30
Philippine Biblical Worldview Institute 1 Theolohiya Sistematica © Conrad Jun Tolosa Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos Pinag-aralan natin ang Covenant Theology sa Part One. Napag-alaman natin na ang Diyos ay Diyos ng Pakikipagtipan - nakipagtipan Siya sa sangnilikha, kay Adan, sa Kanyang bayan at sa Kanyang Anak na si Jesus. Natutuhan natin ang ilan sa mga katangian ng Diyos na Kanyang ipinahayag in a progressive way, na Siya ay: transcendent, immanent, sovereign, glorious, eternal, infinite, omnipotent, omniscient, omnipresent, immutable, independent, just, merciful, forgiving at loving. Ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan ay natunghayan natin sa ginawa Niyang pagtubos sa kanila mula sa kanilang kasalanan at ang bunga nitong kamatayan. Idaragdag natin sa pagkakataong ito ang covenant na ginawa ng Diyos bago pa man Niya sinimulan ang lahat. Sa Kanyang pagpapahayag ng Kanyang sarili, mapag-aalaman din natin na iisa ang Diyos subalit ang isang Diyos na ito ay may tatlong persona. Ang tatlong personang ito ay nagtataglay ng kalikasan ng pagkadiyos. Sa madali’t sabi, ang tatlong persona na nagtataglay ng kalikasan ng Diyos ay walang pinagkakaiba. Ang lahat ng katangian ng Diyos na ating natutuhan ay taglay ng bawat isa sa kanilang tatlo. Ang mga katangian na taglay ng isa ay taglay din ng dalawa. Walang labis, walang kulang. Parehong-pareho ang kanilang kalikasan at siyempre pa, ang kanilang mga katangian. Walang merong katangian ang isa na wala ang dalawa. Kaya nga masasabi natin na iisa lamang ang Diyos kahit may tatlong persona ang nagtataglay ng kalikasang diyos (divine nature). Sinabi ni Jesus kay Felipe na kung Siya ay kanyang nakita, nakita na rin niya ang Ama (John 14:9). Sinabi naman ni Apostol Pablo sa Colossians 1:15 na si Cristo ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. At sinabi naman ng may-akda ng aklat ng Hebrews na si Cristo ang kinang o luningning ng kaluwalhatian ng Diyos at ang Kanyang tamang-tamang representasyon (Hebrews 1:3). Matapos maporma ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan Niya papasok sa ilong ang nilalang at ito ay nagkaroon ng buhay (Genesis 2:7). Nang magpakita si Jesus sa Kanyang mga disipulo - matapos na Siya ay mamatay sa pagkakapako sa krus, ilibing at mabuhay muli makaraan ng tatlong araw – napawi ang kanilang pagkatakot at sila ay nagalak. Tinamo nila ang kapayapaang handog ni Jesus at mula sa Kanyang hininga ay tinanggap nila ang Espiritung Banal (John 20:19-22). Mahalagang bigyan ng sapat na pansin na ang Espiritung Banal, sa pagkakataong ito, ay galing sa hininga ni Cristo. Sa 2 Timothy 3:16 sinasabi ni Apostol Pablo na ang lahat ng Scriptura ay galing sa hininga ng Diyos (kaya sinasabi na ang Bibliya ay ang buhay na salita ng Diyos). Ang hininga ng Diyos ay buhay at pinagmumulan ng buhay. Ang Ama, Anak at Espiritung Banal, lahat sila ay nagsisimbulo ng buhay. Sa patuloy na pag-aaral ng tatlong persona ng Diyos, matatanto rin natin na hindi lamang ang concepto ng buhay ang nangungusap sa atin patungkol sa Kanilang pagiging-isa, kundi pati na rin ang concepto ng katotohanan. Matapos banggitin ni Jesus na Siya ang katotohanan at ang buhay sa John 14:6, at matapos Niyang sabihin sa Kanyang mga disipulo na Siya ay mananalangin sa Ama na magbibigay sa kanila ng kahaliling Taga-aliw - - ang espiritu ng katotohanan (John 14:16-17), binanggit din Niya na ang Salita ng Ama ay katotohanan (John 17:17). Ang concepto ng pagiging-isang Diyos ng tatlong Persona ay binigyang diin sa Great Commission ng Panginoong Jesus sa Matthew 28:18-20 nang ipag-utos Niya sa Kanyang mga disipulo na bautismuhan nila ang mga magiging alagad Niya sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritung Banal. Samakatuwid, ang relasyon na ginawang pagpapakilala ng Diyos sa Kanyang bayan ay bilang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritung Banal. Nakapaloob dito ang tinatawag sa Theology na Doctrine of Economic Subordination: Nagpailalim ang Anak sa Ama at Siya ay isinugo sa mundo upang iligtas sa kasalanan ang Kanyang bayan at nagpasugo naman ang Espiritung Banal sa Ama at sa Anak upang Siya ang manahan sa kanila.

Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 1

Theolohiya Sistematica © Conrad Jun Tolosa

Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos

Pinag-aralan natin ang Covenant Theology sa Part One. Napag-alaman natin na ang Diyos ay Diyos ng Pakikipagtipan - nakipagtipan Siya sa sangnilikha, kay Adan, sa Kanyang bayan at sa Kanyang Anak na si Jesus. Natutuhan natin ang ilan sa mga katangian ng Diyos na Kanyang ipinahayag in a progressive way, na Siya ay: transcendent, immanent, sovereign, glorious, eternal, infinite, omnipotent, omniscient, omnipresent, immutable, independent, just, merciful, forgiving at loving. Ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan ay natunghayan natin sa ginawa Niyang pagtubos sa kanila mula sa kanilang kasalanan at ang bunga nitong kamatayan.

Idaragdag natin sa pagkakataong ito ang covenant na ginawa ng Diyos bago pa man Niya sinimulan ang lahat. Sa Kanyang pagpapahayag ng Kanyang sarili, mapag-aalaman din natin na iisa ang Diyos subalit ang isang Diyos na ito ay may tatlong persona. Ang tatlong personang ito ay nagtataglay ng kalikasan ng pagkadiyos. Sa madali’t sabi, ang tatlong persona na nagtataglay ng kalikasan ng Diyos ay walang pinagkakaiba. Ang lahat ng katangian ng Diyos na ating natutuhan ay taglay ng bawat isa sa kanilang tatlo. Ang mga katangian na taglay ng isa ay taglay din ng dalawa. Walang labis, walang kulang. Parehong-pareho ang kanilang kalikasan at siyempre pa, ang kanilang mga katangian. Walang merong katangian ang isa na wala ang dalawa. Kaya nga masasabi natin na iisa lamang ang Diyos kahit may tatlong persona ang nagtataglay ng kalikasang diyos (divine nature).

Sinabi ni Jesus kay Felipe na kung Siya ay kanyang nakita, nakita na rin niya ang Ama (John 14:9). Sinabi naman ni Apostol Pablo sa Colossians 1:15 na si Cristo ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. At sinabi naman ng may-akda ng aklat ng Hebrews na si Cristo ang kinang o luningning ng kaluwalhatian ng Diyos at ang Kanyang tamang-tamang representasyon (Hebrews 1:3).

Matapos maporma ng Diyos ang tao mula sa alabok, hiningahan Niya papasok sa ilong ang nilalang at ito ay nagkaroon ng buhay (Genesis 2:7). Nang magpakita si Jesus sa Kanyang mga disipulo - matapos na Siya ay mamatay sa pagkakapako sa krus, ilibing at mabuhay muli makaraan ng tatlong araw – napawi ang kanilang pagkatakot at sila ay nagalak. Tinamo nila ang kapayapaang handog ni Jesus at mula sa Kanyang hininga ay tinanggap nila ang Espiritung Banal (John 20:19-22). Mahalagang bigyan ng sapat na pansin na ang Espiritung Banal, sa pagkakataong ito, ay galing sa hininga ni Cristo. Sa 2 Timothy 3:16 sinasabi ni Apostol Pablo na ang lahat ng Scriptura ay galing sa hininga ng Diyos (kaya sinasabi na ang Bibliya ay ang buhay na salita ng Diyos). Ang hininga ng Diyos ay buhay at pinagmumulan ng buhay. Ang Ama, Anak at Espiritung Banal, lahat sila ay nagsisimbulo ng buhay.

Sa patuloy na pag-aaral ng tatlong persona ng Diyos, matatanto rin natin na hindi lamang ang concepto ng buhay ang nangungusap sa atin patungkol sa Kanilang pagiging-isa, kundi pati na rin ang concepto ng katotohanan. Matapos banggitin ni Jesus na Siya ang katotohanan at ang buhay sa John 14:6, at matapos Niyang sabihin sa Kanyang mga disipulo na Siya ay mananalangin sa Ama na magbibigay sa kanila ng kahaliling Taga-aliw - - ang espiritu ng katotohanan (John 14:16-17), binanggit din Niya na ang Salita ng Ama ay katotohanan (John 17:17).

