Sampung Utos Para Sa Kapayapaan Ng Isip

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sampung Utos Para sa Kapayapaan ng Isip

Citation preview

Sampung Utos Para sa Kapayapaan ng Isip1. Huwag Makialam sa Gawain ng Iba kung Hindi KinakailanganKadalasan tayong nakakagawa ng ating problema sa pamamagitan ng madalas na pakikialam sa ibang tao. Ginagawa natin ito dahil kinukumbinsi ang ating sarili na ang paraan natin ang pinakamabisang paraan, na ang pag-iisip natin ang perpekto, at ang hindi sumang-ayon sa atin ay kinakailangang punahin at gabayan sa tamang direksyon- at ito ang direksyon natin.Ang ganitong pag uugali ay kinakailangan ang presensya ng isang tao at kasunod nito ang presensya ng Diyos, dahil nilikha ang bawat sa atin ng Diyos sa espesyal na paraaan. Lahat ng lalaki at babae ay gumagawa ayon sa kanilang kakayahan dahil inoobliga sila ayon sa nararapat sa kanila. Mayroong Diyos na titingin pagkatapos ng lahat. Bakit ka naguguluhan? May sarili akong pag iisip sa ganun ay magkakaroon ka ng kapayapaan.2. Makalimot at MagpatawadIto ang pinakamakapangyarihan para magkaroon ng kapayapaan ng isip. Kadalasan tayong nagtatanim ng sama ng loob sa taong nang insult o nanakit sa atin. Pinapalaki natin ang ating hinanakit na nagreresulta ng kulang sa tulog, pagkakaroon ng sakit sa tiyan, pagtaas ng presyon ng dugo at iba pang mga sakit na kinikimkim natin sa ating kalooban. Nakakalimutan natin na ang insult o sakit ay ginawa sa atin minsan lamang pero habang tumatagal nagtatanim tayo ng sama ng loob sa ating puso. Kaya mahalagang tayo ay magpatawad at makalimot. Maniwala sa hustisya ng Panginoon at sa Karma. Hayaan nating ang Diyos ang maghusga sa nanakit sa atin. Napakaikli ng buhay para sayangin sa mga walang kwentang bagay. Makalimot, magpatawad at ipagpatuloy ang buhay.3. Huwag Maghangad ng PapuriAng mundo ay puno ng makasariling mga tao. Minsan lamang silang humanga sa tao na walang makasariling motibo. Hahangaan ka nila ngayon dahil ikaw ay mayaman at may kapangyarihan at kapag wala ka ng kapangyarihan, makakalimutan na nila ang mga ginawa mo at mag uumpisa ng punahin ka.Ang mga tao ay mortal at may mga kapintasan. Walang taong perpekto. Bakit mo papahalagahan ang mga sinasabing papuri ng taong kagaya mo? Bakit ka maghahangad ng ganoong klaseng papuri kung mawawala ang kapayapaan ng iyong pag iisip?Maniwala ka sa iyong sarili. Ang pagsamba ng tao ay hindi nagtatagal at hindi mahalaga. Gawin mo ang iyong responsibilidad na bukal sa iyong kalooban at hayaan mo ang lahat sa Panginoon.4. Huwag MainggitLahat tayo ay may karanasan kung paanong ang inggit ay nakakagambala sa kapayapaan ng ating pag iisip. Alam mong mas masipag kang magtrabaho kaysa sa mga katrabaho mo sa opisina, pero sila pa ang mas nabibigyan ng promosyon at ikaw ay hindi. Mas matagal ka ng nagsimula ng iyong negosyo pero hindi ka matagumpay kumpara sa mga taong ang negosyo ay isang taon pa lamang. Maraming halimbawa kagaya nito sa ating buhay. Dapat ka bang mainggit?Hindi, tandaan na ang buhay natin ay naaayon sa nakaraang karma at ngayon ito na ang iyong tadhana. Kung ito na ang iyong Kapalaran, wala ng makatutulong saiyo. Walang mangyayari sa paninisi ng iba sa iyong pagkakamali. Ang inggit ay walang patutunguhan at ito ay walang mabuting maidudulot saiyo.5. Baguhin Mo ang Iyong Sarili Ayon sa KapaligiranKung susubukan mong baguhin ang iyong kapaligiran ng mag isa, maaari kang hindi magtagumpay. Bagkus, baguhin mo ang iyong sarili para umayon sa kapaligiran. Kapag nagawa mo