20
Praktikal na Gabay sa Pag-aayuno at Pananalanginin Pagkatapos, sinabihan ni Josue ang mga tao, “Linisin n’yo ang inyong sarili dahil bukas gagawa sa inyo ang Panginoon ng mga kamangha-manghang bagay.” JOSUE 3:5 M ula pa noon, tinatawag na ng Diyos ang Kanyang bayang magpakumbaba sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Ginagamit ng Diyos ang pag-aayuno bilang sandatang espirituwal para itaguyod ang Kanyang kaharian, magdala ng pagbabago, at magbigay tagumpay sa buhay ng Kanyang mga anak. May kapangyarihang matatamo kapag kusa tayong nagpapakumbaba at naghahangad na matupad ang kalooban ng Diyos. Bilang isang pamilya, sinisimulan natin ang bawat taon ng panahon ng pag-aayuno at pananalangin. Sa ganitong paraan, iniaalay natin sa Diyos ang ating mga sarili at ang paparating na taon. Sama-sama rin tayong nananalig sa Diyos para sa tagumpay sa sarili nating buhay, pamilya, pananalapi, at simbahan. Sa mga nakaraang taon, bilang resulta ng pag-aayuno at pananalangin, marami na ang nakaranas ng kaligtasan, paggaling, promosyon, pagkakabati-bati sa pamilya, pagpapalang pinansyal, at nakamamanghang paglago ng mga discipleship group at simbahan. Laging pinananabikan ng lahat na marinig ang mga patotoo tungkol sa pagtugon ng Diyos sa mga panalanging higit pa sa inaasahan. Buong-puso tayong manalig na ito’y taon ng himala at kasagutan sa panalangin. Inaanyayahan ang bawat miyembro na makilahok sa taunang pag-aayuno at pananalangin. Ito ang panahong sama-sama nating inihahandog ang ating mga sarili, pamilya, at gawain sa Panginoon. Manalig tayo sa Diyos na tulungan Niya tayong magtagumpay sa bawat bahagi ng ating buhay sa taong ito. “Sabihin ninyo sa mga namumuno sa Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan na magsipunta silang lahat sa templo ng Panginoon na kanilang Diyos at mag-ayuno. Humingi sila ng tulong sa Panginoon.” JOEL 1:14 Bakit Kinakailangan Mag-ayuno? 1. Nag-ayuno si Jesus. 1 Pagkatapos nito, dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2 Doon ay nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at 40 gabi, kaya nagutom MATEO 4:1,2

Praktikal na Gabay sa Pag-aayuno at PananalangininF 2015...Paghahanda sa Pag-Aayuno “Tipunin mo ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Praktikal na Gabay sa Pag-aayuno at Pananalanginin

Pagkatapos, sinabihan ni Josue ang mga tao, “Linisin n’yo ang inyong sarili dahil bukas gagawa sa inyo ang Panginoon ng mga

kamangha-manghang bagay.” JosuE 3:5

M ula pa noon, tinatawag na ng Diyos ang Kanyang bayang magpakumbaba sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Ginagamit ng Diyos ang pag-aayuno bilang sandatang espirituwal para itaguyod ang Kanyang kaharian,

magdala ng pagbabago, at magbigay tagumpay sa buhay ng Kanyang mga anak. May kapangyarihang matatamo kapag kusa tayong nagpapakumbaba at naghahangad na matupad ang kalooban ng Diyos.

Bilang isang pamilya, sinisimulan natin ang bawat taon ng panahon ng pag-aayuno at pananalangin. sa ganitong paraan, iniaalay natin sa Diyos ang ating mga sarili at ang paparating na taon. sama-sama rin tayong nananalig sa Diyos para sa tagumpay sa sarili nating buhay, pamilya, pananalapi, at simbahan.

sa mga nakaraang taon, bilang resulta ng pag-aayuno at pananalangin, marami na ang nakaranas ng kaligtasan, paggaling, promosyon, pagkakabati-bati sa pamilya, pagpapalang pinansyal, at nakamamanghang paglago ng mga discipleship group at simbahan. Laging pinananabikan ng lahat na marinig ang mga patotoo tungkol sa pagtugon ng Diyos sa mga panalanging higit pa sa inaasahan.

Buong-puso tayong manalig na ito’y taon ng himala at kasagutan sa panalangin.

Inaanyayahan ang bawat miyembro na makilahok sa taunang pag-aayuno at pananalangin. Ito ang panahong sama-sama nating inihahandog ang ating mga sarili, pamilya, at gawain sa Panginoon. Manalig tayo sa Diyos na tulungan Niya tayong magtagumpay sa bawat bahagi ng ating buhay sa taong ito.

