10
1 | Pahina 9/24/2020 2:34 PM 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19) 1. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Pantrahedya ng Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) at ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo (PPP - Paycheck Protection Program)? Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) Programa sa Proteksyon ng Suweldo HINDI NA UMIIRAL PAGLALARAWAN Pangmatagalan, direktang programa sa pautang mula sa SBA Mga pautang na ipinapadaan sa halos 5,500 nagpapautang sa buong bansa LAYUNIN Upang matugunan ang mga pinansyal na obligasyon at mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo na dapat natugunan kung hindi naganap ang sakuna. Dinisenyo upang magbigay ng insentibo para sa maliliit na negosyo, upang mapanatiling nasa payroll ang mga empleyado. UMIIRAL NA HALAGA Kapital para sa anim na buwan. Hanggang $10 milyon MGA TAKDA 3.75% APR (tiyak): mga negosyo 2.75% APR (di-tiyak); mga non-profit 30 taon 1% 2 taon o 5 taon, depende kung kailan naaprubahan ang pautang KOLATERAL Mga kinakailangang pautang na mahigit $25,000 Walang kinakailangang kolateral PERSONAL na GARANTIYA? Nangangailangan ng personal na garantiya para lang sa mga pautang na mahigit sa $200,000 Hindi kinakailangan MAPAPATAWAD? HINDI. Maaaring bayaran ang pautang sa anumang oras nang walang mga singil sa paunang kabayaran. IPAPATAWAD kung ang pamantayan sa pagpapanatili ng mga empleyado ay natugunan at kung ang pondo ay magagamit para sa mga gastusin. Kapag nakatanggap ang nangungutang ng EIDL Advance, kailangang bawasan ng SBA ang halagang ipapatawad sa pautang ng nangungutang ng halaga ng EIDL Advance. Makikita ang mga detalye online sa SBA.gov/PaycheckProtection. Unang KABAYARAN Ang Unang pagbabayad ay ipagpapaliban ng 1 taon; pwede kang magbayad kung gusto mo. Kumpletuhin at isumite ang SBA Form 1201 Mga Kabayaran ng Nangungutang sa Pay.gov. Ipagpapaliban ang pagbabayad sa loob ng ilang panahon depende sa kung kailan magsusumite ang nangungutang ng kahilingan para sa pagpapatawad ng pautang. MAG-APPLY Mag-apply online Hindi na umiiral. Bisitahin ang SBA.gov/PaycheckProtection para sa pinakabagong impormasyon.

Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

  • Upload
    others

  • View
    40

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

1 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

030 – Tagalog - Tagalog

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

1. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Pantrahedya ng Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) at ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo (PPP - Paycheck Protection Program)?

Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL)

Programa sa Proteksyon ng Suweldo HINDI NA UMIIRAL

PAGLALARAWAN Pangmatagalan, direktang programa sa pautang mula sa SBA

Mga pautang na ipinapadaan sa halos 5,500 nagpapautang sa buong bansa

LAYUNIN Upang matugunan ang mga pinansyal na obligasyon at mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo na dapat natugunan kung hindi naganap ang sakuna.

Dinisenyo upang magbigay ng insentibo para sa maliliit na negosyo, upang mapanatiling nasa payroll ang mga empleyado.

UMIIRAL NA HALAGA

Kapital para sa anim na buwan. Hanggang $10 milyon

MGA TAKDA 3.75% APR (tiyak): mga negosyo

2.75% APR (di-tiyak); mga non-profit 30 taon

1%

2 taon o 5 taon, depende kung kailan naaprubahan ang pautang

KOLATERAL Mga kinakailangang pautang na mahigit $25,000

Walang kinakailangang kolateral

PERSONAL na GARANTIYA?

Nangangailangan ng personal na garantiya para lang sa mga pautang na mahigit sa $200,000

Hindi kinakailangan

MAPAPATAWAD? HINDI. Maaaring bayaran ang pautang sa anumang oras nang walang mga singil sa paunang kabayaran.

IPAPATAWAD kung ang pamantayan sa pagpapanatili ng mga empleyado ay natugunan at kung ang pondo ay magagamit para sa mga gastusin.

Kapag nakatanggap ang nangungutang ng EIDL Advance, kailangang bawasan ng SBA ang halagang ipapatawad sa pautang ng nangungutang ng halaga ng EIDL Advance.

