6
VOL. IV NO. 1 QUICK FACTS Ang pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty ay isa sa mga pangunahing patakarang nais maisabatas ng administrasyong Duterte. Sa isyung ito ng Intersect Quick Facts, magbibigay kami ng maikling kasaysayan ng parusang ito sa Pilipinas, magsusuri at magpapaliwanag sa ilang maling akala tungkol rito, at maglalatag ng mga alternatibong pamamaraan, pangunahin dito ang katarungang nagpapanumbalik o restorative justice. SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? MAYO 2017 TIMELINE NG PARUSANG KAMATAYAN SA PILIPINAS Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan. Alinsunod ito sa Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad na ginagarantiya ng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang pantao at sa buhay. Ibinaba ang sentensya ng mga pinatawan noon ng parusang kamayatan sa panghabambuhay na pagkakabilanggo o reclusion perpetua. Ibinalik sa pamamagitan ng Republic Act 7659 ang parusang kamatayan para sa 21 karumal-dumal na krimen o heinous crimes. Pinalitan din ang paraan ng pagbitay—mula electrocution ay naging lethal injection. 1993 Isinagawa ang kauna- unahang pagbitay sa loob ng 23 taon nang isailalim sa lethal injection si Leo Echegaray. Sinundan ito ng pagbitay sa anim pang bilanggo. Sa taóng ito, 915 bilanggo na ang nasa death row. 1999 Pansamantalang ipinahinto ni Pangulong Joseph Estrada ang mga pagbitay matapos manawagan ang mga grupong tutol sa parusang kamatayan. Una sa mga patakarang nais isulong ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Ito ang unang panukalang batas na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. May katulad ring panukala sa Senado. Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansang nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan (noong 1987), nagbalik nito (noong 1993), at muling nagpawalang-bisa nito. Sa pamamagitan ng Republic Act 9346, ibinaba sa reclusion perpetua ang sentensya ng lahat ng pinatawan ng parusang kamatayan. 2006 2000 1987 2007 Sa ilalim ng administrasyong Arroyo, pinagtibay ng pamahalaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Nangako ang mga bansang pumasok sa kasunduang ito na hindi sila magpapataw ng parusang kamatayan. Nangako rin silang magsasagawa ng mga kaparaanan upang buwagin ang parusang kamatayan nang walang pasubali maliban sa paghatol para sa pinakamalubhang krimeng militar na nagawa sa panahon ng digmaan. 2016 2017 Pumasá sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 na nagbabalik sa parusang kamatayan para sa mga taong sangkot sa mga krimeng may kaugnayan sa bawal na gamot. Subalit sa oras na maisabatas ito, maaari itong amyendahan upang maisama ang mga krimeng gaya ng sadyang pagpatay o murder, panggagahasa, pandarambong o plunder, at pagtataksil sa bayan o treason. MULA SA PHILIPPINE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM (PCIJ) 2006, COMMISSION ON HUMAN RIGHTS OF THE PHILIPPINES (CHR) 2007, MOGATO 2016. “Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.” Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, Artikulo II Seksyon 11 PANANALIKSIK NINA Anna Marie V. Alhambra and Marvee Anne M. Ramos | PINAMATNUGUTUAN NI Eleanor R. Dionisio | IDINESENYO NI Gerald M. Nicolas

SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

  • Upload
    vandan

  • View
    290

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

VOL. IV NO. 1

QUICK FACTS

Ang pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty ay isa sa mga pangunahing patakarang nais maisabatas ng administrasyong Duterte. Sa isyung ito ng Intersect Quick Facts, magbibigay kami ng maikling kasaysayan ng parusang ito sa Pilipinas, magsusuri at magpapaliwanag sa ilang maling

akala tungkol rito, at maglalatag ng mga alternatibong pamamaraan, pangunahin dito ang katarungang nagpapanumbalik o restorative justice.

SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN?

MAYO 2017

TIMELINE NG PARUSANG KAMATAYAN SA PILIPINASAng Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan. Alinsunod ito sa Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad na ginagarantiya ng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang pantao at sa buhay. Ibinaba ang sentensya ng mga pinatawan noon ng parusang kamayatan sa panghabambuhay na pagkakabilanggo o reclusion perpetua.

Ibinalik sa pamamagitan ng Republic Act 7659 ang parusang kamatayan para sa 21 karumal-dumal na krimen o heinous crimes.

Pinalitan din ang paraan ng pagbitay—mula electrocution ay naging lethal injection.

1993Isinagawa ang kauna-unahang pagbitay sa loob ng 23 taon nang isailalim sa lethal injection si Leo Echegaray. Sinundan ito ng pagbitay sa anim pang bilanggo.

Sa taóng ito, 915 bilanggo na ang nasa death row.

1999

Pansamantalang ipinahinto ni Pangulong Joseph Estrada ang mga pagbitay matapos manawagan ang mga grupong tutol sa parusang kamatayan.