“Sabihin ninyo sa mga namumuno sa Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan na magsipunta silang lahat sa templo ng Panginoon na kanilang Diyos at mag-ayuno. Humingi sila ng tulong sa Panginoon.”

JoEL 1:14

Bakit Kinakailangan Mag-ayuno?

1. Nag-ayuno si Jesus.1Pagkatapos nito, dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. 2Doon ay nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at 40 gabi, kaya nagutom MatEo 4:1,2

Bumalik si Jesus sa Galilean na taglay ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kumalat sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya.

Lucas 4:14

Bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain, nag-ayuno muna siya ng apatnapung araw. Kailangan Niya ang espirituwal na lakas upang matupad Niya ang Kanyang mgalayunin. Pinapahina ng pag-aayuno ang ating pisikal na pangangatawan ngunit pinapalakas naman nito ang ating mga espiritu. Mas nahahanda tayo nito para sa gawain ng Diyos.

2. Ang pag-aayuno ay pagpapakumbaba at pag-aalay ng sarili sa Diyos.Kapag sila’y nagkakasakit ako’y nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa. . . . saLMo 35:13

ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng biyaya ng Diyos. Kapag magpapakumbaba tayo, agad tayong napapalapit sa Panginoon. Kung isinasantabi natin ang ating sarili upang ilaan sa Diyos, nagkakaroon tayo ng pagtitimpi sa ating damdamin at mga pagnanais.

3. Mas magiging sensitibo tayo sa Banal na Espiritu kapag nag-aayuno.Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, dahil may ipapagawa ako sa kanila.” MGa Gawa 13:2

Kapag isinasantabi nating pansamantala ang mga natural nating pagnanais, magiging mas sensitibo tayo sa tinig ng Banal na Espiritu. Mas malinaw natin siyang napakikinggan. Mas naitutuon natin ang ating isipan sa Diyos at napapasakop sa Kanyang kalooban. Binibigyang-daan nito ang Banal na Espiritu na makakilos sa ating buhay.

4. Nagdudulot ng pagbabago ang pag-aayuno.. . . 2Noong unang taon ng paghahari niya, nalaman ko sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng 70 taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias. 3Dahil dito, ako’y lumapit at nanalangin sa Panginoong Diyos. Nag-ayuno ako, nagdamit panluksa at naglagay ng abo sa ulo. DaNIEL 9:2,3

Natutulungan tayo ng pag-aayuno na magtiyaga sa pananalangin. Noong panahon ni Daniel, alam niyang patungo sa tiyak na kapahamakan ang Israel. alam din niyang ang tanging solusyon dito ay ang pananalangin at pag-aayuno. sa buong kasaysayan ng tao, ginamit ng Diyos ang pag-aayuno at pananampalataya sa pagbago at pagligtas ng maraming bansa.

5. Mabuti sa kalusugan ang pag-aayuno.Nililinis ng pag-aayuno ang ating tiyan sa mga “toxin.” Itinuturing ng mga doktor na mainam na lunas ang pag-aayuno para sa ilang allergy at sakit. sa simpleng pagdisiplina sa sarili, natutulungan tayo ng pag-aayuno na pigilan ang mga nakasasamang adiksyon sa ating buhay.

Paghahanda sa Pag-Aayuno“Tipunin mo ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.”

EsthEr 4:16

1. Manalig sa Diyos!Maingat at mapanalangin mong punuan ang pahina na may prayer points. humingi ng patnubay sa Banal na Espiritu. Gawing malinaw at detalyado ang mga ipananalangin para sa sarili, pamilya, pananalapi, at simbahan. Ito ang mga pinaniniwalaan mong tugon ng Diyos sa iyong panalangin sa loob ng linggong ito at sa buong taon. asahan mong sasagot ang Diyos. Manatiling mapagpasalamat habang nag-aayuno at pagkatapos nito.

2. Pumili ng uri ng pag-aayuno.hinihikayat ang lahat na piliin ang “water only” o kaya “liquid fast” para sa kabuoan ng panahon ng pag-aayuno. Gayunman, dahil marami ang hindi kaya ang ganitong uri ng pag-aayuno dahil sa pagdadalantao, trabaho, o kundisyong medikal, mayroong ibang pagpipilian. Maaaring paghaluin ang iba’t ibang klase ng pag-aayuno. halimbawa, pwedeng “liquid fast” sa unang tatlong araw, at “one-meal-a-day fast” sa susunod na mga araw. Pwedeng pumili ng anumang kombinasyon ng pag-aayuno na akma sa iyong sitwasyon. Ipanalangin mo ang uri ng iyong pag-aayuno, at sikaping tuparin ito. Iwasang pumili ng uri ng pag-aayuno sa mismong araw nito. humingi ng tulong at lakas sa Diyos.

