16
6 SI JESUS ANG ILAW NG SANLIBUTAN sa Araling Ito'y Pag-aaralan Mo Ilaw para sa Sanlibutan Kadiliman ng Sanlibutan Ilaw ng Diyos Likas ng Ilaw Ang Ilaw ay nagtataboy ng kadiliman Ang Ilaw ay naghahayag Ang Ilaw ay lakas Ang Ilaw ay walang pinipili Pagtugon sa Ilaw Pagtanggi . Pagtanggap 99

Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

6SI JESUS

ANG ILAW NG SANLIBUTAN

sa Araling Ito'y Pag-aaralan Mo

Ilaw para sa SanlibutanKadiliman ng SanlibutanIlaw ng Diyos

Likas ng IlawAng Ilaw ay nagtataboy ng kadilimanAng Ilaw ay naghahayagAng Ilaw ay lakasAng Ilaw ay walang pinipili

Pagtugon sa IlawPagtanggi .Pagtanggap

99

Page 2: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

100 Sino.si Jesus

Daw Para sa Sanlibutan

Kadiliman ng sanlibutanNaglakad ka na ba Sa dilim at umasam na

sana'y may ilaw upang makakita ka? Hindimo alam ang mga panganib sa magkabikabila,o sa unahan. Ni hindi mo tiyak kung tamanglandas ang tinatahak mo. Napakadaling mali-gaw kapag -nasa dilim.

O kaya'y napalipas mo ang magdamag na may-kinatatakutan kang panganib, alam o di-alam.Ibang-iba na ang paligid kinabukasan nangmagliwanag at sumikat ang araw! Madalimong mauunawaan kung bakit ginagamit ngBiblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan, kamalian, kawalang-katiyakan, suliranin,at kamatayan. Ang ilaw ay isang sagisag ngbuhay, galak, katotohanan, at lahat ng kabuti-han.

Ang kadiliman ay pagkawala ng ilaw. Nila-mon ng es-pirituwal na kadiliman ang sanlibu-tan mula nang mahiwalay sa Diyos sina Adanat Eba dahil sa kasalanan. Bakit? Sapagkatang Diyos ang pinagmumulan ng ilaw. Pagwala siya, lalaboy tayo sa dilim - naligaw,hindi alam ang pupuntahan. Inilalarawan ngBiblia ang ganitong kalagayan:

Isaias 59 :2,9,10. Pinapaghiwalay ng inyongmga kasamaan kayo at ang inyong Diyos,at ang inyong mga kasalanan ay siyangnagpakublí ng kanyang mukha sa inyo,kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, oumaabot man sa amin ang katuwiran: kami'Ynagsisihanap ng liwanag, ngunit narito,kadiliman; ng kaliwanagan, ngunit nazsisí-lakad kami sa kadiliman. Kami'y nazsisíkapasa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsí-sikapa na gaya nila na walang mga mata.

Page 3: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si Jesus Ang Ilaw Ng Sanlibutan

Efeso 4:18. Wala silang pang-unawa.

I Juan 2 :11. Ang napopoot sa kanyangkapatid ay nasa kadiliman pa: lumalakadsiya sa kadiliman at hindi nalalaman nngkanyang patutunguhan, sapagkat binulag ngkadiliman.

Ang Gagawin Mo

l. Ano ang kadiliman?.... a) Isang kapangyarihan.... b) Kawalan ng ilaw .....k) Kalabuan ng mata.

2. Ano ang pinagmulan ng kadilimangespirituwal sa sanlibutan?.... a) Kapalaran.... b) Kawalan ng espirituwal na

ilaw.... k) Kasalanan ang naghiwalay. sa

tao mula sa Diyos

3. Ilista ang sumusunod sa ilalim ngtamang panig: buhay, kamatayan,galak, mabuti, kasamaan, pag-ibig,poot, kamalian, katotohanan.