Ang concepto ng pagiging-isang Diyos ng tatlong Persona ay binigyang diin sa Great Commission ng Panginoong Jesus sa Matthew 28:18-20 nang ipag-utos Niya sa Kanyang mga disipulo na bautismuhan nila ang mga magiging alagad Niya sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritung Banal.

Samakatuwid, ang relasyon na ginawang pagpapakilala ng Diyos sa Kanyang bayan ay bilang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritung Banal. Nakapaloob dito ang tinatawag sa Theology na Doctrine of Economic Subordination: Nagpailalim ang Anak sa Ama at Siya ay isinugo sa mundo upang iligtas sa kasalanan ang Kanyang bayan at nagpasugo naman ang Espiritung Banal sa Ama at sa Anak upang Siya ang manahan sa kanila.

Page 2: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 2

Bago pa lamang nakipagtipan ang Diyos sa sangnilikha at sa tao, mayroon na Silang pagkakaintindihan patungkol sa realidad mula simula hanggang dulo ng panahon. Ang tatlong persona ay actively involved sa work of creation at work of redemption ng Kanyang bayan. Ang Diyos Ama ang humirang sa mga kabilang sa Kanyang bayan, ang Diyos Anak ang tutubos sa kanila, at ang Diyos Espiritung Banal ang magbibigay buhay sa kanilang espiritu at mananahan sa kanila.

Sa pagpapatuloy ng ating pag-aaral ng Theolohiya, susubaybayan natin ang pagsasakatuparan ng pagbuo ng bayan ng Diyos. Ito ngayon ang ating hihimay-himayin - ang mga doctrinang pumapaloob sa pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang bayan:

A. Election – Ang Paghihirang ng Bayan ng Diyos B. Predestination – Ang Pagtatalaga ng mga Anak ng Diyos C. Fall – Ang Pagkahulog ng Tao sa Kasalanan D. Redemption – Ang Pagtubos sa mga Hinirang ng Diyos E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration – Ang Espiritual na Kapanganakan G. Call – Ang Pagtawag sa mga Hinirang ng Diyos H. Justification – Ang Pagpapawalang-sala sa Bayan ng Diyos I. Sanctification – Ang Paghihiwalay ng mga Anak ng Diyos J. Glorification – Ang Pagluluwalhati ng Bayan ng Diyos

A. Election – Ang Pagkahirang sa Bayan ng Diyos

Hindi natin kakayaning maunawaan ang doctrina ng paghihirang kung hindi natin muna uunawain ang ibig sabihin ng free will. Mayroong kadalasang misunderstanding pagdating sa conceptong ito. Ang ibig sabihin ng free will ay ang kakayahang loobin ang ano mang bagay at ito ay magkakaroon ng katuparan. Ang Diyos lamang ang may tunay na free will. Ang sansinukob ay nilikha mula lamang sa Kanyang kalooban at salita. Ang pinagkaloob ng Diyos sa nilikhang tao ay free choice, ang kakayahang pumili, hindi tulad ng Kanyang free will. Hindi kaya ng tao na loobin niya na siya ay tumangkad ng 8 feet tall o makalipad tulad ng ibon. Hindi niya ito kayang loobin at ito ay mangyayari nga. Ang will ng tao ay may limitasyon at hangganan; ibig sabihin, ito ay hindi tunay na malaya, hindi tulad ng free will ng Diyos.

Nang suwayin ng tao ang utos ng Diyos doon sa Garden of Eden, ginawa niya ito knowingly and freely. Alam niya ang kanyang ginagawa at inexercise niya ang kanyang kakayahang pumili o freedom to choose, kaya siya ay mananagot sa kanyang kasalanan. Sinabi ng Diyos sa tao, Ikaw ay malayang makakakain ng kahit na anong bunga mula sa mga puno sa hardin; ngunit hindi mo maaaring kainin ang bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama sapagkat sa oras na kainin mo iyon, ikaw ay tiyak na mamamatay (Genesis 2:16-17). Ngunit nilapitan ng diablo ang Tao at sinabi ang ganito, "Siguradong hindi ka mamamatay…” (Genesis 3:4). Inexercise ng Tao ang kanyang freedom of choice at pinili niyang maniwala sa sinabi ng diablo kaysa sa sinabi ng Diyos. Ang Tao ay namatay nga! Kaya naman nasabi ni Pablo sa mga Ephesian believers ang ganito: Kayo’y dating mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Sa kalagayang iyon ay namuhay kayo ayon sa pamamaraan ng sanlibutan at ng tagapamuno ng kaharian ng papawirin, ang espiritu na gumagawa ngayon sa mga suwail (Ephesians 2:1-2).

