32
Physical Education Unang Markahan – Modyul 2: Halina’t Gumalaw! 3

Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

Physical Education Unang Markahan – Modyul 2:

Halina’t Gumalaw!

3

Page 2: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: An-Jean V. Naraga

Editor: Flordeliza F. Atillo

Tagasuri: Marivic Arro, Glofer Jane T. Ubando, Christopher U. Gonzales

Tagaguhit: Isagani M. Cagaanan

Tagalapat: Angelica M. Mendoza

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena

Janette G. Veloso Alma C. Cifra

Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo

Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno

Jeselyn B. dela Cuesta Elsie E. Gagabe

Physical Education – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Halina’t Gumalaw! Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Page 3: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

3

Physical Education Unang Markahan – Modyul 2:

Halina’t Gumalaw!

Page 4: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical

Education –Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa araling Halina’t Gumalaw!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Physical

Education – Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Halina’t Gumalaw!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

vi

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay

nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka

ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Page 9: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

1

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang

matulungan kang maisagawa ang mga hugis at kilos ng

katawan. Saklaw ng module na ito ay mga gawain na

magagamit sa pang araw-araw at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-

aaral. Ang mga aralin ng modyul na ito ay dapat mong malaman

at maisagawa bilang isang mag-aaral. Ito ay inayos at batay sa

mga bagay na dapat mong matutunan.

Ang modyul ay nahahati sa dalawang mga aralin:

Aralin 1 – Tamang Paglalakad

Aralin 2 – Tamang Pagtayo

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-

15);

2. nagpapakita ng mga kasanayan sa paggalaw bilang

pagtugon sa mga tunog at musika (PE3MS-Ia-h-1); at

3. nakikibahagi sa masaya at kasiya-siyang pisikal na mga

aktibidad (PE3PF-Ia-h-16).

Page 10: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

2

Subukin

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang mga kilos

ng katawan at punan ang mga kahon ng nawawalang letra.

Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1.

2.

p

g a

o

l p a a a

Page 11: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

3

3.

e n a o

4.

g a w

5.

u w i

Page 12: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

4

Aralin

1 Tamang Paglalakad

Ang wastong paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay

ng mabuting epekto sa kalusugan at nakapagdedebelop ng tikas

ng ating katawan. Kaya naman, isa sa kailangan mong malaman

ay ang tamang paglalakad.

Balikan

Isulat ang apat na mga hugis na maaaring maisagawa ng

ating katawan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. ____________________ 3. ____________________

2. ____________________ 4. ____________________

Page 13: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

5

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral bukod sa mga hugis

ng katawan ay makagagawa rin sila ng mga kilos at galaw

tulad ng paglalakad, agtayo at pag-upo.

Tuklasin

Basahin ang kuwento.

Si Michael at An-Jean

Si Michael at An-Jean ay magkapatid. Naninirahan sila

malapit sa kanilang paaralan. Kaya hindi sila sumasakay ng

tricycle para pumasok. Naglalakad lamang sila para makatipid

ng pamasahe. Masayang-masaya silang dalawa na naglalakad

patugo sa kanilang paaralan dahil gusto nilang matuto at

makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kanilang mga

magulang.

Page 14: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

6

Sagutin ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa

sagutang papel.

1. Sino-sino ang magkapatid sa kwento?

2. Anong paraan ng transportasyon ang ginagamit nila

patungong paaralan?

3. Bakit masayang-masaya ang magkapatid na naglalakad

patungong paaralan?

Page 15: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

7

Suriin

Ang paglalakad ay isa sa mga natural na gawain at galaw

ng ating katawan na halos ginagawa natin araw-araw.

Madadala rin tayo ng paglalakad sa iba’t ibang lugar na gusto

nating puntuhan. Mayroon ding mga paraan upang maging

wasto ang ating paglalakad. Ang wastong paggalaw ng

katawan ay nakakapagbibigay ng mabuting epekto sa

kalusugan at nakapagdedebelop ng tikas ng ating katawan.