Kadiliman Kaliwanagan

101

Page 4: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

102 Sino.s; JeslU

Ilaw ng Diyos

Ang Diyos ay ilaw - pinagmumulan ng lahatng liwanag. Nasa kadilimang espirituwal angmga tao malibang tumanggap sila ng tangingkapahayagan ng ilaw ng Diyos. Kaya nga napa-rito si Jesus at naging Ilaw ng Sanlibutan:Siya'y dumating upang ibigay sa atin ang Ilawng Diyos upang ihayag Sa atin any pag-ibigat kalooban ng Diyos para sa atin.

J Juan 1 :5. Ang Diyos ay ilaw, at walanganumang kadiliman sa kanya.

Juan l :4. Mula sa kanya ang buhay at angbuhay ang siyang ilaw ng sangkatauhan.

Sabi ni Jesus tungkol sa kanyang sarili:

Juan 8 :12. Ako ang ilaw ngsanlibutan. Ang sumusunod saakin ay magkakaroon ng ilawna nagbibigay-buhay, at di nalalakad sa kadiliman."

Juan 9 :5. "Habang ako'y nasasanlibutan, ako ang ilaw ngsanlibutan."

Hindi dapat ípagtaka ng mga tao r.a mapa-kinggang tinukoy ni Jesus na Siya ang ilaw ngsanlibutan. Hinulaan ni propeta Isaias na da-rating ang Mesias bilang Ilaw ng" Diyos.Binanggit ni Mateo ang hulang ito sa Matan-dang Tipan at sinabing naganap kay Jesus: .

Mateo 4 :16. Itong bayang nag-apuhap sagitna ng kadiliman sa wakas ay nakakita ngmaningning niyang ilaw. Liwanag na taglaynito'y siya ngayong tumatanglaw sa lahatng nalugami sa lilim ng kamatayan!

Page 5: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si Jesus Ang Ilaw Ng Sanlibutan 103

Si Jesus, ang ilaw, ay nagtataboy sa kadili-. man. Ang presencia Niya sa puso ang nagta-

taboy ng kasalanan, kasamaan., takot, at poot.Ang Kanyang ilaw ay naghahatid ng pag-asakatiyakan, kaaliwan, at kalakasan sa kaluluwa.

Ang Gagawin Mo

4. Anong talata ang nagsasabing angDiyos ay ilaw? .Isaulo mo ito.

5. Sino ang nagsabi, "Ako ang ilaw ngsanlibutan. . .

6. Isaulo ang Juan 8: 12, Ano angsinabi ni Jesus na kakamtan natinkung tayo'y susunod sa kanya?

Likas ng Daw

Ang Daw ay Nagtataboy sa kadiliman

Awit 27:1. Ang Panginoon ay aking líwa-naz; at aking kaligtasan: kanino ako mata-takot? Ang Panginoon ay katibayan ng-aking buhay: kanino ako masisindak?

Page 6: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

104 Sino.Ji Jesus

l'l; Makapangyarihan ang ilaw kay-

_': ~ sa kadiliman. "Lahat man ng''/. 7. :: kadilíman sa sanlibutan ay di

makapapatay sa ilaw ng isangkandila." Kung si Jesus ay

:- - nasa iyo, ang kapangyarihan ngkasamaan sa paligid, at ang madidilim na kara-nasan ng buhay ay hindi makatatakip Sa Kan-yang ilaw. Isang babaing Cristiano ang mata-gal nang maysakit at di makabangon gayun-ma'y lagi siyang masayahin. Nang tanunginkung paano siya nagiging masaya gayong diman makalabas upang masdan ang araw,ganito ang sagot niya. "Madilim ang akingsilid nguni't ang Anak ng Diyos ay nasa pusoko" Si Jesus ang pinagmumulan ng panloobniyang ilaw na nagtataboy sa kalungkutan.Binabaha Niya ang kanyang kaluluwa sa liwa-nag ng araw.