Kapag tayo ay bumoboto sa election, tayo ay nag-e-exercise ng ating right to vote at ito ay ating ginagawa freely. Dito sa Pilipinas, mayroon tayong kalayaang pumili kung sino man ang ating gustong candidato. Election is all about making a free choice. Kaya naman, mahalaga na dapat tayong maalam at marunong pumili ng ating iboboto. Huwag sana nating iboto ang isang candidato dahil lamang nabigyan niya tayo ng kaunting pera, o siya ay kamag-anak, o kaya naman ay tanyag na artista. Pinag-iisipang mabuti ang pagboto. Kinakailangang alamin natin ang qualification at plataporma ng mga candidato at tingnan ang kanilang track record.

Sa ginawang paghihirang ng Diyos sa Kanyang bayan, kung sino-sino sila na bubuo nito, isinakatuparan Niya ito freely, walang nakaimpluwensya sa Kanya. Ito ay resulta ng Kanyang sovereign will at sovereign grace. Ito ang sabi sa mga Cristiano sa Ephesians 2:8-9: Ang pagliligtas sa inyo ay mula sa biyaya, sa

Page 3: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 3

pamamagitan ng pagtitiwala - - at ito ay hindi galing sa inyong sarili, ito ay handog ng Diyos - - hindi sa pamamagitan ng gawa, upang walang makapaghambog. Mula sa talatang ito, malalaman natin na ang paghihirang ng Diyos ay hindi katulad ng pagpili natin ng candidatong iboboto tuwing election. Binoboto natin ang candidatong sa inaakala natin ay deserving ng ating suporta sapagkat siya ay magaling, marunong at makakatulong sa sambayanang Pilipino. Ang ginawang election o paghihirang ng Diyos ay walang kinalaman sa desisyon, katangian o performance man ng tao. Kung ang paghihirang at pagliligtas ay base sa gawa ng tao, hindi na ito galing sa biyaya ng Diyos (tulad nang sinasabi sa Ephesians 2:8-9) kundi ito ay gantimpala sa kanya na gumawa ng mabuti o tama. Subalit nililiwanag ng Bibliya na wala ni isa mang deserving na tao. Lahat ay kapos sa kaluwalhatian ng Diyos.

Kung paano ginawa ng Diyos ang paghihirang o kuna ano ang criteria na Kanyang ginamit ay hindi ipinapahayag ng Bibliya. Ang maliwanag ay ito: Hindi tayo hinirang ng Diyos dahil sa kung ano pa mang ating ginawa o katangian. Ang mga sumusunod na talata ay nagpapatunay ng katotohanang ito:

Sinabi sa Romans 9:11-13 ang ganito: Bago pa man ipanganak ang kambal o bago pa man sila makagawa ng mabuti o masama - - upang manatili ang layunin ng Diyos sa paghirang: hindi dahil sa mga gawa kundi dahil sa Kanya na tumawag sa kanila - - sinabi kay Rebecca, ang matanda ay maglilingkod sa bata. Tulad ng nasusulat: Minahal Ko si Jacob ngunit kinapootan Ko si Esau.

Ganito ang nakasaad sa Romans 11:28-29, Kung ang pag-uusapan ay ebanghelyo, sila’y naging kaaway ng Diyos dahil sa inyo; kung paghirang ang pag-uusapan, sila’y minahal dahil sa mga patriarchs, sapagkat hindi nagbabago ang mga kaloob at tawag ng Diyos.

Bagamat maliwanag ang pahayag ng Bibliya patungkol sa kahulugan ng doctrina ng Election, na ito ay hindi isinaalang-alang sa kalooban o gawa ng tao, mayroon pa ring nagsasabing, “Nang pumili ang Diyos kung sino-sino ang magiging elect tumingin Siya through the corridors of time, at nakita Niya kung sino-sino ang tatanggap ng ebanghelyo ni Cristo at base sa kanilang desisyon sila ang Kanyang pinili.” Kung ito ay totoo, katulad nang nasabi na, hindi na handog ang kaligtasan ng tao, ito ay gantimpala sa kanya. Mayroon na siyang karapatang piliin. At kung ito ay totoo, kinakailangan nating malaman kung ano ang kalikasan ng tao na tumanggap sa ebanghelyo ni Cristo nang makita siya ng Diyos through the corridors of time? Siya ba ay in his natural state o in the state of grace?