Magkakaiba ang paglalakad ng bawat tao. Ang iba ay

naglalakad nang mabilis o mabagal depende sa ginagawa

nitong aktibiti. Halimbawa, ikaw ay nagmamadaling pumunta ng

eskuwelahan dahil malapit ka nang mahuli sa klase, kaya

kailangang mabilis ang iyong lakad. Samantala, kung ikaw ay

inatasang mag-obserba ng mga larawan sa isang gallery walk,

kailangan mong maglakad nang mabagal.

Narito ang wastong paraan ng paglalakad.

1. Ang dalawang paa ay dapat nakaapak

sa sahig.

2. Ang mga balikat at likod ay dapat

nakatuwid.

3. Dapat natural lang ang galaw ng mga

braso habang naglalakad.

4. Ang dalawang paa ay dapat nasa sahig

kaagad bago pa humakbang ang

isang paa para lalakad ulit.

Page 16: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

8

Kailangan na ang bawat tao ay wasto ang paglalakad

para magkaroon ng tikas ng katawan. Ngunit, hindi lahat ay

ginagawa ito. Kaya naman, narito ang mga paraan kung paano

maglakad nang maayos.

1. Maglakad na sinusunod ang tuwid na linya.

2. Maglakad nang tuwid na may aklat sa ulo.

Page 17: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

9

Pagyamanin

Aktibity 1: Isagawa ang mga kilos na nabanggit sa awiting

pinamagatang “Kung Ikaw ay Masaya”.

“Kung Ikaw ay Masaya”

(Tono: If You’re Happy and You Know It)

Kung ikaw ay masaya, tumayo ka! (tumayo ng tuwid pakanan)

Kung ikaw ay masaya, tumayo ka! (tumayo ng tuwid pakaliwa)

Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla,

Kung ikaw ay masaya tumayo ka! (palakpak)

Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (lumakad ng marahan)

Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (lumakad ng mabilis)

Kung ikaw ay masaya, Buhay mo ay sisigla,

Kung ikaw ay masaya, lumakad ka! (palakpak)

(Ulitin ng tatlong beses)

Aktibity 2: Isagawa ang kilos ayon sa pagkakasunod-sunod.

1. Maglakad ng sampung hakbang na mahina patungong

kanan.

2. Maglakad ng sampung hakbang na mabilis patungong

kaliwa.

3. Gawin ang mga ito ng apat na ulit.

Page 18: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

10

Tayahin

Tukuyin ang mga larawan kung ito ay nagpapakita nang

wastong tikas nang paglalakad at lagyan ng tsek (/) ang kolum

na katapat ng Oo o Hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang

papel.

Larawan Oo Hindi

1.

2.

3.

4.

Page 19: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

11

5.

Karagdagang Gawain

Ilista ang mga pagkakataong ikaw ay naglakad ng

mabagal at mabilis sa buong linggo. Isulat ito sa iyong

kuwaderno.

Lunes Martes Miyer-

kules

Huwe-

bes

Biyer-

nes

Saba-

do

Linggo

Mabagal

1.

2.

Mabilis

1.

2.

Page 20: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

12

Aralin

2 Tamang Pagtayo

Ang bawat tao na wasto ang paglalakad ay maaaring

magkaroon ng tikas ng katawan. Bukod dito, ang tamang

pagtayo ay kinakailangan din.

Balikan

Lagyan ng tsek ang kahon (/) ang larawan kung ito ay

nagpapakita ng wastong paglalakad at ekis (x) naman kung

hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. 2. 3.

4. 5.

Page 21: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

13

Tuklasin

Tingnan ang sumusunod na larawan. Ano ang ginagawa ng

mga bata? Naranasan mo rin bang gawin ang mga kilos ng mga

bata?

Suriin

Ang pagtayo ang isa sa mga pangunahing natural na

galaw na ginagawa natin araw-araw. Ito ay suportado lamang

ng mga paa. Kailangan na ang bawat tao ay wasto ang

paglalakad para magkaroon ng tikas ng katawan. Ngunit, hindi

lahat ay ginagawa ito.

Page 22: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

14

Ang pagtayo ay isa sa mga pangunahing natural na galaw

ng ating katawan na ginagawa natin araw-araw. Halimbawa

nalang nito ay ang pagtayo habang pumipila sa kantina, sa silid-

aklatan at sa flag pole. Ang wastong pagtayo ay maaring

maging hudyat sa guro na handa na ang mga mag-aaral sa

anumang gawain sa paaralan lalong-lalo na sa seremonya sa

bandila o flag ceremony. Kaya naman nararapat lamang na

tumayo nang wasto.