Una sa mga patakarang nais isulong ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng parusang kamatayan. Ito ang unang panukalang batas na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. May katulad ring panukala sa Senado.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansang nagpawalang-bisa sa parusang kamatayan (noong 1987), nagbalik nito (noong 1993), at muling nagpawalang-bisa nito. Sa pamamagitan ng Republic Act 9346, ibinaba sa reclusion perpetua ang sentensya ng lahat ng pinatawan ng parusang kamatayan.

200620001987

2007 Sa ilalim ng administrasyong Arroyo, pinagtibay ng pamahalaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Nangako ang mga bansang pumasok sa kasunduang ito na hindi sila magpapataw ng parusang kamatayan. Nangako rin silang magsasagawa ng mga kaparaanan upang buwagin ang parusang kamatayan nang walang pasubali maliban sa paghatol para sa pinakamalubhang krimeng militar na nagawa sa panahon ng digmaan.

20162017

Pumasá sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 na nagbabalik sa parusang kamatayan para sa mga taong sangkot sa mga krimeng may kaugnayan sa bawal na gamot. Subalit sa oras na maisabatas ito, maaari itong amyendahan upang maisama ang mga krimeng gaya ng sadyang pagpatay o murder, panggagahasa, pandarambong o plunder, at pagtataksil sa bayan o treason.

MULA SA PHILIPPINE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM (PCIJ) 2006, COMMISSION ON HUMAN RIGHTS OF THE PHILIPPINES (CHR) 2007, MOGATO 2016.

“Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.”

Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, Artikulo II Seksyon 11

PANANALIKSIK NINA Anna Marie V. Alhambra and Marvee Anne M. Ramos | PINAMATNUGUTUAN NI Eleanor R. Dionisio | IDINESENYO NI Gerald M. Nicolas

Page 2: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

Ipinakikita ng datos mula sa Philippine Statistical Authority (PSA) na malaki ang ibinaba ng crime rate bago pa ibinalik ang parusang kamatayan noong 1993. Nanatiling mababa ang crime rate sa mga taóng may parusang kamatayan ngunit bumagal ang pagbaba nito.

SABI NG ILAN MAPIPIGILAN NG PARUSANG KAMATAYAN ANG KRIMEN.

PAGTUTUWID SA MGA MALING AKALA TUNGKOL SA PARUSANG KAMATAYAN

WALANG MATIBAY NA PAG-AARAL NA NAGPAPATUNAY NG EPEKTO NG PARUSANG KAMATAYAN SA PAGLAGANAP NG KRIMEN. ANG NAKAPIPIGIL NG KRIMEN AY ANG KATIYAKANG MAHUHULI AT MAPARURUSAHAN ANG MGA GUMAGAWA NITO.

HINDI PINATUTUNAYAN NG MGA DATOS NA NAKAPIPIGIL NG KRIMEN ANG PARUSANG KAMATAYAN.Bumaba rin mula 1998 hanggang 2012 ang rate of intentional homicide (na ipinaliliwanag ng United Nations Office of Drugs and Crime bilang “planadong pagpatay sa isang tao”) mayroon man o walang parusang kamatayan. Malaki ang ibinaba nito simula 2006 kung kailan huling ipinawalambisa ang parusang kamatayan.

HIGIT NA NAKAPIPIGIL SA PAGGAWA NG KRIMEN ANG PAGPAPAUNLAD NG EKONOMIYA KAYSA SA PARUSANG KAMATAYAN.

CRIME RATE SA PILIPINAS, 1987-2008

Sa isang pag-aaral sa Amerika, natuklasang ang katiyakang mahuli (o certainty of apprehension) ay higit na nakapipigil sa paggawa ng isang krimen kumpara sa bigat ng kaparusahan (Wright 2010). Sa pag-aaral naman tungkol sa mga karumal-dumal na krimen sa Kalakhang Maynila, natuklasang tumataas ang bilang ng krimen habang bumababa ang crime solution efficiency (Choi et. al. 2016); ang crime solution efficiency ay tumutukoy sa porsyento ng mga kasong nalutas ng kapulisan kumpara sa kabuuang bilang ng mga krimeng naitala sa loob ng isang takdang panahon.

HIGIT NA NAKAPIPIGIL SA PAGGAWA NG KRIMEN ANG KATIYAKANG MAHUHULI ANG GAGAWA NITO KAYSA SA BIGAT NG KAPARUSAHANG IPAPATAW.