Juan 1 :5. Nagliliwanag sa kadiliman angilaw, a t hindi ito kailanman nagapi ngkadiliman.Mikas 7 :8. Pagka ako'y naupo sa kadiliman,"''lg Panginoon ang magiging ilaw sa akin.

Ang Gagawin Mol . Ano ang magtataboy sa takot,

kasamaan, kasalanan, poot, pagda-ramdam sa puso ng tao?.... a) mag-isip ng positibo.... b) sundin ang tuntunin sa was-

tong pag-iisip,.... k) ang pananahanan ni J esus sa

buhay8. Isipin 11I0: Kailangan mo ba si Jesus

upang itaboy ang anumang kadili-man sa iyong buhay? Mayroon kabang panloob na ilaw na naglili-wanag kahit may paghihirap osuliranin kang dinaranas?

Page 7: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si Jesus Ang Ilaw Ng Sanlibutan 105

Ang Daw ay naghahayag

Dahil sa ilaw, nakikitanatin ang mga bagay.Ang tanging p a r a a nupang ating maalamanang espirituwal na ka-totohanan ay sa pama-magitan ng espirituwalna ilaw na nanggagaling sa Diyos. Matatag-puan natin ang ilaw na ito sa Salita ng Diyos- ang Biblia at sa buhay na Salita ng Diyos- si Jesu-Cristo. Si Jesus ang naghahayag atnagbíbígay-kahuluzan sa buhay. TinutulunganNiya tayong maunawaan ang Salita ng Diyosat ipinakikita sa atin ang daan tungo sa Diyos.Siya· mismo ang daan.

Juan 14 :6. Sumagot si Jesus. "Ako ang daan,ang katotohanan, at ang buhay. Walangmakapupunta sa Ama kundi sa pamamagitanko."Tinutulungan tayo ni Jesus na makita ang

tunay nating katayuan. Sa Kanyang sakdal nabuhay at mga turo, tayo'y napakalayo upangmakaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Naki-kita natin ang ating mga kasalanan kapalaluan,pagka-makasarili, at kubling mga motibo. Ipi-nakikita sa atin ni Jesus na kailangan natinang kapatawaran at bagong buhay na iniaalokNiya sa atin.

Ipinakikita sa atin ni Jesus ang katangianng Diyos at kung paano Niya matutugunan angating mga pangangailangan. Ibinabadya niJesus ang pag-ibig ng Diyos, pagpapahinuhodsa atin, at paghahanda ng paraan ng atingkaligtasan. Ipinakikita Niya kung paano na-tin tanggapin ang Diyos sa ating buhay at ma-síyahang lagi sa kanyang liwanag.

Page 8: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

106

2 Corinto 4 :6. Ang Diyos na nagsabi, "MulaBa karimlan ay sisUang ang liwanag," aysiya ring nagbigay-liwanag sa aming mgaisip upang makilala ang kadakilaan ng Diyosna nahahayag sa mukha ni Cristo.

Hebreo l :3. Ang Anak ang maningmng nasinag ng Diyos sapagkat kung ano ang Diyosay gayon din ang Anak.

Ang Gagawin'Mo

9. Sabihin ang dalawang lugar nakatatagpuan natin ng katotohanantungkol sa ating sarili, st' Diyos at sabuhay.

a) .b)

10. Isaulo ang 2 Corinto 4: 6.

11. Sa 2 Corinto 4:6, saan nagliliwanagang kaningningan ng Diyos? .....

12. Saan pinasisikat ng Diyos angkanyang ilaw upang mahatdan tayong liwanag ng kaalaman tungkolsa kadakilaan ng Diyos? .

13. Sa Hebreo l :3, anong ilaw angtaglay ni Jesus sa Kanyang paglili-wanag? .

14. Isipin mo: Ibig mo bang mamasdanang kaningningan ng Diyos sa I

mukha ni Jesu-Cristo?