Hindi natin maaaring sabihin na ang tumanggap na tao na nakita ng Diyos through the corridors of time ay nasa kanyang natural state sapagkat ang sabi ng Romans 3:10-12 ay ganito: Walang matuwid, wala kahit isa; walang naka-uunawa, walang humahanap sa Diyos. Ang lahat ay tumalikod, pare-pareho silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. Para sa atin na mga nakipagkaisa na kay Cristo, ipinaaalam ng Bibliya na mayroong kumilos na divine power upang lumapit tayo kay Cristo. Sinabi mismo ni Cristo sa John 6:44 ang ganito, Walang makalalapit sa Akin hanggat hindi siya inilalapit ng Ama na nagsugo sa Akin . . . Minsan pa sa John 15:16, ipinabatid sa atin ni Cristo na, Hindi ninyo Ako hinirang, ngunit hinirang Ko kayo at itinakda kayong humayo at magbunga . . . Maliwanag dito na ang Election ay nakadepende lamang sa Diyos.

Minsan pa, kung ayaw nating mahulog sa pandaraya ng pangangatuwiran ng tao, marapat lang na basahin natin ang Bibliya at hayaang mangusap sa atin ito. Maliwanag ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa paghirang ng Diyos sa Kanyang mga elect na wala kahit isa ay nakasama sa pamilya ng Diyos dahil sa sariling gawa. Ang isa pang talata na nagpapatotoo sa doctrina ng Unconditional Election ay ang Titus 3:3-5 na nagsasabing: Dati’y hangal din tayo, suwail, nalinlang, at mga alipin ng lahat ng uri ng kahalayan at kalayawan. Noong una’y namuhay tayo na may masamang hangarin at pagkainggit, kinapopootan at napopoot sa isa’t isa. Subalit nang mahayag sa atin ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas Niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa Kanyang kahabagan. Iniligtas Niya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng muling kapanganakan at pagbabago ng Banal na Espiritu. Kaya huwag nating kalilimutan na tayo ay hinirang at niligtas ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkahabag at biyaya.

Subalit maaaring may katanungan pa rin ang mga ayaw pumayag na ang ginawang paghirang ng Diyos

Page 4: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 4

ay walang kinalaman sa free choice ng tao. Para sa kanila na may ganitong katanungan, ang tanong ay ito, Kung pinabayaan ng Diyos ang tao na mahulog at hindi Niya tinupad ang Kanyang babalang “Ikaw ay tiyak na mamamatay,” masasabi ba na ang Diyos ay makatarungan? Hindi! Walang katarungan kung ang nagkasala ay makalulusot at hindi makararanas ng katapat na parusa. Samakatuwid, kung loobin ng Diyos na tayong lahat ay mapunta sa lugar na tinatawag na impiyerno, nagiging makatarungan lamang ang Diyos, hindi ba? At sapagkat tayo ay nagkasala, ikaw at ako ay mapupunta sa impyerno - - - ito ay katarungan! Walang nagdurusa dahil sa kawalan ng katarungan. Kung ikaw at ako ay pinatawad dahil binayaran ni Cristo ang kaparusahan ng ating kasalanan, hindi ba pareho tayong nakatanggap ng kahabagan? Kahabagan ito sapagkat hindi natin kayang bayaran ang ating pagkakautang na ang nararapat ay ang mapunta tayo sa impiyerno. Kung tayo ay napunta sa impyerno, ito ay katarungan. Kung tayo ay nakatanggap ng kapatawaran at napunta sa langit, ito ay kahabagan. Walang hindi makatarungan dito. Halimbawa naman na ikaw ay napunta sa langit at ako ay napunta sa impyerno. Ano ang tinanggap ng bawat isa sa atin? Ang tamang sagot ay ito: Ikaw ay tumanggap ng kahabagan at ako ay tumanggap ng katarungan. Ganoon pa rin, walang hindi makatarungan dito. Maliwanag ang sinabi ng Bibliya: Ang Diyos ay makatarungan sa lahat ngunit Siya ay mahahabag lamang sa mga nais Niyang kahabagan (Romans 9:18). Homework: 1. Ano-anong mga katangian ng Diyos ang natutuhan natin progressively sa ibang pag-aaral natin? 2. Ilang persona mayroon ang Diyos? Ano-ano ang mga personang ito? 3. May kani-kanilang katangian ba ang mga personang ito ng Diyos? Ipaliwanag. 4. Saan binigyang-diin ang tatlong personang ito ng Diyos? 5. Anong relasyon ang ginawang pagpapakilala ng Diyos sa Kanyang bayan? 6. Sino-sino ang involved sa work of creation at work of redemption? Ipaliwanag kung paano. 7. Ano ang Doctrine of Economic Subordination? 8. Sa pagkakaintindi ng marami, ano ang ibig sabihin ng free will? 9. May free will ba ang tao? Ipaliwanag? 10. Saan nakabase ang pagliligtas ng Diyos sa tao? 11. Ano ang natural state ng tao? Magbigay ng talata na susuporta sa iyong sagot. 12. Ano ang ibig sabihin ng sovereign will at sovereign grace ng Diyos? 13. Makatarungan ba ang Diyos? Ano ang pagkakaiba ng katarungan at habag? 14. Nasa anong estado ka nang ikaw ay maligtas? 15. Ano ang iyong natanggap nang iligtas ka ng Diyos?

