28
Habang isinasalang ang praymer na ito sa printing press ay tuluyan nang pinapakawalan ni Presidente Rodrigo Duterte ang bangis ng all-out war sa Kaliwa at inilalantad ang kanyang militaristang pagkiling. Oras lang ang binilang mula nang ideklara ng Presidente na tinatapos na niya ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng Gubyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na siya rin naman ang mismong nagbukas muli noong Agosto sa kanyang pagkilala ng lehitimong paninindigan at lakas ng Kaliwa. Wala pang isang taon ay binansagan na niya ang Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at NDFP na mga teroristang grupo. Bukas na ipinangalandakan ni Duterte ang kanyang pagiging kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na maka-Kaliwa. Bukod sa pagbubukas-muli ng usapang pangkapayapaan sa NDFP matapos ang ilang taong pagtigil nito sa ilalim ng gubyernong Arroyo at Aquino, nagbukas din si Duterte ng mga pusisyon sa kanyang gabinete para sa mga progresibong lider mula sa mainstream Left. Sa isang banda ay tumampok ang partikular na populismo ni Duterte na kaiba sa mga populistang lider sa ibang bansa – ang papapaunlak sa lahat ng panig ng pulitika at ekonomya, na mas kiling sa Kaliwa. Sa kabilang banda, indikasyon lamang ito ng lakas ng Kaliwa sa Pilipinas, na hindi basta-basta mabale-wala ni Duterte. 114 Timog Avenue, Quezon City, 1103 Philippines Tels. +63 2 927 7060 to 61 Fax +63 2 929 2496 www.ibon.org Ang Pihit sa Ilalim ng Gubyernong Duterte PRAYMER Pebrero 2017

Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

Habang isinasalang ang praymer na ito sa printing press ay tuluyan nang pinapakawalan ni Presidente Rodrigo Duterte ang bangis ng all-out war sa Kaliwa at inilalantad ang kanyang militaristang pagkiling. Oras lang ang binilang mula nang ideklara ng Presidente na tinatapos na niya ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng Gubyerno ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na siya rin naman ang mismong nagbukas muli noong Agosto sa kanyang pagkilala ng lehitimong paninindigan at lakas ng Kaliwa. Wala pang isang taon ay binansagan na niya ang Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at NDFP na mga teroristang grupo.

Bukas na ipinangalandakan ni Duterte ang kanyang pagiging kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na maka-Kaliwa. Bukod sa pagbubukas-muli ng usapang pangkapayapaan sa NDFP matapos ang ilang taong pagtigil nito sa ilalim ng gubyernong Arroyo at Aquino, nagbukas din si Duterte ng mga pusisyon sa kanyang gabinete para sa mga progresibong lider mula sa mainstream Left. Sa isang banda ay tumampok ang partikular na populismo ni Duterte na kaiba sa mga populistang lider sa ibang bansa – ang papapaunlak sa lahat ng panig ng pulitika at ekonomya, na mas kiling sa Kaliwa. Sa kabilang banda, indikasyon lamang ito ng lakas ng Kaliwa sa Pilipinas, na hindi basta-basta mabale-wala ni Duterte.

114 Timog Avenue, Quezon City,

1103 PhilippinesTels. +63 2 927 7060 to 61

Fax +63 2 929 2496www.ibon.org

Ang Pihit sa Ilalim ng Gubyernong Duterte

PRAYMERPebrero 2017

Page 2: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo
Page 3: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

3 IBON Praymer Pebrero 2017

Subalit ipinamamalas ngayon ng mga kasalukuyang kaganapan ang pagpaling ni Duterte pa-Kanan at ang mataas na posibilidad na ito na ang magbibigay-hugis sa kanyang administrasyon. Bagamat hindi nito binabago ang batayang katangian ng rehimen sa simula pa lamang – isang mala-kolonyal na rehimen na nagpapatupad ng neoliberal na patakarang pang-ekonomya – babaguhin nito ang pakikitungo ng kilusang masa sa Presidenteng nag-astang progresibo.

Inilalantad ng mga pangyayari ang kakapusan at kahungkagan ng populistang estilo sa pamumuno at paggugubyerno na epektibong ginamit ni Duterte upang makuha ang pinakamalaking boto sa pagka-Presidente. Ang astang maka-Kaliwa, maka-mahirap, pagtalikod sa elitistang dominasyon sa ekonomya at pulitika, at maski pagiging anti-US ay tagumpay na sumakay sa pangkalahatang disgusto ng mamamayan sa mga nagdaang administrasyon na pahirap, elitista, trapo, at sunud-sunuran sa dayuhan. Subalit unti-unting gumuguho ang populismo, dahil sa kabila ng mga progresibong pangako ni Duterte, walang inilulugar na makabuluhang pagbabago ng mga di-makatarungang istruktura sa ekonomya at pulitika.

Ipinagpapatuloy ng gubyernong Duterte ang anti-mamamayang mga neoliberal na patakaran at pagbibigay-diin sa papel ng merkado at pribadong sektor. Nananatiling protektado ang tubo ng mga oligarkiya at dayuhang kapital at patuloy na nangangayupapa sa dayuhan ang patakarang panlabas ng bansa. Ang mga trapo at naghahari sa pulitika ay hindi naman nahahamon sa poder at patuloy na nagpapasasa sa pusisyon. Naglalabas na rin ng pangil ng awtoritaryanismo ang populistang Presidente.

Wala na raw kagyat na dahilan o “compelling reason” para ipagpatuloy pa ang usapang pangkapayapaan sa mga Komunista, ayon kay Duterte. Nakapokus lang naman kasi ang GRP sa tigil-putukan at pagbababa ng armas ng NPA imbes na harapin ang ugat ng labanan – ang malawak na kahirapan ng mamamayan at pagka-atrasado ng bansa. Patuloy na namamayani ang interes ng mga dayuhan, panginoong may-lupa at malalaking burgesyang komprador sa kapinsalaan ng sambayanan. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka, wala pa ring pambansang industriyalisasyon, nauubos na ang mga rekurso sa pandarambong ng dayuhan at lokal na oligarkiya, at patuloy na niyuyurakan ang mga karapatan ng masang anakpawis. Patuloy na pinapalala ang ganitong kalagayang ng neoliberalismo. Kung hindi ito

Page 4: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

4 IBON Praymer Pebrero 2017

1Ano ang pakinabang ng mamamayan sa paglago ng ekonomya noong 2016?

Nanatiling para lamang sa iilan ang paglago ng ekonomya noong 2016. Sa kabila ng ulat na mabilis ang paglago, hindi uminam ang kalagayan ng karamihan. Patuloy na lumaki ang agwat sa pagitan ng pinakamayayaman at mahihirap na mamamayan at sumahol ang kalagayan ng mga produktibong sektor ng ekonomya. Ito ang patuloy na epekto ng neoliberal na patakaran ng liberalisasyon, pribatisasyon, at deregulasyon.

Paglago para sa iilan. Iniulat na 6.8% ang paglago ng gross domestic product (GDP) sa buong taon ng 2016. Mas mabilis ito kaysa 5.9% noong 2015. Ang mga sektor na pinakamabibilis na lumago ay ang konstruksyon at real estate, sinundan ng kalakalan at manupaktura. Sa paggastos, pinakamabibilis namang lumago ang pamumuhunan at paggastos ng gubyerno.

Bumagsak ang sektor ng agrikultura nang 1.3% noong 2016 mula sa pagiging stagnant na 0.1% noong 2015. Numipis din ang bahagi nito sa ekonomya, mula 9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo ng agrikultura, manupaktura, konstruksyon, at pagmimina ay bumaba sa 39.2%, na pinakamaliit sa kasaysayan ng bansa. Lumobo naman sa 49.9% ang bahagi ng sektor ng serbisyo sa GDP. Kinukumpirma nito ang pagpapatuloy ng pangkalahatang paghina ng ekonomya na nag-umpisa noon pang 1970s.

Sino ang nakinabang sa paglagong ito? Lumago nang halos 14% sa pagitan ng 2015 at 2016 ang yaman ng 40 pinakamayayamang Pilipino. Lumaki

compelling reason para sa GRP, malinaw na hindi naiintindihan ng rehimeng Duterte na ang pakikipag-usap sa NDFP ay pagdinig sa mga lehitimong kahilingan ng aping mamamayan.

Kung mayroon mang positibong binigyang-diin ng nakaraang walong buwan, ito ang pagpapatibay na sa masigasig na pagsusulong ng mga pakikibakang masa nagmumula ang tiyak at masasandigang tulak para sa tunay at pangmatagalang panlipunang pagbabago.