Page 9: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si JeJlUlJ Ang Ilaw Ng Sanlibutan 107

An~ Ilaw ay lakas

Ang Ilaw ay maningning nalakas. Nadaragdagan ang natu-tutuhan ng mga siyentipikotungkol sa lakas na galing saaraw. Napakabisa nito at maga-gamit ng mga tao. Magagamitito upang magpainit sa mga tahanan' at mag-paandar ng mga makinarya. Ngunit ang pina-kamahalaga'y ang nagagawa nito sa buhay atralusugan. Maraming halaman ang di tutubosa lilim. Pinapatay ng sinag-araw ang mara-ming mikrobyo at nakatutulong sa ating;...Jusuzan at kalakasan. Isipin mo kung wa-lang araw sa ibabaw ng lupa. Walang init.Walang buhay. Walang lakas na magpapanatilírito sa pag-inog. Ang lupa ay magiging- bolangi1ado sa madilim na kalawakan, pabulusok sa.kapahamakan.

Kung paanong ang ara v.' aymahalaga sa lupa, si Jesus naAraw ng Katuwiran ay atingkailangan. Naghahatid Siya ngbuhay, init. kalusugan, lakas, atkapangyarihan, sa mga tuma-tanggap sa Kanya. Ang kanyang~_\

kapangyarihan ang umaakay sa atin sa tamanglandas. Pinagagaling Niya ang ating katawanat espiritu. Ang ilaw na nagbibigay-buhay nadulot ni Jesus ay malakas kaysa kamatayan.Gaya ng halamang umuusbong at sumasalubongsa sinag-araw; ang patay na sumunod kay Jesusay babangon sa libingan, taglay ang bagongkatawan at sasalubong sa Kanya kung bumalikna Siya rito sa lupa.

Malakias 4 :2. Ngunit sa inyo na nangata-takot sa aking pangalan ay sisikat ang Araw

Page 10: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

108 . Sino si J~UI

ng-katuwiran na may kagalingan sa kanyangmga pakpak.

Ang Gagawin Mo

15. Ano ang tawag kay Jesus sa Malakias4: l? .

16. Isipin mo: Paano inihahambing angtaong wala kay J esus sa lupangwalang araw? May kakilala ka bangganyan? Kung gayon, pa tulong kasa Diyos para makilala niya si Jesus.

Ang ilaw ay para sa lahat, saanman. Kungpaanong pagsikat ng araw sa burol at sa patag,sa mayaman at sa mahirap, sa matalino at samangmang; gayon nagliliwanag si Jesus sabuong sanlibutan, sa mabubuti at sa masasama.May nag-aakalang para sa kanilang bansalamang ang Tagapagligtas. Ngunit nililinawng Diyos na ang Kanyang ilaw ng pa::,liligtasay para sa buong sanlibutan.

\ \ I / /Juan l :9. Ang tunay ~ V '\ G 'r /na ilaw. na turnateng- ~ <1 ~law sa lahat ng tao, ay '1::< "1/'dumarating sa sanlí- -- JESUS '$.-butan.Lucas l :78,79. Sapagka't lubhang mahaba-gin ang ating Diyos; magbubukang-liway-way sa atin ang araw ng kaligtasan upangmagbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman atnasa lilim ng kamatayan. At patnubayan tayotungo sa daan ng kapayapaan.

Page 11: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si Jesu» Ang Ilaw Ng Sanlibutan 109

Isang lalaking bulag ang nasa tabing-daan atnamamalimos. Narinig niyang marami angdumarating. Nalaman niya na daraan si Jesus,kasama ng karamihan. Nabalitaan nang bulagna si Jesus ay nagpapagaling. Sumigaw siya,"Jesus, Anak ni David! Maawa ka sa akin!"Sinaway siya ng mga tao at pinatahimik. Hindinila ínakalang may panahon si Jesus na tu-lungan ang pulubi. Ngunit may panahon ngasi Jesus na tumulong sa sinumang napasasak-lolo. Patuloy na tumawag ang bulag. Tumigilsi Jesus, pinalapit ang pulubi. Ito'y pinagalingni Jesus.

