Upload
lfsphilippines
View
503
Download
15
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Basahin, i-download, at ipamahagi ang updated na primer ng League of Filipino Students (LFS) hinggil sa programang K to 12 ng gobyernong Aquino. Alamin ang mga dahilan ng pagtutol ng kabataan sa bagong programa sa batayang edukasyon.
Citation preview
1 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Ano ang programang K to 12 ng
gobyernong Aquino?
Ang K to 12 ang pangunahing programa ni BS Aquino sa edukasyon.
Pinagtibay ito ng Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No.
10533 na pinirmahan noong Mayo 15, 2013.
Sa ilalim ng programang K to 12, kinakailangan munang pumasok sa
Universal Kindergarten ang mga mag-aaral bago magsimula ng pag-aaral
sa elementarya (grade 1 hanggang grade 6). Madadagdagan naman ng
dalawang taon ang pag-aaral sa hayskul kung saan hahatiin ito sa
tinatawag na junior high school (grade 7 hanggang grade 10) at senior
high school (grade 11 hanggang grade 12).
Ang dating 10-taong batayang edukasyon sa Pilipinas ay mapapalitan at
aabot hanggang 12 taon kaya naman tinatawag ang programang ito
bilang K to 12.
1. Ano ang laman ng kurikulum ng programang K to 12?
Mayroong apat na tracks na hinahain ang
senior high school (SHS) sa ilalim ng
programang K to 12. Ang mga ito ay
(1)technical-vocational-livelihood,
(2)academic, (3)sports, at (4)arts and design.
Sa ilalim ng dagdag dalawang taon, tintulak
ang mga kabataan na magpakadalubhasa
sa mga nabanggit.
mula sa www.gov.ph/k-12/
2 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Sa kabila nito, hindi tunay na malayang makakapili ang mga papasok sa
SHS. Hindi lahat ng apat na tracks ay kayang ibigay ng mga eskwelahan.
Ayon sa DepEd, 48.7% ng SHS ay naga-alok ng technical-vocational at
49.7% naman ang academic track. Ang natitira naman ay pinaghahatian
lamang ng sports (0.9%) at arts and design (0.8%) tracks.
Pangunahing nilalaman ng K to 12 ang ibat ibang kurso na nagsasanay sa
mga kabataan bilang mga semi-skilled workers na kinakailangan ng mga
dayuhan. Nakadisenyo ang kurikulum nito upang sumalubong sa mga in-
demand na trabaho sa ibang bansa (makikita sa Table1).
Ang ilan pang kurso sa ilalim ng SHS na mayroong kaparehong
oryentasyon ay ang sumusunod:
(1) bread and pastry production
(2) caregiving
(3) carpentry
(4) computer hardware servicing
(5) electronic installation and maintainance
Table 1. Ilang mga kurso sa ilalim ng SHS at ang katumbas na trabaho
sa ibang bansa
Kurso sa SHS In-demand na skill o
trabaho Destinasyon na bansa
House keeping
Household services Domestic Helper
Saudi Arabia
United Arab Emirates
Malaysia
Hongkong
Shielded Metal Arc
Welding Welder
Saudi Arabia
United Arab Emirates
United Kingdom
Plumbing Tubero
Saudi Arabia
Unite Arab Emirates
Australia
Tailoring / Dressmaking Mananahi Saudi Arabia
Commercial Cooking Cook
Saudi Arabia
United Arab Emirates
Australia
United Kingdom
Slaughtering Operations Matador Canada
3 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
(6) masonry
(7) beauty and nail care
(8) food and beverage services
(9) hairdressing
(10) wellness massage
(11) tour guiding services
(12) contact center services
4 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
2. Sinu-sino ang mga nagtutulak ng K to 12?
Mga dayuhan at malalaking negosyante ang pangunahing mga nagtutulak
sa pagpapatupad ng programang K to 12. Sila rin ang may pinaka-
malaking ganansya dito.
Ang K to 12 ay programang tintulak ng mga dayuhan
Hindi na bago ang pagtutulak ng mga dayuhan sa ibat ibang programang
pang-edukasyon sa ating bansa. Maging ang gobyernong Aquino ay
aminado na ang K to 12 ay hindi isang bagong inisyatiba.