INTENTIONAL HOMICIDE RATE SA PILIPINAS, 1998-2012

Panahong walang parusang kamatayan

Panahong may parusang kamatayan

Panahong walang parusang kamatayan

Panahong may parusang kamatayan

Ang crime rate ay nakukuha sa pamamagitan ng pagbabahagi ng bilang ng naitalang krimen sa bilang ng buong populasyon at pagmultiplika ng sagot sa 100,000. Ang homicide rate ay nakukuha sa pamamagitan ng pagbabahagi ng bilang ng naitalang

intentional homicide sa bilang ng buong populasyon at pagmultiplika ng sagot sa 100,000.MULA SA PSA 2000, 2002, 2005, AT 2008 MULA SA UNITED NATIONS OFFICE ON DRUGS AND CRIME 2012

Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2004, ipinakikita ng mga datos mula 1983 hanggang 2000 na ang mga pang-ekonomiyang salik (economic factors) ang siyang pinakamatibay na tagapagtakda ng crime rate sa Pilipinas (Gillado and Tan-Cruz 2004). Ayon sa pag-aaral na ito, kung mas matatag ang ekonomiya ng isang bansa, mas mababa ang insidente ng krimen. Dagdag pa rito, bumababa ang murder at homicide sa bawat punto ng pagtaas sa mga salik katulad ng kita o income, kakayanan ng pamilyang bilhin ang kanilang mga pangangailangan, at kakayanang makumpleto ang bilang ng taon ng pag-aaral.

ANG TOTOO

HINDI NAKAPAGHIHILOM ANG PARUSANG KAMATAYAN.Sa isang pag-aaral sa Amerika (Vollum and Longmire 2007) na nilahukan ng 150 pamilya ng mga nabiktima ng mga akusadong pinatawan ng parusang kamatayan, natuklasang...

2.5% LAMANGang nagsabing nakaramdam sila ng paghilom matapos bitayin ang nambiktima sa kanilang kapamilya

20%ang tahasang nagsabing hindi

naghatid ng paghilom ang pagbitay sa nambiktima sa kanilang kapamilya

2

Icons from w

ww

.iconninja.com.

SABI NG ILAN NAGBIBIGAY NG KATARUNGAN ANG PARUSANG KAMATAYAN. HINDI NAGDADALA NG PAGHILOM SA MGA PAMILYA NG BIKTIMA ANG PAGBITAY SA AKUSADO. MAAARI RING HUWAD ANG KATARUNGANG IGAGAWAD NG PARUSANG KAMATAYAN DAHIL SA PAGKAKAMALI NG PAGHATOL SA MGA AKUSADO AT DAHIL ANG MGA MAHIHIRAP NA AKUSADO ANG MADALAS MAPAPATAWAN NITO.

ANG TOTOO

Page 3: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

SABI NG ILAN

ANG TOTOO

SA CHINA Ang bilang ng mga pagbitay dahil sa mga krimeng may kinalaman sa bawal na gamot mula 2007 hanggang 2010 ay humigit-kumulang

510 BAWAT TAON.

Tinataya ng China National Narcotics Control Commission na sa pagtatapos ng 2014, mayroong

14 MILYONGat ang halaga ng industriya ng iligal na droga roon ay aabot sa

$82 MILYON

Ang bilang ng mga pagbitay dahil sa mga krimeng may kinalaman sa bawal na gamot sa pagitan ng 2010 at 2015 ay humigit-kumulang

Katumbas ito ng

56%ng lahat ng binitay noong 2016.

BILANG NG BINITAY SA IRAN DAHIL SA MGA KRIMENG MAY KINALAMAN SA BAWAL NA GAMOT, 2010-2016

o 2.75% ng 80 milyong populasyon ng nasabing bansa (Dareini 2015).

31,350

69,751

2006 2011

DRUG USERS SA CHINA

449BAWAT TAON.

Sa kasong People v. Mateo, sinabi ng Korte Suprema na sa nirepaso nilang 907 kasong hinatulan ng parusang kamatayan mula 1993 hanggang 2004,

LAGING NARIYAN ANG POSIBILIDAD NA MALI ANG SENTENSYA NG PARUSANG KAMATAYAN.

Lumabas sa survey na isinagawa ng Free Legal Assistance Group (FLAG) noong 2004 na ang mga bilanggong nasa death row ay karaniwang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may trabahong mababa ang antas ng kasanayan o hindi sapat ang kita, at mula sa mahirap na pamilya.

SA PARUSANG KAMATAYAN, DEHADO ANG MAHIHIRAP.

81.8%KARAMIHAN AY NASA MGA TRABAHONG MABABA ANG KITA O SAHOD (HAL., NAMAMASADA, TRABAHADOR SA KONSTRUKSYON O SA BUKID) BAGO SILA DINAKIP.

1,493 kasong hinatulan ng parusang kamatayan

230pinagtibay

pinawalang-sala

586binago ang hatol

65

483ibinaba sa reclusion perpetua71.77% O 651 NAHATULAN

AY HINDI DAPAT NAPATAWAN NG PARUSANG KAMATAYAN.

907 kasong ipinarepaso sa Korte Suprema

73.1%KARAMIHAN AY KUMIKITA NG MAS MABABA SA ₱10,000 SA ISANG BUWAN NANG SILA AY ARESTUHIN.

44.9%HALOS KALAHATI ANG HINDI NAKATUNTONG NG MATAAS NG PAARALAN.

Sa kabila nito, patuloy na tumataas ang mga kasong may kinalaman sa bawal na gamot—dumoble pa nga sa pagitan ng 2006 at 2011.

