8
Stolen written by. TheScriptWriter Err Paano ko ba sisimulang mag kwento? Magpapakilala ba muna ko? Parang ang boring naman ata ng umpisa kung pagpapakilala ang gagawin ko. Hmmmm. Simulan ko na lang kaya toh sapamamagitan ng isang tanong? Kaso parang kanina pa ko nagtatanong? Ayy nakoo, sisimulan ko na nga lang sa pagsasalaysay ng ginagawa ko ngayon. -______- Kasalukuyan akong naglalakad papuntang sakayan ng bus, hindi sa terminal aah. Dun tayo sa medyo pang sosyal, familiar naman siguro kayo sa mga Koreanovela? Yung waiting area ng mga bidang babae habang nag hihintay sa pagdating ng bus? So ayun na nga, papunta na ko dun para sumakay ng bus na dumadaan sa tapat ng school namin. Bago ako umupo sa bench at mag hintay sa bus na parating, madalas kong madaanan yung itim na kotse na lagi kong nakikitang nakaparada sa bandang gilid ng bus station, feeling ko nga hindi yun umaalis dun sa pwesto nya kaya pag duma-daan ako .. Pa-simple akong nana-nalamin. Minsan nga nag po-posing pa ko pag wala masyadong tao, kadalasan nilalapit ko pa yung mukha ko dun sa bintana para i-check kung may muta ba ko sa mata o di kaya may sumisilip na buhok mula sa ilong ko.

STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

Embed Size (px)

DESCRIPTION

a love and fiction

Citation preview

Page 1: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

Stolen written by. TheScriptWriter

Err – Paano ko ba sisimulang mag kwento?

Magpapakilala ba muna ko?

Parang ang boring naman ata ng umpisa kung pagpapakilala ang gagawin ko.

Hmmmm. Simulan ko na lang kaya toh sapamamagitan ng isang tanong?

Kaso parang kanina pa ko nagtatanong?

Ayy nakoo, sisimulan ko na nga lang sa pagsasalaysay ng ginagawa ko

ngayon. -______-

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang sakayan ng bus, hindi sa terminal

aah. Dun tayo sa medyo pang sosyal, familiar naman siguro kayo sa mga

Koreanovela? Yung waiting area ng mga bidang babae habang nag hihintay

sa pagdating ng bus?

So ayun na nga, papunta na ko dun para sumakay ng bus na dumadaan sa

tapat ng school namin.

Bago ako umupo sa bench at mag hintay sa bus na parating, madalas kong

madaanan yung itim na kotse na lagi kong nakikitang nakaparada sa bandang

gilid ng bus station, feeling ko nga hindi yun umaalis dun sa pwesto nya kaya

pag duma-daan ako .. Pa-simple akong nana-nalamin. Minsan nga nag

po-posing pa ko pag wala masyadong tao, kadalasan nilalapit ko pa yung

mukha ko dun sa bintana para i-check kung may muta ba ko sa mata o di kaya

may sumisilip na buhok mula sa ilong ko.

Page 2: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

Pakiramdam ko hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapanalamin

sa bintana ng kotseng itim na yun. So ayaaaan, madadaanan ko na naman

sya…

Lumingon ako sa likuran ko, abaaah walang tao!

Yung mga nasa harapan ko naman mukhang mga nagmamadali sa mga

pupuntahan nila.

Clear na rin yung mag kabilang gilid.

Huminto ako sakto dun sa gilid ng itim na kotse, sinadya kong ilaglag yung

panyo ko tapos medyo nilakasan ko yung pag sabi ng “Ayyy, nalaglag!!” at

syempre dahil nalaglag kelangan kong pulutin?

Dahan-dahan kong pinulot yung panyo habang dahan-dahan ring tumitingin

dun sa bintana ng kotse para nga manalamin. Siguro kung nakikita nyo ko

ngayon, paniguradong kanina pa nananakit yung tiyan nyo kakatawa pero

dahil hindi na bago sakin toh .. Dedma na lang ako, basta ma-check ko na

walang diperensya ang mukha ko. :D

Nang satisfied na ko na wala kong kahit na anong dumi sa mukha, unti-unti na

kong tumayo at kunyaring pinagpag-pagpag yung panyo. Maglalakad na sana

ko paalis pero naisipan ko pang tumingin ulit sa bintana, magpapa-cute pa

sana ko nang dahan-dahang bumaba yung bintana ng itim na kotse.

Halos mataranta ko, ni di ko alam kung anong gagawin? Di ko alam kung saan

ako pwede magpakain para lang maka-alis sa kinatatayuan ko ngayon.

Natigilan na lang ako nang makita ko kung ano yung ginagawa nung tao sa

loob ..