Mula 1965 hanggang kasalukuyan, tuloy-tuloy na tinutulak ng ibat ibang
dayuhang institusyong pampinansya ang mga pagbabago sa kurikulum
ng ating edukasyon sa bansa (makikita sa Table 2).
Table 2. Balik-tanaw sa mga programang pang-edukasyon ng mga dayuhan sa bansa
na nagbabago ng kurikulum ng batayang edukasyon
1965 World Bank (WB) 11 loan-financed projects sa elementarya and
kolehiyo
1982
International Bank for
Reconstruction and
Development (IBRD) & WB
10-yr Program for Decentralized Education
(PRODED)
IBRD Secondary Education Development Program
(SEDP)
1988
Japan Bank for International
Cooperation & Asian
Development Bank (ADB)
Secondary Education Sector Development and
Improvement Project (SESIP)
Australian Agency for
International Development
(AusAID) & ADB
Project in Basic Education (PROBE)
1998 WB & ADB
Philippine Education Sector Study (PESS):
kinakailangan paunlarin ng mga kabataan ang
kanilang kakayahan sa ngalan ng kompetisyon
2002 PESS
Revised Basic Education Curriculum (RBEC):
paghahati sa limang asignatura Mathematics, Science, English, Filipino, Makabayan
(kulumpunan ng ibat ibang paksa kabilang ang Araling Panlipunan)
2012
Republic Act 10157: Act Institutionalizing
Kindergarten Education into the Basic
Education System (Universal Kindergarten)
5 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Ang mga programang ito ay nakatuon sa pagdidiin sa (1) Agham at
Teknolohiya, (2) Matematika, at (3) Pagsulat at Pagbasa sa Ingles. Layon
ng mga programa na ito na hubugin ang mga kabataan bilang mga
murang lakas-paggawang nagtataglay ng panimulang mga kaalaman at
partikular na mga kakayanang kinakailangan ng mga dayuhan.
Kasabay ng mga pagbabago sa kurikulum ay ang pagtutulak ng mga
dayuhan sa dagdag na mga taon sa pag-aaral sa loob ng bansa (makikita
sa Table 3). Simula pa lamang dekada 1950 ay tinutulak na ito.
Sa pamamagitan ng dagdag dalawang taon sa ilalim ng K to 12, tumitining
ang isang edukasyon nakabatay sa pangangailangan ng pandaigdigang
pamilihan.
Pinabibilis at pinararami ng K to 12 ang mga kabataan na nagtratrabaho
sa labas ng bansa sa pamamagitan ng pag-ayon sa mga umiiral na
patakaran ng ibang bansa. Kabilang dito ang Washington Accord sa
Estados Unidos ng Amerika na nagpapahintulot lamang sa mga inhinyero
na makapagtrabaho kung sila ay nakapagtapos ng 16 taon ng pag-aaral.
Katumbas din nito ang Bologna Accord ng Europa na pinahihintulutan
2013 Republic Act 10533: Enhanced Basic
Education Act of 2013
Table 3. Mga naunang hakbang sa pagpapahaba ng panahon ng batayang edukasyon
sa bansa
1950s Education Act of 1953 pagdadagdag ng Grade 7 sa elemtarya
1970 Presidential Commission to
Survey Philippine Education
pagdadagdag ng isang taon sa hayskul para
ihanda di umano sa kolehiyo
1998
Philippine Education Sector
Study;
World Bank;
Asian Development Bank
pagpapahaba ng batayang edukasyon sa
bansa
2004
Philippine Commission on
Education Reform (PCER);
Philippine Education Sector
Study
Department of Education Compulsory
Bridging Program
6 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
lamang ang mga mayroong 12 taon ng batayang edukasyon upang
makapasok sa mga unibersidad at makapagtrabaho ayon sa kanilang mga
piniling propesyon.
Ang K to 12 ni Aquino ay bahagi din Education for All Agenda (EFA) ng WB
at Millenium Development Goals for 2015 (MDGs). Ang mga platapormang
ito ay walang ibang layon kundi ang ibayong liberalisasyon, deregulasyon,
pribatisasyon, at denasyunalisasyon hindi lamang ng edukasyon kung
hindi maging ang ekonomiya ng ating bansa sa ngalan ng interes ng
dayuhan.
Ang K to 12 ay programang tintulak ng mga malalaking negosyante
Mahigpit naman na katuwang ng mga dayuhan ang local na malalaking
negosyante sa loob ng bansa sa pagtutulak ng dagdag taon at pagbabago
ng kurikulum sa batayang edukasyon.