B. Predestination – Ang Pagtatalaga ng Mga Anak ng Diyos Ang unang katotohanang dapat mapatunayan muna sa pag-aaral ng doctrine of Predestination ay hindi ito katulad ng doctrine of Election. Ang election o paghirang ay may kinalaman sa sovereign act ng Diyos sa paghirang ng Kanyang magiging mga anak. Ang predestination o pagtatalaga ay may kinalaman sa mga magiging pribilehiyo at benepisyo na ipagkakaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak. Ang pangalawang katotohanan na dapat mapatunayan ay ang predestination ay biblical. Ilang beses lumabas sa Bibliya ang salitang predestined o ang mga salitang ipinahihiwatig nito:

Romans 8:29-30: Yaong mga kinilala ng Diyos bago pa man ay Kanyang itinalaga na maging kawangis ng Kanyang Anak, upang Siya ay maging panganay ng maraming kapatid. At yaong Kanyang mga itinalaga ay Kanyang tinawag; ang Kanyang mga tinawag ay Kanyang pinawalang-sala; at ang Kanyang pinawalang-sala ay Kanyang niluwalhati.

Ephesians 1:5-6: . . . tayo’y Kanyang itinalaga sa pagkukupkop bilang Kanyang mga ampon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa Kanyang kaluguran at kalooban -- sa kapurihan ng Kanyang maluwalhating biyaya, na malaya Niyang ibinigay sa atin sa pamamagitan ng Kanyang minamahal na Anak.

Page 5: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 5

Ephesians 1:11-12: Sa Kanya ay hinirang tayo, itinalaga ayon sa plano ng nagsasagawa ng lahat ng bagay batay sa Kanyang layunin at kalooban, upang tayo na unang umasa kay Cristo ay maging kapurihan sa Kanyang kaluwalhatian.

Ephesians 2:10: Tayo nga ay gawang-sining ng Diyos, nilalang kay Cristo Jesus para sa mga mabubuting gawa na inihanda na Niya bago pa man ang lahat upang ating isakatuparan.

Sinasabi ng mga talatang ito na ang mga mananampalataya ay itinalaga upang 1) maitulad tayo sa wangis ni Jesu-Cristo, 2) maampon tayo bilang mga anak ng Diyos (at dahil tayo’y mga anak ng Diyos ayon sa Romans 8:17, tayo’y mga tagapagmana – tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo), at 3) matupad ang tawag natin sa paggawa ng mabuti ayon sa layunin ng Diyos sa ating buhay.

Ang Paghuhubog sa Wangis ni Cristo Napansin na ba ninyo na kapag nagkaroon ng kaunting lamat ang salamin, ito ay lumalaki nang lumalaki hanggang sa tuluyan na itong mabasag? Kapag ikaw naman ay tumingin sa salamin na maraming lamat upang magpaganda o magpapogi, hindi ba halos hindi mo na makilala ang iyong sarili dahil distorted ang iyong reflection?

Nang nilalang ng Diyos ang tao, nilikha Niya ito na ayon sa Kanyang wangis. Ang tao bago nahulog sa kasalanan ay may kakayahang i-reflect ang wangis ng Diyos. Subalit dahil sa kasalanan, ang wangis ng Diyos na ito ay hindi na mai-reflect ng tama ng makasalanang tao. Ang epekto ng kasalanan ay naging parang mga lamat sa salamin. Hindi na natin mapagwawari ang larawan ng Diyos kung tayo ay titingin lamang sa ating sarili o sa ating kapwa tao.