Naka ngiti sya habang may hawak hawak na slr camera which is naka-focus

sakin, okay lang sana kung babae sya eeh .. Iisipin ko na lang na baka

na-gandahan sakin, eeh kaso lalaki?! So kung kayo ang nasa sitwasyon ko sa

mga oras na toh, ano kayang unang papasok sa isip nyo? >____<

“Kung alam ko lang na mas ADNAGAM ka pala kapag nagugulat, edi

sana noon ko pa toh ginawa?” medyo mahinang sabi nya habang walang

Page 3: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

tigil sa pag click ng camera, hindi ko tuloy masyadong naintindihan.

-//___________//-

“A-Ano, naki-salamin lang naman ako eeh. Paalis na nga ooh, tsaka di ko

naman hinawakan yung kotse mo kaya imposible yang magasgasan.”

pag e-explain ko, malay ko ba kung ipadala nya sa police station yung pictures

ko. >______<

“HAHAHAHAHA!!! Hindi mo nga hinawakan, pero may possibility na

mabasag yung salamin ng bintana ko dahil sa kakasalamin mo.”

natatawa-tawang sabi nya habang dahan-dahang binaba yung slr camera.

“Posibilidad pa lang, hindi pa naman nababasag diba?” akala ko pa

naman kung sinong maunawaing tao, kung alam ko lang na ganito pala

kayabang yung may ari ng kotse na toh, sana dati pa lang binasag ko na yung

salamin ng bintana nya. >:|

“Don’t get me wrong, I’m just kidding Ms. Bukod sa pag ngiti at

pagpapacute, gusto ko lang rin makita yung inis mong expression. And I

succeed, nainis ka sa sinabi ko.” Eh hindi lang pala toh mayabang,

magaling rin mang asar?

“Wag kang mag alala di na ko ulit mananalamin dyan sa bintana ng

ina-alikabok mong kotse, paki-delete na lang nung mga pictures ko dyan

sa camera mo? Wag kang magkamaling mag padala sa police station ng

kahit isa lang sa litrato ko dahil kahit dulo ng hinliliit ko hindi sumagi

dyan sa kotse mo noh?!” inirapan ko sya sabay walk out, narinig ko pa

ngang may inutusan sya na paandarin yung kotse nya, makita-kita ko na lang

sinasabayan na pala ko at pang asar pa dahil hawak na naman nya yung

camera nya at wala na namang tigil sa kaka-click dun. -________-

“By the way, I’m Cloud! So you are …”

“Pwede ba kuya wala naman akong ginawa sa kotse mo, bakit ayaw mo

pa rin akong tigilan?” nanalamin lang naman kasi talaga ko, one time ko pa

lang naman nahawakan yung kotse nya, at palagay ko naman hindi nya yun

nakita.

Page 4: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

“Student ka pa lang right? From what school? Mukha kasing wala

kayong uniform, lagi kang naka casual?” halos manlaki yung mata ko dun,

lagi kang naka casual? Ibig bang sabihin dati pa lang nakikita nya na ko?

HOLLY MOTHER OF LOVE. o_____o

“S-Student? Sino namang may sabi sayong estudyante pa lang ako?

M-May trabaho na ko! S-Sa .. Sa Makati! Actually nga, late na ko eeh.

Oooh ayan na pala yung busss, sige aah. BYEEE!!!” at nagtatakbo na nga

ko papunta dun sa kaka-hinto pa lang na bus, nadinig ko pa nga yung

paulit-ulit nyang pag sigaw na kesyo ano daw ang pangalan ko, san daw ako

banda sa Makati nag ta-trabaho. Err – ba’t ko naman sasabihin sa kanya?

Mamaya gamitin nya pa yun against me.

***

Makalipas ang apat na buwan ..

Hindi na ulit ako dumaan pa sa lugar na yun every time na papasok ako, dun

na ko sa isang bus station nag aabang kahit medyo hassle dahil nga

kina-kailangan ko pang sumakay ng jeep papunta dun hindi gaya sa dati na

kinakailangan ko lang mag lakad ng ilang street. Natakot naman kasi ako na

baka pag dumaan ulit ako dun, baka makita ko na naman yung loko-lokong

lalaking yun.

Mabuti na nga lang at last term ko na as a fourth year college student nang

mangyari yung incident na yun, kaka-graduate ko nga lang last week eeh. So

sa ngayon, nagpapahinga na muna ko .. Baka next next next month or siguro

next year na ko maghanap ng trabaho, kelangan ko munang makapag unwind

ngayon para naman once na sumabak na ko sa trabaho fresh na fresh ang

beauty at mind ko. ;D

Kaka-tapos ko lang mag shopping, at nasa national bookstore ako ngayon

para bumili ng mga books na pwede kong mabasa habang nagpapahinga ..

