27
Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll-Free (800) 776-5746 “Fifth Category” na Pagkanararapat ng Sentrong Pangrehiyon Enero 2016, Pub. #5510.08 Tagalog Ang memo na ito ay para tumulong sa pagtataguyod ng pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon para sa mga bata (edad tatlong taon at mas matanda) o mga may sapat na gulang sa ilalim ng “fifth category” ng pagkanararapat. Umaasa kaming matutuklasan mong nakatutulong ang impormasyon na ito. Bago mo gamitin ang memo na ito, dapat mong maunawaan ang mga pangunahin ng pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon. Matatagpuan mo ang impormasyong iyon sa memo na “Regional Center Eligibility Appeals,” sa publikasyon na “Regional Center Eligibility Hearing Packet” sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/557301.pdf, at Kabanata 2 ng “Rights Under the Lanterman Act” sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/506301Ch02.pdf. Pagpapatunay na ang isang taong may kapansanan hinggil sa paglilinang na umaakma sa fifth category ay isa lamang sa mangilan- ngilang hakbang para sa pagkanararapat. Para maging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category, ang isang tao ay dapat alinman sa may kapansanan na “malapit na nauugnay sa” intellectual disability 1 1 Ang katawagang “intellectual disability” ay pinapalitan ang lumang katawagan na “mental retardation.” Bagaman marami sa desisyon at mga materyales na tinalakay sa memo na ito ay ginagamit ang katawagan na “mental retardation,” pangunahin naming gagamitin ang kasalukuyang tinatanggap na katawagan na, “intellectual disability.” “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

  • Upload
    others

  • View
    24

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California

Toll-Free (800) 776-5746

“Fifth Category” na Pagkanararapat ng Sentrong Pangrehiyon

Enero 2016, Pub. #5510.08 Tagalog

Ang memo na ito ay para tumulong sa pagtataguyod ng pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon para sa mga bata (edad tatlong taon at mas matanda) o mga may sapat na gulang sa ilalim ng “fifth category” ng pagkanararapat. Umaasa kaming matutuklasan mong nakatutulong ang impormasyon na ito.

Bago mo gamitin ang memo na ito, dapat mong maunawaan ang mga pangunahin ng pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon. Matatagpuan mo ang impormasyong iyon sa memo na “Regional Center Eligibility Appeals,” sa publikasyon na “Regional Center Eligibility Hearing Packet” sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/557301.pdf, at Kabanata 2 ng “Rights Under the Lanterman Act” sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/506301Ch02.pdf.

Pagpapatunay na ang isang taong may kapansanan hinggil sa paglilinang na umaakma sa fifth category ay isa lamang sa mangilan-ngilang hakbang para sa pagkanararapat.

Para maging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category, ang isang tao ay dapat alinman sa may kapansanan na “malapit na nauugnay sa” intellectual disability1

1 Ang katawagang “intellectual disability” ay pinapalitan ang lumang katawagan na “mental retardation.” Bagaman

marami sa desisyon at mga materyales na tinalakay sa memo na ito ay ginagamit ang katawagan na “mental

retardation,” pangunahin naming gagamitin ang kasalukuyang tinatanggap na katawagan na, “intellectual disability.”

“Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 2: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 2 ng 27

O “nangangailangan ng paggagamot katulad sa” intellectual disability. Ang kapansanan ng tao ay dapat matugunan din ang iba pang kinakailangan ng pagkanararapat na matatagpuan sa Welfare and Institutions Code, Section 4512, gaya nang tinalakay sa mga publikasyong nabanggit sa itaas. Paminsan-minsang sinasabi ng mga sentrong pangrehiyon at mga desisyon ng pagdinig na kailangang magkaroon ang isang tao ng kundisyon na malapit na nauugnay sa intellectual disability AT kinakailangan ng katulad na paggagamot sa intellectual disability. Ito ay isang maling pagkakaunawa sa batas.

Tutulungan ka ng memo na ito na maunawaan kung paanong patunayan na ang kapansanan ng taong iyon ay "malapit na nauugnay sa" o kinakailangan ng "paggagamot na katulad sa" intelectual disability.

Ang patnubay sa memo na ito ay nanggagaling sa:

- Batas ng Lanterman2;

- Mga kaso ng korte na tinatawag na Mason3 at Samantha C4;

- Mga desisyon ng Office of Administrative Hearings;

- Ang Diagnostic and Statistical Manual5 (DSM-5); at

- Ang Association of Regional Center Agencies (ARCA) na

publikasyon.6

Isinasalarawan ng Diagnostic and Statistical Manual (DSM) ang iba't ibang klase ng diperensya, kabilang ang intellectual disability. Ang mga

2 California Welfare and Institutions Code, Sections 4400 at sumusunod. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

3 Mason v. Office of Administrative Hearings, 89 Cal.App.4th 1128 (2001). “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

4 Samantha C v. DDS (2010) 185 Cal.App.4th 1462. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

5 Diagnostic and Statistical Manual, fifth edition, American Psychiatric Association. “Bumalik sa Pangunahing

Dokumento”

6 Mga alituntunin ng Association of Regional Center Agencies para sa Pagpapasya sa Pagkanararapat ng “5th

Category” para sa mga Sentrong Pangrehiyon ng California,

http://www.arcanet.org/pdfs/5th.category.guidelines.pdf. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 3: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 3 ng 27

sentrong pangrehiyon, mga administratibong hukom ng batas, at DDS ay sobrang umaasa sa DSM. Ito'y na-updated noong 2013. Ang bagong bersyon, ang DSM-5, ay naiiba sa naunang bersyon, ang DSM-IV-TR.7 Ang isa sa pangunahing pagkakaiba ay ang diyagnosis na, “Mental Retardation” mula sa DSM-IV-TR ay pinalitan na ng diyagnosis na, “Intellectual Disability” sa DSM-5, at tila nagbago ang pamantayan gaya ng tinatalakay sa ibaba. Ang mga kaso ng korte na Mason at Samantha C. ay parehong napagpasyahan nang naging kasalukuyang edisyon ang DSM-IV-TR. Ang Mason at Samantha C. ay mahahalagang kaso ng fifth category, ngunit mahalaga rin ito na maunawaan kung paanong nagbago ang DSM, gaya ng paglalarawan namin sa bandang huli sa memo na ito .

Katulad sa mga kaso sa korte ng Mason at Samantha C., ang mga desisyon sa administratibong pagdinig at mga publikasyon na tinalakay sa memo na ito ay nailathala bago binago ang DSM. Ang mga bagong kaso ay madalas na pinagpapasyahan sa lahat ng panahon. Ang mga tagapagtaguyod na kumakatawan sa mga kliyente sa mga kaso ng fifth category ay dapat palaging magsaliksik ng mga desisyon ng bagong kaso at pagdinig para makita kung paano nagbabago ang batas at kung gaanong nakaaapekto sa mga desisyon ng tagahatol ang bagong bersyon ng DSM. Tinatalakay ng memo na ito ang parehong bersyon ng DSM, ngunit ang isang taong bagung-bagong nasuring may kapansanan hinggil sa paglilinang ay dapat masuri at mapagpasyahan ng eksperto na ginagamit ang DSM-5.