Noong 2012, mayroong 10 puntong Education Reform Agena na inilabas
ang Education Nation, isang koalisyong kasama ang Philippine Business for
Education (PBED). Ang PBED ay kinabibilangan ng malalaking negosyante
katulad nila Manuel Pangilinan, Jaime Augusto Zobel de Ayala, Oscar
Lopez, at Lance Gokongwei. Kasama sa 10 puntong ito ang pagtutulak sa
programang K to 12.
Ang PBED din ay kabilang sa pinapatawag ng Kongreso at Senado bilang
mga resource person. Nirerepaso nila ang pagpapatupad ng programang
K to 12 at ginagawa itong katanggap-tanggap sa kabataan at
mamamayan.
7 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Bakit kinakailangan tutulan at labanan ang
K to 12 ni Aquino?
Walang pakinabang ang mga kabataan at mamamayan mula sa
programang K to 12 ni Aquino.
1. Ang K to 12 ay mag-reresulta ng malawakang kawalan
ng trabaho, pagbaba ng sahod ng mga manggagawa, at
paglobo ng mga OFWs
Sa kasalukuyan, napakataas ng tantos ng walang trabaho sa ating bansa.
Sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ni Aquino, pumapalo ito sa
600,000. Sa huling tala ng Labor Force Survey, may 64.3% ng populasyon
ang walang trabaho o walang maayos na trabaho (makikita sa Table4).
Kalakhan ng mga walang trabaho o
47.3% ay mga bagong tapos, edad 15
hanggang 24, samantala 30% dito ay
nasa edad 25 hanggang 34. Ibig
sabihin, mahigit 70% ng walang trabaho ay mga kabataan.
Wala namang trabaho ang 2 sa 10 gradweyt ng kolehiyo habang 3 sa 5 sa
mga Pilipinong walang trabaho ay nakapagtapos sa kolehiyo. Noong 2014,
nasa 553,706 ang bagong tapos sa kolehiyo ngunit 518,000 lamang ang
nalikhang trabaho noong 2013.
Ang patuloy na pagkakait ng gobyernong Aquino sa pagtataguyod ng
pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa ang mga
pangunahing dahilan kung bakit walang trabaho sa loob ng bansa. Dahil
dito, tiyak na walang naghihintay na trabaho sa loob ng bansa sa mga
gradweyt ng K to 12.
Sa ilalim ng K to 12, awtomatikong masasama sa employable force ang
mga gradweyt nito lalo pat nasa legal na edad na ang mga ito pagkatapos
ng SHS.
Table 4.
Unemployment 4.3 Million
Underemployment 6.9 Million
TOTAL 11.2 Million
8 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Dahil walang nalilikhang trabho ang rehimen, higit lamang pararamihin
ng K to 12 ang bilang ng reserba ng murang lakas paggawa at
papatindihin ang kompetisyon sa pagitan ng mga naghahanap ng
trabaho. Kung gayon, binibigyan daan ng K to 12 ang higit pang
pambabarat sa kasalukyan nang mababang sahod ng mga manggagawa
(makikita sa Table5).
Higit na dadami ang
mapipilitang pumasok bilang
kontraktwal sa desperasyon na
makakuha ng trabaho.
Kasabay din nito ang tiyak na
pagdami ng mga pagsupil sa
mga karapatan sa paggawa at
pagpapatupad ng mga di-
makatarungang kondisyon sa
paggawa.
Dahil sa mga kalagayan na ito at sa patuloy na pagpapatupad ng Labor-
Export Policy (LEP) ni Aquino, lolobo din ang bilang ng mga OFWs.
Umaabot sa 6,092 kada araw ang bilang ng mga Pilipinong lumlipad
patungong ibang bansa para maghanap ng trabaho. Sa pagsasara ng
2011, nakapagpasok ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng
kabuuang US$20 bilyon sa bansa kung saan nagsisilbing isa sa mga
sinasandigan ng ating ekonomya.
Ibig sabihin, sinisitimatisa ng K to 12 ang pagsu-suplay ng mga murang
lakas paggawa sa mga dayuhang bansa (balikan ang table1). Sa
pamamagitan ng K to 12, nabibigyan katwiran ang pagtalikod ni Aquino
sa pagtatayo ng mga batayang industriya at pagpapaunlad ng agrikultura
na lilikha sana ng mga trabaho sa bansa.