Page 5: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

5 IBON Praymer Pebrero 2017

naman nang mahigit 18% sa loob ng parehong panahon ang tubo ng mga kumpanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE). Pinakamalalaki rito ang Aboitiz Equity Ventures (isang holding company), Aboitiz Power Group (sa sektor ng enerhiya), Alliance Global Group, Inc. (holding), Ayala Corporation (holding), Ayala Land, Inc (real estate), Bank of the Philippine Islands (pinansya), BDO Unibank, Inc. (pinansya), Bloomberry Resorts Corporation (turismo), DMCI Holdings, Emperador Inc. (pagkain), Energy Development Corporation (enerhiya), First Gen Corporation (enerhiya), Globe Telecom, GT Capital Holdings, Inc. at International Container Terminal Services, Inc.

Krisis sa trabaho. Ayon sa upisyal na datos ay bumuti ang empleyo, subalit hindi maituturing na nagsasalamin ito ng totoong kalagayan dahil sa mga pagbabago sa pamamaraan ng pagsukat sa empleyo na isinagawa ng pamahalaan. Hindi pa rin isinali ang Leyte sa mga ronda ng labor force survey (LFS) noong Enero at Abril 2015.

Lumaki diumano nang 2.1 milyon ang bilang ng may trabaho samantalang nabawasan nang 235,000 ang walang trabaho. Gayunman, tinatantsa ng IBON batay sa datos ng LFS na may mahigit apat na milyong walang trabaho sa tantos na 9% at hindi 5.5% lamang. Tinatantsa rin ng IBON na may 7.5 milyong kulang sa trabaho o naghahanap ng karagdagang trabaho (underemployed) sa tantos na 18.3% noong 2016.

Ibig sabihin, may 11.5 milyong Pilipino pa rin ang walang trabaho o naghahanap pa rin ng trabaho dahil sa mababang kalidad ng mga trabaho. Maliban pa ito sa may 1.2-1.3 milyong manggagawa na hindi na ibinibilang sa lakas-paggawa matapos silang tumigil sa paghahanap ng trabaho (discouraged workers). Ang nagpapatuloy na kakulangan ng trabaho ang nagtutulak sa mga migranteng manggagawa na umasa sa mga trabaho sa ibang bansa.

Mistulang uminam ang kalagayan ng trabaho noong 2016. Sa mga may trabaho, mas marami ang mga full-time (66.6%) kaysa sa part-time (32.5%) Subalit mahirap pa ring paghambingin ang mga bilang dahil sa pagkakaiba-iba sa pamamaraan ng pagsukat. Ayon sa pagtantsa ng IBON, halos dalawa sa tatlong may-trabaho (63%) o 24.4 milyon Pilipino ang non-regular, agency-

Page 6: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

6 IBON Praymer Pebrero 2017

hired, nasa impormal na sektor o unpaid family worker. Mababa ang sahod at walang seguridad sa trabaho ang mga maralita bukod sa walang benepisyo. Lumalala ito sa pagbwelo ng pleksibilisasyon ng paggawa sa gitna ng maka-negosyo at kontra-manggagawang kalakaran ng kontraktwalisasyon, na isa sa mga tuntungan ng neoliberalismo.

Nasa Php491 ang arawang minimum na sahod sa National Capital Region (NCR). Stagnant sa napakababang antas na ito ang tunay na halaga ng minimum na sahod mula 2015-2016. Napakalaki rin ang agwat nito sa Php1,119 na tantsa ng IBON na halagang kailangan ng isang pamilyang may anim na myembro. Lumaki pa ang agwat na ito mula 55.8% noong 2015 tungong 56% noong 2016.

Ang masahol pa, hindi lahat ng manggagawa ay tumatanggap ng napakababa na ngang minimum na sahod.

Lumalala rin ang mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa. Nakapagtala ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) ng 166 na kaso na may 23,703 biktimang manggagawa noong 2016. Pinakamarami sa mga apektado ay mga biktima ng matagalang kontraktwalisasyon, di-pagtanggap ng sapat na sahod, di-pagtanggap ng mga benepisyo, pwersadong obertaym/ undertaym at leave, bawas na araw ng paggawa, at union busting. Daan-daan din ang biktima ng pagbabanta, panghaharas at pananakot, atake sa piketlayn, pagbubuwag ng mga aksyong masa, at pisikal na pag-atake.

Laganap na kahirapan. Samantala, iniulat ng Philippine Statistical Authority (PSA) ang pagbaba ng pag-iral ng kahirapan sa populasyon. Nabawasan na diumano nang 1.8 milyong Pilipino ang bilang ng mahihirap: nasa 21.9 milyon na lamang noong 2015 na mas mababa kaysa 23.7 milyong mahirap noong 2012. Pero nakabatay ito sa napakababang poverty line na Php60 bawat tao kada araw. Samakatuwid, hindi sinasalamin ng datos ang tunay na insidente ng kahirapan sa bansa dahil gumagamit ito ng konserbatibong batayan. Sa halip, tinatantsa ng IBON na may 66 milyong mahihirap na Pilipino na nananatili sa Php125 o kulang pa bawat araw. Ayon sa sarbey ng IBON noong Setyembre 2016, pito sa 10 Pilipino ang tumuturing sa sarili bilang mahirap.

Sinasalamin ng bumuting datos sa kahirapan – ang pag-angat ng 468,408 pamilya – ang maaaring epekto ng Conditional Cash Transfer (CCT) sa ilalim

Page 7: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

7 IBON Praymer Pebrero 2017

2

ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na iginawad sa 4.6 milyong benepisyaryo noong 2015. Malaki ang Php295 bilyong badyet para sa CCT para sa 2011-2016, na nairehistro sa tumaas na kita ng mahihirap na sambahayan sa sarbey ng kahirapan ng PSA. Gayunman, hindi dapat ikakampante ang multi-bilyong pisong programa dahil nananatili ang pagkaatrasado ng ekonomya na sanhi ng matagalang kahirapan. Hindi pag-unlad ang katiting na pag-inam ng buhay dahil sa CCT/4Ps. Hindi rin dapat kaligtaan ang patuloy na pag-iral ng kawalan ng pag-unlad na nagbubunga ng mababang kalidad ng trabaho at mataas na disempleyo. Hindi sinasalamin ng upisyal na datos sa kahirapan ang nagpapatuloy na kahirapan ng karamihan sa mamamayang Pilipino.

Ano ang direksyon ng ekonomya sa ilalim ng administrasyong Duterte?

Tinangan ng administrasyong Duterte ang Ambisyon Natin 2040 na inumpisahan ng rehimeng Aquino. Gagabayan nito ang mga magiging Philippine Development Plan (PDP) ng mga administrasyon sa loob ng mahigit dalawang dekada. Dala-dala nito ang 10+0 Socioeconomic Agenda ng administrasyong Duterte. Ipinagpapatuloy ng administrasyon ang mga neoliberal na patakaran sa likod ng tabing ng kontrobersyal na digma kontra-droga at retorika ng nasyonalismo at malasakit sa mahirap.

Pinapatingkad ng neoliberalismo ang papel ng Estado sa pagpapalaganap ng kapitalistang pagkamal ng tubo, gamit ang rekursong publiko, habang inaalisan ang publiko ng bahagi sa proseso. Kabilang dito ang paglikha ng mga ligal at institusyonal na istruktura para mamayani ang merkado at mga korporasyon sa panlipunan at pang-ekonomyang aspeto ng buhay ng mamamayan. Hinihiling ng mga dayuhang mamumuhunan ang kalayaan na kumilos nang walang hadlang, hangga’t maaari, mula sa anumang uri ng regulasyon kahit sa mga larangan na nasasangkot ang pangkalahatang kagalingan ng publiko, halimbawa sa mga pampublikong yutilidad at panlipunang serbisyo.

Binibigyang-diin ng economic management ng administrasyong Duterte ang ‘business- and investor-friendliness’ kahit sa kapinsalaan ng mamamayan at

Page 8: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

8 IBON Praymer Pebrero 2017

ng pangmatagalang pag-unlad ng ekonomya. Hinaharang ng mga economic manager ng gubyerno ang mga reporma na sa tingin nila ay makakasama sa negosyo. Matingkad, halimbawa, na walang totoong layunin ang administrasyon na wakasan ang kontraktwalisasyon. Ang Department Order (DO) 168 nito ay nagpapatibay lamang sa kalakaran ng kontraktwalisasyon. Sa tabing ng pagreregularisa ng mga manggagawa sa ilalim ng mga ahensyang direktang nangongontrata, lalong pinapahina ng DO 168 ang mga manggagawa na igiit ang kanilang mga karapatan. Imbes na makipaggiitan sa kanilang aktwal na employer, inoobliga pa silang makipagtransaksyon sa dagdag na pangkat ng middlemen. Kiling ang DO 168 sa mga kahilingan ng Joint Foreign Chambers of Commerce (JFCC) at malalaking lokal na negosyante na panatilihing pleksible ang paggawa.