Makikita ang mga detalye online sa

SBA.gov/PaycheckProtection.

Unang KABAYARAN Ang Unang pagbabayad ay ipagpapaliban ng 1 taon; pwede kang magbayad kung gusto mo.

Kumpletuhin at isumite ang SBA Form 1201 Mga Kabayaran ng Nangungutang sa Pay.gov.

Ipagpapaliban ang pagbabayad sa loob ng ilang panahon depende sa kung kailan magsusumite ang nangungutang ng kahilingan para sa pagpapatawad ng pautang.

MAG-APPLY Mag-apply online Hindi na umiiral. Bisitahin ang SBA.gov/PaycheckProtection para sa pinakabagong impormasyon.

Page 2: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

2 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

2. Pwede ba akong mag-apply para sa COVID-19 EIDL at PPP?

Oo. Pwedeng mag-apply ang mga nangungutang para sa kapwa PPP at EIDL bagama’t ang

pondo ng mga ito ay hindi maaaring gamitin para sa parehong layunin.

Ang mga pondo ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo na pautang ay dapat gamitin

para sa mga nararapat na layunin alinsunod sa patnubay at ang bahagi o kabuuan ng

pautang ay maaaring mapatawd kung gagamitin nang tama. Ang awtoridad upang

makapagsagawa ng mga PPP na pautang ay napaso na at wala nang mga bagong PPP

na pagpapautang. Magbasa online para sa pinakabagong impormasyon.

Ang mga pondo ng EIDL ay maaaring gamitin para sa kapital at normal na mga gastusin

sa pagpapaandar ng negosyo, gaya ng pagpapatuloy ng mga benepisyo sa health care,

renta, pagbabayad ng utilities, pagbabayad ng tiyak na mga pagkakautang.

Tandaan na para sa mga negosyong nakatanggap ng EIDL Advance maliban sa PPP na

pautang, ang halaga ng EIDL Advance ay ibabawas mula sa halagang ipapatawad sa

kanilang PPP na pautang.

3. Para saan ko pwedeng gamitin ang mga pondo sa COVID-19 EIDL? At ano ang kaibhan nito sa mga pondo ng PPP?

Ang mga pondo ng EIDL ay maaaring gamitin para sa iba-ibang uri ng paggagamitan ng kapital at

normal na mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo, gaya ng pagpapatuloy ng mga benepisyo

sa health care, renta, pagbabayad ng utilities, pagbabayad ng tiyak na mga pagkakautang.

Ang mga pondo ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo na pautang ay dapat gamitin lamang

para sa nararapat na gastusin na hindi payroll gaya ng nakasaad sa patnubay ng programa.

Maaaring mapatawad ang pautang kung ang lahat ng pamantayan sa pagpapanatili ng mga

empleyado ay natugunan at kung ang pondo ay ginamit para sa mga naaangkop gastusin.

Itago ang mga resibo at kontrata para sa lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa loob ng 3 taon.

4. Sino ang kwalipikado para sa COVID-19 EIDL?

Ang aplikante ay dapat na pisikal na namamalagi sa Estados Unidos, o sa isang itinalagang

teritoryo at nalugi ang kapital dahil sa pandemyang coronavirus, at hindi dahil sa pagbagsak ng

ekonomiya o iba pang dahilan. Kabilang sa mga kwalipikadong aplikante ang:

Mga negosyong may 500 o mas kaunting mga empleyado o inilalarawan bilang maliit alinsunod sa SBA.gov/SizeStandards

Mga kooperatibong may 500 o mas kaunting mga empleyado

Mga negosyong pang-agrikultura na may 500 o mas kaunting mga empleyado

Karamihan sa mga pribadong nonprofit

Page 3: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

3 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

Mga Organisasyong Pangpananampalataya

Mga negosyong tanging pagmamay-ari at mga independiyenteng kontratista

Kabilang sa mga di-kwalipikadong negosyo ay ang mga kasangkot sa mga ilegal na aktibidad,

loan packaging, pagtataya (speculation), maramihang distribusyon, pagsusugal,

pamumuhunan o pagpapahiram ng pera.

5. Paano kung hind ako mamamayan ng U.S. ngunit natutugunan ng aking negosyo ang lahat ng ibang pamantayan para sa COVID-19 EIDL?

