12
Paano Maging the Best Student Ever

Pass or Fail Chapter 1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pass or Fail Chapter 1

Paano Maging the Best Student Ever

Pass or Fail.indd 1 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 2: Pass or Fail Chapter 1

PASS OR FAIL?Copyright © 2011 by Ronald Molmisa

Cover design and illustrations by Nixon NaTypesetting by Marianne C. Ventura

Published (2011) in the Philippines by OMF Literature Inc. 776 Boni AvenueMandaluyong City, Metro Manila www.OMFLit.com

ISBN 978-971- 009-093-8

Printed in the Philippines

Pass or Fail.indd 2 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 3: Pass or Fail Chapter 1

Contents

Introduction 5

Chapter 1 Orientation: Why Study? 7

Chapter 2 How to Use Your Coconut: Learning and Intelligence 13

Chapter 3 Reading, Memorizing and Note-taking 21

Chapter 4 Study Smart 34

Chapter 5 Excited about Exams 42

Chapter 6 To Cheat or Not to Cheat 50

Chapter 7 Write It Right 59

Chapter 8 Time Out! Stressed na Ako! 67 Chapter 9 Usapang Kaibigan 79

Chapter 10 Terror ba ang Teacher mo? 92

Chapter 11 This Way to Success 97

Endnotes 106

Pass or Fail.indd 3 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 4: Pass or Fail Chapter 1

Introduction

Hobby:Studying,

TALAGA?

Pass or Fail.indd 4 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 5: Pass or Fail Chapter 1

Introduction

Hobby:Studying,

TALAGA?

ahilig akong mag-aral. Mula kinder-garten hanggang ngayon, sa pag-aaral umiikot ang buhay ko. Pero nung grumaduate ako ng high school, hindi ko alam kung ano ang gusto kong kunin sa college. Tuloy, I spent the first two years of my college life trying to find the right course. Pinakuha ako ng sangkatutak na tests sa Office of Student Counselling para malaman kung anong kurso ang akma sa akin. Ang hindi ko alam, kasama pala dito ang pag-assess kung paano ako mag-aral. Ang resulta: Pagdating sa good study habits, bagsak ako! Nang sabihin sa akin yon ng student counselor, natauhan ako. Narealize ko na hindi ko matatapos sa tamang

Pass or Fail.indd 5 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 6: Pass or Fail Chapter 1

6 PASS OR FAIL?

WhyOrientation:

Study?

panahon ang kurso ko kung hindi ko babaguhin ang style ko sa pag-aaral.

Through the years, the Lord has changed and transformed my academic habits. Pagkatapos ko ng undergraduate degree ko, hindi ako nakun-tento. Sinimulan ko ang graduate studies habang nagtatrabaho bilang social science researcher. Nang matapos ko ang Masteral degree ko, nag-turo ako sa dalawang pinakasikat na university sa bansa. Kasabay ng pagtuturo, naging pastor din ako ng mga young people. Ang hawak mo ngayon ay produkto ng experiences ko bilang estudyante at teacher.

Nasaan ka na ba ngayon sa academic life mo? Malapit ka na bang matapos o daan-daang exams, quizzes, reports at projects pa ang haha-rapin mo? At ang pinakamatinding tanong, ”Makasurvive ka kaya?”

Pass or Fail.indd 6 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 7: Pass or Fail Chapter 1

WhyOrientation:

Study?ung estudyante ka, one third ng 24 hours

mo ay napupunta sa pag-aaral. Kung nasa high school ka, halos walong oras kang nasa eskwela-han. Kung college student ka naman, minsan mas mahabang oras ang kailangan mo dahil sa library research at pagsali sa extra-curricular activities. Ang eskwelahan ang masasabi mong second home na magse-shape ng character at ugali mo.

Nag-aaral tayo dahil ayaw ni God na manati-ling mangmang ang mga tao lalo na ang Kanyang mga anak. Many people are destroyed due to the lack of wisdom.1 Kaya kung kulang tayo nito, humingi tayo sa Diyos.2 Mapalad ang mga nais magkaroon ng wisdom.3 Una, nagiging inspirasyon sila sa ibang tao.4 When wise people

Pass or Fail.indd 7 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 8: Pass or Fail Chapter 1

8 PASS OR FAIL?

speak, knowledge becomes more attractive. Pangalawa, mas mahalaga ang wisdom kesa anumang yaman sa buong mundo.5 At pangatlo, being wise is better than being strong.6 Ika nga ng namayapang si Ernie Baron, batikang weather-caster, “Kung walang knowledge, walang power.”

BAKIT NGA BA KAILANGANG MAG-ARAL?

Ang lahat ng pag-aaral ay kailangang nakatuon sa ultimate purpose nito—ang makilala ang Diyos. Huh? Pwedeng magtaka ka at sabihing, “Pano nangyari yun? Anong kinalaman ng Di-yos sa hindi ko masolb-solb na math equation?” Nag-aaral tayo ng iba’t ibang subjects para mag-grow ang knowledge natin kung gaano kada-kila ang Diyos. Nag-aaral tayo ng biology para malaman natin ang iba’t ibang species ng hayop

at organism na ginawa Niya. Nag-aaral tayo ng physics para malaman ang mga mga natural laws na itinakda ni God para maging maayos ang buhay natin sa daigdig.

