21

Sim paghahanda tungo sa pagsasarili

Embed Size (px)

Citation preview

Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa ng

Pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa mga Pilipino ng kapangyarihang mamamahala

BEC-PELC II.C.1

Guide Card

Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunongPilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ngmga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga angkanilang mga pagsisikap – ang makapagtaguyod ng batas pangkalayaan

Hangarin ng nga Americano na sanayin ang mga Pilipino sa pagsasarili. Sa pagsasakatuparan nito, isinagawa nang dahan-dahan ang mga hakbang tulad ng pag pili ng mga Pilipinong may talino at kakayahang humawak ng mga tungkulin sa pamahalaan. Ang kongreso ng Estados Unidos ay nag patibay ng iba’t ibang mga batas na magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na humawak ng mataas na katungkulan sa pamahalaan.

Tatalakayin dito ang mga ginawa ng mga pinunongPilipino, upang makamit ang kalayaan mula sa mananakop na Amerikano. Isinulong ngmga pinunong Pilipino ang mahinahong paraan sa halip na dahas. Nagsagawa ng mgamisyon para sa kalayaan dito sa Pilipinas at sa Amerika, hanggang sa magbunga angkanilang mga pagsisikap – ang

Magandang Hapon sa inyo mga bata !!!

Bago nating nakamit ang Pamamahala sa ating sariling bansa maraming mga hakbang na ginawa ang ating Pamahalaan para sa unti-unting paglilipat sa Pilipino ng kapangyarihang mamahala.

Ang batas na ito ay inakda ni Kinatawan Henry Allen Cooper kayat tinawag ding “ Batas Cooper”. Pinagtibay noong 1902. Ito ang nagkaloob ng karapatan sa mga Pilipino at nagsilbing Batas Organiko ng Pilipinas. Ang pinakamahalagang tadhana ng batas na ito ay ang paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas na may dalawang kapulungan. Ang Komisyon ng Pilipinas ang magiging mataas na kapulungan at ang Asembleya ng Pilipinas ang magiging mababang kapulungan na bubuin ng mga kinatawan na inihala ng mga taong bayan.

Alinsunod sa mga tadhana ng Batas Cooper. Idinaos ang halalan para sa asembleya noong Hulyo 1907. Ipinagkaloob ng mga mamayanan sa Partido Nacionalista ang malaking suporta at pagtitiwala. Sa 80 puwesto sa Asembleya, 59 ang nakuha ng mga Nacionalista, 16 sa mga Progresibo at 5 sa nga independiente .

Noong ika-3 Octubre 1916 nagkaroon ng halalan para sa Lehislatura ng Pilipinas. Sa halalang ito karamihan sa mga nagwagi ay mula sa Partido Nacionalista. Pormal na binuksan ang pulong ng Lehislatura noong Ocktubre 16, 1916. Si Manuel L. Quezon ang nahalal ng pangulo ng Senado at si Sergio Osmena naman ang nagging Ispiker ng kapulungan ng mga Kinatawan.

Naging patakaran ng mga Amerikano na maglagay ng mga Pilipinong may kakayahan sa mga tungkulin sa pamamahalaan. Ginawa ito upang masanay at maihanda sa mga Pilipino na mamahala ng sariling pamahalaan. Ang patakarang ito ay tinawag na Pilipinisasyon.Nang mahirang si Gobernador Francis Burton Harrison, isang Amerikanong may liberal na kaisipan, Lalong dumami ang mga Pilipinong nahirang sa pamahalaan. Lumiit namn ang bilang ng mga Amerikano sa pamahalaan. Bago natapos sa panunungkulan si Harrison mayroon lamang 614 Amerikano na nag lilingkod sa pamahalaan. Ang bilang ng mga pilipinong nasa pamahalaan ay umabot na sa 13,240. Dahil ditonapamahal sa mga Pilipino si Francis Burton Harrison. Bilang pasasalamat ay ginawaran siya ng pagkamamamayang Pilipino ng Lehislatura ng Pilipinas.

Bagamat wala sa tadhana ng Batas Jones, lumikha si Gobernador Francis Burton Harrison ng Sanggunian ng Estado alinsunod sa mungkahi ni Sergio Osmena. Ang sanggunian ay binubuo ng gobernador sibil, kalihim ng mga kagawaran , Ispiker ng Mababang Kapulungan at ang Pangulo ng Senado. Tungkulin nito na magpayo sa gobernador sibil ukol sa pamamalakad ng bansa. Dahil dito, nagkaroon nang higit na partisipasyon ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa.