Ang hindi mamamayan ng US na nagmamay-ari ng 20% o mahigit ng negosyo ay kwalipikado kung

sila na naklasipika bilang “hindi mamamayang naninirahan” o kwalipikadong banyaga.” Kabilang sa

mga kwalipikadong dayuhan ang mga permanenteng residente na may kasalukuyang green card.

Sumangguni sa SOP 50 30 9, Apendiks 7.

6. Ano ang proseso sa pagtanggap ng Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala ng Ekonomiya (EIDL) para sa COVID-19?

Mag-apply

Quote sa Pautang

Narepaso na ang

Aplikasyon

Pasya sa Pautang

www.sba.gov/disaster

Ito ay isang pagtatantiya ng kwalipikadong halaga ng pautang; hindi ibig sabihin nito ay naaprubahan na ang pautang. Kailangang pumili ang aplikante ng halaga ng pautang hanggang sa maximum na ito.

Rerepasuhin ng Opisyal ng Pautang ang pagkakumpleto

Maaaring makipag-ugnayan sa aplikante para sa karagdagang impormasyon

Aaprubahan o Tatanggihan

Page 4: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

4 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

KUNG NAAPRUBAHAN KUNG TINANGGIHAN Magpapadala ng email sa (mga) aplikante upang lagdaan ang mga dokumento para sa pautang.

Tiyaking mag-download ng kopya para sa iyong mga rekord.

Ipapadala ang sulat sa pagtanggi sa

pamamagitan ng email.

Ililipat ang mga pondo ng pautang sa bank

account sa loob ng 5-10 araw ng negosyo.

Ang aplikante ay maaaring mag-request, nang nakasulat, na muli silang isaalang-alang sa loob ng 6 na buwan mula nang matanggap ang petsa ng pagtanggi. Ipadala sa:

E-mail: [email protected] Koreo: U.S. Small Business Administration

Disaster Assistance Processing & Disbursement Center 14925 Kingsport Road Fort Worth, Texas 76155

Isama ang numero ng iyong aplikasyon at anumang impormasyong kinakailangan upang mapagtagumpayan ang anumang dahilan ng pagtanggi. Iba-iba ang proseso depende sa dahilan ng pagtanggi.

Itago ang mga resibo at kontrata para sa

lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa

loob ng 3 taon. Magbayad sa pamamagitan ng Pay.gov O ipadala sa koreo ang mga pagbabayad sa:

U.S. Small Business Administration 721 19th Street Denver, CO 80202

Sa mga kabayarang ipinadala sa koreo,

isama ang:

Pangalan ng Negosyo

Pangalan ng Nangungutang

Tax ID/EIN o SSN Numero Aplikasyon

7. Paano ko malalaman ang status ng aking aplikasyon?

Makakatanggap ang mga aplikante ng imbitasyon upang mag-log-in sa portal ng kostumer

upang repasuhin ang aplikasyon, pumili ng nararapat na halaga ng pautang, at isumite ito para

sa panghuli pagsusuri. Kung hindi maaaprubahan ang pautang, makakatanggap ang aplikante

ng notipikasyon sa email na may detalyadong dahilan para sa pagtanggi sa pautang, kabilang

ang mga tagubilin sa kung paano mag-aapela sa pasya. Makipag-ugnayan sa serbisyong

pangkostumer upang makita ang status: 1-800-659-2955.

8. Nakatanggap ako ng pampaunang quote sa pautang. Ibig bang sabihin nito ay naaprubahan ako?

Hindi, tantiya lang iyon ng pautang na maaari mong matanggap. Kapag natanggap mo ang

pampaunang quote sa pautang:

1. Mag-log in sa iyong Portal sa Pautang ng SBA

2. Piliin ang gusto mong maging halaga ng iyong pautang, hanggang sa maximum na na-quote

3. Tiyaking isumite ang button na isumite

Kapag natapos na iyon, ipapadala ang iyong aplikasyon sa panghuling yugto ng pagsusuri.

Maaari kang kontakin ng isang Opisyal ng Pautang upang magsumite ng karagdagang

impormasyon. Mangyaring sumagot kaagad upang maproseso ang iyong aplikasyon.