Kung tatayo nang maayos ang isang tao, magiging

komportable siya habang nakatayo. Bukod diyan, hindi sasakit

ang kanyang katawan kung matatagalan sa pagtayo.

Nagkakaroon din siya ng kumpiyansa sa sarili upang tapusin ang

mga gawain. Sa P.E. magiging hudyat ang wastong pagtayo sa

kahandaan ng mga mag-aaral sa pag-eehersisyo o paglalaro.

Page 23: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

15

Ang pagtayo nang wasto ay isang makabuluhang gawain

na mahalaga sa serenmoya sa bandila o flag ceremony, ito ang

mga nararapat nating sundin may nakakakita man o wala:

1. Tumayo nang matuwid at ilagay ang kanang kamay sa

kaliwang dibdib.

2. Humarap sa watawat.

3. Huminto habang naririnig ang tugtog ng pambansang awit

ng Pilipinas.

4. Kumanta ng “Lupang Hinirang”.

Samantala, narito ang mga pakinabang ng pagtatayo nang

tuwid:

1. Binabawasan ang sakit sa likod;

2. Mapapalakas ang tiwala sa sarili;

3. Mababawasan ang higit pang mga calories;

4. Makahihinga nang mas mabuti; at

5. Binabawasan ang stress.

Page 24: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

16

Pagyamanin

Aktibity 1: Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita nang

wastong tindig sa flag ceremony? Isulat sa kuwaderno ang iyong

sagot. (5pts.)

A. B.

Aktibity 2: Isagawa ang sumusunod na mga gawain. Kung

maayos na naisagawa, gumuhit ng bituin . Kung hindi naman,

iguhit ang bilog . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tumayo nang maayos na nakasandal sa pader sa loob ng

dalawang minuto.

2. Tumayo nang maayos na walang sinasandalan na pader sa

loob ng dalawang minuto.

Gawain Naisagawa nang

Maayos

Hindi Naisagawa

nang Maayos

1. Nakasandal

2. Hindi Nakasandal

Page 25: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

17

Isaisip

Punan ang patlang ng pangungusap na nasa ibaba at piliin

ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa

sagutang papel.

Ang ______________ at ______________ ay mga pangunahing

natural na __________ na ginagawa natin araw-araw. Ang

wastong paggalaw ng katawan ay nakakapagbibigay ng

mabuting epekto sa kalusugan at nakapagdedebelop ng

__________ ng ating _____________.

katawan galaw

pagtayo paglalakad

tikas

Page 26: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

18

Isagawa

Umikot sa inyong paligid at mangolekta ng mga tuyong

dahon. Tiyaking gagawin mo ang wastong paraan ng

paglalakad. Iguhit ang mga nakuhang dahon sa bond paper at

kulayan ito.

Pamantayan

Lumampas sa

inaasahan

(5 puntos)

Nakakatugon

sa inaasahan

(3 puntos)

Nahirapang

tugunan ang

mga inaasahan

(1 puntos)

Nakasunod sa

Direksyon

Lahat ng

direksyon ay

sinusunod.

Ang ilang

direksyon ay

sinusunod.

Ang mga

direksyon ay

hindi sinunod.

Pagkamalikhain Ginamit ang

iyong sariling

ideya at

imahinasyon.

Ginamit ang

ilang

imahinasyon.

Hindi ginamit

ang iyong ideya

at imahinasyon.

Kalinisan Nakumpleto

ang likhang

sining na

katangi-tangi,

Nakumpleto

ang likhang

sining pero

mas magulo

kaysa sa

maayos,

Nakumpleto ang

likhang sining

pero lubos na

magulo

Page 27: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

19

Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ito ay tama

ang pahayag at malungkot na mukha kung ito ay mali.

_________1. Ang tamang paglalakad ay nakabubuti sa ating

katawan.

_________2. Ang pagtayo ay isa lamang sa mga pangunahing

natural na galaw ng bawat tao.