Ang paghahangad ng mga Pilipino na lumaya ay hindi namatay nang isuko ang kanilang laban sa mga Amerikano. Pinatunayan ito ng mga pagkakapanalo ng mga Nacionalista sa Asembleya at sa Lehislatura ng Pilipinas. Dahil dito, lumikha ang lehislatura ng Komisyon sa Pagsasarili upang mangampanya sa Kongreso ng Amerika na bumuo ng batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Maraming ipinadalang misyon ngunit walang nangyari. Subalit nanatiling tapat ang mga Pilipino sa pag -asa na sila’y magiging Malaya balang araw.

Noong 1931 nagpadala si Manuel L. Quezon ng isa pang misyon sa Estados Unidos. Tinawang itong Misyong OS-ROX dahil pinamumunuan ito nina Sergio Osmena at Manuel Roxas. Dahil sa kanilang pagsisikap, pinagtibay ng Kongreso ng Amerika noong 1932 ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Itinatadhana nito ang pagtatatag ng sampung taong pamahalaang Komonwelt at pagkatapos ay ipagkakaloob ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit hindi ito pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas dahil maraming tadhana nahindi ayon sa interes ng mga Pilipino.

Nang hindi maaprubahan ang Batas-Hare-Hawes-Cutting, tumulak si Manuel L Quezon sa Washington DC. Dahil sa maganda niyang talumpati sa Kongreso ng Amerika, Nahikayat niyang Bumuo muli ng isang batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito ay isinulat ni Senador Tydings at Congresman McDuffie. Ang batas ay nilagdaan nina Pangulong Franklin Roosevelt noong Marso 24, 1934. Ito ay pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas noong mayo 1 1934.

Gawain 1

1. _______________ 2. _______________ 3.___________________

4. _____________ 5___________

Handa na ba kayo sa ating Gawain ,Una….. kilalanin ang mga nasa larawan .Sila ang mga nagtaguyod ng kalayaan ng ating bansa sa Panahon ng Amerikano.

Gawain 2

Mga Hakbang sa paghahanda sa

pagsasarili

1

23

4

Ngayon kilala n’yo na ang mga taong may malaking naiaambag tungo sa pamamahala sa ating sariling bansa Isa-isahin nating isulat ang mga hakbang sa paghahanda sa

3

Gawain 3

_ _________1. Ito ay itinatag bilang paghahanda sa pagsasarili.

_______________________2. Ang nagsilbing mataas na kapulungan ng

asamblea ng Pilipinas.

_______________________3. Ang batas na ito’y nagsasaad ng pagkilala sa kalayaan ng pilipinas kung ito’y mayroong nang matatag na pamahalaan.

_______________________4. Misyong pangkalayaan kinatawan nina

Sergio Osmena at Manuel Roxas.

_______________________5. Ito ang batas na pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt na sinunod sa pagbibigay ng kalayaan.

Isulat sa patlang kung ano ang tinutukoy……

Gawain 4

Hanay A Hanay B

___1. Pinuno ng Unang Komisyon. A. Gregorio Araneta

___2. Unang Amerikanong gobernador sibil. B. Cayetano Arellano

___3. Liberal na gobernador sibil. C. F.B Harrison

___4. Unang Pangulo ng Senado ng Pilipinas. D. Sergio Osmena

___5. Unang Ispiker ng Asembleya ng Pilipinas. E. Manuel L. Quezon

___6. UnangPilipinong Punong Hukom ng F. Jacob Schurman

Iugnay ang Hanay A sa Hanay B…………

Korte Suprema

___7. Unang Kalihim ng Pananalapi G. William H. Taft

Gawain 5

___ Nagpadala si Pangulong McKinley ng Unang Komisyon sa Pilipinas.

___ Nagtatag ang mga Amerikano ng Pamahalaang Militar

___ Pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang Batas Cooper noong 1902.

___ Itinatag ang pamahalaang Sibil alinsunod sa Susog spooner

___ Nagpadala si Quezon ng mga misyong pangkalayaan sa Amerika.

___ Naitatag ang Asembleya ng Pilipinas batay sa tadhana ng Batas Cooper.

___ Pinagtibay ni Pangulong Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie.

Bago tayo matapos sa ating Gawain pag sunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 1 hanggang 8 sa

___ Naitatag ang Lehislatura ng Pilipinas alinsunod sa Batas Jones 1916.

Gawain 6

Pilipinas Handa ka na nga bang

Assessment Card

1. Mithiin ng mga Pilipino na makapagtatag ng sariling Pamahalaan, Dahil

Isulat ang tamang sagot

dito gumawa ng mga hakbang ang Pamahalaan ukol ditto. Ano ang kanilang ginawa?

