Click here to load reader

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng tao sa Pilipinas

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Pinagmulan ng Unang Pangkat ng tao sa Pilipinas

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng tao sa PilipinasNatatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas a. Teorya (Austronesyano) b. Mito (Luzon,
Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
Ang mga Austronesysano Sinasabing unang dumating sa bansa ang mga
Austronesyano o Austronesians sa pagitan ng taong 5000 hanggang 2500 BC. Ang pangkat na ito ng mga tao ang kinikilala ng mga siyentipiko na pinagmulan ng lahing Pilipino sa kasalukuyan batay na rin sa ebidensyang natagpuan.
Ang salitang Austronesian ay nagmula sa salitang Latin na auster na ang ibig sabihin ay “hanging mula sa timog” (south winds) at nesos na salitang Griyego na nangangahulugan naman na “isla”.
Ang mga Austronesysano Dalawa ang teoryng pinagbabatayan ng pinagmulan ng
mga Austronesyano. Una ay ang Teorya ng Nusantao na pinag-aralan ng “Ama ng Arkeolohiya sa Timog-Silangang Asya” na si Wilhelm Solheim II. Tinawag niyang Nusantao ang pangkat ng mga taong sinabi niyang ninuno ng mga Pilipino dahil sa salitang nusa o timog at ang salitang tao. Kaya naman ang Nusantao ay tinaguriang mga “tao sa katimugang isla.” Ayon sa kanya, mayroong mga pangkat na nakatira sa Melanesia at katimugang Mindanao na nakikipagkalakalan at umabot sa baybayin ng hilagang luzon , katimugang Taiwan, at katimugang Tsina mula 4500 hanggang 500 BC.
Ang mga Austronesysano Ang isa namang Teorya ay ayon sa pag-aaral ni Peter
Bellwood ng Australia na tinawag na Teoryang Migrasyong Hilaga-Patimog. Ayon sa kanya ay mayroon ng pamayanan sa Timog Tsina at Vietnam ang mga Austronesyano noong 6000 BC. Sa paglaki ng kanilang populasyon ang ilan sa kanila ay umalis sa kanilang lugar. naging paraan rin nila ito para maiwasan ang pagkaubos ng kanilang mga likas na yaman. Gamit ang kanilang mga bangka sila ay naglakbay hanggang sa marating nila ang pulo ng Formosa (Taiwan ngayon) mula 5000 hanggang 4000 BC.
Pinagmulan ng mga Pilipino Ayon sa Alamat
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga alamt ng pinagmulan ng lahing Pilipino na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon.
Si Malakas at si Maganda Mula sa bersyon ni Ma. Odulio De Guzman
Alamat ng Paglikha ng mga Tao
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Cagayan
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Cagayan
Ang hindi nakasulat na yugto ng kasaysayan ng lahingn Pilipino ay nagsimula noong Panahon ng Yelo, may 750,000 hanggang 500,000 taon na ang nakakalipas.
Mayroong mga batayan ng pag-aaral na natagpuan sa Lambak ng Cagayan. Pinatunayan nito na may prehistorikong tao sa Pilipinasna tinatawag na Cagayan Man. Natagpuan rin sa bhaging ito ng Pilipinas ang mga labi ng hayop tulad ng mga elepante, stegodon, rhinoceros, higanteng pagong, at iba pang malalaking hayop.
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Cagayan
Ang mga ito ay maaaring namuhay sa lugar na iyon. Ang kanilang mga labi ay nagsisilbing patunay na mayroong buhay sa Pilipinas bago pa umusbong ang tao rito. Sang- ayon sa mga siyentipiko, ang mga unang tao ay nangalap at nangaso ng kanilang makakain gamit ang mga tinapyas na bato. Pinatutunayan ito ng mga kagamitang natagpuan na pawang mga yari sa bato at maaaring ginamit sa pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain sa paligid.
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Cagayan
Mula sa mga kagamitang natagpuan sa lugar sinasabing ang mga unang taong nanirahan sa Lambak ng Cagayan ay kabilang sa mga tinatawag na Homo Erectus at maaaring nabuhay noong panahon ng lumang bato.
Natagpuan ang labi ng mga taong ito sa Kweba ng Callao noong taong 2007. isang bahagi ng buto sa paa ng maliit na tao ang natagpuan dito . Matapos itong masuri sinasabing ito ay nabuhay noong 67,000 BC. Sa kasalukuyan ay ito ang itinuturing na pinakamatandang labi ng tao na natagpuan sa Asya-Pasipiko.
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Cagayan
Tinatayang namuhay ang Callao Man sa Pilipinas may 67,000 taon na ang nakalilipas. Pinaniniwalaang sila ay naglayag mula sa Indonesia o India gamit ang bangka o balsa.
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Palawan
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Palawan
Taong 1962 ng mahukay ng Amerikanong siyentipiko na si Dr. Robert Fox ang mga ebidensya ng labi ng tao sa Kweba ng Tabon sa lalawigan ng Palawan.
Mga bahagi ito ng bungo na may edad na 16,000 taon at panga na tinatayang may edad na 31,000 taon.
Sa muling paghuhukay ng Pambansang Museo sa Kweba ng Tabon , natagpuan naman nila ang mga buto sa binti na may edad na 47,000 taon
Ang Mga Natagpuan sa Lalawigan ng Palawan
Tinatayang ang mga nahukay ay nauuri sa Homo Sapiens, mula sa mga ebidensyang natagpuan, sila ay ipinalagay na namuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pangangalap ng pagkain. Natagpuan din ang ilang kasangkapang bato na gawa sa matigas na bato.

Search related