_________3. Pareho ang paglalakad ng bawat tao.

_________4. Ang wastong pagtayo ay nakapagbibigay ng

kumpiyansa sa sarili.

_________5. Ang hindi pagtayo nang maayos ng isang tao ay

nakapagbibigay ng komportableng posisyon sa kanya.

Tayahin

Page 28: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

20

Karagdagang Gawain

Gawain A. Magsanay na maglakad nang wasto na sumusunod sa

mga gawain sa ibaba. Gawin ito sa isang parte ng

iyong bahay na pwede malakaran. Isagawa ang

bawat hakbang na may bilang na apat.

1. Lumakad paharap.

2. Lumiko sa kaliwa at muling lumakad paharap.

3. Lumiko ulit sa kaliwa at muling lumakad paharap.

4. Muling lumiko sa kanan at lumakad muli paharap

hanggang sa makabalik sa dating lugar.

Ngayon ay sagutin ang mga katanungan nang tapat sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa kahon na tugma sa

iyong ginawa. Ilagay sa kuwaderno ang iyong sagot.

Mga Tanong Oo Hindi

1. Nagawa mo ba ang mga

gawain na nakasaad sa

itaas?

2. Nahirapan ka bang gawin

ang mga kilos?

3. Nasiyahan ka ba sa iyong

ginawa?

Page 29: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

21

Gawain B. Gumuhit ng isang batang nagpapakita ng wastong

pagtayo. Ilagay ito sa bond paper.

Pamantayan

Lumampas sa

inaasahan

(5 puntos)

Nakakatugon

sa inaasahan

(3 puntos)

Nahirapang

tugunan ang

mga

inaasahan

(1 puntos)

Nakasunod sa

Direksyon

Lahat ng

direksyon ay

sinusunod.

Ang ilang

direksyon ay

sinusunod.

Ang mga

direksyon ay

hindi sinunod.

Pagkamalikhain Ginamit ang

iyong sariling

ideya at

imahinasyon.

Ginamit ang

ilang

imahinasyon.

Hindi ginamit

ang iyong

ideya at

imahinasyon.

Kalinisan Nakumpleto

ang likhang

sining na

katangi-tangi,

Nakumpleto

ang likhang

sining pero

mas magulo

kaysa sa

maayos,

Nakumpleto

ang likhang

sining pero

lubos na

magulo

Page 30: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

22

Tayahin

1.X

2.X

3./

4.X

5.X

Karagdagang Gawain

Maaaring magkakaiba ang

sagot.

Subukin

1.Pagtayo

2.Paglakad

3.Ensayo

4.Galaw

5.tuwid

Balikan

1.Straight

2.Wide

3.Curled

4.Twisted

Pagyamanin

Maaaring magkakaiba ang

sagot.

Balikan

1.X

2.X

3.X

4./

5.X

Isaisip

1.paglalakad o

pagtayo

2.pagtayo o

paglalakad

3.galaw

4.tikas

5.katawan

Isagawa

Maaaring magkakaiba ang

sagot.

Karagdagang Gawain

Maaaring magkakaiba ang

sagot.

Tayahin

1. 5.

2.

3.

4.

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Aralin 2

Page 31: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

23

Sanggunian

“Maintaining Good Posture,” American Chiropractic Association,

accessed June 20, 2020,

https://acatoday.org/content/posture-power-how-to-

correct-your-body-alignment.

Jeffrey Raymon C. Abanto, and Mar Anthony S. dela Cruz, MAPEH

WORKS 3. Makati, Philippines: Diwa Learning Systems,

Inc.,2018

Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena

Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G.

Crisostomo, Virginia T. Mahinay, and Sonny F. Meneses Jr.,

Music, Art, Physical Education and Health Kagamitang Mag-

aaral Sinugbuanong Binisaya Quezon: Book Media Press,

Inc.,2017.

Rogelio F. Falcutila, John M. Cnavez, Rhodora B. Peña, and

Corazon C. Flores, Music, Art, Physical Education, and Health

Quezon: Book Media Press, Inc., 2013,297-299.

Page 32: Physical Education · 2020. 8. 20. · Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. isinasagawa ang mga hugis at kilos ng katawan (PE3BM-Ic-d-15); 2. nagpapakita ng mga

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]