Ang pagtaas ng krimeng may kinalaman sa bawal na gamot mula 2007 hanggang 2011 ay tinatayang nasa

15% BAWAT TAON (Tiezzi 2015).

MULA SA XINHUA 2015

SA IRANSa kabila nito, noong 2015, ang Iran ay may inatayang

MAHIGIT 2 MILYONGDRUG USERS

MULA SA IRAN HUMAN RIGHTS 2017

3

Icons from w

ww

.clipartpanda.com

LULUTASIN NG PARUSANG KAMATAYAN ANG PROBLEMA SA BAWAL NA GAMOT.

BATAY SA MGA DATOS MULA SA IBANG BANSA, HINDI MALINAW ANG UGNAYAN NG PARUSANG KAMATAYAN AT PAGBABA NG MGA KRIMENG MAY KINALAMAN SA BAWAL NA GAMOT.

Page 4: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

SA HALIP NA PARUSANG KAMATAYAN...

Sa ilalim ng Republic Act 6975, ang sapat na dami ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) ay isang pulis para sa bawat 500 tao.

Nakaaapekto ang kakulangang ito sa kakayanan ng pulisiyang tumugon. Noong 2015, 28.3% lamang ang efficiency rate (bilang ng nalutas na kaso kumpara sa mga naiulat na krimen) ng PNP (PSA 2016). Ibig sabihin, 3 lamang sa bawat 10 kaso ng krimeng naiulat sa kanila ang natatapos maimbestigahan ng pulisya.

PALAKASIN ANG PAGPAPATUPAD NG BATAS SA PAMAMAGITAN NG PAG-EMPLEYO NG MAS MARAMING PULIS AT SA HIGIT NA MASUSING PAGSASANAY SA KANILA.

1Sa ngayon, may isang pulis para sa bawat 669 Pilipino (PSA 2016).

: 669 INDEX CRIMES NON-INDEX CRIMES ALL CRIMES

24.6% 31.7% 28.6%

112,634 kaso ang naresolba sa 457,944 kasong naiulat

182,603 kaso ang naresolbasa 575,889 kasong naiulat

295,237 kaso ang naresolba sa 1,033,833 kasong naiulat

EFFICIENCY RATE NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE, 2015

MULA SA PSA 2016

Ang index crimes ay mga krimeng maituturing na seryoso at madalas o regular na nangyayari kaya’t nagsisilbi itong panukat ng kriminalidad. Halimbawa ng mga index crimes ay murder, homicide, physical injury (“serious” at “less serious”), carnapping, cattle rustling, robbery, theft, at rape. Ang non-index crimes naman ay tumutukoy sa mga pagsuway sa mga espesyal na batas tulad ng illegal logging at mga lokal na ordinansa.

PAGHUSAYIN ANG PAGHAHATID NG HUSTISYA SA PAMAMAGITAN NG PAGPUPUNO SA MGA BAKANTENG POSISYON NG MGA HUKOM AT PISKAL.Itinala ng World Justice Project (2016) ang ating kriminal at sibil na sistemang pangkatarungan bilang pinakamalalang bahagi ng rule of law sa ating bansa.

Ang Pilipinas ay

IKA-70 sa listahan ng 113 na bansa at may markang

0.51/1 sa salik na sumusukat sa pagiging epektibo, patas, at malinis ng sistemang pangkatarungan sa isang bansa.

MAGHANAP NG HINDI MARARAHAS NA TUGON SA PROBLEMA SA BAWAL NA GAMOT.Isang alternatibong ipinatutupad sa maraming bansa ang harm reduction approach na tinatawag ding risk reduction o harm minimization. Ang harm reduction ay mga patakaran at programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang epekto ng paggamit ng bawal na gamot sa halip na pagsupil sa mismong paggamit nito (Hunt et. al 2003). Itinuturing nitong isyung pagkalusugan ang paggamit ng bawal na gamot. Kabilang sa mga patakarang nakatuon sa harm reduction ang dekriminalisasyon ng paggamit ng iligal na droga; 25 hanggang 30 bansa na ang nagsagawa nito (Rosmarin at Eastwoord 2012). Sa dekriminalisasyon, hindi na itinuturing na labag sa batas ang paggamit ng bawal na gamot, kundi isang suliraning pangkalusugan.

Ang iba pang harm reduction approach ay needle and syringe programs (NSP), opioid substitution therapy (OST), heroin prescribing, safer injecting, at paggamit ng drug consumption rooms (DCR).

Ang mabagal na pag-usad ng mga kaso ay siyang pinakamalaking hadlang sa pagkamit ng katarungan sa ating mga hukumang pangkriminal. Kasama sa mga dahilan nito ang kakulangan ng mga hukom na lilitis sa napakaraming kasong kailangang hatulan.