Sa kabila ng panganib na dala ng pangingibang bayan trulad ng mga
kwento ni Mary Jane Veloso at Flor Contemplacion, mapilit parin ang
gobyernong Aquino sa pagpapatupad ng LEP. Patunay rito ang
pagmamatigas nito na ipatupad ang programang K to 12.
Table 5. Minimum Wage vs. Family
Living Wage
Minimum Wage
P466/araw
NCR
P298/araw
National
Family Living Wage
(halagang kailangan para mabuhay ang
pamilyang may 5-6 miyembro)
P1,083/araw o P32,490/buwan
9 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Kasalukuyan din na ginagamit ng gobyernong Aquino ang Association of
South East Asian Nations (ASEAN) Economic Integration 2015 para
pabilisin ang pagpapatupad ng SHS. Sa ilalim ng ASEAN 2015, tintutulak
ng Estados Unidos na gawing isang malaking assembly line at
nagkakaisang pamilihan (one market) ang buong Asya-Pasipiko. Layon
nitong higit na mapabilis ang pag-eksport ng mga murang hilaw na
materyales at murang lakas paggawa habang tinatanggal ang restriksyon
ng mga bansa sa dayuhang pamumuhunan. Susi ang K to 12 at Academic
Calendar Shift para sa mas mabilis na pagkuha ng dayuhang bansa ng
kanilang kinakailangang murang lakas paggawa.
2. Ang K to 12 ay dagdag pahirap sa kabataan at kanilang
mga magulang
Bago ang K to 12, tinatayang mahigit Php30,000 ang halagang
kinakailangan ng mga magulang para sa pagpapaaral ng isang hayskul
kada taon. Saklaw ng halagang ito ang mga gastusin para sa pamasahe,
proyekto, at baon. Hindi pa kasama dito ang mga libro, modyul,
uniporme, ID, school supplies, at iba pang mga kailangan para sa
pagpasok ng mga estudyante.
Ibig sabihin, nangangailangan ng halos Php100,000 ang bawat kabataan
para lamang tustusan ang kanilang mga pangangailangan sa SHS. Doble
pahirap lamang ang hatid ng dagdag dalawang taon sa ilalim ng
programang K to 12.
Pribatisasyon ng Batayang Edukasyon sa K to 12
Tinatayang nasa 1.95M hanggang mahigit dalawang milyon ang
inaasahang papasok sa SHS sa darating na Hunyo 2016. Kalakhan dito ay
manggaling sa mga
pampublikong hayskul.
Ngunit nasa 0.8M
hanggang 1.1M lamang
ang kayang tanggapin ng
mga pampublikong SHS
(makikita sa larawan mula
sa DepEd Senate Report).
10 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Kung ikokonsidera natin na hindi lahat ng nagtapos sa pribadong paaralan
ay makakapagpatuloy sa mga pribadong SHS at ang mga hindi papalarin
mapunta sa mga pampublikong SHS, aabot ng 1M mga kabataan ang
mapipilitan mag-enrol sa mga pribadong SHS o mga State Universities and
Colleges (SUCs) na may programang SHS. Ibig sabihin, isang milyon o
kalahati ng mga mag-aaral ng SHS ay kinakailangan magbayad ng
napakataas na matrikula at iba pang bayarin para sa kanilang edukasyon.
Nasa 2,199 na ang mga pribadong paaralan at SUCs ang handa na raw
magbigay ng SHS. Kalakhan dito ay mga pribadong hayskul at higher
education institution (HEIs). Sa kabilang banda, wala pang pampublikong
paaralan ang masasabing mayroon nang kakayanan na magbigay ng SHS.
Kasama sa naglalako ng SHS ang Far Eastern University of the Philippines,
University of the East, Lyceum University of the Philippines, Centro Escolar
University, at ang Mapua Institute of Technology sa pamamagitan ng
subsidiary nitong Malayan High School of Science. Ang mga nasabing
paaralan ay kabilang sa Top 1,000 Corporations sa bansa at may kabuuang
kita na Php9.3 billion noong 2014.