Kung may mga katanungan ka o kailangan ng karagdagang tulong, kontakin ang Disability Rights California (800) 776-5746 o ang iyong lokal na Office of Clients’ Rights Advocacy (800) 390-7032.

7 Diagnostic and Statistical Manual, fourth edition, Text Revision, American Psychiatric Association. “Bumalik sa

Pangunahing Dokumento”

Page 4: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 4 ng 27

Talaan ng Nilalaman

I. “Malapit na Nauugnay sa” Intellectual Disability ............................... 6

A. Mason v. Office of Administrative Hearings................................... 6

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala .................................. 7

2. Mga kakulangan sa Pagbabagay ............................................... 8

3. Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon ....................... 8

B. Samantha C. v. DDS ..................................................................... 9

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala at mga Kakulangan sa Pagbabagay ...................................................................................... 9

C. Manwal ng Diyagnostiko at Estatistiko .......................................... 9

D. Vineland Adaptive Behavior Scales............................................. 11

E. Mga tuntunin ng ARCA ................................................................ 12

F. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig .............................. 13

II. “Kinakailangan ng Paggagamot Katulad sa” Intellectual Disability . 16

A. Samantha C. v. DDS ................................................................... 16

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala ................................ 16

2. Mga kakulangan sa Pagbabagay at Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon .......................................................... 16

B. Mason v. Office of Administrative Hearings................................. 18

1. Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon ..................... 18

C. Manwal ng Diyagnostiko at Estatistiko ........................................ 18

D. Mga tuntunin ng ARCA ................................................................ 19

Page 5: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 5 ng 27

E. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig .............................. 20

III. Mga eksklusyon: “Tanging” Kapansanan sa Kaalaman, Diperensyang Saykayatriko, o Diperensya na Pisikal ............................ 22

A. Tanging Kapansanan sa Kaalaman ............................................ 22

1. Samantha C v. DDS ................................................................. 23

2. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig ............................ 23

B. Tanging Diperensyang Saykayatriko ........................................... 24

1. Samantha C. v. DDS ................................................................ 25

C. Tanging Pisikal ang Likas na Kalagayan ..................................... 25

IV. Pagpapasya .................................................................................... 26

Page 6: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 6 ng 27

I. “Malapit na Nauugnay sa” Intellectual Disability

Mayroong tatlong pangunahing kinakailangan para sa isang kundisyon na “malapit na nauugnay sa,” o katulad sa, intellectual disability:

- Pinahinang kasanayan sa pagkilala; - Mga kakulangan sa pagbabagay; at

- Pangangailangan para sa interdisciplinary na pagpaplano at koordinasyon.

Ang mga kinakailangan ng Diagnostic and Statistical Manual 5 (DSM-5) para sa intellectual disability na kahalintulad sa pagsusuri ng Mason para kapag ang isang kapansanan ay katulad sa intellectual disability. Sinasabi ng DSM-5 na ang isang taong may intellectual disability ay kailangang may mga kakulangan sa pagganang pangkaisipan at pagbabagay . Sinasabi rin ng DSM-5 ang tungkol sa isang tao na may intellectual disability na nangangailangan ng suporta sa maraming kapaligiran (tulad ng paaralan, trabaho, at bahay), na iminumungkahi ang pangangailangan para sa interdisciplinary na pagpaplano at koordinasyon.

A. Mason v. Office of Administrative Hearings

Ang Mason v. Office of Administrative Hearings ay isang mahalagang kaso sa California Court of Appeal. Pinanghahawak ng desisyon na ang nagke-claim ay walang kapansanan hinggil sa paglilinang at hindi naging karapat-dapat sa ilalim ng fifth category. Natuklasan ng korte na ang mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na hindi naaalinsunod sa saligang-batas. Kinikilala ng korte na ang mga katawagan na iyon ay mga “na tila hindi tumpak” ngunit natuklasan ng DDS at mga propesyonal ng sentrong pangrehiyon na ang “pangkaraniwang kaalaman at pag-uunawa” ay natutustusan ang “kinakailangang pagtitiyak” sa pagpapasya kung sino ang magiging karapat-dapat para sa pagkanararapat sa ilalim ng fifth category. Sinabi ng korte na ang higit

Page 7: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 7 ng 27

na pagbibigay ay dapat maibigay sa DDS at mga sentrong pangrehiyon sa pagpapasya kung sino ang karapat-dapat.

Ipinapatungkol ng korte kung ano ang ibig sabihin nito para sa isang kundisyon na maging “malapit na nauugnay sa” intellectual disability. Sinabi ng korte na dapat ang kundisyon ay “magkatulad sa kabuuan” sa intellectual disability. Ang kundisyon ay dapat mayroong “marami sa kapareho, o malapit sa kapareho” na mga dahilan na maaaring gamitin para sumuri ng intellectual disability. Ang mga dahilan na binigyan diin ng korte ay mga kasanayan sa pinahinang pagkilala, mga kakulangan sa pagbabagay, at pangangailangan para sa interdisciplinary na pagpaplano at koordinasyon. Gaya nang ipinahiwatig ng korte, naging kailangan din ang mga dahilang ito para sa isang diyagnosi ng mental retardation sa ilalim ng DSM-IV-TR. Tandaan na, ang DSM-IV-TR ay pinalitan na ng DSM-5. Gayunman, kinakailangan din ng DSM-5 ang “mga kakulangan sa pangkalahatang mga kakayahan sa pag-iisip” at “kahinaan sa pang-araw-araw na paggana sa pagbabagay” para sa isang diyagnosis ng intellectual disability.

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala

Sa Mason, kini-claim ng sentrong pangrehiyon na ang isang tao ay dapat may IQ at o mababa sa 75 para magkaroon ng kundisyong katulad sa intellectual disability. Mukhang sinusuportahan ng korte ang posisyong ito. Ayon sa mga psychologist ng sentrong pangrehiyon, ang buong sukatan ng IQ ng nagke-claim ay 78, kung saan ay nasa hanay ng “borderline”. Nagkaroon siya ng ilang score ng IQ na nagmumula sa 80 at 89, sa “mababang katamtaman hanggang sa katamtamang hanay ng katalinuhan.” Umayon ang korte sa mga eksperto ng sentrong pangrehiyon na tumukoy na napakataas ng mga score ng IQ ng nagke-claim para magkaroon siya ng kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability. Inutusan ng korteng humarap sa hukuman ang DSM-IV-TR, kung saan ay sinabi na ang hanay ng IQ para sa banaya na mental retardation (tinatawag na ngayong banayad na intellectual disability) ay 50-70, ngunit nagpapahintulot para sa kamalian ng pagsukat na humigit-kumulang 5 puntos. Kung gayon, ang taong may IQ sa pagitan ng 70 at 75 at mga makahulugang kakulangan sa pag-uugali na pagbabagay ay maaairng masuri na may intellectual disability.