Hinarang din ng economic team, pati ni Vice-President Leni Robredo, ang panukala ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano para sa dalawang-taong moratoryum sa kumbersyon ng mga lupang agrikultural. Hangad sana nitong tapusin ang nakagawiang pag-agaw ng lupa mula sa mga magsasaka ng mga negosyante kadalasan sa agroturismo o real estate. Pero ayon kay Robredo, maapektuhan ng moratoryum ang pagpapaunlad ng real estate, imprastruktura, at maging mga korporasyong agrikultural.

Positibong hakbang ang pagpapasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 23 at pagpapasuspinde sa limang kumpanya sa pagmimina na napatunayang nakapipinsala sa mga watershed. Ambag ito sa pagprotekta sa kalikasan at sa mas malaong layunin na ilaan ang likas na yaman sa kapakinabangan ng mamamayan. Gayunpaman, palatandaan ng pamamayani ng neoliberalismo ang agarang pagpalag ng mga kumpanya sa pagmimina sa pamamagitan ng Chamber of Mines at pagdulog ng mga ito sa mga economic manager ng administrasyong Duterte. Hindi rin nasangkot ang ilang malalaki’t notoryosong kumpanya sa pagmimina. Binigyan din ng gubyernong Duterte ng puwang ang mga isinara o sinuspindeng kumpanya na makapag-apila.

Bagong plano, neoliberal pa rin ang layunin. Kinakatawan diumano ng Ambisyon Natin 2040 ang buhay na pinapangarap ng mga Pilipino sa

Page 9: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

9 IBON Praymer Pebrero 2017

susunod na 25 taon. Dito balak ibatay ang pagsagawa ng PDP ng apat na administrasyon mula sa kasalukuyan. Naglalayon ito diumano ng ‘simple at komportableng buhay’ ngunit nakabatay ito sa ekonomyang pokus sa merkado at hindi sustenable. Halimbawa, sa target na kabuuang kita ng isang pamilya na Php120,000, kabilang ang gastos para sa pribatisadong edukasyon, kalusugan at pabahay. Kabilang din dito ang badyet para sa sariling kotse. Sa kabila ng positibong tono, mas binibigyang-diin ng Ambisyon Natin 2040 ang pribadong moda ng pagpapaunlad nang hindi tinutugunan ang mga ugat ng malubhang di-pagkakapantay-pantay at pagka-atrasado ng ekonomya. Mas praktikal at sensible sanang tingnan ang huli bilang batayan ng pag-unlad imbes na patingkarin ang mga kagustuhang personal at materyal.

Hindi magdudulot ng pag-unlad ang ganitong plano dahil ang layunin ay paunlarin ang bansa bilang kasangkapan ng dayuhang kapital, pagkukunan ng murang hilaw na materyales, at tagasuplay ng murang lakas-paggawa ng Pilipino. Nananatili ang pag-asa sa dayuhang pamumuhunan na hihikayatin sa Pilipinas sa pamamagitan ng mababang sahod, mga insentibang piskal, pagtanggal ng mga probisyon sa Konstitusyon na nagpapataw ng limitasyon sa pag-aari ng dayuhan, at mas episyenteng imprastruktura. Bahagi rin ng layunin ang tuluyang pagbawas ng kontrol ng gubyerno at pag-integra ng mga lokal na prodyuser kabilang ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa sinasabing global value chains, na tumutukoy lang sa subcontracting ng produksyon.

Wawasakin ng ganitong tunguhin ang mga tsansa ng pag-unlad ng lokal na agrikultura at industriya na makakalikha sana ng sapat na trabaho, makapagpapataas ng kita, at makapaglilinang ng lokal na teknolohiya. Makabubuti sa Pilipinas ang pag-unlad sa pamamagitan ng isang estratehiya na nakatutok sa pagpapaunlad ng industriyang Pilipino. Ibig sabihin, mga kumpanyang Pilipino na lumilikha ng produktong Pilipino gamit ang lokal na agrikultura, pangisdaan at mineral at lumilikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Dapat mamobilisa, masuportahan at maprotektahan ang mga MSME, kabilang ang mga makabayang negosyante at inisyatiba, tungo sa pambansang industriyalisasyon. Susi ito sa pagtitiyak na ang trabaho at kita ay malilikha dito sa Pilipinas imbes na sa ibang bansa.

Page 10: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

10 IBON Praymer Pebrero 2017

Nasa plano pa rin ng administrasyong Duterte ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan na ilang dekada nang umuk-ok sa lokal na produksyon. Mismong si Duterte ang nag-anunsyo na pabor siya sa pag-alis ng mga makabayang probisyon sa Konstitusyong 1987. Aniya, bilang tugon sa paggiit ng gubyerno ng US at foreign chambers of commerce na papahinain diumano ng liberalisasyon ang mga monopolyo, itutulak ni Duterte ang pagtanggal ng restriksyon sa mga dayuhang mamumuhunan, kabilang ang sektor ng kuryente, enerhiya, at telekomunikasyon.

Binabalak din ng administrasyon na maging bahagi ng bilateral na mga kasunduan o free trade agreements (FTAs), halimbawa ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na pinangungunahan ng China at ang FTA sa pagitan ng European Union (EU) at Pilipinas. Itutulak rin ng administrasyong Duterte gamit ang pagiging chair nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2017 na itulak ang RCEP sa ASEAN. Kabilang sa mga sasaklawin nito ang mga produkto, serbisyo, pamumuhunan, intellectual property, government procurement, e-commerce, at kumpetisyon, pero sikreto ang mga negosasyon para rito.

Kailangan daw ang FTAs para maging competitive ang negosyo at maitulak ang interes ng mga konsumer. Subalit inilalagay ng FTAs ang bansa sa hindi pantay na kumpetisyon sa hanay ng mga abanteng kapitalistang bansa. Pinipigilan ng FTAs kapwa ang pangingialam ng Estado at mga proteksyunistang hakbang na kailangan para sa pag-unlad. Pinatatatag din ng FTAs ang karapatan ng mamumuhunan (investor rights) kapalit ng regulasyon ng gubyerno at karapatan ng mamamayan.

Samantala, habang tinatalakay ang plano para sa ekonomya at pagkamal ng tubo, salat na salat naman ang diskusyon sa mga reporma patungkol sa pag-aari, kita at yaman para matiyak na mapapakinabangan ang paglago ng ekonomya ng malawak na mamamayan.

Walang pagtatangi sa tunay na repormang agraryo ang adyendang pang-ekonomya ng administrasyon. Hindi binabanggit ang libreng pamamahagi ng lupa sa estratehikong plano para sa agrikultura at pangisdaan. Hindi rin binabanggit ang pantay na akses ng maliliit na empresa sa puhunan at pananalapi.

Page 11: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

11 IBON Praymer Pebrero 2017

Mahalagang nakapokus sa tunay na repormang agraryo ang pag-unlad ng agrikultura. Titiyakin nito ang suporta na magpapataas sa kita sa kanayunan at magpapabuti sa kabuhayan ng mayoryang mahirap na magsasaka. Papalawakin nito ang lokal na merkado at lilikha ng sobrang kita na maaaring ibalik-puhunan sa pambansang industriya. Kundisyon din ito para sa ibayong ugnayan ng agrikultura at industriya at mahalagang salik para sa industriyalisasyon at pag-unlad ng kanayunan.

Hindi prayoridad ng gubyernong Duterte ang pagtitiyak ng mas mataas na sahod at benepisyo bilang susing elemento sa binabanggit na “inclusive growth”. Ito ay sa kabila ng malawak na bentahe ng pagtataas ng sahod, maging sa pamamagitan ng inisyal na Php125 across-the-board na dagdag sa minimum tungo sa Php750 pambansang minimum na sahod. Makabubuti ito sa kagalingan ng may 10 milyong pamilya na galing sa sahod ang kita. Madadagdagan nito ang kakayahang bumili ng mahihirap na konsumer tulad ng mga nasa impormal na sektor. Papalawakin nito ang lokal na demand at magtutulak ng paglago ng ekonomya. Dapat itong tapatan ng pagtitiyak na matatanggap ng mga manggagawa ang lahat ng kanilang benepisyo bukod pa sa pagtatapos sa kontraktwalisasyon.