Ngunit tandaan natin na walang kabuluhan ang wisdom kung hindi naman ito naglalapit sa atin sa pagkakilala sa Diyos. Basahin ang kuwen-to ng mga philosophers na nakausap ni Apostle

Anong kinalaman ng Diyos sa hindi ko masolb-solb na math equation?

Pass or Fail.indd 8 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 9: Pass or Fail Chapter 1

ORIENTATION: WHY STUDY? 9

Paul sa Acts 17. Madalas nilang pag-usapan ang iba’t ibang diyus-diyusan pero hindi nila kilala ang tunay na Diyos. Doon ipinakilala ni Paul si Jesus Christ na Siyang Maylikha ng daigdig. Earthly knowledge is nothing compared to hav-ing a relationship with God and knowing Him. Sinabi Niya sa pamamagitan ng prophet na si Jeremiah:

“Do not let the wise glory in his wisdom, nor let the mighty glory in his might; do not let the rich glory in his riches; but let him who glories glory in this, that he understands and knows Me, that I am the LORD, doing kind-ness, judgment, and righteousness, in the earth; for in these I delight.”7

Matalino ka ba o gustong maging matalino? Ang tunay na edukado, hindi ipinagyayabang ang talino niya, kundi pinaparangalan si God sa buhay niya. God gives wisdom, knowledge, and happiness to those who please Him.8 True wisdom begins with the fear of the Lord and for-saking of evil.9

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit kailangan mag-aral ng math? Bakit nga ba kai-langang pag-aralan ang algebraic expressions, geometry, derivatives and calculus? Do we really need to study all these kung nursing naman ang

Pass or Fail.indd 9 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 10: Pass or Fail Chapter 1

10 PASS OR FAIL?

kukunin nating course? Bakit kailangan nating mabaliw sa iba’t ibang formulas at equations? Hindi naman tayo siguro magbibilang ng mga bagay-bagay para i-interpret ang mga kilos ng pasyente in numeric terms at gumawa ng iba’t ibang graphs. This argument may sound logical. Pero kailangan nating bunuin ang math dahil bahagi ito ng edukasyon natin—pagdating sa pagdisiplina sa sarili.

ILANG MARSHMALLOWS ANG GUSTO MO?

Isang study ang ginawa noong 1970s sa Stanford University na pinamagatan nilang Marshmallow Test. Sa experiment ng psychologist na si Dr Walter Mischel, ininvite niya ang mga four-to-six-year old kids na pumasok sa isang kuwarto. Nakapa-tong sa desk ng mga bata ang isang maliit na marshmallow. Sinabi ni Dr Mischel sa mga bata na aalis siya at babalik pagkatapos ng 15 minutes. Pinagbawalan silang kainin ang marshmallow sa desk. Kapag nagawa nila iyon, bibigyan pa sila ng isa pang marshmallow pagbalik niya. Pag-alis ni Dr Mischel, iba’t iba ang reaksyon ng mga bata. May mga nilibang ang sarili para hindi matuk-song kainin ang marshmallow. Meron namang titig na titig sa marshmallow na nasa desk at sa

Pass or Fail.indd 10 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 11: Pass or Fail Chapter 1

ORIENTATION: WHY STUDY? 11

stage. Ang ibang bata naman, inamoy-amoy at pinindot-pindot lang ang marshmallow. Sa pag-tatapos ng experiment, 66 percent ng mga bata ang hindi nakatiis na kainin ang marshmallows nila. Ang natirang 33 percent ay nakapagpigil sa sarili nila.

Sixteen years later, binalikan at pinag-aralan ni Dr Mischel ang mga batang sumali sa experi-ment niya. Doon niya nadiscover na ang mga batang hindi nakatiis kainin ang marshmallow ay lumaking walang focus sa buhay. Marami sa kanila ay hindi naging maayos ang takbo ng kanilang career. Ang iba ay laging heartbroken sa mga relationships at ang iba nama’y hindi makakuha ng magandang grado. Samantala, marami sa mga sumunod sa kanyang instructions na wag kainin ang marshmallows ay nagkaroon ng magagandang grado sa mga subjects at nag-tagumpay sa kanilang pag-aaral. Dito nagsimula ang konsepto ng Emotional Quotient (EQ), related sa term na Deferred Gratification o ang kakayahan ng isang tao na pigilan ang sarili at wag munang gawin ang isang bagay na masarap para sa kanya, kapalit ng mas importante o mas malaking reward.

Pinatunayan ni Dr Mischel sa experiment niya ang link ng pagpipigil o pagdidisiplina sa

Pass or Fail.indd 11 7/8/2011 10:58:14 AM

Page 12: Pass or Fail Chapter 1

12 PASS OR FAIL?

sarili at pagtatagumpay sa bu-hay.10 The greatest battle a stu-dent should overcome is the battle with self. Kung meron siyang personal na relasyon

sa Diyos, ito ang magbibigay ng lakas sa kanya para gawin ang tama at masunod ang Kanyang kalooban.11

Kapag nagkaroon ka na ng disiplina at pa-sensya sa pag-aaral, angat ka na sa iba. Pero hindi dito magtatapos ang lahat. Kailangang malaman mo rin ang strengths and abilities mo. Saan ka nga ba magaling?

The greatest battle a student should overcome is the battle with self.

Pass or Fail.indd 12 7/8/2011 10:58:15 AM