Page 8: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 8 ng 27

Itinuring din ng korte ng Mason ang klinikal na ebidensya ng diperensyang organic brain na kasing halaga sa pagpapasya kung ang isang tao ay may kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability. Mukhang natuklasan ng korte na walang naging sapat na ebidensya ng isang diperensyang organic brain sa kaso. Hindi nagkaroon ng ebidensya ng pagsusulit ang nagke-claimpagsusuri ng isang neurologist at ipinagwalang-bahala ang opinyon ng isang psychologist na nagkaroon ng diperensyang organic brain ang nagke-claim dahil hindi siya isang neurologist.

2. Mga kakulangan sa Pagbabagay

Sa Mason, ang nagke-claim ay nag-borderline sa mababang katamtaman na paggana sa pagbabagay at buong sukatan ng IQ na 78 (hanay ng borderline) na ang ilan ay nag-score sa pagitan ng 80 at 89 (mababang katamtaman hangang sa katamtaman na hanay). Umayon ang korte sa paghatol ng sentrong pangrehiyon na sa ilalim ng mga pagkakataon na iyon, ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng kundisyon na “malapit na nauugnay sa” intellectual disability. Lumalabas ito na, gamit ang paraan ng korte ng Mason, ang taong may borderline hanggang sa mababang katamtaman na paggana sa pagbabagay ay kakailanganin ng score ng IQ na 75 o mas mababa para magkaroon ng kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability.

3. Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon

Napakaikling natalakay sa Mason ang ideya na ang isang taong may kapansanan na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability ay kinakailangan ng interdisciplinary na pagpaplano at koordinasyon. Natuklasan ng kaso na hindi natugunan ng nagke-claim ang kinakailangan na ito dahil pumapasok siya ng regular na klase sa paaralan na may indibidwal na katulong imbes na nakikilahok sa mga klase o programang idinisenyo partikular sa mga taong may intellectual disability. Ang mas pinakabagong desisyon sa Samantha C, na tinalakay sa ibaba, ay mukhang tinatanggihan ang ideya na ang isang tao ay dapat pumasok sa mga klase o programa kasama ng mga taong

Page 9: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 9 ng 27

mayroong intellectual disability para ipakita ang pangangailangan para sa interdisciplinary na pagpaplano at koordinasyon.

B. Samantha C. v. DDS

Sa Samantha C. v. DDS, natuklasan ng California Court of Appeal na ang nagke-claim ay walang kapansanan hinggil sa paglilinang at naging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category. Ibinase ang desisyon sa kinakailangang katulad na paggagamot ng nagke-claim sa isang taong may intellecutal disability, ang pangalawang sanga ng fifth category, na tinalakay sa ibaba. Gayunman, pinag-usapan din sa korte ang tungkol sa mga kundisyon sa ilalim kung saan ang isang tao ay hindi, sa opinyon ng korte, na magiging karapat-dapat sa ilalim ng fifth category dahil sa isang kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability.

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala at mga Kakulangan sa Pagbabagay

Natuklasan ng korte na ang pinahinang paggana ng pagbabagay lamang ay hindi maaaring gawing karapat-dapat ang isang tao sa ilalim ng fifth category. Mayroon din dapat isang elemento ng pagkilala sa kapansanan ng tao. Ang nagke-claim ay nagkaroon ng nakalipas na mga score ng IQ na nasa normal na hanay (buong sukatan ng IQ na 90), at natuklasan ng korte ang ibig sabihin nito ay wala siyang kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability.

C. Manwal ng Diyagnostiko at Estatistiko

Ginagamit ng mga tagasuri at tagapagpasya ng sentrong pangrehiyon ang American Psychological Association’s Diagnostic and Statistical Manual kapag sumusuri ng mga kapansanan hinggil sa paglilinang. Ang kasalukuyang edisyon ng DSM ay ang fifth edition o DSM-5, kung saan ay ginagamit ang katawagang, “intellectual disability.” Ang naunang edisyon, ang DSM-IV-TR, ay ginamit noon nang pinagpasyahan ang Mason and Samantha C., at ginamit ang katawagang, “mental retardation.”

Page 10: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 10 ng 27

Para sa isang diyagnosis ng mental retardation, kinakailangan ng DSM-IV-TR ng:

- “Makahulugang sub-average na pangkalahatang paggana hinggil

sa pag-iisip,” kung saan ay “ang mahalagang katangian” ng mental

retardation, at umiiral kapag ang isang tao ay may IQ na 70 o mas

mababa. Dahil sa 5 puntong kamalian ng pagsukat sa mga

pagsusulit ng IQ, ito'y naging “posibleng masuri ang Mental

Retardation sa mga indibidwal na may mga IQ sa pagitan ng 70 at

75.”

- “Makahulugang limitasyon sa paggana sa pagbabagay sa kahit

dalawa sa mga sumusunod na larangan: komunikasyon, sariling

pangangalaga, pamumuhay sa bahay, mga kasanayan sa

lipunan/pagitan ng mga tao, paggamit ng mga pinagkukunan ng

komunidad, sariling direksyon, gumaganang mga kasanayang

gumaganang pang-akademya, trabaho, pahinga, kalusugan at

kaligtasan.”

- Pagsisimula bago mag-18 taong gulang.

Para sa diyagnosis ng intellectual disability, kinakailangan ng DSM-5 ng:

- “Mga kakulangan sa mga pangkaisipang paggana, tulad ng

pangangatwiran, paglutas ng problema, pagpaplano, nasa isipan

na pag-iisip, pagpapasya, pang-akademyang kaalaman, at

kaalaman sa karanasan, na kinumpirma ng parehong klinikal na

pagtatasa at isinaindibidwal, isina-pamantayan na pagsusuri ng

katalinuhan.”

- Mga kakulangan sa paggana ng pagbabagay na, kung walang

suporta, ay "malilimitahan ang paggana ng tao sa isa o higit pang

aktibidad ng pang-araw-araw na buhay, tulad ng komunikasyon,

pakikilahok sa lipunan, at malayang pamumuhay, sa kabila ng

maramihang kapaligiran, tulad ng bahay, paaralan, trabaho, at

komunidad.

- Pagsisimula sa tagal ng panahon hinggil sa paglilinang .

Di-tulad ng DSM-IV-TR, inilalarawan ng DSM-5 ang parehong mga pagkukulang sa mga kakayahan hinggil sa pag-iisip at kahinaan sa

Page 11: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 11 ng 27

paggana ng pagbabagay bilang “mahalagang” mga katangian ng intellectual disability. Sinasabi ng DSM-5 na ang paggana ng pagbabagay, hindi ng IQ, ang nagpapasya sa lebel ng kalalaan ng intellectual disability ng isang indibidwal. Sa pagkakaiba, ang nagtalaga ang DSM-IV-TR ng hanay ng mga score ng IQ sa bawat lebel ng kalalaan. Samantalang ang parehong bersyon ng DSM ay pinag-uusapan ang tungkol sa mga score ng IQ para sa intellectual disability na hindi lumalampas sa 70-75, mukhang hindi binibigyang halaga ng DSM-5 ang kinakailangan nito habang mas nagpapahalaga sa paggana sa pagbabagay.