Hindi rin binabanggit sa socioeconomic agenda ng pamahalaan na posible ang unibersal na pensyon para sa mga nakakatanda ayon sa iskemang pampinansyang pinopondohan ng buwis at hindi nakaasa sa kontribusyon. Katunayan, makikinabang sa inaprubahang dagdag-pensyon ang may dalawang milyong pensyunado at makabubuti ito sa kanilang kagalingan. Gayunman, mahigit apat na milyong senior citizens pa ang walang pensyon mula sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS) maliban sa 940,000 nakatatanggap ng pampalubag-loob na Php500 sa ilalim ng expanded senior citizens law. Kailangang magdisenyo ng tunay na unibersal na iskemang pensyon imbes na kunin sa pagtaas ng SSS premium at pagpapainam ng SSS sa sistema at koleksyon nito.

Rekurso ng publiko para sa pagkamal ng tubo. Hanggang Php8 trilyon daw ang gagamitin ng administrasyong Duterte para lamang sa imprastrukturang pang-transportasyon sa susunod na limang taon. Nasa Php861 bilyon na ang badyet para sa imprastruktura ngayong 2017 o 5.4% ng GDP. Dumoble ito kumpara noong 2014. Tinatarget ng gubyernong Duterte na itaas ito sa 7% ng GDP sa 2022.

Page 12: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

12 IBON Praymer Pebrero 2017

Lubhang nangangailangan ng imprastruktura ang Pilipinas: kalsada sa kanayunan, libreng irigasyon para suportahan ang maliliit na magsasaka sa buong bansa, o higit na puhunan sa panlipunang imprastruktura para sa libre o abot-kayang pampublikong edukasyon, kalusugan at pabahay. Subalit hindi ang mga ito ang prayoridad ng gubyernong Duterte sa kanyang tinatawag na “Golden Age of Infrastructure” at malinaw rin ang oryentasyon nitong maka-negosyo. Nakatuon ito sa layunin na magsilbi ang bansa sa papel nito sa global value chains ng dayuhang kapital. Disbalansyadong pabor din ang plano sa ilang erya tulad ng NCR, Cebu, Davao at iba pang probinsya ng Mindanao.

Samantala, ang dagdag na Php8.3 bilyon para sa State Universities and Colleges (SUCs) ay kulang para matamasa ang libreng matrikula ng lahat ng 1.7 milyong estudyanteng naka-enrol sa SUCs. Hindi rin nito saklaw ang iba pang gastusing pang-enrol at iba pang mahahalagang bayarin. Tinatantsang kailangan pa ng Php4.4 bilyong dagdag para matamasa ng lahat ng estudyante sa SUCs ang libreng matrikula. Isa pa, dahil din nakadepende sa kalooban ng mga mambabatas at pagkakaroon ng pondo, hindi tiyak kung mayroon pang ganitong badyet pagkatapos ng 2017. Inanunsyo na ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi saklaw ang lahat ng estudyante ng SUCs.

Samantala, bagaman may Php3 bilyong inilaan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para diumano tiyaking masasaklaw ang lahat ng Pilipino ng insurance, ang halaga ng suporta ng PhilHealth ay nananatili sa 50% ng gastusing pangkalusugan samantalang ang balanseng 50% ay obligadong manggaling sa bulsa ng mga pasyente. Gayundin, mabigat pa rin para sa mga pasyenteng indigent (mahirap) at sponsored (o yaong mga mahihirap na ini-enrol ng mga local government units (LGUs o pulitiko) ang pagbayad sa mga balanse ng gastos sa ospital. Ang ‘no balance billing’ na patakaran para sa mga nangangailangan ay aplikable lamang sa mga pampublikong ospital na kulang naman sa pondo.

Inaprubahan ang dagdag na suporta para sa pambansang irigasyon. Itinuturing ito ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) bilang kapirasong tagumpay ng maraming dekadang pakikibaka ng mga magsasaka para sa libreng irigasyon. Dagdag ito sa Php30.4 bilyong alokasyon para sa bagong sistema ng irigasyon at pag-aayos ng kasalukuyang imprastruktura. Subalit wala pang administrative order mula sa National Irrigation Administration (NIA) para isakatuparan ito.

Page 13: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

13 IBON Praymer Pebrero 2017

Public-private partnerships (PPPs) pa rin. Pinakitid na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, na nag-aapruba sa mga proyektong PPP, ang mga hakbangin sa pagrebyu ng mga ito. Nagpanukala na rin ang Department of Finance (DOF) na alisin ang mga bid premium na diumano’y dagdag-gastos at makakabalam sa mga potensyal na bidders. Bukas na rin ang gubyerno sa mga proposal na inalok ng mga mamumuhunan sa halip na mga proposal na aktibong hiningi ng gubyerno mula sa mga pinagkakatiwalaan nitong entidad. Bukas na rin sa mga ‘hybrid’ na PPP na maaaring paggamitan ng official development assistance (ODA) at sa paghanap pa ng ligal at institusyonal na mga pamamaraan para madagdagan ang dayuhang pamumuunan sa PPPs. Nagiging mas delikado ang PPPs sa kawalan ng transparency, ibayong korapsyon, at paggamit ng batas para isulong ang pribadong interes.

Samantala, patuloy na hinuhuthutan ng pribadong sektor ang mamamayan sa pagpapatakbo ng mga pampublikong yutilidad tulad ng tubig, kuryente, transportasyon at telekomunikasyon. Patuloy na iniinda ng mamamayan ang papataas na singilin ng mga pribadong kumpanya sa mga serbisyong dapat ay gubyerno ang naghahatid sa paraang episyente at abot-kaya kundi libre.

Halimbawa, nalalapit na ang rate rebasing sa singil sa tubig, kung saan itatakda ang singil ng mga konsesyunaryo sa tubig ng Kamaynilaan at mga karatig-lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water at Maynilad Water Services. Noong 2012-2013, matatandaang nailantad ng mga grupo ng mga konsumer ang di-makatarungang pagpasa-singil sa publiko ng mga naturang pribadong kumpanya ng kanilang mga gastusin na walang kinalaman sa paghahatid ng serbisyo sa tubig. Halimbawa ng mga gastusing ito ang donasyon, rest and recreation ng kanilang mga empleyado, tokens, at iba pa. Bukod pa ito sa kada kwartong pagsingil para sa mga pagbabago sa palitan ng piso at dolyar. Sa 2017, ibinabalitang naaantala ang taas-singil sa tubig pero ito ay dahil lamang naghihintay ng bagong liderato ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na siyang mag-aapruba sa mga nakaambang taas-singil.

Pinakabagong pakana ng Meralco ang Kload o prepaid na kuryente. Habang isa ang Pilipinas sa pinakamatataas ang singil sa kuryente sa buong Asya, naglabas ng panibagong paraan ang Meralco para matiyak ang bayad ng mga

Page 14: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

14 IBON Praymer Pebrero 2017

gagamit ng serbisyo. Muling dehado sa ganitong kalakaran ang mga walang kakayahang magbayad. Paglabag din sa karapatan ng mga konsumer na kapag naubos ang load ay kagyat na mapuputol ang serbisyo.

Gayundin, ang taas-pasahe sa mga tren na walang katumbas na pag-inam sa serbisyo ay iniinda ng milyon-milyong pasahero. Iniinda rin ng mga konsumer ang mahal na serbisyo ng telekomunikasyon samantalang batbat ng mga suliranin tulad ng kabagalan, di-mapagkatiwalaang signal, at kawalan ng sapat na puwang para makapaggiit ng karapatang konsumer.

Ang mga naturang yutiliti ay mga proyektong PPP sa pagitan ng gubyerno at mga pinakamalalaking kumpanya at pinakamayayamang burgesya komprador sa bansa na kinabibilangan ng mga Ayala, Pangilinan group, Cojuangco, Aboitiz, Consunji, Gokongwei, Tan, at Sy. Noong 2015 at 2016, bilyon- bilyon ng kabang-bayan ang inilaan para garantiyahan ang tubo ng mga kumpanya nila. Nasa kasunduan sa pagitan ng gubyerno at mga pribadong kumpanya na maaaring ihabla ng mga kumpanya ang gubyerno kapag hindi ito tumupad lalo na sa usapin ng paggarantiya ng tubo. Nakaamba ang pagkakaroon ng PPP Act na lalong magpapatampok sa ‘karapatan’ ng mga mamumuhunan sa tubo bilang higit na mahalaga kaysa interes ng publiko.

Ang Tax Reform Package (TRP) ay isa sa sa mga pangunahing programa ng administrasyong Duterte na balak pagkunan ng pondo para sa naturang infrastructure boom. Maka-mayaman ang Tax Reform Package ng administrasyon. Sa pangkalahatan, mababawasan ang sinisingil sa pinakamayayamang indibidwal at pinakamalalaking korporasyon habang madadagdagan naman ang ipinapataw na buwis sa mas malawak na mamamayan na mayorya ay mahirap.