3. Planuhin ang mga susunod na araw.Bawasan ang mga nakapanghihinang mga gawain sa panahong ito. Iwasang mapagod para mas maraming oras ang mailaan sa pananalangin at pagbabasa ng Bibliya.

4. Ihanda ang espiritu.higit sa lahat, ang ating taunang pag-aayuno ay panahon kung kailan nagtitiwala tayong mas makikilala pa natin ang Diyos. Maging handa na may ipakita ang Banal na Espiritu sa iyong mga bagay na dapat mong baguhin. ang pagsisisi ay ang pundasyon ng pag-aayuno at pananalangin. Maging handa sa pagsisisi at pagbabago. Ialay ang lahat at buksan ang puso sa Kanya.

5. Ihanda ang katawan.Maging maingat sa kabuuan ng pag-aayuno. huwag kumain sa eat-all-you-can sa bisperas ng pag-aayuno bilang kapalit ng ilang araw ng hindi pagkain. Makabubuti kung unti-unting ihahanda ang katawan para sa pag-aayuno. unti-unting magbawas ng pagkain isang linggo bago magsimula ang pag-aayuno. Iwasan ang pagkaing matataba o may maraming asukal. Dalawang araw bago ang pag-aayuno, kumain ng sariwang prutas at gulay lamang. Kumunsulta sa doktor kung kinakailangan.

Habang Nag-Aayuno16“Kapag nag-aayuno kayo, huwag ninyong tularan ang mga pakitang-tao. Sapagkat sinasadya nilang magmukhang malungkot para ipakita sa mga tao na nag-aayuno sila. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17Sa halip, kung mag-aayuno kayo, maghilamos at mag-ayos kayo ng sarili, 18upang hindi malaman ng mga tao na nag-aayuno kayo, maliban sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo.”

MatEo 6:16-18

1. Hanapin ang Panginoon.Ilaan sa pananalangin at pagbabasa ng Bibliya ang oras na karaniwang ginagamit sa pagkain. Makilahok sa kahit isang prayer meeting sa inyong lokal na simbahan. Magkakaroon ng mga prayer meeting araw-araw sa bawat simbahan sa kabuuan ng pag-aayuno. tawagan ang pinakamalapit na simbahan para sa schedule. Maging handang tumugon sa sasabihin sa iyo ng Diyos.

sa panahon ng pag-aayuno, hinihikayat namin kayong basahin at sagutan ang araling kalakip ng gabay na ito.

2. Magpasiyang magbago.anuman ang sabihin o ituro ng Diyos, agad mong gawin ito. Kung kailangan mong makipag-ayos sa isang tao, kausapin mo siya kaagad. Kung may mga asal o nakagawiang kailangang baguhin, iwasto mo ito. Magpatulong sa iyong group leader sa pagsasagawa ng iyong desisyon.

3. Mga praktikal na gabay• Iwasanangmedikalpatiangherbalnagamot.Perokungmaykasalukuyang ginagamot sa iyo, huwag mong itigil ang pag-inom ng gamot nang walang pahintulot ng doktor.

• Limitahanangpisikalnagawainatehersisyo.Kungaraw-arawkangnag-eehersisyo,bawasan mo ito ng kaunti. Dalawa hanggang limang kilometro na lakad lang angpinakamabigat na ehersisyong pupuwedeng gawin araw-araw habang nag-aayuno.

• Magpahinganangmabuti.

• Manatilisadiwangpananalanginbuongaraw.Manalanginparasaiyongpamilya,simbahan, bansa, mga misyonero, world missions, atbp.

• Uminomngmaramingtubig.

• Habangnag-aayuno,maginghandasamgaorasngpanghihina,pagigingmainisin,at pagkakabalisa.

Pagkatapos ng Pag-Aayuno

Pangwakas

Pumili sina Pablo at Bernabe ng mga mamumuno sa bawat iglesya. Nag-ayuno sila at nanalangin para sa mga napili, at ipinagkatiwala nila ang mga ito sa Panginoon na kanilang pinananaligan.