A. Nagsagawa ng mga misyon at batas pangkalayaan ang mga Pilipino.B. Nagsagawa ng mga dahas na pamamaraan ang mga Pilipino.C. Pumili ng mga namumunong magagaling para mamuno sa pakikipaglaban.D. Humiling ng kalayaan ng may kapalit.

2. Kailan pinasinayaan ang asamblea ng Pilipinas?A. Agosto 15. 1902B. C. Oktubre 16, 1907C. Oktubre 27, 1906D. D. may 1, 1934

3. Ang Misyong Os-Rox ay pinamunuan ni Osmena T Roxas. Ano ang layunin nito?A. Hilingin ang batas ng Pilipinas. C. Magkaroon ng kinatawan ng Pilipinas.B. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas. D. Magkaroon ng pagmamayari ng Pilipinas.

4. Ang Batas Tydings Mcduffie ay isa sa mga hakbang ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan.. Ano ang isinasaad nito?

A. Batas na nagtatadhana para magbigay ng kasarinlan ng Pilipinas.B. Batas para maibigay ang kalayaan ng Amerikano.C. Baas para ipagbawal ang paggamit ng Ingles.D. Batas para sa paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.

5. Ito ang unang batas na ginawa ng kongreso ng Estados Unidos patungkol sa Pilipinas at kilala rin bilang Cooper Act. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy ditto?

A. Batas JonesB. Batas Tydings McduffieC. Asamblea ng Pilipinas

D. Batas Pilipinas ng 1902

Enrichment Activity

Tandaan!

Sa panahon ng mga Amerikano pinairal nila ang patakarang nakabatay sa Layunin ng Amerika na maipakilala ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas

Sa pagsisikap ng mga Pilipino , ang Kongreso ng Amerika ay gumawa at ngapatibay ng batas na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na mamuno sa pamahalaan bilang pahahanda sa kanilang pagsasarili.Ang batas na ito ay Batas Cooper, Batas Jones, Batas Hare-Hawes-Cutting at Batas Tydings Mc Duffie

Naging mahalaga ang Batas Jones sa proseso ng pagsasarili ng Pilipinas. Naging daan ito upang maitatag ang isang lupong kumakatawan sa mga Pilipino na ang batas ay maka-Pilipino

Ang pagtatalaga ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga tanggapan ay dulot ng pagpapatupad ni Gobernador Francis Burton Harrison nang siya ay nanungkulan . Tinawag itong Pilipinasyon

Hindi nawala ang paghahangad ng kasarinlan ng mga Pilipino sapagkat isinulong nila ito sa pamamaraang demokratiko. Bahagi sila sa paglikha ng isang demokratikong pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa at pagsubaybay ng mga Amerikano.

Reference Card

Malayang PilipinoRowena R. Tecson:Noel M. Menor

Magandang PilipinasLydia C. Dela CruzLilia B. Lising

Ang Kasaysayang PilipinoAlvenia P. Palu-ay

Ginawa nina:

Ma. Doleres P. RavaraPasig Elem. School Rosalie A. Pasco

Sagad Elem .School

Susi sa Pagwawasto

Magaling mga bata…Hanggang sa susunod na Aralin… Mabuhay!!!

Gawain 1 Gawain 21. Manuel A. Roxas Batas Jones2. Sergio Osmena Asamblea ng Pilipinas3. Manuel Roxas Batas Tydings-Mc. Duffie4. Franklin Roosevelt Batas Hare-Hawes-Cutting5. Francis Burton Harrison

Gawain 3 Gawain 4

1. Asamblea ng Pilipinas 1. F2. Komisyon ng Pilipinas 2. G3. Batas Jones 3. C4. Misyong Os-Rox 4. E5. Batas Tydings Mc. Duffie 5. D

6. B 7. A

Gawain 5

2,1,4,3,7,5,8,6,

Assessment

1. A2. B3. B4. A5. D

Division of Pasig CitySchool District I Pasig I

Ginawa nina :

MA.DOLORES P. RAVARAROSALIE A. PASCO