Layon ng TRP ng DOF na makapaglikom ng dagdag na Php600 bilyon sa 2019. Makikinabang ang pinakamayayaman dahil sa mas mababang income tax, property-related tax, at capital income tax. Kahit na sinasabi ng DOF na ang tax rate para sa pinakamalalaki ang kita ay magiging 35% mula 32%, mababawasan pa rin ang aktwal na buwis na babayaran ng pinakamayayaman dahil sa adjusted tax brackets. Halimbawa, mababawasan ng Php232,500 sa 2019 ang binabayaran ng mga kumikita ng Php6,000,000 bawat taon. May 6.7 milyong sumasahod na Pilipino ang makikinabang sa plano ng DOF na i-update

Page 15: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

15 IBON Praymer Pebrero 2017

ang lumang tax brackets. Mababawasan nang Php139.0 bilyong kita ang gubyerno sa unang taon ng implementasyon pa lamang sa bagong pakete ng personal income tax.

Sa pagbaba ng corporate income tax sa 25% mula 30%, mababawasan nang Php34.8 bilyon ang binabayaran ng mga korporasyon. Bababa rin ang buwis sa mga transaksyong may kinalaman sa property mula 20% tungong 6%; babawasan din ang donor at land transaction taxes. Mababawasan nang Php3.5 bilyon ang ibinabayad ng pinakamayayaman sa estate at donor taxes. Bababa rin ang capital income tax mula 20% tungong 10%, kaya mababawasan ng Php1 bilyon ang ibinabayad ng pinakamayayaman sa kinitang interes mula sa salaping nakadeposito, gayundin sa mga puhunan.

Babawiin ng DOF ang mababawas sa binabayaran ng pinakamayayaman sa pamamagitan ng pagpataw ng dagdag na buwis sa mas malawak na mamamayan. Papasanin ng mahihirap ang mas matataas na presyo ng bilihin at serbisyo mula sa value-added tax (VAT) na ipapataw sa mga aytem na dati ay hindi saklaw ng VAT at excise taxes sa mga produktong petrolyo. Maaaring mapabayad nang mga Php2,500 bawat taon ang mga manggagawang sumasahod ng minimum dahil sa dagdag na VAT at excise taxes sa langis. Ang pinakamahihirap na pamilya at manggagawa sa impormal na sektor naman ay mapapabayad ng dagdag na mga Php1,200-1,600 bawat taon. Mabigat ito sa bulsa ng mga pamilyang mababa lamang ang kinikita.

Ipapataw ang 12% VAT sa pinakamalawak na saklaw ng bilihin sa kasaysayan ng bansa – ang hindi lamang kasali ay iilang pangangailangan tulad ng hilaw na pagkain, edukasyon at kalusugan. Magbabayad ng Php166.8 bilyong dagdag ang mga konsumer para sa mga produkto at serbisyong ito.

Aabot nang Php6 hanggang Php10 excise tax sa bawat litro o kilo ng diesel, LPG at kerosene (na walang excise tax sa ngayon), sa regular at premium na gasoline (may excise tax na Php4.35 at Php5.35 ngayon), at sa buong saklaw ng produktong petrolyo. Magbabayad ng Php199.6 bilyong dagdag ang mga konsumer sa pagbili ng mga produkto ng langis o magbabayad ng kaakibat na karagdagan sa mga produkto at serbisyo. Hindi pa naisasaalang-alang sa pagtaas-presyong ito ang pagtaas ng halaga ng produksyon.

Page 16: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

16 IBON Praymer Pebrero 2017

Pamamahalin din ng excise tax sa asukal ang matatamis na pagkain at inumin mula Php5 bawat kilo. Mapapabayad ng may Php48.7 bilyong karagdagan ang mga konsumer para sa mga matamis na produktong bibilhin nila.

Ano ang kahalagahan ng usapang pangkapayapaan sa pagtutulak ng maka-mamamayang repormang panlipunan at pang-ekonomya?

Ang usapang pangkapayapaan ay isa sa mahahalagang arena ng pakikibaka ng mamamayan para sa pagbabago ng kanilang panlipunan at pang-ekonomyang kalagayan. Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ay natatangi ring pagkakataon dahil ang kaharap ng GRP ay ang pinakamalaki at pinaka-organisadong pwersa para sa pagbabago sa bansa.

Isang malaking tagumpay sa usapang pangkapayaan sa pagitan ng GRP at NDFP ang pagkakasundo sa ilalim ng The Hague Joint Declaration noong 1992 na ang pagkakasunud-sunod ng adyenda para sa negosasyon ay magmumula sa pag-uusap ng mahahalagang usapin sa karapatan, repormang panlipunan at pang-ekonomya, repormang pampulitika at konstitusyunal, at panghuli ang pagtatapos ng labanan at disposisyon ng mga pwersa. Malinaw na ang layunin ng negosasyon ay harapin ang ugat ng labanan – ang mga suliraning panlipunan at pang-ekonomya – bago ito tumungo sa tigil-putukan upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Sa muling pagbubukas sa ilalim ni Duterte, una sa mundo ang usapang pangkapayapaan ng GRP at NDFP sa pagtalakay ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER). Mahalaga ito sa layunin ng tunay na kapayapaan, at mahalaga rin itong tulak sa mga kahilingan ng populasyon.

Bago biglaang itinigil ni Presidente Duterte ang opisyal na negosasyon, nagpalitan na ng mga draft ng CASER ang magkabilang panig. Nagkasundo na rin sa balangkas at ground rules ng pag-uusap at naumpisahan na ang unang mahalagang adyenda ng agrarian reform and rural development. (Susunod na rito ang national industrialization at environmental protection.) Nagkasundo

3

Page 17: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

17 IBON Praymer Pebrero 2017

na rin ang dalawang panig sa prinsipyo ng libreng pamamahagi ng lupa sa nagsasaka.

Kung tuluyan sanang tatalakayin ang CASER ayon sa pinagkasunduang daloy at manera at bubuuin ang mga pagkakaisa, magkakaroon ang mamamayang Pilipino ng dagdag na tungtungan para sa kanilang pakikibaka para sa pag-unlad ng ekonomya at respeto sa karapatan ng mga magsasaka, manggagawa, maralitang lungsod, propesyunal, kababaihan, kabataan, pambansang minorya, at lahat ng aping sektor. Hindi man ito ang pangunahing larangan para sa tunay na pagbabago, ang usapang pangkapayapaan ay isang mahalagang pagkakataon kung saan maaaring magkaisa ang GRP at NDFP sa mga kasunduang mapapakinabangan ng mayorya ng mamamayan.

Kapag nalubos ang mga negosasyon at umabot sa dulo nito, mapapanday ng GRP at NDFP ang pinakaunang kasunduang pangkapayapaan sa mundo na tumutukoy sa mga istruktural na problemang pang-ekonomya ng isang bansa na nagdulot ng laganap na kahirapan at kawalang-pag-unlad, na siyang dahilan ng armadong tunggalian. Mapapanday din ng kasunduang pangkapayapaan ang isang malinaw na patakarang panlabas na naggigiit ng soberanyang pang-ekonomya tungo sa landas ng pag-unlad sa kanayunan at pagiging tunay na kapangyarihang industriyal sa rehiyon.

Maaaring humalaw ng aral sa bigong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno ng Colombia at Revolutionary Armed Forces of Colombia o FARC, na itinanggi ng mamamayan sa pambansang reperendum. Leksyon dito na importante ang paglahok ng mamamayan sa pagdetalye sa kasunduang pangkapayapaan mula sa umpisa. Dapat ding malinaw at tuloy-tuloy na naibabahagi sa kanila ang kondukta ng negosasyon upang makuha ang kanilang buong suporta.

Sa kalaunan, nasa kamay pa rin ng kilusang masa at kanilang pampulitika at organisadong lakas ang pagsusulong ng ganap na pagbabagong panlipunan at pang-ekonomya. Dito pa rin nakabatay ang tagumpay ng anumang larangan ng pakikibaka, kasama ang usapang pangkapayapaan. Lumilinaw din kung ganoon na hindi sa usapang pangkapayapaan tanging nakasalalay ang prosesong pangkapayapaan at pagbabago.

Page 18: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

18 IBON Praymer Pebrero 2017

May kaugnayan ba ang panlipunan at pang-ekonomyang mithiin ng mamamayan at ang usapin ng droga?

Hanggang hindi natutugunan ang mga panlipunan at pang-ekonomyang suliranin ng bansa, patuloy na lalaganap ang problema sa droga tulad ng iba pang anti-sosyal na aktibidad.

Subalit kapansin-pansin ang paulit-ulit na paggamit ng administrasyong Duterte sa krusada laban sa droga para konsolidahin ang hanay ng reaksyunaryong sandatahan at kapulisan habang pana-panahong pinalulutang ang posibilidad ng batas militar bilang sagot sa kriminalidad at terorismo.