Sa paghahanap ko ng iba pang libro, nadaanan ko yung area kung saan naka

post yung mga latest magazine. Lalagpasan ko na lang sana kasi wala naman

akong hilig sa magazines, pero nang makita ko yung isa sa mga cover ng mga

magazines na kasalukuyang nasa harapan ko .. Parang biglang nan-lambot

Page 5: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

yung tuhod ko, at di ko namalayang nasa sahig na pala yung mga librong

hawak-hawak ko.

Binalewala ko na muna yung mga libro na nahulog at dahan-dahan kong

kinuha yung magazine kung saan COVER yung MUKHA KO.

“HOLLY … A-Anong ginagawa ko dito??” pero bago ko pa man mailipat sa

next page, na-sagot na agad yung tanong ko dahil sa caption na nabasa ko na

nakalagay sa cover page.

“Pictures lang ang ninakaw ko sa kanya, but look what she did?” – Cloud

(One of the Bachelors / The Photographer of award winning picture entitled

‘Unknown Shadows’, ‘Memories of the Past’, ‘M.A.S.K’, and his most recent

photo, ‘STOLEn’)

“O-One of the bachelors? Y-Yung lalaking yun? T-Tsaka anong ibig

sabihin nito?” O//_____//O

Bago pa man ako atakihin nang samut saring mga tanong, pinabayaan ko na

muna yung mga libro na nahulog ko at nagmamadali ko na ngang binili yung

magazine. Namukhaan pa nga ko nung girl na nasa counter kaya before pa

sya makapag react, nagtatakbo na ko palabas at nagpunta ko sa pinaka

malapit na CR. Nagkulong ako sa isa sa mga cubicle at tsaka ko sinimulang

basahin yung magazine.

Yung mga naunang page tungkol lang lahat kay Cloud, personal and family

background. Then sa bandang gitna yung mga napanalo nyang pictures,

maging ako namangha nung nakita ko yung mga kuha nyang litrato. Hindi ko

inaasahan na ganun sya ka-galing. -/___________/-

Pagkalipat ko ng isa pang page, parang bigla kong kinabahan na parang

excited na ewan. Nakita ko kasi yung picture ko which is yung nananalamin

ako sa labas ng bintana ng kotse nya, genuine yung pagkaka ngiti ko sa litrato

parang ang saya saya ko pa nga tignan, tapos yung kanan kong kamay naka

point dun sa salamin. Heto yung one time na hinawakan ko yung kotse nya,

sinu-sundot ko kasi yung reflection ko nyan sa salamin kasi gandang-ganda ko

sa sarili ko. -///___________///-

Page 6: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

“STOLEn” photo by. Cloud _____

“Humakot ng mga parangal at daan-daang papuri ang litrato na to na

kuha ng award winning photographer at isa sa mga tinaguriang bachelor

na si Cloud. Marami tuloy nag tatanong, at nagtataka kung sino nga ba

ang babae na to? Maraming nag sa-sabi na girlfriend ni Cloud pero sa

tuwing hinihingan namin sya ng pahayag isang makahulugang

pangungusap lamang ang madalas nyang bitawan “I don’t have any idea

about her name, her address, her contact number .. All I know is, this

lady OWE ME, BIGTIME!” Pero last week napapayag rin naming mag

salita si Cloud patungkol sa babaeng ito at kung ano nga ba yung

tinutukoy nyang pagkaka-utang nito sa kanya. (See the next page for

Cloud’s Statement)”

“Ano ba kasing ginawa ko sa kanya? Wala naman akong kinuha aah, so

pano nya nasabing may ninakaw ako? Tapos ngayon sinasabi nya

namang may pagkaka utang ako sa kanya?” >_______<

Inilipat ko na nga lang ulit sa sunod na pahina para naman mas malinawan na

ko sa kung ano ba talaga yung atraso ko sa kanya at kinakailangan pang

mapadpad ng pagmu-mukha ko sa magazine na toh.

“As what I’ve mentioned before on my previous interview, wala talaga

kong idea sa kung sino yung girl. Basta isang araw habang hinihintay ko

yung driver ko sa loob ng kotse kasi may nakalimutan akong kunin sa

condo ko na ipinakuha ko sa kanya, this girl suddenly appear in front of

my window. At first, ang akala ko nakikita nya ko from outside pero I

realized na tinted pala yung car ko, and base sa mga kilos nya I assume

na nana-nalamin sya through the use of my window.