Ang mga pagbabago na ito sa DSM ay mga potensyal na mahalaga para sa mga taong may mga score ng IQ na mas mataas sa 70 ngunit may mga makahulugang kakulangan sa paggana ng pagbabagay. Ang bagong pamantayan ay maaaring pahintulutan ang mga taong may bahagyang mas matataas na IQ para masuri na may intellectual disability. Ang mga taong ito ay maaaring maging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa kategorya ng intellectual disability, na iniiwasan ang gawain ng pagpapatunay sa pagkanararapat sa fiifth category.

Hindi malinaw kung paano makaaapekto sa mga tao ang mga pagbabago sa DSM na hindi pa nakatatanggap ng diyagnosis ng intellectual disability, ngunit may mga kakulangan sa mga pagbabagay. Posible ito na ang mga desisyon tungkol kapag ang kapansanan ay "malapit na nauugnay" sa intellectual disability ay mas maglalagay ng pagpapahalaga sa paggana ng pagbabagay at mas kaunting pagpapahalaga sa mga score ng IQ.

D. Vineland Adaptive Behavior Scales

Pinag-uusapan ng DSM-IV-TR ang tungkol sa paggamit ng Vineland Adaptive Behavior Scales (VABS) para makatulong magpasya ng mga kakulangan sa pagbabagay ng tao. Hindi partikular na nabanggit ng DSM-5 ang VABS, ngunit hindi sinasabi na dapat masukat ang paggana ng pagbabagay gamit ang parehong klinikal na pagsusuri at pagpapasya at “isinaindibidwal, naaangkop hinggil sa kultura, psychometrically na mabubuting hakbang.” Ang pagbabagay na pag-uugali ay tipikal na

Page 12: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 12 ng 27

pagganap ng isang tao sa mga pang-araw-araw na aktibidad. Tinatasa ng VABS kung ano talaga ang ginagawa ng tao, hindi kung ano ang kakayahan niyang gawin. Sinusukat nito ang pag-uugali sa pagbabagay sa apat na larangan ng kaalaman: komunikasyon, mga kasanayan sa pang-araw-araw na pamumuhay, pakikipagkapwa tao, at mga kakayahan sa paggalaw. Ang pinaghalong score ay binubuod ang pagganap ng tao sa lahat ng apat na larangan ng kaalaman. Ang taong nakaaalam sa pinakamabuti ng indibidwal, ay kadalasang isang magulang, ay tipikal na pinapanayaman para sa VABS. Paminsan-minsan ang mga guro at iba ay pinapanayaman din. Ang norm ay 100 na may mga pagkakaiba-iba ng pamantayan na 15. Ang score na higit sa dalawang pagkakaiba-iba ng pamantayan na mababa sa norm (70 o mababa) ay nagpapahiwatig ng makahulugang kahinaan.

E. Mga tuntunin ng ARCA

Ang Association of Regional Center Agencies (ARCA) ay bumuo ng mga alituntunin para sa pagkanararapat sa fifth category. Kinakatawan ng ARCA ang 21 sentrong pangrehiyon sa California. Ang mga board of director ng ARCA ay binubuo nang 21 delegado ng board ng sentrong pangrehiyon at 21 ehekutibong direktor ng sentrong pangrehiyon. Ang mga alituntunin ng ARCA ay nakabatay sa DSM-IV-TR. Ang mga ito ay hindi pa na-update para ipakita ang bagong DSM-5.

Ang mga Alituntunin ng ARCA hinggil sa mga kundisyong “malapit na nauugnay” sa intellectual disability ay naiiba sa DSM sa makahulugang mga paraan. Inuutos ng mga Alituntunin na ang isang tao ay mayroong mga kakulangan sa pagbabagay na hindi sanhi sa mga saykayatrikong kundisyon. Sa pagkakaiba, hindi inuutusan ng DSM-IV-TR ang doktor ng klinika na kilalanin ang pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga limit sa mga kasanayan sa pagbabagay na sanhi ng mga kakulangan sa pagkilala at iyong mga dulot ng iba pang diperensya na maaaring kapwa umiiral sa intellectual disability. Ang DSM-5, sa kabilang banda, ay sinasabi na ang “mga kakulangan sa paggana ng pagbabagay ay dapat maging direktang nauugnay” sa mga kahinaan sa pag-iisip ng tao. Gayun pa man, binibigyan diin ng DSM-5 na ito'y karaniwan sa ibang kundisyon, kabilang ang “mga diperensya sa pag-iisip,” na kapwang

Page 13: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 13 ng 27

nagaganap sa intellectual disability, sa kalakaran na “tatlong hanggang sa apat na beses na mas mataas kaysa sa pankalahatang populasyon.” Mahigpit nitong iminumungkahi na bagamang dapat direktang maiugnay ang mga kakulangan sa pagbabagay sa paggana sa pagkilala, ang presensya ng iba pang diperensya na nakaaapekto rin sa paggana ng pagbabagay ay hindi dapat makapipigil sa diyagnosis ng intellectual disability.

Binibigyang diin ng korte ng Mason ang pagbibigay sa mga propesyonal ng sentrong pangrehiyon na gumagawa ng pagpapasya ng pagkanararapat. Gayunman, hindi sinabi ng Mason, na ang mga alituntunin na nilikha ng organisasyon ng propersyonal ng sentrong pangrehiyon ay dapat makatanggap ng espesyal na pagbibigay. Binanggit ng korte ng Mason ang Section 4640 ng Welfare and Institutions Code (WIC) nang ipinapaliwanag na binabalak ng Legislature na umayon sa mga sentrong pangrehiyon. Binibigyan ng Section 4640 ang Department of Developmental Services (DDS) ng kapangyarihan na bumuo ng mga regulasyon na may impormasyon mula sa iba't ibang klase ng stakeholder. Ang mga alituntunin ng ARCA ay hindi mga regulasyon, hindi dumaan sa pormal na pagsusuri ng isang regulasyon, at hindi binuo ng DDS. Inililista ng Section 4663 ng WIC ang mga uri ng imporamsyon na maaaring isaalang-alang ng sentrong pangrehiyon sa pagpapasya kung ang aplikante ay may kapansanan hinggil sa paglilinang, ngunit hindi binibigyan mismo ang mga sentrong pangrehiyon ng espesyal na kapangyarihan para tukuyin ang mga kategorya ng pagkanararapat.

F. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig

Di-tulad ng mga desisyon ng korte sa paghahabol ng estado sa Mason at Samantha C., ang mga desisyon ng administratibong pagdinig ng Office of Administrative Hearings (OAH) ay hindi mga umiiral na legal na pamarisan. Nangangahulugan ito na ang tagahatol ng administratibong batas sa iba pang kaso ay hindi kailangan sundin ang mga ito. Gayun pa man, may mga desisyon ng OAH na nagbibigay ng nakatutulong na patnubay sa paghahanda sa mga pagdinig ng pagkanararapat sa fifth category.