Page 5: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

5 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

9. Natanggap ko ang pautang; paano ako makakapagbayad?

Mag-set up ng mga online pagbabayad sa pamamagitan ng pagpuno ng SBA Form 1201 Mga

Pagbabayad ng Nangungutang sa Pay.gov.

Kung mas gusto mong ipadala sa koreo ang mga kabayaran, ipadala ang mga ito sa:

U.S. Small Business Administration

721 19th Street

Denver, CO 80202

Sa mga kabayarang ipinadala sa koreo, tiyaking isama ang:

Pangalan ng Negosyo

Pangalan ng Nangungutang

Tax ID/EIN o SSN

Numero ng Aplikasyon o Pautang

10. Mayrooon akong kasosyo sa negosyo, ngunit ayaw niyang makasama sa aplikasyon ng COVID-19 EIDL. Pwede pa rin ba akong mag-apply?

Lahat ng nagmamay-ari ng 20% o mahigit ay kailangang makasama sa aplikasyon at hindi

bababa sa 81% ang kailangang maitala sa aplikasyon upang maisaalang-alang.

11. Paano kung kailangan kung magbayad ng mas malaking pera kyasa sa naaprubahan para sa akin?

Maaaring ibahin ang mga COVID-19 EIDL sa pamamagitan ng pagdaragdag sa halaga nang

hanggang 6 na buwan ng kapital. Pwede mag-request ng karagdagan bago o pagkatapos

tanggapin ang pautang. Kung kailangang-kailangan ng aplikante ang mga pondo, tanggapin

ang maximum na halagang inaalok at pagkatapos ay mag-request ng karagdagan sa

pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang dokumentasyon.

Kung ikaw ay naaprubahan para sa pautang at gustong mag-request ng karagdagang halaga,

magpadala ng email na nagsasaad na kailangan mo ng dagdag sa halaga ng pautang sa

[email protected] na may salitang “INCREASE” sa subject line. Magsama ng iba pang

impormasyon na maaaring makatulong sa amin na isaalang-alang ang karagdagan para sa

iyong aplikasyon. Halimbawa:

1. Ang pinakabago mong Federal tax return para sa iyong negosyo kasama ang nilagdaang IRS Form 4506-T

2. Para sa mga na-update na pinansyal na tala (Kabuuang Kita, Halaga ng Nabentang mga

Produkto, halaga ng pagpapaandar ng negosyo, o iba pang pinagmumulan ng suweldo),

isumite ang Form 3502.

Page 6: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

6 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

12. Paano kung hindi kaialangan ang lahat ng perang naaprubahan para sa akin?

Natanggap mo ba ang pampaunang quote sa

pautang?

1. Mag-log in sa iyong Portal sa Pautang ng SBA

2. Piliin ang gusto mong maging halaga ng iyong pautang,

hanggang sa maximum na na-quote

3. Tiyaking isumite ang button na isumite

Natanggap na ba ang mga pondo sa

pamamagitan ng Direktang

Pagdedeposito?

Gawing payable ang tseke sa SBA at ipadala ito kasama ang paalala na nagsasabi kung ang mga pondo ay dapat gamitin para sa EIDL, sa Advance o sa dalawa,at isama ang: Pangalan ng Negosyo

(Mga) Pangalan ng Nangungutang

Tax ID o SSN

Numero ng Pautang

Natanggap na ba ang mga pondo sa

pamamagitan ng tseke?

Kung hindi pa nadedeposito ang tseke, isulat ang VOID sa harap at ibalik ang tseke sa address sa ibaba. Isama ang: Pangalan ng Negosyo

(Mga) Pangalan ng Nangungutang

Tax ID o SSN

Numero Aplikasyon

Ipadala sa: U.S. Small Business Administration

721 19th Street

Denver, CO 80202

13. Marami akong negosyo. Pwede ba akong magsumite ng maraming aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?

Oo, pwede kang magsumite ng isang aplikasyon para sa bawat kwalipikadong negosyo. Ngunit, hindi dapat bababa sa 81% ng pagmamay-ari ang maitatala sa aplikasyon.

