15
Layunin: • Nakapagpapahayag nang wastong paghahambing sa tulong ng mga kaantasan ng pang-uri • Nakikilala at nagagamit ang mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideya o bagay sa kanilang paligid

salitang nghahambing

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pang-uri

Citation preview

Layunin:

• Nakapagpapahayag nang wastong paghahambing sa tulong ng mga kaantasan ng pang-uri

• Nakikilala at nagagamit ang mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideya o bagay sa kanilang paligid

Salitang Naghahambing

Picture analysis

Pansinin ang mga larawang ipakikita ng guro. Bumuo ng mga

pangungusap na maglalahad ng mga katangian ng mga paksang ipakikita

sa larawan. 

Dinagyang

Sinulog

Ati- atihan

Kaantasan ng Pang-uri

• Lantay

Kung ang tuon ng paglalarawan ay nakapokus sa iisang bagay lamang

Halimbawa:

Ang mga Mangyan ay tapat at mabuti.

• Paghambing

Kung ito ay naglalarawan ng dalawang tao, bagay, lugar, hayop, gawain, o pangyayari. Ang paglalarawan ay nakatuon sa dalawa.

Paghahambing na Magkatulad

Kung magkatulad ang katangian ang pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping: magka- , sim-, magsing-

Halimbawa:

Magsinsipag ang misyonero at ang giya.

Paghahambing na Di-Magkatulad

Palamang- nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang paghahambing. Gumagamit ito ng higit, lalo, mas, di-hamak

Halimbawa:

Higit na maaga ang giya kaysa misyonero.

Paghahambing na Di-Magkatulad

Pasahol- kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ito ng di-gaano, di-gasino, di-masyado

Halimbawa:

Di- gaanong malinis sa tribo kaysa sa bayan.

• PasukdolKapag ang paghahambing ay nakatuon sa

higit sa dalawang bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ito ay masidhi kaya gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng _______, o pag-uulit ng pang-uri..

Halimbawa:

Pinakamasipag si Pitik sa lahat.

Gawaing Pang-upuan

Sagutan ang Madali Lang Iyan at Subukin

Pa Natin sa

ph 180-181.

Paano naipapahayag nang wasto ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng mga katangian?