4,221 KASOkaraniwang bilang ng kaso bawat araw ng trabaho (working day) na nililitis sa mabababang hukuman sa bansa noong 2005 hanggang 2010 (Albert 2013)

644 KASOtinatayang bilang ng kasong nililitis ng isang hukom sa mababang hukuman sa isang taon (o tatlo kada working day) batay sa tala mula 2006 hanggang 2009 (Albert 2013)

24.3%ang annual vacancy rate (porsyento ng mga bakanteng posisyon kumpara sa kabuuang bilang ng posisyon sa mga hukuman sa isang taon) noong 2006 hanggang 2009. (Albert 2013)

Sa Amerika, krisis nang maituturing kung aabot ang vacancy rate sa 10%. (Carpio 2012)

Binabatikos ang harm reduction approach dahil hinihikayat umano nito ang patuloy na paggamit ng bawal na gamot, bagamat sinasabi ring napababa nito ang bilang nga mga gumagamit ng iligal na droga sa ilang mga bansa. Halimbawa ang Portugal ng bansang nagdekriminalisa sa paggamit ng bawal na gamot at gumamit ng iba pang patakarang kasang-ayon ng harm reduction.

ILANG POSITIBONG BUNGA SA PORTUGAL• Mas mababang bilang ng gumagamit ng iligal na droga

kumpara sa kabuuang dami sa Europa.

• Pagbaba ng bilang ng mga nasa edad 15-24 na gumagamit ng bawal na droga. Ito ang pangkat na may pinakamataas na panganib na matutong gumamit ng iligal na droga.

• Pagbaba ng bilang ng naitatalang gumagamit ng bawal na droga sa nakaraang taon at sa nakaraang buwan, kumpara sa buong populasyon. Ang paggamit ng bawal na droga sa nakaraang taon o buwan ang itinuturing na pinakamahusay na mga palatandaan sa pagsusuri sa paggamit ng bawal na gamot.

• Pagbaba ng malubhang paggamit ng bawal na gamot at sa paggamit nito sa pamamagitan ng iniksyon noong 2000 hanggang 2005.

• Pagbaba ng bilang ng mga kabataang gumagamit ng bawal na gamot sa mga sumunod na taon matapos ipatupad ang dekriminalisasyon.

• Pagbaba ng bilang ng mga patuloy na gumagamit ng bawal na gamot (ang proporsyon ng populasyong nakagamit ng bawal na gamot at ng populasyong patuloy na gumagamit). MURKIN 2014

4

Icons from w

ww

.flaticon.com/authors/freepik

• Pagbaba ng bilang ng mga namatay dahil sa paggamit ng bawal na gamot (mula 80 noong 2001, naging 16 ito noong 2012).

• Pagbaba ng proporsyon ng mga bilanggong ang kaso ay may kinalaman sa bawal na gamot (mula 44% noong 1999, naging 21% ito noong 2002).

ILANG ALANGANING RESULTA• Bahagyang pagtaas ng bilang ng mga habambuhay

nang gumagamit ng bawal na gamot kumpara sa kabuuuan ng populasyon. Ang salik na ito ang itinuturing na pinakahindi eksaktong panukat ng sitwasyon ng paggamit ng droga sa isang bansa.

• Matapos ang pagbaba ng bilang ng mga gumagamit ng bawal na gamot sa mga unang taon kasunod ng dekriminalisasyon, nagbalik ito sa mataas na nibel na naitala noong 2003.

• Dumami nang 40% ang kasong homicide sa pagitan ng 2001 hanggang 2006, bagamat walang datos kung ilan sa mga ito ang may kaugnayan sa bawal na gamot.

Page 5: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

PALAKASIN ANG PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS NA TUMUTUGMA SA RESTORATIVE JUSTICE.Nagkakaloob ang restorative justice ng paghilom sa mga biktima ng krimen, sa mga nagkasala, at sa kanilang pamayanan. Nakatuon ito sa pagpapanibagong-buhay ng taong nagkasala sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanyang gumawa ng reparasyon o panunukli sa kanyang biktima at/o kapamilya nito.

Kinikilala ng restorative justice na nakakapinsala ang krimen sa mga biktima, sa mga pamayanan, at maging sa mga nagkasala sa batas. Mag-uugnayan ang mga ito sa isang prosesong naglalayong isaayos ang pinsalang nagawa. Nakabatay ang tagumpay nito sa lawak ng pagsasaayos ng pinsala, sa halip na sa bigat ng parusang ipinataw.

May tatlong batas sa Pilipinas na tumutugma sa mga prinsipyo ng restorative justice (PhilRights 2006):

Sa ating mga pamayanan, may pananaw tayong malulutas ang mga krimen kapag madarakip at maparurusahan ang kriminal, batay sa pinsalang kanyang idinulot, nang hindi pinapansin ang kinahinatnan ng biktima. Ngunit mali kung ibabatay ang kabayaran doon lamang sa pinsalang ibinunga ng krimen sa kaparusahan, kung ang katarungan ay itutumbas natin sa paghihiganti, na magbubunga lamang ng higit pang karahasan, kahit pa man gawin itong patakaran. Sinasabi sa atin ng karanasan na ang pagpapabigat at pagpapatupad ng mga parusa ay kadalasang bigo sa paglutas sa mga suliranin ng lipunan o sa pagbawas ng insidente ng krimen. Dagdag pa rito, maaaring lumikha ang mga pamamaraang ito ng mga malulubhang problema sa pamayanan, katulad ng mga bilangguang siksikan at pagpiit ng mga taong hindi maayos na nahahatulan… Sa maraming pagkakataon, natutupad ng taong nagkasala ang mga ipinataw sa kanyang kaparusahan, natatapos niya ang kanyang sentensiya, ngunit walang pagbabago sa kanyang kalooban o paghilom sa kanyang sugatang puso.”