Ang paghuhubog sa wangis ng Diyos ay gawain ng Diyos Espiritung Banal sa buhay ng mga nagtitiwala kay Cristo para sa kanilang kaligtasan. Sa sandaling tumanggap ang isang tao sa salita ni Cristo, ang gawaing ito ay magsisimula na sa kanyang buhay. Pansinin natin ang katotohanan na kapag naihubog ang makasalanang tao sa wangis ni Cristo, siya ay naihubog sa wangis ng Diyos. Ito ay sapagkat si Cristo ay tunay na Diyos. Ang gawaing ito ng Diyos Espiritung Banal ay tinatawag na Sanctification (ang doctrinang ito ay tatalakayin natin nang mas detalyado pa sa bandang huli ng araling ito).

1. Ang Pag-aampon Bilang Anak ng Diyos Ang pag-aampon (adoption) ay isang legal na transaksyon na naglalaman ng mahahalagang bahagi o probisyon. Sa pagpapatuloy ng araling ito, mabuti na basahin muna natin ang mga sumusunod na passages mula sa Bibliya: Genesis 15:6; John 1:11-13; Romans 3:21-31, 4:1-18; Galatians 3:1-9, 21-29; James 2:10.

a) Ang pagbibigay-bisa sa pag-aampon. Ipinaliwanag ni Apostol Pablo sa Galatians 3 na ang pagpapawalang-sala ay hindi makakamtan sa pamamagitan ng batas – sapagkat ang lahat ay hindi makatutupad nang kabuoang ipinag-uutos nito.

Ang pagpapala na pangako ng Diyos ay binitiwan Niya kay Abraham at sa Kanyang supling na si Cristo Jesus (ito ay bahagi ng Covenant Theology). Nilinaw ni Apostol Pablo na ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa salita ng Diyos, tulad nang ginawa ni Abraham nang siya ay kausapin ng Diyos. Kaya nga, ang lahat nang nananalig sa salita ng Diyos at sa salita ni Cristo ay mapapawalang-sala.

Ipinaliwanag din ni Pablo na hindi naman sa walang silbing mabuti ang batas. Mayroon! Bago matapos ang ginawang pagtubos ni Jesus sa Kanyang bayan, lahat ay bihag ng batas na ginamit ng Diyos, hindi upang ang tao ay mapawalang-sala, kundi upang magsilbi bilang guardian o tagapangasiwa para doon sa mga tatanggap ng pangako sa pamamagitan ng kanilang pagtitiwala. Ang batas ang nagturo sa atin kay Jesus upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananalig. Pinapatunayan sa atin ng batas na walang makasusunod sa requirement nito – ang perfect obedience. Subalit ngayong naririto na ang pananalig, wala na tayo sa supervision ng batas. At tayo nga ay nagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo Jesus.

Page 6: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 6

Sinabi rin ito ni Apostol Juan na ang lahat na tumanggap kay Cristo at naniwala sa Kanyang pangalan ay binigyan ng karapatang maging mga anak ng Diyos, na isinilang hindi ng dugo, o ng kalooban ng laman o ng tao, kundi ng Diyos. At dahil tayo ay anak na ng Diyos, hindi na natin kailangan ng guardian. Makakamtan na natin ang karapatan para sa anak. At ito ay sa pamamagitan ng adoption o pag-aampon na binibigyang-bisa sa pamamagitan ng pananalig sa salita ni Cristo, hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa batas o dahil sa lahi.

b) Ang relasyon ng nag-ampon sa inampon. Ang adoption o pag-aampon ay isang legal na transaksyon. Nakapaloob dito ang may awtoridad sa ibabaw ng inampon, ang mga bagong obligasyon ng inampon at ang mga pinawalang-bisang mga obligasyon sa dating may taglay ng kapangyarihan na makapagpapasunod sa inampon.

Nakatala sa John 8:39-44 ang isang engcuentro ni Jesus laban sa mga Pariseo (ang malakas na secto noon dahil sa kanilang kaalaman sa letra ng batas at pagsunod sa mga requirements nito). Pinagtitibay ng mga Pariseo na ang kanilang tanging ama ay ang Diyos mismo. Subalit pinabulaanan sila ni Cristo. Sinabi Niya na kung ang Diyos ang kanilang Ama, Siya ay kanilang mamahalin. Sinabi pa Niya ang dahilan kung bakit determinado ang mga ito na Siya ay patayin. Ito ay sapagkat ang kanilang ama ay ang diablo na siyang nagnanais ng Kanyang kamatayan. Sinabi ni Cristo sa kanila na ang diablo ay mamamatay-tao sa simula pa lamang at ang ama ng kasinungalingan. Kung baga, ang sinasabi ni Cristo sa mga Pariseo ay ito: Like father, like sons.