Mula Hulyo 2016 hanggang unang bahagi ng 2017, umabot na sa mahigit 7,000 kaswalti ang gerang kontra-droga ng administrasyon. Mahigit 4,000 nito ay biktima ng tinaguriang vigilante-style na pagpatay, samantalang mahigit 2,000 naman ang naitalang napatumba sa mga opisyal na operasyon ng Philippine National Police (PNP). Komon sa mga kwento at umani na ng malawakang pagbatikos ang pagtugis sa mga maliliit na pusher o user ng droga sa mga maralitang komunidad na pumapalag o lumalaban sa mga pulis at napapatay. Sa mahigit 6 milyong kabahayan na ayon sa PNP ay nabisita na nito kaugnay ng digmang kontra-droga, itinatala rin ng kapulisan ang 1,003,118 sumuko – 93% nito ay mga user at 7% mga pusher – bukod pa sa 42,978 pusher at user na arestado.

Napatatampok ng administrasyon ang problema sa droga sa Pilipinas subalit hindi ito iniuugnay sa mga suliranin ng lipunan. Labas sa pagpuksa sa pamamagitan ng pagtugis at pagpatay ay hindi rin tinatalakay at pinoprograma kung ano ang epektibong paraan para lutasin ito. Kung titingnan ang karanasan ng ibang bansa, tulad rin sa Pilipinas ang pagiging agresibo ng mga kampanyang kontra-droga sa Thailand, Mexico, US at iba pang bansa. Naitala rin sa mga ito ang mga kabaha-bahalang estadistika ng pagtugis sa mga pusher at user, pero hindi rin nagtagumpay sa pagpigil sa paglaganap ng droga.

Malinaw din ang lubhang tagibang na bigwas sa mga maralita, lalo na at ang mga panlipunan at pang-ekonomyang ugat ng problema sa droga ay hindi naman winawakasan.

4

Page 19: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

19 IBON Praymer Pebrero 2017

Dahil ba limitado ang rekurso ng gubyerno kaya hindi bumabaling sa mas pangmatagalang solusyon ng paggamot sa biktima? Malaki ang kakulangan sa mga pasilidad para sa rehabilitasyon: ulat mismo ng kalihim sa kalusugan na 3,000 pasyente lamang ang kasya sa 44 opisyal na sentro ng rehabilitasyon sa bansa. Hindi kataka-taka ang pag-mobilisa ng administrasyon sa pribadong sektor para rito. Tumanggap ito ng hindi bababa sa Php4.4 bilyong halaga ng pasilidad sa rehabilisasyon bilang donasyon ng mga negosyanteng Chinese at Pilipino.

Kumikiling sa awtoritaryanismo ang pagbale-wala sa karapatang pantao at sa pagtatanggol laban sa isang abusadong Estado. Ginamit na rin ng administrasyong Duterte ang gerang kontra-droga para bigyang-katwiran ang multi-bilyong-pisong pagtaas sa mga badyet ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Office of the President.

Nitong Enero, sinuspinde ni Presidente Duterte ang partisipasyon ng PNP sa gerang kontra-droga subalit nagpapatuloy ito sa pamamagitan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ano ang kasalukuyang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas?

Dumagdag ang digmang kontra-droga ng administrasyong Duterte sa Oplan Bayanihan, ang militaristang doktrina ng mga nagdaang rehimen na ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte sa Oplan Kapayapaan.

Ang pinakakontrobersyal na isyu na bumabatbat sa administrasyong Duterte ngayon ay ang mismong lantad na pagpapahayag ng Presidente ng pagkamuhi sa mga prinsipyo ng karapatang pantao, ang pagpayag sa mga paglabag dito ng militar, at pag-apruba sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga sangkot sa droga kahit na nasa antas suspisyon pa lamang. Malala ang rekord sa karapatang pantao ng Estado subalit ang mismong pagbigay-katuwiran ni Duterte sa pagpatay sa mga itinuturing nitong kriminal ay kabaha-bahala.

5

Page 20: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

20 IBON Praymer Pebrero 2017

Bago tapusin ng AFP ang unilateral ceasefire nito na idineklara ni Duterte sa pagsisimula ng usapang pangkapayapaan, naobserbahan ang pagbaba ng bilang ng mga extrajudicial killings (EJK) at frustrated EJK ng mga aktibista sa 14 at 16 mula Agosto 2016 hanggang Enero 2017. Subalit pinatutunayan ng bilang na nagpatuloy ang pag-atake sa mamamayan kahit sa gitna ng tigil-putukan. Binibigyang-diin nito ang mersenaryong tradisyon ng AFP: nagpatuloy ang pagpatay sa mga magsasakang nananawagan para sa tunay na reporma sa lupa, ang pagtugis sa mga komunidad na nagpapamalas ng malakas na pagkakaisa sa pagsulong ng kanilang karapatan at kagalingan, at ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga aktibista.

Ginamit ng AFP, PNP at mga paramilitar ang tigil-putukan para paigtingin ang kanilang mga operasyon sa mga komunidad na pinaghihinalaang teritoryo ng CPP-NPA-NDFP. Pero sumirit ang bilang ng mga sibilyang biktima ng pwersadong paglikas (13,734, Hulyo-Disyembre 2017); pagbabanta, panghaharas, at pananakot (13,627, Hulyo-Disyembre 2016; 19,052, Agosto 2016-Enero 2017); endangerment of, threat against civilians due to indiscriminate firing, bombing, artillery fire, landmines, etc. (12,979); at paggamit para sa layuning militar ng mga eskwelahan at pagamutan, relihiyoso at iba pang pampublikong lugar (14,083, Hulyo-Disyembre 2016; 9,825, Agosto 2016-Enero 2017). Nasa 495 barangay din sa 144 munisipalidad at 48 probinsya ang naapektuhan ng mga paglabag ng Estado sa diwa ng unilateral ceasefire.

Sa pagsuspinde ni Duterte sa usapang pangkapayapaan, kaagad na pinaigting ng AFP ang hindi naman talaga nila nilubayang operasyong kontra-insurhensiya sa pamamagitan ng pag-aresto ng isang NDFP konsultant sa Davao. Patunay itong hindi malalayo sa Oplan Bayanihan ang kapalit na “Development Support and Security Plan Kapayapaan” o Oplan Kapayapaan. Nakabalangkas pa rin ito sa doktrinang kontra-insurhensya at pagpapasuko sa mga armadong nakikibaka. Sa paglulunsad ng Oplan Kapayapaan, sinabi pa ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na sa pamumuno niya buo ang komitment ng AFP sa pagiging pangunahin ng prosesong pangkapayapaan sa direksyon ng “Roadmap to Peace” ng Presidente. Subalit maaasahang ipagpapatuloy lamang ng Oplan Kapayapaan ang paglarga ng Peace and Development Teams na kunwang naglulunsad ng mga maka-mamamayang misyon sa mga komunidad subalit nagsasagawa ng paniniktik at pananalakay upang kumbinsihin ang mamamayan na huwag sumuporta sa NPA.

Page 21: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

21 IBON Praymer Pebrero 2017

Ano ang independent foreign policy at paano ito isasakongkreto sa gitna ng mga patutsada ni Duterte sa US at pakikipagmabutihan naman sa China at Russia?

Mahalaga ang pagpaling ng patakarang pandayuhan ng Pilipinas palayo sa US, subalit nananatiling malabo ang sinasabing ‘nagsasariling patakarang pandayuhan’ o independent foreign policy. Malalim din ang pagkakaugat ng Amerika sa kultura, ekonomya at pulitika ng Pilipinas. Isang malaking hamon ang pagbibigay kahulugan at laman sa aktwal sa sinasambit ni Duterte na independent foreign policy ng bansa.

Samantala, kadiwa ng pagpaling na ito ang pag-usbong ng China at Russia, at ng iba pang bansa, bilang mga makapangyarihang nasyon sa usapin ng ekonomya at militar. Kinukumpitensya nito ang US bilang kilalang superpower ng buong mundo. Sinasalamin din ang umiigting na nasyonalismo sa China, Taiwan, Japan, India, Thailand, Indonesia, at Cambodia.

Maaaring painamin ng isang malinaw na independent foreign policy ang pusisyon ng Pilipinas sa pakikitungo sa ibang bansa upang magluwal ng mga paborableng kasunduan. Maaaring isang pagkakataon ang pag-imbita ng presidente ng China na si Xi Jinping kay Duterte na saksihan ang susunod na summit ng Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS) sa Xiamen, China sa Setyembre.