MGa Gawa 14:23

Purihin natin ang Diyos na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin. EfEso 3:20

ang taunan nating pag-aayuno at pananalangin ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong ihanay ang ating buhay sa kalooban ng Diyos at ialay sa Kanya ang bagong taon. at sa sama-sama nating pagpapakumbaba at pananalangin sa Kanya, maaasahan natin ang Kanyang dakilang pagkilos sa ating kalagitnaan.

Kalooban ng Diyos na tayo ay magtagumpay sa ating buhay. Manalig na kikilos ang Diyos sa buhay mo ngayong taon na mas higit pa sa maaari mong hilingin o isipin. Ngayo’y tumanggap ka ng panibagong direksyon. Maging handang gawin ang mas dakila pang mga bagay sa Diyos ngayong taon!

1. Unti-untiin ang pagkain.wakasan ang pag-aayuno gaya ng paghahanda mo rito. huwag biglain ang katawan. Kakailanganin ng ating katawan ang hanggang pitong araw bago ito masanay muli sa normal na pagkain. huwag agad kumain ng mabigat pagkatapos mag-ayuno. Magsimula sa prutas at juice. unti-unting magdagdag ng pagkain tulad ng gulay at nilagang patatas. Kumain nang paunti-unti at malimit sa buong araw.

2. Ipagpatuloy ang pananalangin.huwag tumigil manalangin dahil tapos na ang pag-aayuno. Gamitin ang nakaraang pag-aayuno upang palakasin ang iyong buhay panalangin sa buong taon.

3. Asahan ang sagot sa iyong mga panalangin.Manalig na sasagutin ng Diyos ang mga panalangin mo. huwag mawalan ng pag-asa at magsumikap sa pananalangin kahit wala pang nangyayari. Itago ang kopya mo ng prayer points, at tingnan muli ito pagkatapos ng taon. Makikita mo rito kung paano sumagot ang Diyos at puwede mo itong ipagpasalamat.

Paghahanda Para sa Pag-aayunoAno ang ibig sabihin ng pagpaparangal sa Diyos?

“Karapat-dapat po Kayo, Panginoon naming Diyos na tumaggap ng parangal, papuri, at kapangyarihan,

dahil kayo ang lumalang sa lahat ng bagay. At ginawa Ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”

PahayaG 4:11

ano ba ang layunin ng buhay? Bakit tayo nabubuhay? Natuwa ang Diyos na tayo ay likhain para sa Kanyang kaluwalhatian at karangalan. Kung tayo ay tinawag sa pangalan ng Diyos, dapat tayo mamuhay na may layuning bigyan siya ng

kaluwalhatian at parangal.

ano ang ibig sabihin ng pagbibigay karangalan sa Diyos? ang salitang “karanglan” (doxa sa Griyego) ay nangangahulugan ng kahalagahan, pinakamataas na antas ng paggalang, at kadakilaan. ang pagbibigay ng karangalan sa Diyos ay pagbibigay ng kahalagahan at paggalang na nararapat lamang na ibigay sa Kanya. Dapat ito makita sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa.

hindi sapat na parangalan ang Diyos sa ating panlabas na pamumuhay. ang nais ng Diyos ay pagpaparangal na galing sa ating mga puso. sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang propeta na si Isaiah, na may mga taong pinararangalan siya sa pamamagitan ng kanilang mga labi, subalit ang kanilang puso ay malayo sa Kanya (Isaias 29:13). ang pagpaparangal sa Diyos ay nangangahulugan ng buong-pusong pagsamba sa Kanya, pagkilala sa Kanyang lubos na kakayanan at kapangyarihan, ganap na pagsuko ng ating buhay sa Kanya, at pagiging tapat sa Kanyang mga utos at kagustuhan. sa tuwing tayo ay nagbibigay parangal sa ibang tao, ating itinataas ang kanilang mga nagawa sa buhay. subalit ang pagpaparangal sa Diyos ay hindi lamang dahil sa Kanyang mga nagawa kundi dahil sa kung sino siya.

Isaias 43:1-7 • Pahayag 4:9-11 • Mateo 15:1-9 • Salmo 86:10-12

“ang pangunahing layunin ng tao ay ang papurihan ang Diyos at ang magsaya sa piling Niya magpakailanman.”

~westminster catechism

BASAHIN

Batay sa Mateo 15:1-9, bakit sinabi ni Jesus na ang mga relihiyosong mga pinuno ay hindi nakapagbigay karangalan sa Diyos? Paano nagiging malayo o malapit ang puso ng tao sa Diyos?

sa salmo 86:10-12, paano pinarangalan ng salmista ang Diyos? ano ang ibig sabihin ng pagbibigay karangalan sa Diyos? Paano mo naibibigay sa Diyos ang pagpapahalaga, pagpaparangal, at paggalang na nararapat ibigay sa Kanya?

ano, para sa iyo, ang layunin ng iyong buhay? Bakit at para sa anong bagay ka nilikha ng Diyos?

