2
Buod ng Proyekto Matatagpuan sa Bayview, ang napanukalang Quint-Jerrold Connector Road ay mag- uugnay ng Quint Street na nasa hilaga lamang ng Oakdale Avenue sa Jerrold Avenue sa pamamagitan ng bagong kalye sa kahabaan ng kanlurang bahagi ng mga riles ng Caltrain. Ang bagong kalye ay gagawin sa ari-arian ng Union Pacific Railroad. Kapag ang Caltrain Quint Street Bridge ay napalitan na ng isang daan sa tabi ng karsada (berm), ang pagsasara sa pamamagitan ng paggamit sa kasalukuyang Quint Street, ang Connector Road ay magkakaloob ng kahaliling daraanan sa pagbagtas ng mga riles sa pamamagitan ng Jerrold Avenue. Ang kalye ay binabalak din bilang suporta sa potensiyal na bagong istasyon ng Caltrain sa Oakdale Avenue at magbigay ng daraanan sa iba pang kalapit na mga ginagamit na lupain. Ang proyekto ay kasalukuyang nasa bahagi ng pagpaplano at pagdisenyo ng konsepto, at ang project team ay nagtatrabaho upang isama ang puna mula sa komunidad at nakikipag-ugnayan sa proyektong Quint Street Bridge Replacement at iba pang kalapit na mga proyekto. Disenyo Ang San Francisco County Transportation Authority, Department of Public Works, at Municipal Transportation Agency ay magkakasamang nagsasagawa ng isang disenyo para sa bagong kalye. Ang napanakulang disenyo ay tumutugon sa lahat ng mga kailangan ng lokal na sirkulasyon na karaniwang pinagsisilbihan ng kasalukuyang Quint Street. Ang kasalukuyang panukala (tingnan ang mga larawan sa itaas at sa likod na bahagi) ay nagtatampok ng: Isang daanan ng trapiko (traffic lane) sa bawat direksiyon at bangketa sa isang panig Pinagbuting pag-iilaw ng lansangan at bagong anyo ng tanawin (landscaping) batay sa pakikipag-ugnayan sa mga katabing pag-aari Kanto (intersection) sa Jerrold Avenue na nagpapahintulot para sa mga pagliko sa lahat ng direksiyon, pagdaan ng mga trak, at pagsama sa naplanong muling pagsasa-ayos ng lansangan sa San Francisco Wholesale Produce Market Halaga at Pondo Ang kasalukuyang halagang natantiya para sa Connector Road ay $7.3 milyon. Kabilang sa mga naplanong pagmumulan ng pondo para sa proyekto ay ang Caltrain funds, Prop K transportation sales tax funds, at mga pondo mula sa iba pang mga lokal na panggagalingan. Pag-abot (Outreach) sa Komunidad Ang project team ay nangalap ng impormasyon mula sa komunidad sa mga naunang pag-iikot ng pag-abot sa komunidad noong fall 2011, spring 2012, fall 2012, at summer 2013. Bilang tugon sa mga puna, kami ay: Nagpabuti ng disenyo ng kalye na kabilang ang anyo ng tanawin at pag-iilaw at pahintulutan ang mga pagliko sa kaliwa mula sa Connector Road papuntang Jerrold Avenue Nakipag-ugnayan sa Caltrain Quint Street Bridge Project patungkol sa mga iskedyul at kailangan sa paggawa upang mabawasan ang oras ng pagsasara ng lansangan habang nagsasagawa ng konstruksiyon Nagpatuloy na ayusin nang mabuti ang mga halagang natantiya sa proyekto at mga plano ng pondo Bumuo ng isang estratehiya upang paramihin ang mga oportunidad sa lokal na trabaho Ang proyekto ay magpapatuloy na maghanap at maisama ang impormasyon mula sa komunidad habang patuloy ang proseso ng pagdisenyo. Mga Oportunidad sa Lokal na Trabaho Para sa parehong Connector Road at Caltrain Bridge Replacement na mga proyekto, ang mga ahensiya ay bumuo ng plano sa pag-abot sa lokal na komunidad upang palakihin ang pagkakaroon ng mga oportunidad para sa lokal na mga manggagawa at maliliit at maralitang negosyo. Ang pag-abot sa lokal na komunidad at mga pagtitipon, kabilang ang pre-bid at open house na mga pagpupulong na malapit sa lugar, ay magkakaloob ng impormasyon tungkol sa mga proyekto at tutulong sa mga manggagawa at kompanya na lumahok. SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY Quint/Jerrold Connector Road Para sa higit na impormasyon: Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa website ng proyekto sa www.sfcta.org/quint o kontakin si Colin Dentel-Post, Transportation Planner ng San Francisco County Transportation Authority, sa pamamagitan ng email na [email protected], o telepono sa 415-522.4836. Ang proyektong ito ay magkasamang inisponsor ng San Francisco County Transportation Authority at ng San Francisco Department of Public Works. Magpatuloy sa kabilang bahagi Mahalagang Impormasyon (Fact Sheet) HULING ISINAPANAHON Abril 2014