Since may dala kong camera, naisipan ko syang kuhaan without her

knowing it. Nag enjoy ako sa pagkuha ng pictures sa kanya, kaya the

next day sinubukan ko ulit iparada yung kotse ko dun, same place and

same time pero that time kasama ko na yung driver ko. And then again,

this girl came para ulit manalamin.

Days and weeks, probably months passed. Naka-ubos na nga ko ng

isang memory card na puro pictures nya lang, then I decided na mag

Page 7: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

pakita sa kanya to know her reaction. So one time habang nana-nalamin

sya, ibinaba ko yung window ng car .. I still remember the first sentence

that comes out in my mouth when I saw her surprise reaction, “Kung

alam ko lang na mas maganda ka pala kapag nagugulat, edi sana noon

ko pa toh ginawa?” But I don’t get any reaction from her, maliban sa

kinakabahan nyang sagot na “A-Ano, naki-salamin lang naman ako eeh.

Paalis na nga ooh, tsaka di ko naman hinawakan yung kotse mo kaya

imposible yang magasgasan.” Ang akala nya ata ipapa-police ko sya? So

I used that to teased her, curious lang kasi ako kung anong itsura nya

once na na-iinis sya. I succeeded on that part, but I failed to know her

name. I try to ask a couple of times pero hindi nya sinabi, which is I

admire kasi hindi sya katulad ng ibang girl na nagbibigay agad ng

pangalan. Ang nakakatawa pa nga is yung sinabi nya na nagta-trabaho

na sya kahit halatang halata naman na student pa lang sya, sana pala

hindi ko na lang tinanong kung from what school sya, I guess dahil dun

kaya parang bigla syang nataranta. Ang akala nya siguro stalker ako? We

tried to follow her nung nagmamadali syang sumakay ng bus, but then

again we failed. Well, traffic sucks!

The next day pina-cancel ko lahat ng appointments ko, nag hintay kami

ng driver ko, exact place and time pero inabot na kami ng gabi hindi pa

rin sya duma-daan. The other day ganun ulit yung ginawa namin, pero

wala pa rin. In that case, naisip ko na baka hindi ko na sya makita pa ulit.

The following day, may inasikaso ako kaya pina-abangan ko na lang sya

sa driver ko. Inisa-isa ko yung mga pictures nya then lahat pinirint ko,

then I saw this one stolen shot who made me realized everything.

At that moment, I’m already aware na ang laki pala ng utang nya sakin.

Pictures lang ang ninakaw ko sa kanya, but look what she did? She stole

my Heart! That’s unforgivable crime right? Kelangang kusa nyang ibalik

yung ninakaw nya sakin or else .. Palitan nya yun, I’m not accepting

money or any things .. Kung ano yung ninakaw nya, ganun din ang gusto

kong ipalit nya.

If ever na mabasa mo toh, kindly choose one among the two options.

Magpapakita ka sakin at ibabalik mo yung ninakaw mo, o magpapakita ka

sakin para ibigay na kapalit yung puso mo? I’m willing to wait for your

Page 8: STOLEn (Ellaine_s Copy) by. TSW

response, I don’t mind if it’s the first or second one. Ang mahalaga lang

naman kasi sakin ngayon, ay yung makita ka ulit. I’m still in the same

place, you can see me anytime. And by the way, kung plano mong

manalamin lang ulit, can you please leave your full name first before you

go, ako ng bahalang mag hanap sa address mo. (at isa pang maka

hulugang ngiti ang binitawan ni Cloud bago tuluyang nagpa-alam).” para

kong baliw na tumatawa habang pinagmamasdan yung iba ko pang stolen

pictures na ginamit na background dun sa mala-nobelang statement ni Cloud.

Wala man lang akong ka alam-alam na ang dami ko na pa lang stolen pictures,

tapos hindi pa ko aware na ninakaw ko pala yung bagay na ‘yun’ sa kanya.

>///________///<

Ano kayang unang pwedeng gawin pag pinuntahan ko sya mamaya?

Err - Manalamin?

Hmmm. Katukin ko na lang kaya yung bintana ng kotse nya tapos sabihin kong

isinasauli ko na yung bagay na ninakaw ko?

Pwede rin namang palitan ko na lang?

Ayy nakoo, sasabihin ko na nga lang muna na Ellaine Manansala ang full

name ko! Puntahan nya na lang ako sa bahay para alamin kung ano dun sa

dalawang option yung napili ko. ^//_______//^

Ipinasok ko na yung magazine sa loob ng bag ko, inayos ko lang sandali yung

buhok at damit ko bago ko lumabas ng cubicle.

Hindi na ko nag abalang manalamin …

Sa bintana ko na lang ng kotse ni Cloud yun gagawin. *//_____//*

END.