14. Tinanggihan ako para sa COVID-19 EIDL. Ano-ano ang maaaring dahilan ng pagtangging iyon?

Naaangkop sa aplikante ang mga dahilan ng pagtanggi. Ang pinakakaraniwang mga dahilan para sa pagtanggi ay ang:

Di-kanais-nais na kasaysayan ng kredito. Dahil pampamahalaang pautang ang EIDL,

iniaatas ng mga pederal na regulasyon na matugunan ng mga aplikante ang

pinakamababang pamantayan sa kredito upang maging kwalipikado.

Di-maberipikang impormasyon. Kung hindi sasagot ang isang aplikante sa loob ng 7 araw

sa mga kahilingan para sa karagdagang impormasyon mula sa mga opisyal ng pautang,

maaaring matanggihan ang kanilang aplikasyon. Mag-request na muling isaalang-alang ang

pagre-reactivate sa iyong aplikasyon.

Page 7: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

7 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

Di-kwalipikadong status ng pagkamamamayan na hindi US. Ang mga aplikante ay dapat

mga mamamayan ng US, mga di-mamamayang naninirahan, o mga kwalipikadong

dayuhan. Sumangguni sa SOP 50 30 9, Apendiks 7 para sa karagdagang impormasyon.

Hindi kwalipikado ang aktibidad ng negosyo.

Hindi napatunayan ang pinansyal na pinsala. May dalawang posibleng dahilan para sa

pagtangging ito: 1) Ang pinansyal na pinsala ay mas mababa sa halagang natanggap para sa

EIDL Advance; o 2) Hindi isinasaad ng isinumiteng impormasyon ang pinansyal na pinsala.

Mga dahilan ng katauhan. Maaaring tanggihan ang mga aplikante kung sila ay nahatulang

may-sala sa isang krimen sa nakalipas na limang taon; o nasangkot sa produksyon o

distribusyon ng anumang produkto o serbisyo na tinukoy na mahalay ng isang korteng may

sapat na hurisdiksyon; ang mga kasalukuyang suspendido o na-debar sa pangongontrata

sa pederal na pamahalaan oa tumatanggap ng mga pederal na gawad o pautang; at/o ang

mga kasalukuyang nakademanda, pinaratangan, isinakdal, o iba pang paraan kung saan

ang mga pormal na kriminal na paghahabla ay iniharap sa anumang hurisdiksyon.

Hindi pagsagot. Kung hindi sasagot ang mga aplikante sa mga email na humihingi ng

karagdagang impormasyon o kung hindi sila lalagda sa mga panghuling dokumento,

karaniwang mapapaso ang aplikasyon pagkatapos ng 60 araw.

15. Pwede ba akong mag-request na muling isaalang ang kung tinanggihan ang aking aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?

Ang aplikante ay mayroong hanggang 6 na buwan upang mag-request na muling isaalang-alang. Ipadala ang mga request para sa muling pagsasaalang-alang sa:

E-mail [email protected]

Koreo U.S. Small Business Administration Disaster Assistance Processing and Disbursement Center 14925 Kingsport Road

Fort Worth, Texas 76155

Magsama ng anumang karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa amin sa iyong

kahilingan Kung ang sulat ng pagtanggi ay humingi ng ispesipikong impormasyon o dokumentasyon

para sa ikaw ay muling maisaalang-alang, kailangan mong isama ang mga bagay na iyon.

Tiyaking isama ang:

Pangalan ng Negosyo

Pangalan ng Nangungutang

Tax ID/EIN o SSN

Numero ng Aplikasyon/Pautang

Iba-iba ang proseso depende sa dahilan ng pagtanggi.

Page 8: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

8 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

Halimbawa: Makakatanggap ang aplikante ng sulat sa pagtanggi para sa kanilang aplikasyon para sa

COVID-19 EIDL na pautang mula sa SBA, kung saan nakalista ang “Economic injury not

substantiated” bilang dahilan ng pagtanggi. Karaniwan ang dahilang ito kapag ang sariling

pinagtibay na pinansyal na impormasyon ng aplikante ukol sa kanilang naka-streamline na

aplikasyon, gaya ng mga halaga para sa Kabuuang Kita at ang Halaga ng mga Nabentang

Produkto para sa labing-dalawang (12) buwan bago ang pandemya, ay hindi nakapagpakita ng

pinansyal na pinsala, o kung iniwanang blangko ang impormasyon.