Quint/Jerrold Connector Road

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Quint/Jerrold Connector Road

Buod ng ProyektoMatatagpuan sa Bayview, ang napanukalang Quint-Jerrold Connector Road ay mag-uugnay ng Quint Street na nasa hilaga lamang ng Oakdale Avenue sa Jerrold Avenue sa pamamagitan ng bagong kalye sa kahabaan ng kanlurang bahagi ng mga riles ng Caltrain. Ang bagong kalye ay gagawin sa ari-arian ng Union Pacific Railroad.Kapag ang Caltrain Quint Street Bridge ay napalitan na ng isang daan sa tabi ng karsada (berm), ang pagsasara sa pamamagitan ng paggamit sa kasalukuyang Quint Street, ang Connector Road ay magkakaloob ng kahaliling daraanan sa pagbagtas ng mga riles sa pamamagitan ng Jerrold Avenue. Ang kalye ay binabalak din bilang suporta sa potensiyal na bagong istasyon ng Caltrain sa Oakdale Avenue at magbigay ng daraanan sa iba pang kalapit na mga ginagamit na lupain.Ang proyekto ay kasalukuyang nasa bahagi ng pagpaplano at pagdisenyo ng konsepto, at ang project team ay nagtatrabaho upang isama ang puna mula sa komunidad at nakikipag-ugnayan sa proyektong Quint Street Bridge Replacement at iba pang kalapit na mga proyekto.

Disenyo Ang San Francisco County Transportation Authority, Department of Public Works, at Municipal Transportation Agency ay magkakasamang nagsasagawa ng isang disenyo para sa bagong kalye. Ang napanakulang disenyo ay tumutugon sa lahat ng mga kailangan ng lokal na sirkulasyon na karaniwang pinagsisilbihan ng kasalukuyang Quint Street.Ang kasalukuyang panukala (tingnan ang mga larawan sa itaas at sa likod na bahagi) ay nagtatampok ng:

• Isang daanan ng trapiko (traffic lane) sa bawat direksiyon at bangketa sa isang panig • Pinagbuting pag-iilaw ng lansangan at bagong anyo ng tanawin (landscaping)

batay sa pakikipag-ugnayan sa mga katabing pag-aari• Kanto (intersection) sa Jerrold Avenue na nagpapahintulot para sa mga pagliko

sa lahat ng direksiyon, pagdaan ng mga trak, at pagsama sa naplanong muling pagsasa-ayos ng lansangan sa San Francisco Wholesale Produce Market

Halaga at PondoAng kasalukuyang halagang natantiya para sa Connector Road ay $7.3 milyon. Kabilang sa mga naplanong pagmumulan ng pondo para sa proyekto ay ang Caltrain funds, Prop K transportation sales tax funds, at mga pondo mula sa iba pang mga lokal na panggagalingan.

Pag-abot (Outreach) sa KomunidadAng project team ay nangalap ng impormasyon mula sa komunidad sa mga naunang pag-iikot ng pag-abot sa komunidad noong fall 2011, spring 2012, fall 2012, at summer 2013.