ito, kahit na ang kapaligiran na hindi nagging mabuti sa iyo ay katakatakang magkakasundo at magkakatugma.6. Tiisin ang Hindi Kayang GamutinIto ang pinakamabisang paraan para ang walang magandang maidudulot ay magkaroon ng kabuluhan. Araw-araw ay humaharap tayo sa maraming problema, sakit, bagabag, mga aksidente na hindi natin kontrolado. Dapat tayong matutong sumabay dito. Dapat tayong matutong tiisin ito ng may kasiyahanKagustuhan ito ng Diyos, kaya dapat itong masunod. Ang pag iisip ng Diyos ay nasa likod ng ating pang unawa. Maniwala at magkaroon ng pasensya, magkaroon ng pananalig sa kagustuhan ng Panginoon.7. Huwag Mong Kagatin ang Hindi Mo Kayang NguyainAng kasabihang ito ay dapat tandaan. Kadalasan tayong tumatanggap ng responsibilidad kahit hindi natin ito kaya. Ginagawa natin ito dahil sa ating kapalaluan. Alamin mo ang iyong limitasyon. Bakit ka tatanggap ng mga responsibilidad kung marami ka namang aalalahanin? Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan ng pag iisip sa pamamagitan ng panlabas na mga Gawain. Kung mayroon kang libreng oras, gamitin ito sa pagdarasal, pagsisiyasat ng sarili at pagninilay-nilay. Ito ay makakabawas ng mga alalahanin. Mas kaunting iniisip, Mas magkakaroon ng kapayapaan ng pag iisip.8. Magnilay-nilay ng MadalasAng pagninilay-nilay ay mas magkakaroon ng kunting alalahanin. Ito ang pinakamataas na estado ng pagkakaroon ng kapayapaan ng pag iisip. Subukan at gawin ito. Kapag ikaw ay nagnilay-nilay ng seryoso, magkakaroon ka ng kalahating kapayapaan ng isip. Subukan at gawin ito. Kapag ikaw ay seryosong nagnilay-nilay ng kalahating oras araw-araw, magiging kalmado ka sa natitirang dalawamput tatlo at kalahating oras. Ang isip mo ay hindi magagambala kagaya ng nauna. Dapat mong dagdagan ang oras ng iyong pagninilay-nilay. Iisipin mong makakasagabal ito sa araw-araw mong ginagawa. Sa kabaliktaran, itoy makadaragdag ng iyong bilis at makakapagtrabaho ka ng mas marami sa kaunting oras.9. Huwag Mong Hayaang Mabakante ang Iyong IsipAng walang iniisip ay hindi magandang Gawain. Ang lahat ng masamang gawain ay nagsisimula sa isip. Hayaan mong mag isip ka ng positibo, ng kapakipakinabang. Magkaroon ka ng pagkakaabalahan kagaya ng pagsilbi sa komunidad o sa Simbahan na kahit walang bayad ay magkakaroon ka naman ng kasiyahan at kaginhawaan. Kahit na wala kang ginagawa sa pisikal na aspeto, abalahin mo ang iyong sarili sa pagbabasa o pagiging malapit sa Diyos.10. Huwag Ipagpaliban at Huwag MagsisiHuwag mong sayangin ang iyong oras sa pag aalala ng Dapat ba o hindi dapat? Ang araw , lingo, buwan at taon ay maaaring masayang sa ganyang uri ng pag iisip. Hindi mo maaaring planuhing lahat dahil hindi mo alam ang mga mangyayari. Lagi mong tandaan na ang Diyos ay palaging may plano. Pahalagahan mo ang iyong oras at gumawa ng mga gawain. Hindi mahalaga kung hindi ka magtagumpay sa una. Maaari kang matuto sa iyong pagkakamali at magtagumpay sa susunod. Ang pag upo at pag aalala ay walang magandang maidudulot, Matuto ka sa iyong pagkakamali subalit huwag ng balikan ang nakaraan. HUWAG KANG MAGSISI! Kung anumang mangyari ay nakatadhanang mangyari. Isipin mong itoy kagustuhan ng Diyos. Wala kang kapangyarihang baguhin ang kagustuhan ng Diyos. Kaya bakit ka iiyak sa natapong gatas?

Sana ay tulungan ka ng Diyos at ng mundo na magkaroon ng kapayapaan ng pag iisip.Bicol State College of Applied Science and TechnologyCollege of EducationS/Y 2014-2015

PaghahandasaFilipino 3

Catherine Q. RoblesBEED 2A

Elsa E. Durante, PhDPropesor