Page 14: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 14 ng 27

Maaari mong hanapin ang mga desisyon sa pagdinig ng sentrong pangrehiyon ng OAH dito: http://www.dgs.ca.gov/oah/DDSHearings/DDSDecisions.aspx

Ang ipinalabas na mga desisyon ng batas ng administratribo habang ginagamit ang DSM-IV-TR ay mukhang nagpapahintulot sa isang tao na magkaroon ng kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability kung ang kanyang buong sukatan ng IQ ay papatak sa hanay ng 71 hanggang sa 75, kahit na sa ilang mas matataas na score sa mga mas mababang pagsusulit ng IQ.

Sa Nicholas V. v. Valley Mountain Regional Center,8 ang nagke-claim ay nagkaroon ng buong sukatan ng IQ na 72. Dahil sa score na 94 ng mas mababang pagsusulit, sumang-ayon ang Administrative Law Judge (ALJ) sa tagapagsuri at tagapagpasya ng sentrong pangrehiyon na ang buong sukatan ng IQ ay naging nakalilinlang. Pinagpasyahan ng ALJ na walang intellectual disability ang nagke-claim. Gayun pa man, siya ay, may kundisyon na malapit na nauugnay sa intellectual disability batay sa ebidensya ng mga kakulangan sa kaalaman, komunikasyon, atensyon, at pagpoproseso ng impormasyon.

Napagpasyahan ng tagapagsuri at tagapagpasya ng sentrong pangrehiyon na mayroon lamang si Nicholas ng diperensya sa kakayahang sumagap at magpahiwatig sa sariling wika (mixed receptive-expressive language). Hindi narepaso ng tagapagsuri at tagapagpasya ang lahat ng tala ni Nicholas at pangunahing natasa para sa autism. Sa pagkakaiba, narepaso ng malayang tagapagsuri at tagapagpasya ang lahat ng tala at gumawa ng komprehensibong pagtatasa. Nagpasya ang malayang tagapagsuri at tagapagpasya na ang diperensya sa wika lamang ay hindi maipaliliwanag ang lahat ng

8 OAH Decision No. 2009090021. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 15: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 15 ng 27

kakulangan sa pagbabagay ni Nicholas. Sumang-ayon ang ALJ na ang mga kahirapan ni Nicholas sa berbal at hindi berbal na atensyon, bilis ng pagpoproseso ng impormasyon, mga kakayahan sa biswal na pang-unawa, at “listahan ng kaalaman ng karaniwang ginagamit na mga salita,” ay hindi maipaliliwanag sa pamamagitan ng isang diperensya sa wika lamang. Nagbigay ang ALJ ng mahalagang kahulugan sa testimonya mula sa espesyal na guro ng edukasyon ni Nicholas, na nakipagtulungan sa kanya sa tatlong taon. Nagbigay siya ng partikular na mga halimbawa ng kung paanong gumana si Nicholas tulad ng isang taong may intellectual disability. Kinakailangan niya ng maraming pag-uulit para matuto at karapat-dapat siya na kumuha ng panghaliling isinapamantayang pagsusulit para sa mga estudyante na may malalang mga kapansanan. Madalas siyang maligaw sa paaralan, nakakalimutang magpakita sa pagsasanay sa baseball, at nakakalimutan kung saan nakatago ang mga kasangkapan at supply sa silid-aralan.

Page 16: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 16 ng 27

II. “Kinakailangan ng Paggagamot Katulad sa” Intellectual Disability

Ang taong hindi magiging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sanhi sa isang kapansanan na “malapit na nauugnay sa” intellectual disability ay maaaring sa halip ay maaaring maging karapat-dapat sanhi sa isang kapansanan na natuklasang “kakailanganin ng paggagamot katulad sa kinakailangan na iyon para sa mga indibidwal na may intellectual disability.” Maaaring matagpuan ang pamantayang ito sa Welfare and Institutions Code, Section 4512, subdivision (a).

A. Samantha C. v. DDS

Ang Samantha C. ay ang unang kaso ng korte na sinasabi ang tungkol kapag magiging karapat-dapat ang isang tao sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category dahil sa isang kundisyon na kinakailangan ng katulad na paggagamot sa intellectual disability.

1. Pinahinang mga Kasanayan sa Pagkilala

Kinukumpirma ng desisyon ng Samantha C. na ang isang tao na walang kundisyon na “malapit na nauugnay” sa intellectual disability dahil sa isang IQ na sobrang taas ay gayunman ay maaaring magiging karapat-dapat dahil sa kapansanan na kinakailangan ng katulad na paggagamot sa intellectual disability. Kung gayon, ang taong may IQ na mataas sa 75 ay maaari pa rin maging karapat-dapat sa ilalim ng fifth category.

2. Mga kakulangan sa Pagbabagay at Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon

Tinalakay ng korte sa Samantha C. kung ano ang ibig sabihin nito para sa isang tao para mangailangan ng paggagamot na katulad sa kinakailangan na iyon ng isang taong may intellectual disability. Sinabi ng korte na ang “paggagamot” ay dapat malawakang tukuyin at maaaring mag-iba-iba sa uri depende sa lebel ng paggana ng

Page 17: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 17 ng 27

katalinuhan at pagbabagay ng isang tao. Tinanggihan ng korte ang argumento ng sentrong pangrehiyon na ang ibig lang sabihin ng “paggagamot” ay mga pamamaraan sa pagturo, at ipinunto na kahit na sa mga may intellectual disability, ang iba't ibang tao ay maaaring mabenipisyuhan sa iba't ibang pamamaraan. Sa halip, sinabi ng korte na ang isang tao ay dapat kailanganin ang mga uri ng paggagamot na katulad sa maaaring kailanganin ng mga taong may intellectual disability, bilang halimbawa, pagsasanay ng kakayahan sa malayang pamumuhay.

Inililista sa Samantha C. ang mga sumusunod na halimbawa ng mga uri ng paggagamot:

(1) pagtulong sa sarili at pagsasanay ng kakayahan sa malayang pamumuhay, kabilang ang pagluluto, paglilinis, pangangasiwa ng pera, at paggamit ng pampublikong sasakyan; (2) koordinasyon at pangangasiwa ng serbisyo; (3) mga serbisyo ng impormasyon at pagsangguni; (4) espesyal na edukasyon at mga kaugnay na serbisyo para sa mga mababa sa edad 21; (4) panlahat o espesyal na panlipunan o panlibangang mga serbisyo; (5) panlahat o espesyal na mapagpanumbalik o bokasyon na pagsasanay; (6) isinaespesyal na pangangalaga na pantahanan o sinusuportahang mga serbisyo sa pamumuhay para sa mga hindi naninirahan kasama ng pamilya; (7) sinusuportahang trabaho; (8) sinusuportahan o bahagyang malayang mga kaayusan ng paninirahan; (9) mga serbisyo ng programa ng aktibidad sa araw para sa mga hindi nagtatrabaho; (10) kasanayan sa pagkilos, kabilang ang edukasyon sa transportasyon; (11) isinaespesyal na mga pamamaraan sa pagtuturo sa paglilinang ng kakayahan; (12) pagsasanay hinggil sa pag-uugali at mga programa ng pagbabago ng pag-uugali; (13) pamamahala hinggil sa pananalapi, at pagsulat sa mga suporta ng serbisyo; at (14) mga publikasyon

Page 18: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 18 ng 27

na nagsasalin sa masalimuot na impormasyon sa mga yunit na napapamahalaan.