Gayunpaman, kulang ang mga hakbang ng administrasyon para magkaroon ng malinaw na makabayang prinsipyo na tuntungan ng naturang pagpaling. Hindi naeestablisa kung paano maiiba ang pakikitungo ng administrasyong Duterte sa China at Russia sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US.

Isang mahalagang ekspresyon ng independent foreign policy ang independent foreign economic policy. Kritikal dito ang pagkakaroon ng matatag na lokal na ekonomya para sa soberanya at pagsasarili. Subalit walang hakbang para tiyakin na ang pakikitungong panlabas ng bansa sa usaping pang-ekonomya ay may mutwal na pakinabang at pagsuporta sa pag-unlad ng kanayunan at pambansang industriyalisasyon.

6

Page 22: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

22 IBON Praymer Pebrero 2017

Kailangang maging mapagbantay ng Pilipinas sa pagpasok sa mga FTA at iba pang anyo ng relasyon sa ibang bansa. Hindi na dapat pumasok sa mga tagibang na kasunduan tulad ng mayroon sa kasalukuyan kasama ang US, Japan at Europe. Mula sa ilang dekada ng pagtalima sa neoliberalismo, kailangan ang mas tiyak na balangkas ng pambansang pag-unlad ng ekonomya para tiyakin na hindi lamang lumilipat mula sa pagsandig sa isang bansa tungo lamang sa isa pa.

Halimbawa, dapat pansinin na maaaring tuwiran at di-tuwirang makinabang ang monopolyong kapital ng China sa opensiba ng gubyerno sa imprastruktura. Tulad ng mga lumang imperyalistang kapangyarihan, kailangan ngayon ng China ng bagong mapagkukunan ng murang lakas paggawa, murang hilaw na materyales, at palengke para sa lumolobo nitong produksyon. Umaayon dito ang estratehiya ng administrasyong Duterte: nakikipagnegosasyon para makapasok sa RCEP ng China, nagbabalak maging bahagi ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na pinangungunahan din ng China, at nakikipag-usap para sa mga bilateral na kasunduan laluna sa imprastruktura, pagmimina at agrikultura. Kabilang dito ang US$15 bilyong mga kasunduan at US$9 bilyong pautang na ibinunga ng pagbisita ni Duterte sa China noong Oktubre.

Dapat ding baguhin ang paglahok sa mga inisyatiba tulad ng ASEAN Economic Community na naglalayon lamang hubugin ang rehiyon bilang isang merkado at base ng produksyon ng dayuhang monopolyong kapital. Dapat hubugin ang independent foreign economic policy sa gitna ng nagkakahugis na pandaigdigang ekonomya. Ito ay upang makapagnegosasyon ang bansa sa mga industriyalisadong kapangyarihan at iba pang bansa tungo sa relasyong pang-ekonomya na may benepisyong mutwal.

Samantala, nananatili ang mga mekanismo ng pangingialam ng US sa Pilipinas. Una, nariyan pa rin ang mga batayang alyansa ng dalawang bansa sa usapin ng ekonomya at militar.

Sinuspinde ang joint naval patrols kasama ang US sa West Philippine Sea na nag-umpisa noong 2016 at nagmuestra ang Pangulo na wawakasan na ang joint military exercises at pauuwiin na ang mga tropang Amerikano. Pero

Page 23: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

23 IBON Praymer Pebrero 2017

itinaguyod pa rin ng administrasyon ang serye ng mga kasunduang militar kasama ang US mula pa sa 1951 Mutual Defense Treaty hanggang sa 1998 Visiting Forces Agreement (VFA), 2002 Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) at 2015 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Patuloy na nagpupulong ang Mutual Defense Board (MDB) at Security Engagement Board (SEB) sa pagitan ng dalawang gubyerno. Nanatili ang US$54.6 milyong programmed military and security aid ng US sa Pilipinas ngayong 2017.

Nananatili pa rin ang US bilang nag-iisa’t pinakamalaking dayuhang impluwensya sa pagbalangkas ng mga patakarang pang-ekonomya ng Pilipinas. Narito pa rin ang US$739-milyong Partnership for Growth kasama ang mga proyekto ng US Agency for International Development (USAID) para sa pag-impluwensya ng patakarang pang-ekonomya sa halagang US$50 milyon. Nasa ilalim nito ang Trade-Related Assistance for Development (TRADE), Facilitating Public Investment (FPI), Investment Enabling Environment (INVEST), at Advancing Philippine Competitiveness (COMPETE) Project.

Masugid pa ring itinutulak ng American Chamber of Commerce (AmCham) katuwang ang Joint Foreign Chambers (JFC) of Commerce ang pagbabago ng Konstitusyong 1987 ng Pilipinas at ang pagtatanggal ng restriksyon sa dayuhang pag-aari ng mahahalagang sektor at industriya ng bansa. Nagpapataw ang US ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon para pakinabangan ng mga korporasyong US at makalikha ng sistema ng pangangalakal at pamumuhunan sa Asia-Pacific na pahihintulutan itong imantine ang kapangyarihang pampulitika at pang-ekonomya sa rehiyon.

Hindi nagbabago ang interes ng US sa Pilipinas. Dapat matamang obserbahan at bantayan ang namumuong relasyon sa pagitan dalawang bansa sa harap ng pagkakaroon ng US ng bagong Presidente sa katauhan ng kontrobersyal at populista rin na si Donald Trump.

Page 24: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

24 IBON Praymer Pebrero 2017

Paano isinulong ang panlipunan at pang-ekonomyang karapatan ng mamamayan sa harap ng mga atake ng neoliberalismo?

Sa gitna ng patuloy na atake ng neoliberalismo sa hanay ng iba’t ibang sektor, isinusulong ng mga organisasyong masa ang kanilang demokratikong mithiin sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagmumulat, pag-oorganisa, at sama-samang pagkilos. Pinatataas ng kilusang masa ang kakayahang ipaglaban at hubugin ang Pilipinas bilang isang nagsasarili at industriyalisadong bansa, palayain ang mayoryang magsasaka mula sa ilang siglo ng pagkaaliping pyudal, at makamit ang kapayapaang nakabatay sa panlipunang katarungan sa pamamagitan ng paggapi sa mga makasaysayang ugat ng kahirapan.

Noong 2016, resulta ng serye ng mga pambansa, rehiyunal at sektoral na konsultasyon, binuo ng daan-daang organisasyon ng mamamayan at kanilang mga kapanalig ang isang People’s Agenda for Change. Bilang tugon sa pagbubukas ng administrasyong Duterte ng puwang para sa mga hakbanging maaaring pakinabangan ng mamamayan, ihinapag ito sa bagong-luklok na administrasyon sa ekspektasyong makikipagtalakayan at makikipagtulungan ang huli sa mamamayan tungo sa pagkamit ng mga mithiing ito.

Sinasalamin nito ang mga adhikain para sa: (1) Tunay na repormang agraryo; (2) Pagtaas ng sahod at antas ng pamumuhay; (3) Pagpapalawak ng panlipunang serbisyo at pagpapahusay ng pampublikong yutilidad; (4) Pagpanday ng mga industriyang Pilipno; (5) Pagtaas ng sinisingil na buwis sa mayayaman at pagtanggal sa pasaning buwis ng mahihirap; (6) Pag-giiit ng soberanyang pang-ekonomya at pag-alaga sa pambansang patrimonya; (7) Pagpapalaganap ng makabayan, demokratiko, siyentipiko at progresibong kultura; (8) Pagtaguyod ng pagkakapantay-pantay sa kasarian at paglaban sa diskriminasyon; (9) Pagrespeto sa mga karapatan ng pambansang minorya sa sariling pagpapasya at pag-unlad; (10) Matamang paggamit ng pambansang rekurso habang ipinagtatanggol ang kalkasan; at pagsulong ng nagsasariling patakarang pandayuhan.

Samantala, habang mulat sa limitadong maidudulot ng pagkakaroon ng pusisyon sa gabinete dahil sa pamamayani ng tradisyunal at neoliberal na

7

Page 25: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

25 IBON Praymer Pebrero 2017

kultura sa gulugod ng reaksyunaryong gubyerno, nagpahusay naman ang mga progresibong upisyal sa gawain sa kagawaran ng repormang agraryo, serbisyong panlipunan, empleyo at pagsugpo sa kahirapan dahil sa suporta ng kilusang masa.

Nagpukaw, nagbigkis at humarap sa mga suliranin ng sambayanan ang mga sektor, na kumumpas nang sama-sama sa mga pambansang isyu at lumarga nang koordinado sa mga partikular na usaping pampulitika, panlipunan at pang-ekonomya. Tampok sa hanay ng mga manggagawa ang paglalantad sa pag-iwas ng gubyernong Duterte sa isyu ng kontraktwalisasyon at pagkukutsabahan ng gubyerno at mga negosyante laban sa panawagang, Php750 minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at Php16,000 monthly salary para sa mga kawani ng gubyerno.