Liham sa ika-19 na International Conference of the International Association of Penal Law and the Third Congress of the Latin American Association of Penal Law and Criminology, Mayo 2014

Ang paggagawad ng katarungan ay hindi lamang nangangahulugang paghahangad ng kaparusahan upang papanagutin ang nagkasala, kundi pagtitiyak na ang pangunahing layunin ng lahat ng parusa ay ang pagpapanibagong-buhay ng taong nagkasala. Dapat nakapaloob ang pagtugon sa mas malaking balangkas ng sistemang pangkatarungan na bukás sa posibilidad na muling makabalik sa lipunan ang nagkasala. Walang akmang kaparusahan kung walang pag-asa! Ang kaparusahang walang nilalayon kundi parusa, at walang lugar para sa pag-asa, ay isang uri ng labis na pagpapahirap, hindi pagpaparusa.”

Mensahe sa Sixth World Conference Against Death Penalty, Hunyo 2016

ILANG PAHAYAG NI POPE FRANCIS TUNGKOL SA RESTORATIVE JUSTICE

Noong 1975, nakatanggap ang CBCP ng isang liham-petisyon mula sa mga bilanggo ng New Bilibid Prison (NBP) na naglalarawan ng mahirap nilang kalagayan at umaapela para tulungan silang ayusin ang kanilang kinalalagyan gayundin ang kalagayan ng ibang bilanggo sa bansa at ng kanilang mga pamilya. Bilang tugon, itinatag ng CBCP ang ECPPC.

Nag-oorganisa ang ECPPC ng mga Volunteers In Prison Service (VIPS) at mga tagapagtaguyod ng restorative justice sa iba’t ibang arkdiyosesis at diyosesis upang magpatupad ng mga

Ang CADP ay isang network ng mga organisasyon at indibidwal na tutol sa parusang kamatayan at nagsusulong ng katarungang humihilom (“Justice that Heals”). Itinatag ang koalisyon noong 1994, isang taon matapos ibalik ang parusang kamatayan. Matapos naman ang muling pagkakatanggal ng parusang kamatayan sa bansa noong 2006, patuloy na isinulong

programang pastoral para sa rehabilitasyon ng mga bilanggo. Nakikipag-ugnayan ito sa mga organisasyong gaya ng Coalition Against Death Penalty (CADP), Philippine Action for Youth Offenders (PAYO), at Integrated Correctional Association of the Philippines (ICAP). May mga programa rin ang CBCP-ECPPC para sa mga tauhan at volunteers nito upang mapalalim ang kanilang pag-unawa at patatagin ang kanilang paninindigan sa paglilingkod sa mga bilangguan. Nagbibigay rin ang CBCP-ECPPC ng paralegal na tulong sa mga bilanggo at tulong pang-edukasyon sa mga anak ng mga kasalukuyan at dating bilanggo.

CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISSION ON PRISON PASTORAL CARE (CBCP-ECPPC)

COALITION AGAINST DEATH PENALTY (CADP) ng CADP ang mga reporma sa sistemang pangkatarungan sa bansa. Nakikipagtulungan din ang CADP sa mga organisasyong nagtataguyod ng restorative justice sa pamamagitan ng paggunita ng Prison Awareness Week, mga komperensya tungkol sa restorative education, mga seminar sa restorative justice, at mga pagsasanay tungkol sa mapayapang pakikipag-usap.

MGA ORGANISASYONG NAGSUSULONG NG RESTORATIVE JUSTICE

REPUBLIC ACT 9285 ALTERNATIVE DISPUTE RESOLUTION ACT OF 2004na nagpapahintulot sa mga partidong mapayapang lutasin ang kanilang mga alitan nang hindi na dumaraan pa sa mga hukuman.

PH

OTO

© KO

REA.N

ET/KOREA

N C

ULTU

RE AN

D IN

FORM

ATION

SERVIC

E (JEON

HA

N)

REPUBLIC ACT 9344 JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT OF 2006na malinaw na nagbibigay-kahulugan sa restorative justice at inihahain ito bilang balangkas para sa mga patakaran at programang nakatuon sa mga batang may suliranin sa batas.

REPUBLIC ACT 8371INDIGENOUS PEOPLE’S RIGHTS ACT OF 1997na pinagtitibay ang karapatan ng mga katutubong Pilipino na gamitin ang kanilang mga nakaugaliang sistema, institusyon sa pagsasaayos ng mga gusot, at prosesong pangkapayapaan basta’t hindi ito labag sa Saligang Batas.