Masasabi mo ba na ang iyong buhay ay nagbibigay karangalan, kaluwalhatian, at kagalakan sa Diyos? Paano mo napararangalan ang Diyos sa bawat araw ng iyong buhay?

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

1DAY

Parangalan ang Pangalan ng Diyos

“Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay

magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.”

DEutoroNoMIo 5:11

Iniutos ng Diyos na huwag gagamitin ang Kanyang pangalan sa walang kabuluhan. ang maling paggamit ng pangalan ng Diyos ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa Kanya dahil ang pangalan ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang katauhan at katangian.

sa halip, bilang mga mamamayan ng Diyos, tayo ay pinagsabihan na parangalan at igalang ang Diyos sa bawat salitang ating binibigkas. tulad ng itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo patungkol sa pananalangin, dapat nating pahalagahan ang pangalan ng ama (Mateo 6:9). Nangangahulugan ito ng pagbibigay sa Diyos ng pinakamataas at pinakadakilang parangal sa ating buhay.

Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay pinagbabawalan ng maling paggamit at pang-aabuso sa pangalan at katangian ng Diyos. Kabilang dito ang panunumpa ng may kasinungalingan (Mateo 5:33-37). Kasama sa kasalanang ito ang pagsisinungaling at paggamit sa pangalan ng Diyos upang subukang patunayan ang mga bagay na ating inaangkin o pinaniniwalaan na totoo. ang lahat ng ating mga pakikipag-usap ay dapat na tapat at walang pagkukunwari. ang kautusang ito ay dapat na nagtatakda ng mga bagay na ating isinasapuso, maging ng mga bagay na ating sinasabi at ginagawa.

Ito ang panalangin ni David tungkol sa pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga salita at maging ng kanyang buhay.

Exodo 20:24 • Malakias 3:16 • Mateo 5:33-37Mga Taga Efeso 4:15, 25, 29 • Mga Taga Colosas 3:8,9; 4:6

Nawa’y ang mga salita sa aking bibig at pagninilay-nilay sa aking puso ay maging kalugod-lugod sa Iyong paniningin, Panginoon, aking

Katatagan at aking Tagapagligtas. ~saLMo 19:14

BASAHIN

ano ang mga ipinangako ng Diyos para sa mga magbibigay karangalan sa Kanyang pangalan?Malakias 3:16

Exodo 20:24

Batay sa mga sumusunod na pahayag, paano natin mapararangalan ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa?Mga taga Efesus 4:15,25,29

Mga taga colosas 3:8,9; 4:6

Matapat na suriin ang mga salitang lumalabas sa iyong bibig. Magsisi sa mga negatibo, mapaglinlang, o nakapanghihinang-loob na mga salita, o maging sa mga pagsusumpa na ating nasabi sa ating kapwa. hingin sa Panginoon na bigyan tayo ng kakayanan na magbigkas lamang ng mga salitang may katotohanan, kabutihan, at pagmamahal na magbibigay karangalan sa Diyos.

Paano natin masasabi ang katotohanan nang may pagmamahal? ano ang isang bagay na dapat mong hindi gawin at isang bagay na dapat mong simulang gawin upang maparangalan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga salita at gawa?

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

2DAY

Parangalan ang Diyos sa Pamamagitan

ng Pagsamba“Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay

pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang paguugali ay ililigtas ko.”

saLMo 50:23

Salmo 96 • Salmo 116:16-18 • Juan 4:23,241 Timoteo 1:17 • Mga Hebreo 10:19-23

ang salmo 50 ay isang salmo na isinulat ni asaph, isa sa mga pangunahing musikero ni David. Ipinahayag ng Diyos na ang taong nagbibigay pasasalamat at papuri sa Kanya ay nagbibigay ng karangalan at kaluwalhatian sa Kanyang pangalan.

ang salitang “worship” ay hango sa isang Anglo-Saxon na salita—weorthscipe (worth-ship). Nangangahulugan ito ng pagtanggap at pagkilala sa kahalagahan ng Diyos. Kung ating kinikilala ang kahalagahan ng isang tao, tayo ay gumagawa ng mga bagay na magpapakita ng ating pagpapahalaga sa kanya. sabi sa salmo 96:8, Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa Kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo. ang mga nagpapahalaga sa Panginoon ay maghahandog ng papuri sa Kanya.