Ang request ng may-ari ng negosyo upang muling isaalang-alang ay dapat nakasulat na

email/sulat na nire-request ang mga sumusunod:

Nakasulat na sulat mula sa aplikante na nagre-request na muli siyang isaalang-alang sa

tinanggihang aplikasyon para COVID-19 EIDL na pautang, na kasama ang numero ng

Aplikasyon, pangalan ng Negosyo/Entidad, (mga) pangalan ng May-ari, at address ng negosyo

Kopya ng pinakabagong mga federal tax return na na-file para sa negosyo, bago ang

Pandemyang COVID-19, kasama ang lahat ng iskedyul

Napunan at nalagdaang IRS Form 4506-T para sa entidad ng negosyo

Kopya ng na-void na tseke para sa account ng negosyo

(Kapag naproseso na ng SBA ang muling pagsasaalang0alang) maaaring mag-requst ang

SBA ng karagdagang impormasyon, at maaaring kabilang dito ang SBA Form 3502 –

Karagdagang Impormasyon para sa EIDL

16. Kung nakatanggap na ako ng COVID-19 EIDL at apektado ako ng awayan ng mga mamamayan, maaari pa ba akong humingi ng karagdagang pondo?

Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saan may Deklarasyon ng Trahedya, at kasama dito ang

awayan ng mga mamamayan at mga sakunang tlad ng pagbaha, pinsala dahil sa bagyo, mga

wildfire o lindol, maaari kang maging kwalipikado para sa karagdagang SBA na Pantrahedyang

Pautang para masaklit ang pinsala sa iyong tahanan, personal na pag-aari at/o negosyo.

Basahin ang disasterloan.sba.gov upang makita kung may deklarasyon ng trahedya sa iyong lugar.

Ang mga pantulong na programa ng SBA para sa COVID-19, gaya ng PPP at EIDL, ay para sa

epektong pinansyal na sanhi ng pandemyang coronavirus, at hindi para sa mga kawalan na sanhi

ng trahedyang pisikal o pinansyal na dahil sa awayan ng mga mamamayan o iba pang mga sakuna.

17. Mayroon na akong PPP at COVID-19 EIDL at hindi pa rin nakakabawi ang aking negosyo dahil sa mga epekto ng mga pagpapasara dahil sa COVID; pwede ba akong umutang ulit?

Kung nakatanggap na ang iyong negosyo ng PPP na pautang o EIDL na tulong dahil sa COVID-19,

at kahit na mayroon kang isa pang Pantrahedyang Pautang ng SBA dahil sa naunang trahedya,

maaari ka pa ring maging kwalipikado para sa panibagong pantrahedyang pautang ng SBA para

sa mga kalugihang sanhi ng naideklarang trahedya sa inyong komunidad.

Page 9: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

9 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

18. Kung kukuha ako ng isa pang Pantrahedyang Pautang dahil sa awayan ng mga mamamayan o dahil sa natural na kalamidad, pwede ko bang isama ang panibagong pautang sa aking COVID-19 EIDL? O maaari ko bang gamitin ito para mabayaran ang COVID-19 EIDL?

Hindi. Ang bawat Pantrahedyang Pautang ng SBA ay magkakahiwalay na pautang; hindi

maaaring pagsama-samahin ito o gamitin para bayaran ang mas maagang mga pautang.

Kung magiging kwalipikado ka para sa isa pang pantrahendyang pautang ng SBA dahil sa ibang

naideklarang trahedya sa inyong lugar, dapat gamitin ang panibagong pautang para sa mga

layuning nakalista sa iyong mga panghuling dokumento ng pautang, kung saan maaaring

kasama ang kapital o pagkukumpuni ng pisikal na pinsala. Hindi ito maaaring gamitin para

puhunanang muli o bayaran ang mga umiiral na pantrahedyang pautang ng SBA mula sa mga

naunang naganap na trahedya, kasama ang COVID-19.

Itago ang mga resibo at kontrata para sa lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa loob ng 3

taon para maidokumento mo ang pinaggamitan ng mga pondo ng bawat pautang.