Lucas 18 :43. Noon di'y nakakita siya atsumunod kay Jesus, at nagpasalamat saDiyos.Nagkaroon ng panibagong kahulugan ang

buhay para sa pulubing nakakilala kay Jesus.Naging araw ang dating kadiliman. Hindimahalaga kung ano ang nakaraan, na siya'ynamamalimos at kumakapa sa dilim. Ngayon,siya'y lumalakad sa liwanag - hindi na bulagna pulubi kundi tagasunod ni Jesus, ang Ilawng sanlibutan!

Page 12: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

110 Sino si Jesus

Ang Gagawin Mo

17. Sa Juan 8:12, sinasabing si Jesus aynaparito bilang.... a) Ilaw para sa Kanyang bayan

. laniang.... b) Araw ng katuwiran.... k) Ilaw ng sanlibutan

18. Nang maganap ang Lucas 1:78-79,pinapangyari ng Diyos na mag-bukang-liwaway ang kaligtasan sa

at mula sa langit ay liwanagan ang••••••••••• 0 •••••• ng nasa

madilim na anino ng kamatayan.Basahin uli ang Lucas 1:78-, 79 atilagay sa puwang ang iyong panga-lan. .

19. Isipin mo: Paanong nabago angbuhay ng pulubi matapos tumawagkay Jesus 'ng ito'y masalubong?Paano babaguhin ni Jesus ang iyongbuhay? May mga tao ba sa paligidmo na nangangailangan kay Jesus?Inilalapit mo ba sila sa kanya ohinahayaan lamang?

Pagtugon sa Ilaw

Pantanggi

May mza taong ayaw kay Jesus at tuma-tangging tanggapin ang Kanyang Ilaw. Ibig-nilang- mamuhay ayon sa ibig' nila. Ayaw nilanggawin ang ipinagagawa ni Jesus. Nang' naritosa lupa si Jesus, may mga namuhi sa Kanyapagkat ang Kanyang turo ay nagpakitangsila'y mga makasalanan. Ibig nilang patayinang ilaw, patayin si Jesus. Nilabanan nila

Page 13: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si JesU6 Ang Ilaw Ng Sanlibutan 111

ang ebanghelyo. Ipinabatid ni Jesus sa kanilana Siya ang nagdala ng kaligtasan para sabawat isa. Sinumang tatanggap sa Kanya aymaliligtas. Ngunit yaong tumatanggi sa kan-yang ilaw ay humahatol sa kanilang sarili namamuhay at mamatay sa kadiliman.

Juan 3:19,20. Hinatulan sila sapagkat napa-rito sa sanlibutan aug ilaw, ngunit inibig pang mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapag-kat masama ang kanilang mga gawa. Anggumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, athindi lumalapit dito upang hindi mahayagang kanyang mga gawa.

Ang Gagawm Mo

20 Isipin Mo: May kilala ka bangtumanggi kay Jesus? Bakit kaya?Ano ang mangyayari sa kanila?Magbago kaya sila ng isip kungmakilala nilang higit si Jesusito ba'y pagtanggi? Mapanganibba ito? Ano kaya ang nadarama ngng Diyos pagkakita sa mga tuma-tanggi sa kaligtasang iniaalokNiya sa pamamagitan ni Jesus?

Page 14: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

112 Sino.si Je$lU

Pagtanggap

Ipinangako ni Jesus, "Sinumang sumusunodsa Akin ay magkakaroon ng ilaw ng buhay."Ito ang karanasan ng pagkakamit at patuloyna pagkakamit. Si Jesus ang ilaw. Ang mag-kamit sa Kanya ay may ilaw ng buhay at lahatng biyayang kaugnay nito. Ang pagkakaroonng ilaw ay higit sa pagkakamit ng kaalaman,kapangyarihan, at ng relihiyon. Higit ito kay-

-sa pagkabatíd ng tungkol kay Jesus o sa Kan-yang turo. Ito'y pag-aangkín kay Jesus bilangnagniningning, nagpapalakas, nakikitang lakassa iyong buhay.