Tinanggap ng korte ng Samantha C. na ang isang hanay ng paggagamot at mga serbisyo ay maaaring ibilang bilang paggagamot na kinakailangan ng mga indibidwal na may intellectual disability sanhi sa saklaw ng paggana sa pagkilala ng mga indibidwal. Bilang halimbawa, ang taong may borderline na mga kahinaan sa pagkilala at isang IQ na 75 ay kinakailangan ng ibang istratehiya sa paggagamot kaysa sa isang tao na may banayad, katamtaman, o malalang intellectual disability.

B. Mason v. Office of Administrative Hearings

1. Interdisciplinary na Pagpaplano at Koordinasyon

Ang desisyon ng Mason ay napakaikling natalakay sa kung kinakailangan ng nagke-claim ang paggagamot na katulad sa isang tao na may intellectual disability. Natuklasan ng korte na hindi naging karapat-dapat ang nagke-claim dahil pumapasok siya sa regular na klase sa paaralan na may indibidwal na katulong imbes na lumahok sa mga klase o programang idinisenyo partikular sa mga taong may intellectual disability. Gaya nang tinalakay sa itaas, ang mas bagong desisyon sa Samantha C. ay kinakailngan ng napaka-naiibang paraan.

C. Manwal ng Diyagnostiko at Estatistiko

Pinag-uusapan ng DSM-5 ang tungkol sa mga uri ng paggagamot o suporta na kinakailangan ng mga taong may intellectual disability. Ang mga batang may banayad na intellectual disability ay kinakailangan ng suporta para matuto ng mga kasanayang pang-akademya. Ang mga indibidwal ay "kailangan ng ilang suporta sa masalimuot na mga gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay." Ang mga may sapat na gulang ay kailangan ng tulong sa “pamimili sa grocery, transportasyon, bahay at organisasyon sa pangangalaga sa bata, paghahanda ng masustansyang pagkain, at pangangasiwa sa pagbabangko at pera.” “Tipikal na kinakailangan ng mga indibidwal ng suporta para gumawa ng mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan at mga legal na desisyon, at para matuto para makapagsagawa ng sanay na bokasyon nang may

Page 19: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 19 ng 27

kakayahan. Ang suporta ay tipikal na kinakailangan para magpalaki ng pamilya.”

Ang mga taong may katamtamang intellectual disability ay kinakailangan ng “patuloy na tulong sa pang-araw-araw na batayan” para “makumpleto ang mga konseptuwal na gawain ng pang-araw-araw na buhay.” “Dapat tulungan ng mga caretaker ang tao sa mga desisyon sa buhay” at “kinakailangan ang makahulugang suportang panglipunan at hinggil sa komunikasyon sa mga kaligiran ng trabaho para sa tagumpay.” Maaaring kailanganin ng tao ng “pinahabang tagal ng panahon sa pag-aaral” para matutunan ang mga kasanayan sa personal na pangangalaga, at maaaring patuloy na kailanganin ng mga paalala. Kinakailangan ng mga indibidwal ng pinahabang pag-aaral at patuloy na suporta para tapusin ang mga gawaing pangbahay at kinakailangan ng makahulugang suporta para magtagumpay sa trabaho. Ang mga taong may katamtamang intellectual disability ay kailangan ng tulong sa pag-i-schedule, transportasyon, pangangasiwa ng pera, at pagbubuo ng mga kasanayang panlibangan.

D. Mga tuntunin ng ARCA

Pinag-uusapan ng mga alituntunin ng ARCA ang tungkol sa kung paanong malaman kung ang mga pangangailangan na paggagamot ng tao ay katulad sa isang taong may intellectual disability. Nagbibigay ng mga halimbawa ng mga kinakailangang paggagamot ang mga alituntunin na pinaniniwalaan ng ARCA na hindi katulad sa mga pangangailangan ng mga may intellectual disability. Ang pangangailangan para sa pagsasanay para maingganyo ang indibidwal ay hindi nauugnay sa intellectual disability, ngunit nauugnay ang pangangailangan na maglinang ng mga kasanayan. Ang pangangailangan para sa panlunas na pagsasanay sanhi sa “pagkakait ng lipunang-pangkultura” ay hindi nauugnay sa intellectual disability. Kaya, ito'y mahalaga na ipakita na ang pagsasanay ay kinakailangan dahil sa mga kakulangan sa pagkilala, hindi dahil sa kakulangan sa naunang pagkakataon na matuto. Ang pangangailangan para sa rehabilitasyon para muling mabawi ang kasanayan na dating mayroon ang tao ay kadalasang hindi nauugnay sa intellectual disability. Ang

Page 20: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 20 ng 27

taong may intellectual disability ay inaasahan na sa imbes na mangailangan ng rehabilitasyon para matutunan ang kasanayan na iyon sa una palang. Tinatanggap ng ARCA na ang isang tao na nangangailangan ng pangmatagalang pagsasanay na pinagpira-piraso sa maliliit na yunit na mga hakbang ay maaaring maging karapat-dapat. Alalahanin na ang mga alituntunin ng ARCA ay mga simpleng alituntunin, at hindi karapat-dapat sa espesyal na pagbibigay, gaya nang tinalakay sa itaas.

E. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig

Karamihan sa desisyon ng pagdinig na kasama ang fifth category ay kabilang ang mga pagtatasa ng tao bago sa DSM-5 at kung kaya ginagamit ang katawagan na, “mental retardation” sa ilalim ng DSM-IV-TR. Ang mga desisyon ng pagdinig na natutuklasang karapat-dapat ang mga indibidwal para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category dahil sa isang pangangailangan para sa magkatulad na paggagamot sa pagtuon sa mental retardation sa mga kasanayan sa pagbabagay at bokasyonal ng nagke-claim. Umaasa ang mga desisyon sa DSM at sa mga Alituntunin ng ARCA.

Sa Ebony C. v. South Central Los Angeles Regional Center,9 nagtuon ang ALJ sa mga kasanayang bokasyonal at pagbabagay at ang paggagamot na kakailanganin ng nagke-claim.