Kabilang din ang Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle
University (DLSU) sa pamamagitan ng kanilang subsidiaries na De La Salle
Santiago Zobel School and De La Salle Araneta University. Ang ADMU ay
nagtala ng kabuuang kita na Php2.9 billion noong 2014 habang ang DLSU
naman ay nagtala ng mahigit Php600 million noong 2013.
Maging ang malalaking negosyante ay bahagi ng SHS. Ilan sa mga ito ay
ang San Beda College (Manny V. Pangilinan), Career Academy Asia-
PHINMA (PHINMA Group/Ramon del Rosario), at National University
(Henry Sy) sa pamamagitan ng Nazareth School of National University.
Ang mga pribadong HEIs na
nag-aalok ng SHS ay walang
pagkukubli na pinagkakakitaan
ang K to 12 sa pamamagitan ng
napakataas na mga matrikula
(makikita sa Table6).
Table 6. Halaga ng matrikula sa ilang
pribadong pamantasan na nag-aalok ng SHS
Informatics 70, 000
STI 32, 500
New Era University 30, 000
National College of Business
and Arts
25,00 30, 000
11 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Hindi naman nalalayo ang halaga
ng matrikula sa SHS ng mga nasa
SUCs (makikita sa Table7). Kung
tutuusin, mas mataas pa nga ang
halaga nito sa karaniwang
binabayaran ng kanilang mga mag-
aaral sa 1st year college. Halimbawa, sa PUP ang matrikula at iba pang
bayarin sa SHS ay limang beses na mas mataas sa binabayaran ng isang
1st year college at 15 beses na mas mataas sa binabayaran ng isang PUP
Laboratory High School student.
Wala rin katotohanan na sasaluhin ng Voucher System ng gobyerno ang
mga bayarin sa SHS. Kahit pa ang panukalang 13.2 hanggang 19.8 bilyong
piso para sa Voucher System ay hindi sasapat upang mabigyan ang mahigit
dalawang milyong kabataan na papasok sa SHS sa mga pribadong
eskwelahan at SUCs. Maging ang mga mabibigyan ng voucher ay hindi
naman buong-buo na makatatanggap ng subsidyo (makikita sa larawan
mula sa DepEd Senate Report).
Sa katunayan, tinitiyak lamang ng voucher ang kita ng mga pribadong
paaralan. Wala itong intensyon na saluhin ang bagahe ng K to 12 bakus ay
tulungan pa ang mga kapitalista-edukador na ipagpatuloy ang kanilang
pagnenegosyo sa edukasyon.
Tuluyan na tinatanggal ng K to 12 ang karapatan ng bawat mamamayan
sa isang libreng batayang edukasyon.
Table 7. Halaga ng matrikula sa ilang
SUCs na nag-aalok ng SHS
Technological University
of the Philippines
25, 000
Polytechnic University of
the Philippines
16, 000
12 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Komersyalisasyon sa Kolehiyo
Higit na nilalayo ng K to 12 ang kolehiyo sa mga kabataan. Gamit ang
katwiran na ang mga bagong tapos ng K to 12 ay nagtataglay na ng mga
kasanayan at nasa wastong edad na para sa trabaho, tinutulak ang mga
kabataan na magtrabaho na lamang bilang murang sahuran na
manggagawa at hindi na magtuloy sa kolehiyo. Sa gayon, higit na
tumataas ang halaga ng edukasyon sa kolehiyo.
Papalalin ng K to 12 ang deregulasyon sa matrikula at iba pang bayarin sa
mga unibersidad at pamantasan. Nooong 2014 pa lamang, may ilang mga
pribadong unibersidad tulad ng De La Salle University ang aktibong
nagtulak ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin dahil sa K to 12.
Higit pang magtataas ang matrikula at iba pang bayarin sa kolehiyo upang
higitan ang mataas na ngang singilin sa SHS.
Pagdami ng kabataang hindi nakakapag-aral
Inaasahan na higit na tataas
ang kasalukuyang bilang ng
mga kabataang wala sa
ekwela dahil sa programang
K to 12.
Sa kasalukuyan pa lamang,
umaabot na sa 4 milyon ang
drop-outs sa elementarya at
hayskul samantalang nasa 2.3 milyon naman ang drop-outs sa kolehiyo.
Nasa 24.5% ng mga out-of-school youth na edad 16-24 ang hindi
nakapagtuloy ng pag-aaral dahil sa mataas na gastos sa pag-aaral.