Ang sabi ni Jesus, "Si-numang sumusunod saakin." Para makamtanang ilaw ng Diyos, tayo'ysumunod kay Jesus, ma-muhay sa Kanyang ka-

- totohanan. Nagpapaha-yag ang Diyos doon

~ sa nakalaang tumanggapng katotohanan at han-

<, daÍ1g sumunod sa Kanya.Araw-araw, tayo'y pina-patnubayan Niya.

l Juan l :7. Ngunit kung namumuhay tayosa liwanag, kung paanong siya'y nasa liwa-nag, tayoy' nagkakaisa at nililinis ng dugoni Jesus na kanyang Anak sa lahat ng atingkasalanan.

Kawikaân .. :18. Ang landas ng matuwid ayparang maliyab na liwanag na sumísilangnang higit at higit sa sakdal na araw.

Page 15: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

Si Jesu» AIII Ilaw Ng SanlibuúJn 113

Ibig mo bang sumunod kay Jesus at magka-roon ng ilaw ng buhay 1 Tanggapin mo Siyasa bawat bahagi ng iyong buhay ngayon.Bayaan mong itaboy ng Kanyang maningningna pakikisama ang lahat ng kadiliman. Sundanang Kanyang ilaw at ibahagi sa iba. .ISukomo sa Kanya ang iyong buhay upang mapus-pos Niya ng Kanyang ilaw.

Panalangín! Jesus, puma-sok ka sa buhay ko.Alisin mo ang kadilimanng aking mga kasalananat kinatatakutan. Ba-guhin mo ako ayon saibig Mo. Paningning1nmo ako ng Iyong liwa-nag. Tulungan m o n gmasunod Kita bawa'taraw. Salamat sa IyongUaw.

Ang Gagawin Mo

21. Isaulo ang l Juan 1:7. Ano angginagawa sa atin ng dugo ni Jesuskung namumuhay tayo sa liwanag?

22. Kung hindi mo pa tinatanggap siJesus, gawin mo na ngayon. Maga-gamit mo ang panalanging narito omanalangin ka ng sarili mo. Kungtinanggap mo na Siya, pasalamatanSiya dahil sa Kanyang ilaw. Patu-long sa Kanya na makalakad saliwanag at patulong na. maibahagiito sa iba.

Markahan ang iyong mga sagot.

Page 16: Sino Si Jesus - GlobalReach.orgtagalog.globalreach.org/tagalog/images/L3130ta_L06.pdf · mong mauunawaan kung bakit ginagamit ng Biblia ang kadiliman bilang sagisag ng kasa-maan,

114 Sino.si Jesu»

Ika-B na Aralin - Mga Sagot

Ang mga tanong sa araling ito'y nangangailanganng 24 na sagot. Napakahusay ang antas ng 22 hang-gang 24 na tama; ]8 hanggang 21, mabuti; 13 hang-gang 17 katam taman. Kung wala pang 13 ang tama,basahing muli ang aralin.

1. b) Kawalan ng ilaw2. k) Kasalanang naghiwalay sa tao mula sa Diyos.3. Kadiliman: kamatayan, kasamaan, poot, kama-

lian .. Ilaw: buhay, galak, mabuti, pag-ibig, katoto-

hanan.4. 1 Juan 1 :5.5. Jesus.6. Ilaw ng buhay.7. k) ang pananahanan niJesus sa buhay.9. a) Ang Biblia; b) si Jesus

11. Sa mukha ni Cristo.12. Sa ating puso.13. Ang kaningningan ng Diyos.IS. Araw ng katuwiran.1-7_ 'k) .Ilaw ng sanlibutan.']i. atin, laha t~l~. ~l~~~;ayo sa lahat ng ating kasalanan.

, . :;: ..

Bilang n'8 mga tamang sagot Antas .