Ang nagke-claim ay 15 taong gulang na babae. Tumestigo ang kanyang eksperto na mangangailangan siya ng “‘pangbuong-buhay na pagsasanay at paggagamot” sa larangan ng mga bokasyonal na kasanayan. Kakailanganin din niya ng tulong sa pangangalaga sa sarili, komunikasyon, at pagbabagay sa lipunan. Mangangailangan siya ng paggagamot sa mga larangan ng “mapanlikhang paglalaro, paglutas ng problema at pakikiramay.” Tumestigo ang eksperto na ang mga

9 OAH Case No. 2009091460. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 21: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 21 ng 27

pangangailangang paggagamot na ito ay mga naging katulad sa mga taong may mental retardation. Nagsusuri ang ALJ kung nagkaroon man ang Ebony ng substantial disability. Sa paggawa nito, nagtuon siya sa mga kakulangan sa pagbabagay ng Ebony. Pinag-usapan niya ang tungkol sa pagsusuri ng Vineyard at mga kakulangan ng Ebony sa komunikasyon, tulong sa sarili, pakikipagkapwa, at pangkabuhayang kahustuhan sa sarili.

Sa D.R. v. Inland Regional Center,10 nagtuon ang ALJ sa mga kasanayang bokasyonal at pagbabagay at sa paggagamot na ipinagkakaloob. Ang nagke-claim ay 21 taong gulang na lalaki na nag-apply para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon dahil kailangan niya ng mga serbisyo ng bokasyonal na rehabilitasyon. Natuklasan ng ALJ na nakagagawa ang nagke-claim sa isang paraan na katulad sa isang taong may intellectual disability. Ang kanyang buong sukatan ng IQ ay 73. Ang kangyang IQ sa pagganap ay 79 at ang kanyang berbal na IQ ay 71. Ipinapakita ng kanyang mga score ng Vineland na ang kanyang mga kasanayan sa pagbabagay ay naging “medyo hindi maganda sa lahat ng larangan.” Hindi niya nagawang makipag-usap nang mabisa, nagsusumikap sa pangangalaga sa sarili, at umaasa sa kanyang ina para sa transportasyon. Hindi niya nagawang mamuhay nang malaya at hindi sapat sa sarili ang kabuhayan

Natuklasan din ng ALJ na ang "kinakailangang" paggagamot ng nagke-claim na katulad" sa isang taong may intellectual disability. Inuulit ng desisyon ang wika sa mga alituntunin ng ARCA. Tinalakay ng ALJ ang “mga kakulangan batay sa pagganap,” mga kakulangan sa kasanayan,” “kinakailangang rehabilitasyonn,” “kinakailangang pangmatagalang pagsasanay na pinagpira-piraso ang mga hakbang” at ang pangangailangan para sa “mga edukasyonal na suporta.” Ang eksperto ng nagke-claim ay nahihirapan sa pagsusuri sa D. R. dahil nagkaroon

10 OAH Case No. 2008070064. Sa petsa ng memo na ito, hindi nakalaan ang desisyonng pagdinig na ito sa website

ng OAH. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa desisyon na ito, mangyaring kontakin ang Disability

Rights California. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 22: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 22 ng 27

siya ng sobrang kahirapan sa pagsasagawa ng mga simpleng gawain. Ipinaliwanag ng kanyang lolo na halos palagi niyang kinakailangan ng mga gawain na pinagpira-piraso. Hinandong ng doktor ang opinyon na hindi siya makagagawa ng sanay o bahagyang sanay na trabaho sanhi ng kanyang “kahinaan sa pag-iisip.” Natuklasan ng ALJ na kinakailangan ng nagke-claim ng paggagamot na katulad sa kinakailangan na iyon para sa isang taong may mental retardation.

III. Mga eksklusyon: “Tanging” Kapansanan sa Kaalaman, Diperensyang Saykayatriko, o Diperensya na Pisikal

Mangyaring repasuhin ang mga publikasyon ng Disability Rights California tungkol sa pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon para sa higit na impormasyon tungkol sa mga diperensya na hindi mga kasama sa pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon. Ang kapansanan hinggil sa paglilinang ay hindi maaaring maging tanging kapansanan sa kaalaman, tanging diperensyang saykayatriko, o tanging pisikal ang likas na kalagayan. Ang mga eklusyon na ito ay kinakailangan ng espesyal na atensyon kapag naghahanda para sa isang pagdinig sa kaso ng fifth category dahil ang likas na kalagayan ng kapansanan ng aplikante ay mas malamang na mapagtatalunan kaysa sa ibang kaso.

A. Tanging Kapansanan sa Kaalaman

“Ang kapansanan sa kaalaman ay isang kundisyon kung saan ay nagpapakita bilang isang malaki-laking kakulangan sa pagitan ng tinantiyang potensyal na pagkilala at aktuwal na lebel ng pagganap hinggil sa edukasyon at kung saan ay hindi isang resulta ng ginawang panlahatan na mental retardation, edukasyonal o psycho-social na pagkakait, diperensyang saykayatriko, o kawalan ng panamdam.” Ang pamantayang ito ay maaaring matagpuan sa Title 17 ng California Code of Regulations, Section 54000(c)(2).

Page 23: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 23 ng 27

1. Samantha C v. DDS

Sa Samantha C., ang distrito ng paaralan ng nagke-claim ay natuklasan ang kanyang pagkanararapat para sa espesyal na edukasyon sanhi sa isang kapansanan sa kaalaman nang siya ay nasa kindergarten. Gayun pa man, natuklasan ng korte na siya ay karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category dahil kinailangan niya ng paggagamot na katulad sa isang tao na may intellectual disability. Nasuri ng distrito ng paaralan ang kapansanan sa kaalaman sa panahon nang nakagagawa ang nagke-claim sa loob ng “katamtamang saklaw ng kakayahan sa pagkilala.” Mukhang napagpasayahan ng korte na ang kanyang mga kakulangan ay hindi “tanging” sanhi sa isang kapansanan dahil sa kanyang mga score sa paggana sa pagbabagay na nasa saklaw ng banayad na intellectual disability. Kinikilala ng korte ang pagkakaiba sa pagitan ng kapansanan sa kaalaman, kung saan ay kaugnay sa pagganap sa pang-akademya, at ang pangangailangan para sa paggagamot na katulad sa intellectual disability, kung saan ay kasama ang pangangailangan para sa "mga kakayahan sa buhay." Pinatibay ng korte ang pagkakaiba na ito nang pinagpasyahan ito na “paggagamot” katulad sa kinakailangan para sa intellectual disability ay hindi tumukoy sa mga pamamaraan hinggil sa edukasyon o pagtuturo, ngunit sa halip na mga uri ng paggagamot tulad ng mga kakayahan sa malayang pamumuhay.

2. Mga desisyon ng Administratibong Pagdinig

Ang pagrepaso ng mga desisyon ng administratibong pagdinig ay maaaring maging nakatutulong para malaman kung anong ebidensya ang sumusuporta ng natuklasan na ang isang tao ay may kundisyon na fifth category na kinakailangan ng katulad na pagagamot sa intellectual disability at hindi “tanging” isang kapansanan sa kaalaman.