5

Icon

s fr

om w

ww

.flat

icon

.com

/aut

hors

/fre

epik

and

ww

w.fl

atic

on.c

om/a

utho

rs/o

cha

Page 6: SAGOT BA ANG PARUSANG KAMATAYAN? - · PDF fileng estado ang pagtatanggol sa mga karapatang ... ng bawat tao at ginagarantyahan ang ... programang nakatuon sa pag-iwas sa mga mapaminsalang

EMAIL [email protected] (632) 426.6001 ext. 4655 to 4668FAX (632) 426.6070WEB www.jjcicsi.org.phFACEBOOK www.facebook.com/JJCICSI

2/F BENIGNO MAYO HALLSOCIAL DEVELOPMENT COMPLEXATENEO DE MANILA UNIVERSITYLOYOLA HEIGHTSQUEZON CITY

Albert, Jose Ramon. 2013. The Philippine Criminal Justice System: Do we have enough judges to act on filed cases? Philippine Statistics Authority. http://nap.psa.gov.ph/beyondthenumbers/2013/06132013_jrga_courts.asp#table5, accessed 6 April 2017.

Carpio, Antonio. 2012. Judicial reform too important to fail. Rappler, 30 June. http://www.rappler.com/thought-leaders/7856-judicial-reform-too-important-to-fail, accessed 6 April 2017.

Choi, Adelbert, Vio Jianu Mojica, Frumencio Co, and Neil Leong. 2016. Spatial Regression Analysis of Violent Crimes in the National Capital Region. Paper presented at the De La Salle University Research Congress 2016. http://www.dlsu.edu.ph/conferences/dlsu-research-congress-proceedings/2016/SEE/SEE-I-05.pdf, accessed 7 May 2017.

Commission on Human Rights of the Philippines (CHR). 2007. The Philippine Experience in “Abolishing” the Death Penalty. Commission on Human Rights of the Philippines. http://www.chr.gov.ph/MAIN%20PAGES/about%20hr/advisories/pdf_files/abolishing%20death%20penalty.pdf, accessed 19 April 2017.

Dareini, Ali Akbar. 2015. Drug abuse in Iran on rise despite executions, police raids. Times of Israel, 12 February. http://www.timesofisrael.com/drug-abuse-in-iran-on-rise-despite-executions-police-raids/, accessed 21 April 2017.

Francis. 2014. Letter to the 19th International Conference of the International Association of Penal Law and the Third Congress of the Latin American Association of Penal Law and Criminology. The Holy See, 30 May. https://w2.vatican.va/content/francesco/en/letters/2014/documents/papa-francesco_20140530_lettera-diritto-penale-criminologia.html, accessed 6 May 2017.

________. 2016. Video Message of His Holiness Pope Francis to the 6th World Congress Against the Death Penalty. The Holy See, 21 June. https://w2.vatican.va/content/francesco/en/messages/pont-messages/2016/documents/papa-francesco_20160621_videomessaggio-vi-congresso-contro-pena-di-morte.pdf, accessed 6 May 2017.

Free Legal Assistance Group (FLAG). 2004. Socio-economic Profile of Capital Offenders in the Philippines. http://pcij.org/blog/wp-docs/flag-survey-death-row.pdf, accessed 7 May 2017.

Gillado, Miguel and Tina Tan-Cruz. 2004. Panel Data Estimation of Crime Rates in the Philippines. Paper presented at the 9th National Convention on Statistics. Manila: Philippine Statistics Authority. http://nap.psa.gov.ph/ncs/9thncs/papers/publicOrder_PanelData.pdf, accessed 7 May 2017.

Harm Reduction International. 2014. The Global State of Harm Reduction 2014. https://www.hri.global/files/2015/02/16/GSHR2014.pdf, accessed 6 April 2017.

Hunt, Neil, Mike Ashton, Simon Lenton, Luke Mitcheson, Bill Nelles and Gerry Stimson. 2003. A review of the evidence-base for harm reduction approaches to drug use. http://www.neilhunt.org/pdf/2003-evidence-base-for-hr-hunt-et-al.pdf, accessed 7 May 2017.

International Federation for Human Rights (FIDH, Fédération internationale des ligues des droits de l’homme). 2015. The Death Penalty for Drug Crimes in Asia. World Coalition Against the Death Penalty. https://www.fidh.org/IMG/pdf/asia_death_penalty_drug_crimes_fidh_wcadp_report_oct_2015_pdf, accessed 20 April 2017.

Iran Human Rights. 2017. Drug-Related Executions and Possibility of Change in Legislation in Iran. 23 April. https://iranhr.net/en/articles/2848/, accessed 8 May 2017.

Mogato, Manuel . 2017. Philippines edges closer to death penalty return for serious drug offences. Reuters, 7 March. http://www.reuters.com/article/us-philippines-drugs-congress-idUSKBN16E1CY, accessed 19 April 2017.