Samantala, 26.1% naman ay napilitan na lamang maghanap ng trabaho
dahil sa kahirapan at kawalan ng kakayahang makapag-aral.
Sa komersyalisasyon na kakambal ng K to 12 ay tiyak ang biglang paglobo
ng bilang ng mga kabataan na out-of-school at paglaki ng drop-out rate.
Higit na nilalayo ng K to 12 ang batayang karapatan sa edukasyon.
13 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
3. Ang K to 12 ay magpapalala sa krisis ng edukasyon
Hindi solusyon ang dagdag dalawang taon sa pagpapataas ng kalidad ng
edukasyon sa bansa. Sa aktwal, ibayong pinalala pa ng K to 12 ang
kasalukuyang krisis sa edukasyon.
Ayon sa pag-aaral na Length of School Cycle and the Quality of
Education ng mga piling propesor, walang batayan na uunlad ang kalidad
ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapahaba ng education cycle.
Maging ang ginagamit ng rehmen na 2003 Trends in International
Mathematics and Sciences (TIMMS) ay nagpapatunay na walang relasyon
ang pagpapahaba ng oras sa pagpapataas ng kalidad ng ating edukasyon.
Ang Pilipinas ay isa sa mga
bansang kabilang sa TIMMS na
may 4 na taon ng hayskul, ang
mga bansang Ghana at South
Africa na mayroong 6 na taon ay
mas mababa pa ang marka na
nakuha sa Pilipinas. Gayon din,
ang Singapore ay nanguna sa
TIMMS at sa ilang kategorya ay nataaasan pa ang Estados Unidos ng
Amerika, Australia, at Russia kahit pa mas kaunti ang bilang ng taon ng
pag-aaral sa Singapore.
K to 12 ay nagpapalala sa mga kakulangan
Painapapalala ng K to 12
ang kalunos-lunos na
kalagayan ng batayang
edukasyon sa bansa.
Patuloy at dumadami ang
kakulangan sa mga guro,
klasrum, upuan, libro, at
iba pang mga kailangan
ng mga kabataan sa
batayang edukasyon (makikita sa Table9).
Table 8. Haba ng pag-aaral ng ilang
mga bansa COUNTRY EDUCATION CYCLE
Singapore 13
South Korea 13
United States 15
Philippines 10
Thailand 12
Table 9. Mga kakulangan sa batayang
edukasyon (ayon sa Kabataan Partylist)
Mga Klasrum
202,356
(SY 2013-2014)
209,539
(SY 2014-2015)
Mga Guro 114,304
(1:30 ratio)
Sanitation & Water Facilities 2.5 Million
Mga Libro 60 Million
14 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Patuloy pa rin na
nagsisiksikan ang
mga mag-aaral sa
mga klasrum na
umaabot mula 60
hanggang lagpas
100 kada klasrum.
Dahil sa mga kakulangan na nabanggit, napipilitan ang iba pang mga
hayskul na hatiin ang pasok ng mga kabataan sa pang-umaga, pang-
hapon, at kung minsan pa ay panggabi (makikita sa Table10).
Para punan ang mga
kinakailangan sa Universal
Kindergarten (UK), sinabi ni
DepEd Sec. Luistro sa DepEd
Order No. 37 na ang mga
paaralan na walang mga
klasrum para sa kindergarten
ay dapat imaksimisa ang mga
hindi ginagamit na library,
laboratory, at iba pang
maaring paglunsaran ng
klase. Kaya naman nakikita
natin ang mga mag-aaral ng
kindergarten na mas madalas
na kumukuha ng klase sa mga
corridors, ilalim ng puno at
kung saan pa man.
Patuloy din na tinutulak ang
pagdagdag ng mga klaseng
hinahawakan ng isang guro.
Kumpara sa ibang bansa sa
Timog-Silangang Asya,
sadyang napakalaki ng teacher-student ratio sa ating bansa. Halimbawa,
sa Indonesia, ang bawat guro ay mayroon lamang 13 na mag-aaral na
Table 10. Shifting ng klase para pagkasyahin ang
klasrum sa bilang ng mga estudyante
Elementarya (2014) Hayskul (2014)
1 shift 37, 488 7, 459
2 shift 1, 146 512
3 shift 15 4
TAAS: Gymnasium na hinati-hati ng mga tabla
upang makalikha ng klasrum
BABA: Pasilyo bilang klasrum ng mga mag-
aaral ng Universal Kindergarten
15 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
tinutukan. Sa Malaysia naman ay mayroon lamang 14 na mag-aaral ang
bawat guro.