Bakit tayo sumasamba? ang Diyos ay naghahanap ng mga sasamba sa Kanya sa espiritu at katotohanan. ang Diyos ay espiritu. Nangangahulugan ito na siya ay nasa lahat ng lugar at siya ay maaaring sambahin ng Kanyang mga mamamayan saan man at ano mang oras.

Nais Niyang ipahayag ang Kanyang sarili sa kanila at sa pamamagitan nila. siya ay may lubos na kapangyarihan, alam Niya ang lahat ng bagay, at ang lahat ay nananatili sa Kanyang pamamahala. ang ating mga sitwasyon at mga kakayanan ay may hangganan, subalit ang Diyos ay walang hangganan. sa ating pagsamba sa Panginoon, tayo ay napapalapit sa Kanya at siya ay napapalapit sa atin (santiago 4:8) na nagdudulot ng ating pagkilala sa Kanyang presensya. Ipinahahayag natin ang ating pagsamba at pagmamahal sa Kanya nang may pagpapakumbaba, pasasalamat, at pagtangi.

ang Panginoon ay naghahanap ng mga totoong

mananampalataya na sasamba sa Kanya sa espiritu

at katotohanan.

BASAHIN

ano ang ilan sa mga bagay na nangyari sa iyo nitong nakaraang taon na ipinagpapasalamat mo sa Diyos? Paano mo natutunan sa pamamagitan ng mga sitwasyong iyong kinaharap, na sambahin ang Diyos sa kabila ng mga hindi maganda, at sa gitna ng mga magandang nangyari sa iyo?

ano ang iyong natutunan patungkol sa pagsamba batay sa salmo 96?

Ikaw ba ay may oras at lugar para sa pangaraw-araw na pagsamba, pananalangin, at pagbabasa ng Bibliya? Paano mo nailalaan araw-araw ang oras na iyong kailangan para sa paglago sa iyong relasyon sa Diyos?

ano ang mga bagay na kailangan mong tanggihan upang unahin ang Diyos sa iyong buhay? (halimbawa: pagkalibang sa “social media,” pagiging huli sa “prayer meeting” at “worship service,” pagtutuon ng pansin sa maaaring iniisip ng mga tao tungkol sa iyo sa oras ng pagsamba)

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

3DAY

Parangalan ang Diyos sa Pamamagitan ng

Iyong Yaman9Parangalan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng

paghahandog sa Kanya ng mga unang bunga ng iyong ani. 10Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong

mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong sisidlan.KawIKaaN 3:9,10

Kawikaan 3:9,10 • 1 Corinto 29: 11-13 • Salmo 24:1Malakias 3:8-12

ang lahat ng mayroon tayo ay galing sa Diyos at dahil dito, ang lahat ay pag-aari Niya. ang lahat ng kayamanan, kakayanan, kaalaman, at napagkukunan ng yaman na mayroon tayo ay galing lahat sa Kanya. ang buong mundo ay Kanya—ang mundo

at ang lahat ng mayroon ito. alinsunod dito ay ang usapin ng kayamanan ng tao at kung ano ang gagawin dito. Paano natin mapararangalan ang Diyos sa pamamagitan ng ating yaman? Paano natin ito magagamit sa paraan na kapaki-pakinabang sa Kanya at sa Kanyang mga layunin sa mundo?

ang “firstfruits” ay isang pagdiriwang ng mga hudyo tuwing panimula ng pagsibol, ang umpisa ng pag-ani ng mga pananim. Ito ay oras ng pasasalamat sa pagtustos ng Diyos sa kanilang mga pangangailangan. sa parehong paraan na ang “firstfruits” ay isang pagdiriwang ng pasasalamat, tayo ay nagbibigay sa Diyos nang may kasiyahan at pasasalamat sa ating mga puso. ang pagbibigay parangal sa Diyos sa pamamagitan ng ating yaman ay pagkilala sa Kanya bilang pinagmulan ng lahat na mayroon tayo. Dahil dito, ibinabalik natin sa Kanya ang una at ang pinakamainam sa lahat ng Kanyang ibinigay sa atin.

sa ating pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng ating yaman, ipinapakita natin na ang Diyos, at hindi ang ating mga ari-arian, ang pinakamahalaga sa ating buhay at kinikilala natin na ang lahat na mayroon tayo ay pag-aari Niya. tayo ay mga katiwala lamang ng mga kayamanan ng Diyos. ang pagbigay ng ating ikapo at pag-aalay sa Diyos ay nakatutulong sa atin upang talunin ang kasakiman. ang tamang paggamit ng yaman ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kakayanan na magbahagi ng biyaya sa ating kapwa, at naglalagay sa atin sa lugar kung saan natin matatanggap ang mas marami pang pagpapala ng Diyos.

ang Diyos, at hindi ang ating mga ari-arian, ang pinakamahalaga sa ating buhay at ang ating mga

pinagkukunan ng yaman ay pag-aari lahat ng Diyos.