Murkin, George. 2014. Drug decriminalization in Portugal: Setting the record straight. TRANSFORM: Getting drugs under control. https://www.unodc.org/documents/ungass2016/Contributions/Civil/Transform-Drug-Policy-Foundation/Drug-decriminalisation-in-Portugal.pdf, accessed 6 May 2017.

Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). 2006. A Timeline of Death Penalty in the Philippines. Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). http://pcij.org/blog/2006/04/18/a-timeline-of-death-penalty-in-the-philippines, accessed 19 April 2017.

Philippine Human Rights Information Center (PhilRights). Restorative Justice: Legal framework and Practices in the Philippines. Philrights: Claim & Defend. http://philrights.org/human-rights-resources/research-outputs/restorative-justice/, accessed 6 April 2017.

Philippine Statistics Authority (PSA, formerly National Statistical Coordination Board [NSCB]). 2000. 2000 Philippine Statistical Yearbook. Makati City: Philippine Statistics Authority.

________. 2002. 2002 Philippine Statistical Yearbook. Makati City: PSA.

________. 2005. 2005 Philippine Statistical Yearbook. Makati City: PSA.

________. 2008. 2008 Philippine Statistical Yearbook. Makati City: PSA.

________. 2016. The Philippines in Figures. Quezon City: PSA. http://psa.gov.ph/sites/default/files/PIF%202016.pdf, accessed 4 April 2017.

Rosmarin, Ari and Niamh Eastwood. 2012. A Quiet Revolution: Drug Decriminalisation Policies in Practice Across the Globe. Release Global Drug Policy Program. https://www.opensocietyfoundations.org/sites/default/files/release-quiet-revolution-drug-decriminalisation-policies-20120709.pdf, accessed 7 May 2017.

Supreme Court of the Philippines. 2004. The People of the Philippines, Appellee, versus Efren Mateo y Garcia, Appellant. G.R. NO. 147678.

Tiezzi, Shannon. 2015. China’s Growing Drug Problem. The Diplomat, 28 May. http://thediplomat.com/2015/05/chinas-growing-drug-problem/, accessed 4 May 2017.

United Nations. 1989. Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of the death penalty: Adopted and proclaimed by General Assembly resolution 44/128 of 15 December 1989. Treaty Series, 1642, no. 14668. https://treaties.un.org/doc/Publication/UNTS/Volume%201642/v1642.pdf, accessed 8 May 2017.

United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC). 2012. UNODC Homicide Statistics 2012. http://data.un.org/Data.aspx?d=UNODC&f=tableCode%3A1, accessed 7 May 2017.

Vollum, Scott and Dennis Longmire. 2007. Covictims of Capital Murder: Statements of Victims’ Family Members and Friends Made at the Time of the Execution. In Violence and Victims 22(5): 601-609.

World Justice Project. 2016. Rule of Law Index 2016. World Justice Project. https://worldjusticeproject.org/sites/default/files/documents/RoLI_Final-Digital_0.pdf, accessed 7 May 2017.

Wright, Valerie. 2010. Deterrence in Criminal Justice: Evaluating Certainty vs Severity of Punishment. http://www.sentencingproject.org/wp-content/uploads/2016/01/Deterrence-in-Criminal-Justice.pdf, accessed 4 April 2017.

Xinhua. 2015. Drug users exceed 14m in China. China Daily, 11 May. http://www.chinadaily.com.cn/china/2015-05/11/content_20686860.htm, accessed 7 May 2017.

MGA SANGGUNIAN

PATAYIN

PAANO KA MAKATUTULONG NA PIGILAN ANG PAGBABALIK NG

PARUSANG KAMATAYAN

1Sulatan, i-tweet, o tawagan ang inyong mga mambabatas at hikayatin silang huwag suportahan ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Mag-post sa Facebook at Twitter ng iyong opinyon o ng opinyon ng ibang taong tutol sa parusang kamatayan at gamitin ang hashtag na #NoToDeathPenalty.

Hilingin sa inyong simbahan o paaralaan na magkabit ng tarpaulin na nagsasabing “No to death penalty.”

Mag-organisa ng mga talakayan tungkol sa parusang kamatayan sa inyong paaralan, parokya, organisasyon, o komunidad.

Sumali sa mga mobilisasyong laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Makilahok sa o magbuo ng organisasyong tutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan; tipunin ang inyong grupo sa parokya, paaralan, o komunidad upang labanan ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ibahagi ang babasahing ito sa inyong social media at gamitin ang hashtag na #NoToDeathPenalty.

3

4Tutukan ang kampanya kontra death penalty. I-like ang mga sumusunod sa Facebook:• FLAG (Free Legal Assistance Group) Anti-Death

Penalty Task Force

• Coalition Against Death Penalty (CADP)

• Commission on Human Rights of the Philippines (CHR)

5

6

7

8

9

2Lumagda sa mga petisyong katulad ng “1 Million Petition Against Death Penalty” sa veritas846.ph/chooselife, at ipaalam ito sa iyong mga kaibigan.

ANGDEATHPENALTYBILL