Upang pilit na makalusot, tumanggap pa ang DepEd ng mga voluntary
teachers na karamihan ay hindi pa nakakapasa sa Licensure Exam for
Teachers (LET). Tinututring silang mga kontraktwal na may mababang
mga sahod. Labag ito sa batas lalo pat nakasaad sa Konstitusyon na
tanging ang mga may lisensya ang maari mabigyan ng posisyon sa
pagtuturo sa mga paaralan.
Pagkatapos ang unang taon ng implementasyon ng K to 12, nanatili ang
mga ulat na nahuhuli pa rin sa pamamahagi o walang sapat na bilang ng
kopya ang mga modules at iba pang references na gagamitin para sa
bagong kurikulum. Sa iba pa ngang paaralan, walang mga K to 12
modules na magamit ang mga guro at mag-aaral.
Negosyo ang mga kakulangan sa batayang edukasyon
Pinagkakakitaan naman ng rehimeng Aquino at mga kaibigan nitong
malalaking negosyante ang mabilisang pagpapatayo ng mga gusali at
klasrum na kinakailangan sa batayang edukasyon. Sa pamamagitan ng K
to 12, mabilis na naitulak ni Aquino ang kanyang Private-Public Partnership
(PPP) upang hakbang-hakbang na isa-pribado ang mga klasrum at gusali.
Halimbawa, ang gobyernong Aquino ay naghanda ng Php10.04 bilyon
para sa School Infrastructure Project, isang proyektong PPP. Ito ay isang
Built-Lease-and-Transfer (BLT) na programa na kinabibilangan ng
pagdidisenyo, pagplaplano, at pagtatayo ng higit kumulang na 9,300 na
mga one-storey at two-storey na klasrum sa ibat ibang rehiyon ng bansa.
Mula rito, may anim na kompanya na naapruba bilang mga pre-qualified
na mga bidders. Kinabibilangan ito ng BF corporation-Riverbanks
Development Corporation Consortium, Citicore Holdings Investment Inc.
Megawide Construction Corporation Inc., D.M. Consuji Inc., Makati
Development Corporation, at DATEM Inc.
Nanatiling maliit ang pondo para sa edukasyon
Ang K to 12 ay naging epektibo lamang sa ibang bansa dahil ang kanilang
mga gobyerno ay nagbigay ng mataas na pagpapahalaga sa kanilang
edukasyon.
16 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Isang halimbawa
rito ang Bhutan na
tulad ng Pilipinas
ay nagtulak ng
transpormasyon sa
kanilang batayang
edukasyon.
Nagdagdag sila ng
dalawang taon sa hayskul noong 2003. Bago nila ito pinatupad, tinaas ng
gobyerno ng Bhutan ang pondo sa edukasyon mula 5.8% ng kanilang GDP
tungo 7.2%. At dahil sa patuloy na pagbibigy ng subsidyo ng gobyerno ng
Bhutan, malaki ang pag-unlad sa teacher-student ratio mula 38.6 noong
1998 na tumungong 22.8 na lamang sa pagpasok ng 2006.
Kaiba rito, ang Pilipinas ay nanatiling hindi tatatas ng 3% ng GDP ang
nilalaang pondo sa edukasyon. Kaya naman ang K to 12, sa pagdagdag
nito ng dalawang taon, ay nagpapalala lamang sa matinding krisis ng
kakulangan sa mga batayang pangangailangan sa pag-aaral.
Table 5. Paghahambing ng % ng GDP nilalaan sa
edukasyon ng ilang piling bansa, 2009 Indonesia 2.8 Pilipinas 2.8
Iran 4.7 Singapore 3.3
Japan 3.4 South Korea 4.8
Malaysia 4.1 Thailand 4.1
Nepal 4.5 Vietnam 5.3
Mula sa: UNESCO Global Education Digest 2011
17 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Ano ang ating dapat gawin sa programang
K to 12 ni Aquino?
Kinakailangan natin itong sama-samang biguin at agarang ibasura.
Walang pakinabang ang mamamayan sa programang K to 12.