BASAHIN

ano ang iyong natutunan tungkol sa Diyos sa mga sumusunod na pahayag?1 Mga cronica 29:11-13

salmo 24:1

ano ang mga pangakong nasasaad sa salita ng Diyos patungkol sa mga taong magbibigay parangal sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang yaman?Kawikaan 3:9,10

Malakias 3:8-12

Pinararangalan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng iyong yaman? Paano mo siya magagawang unahin sa paglalaan ng iyong yaman bago ang lahat ng iyong mga pangangailangan?

ano ang iyong mga hinihingi sa Diyos patungkol sa iyong yaman itong taon na ito? Paano mo magagamit ang iyong yaman upang mabiyayaan ang ibang tao at matulungan silang makilala siya?

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

4DAY

Parangalan ang Diyos sa Pamamagitan ng

Ating Katawan19Hindi ba’t ang katawan ninyo ay templo ng

Banal na Espiritung tinanggap ninyo mula sa Diyos at nasa inyo? Kung ganoon, ang katawan ninyo ay hindi

sa inyo kundi sa Diyos, 20dahil tinubos kayo ng Diyos sa napakalaking halaga. Kaya gamitin ninyo ang inyong katawan sa paraang ikapupuri ng Diyos.

1 corINto 6:19,20

1 Corinto 6:18-20 • 1 Corinto 10:31 • 2 Timoteo 2:20-22

Kadalasan, ang mga resolusyon para sa bagong taon ay patungkol sa pagkain nang tama at pag-eehersisyo—marahil dahil ito sa dami ng nakain sa nakaraang bakasyon o kaya’y dahil ito ay mainam na pasimula sa bagong taon. anuman ang dahilan, ang

kalusugan ng ating mga katawan ay isang mahalagang aspeto ng pagpaparangal sa Diyos dahil kung ang ating katawan ay hindi malakas at hindi malusog, maaari nitong mapigilan ang ating hangad na maparangalan ang Diyos.

sa katunayan, sinabi ni apostol Paul kung bakit natin kailangang alagaan ang ating pangangatawan.

una, ang ating katawan ay templo ng Banal na Espiritu. ang Espiritu mismo ng Diyos ang nananahan sa puso ng bawat mananampalataya.

Ikalawa, ang ating mga katawan ay pag-aari ng Diyos. Ito ay kaloob ng Diyos at tayo ay may responsibilidad na alagaan at panatilihing malusog ang katawang sa atin ay ipinagkatiwala.

Pangatlo, ang Diyos ay maaari nating parangalan sa pamamagitan ng ating mga katawan. tayo ay dapat lumayo sa sekswal na imoralidad at sa halip ay magbigay parangal sa Diyos sa pamamagitan ng ating buhay.

ang pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng ating katawan ay hindi lamang para sa pagbaba ng timbang, o kaya ay para sa pagkakaroon ng mas mainan na panlabas na anyo, o maging para sa paghaba ng buhay. Pinararangalan natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating katawan dahil tayo ay Kanyang nilikha, tinubos tayo ni Jesus ng Kanyang dugo, at ngayon, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin.

ang iyong katawan ay templo ng banal na Espiritu.

BASAHIN

Batay sa 2 timoteo 2:20-22, anu-ano ang mga uri ng sisidlan? sa iyong palagay, nais ng Diyos na ikaw ay maging anong uri ng sisidlan? ano ang anyo ng sisidlan na para sa isang kagalang-galang na paggamit? Para saan ang sisidlan na ito?

Bilang isang mananampalataya, anu-ano ang mga katotohanang natutunan mo sa 1 corinto 6:18-20 patungkol sa iyong katawan at sa paraan kung paano ka dapat mabuhay?

ano ang mga bagay na iyong dapat talikuran upang maparangalan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong katawan? Naniniwala ka ba na kaya kang bigyan ng Diyos ng kakayanan at kalakasan upang magwagi sa mga kasalanan at tukso?

ano kaya ang buhay na nagbibigay parangal sa Diyos? Paano mo magagawang mamuhay araw-araw para sa Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan?