19. Dahil hindi pa nakakabawi ang aking negosyo mula sa mga pagpapasara dahil sa COVID, paano ako makakapagbayad?

Ang mga kabayaran para sa mga COVID-19 na pautang ay awtomatikong ipagpapaliban sa loob

nang 1 taon. Ang mga pantrahedyang pautang na nasa status na ng pagbabayad para sa mga

trahedyang naganap bago ang COVID-19 ay ipagpapaliban hanggang Disyembre 2020. Ang

mga bagong pantrahedyang pautang para sa awayan ng mamamayan at iba pang sakuna ay

awtomatiko ring ipagpapaliban nang 1 taon.

Kung ikaw ay magiging kwalipikado para sa panibagong pantrahedyang pautang, maaari mong

i-request sa SBA na pahabain ang pagpapaliban sa iba mong mga kabayaran sa pautang upang

makatulong sa pinansyal na paghihirap.

20. Paano naiiba ang proseso ng pag-a-apply para sa awayan ng mamamayan o iba pang pantrahedyang pautang sa proseso ng COVID-19 EIDL?

Kung ang tanging karanasan mo lang sa mga Pantrahedyang Pautang ng SBA ay dahil sa

programang EIDL para sa COVID-19, mapapansin mong magkaiba ang proseso para sa mga

naideklarang trahedya gaya ng awayan ng mamamayan o iba pang mga sakuna.

o May dalawang programa ng tulong:

Mga pautang para sa pisikal na pinsala na sasaklit sa mga pagkukumpuni at

pagpapalit ng mga pisikal na pag-aari na nasira sa isang naideklarang trahedya na

hindi saklaw ng insurance.

Mga pautang para sa pinansyal na pinsala upang mabayaran ang mga gastusin

ng pagpapaandar ng maliit ng negosyo pagkatapos ng naideklarang trahedya.

Page 10: Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong...9/24/2020 2:34 PM 1 | P a h i n a 030 – Tagalog - Tagalog Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

10 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM

Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang

Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)

o Magkaiba ang proseso ng aplikasyon:

Mag-apply sa disasterloan.sba.gov

Magkaiba ang kwalipikasyon at mga kahingian sa pautang sa programang COVID-19, pati na rin ang mga kahingian sa kolateral at insurance. Kung makukuha mo ito, maaaring mag-atas ang mga pautang nito ng prenda sa iyong pag-aari at ebidensya ng pagbaha, peligro at/o windstorm insurance. Bisitahin ang SBA.gov/Disaster para sa karagdagang impormasyon.

Pasulyap sa Tulong sa Trahedya

Mga Uri ng Tulong Mga nangungutang Layunin Max. na Halaga

Mga Pautang sa

Negosyo

Mga negosyo at pribadong nonprofit

Ang pagkukumpuni o pagpapalit ng real estate, imbentaryo, kasangkapan, atbp.

$2 milyon

Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya (COVID-EIDL)

Maliliit na negosyo, mga problemang pang-agrikultura, mga pribadong nonprofit at mga panrelihiyong institusyon

Kapital (mga gastusin sa

pagpapaandar ng negosyo para sa mga problemang pang-agrikultura at mga nonprofit)

6 na buwang kapital (mga

gastusin sa pagpapaandar ng negosyo para sa mga problemang pang-agrikultura at mga nonprofit)

Mga Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya (Lahat ng iba pang sakuna)

Maliliit na negosyo at mga pribadong nonprofit

Kapital $2 milyon

Pantrahedyang Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya para sa Reserbang Militar (MREIDL - Military Reservist Economic Injury Disaster Loan)

Maliliit na negosyo na may (mga) reserbang militar na tinawag para sa aktibong panunungkulan

Kapital $2 milyon

Mga Pautang para sa Bahay—pagkukumpuni

Mga may-ari ng bahay Ang pagkukumpuni o pagpapalit ng pangunahing tirahan; na hindi saklaw ng insurance ang pinsala

$200,000

Mga Pautang para sa Bahay—personal na pag-aari

Mga may-ari ng bahay at umuupa

Ang pagkukumpuni at pagpapalit ng personal na pag-aari ay hindi saklaw ng insurance

$40,000

Pagpapagaang Mga negosyo, pribadong nonprofit, at mga may-ari ng bahay

Pagaangin / hadlangan ang kalugihan ng katulad na bagay sa hinaharap

Karagdagan na hanggang 20% ng naberipikang pisikal na pinsala. Limitado ang mga may-ari ng bahay sa halagang $200,000.