Bilang tugon sa mga puna, kami ay:

• Nagpabuti ng disenyo ng kalye na kabilang ang anyo ng tanawin at pag-iilaw at pahintulutan ang mga pagliko sa kaliwa mula sa Connector Road papuntang Jerrold Avenue

• Nakipag-ugnayan sa Caltrain Quint Street Bridge Project patungkol sa mga iskedyul at kailangan sa paggawa upang mabawasan ang oras ng pagsasara ng lansangan habang nagsasagawa ng konstruksiyon

• Nagpatuloy na ayusin nang mabuti ang mga halagang natantiya sa proyekto at mga plano ng pondo

• Bumuo ng isang estratehiya upang paramihin ang mga oportunidad sa lokal na trabaho

Ang proyekto ay magpapatuloy na maghanap at maisama ang impormasyon mula sa komunidad habang patuloy ang proseso ng pagdisenyo.

Mga Oportunidad sa Lokal na TrabahoPara sa parehong Connector Road at Caltrain Bridge Replacement na mga proyekto, ang mga ahensiya ay bumuo ng plano sa pag-abot sa lokal na komunidad upang palakihin ang pagkakaroon ng mga oportunidad para sa lokal na mga manggagawa at maliliit at maralitang negosyo. Ang pag-abot sa lokal na komunidad at mga pagtitipon, kabilang ang pre-bid at open house na mga pagpupulong na malapit sa lugar, ay magkakaloob ng impormasyon tungkol sa mga proyekto at tutulong sa mga manggagawa at kompanya na lumahok.

SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY

Quint/Jerrold Connector Road

Para sa higit na impormasyon:Para sa karagdagang impormasyon, mangyari lamang na bumisita sa website ng proyekto sa www.sfcta.org/quint o kontakin si Colin Dentel-Post, Transportation Planner ng San Francisco County Transportation Authority, sa pamamagitan ng email na [email protected], o telepono sa 415-522.4836.

Ang proyektong ito ay magkasamang inisponsor ng San Francisco County Transportation Authority at ng

San Francisco Department of Public Works.

Magpatuloy sa kabilang bahagi

Mahalagang Impormasyon (Fact Sheet)HULING ISINAPANAHON

Abril 2014

Page 2: Quint/Jerrold Connector Road

Plano ng KonseptoAng napanukalang pagsasa-ayos ng Quint-Jerrold Connector Road na nasa kanto ng Jerrold Avenue, na makikita sa ibaba, ay magpapahintulot sa mga pagliko sa lahat ng direksiyon.

Iskedyul at KoordinasyonAng proyekto ay nakatakdang makumpleto ang pagdisenyo ng konsepto at pagrepaso ng kapaligiran para sa kalye sa kalagitnaan ng 2014, na susundan ng panghuling disenyo at paanyaya sa paggawa (construction bidding) sa 2015. Ang konstruksiyon ay maaaring simulan sa 2015.Ang project team ay malapit na nakikipag-ugnayan sa Caltrain’s Quint Street Bridge Replacement Project, na nakatakdang simulan ang konstruksiyon sa 2015. Ang konstruksiyon ng daan sa gilid ng kalye (berm) para palitan ang Quint Street Bridge ay uunahan ng konstruksiyon ng bagong Connector Road dahilan sa ang lumalalang kondisyon ng kasalukuyang istruktura ng tulay ay nangangailangan ng mapalitan ito sa lalong madaling panahon. Sa hinaharap, ang mga ahensiya ay magpapatuloy na magtrabaho ng sama-sama upang mabawasan ang epekto ng pagkakasunod-sunod ng proyekto at pagsasara ng pansamantalang mararaanan sa nakapaligid na komunidad.

Ang Quint-Jerrold Connector Road ay mag-uugnay ng Quint Street sa Jerrold Avenue, na magpapanatili ng paggamit para sa lugar at magsisilbi sa naplanong kalapit na mga proyekto.

1455 Market Street, 22nd Floor, San Francisco, CA 94103tel 415.522.4800 fax 415.522.4829 email [email protected] web www.sfcta.org

SAN FRANCISCO COUNTY TRANSPORTATION AUTHORITY