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

5DAY

Parangalan ang Diyos sa Pamamagitan ng ating Paglilingkod

10Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang

mabubuting katiwala ng iba’t-ibang kaloob ng Diyos. 11Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat

mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob para maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang

ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. . . .

1 PEDro 4:10,11

1 Pedro 4:7-11 • 1 Samuel 12:24 • Joshua 22:1-5 Joshua 24:15 • Salmo 100:1,2

sinasabing ang mga romano ay gumawa ng barya na may larawan ng kapong baka sa magkabilang panig. sa isang panig, ang kapong baka ay nakatayo sa tabi ng altar at may tatak na “para sa pag-aalay”; sa kabilang panig, ang kapong baka ay nakakabit sa

araro at may tatak na “para sa paglilingkod.” ang barya ay isang paalala na ang roma ay nagbibigay sa kanyang mga mamamayan ng pagkakataon na ibigay ang kanilang mga sarili sa pag-aalay o kaya ay sa paglilingkod.

Bilang mga Kristiyano, tayo ay may pagkakataon na magamit ng Diyos sa bawat araw ng ating buhay sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa sa paraang makapagbibigay karangalan sa Kanya.

Nagagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga kaloob ng Diyos sa atin. tulad ng isang mahusay na piyanista na nakapagbibigay kasiyahan sa mga manonood sa pamamagitan ng pagtugtog, tayo rin ay nakapagpapagaan ng loob ng ibang tao at nakapagbibigay parangal sa Diyos sa tuwing ating ginagamit ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Diyos para paglingkuran ang ating kapwa.

Napararangalan din natin ang Panginoon kung ating gagamitin ang ipinagkaloob Niyang lakas upang maglingkod sa iba. Kung tayo ay aasa sa ating kakayahan at kalakasan, hindi natin paglilingkuran ang ating kapwa. Ilang beses na ba nating sinabi na, “Paglilingkuran ko siya kung bibigyan Niya ako ng kalakasan”? sinasabi sa Bibliya, “ang iyong lakas ay sapat upang maging matatag sa bawat araw ng iyong buhay.” Bibigyan ka ng Diyos ng kalakasan na paglingkuran siya, at ang iyong kapwa. sa ganitong paraan, ang Diyos ay mabibigyan ng papuri at kadakilaan.

Napararangalan natin ang Diyos sa tuwing ginagamit natin ang Kanyang ipinagkaloob na lakas

upang paglingkuran ang ating kapwa.

BASAHIN

ano ang mga tagubilin ni apostol Peter sa 1 Pedro 4:7-11?

Paano tayo makapaglilingkod sa Diyos? 1 samuel 12:34

Joshua 22:1-5

salmo 100:2

Ikaw ba ay umaasa sa iyong kakayahan upang magawa ang mga bagay na dapat mong gawin? Paano mo magagawang umasa sa lakas na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos upang magawa ang mga nais Niyang ipagawa sa iyo?

anu-ano ang mga ipinagkaloob sa iyo ng Diyos upang magawa mong paglingkuran ang iyong kapwa? Paano mo magagawang paglingkuran ang iyong pamilya, kamag-aral, kasama sa trabaho, kaibigan, o kapitbahay ngayong linggo?

PAG-ISIPAN

ISABUHAY

SARILI

PAMILYA

Espirituwal na Pagbabago • Paggaling • Kaunlaran at Kasaganaan

Pagkakasundo • Kaligtasan ng Pamilya

Ngayong taon, nananalig ako sa Diyos para sa . . .

PAG-AARAL/TRABAHo

GAwAIN SA SIMBAHAN

PRAYER PARTNER

Kahusayan • Pag-angat • Karunungan

Paglago ng Victory group • Kaligtasan ng mga Kaopisina, Kaklase, mga Boss, at Empleyado

“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang

anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit.”

MatEo 18:19

© 2015 by VICTORY®

Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari.

Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS®Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica® Ginamit na may pahintulot

mula sa Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.® Reserbado ang lahat ng pag-aari.

Water fast

Liquid fast

Eat one meal only

Others:

Water fast

Liquid fast

Eat one meal only

Others:

Water fast

Liquid fast

Eat one meal only

Others:

Water fast

Liquid fast

Eat one meal only

Others:

Water fast

Liquid fast

Eat one meal only

Others:

Prayer meeting to attend:

Prayer meeting to attend:

Prayer meeting to attend:

Prayer meeting to attend:

Prayer meeting to attend:

SCHEDULE

13

24

5

Fasting options

Fasting options

Fasting options

Fasting options

Fasting options