailangan ng mga Mag-aaral ng Ingles sa paaralan,

• Naglalaan ng panahon sa komite para pag-aralan at talakayin ang mga usapin tungkol sa mga EL,

• Kasama rito ang mga ulat mula sa kinatawan ng DELAC at SSC;• Gumagawa ng desisyon at lumilikha ng nakasulat na

rekomendasyon para ibahagi sa SSC; at • Tinatalakay ang mga susunod na hakbang/ adyenda o mga

nakatakdang pag-usapan25

Hakbang #4: ELAC na Lubusang Gumagana

Page 26: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Hakbang #4: ELAC na Lubusang Gumagana

26

Page 27: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Siklo ng Kolaborasyon

ELAC

PAARALAN

DELAC

27

Page 28: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

28

1. Kung mayroon kayong 21 o higit pang mga EL, ano ang KAILANGAN ninyong gawin?

1. Ano ang kinakailangang dokumentasyon para sa ELAC para masabi niyo nang may kumpiyansa na“sinusunod ninyo ang mga tuntunin?”

2. Ano ang kahalagahan ng pagpapadala ng isang kinatawan ng ELAC sa bawat pulong ng DELAC?

3. Kailan puwedeng italaga ng isang ELAC ang SSC para tugunan ang mga legal na responsibilidad ng ELAC?

Pagbabalik-aral at Paglalagom:“Pagsusulit

Tungkol sa ELAC”

Page 29: TAGAPAYONG KOMITE PARA SA MGA MAG-AARAL NG INGLES

Departamento para sa mga Landas na Mahigit sa Isa ang Wika (Multilingual Pathways Department)

SFUSD

Website ng ELAC sa SFUSD: http://www.sfusd.edu/en/councils-committees/english-

learner-advisory-committee.html29