Ang esesnsyal na problema sa programa ng K to 12 ay ang pagpapatuloy
ng oryentasyon ng edukasyong hiwalay sa progresibong ekonomyang
nakasandig sa sarili. Ang K to 12 ay hindi nagbibigay ng totoong
solusyon na papawi sa kahirapan at pag-unlad ng sariling bayan
sapagkat nakatuon ito sa paglikha ng mga trabahador na kinakailangan
ng ibang bansa habang pinabababa ang sahod ng mga manggagawa sa
loob ng ating bansa. Pinapasahol ng K to 12 ang isang komeryalisado,
kolonyal, at pasistang tipo ng edukasyon.
Ang K to 12 at ang katangian ng edukasyon sa bansa ay repleksyon ng
krisis ng lipunang Pilipino. Makikita na ang ating bansa ay patuloy na nasa
ilalim ng dikta at dominasyon ng mga dayuhang monopolyo-kapitalista at
mga pampinansyang institusyon habang nanatiling atrasado at pre-
industriyal. Ang ganitong kaayusan ang sinusuhayan ng programang K to
12.
Kung gayon, ang laban sa K to 12 ay laban upang bumalikwas sa
pagpapatindi sa kasalukuyang bulok na sistema ng edukasyon. Ang
pagbasura sa K to 12 ay pagpapatuloy ng ating pagsusulong ng isang
maka-bayan, siyentipiko, at maka-masang edukasyon. Ibig sabihin nito ay
isang sistema ng edukasyon kung saan ang pinag-aaralan ay nakabatay sa
pangangailangan ng sariling bansa at abot-kaya sa mamamayan.
Mga partikular na tungkulin
1. Paramihin at palawakin natin ang ating mga talakayan at pag-aaral
hinggil sa K to 12 at sa nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa. Sa
pamamagitan nito, malalantad ang mga kasinungalingan ng gobyernong
Aquino at mapapalawak ang makakaiisa natin laban sa K to 12.
2. Mapanlikha nating ipakita sa gobyernong Aquino ang pagtutol ng
mamamayan sa programang K to 12. Maari tayong magsabit ng mga
18 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
streamer o tarpaulin sa harapan ng ating mga bahay, komunidad, at
paaralan upang iparating ang ating pagtuligsa sa K to 12. Gamitin natin
ang mga pader at kalsada upang ipakita ang ating panawagan.
Maksimisahin din natin ang social media at iba pang larangan upang
palawakin ang naabot ng ating kampanya sa pagbabasura ng K to 12.
3. Itatag natin ang STOP K to 12 Alliance bilang tipunan ng mga
organisasyon, samahan, konseho, publikasyon, at grupo ng mga mag-
aaral, magulang, at guro na lumalaban sa K to 12. Pinagtitibay ng alyansa
na ito ang ibat ibang sektor ng ating lipunan upag nagkakaisa at buong
lakas na harapin at labanan ang programag K to 12 ni Aquino.
4. Lumikom tayo ng hindi bababa sa 1 milyong pirma laban sa K to 12.
Nais natin ipakita sa kasalukuyang rehimen ang lawak ng naabot ng ating
panawagan upang kagyat na pagpapatigil at pagbabasura ng programang
K to 12.
5. Maglunsad tayo ng mga malalaki at ibat ibang porma ng pagkilos laban
sa K to 12. Maari itong ganapin sa ating mga paaralan, komunidad, at
paggawaan hanggang sa mga ahensya na nagtutulak ng programang k to
12. Ipakita natin na desidido tayo na biguin ang programang ito.
Ibasura ang programang K to 12!
Labanan ang papatinding krisis sa edukasyon!
Edukasyon para sa bayan, hindi para sa dayuhan!
Isulong ang Isang Maka-bayan, Siyentipiko,
Maka-masang Edukasyon!
Labor-Export Policy, Ibasura!
Patalsikin si Aquino!
19 | Ibasura ng K to 12 ni Aquino!
Para sa mga dagdag impormasyon at updates,
bisitahin lamang ang mga sumusunod
lfs.ph
facebook.com/elepsPH
facebook.com/stopK12
twitter.com/LFSphilippines
Para sa petitisyon laban sa K to 12,
maaring pumirma sa
change.org/p/teachers-youth-parents-
stop-the-k-to-12-program