Mula sa indignasyon sa Kidapawan Massacre hanggang sa paggunita ng ika-30 taon ng Mendiola Massacre, masugid na kumilos ang mga magsasaka at manggagawang-bukid para sa pagkain, lupa at katarungan sa gitna ng mga nagbabagang usapin tulad ng patuloy na pagkalantad ng malalim na pyudal na pagsasamantala sa Hacienda Luisita at pagtrapik dito ng mga sakadang galing Mindanao, ng tanggalan at karahasan sa Lapanday, ng paggiit na mapasa-magsasaka ang pondong coco levy at ng sunod-sunod na EJK sa mga lider at aktibistang magsasaka.

Samantala, dumarami at lumalakas ang mulat at palabang kabataang estudyante na nakikibaka sa maka-dayuhan at komersyalisadong edukasyon laluna tungkol sa K to 12 at mga reporma sa kurikulum na naghuhubog ng murang lakas-paggawa para sa pandaigdigang merkado.

Masikhay din na nagkampanya laban sa mga neoliberal na padron tulad ng rumaragasang pribatisasyon at komersyalisasyon ng mga pangisdaan, lupang agrikultural, yamang-tubig, rehabilitasyon at rekonstruksyon sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, at iba pang serbisyo at yutilidad kabilang ang serbisyong pangkalusugan, pangmasang pabahay at transportasyon.

Sa mga bukid at baybay-dagat, pabrika, barangay, eskwelahan, ospital, opisina, simbahan, maging gubyerno man, naglunsad ng mga eksposyur,

Page 26: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

26 IBON Praymer Pebrero 2017

imersyon, pagpupulong, pag-aaral, pagsasanay, dula, konsyerto at pagtatanghal, porum at dayalogo, kumperensyang pangkultura, at iba pang daluyan ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagkilos.

Ang malalaking mobilisasyon mula nang ihapag kay Presidente Duterte ang Adyenda ng Mamamayan tungo sa una nitong state of the nation address (SONA) ay may diwa ng pagbubukas sa pakikipagtulungan sa bagong administrasyong nagposturang maka-mahirap at para sa pagbabago. Pero higit dito, sa malalaking mobilisasyong ito, pinagtibay ng mga organisasyong mamamayan ang kanilang komitment na pag-ibayuhin ang kilusang pagbabago.

Binigkis sa Sandugo ang pambansang minorya para sa sustenidong panawagan para sa makatarungang kapayapaan at pagpapasya sa sarili. Malawak naman ang indignasyon laban sa pagpapalibing ng yumaong diktador, Ferdinand Marcos. Tumampok ang pagtutol ng mamamayan sa pagkanlong ng administrasyong Duterte sa pamilyang Marcos at sa bantang manumbalik pa ang mga ito sa poder.

Inirehistro rin ng mamamayan ang pagkondena sa Oplan Bayanihan at Oplan Tokhang kasabay ng pagbibigay-diin na ang daan tungo sa kapayapaan at paglaho ng mga suliraning panlipunan tulad ng iligal na droga ay ang pagpanday ng isang lipunang kumakalinga sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan para sa buhay na may dignidad.

Kasabay ng panawagan para sa panlipunang katarungan, inilakip sa mga kampanya at pakikibaka ang pagsuporta ng mamamayan sa negosasyong pangkapayapaan. Ganito pinagtibay ang kahulugan at pag-unawa sa kapayapaan sa lungsod at kanayunan at iba’t ibang antas ng pakikibaka.

Page 27: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

27 IBON Praymer Pebrero 2017

Paano pa ibayong maisusulong ang interes ng mamamayan at sa pangkalahatan ang tunay na pagbabago sa gitna ng mga ihip at pihit ng pambansang kalagayan?

Mula’t sapul ng administrasyong Duterte, wala nang pag-iimbot ito sa pagpapatuloy ng nakapinsalang mga patakarang neoliberal. Sa ilalim ng bagong Presidente, nakaamba na ang pagbabago ng Saligang Batas na may pagtutulak sa transisyon sa pederalistang porma ng gubyerno sa isang banda, at pagtanggal ng mga balakid sa dayuhang pamumuhunan at pag-aari ng mga susing sektor at industriya sa kabilang banda.

Sa larangan ng pulitika, iginuhit na ng administrasyong Duterte ang militaristang katangian nito sa paglabag sa karapatang pantao, pagwasiwas sa posibilidad ng awtoritaryanismo, at sunod-sunod na hakbang paatras sa usapang pangkapayapaan. Malinaw na pinatitibay ni Duterte ang pagkonsolida sa AFP at PNP sa gitna ng halos sustenidong pagbatikos ng internasyunal na komunidad sa duguang rekord nito kaugnay sa Oplan Tokhang. Ginagatungan pa ng dilawang paksyon ng naghaharing-uri ito, habang hindi malayong may pauna nang pagpapalakas na ginagawa ang mga pinuno ng Liberal Party sa US sakaling sa kung anong dahilan ay mawala sa poder si Duterte.

May mga seryosong implikasyon na sa seguridad kapwa ng mga konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapan at ng malawak na kilusang masa na sumusuporta sa usapang pangkapayapaan. Kahit may opisyal na proseso pang dapat pagdaanan ang terminasyon ng negosasyon, agaran nang gumagalaw ang AFP laban sa progresibo at rebolusyonaryong kilusan, kasama ang panghaharas, pagsampa ng gawa-gawang kaso at iligal na pag-aresto sa mga lehitimong representante ng mga organisasyong masa.

Pinakakagyat ang pagpapalakas ng panawagan para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, dahil ang sambayanan at ang kanilang demokratikong mithiin para sa panlipunang katarungan ang pangunahing nasasabotahe sa biglaang pagtatapos dito. Mayorya ng mamamayang Pilipino ang dehado, samantalang ang tanging nalulugod at nakikinabang

8

Page 28: Pebrero 2017 PRAYMER...9.5% noong 2015 tungong 8.8% noong 2016. Ito ang pinakamababang inabot ng sektor sa kasaysayan ng bansa. Sa kabuuan, ang buong sektor ng produksyon na binubuo

28 IBON Praymer Pebrero 2017

sa pagtapos ng usapang pangkapayapaan ay ang mga imperyalista, ang malalaking burgesya komprador at panginoong maylupa, at ang mga militarista sa reaksyunaryong gubyerno. Banta sa kanila ang usapang pangkapayapaan, sapagkat ang napipintong resulta nito ay babangga sa kanilang mga pampulitika at pang-ekonomyang interes.

Mahalagang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan bilang isa sa mga mayor na larangan kung saan maaaring pag-usapan ng GRP at NDFP ang magkasama at magkahiwalay na responsibilidad sa pagsulong ng interes ng mamamayan. Mahalagang ipanawagan ito sa harap ng malinaw na layunin ng GRP na makamit lamang ang pagbaba ng armas at pagtigil ng armadong pakikibaka nang hindi hinaharap at nilulutas ang ugat ng tunggalian.

Samantala, panahon na rin para singilin ang gubyernong Duterte sa mga napapakong pangako nito sa mga manggagawa, magsasaka, kabataan, at maralita. Hamunin ang administrasyon na linawin at aksyunan ang sinasabing nagsasariling patakarang pandayuhan. Mariin ding punahin ang laganap na paglabag sa karapatang pantao, maging ng gerang kontra-droga, at ang pagpayag mismo ni Duterte sa mga pulis at vigilante sa mga pagpaslang.

Ang walang-ampat at paghambalos ng neoliberal na globalisasyon sa mamamayan ay mangangailangan rin ng tuloy-tuloy na paglantad at pakikibaka ng kilusang masa. Gayundin ang nabubulok at na sistema sa ekonomya at pulitika na dapat baguhin, na maituon din sa opensibang militar, pang-ekonomya, pampulitika at psywar ng imperyalista. Sa dulo nito, mahalagang makapagbigay ng maka-mamamayang alternatiba at ang demokratikong kakayahan ng mamamayan na maisulong at ipatupad ito.

Sa pangmatagalan, patuloy na papandayin ng mamamayan ang kanilang organisadong pampulitikang kamulatan, lakas at husay tungo sa pagtatatag ng demokrasya. Ang lahat ng mga pagsisikap sa pakikibaka at ang pag-armas ng mga aral na naiipon sa tuloy-tuloy at sama-samang pagkilos ay inaasahang magluluwal ng mga dagdag na mamumulat, makakaisa at makakakapit-bisig sa kilusan para sa tunay na kapayapaang nakabatay sa katarungang panlipunan at para sa tunay na pagbabago.