Ang Nicholas V. v. Valley Mountain Regional Center ay isang partikular na nakatutulong na halimbawa. Sa kasong iyon, natuklasan ng ALJ na walang tanging diperensya sa kakayahang sumagap at magpahiwatig sa sariling wika ang nagke-claim. Natuklasan ng tagahatol na nakahihikayat ang testimonya ng isang neuropsychologist. Tumestigo ang eksperto na ang isang tao na may diperensya lamang sa wika ay

Page 24: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 24 ng 27

hindi magkakaroon ng mga kahirapan na mayroon ang nagke-claim sa berbal at hindi berbal na atensyon, bilis ng pagproseso ng impormasyon, mga kasanayan na visual-spatial perceptual, at “listahan ng kaalaman ng karaniwang ginagamit na mga salita.”11

Kinilala ng eksperto ng nagke-claim at ng ALJ ang mga partikular na uri ng paggagamot o tagubilin na kinakailangan ni Nicholas. Pinatibay nito na ang kanyang kapansanan ay hindi tanging isang kapansanan sa kaalaman dahil ang isang tao na may tanging kapansanan sa kaalaman ay hindi dapat kinailangan ang parehong mga uri ng paggagamot. Nakatutulong din ang listahan na ipakita na sa halip ay nagkaroon si Nicholas ng kapansanan na kinakailangan ng paggagamot na katulad sa intellectual disability, na kasing dami sa mga nakalistang estratehiya na makatutulong sa isang tao na may intellectual disability. Ang mga istratehiya ay kinabibilangan ng naaalinsunod na pang-araw-araw na palagiang ginagawa, indibidwal o tagubilin ng maliit na grupo, mga tungkulin na pinagpira-piraso sa maliit na parte, tagapag-organisa ng biswal at grapiko, at pagbibigay ng impormasyon sa “maliliit na piraso” kasama ng “mga istratehiya ng pag-eensayo.”

Kung gayon, ang isang paraan sa paghahanda para sa isang pagdinig para patunayan na ang isang tao ay walang “tanging” kapansanan sa kaalaman ay kilalanin ng isang eksperto ang mga kakulangan ng tao na hindi mga nauugnay sa kapansanan sa kaalaman at magmungkahi ng mga istratehiya para gamutin ang mga kakulangan na iyon na katulad sa mga istratehiya para sa mga taong may intellectual disability.

B. Tanging Diperensyang Saykayatriko

Ang diperensya ay "tanging" saykayatriko kung "mayroong pinahinang paggana ng kaisipan o pakikipagkapwa na nag-umpisa bilang isang resulta ng diperensyang saykayatriko o paggagamot na ibinigay para sa

11 OAH Decision No. 2009090021. “Bumalik sa Pangunahing Dokumento”

Page 25: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 25 ng 27

naturang diperensya." Ang pamantayang ito ay maaaring matagpuan sa Title 17 ng California Code of Regulations, Section 54000(c)(1).

1. Samantha C. v. DDS

Tumutulong ang Samantha C. na kilalanin ang pagkakaiba ng “tanging” mga diperensyang saykayatriko sa mga kapansanan hinggil sa paglilinang na maaaring kapwa-maganap sa mga diperensyang saykayatriko. Natuklasan ng korte na ang kundisyon ng nagke-claim ay hindi naging tanging saykayatriko dahil ang kanyang mga pinsala sa kapanganakan ay nakaambag sa kanyang mga kakulangan sa pagbabagay. Ang mga problema sa pag-uugali ng nagke-claim bago sa edad na tatlo ay nakatulong din para ipamalas na ang kanyang mga kakulangan sa pagbabagay sa pakikipagkapwa ay hindi naging sanhi ng isang diperensyang saykayatriko. Kung gayon, lumalabas ito na ang ebidensya ng mga pinsala sa kapanganakan o mga problema sa pag-uugali sa maagang edad ay nakatutulong na ipakita na ang kapansanan ng isang tao ay hindi “tanging saykayatriko.” Ang paggamit ng eksperto para magrepaso ng mga rekord mula sa kapanganakan at kabataan ay kadalasang kinakailangan para ipakita na ang problema ay hinggil sa paglilinang ang likas na kalagayan at hindi tanging saykayatriko. Pinanghahawakan ng korte sa Samantha C. na ang “pangangailangan para sa mga serbisyong sikolohikal o kalusugan hinggil sa pag-iisip ay hindi inaantala ang isang tao sa pagkanararapat ng fifth category kung ang tao ay karapat-dapat sa ibang pagkakataon.”

C. Tanging Pisikal ang Likas na Kalagayan

Hindi isinasama ng California Welfare and Institutions Code Section 4512(a) ang “paghahadlang ng mga kundisyon na tanging pisikal ang likas na kalagayan.” Napaka kakaunti ng apela ng mga nagke-claim sa mga kaso kung saan kine-claim ng sentrong pangrehiyon na ang kapansanan ng tao ay tanging pisikal.

Page 26: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 26 ng 27

IV. Pagpapasya

May dalawang paraan na maaaring maging karapat-dapat ang tao para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon sa ilalim ng fifth category: Ang pagkakaroon ng kapansanan na "malapit na nauugnay" sa intellectual disability; o pagkakaroon ng kapansanan na kinakailangan ng paggagamot na katulad sa pagagamot na kinakailangan ng mga taong may intellectual disability. Kapag nagpapasya kung malapit na nauugnay ang kapansanan sa intellectual disability, tumitingin ang mga korte at tagahatol ng administratibong batas sa mga pagkakatulad sa pamantayan ng diyagnostiko para sa intellectual disability sa DSM. Dapat ipakita ng nagke-claim na siya ay may parehong mga kakulangan sa pagkilala at pinahinang paggana ng pagbabagay. Ang isang taong may IQ na nasa hanay ng 70-75 ay maaaring may isang kundisyon na malapit na nauugnay sa intellectual disability kung siya ay may mga kakulangan sa pagbabagay. Ang Vineland Adaptive Behavior Scales ay isang mahalagang kasangkapan sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa mga pagkukulang sa pagbabagay ng indibidwal. Ang taong may score ng IQ na mataas sa 75 ay maaaring matuklasang karapat-dapat para sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon batay sa pagkakaroon ng pangangailangan para sa paggagamot na katulad sa isang taong may intellectual disability. Malawakang tinukoy ng mga korte ang "paggagamot" at pinagpasyahan na maaaring makakaiba-iba ang paggagamot batay sa kalalaan ng kapansanan ng isang tao. Dapat magpakita ang isang tao ng ebidensya ng isang kakulangan ng pagkilala. Ebidensya ng mga pinsala sa kapanganakan o mga problema sa pag-uugali o hinggil sa paglilinang sa una ng kabataan ay maaaring makatulong na ipamalas na ang kapansanan ay hindi tanging saykayatriko.

Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba’t ibang pinangkukunan, para sa kumpletong listahan ng mga nagpopondo,

Page 27: Sistema ng proteksyon at pagtataguyod ng California Toll ... · mga salita na “malapit na nauugnay sa” at “paggagamot na katulad sa” na nasa batas ay mga hindi malinaw na

Pahina 27 ng 27

pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/ Documents/ListofGrantsAndContracts.html.