Ang katotohanang sinasabi ni Apostol Pablo sa Ephesians 2:1-3 ay nangangahulugan ng ganito: Tayong mga mananampalataya ay dating mga patay sa ating mga kasalanan. Dati-rati’y sunod-sunuran lamang tayo sa gawi ng mundong ito at pamamaraan ng diablo - ang espiritung sa ngayon ay gumagawa sa kalooban ng mga suwail. Lahat tayo ay namuhay noon na kasa-kasama nila, binubusog ang pita ng laman at sumusunod sa paglakad ng kanilang mithiin at kaisipan. Samakatuwid, wala tayong pinagkaiba sa mga Pariseo pag dating sa condisyon ng ating puso’t kaluluwa at sunod-sunuran nga tayo sa kalooban ng diablo. Subalit nang tayo ay manalig sa salita at pangako ng Diyos, iniligtas Niya tayo sa pagkakasakal ng diablo at inampon Niya tayo bilang mga anak. Ang Diyos ang ating naging Ama.

c) Ang obligasyon ng inampon sa nag-ampon. Sinasabi sa Romans 8:12 na tayo ay may obligasyon - - hindi sa pita ng laman para tayo ay mamuhay ayon sa laman at mauwi sa kamatayan - - kundi obligasyon na magpauna sa Espiritu tungo sa buhay; ang lahat nang sumusunod sa Espiritu ay anak ng Diyos. At tayo nga ay naging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aampon.

Kaya naman ang ipinag-uutos ng Diyos sa mga nananalig sa Kanya ay ang magpakabanal sapagkat Siya na ating Diyos at Ama ay banal (Leviticus 20:26; 1 Peter 1:15-16). Kaya kung ang Diyos ang ating ama dahil sa adoption, tayo ay nararapat lamang na magpakabanal.

d) Ang mga benepisyo at pribilehiyo ng inampon. Ang sabi ni Apostol Pablo sa Galatians 4:4-7 ay ganito: Nang dumating ang paghinog ng panahon, isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, isinilang ng babae, isinilang sakop ng batas, upang tubusin yaong mga nasa ilalim ng batas, para makamtan natin ang pag-aampon bilang mga anak. Dahil kayo ay mga anak, isinugo Niya sa inyong puso ang Espiritu ng Kanyang Anak, na nananaghoy, Abba! Ama! Kaya hindi na kayo alipin kundi anak, at dahil anak, ginawa kayong tagapagmana. Napakainam isipin: Tayo ay tagapagmana ng Diyos na ating Ama, katulad ni Cristo.

At ano naman ang ating mamanahin? Kung ang Diyos ay hari, at tayo ay Kanyang mga anak, ang ating mana ay walang iba kundi ang Kanyang kaharian. Ang Matthew 5:5, 25:34; 1 Corinthians 6:9-10; 15:50; Galatians 5:21; Ephesians 5:5; James 2:5, ang lahat ng mga talatang ito ay tumutugma sa kung ano ang mamanahin ng mga anak ng Diyos.

Ang tanong ay ito: Kailan natin tatanggapin ang ating mana? Hindi tulad ng batas dito sa lupa, kung saan ang mana ay tatanggapin ng anak pagkamatay ng ama, ipagkakaloob sa atin bilang mga anak ng Diyos ang kaharian sa takdang panahon. Sa pagbabalik ni Cristo, physically, dito sa lupa, itatatag Niya ang

Page 7: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 7

Kanyang kaharian. Samantala, ang Kanyang pananakop sa ating mga puso ay maaari na nating malasap. At kung ito nga ang ating nararanasan, ang kaharian ng Diyos, spiritually speaking, ay atin nang namana. Para sa akin, isang napakahalagang pribilehiyo bilang anak ng Diyos na matawag ko Siyang, Ama, at makadulog sa trono ng Kanyang biyaya.

3) Mga Hinandang Mabubuting Gawa na Dapat Isakatuparan Kapag ang pinag-usapan ay ang mga mabubuting gawa na inihanda ng Diyos noong una pa man para sa atin upang ating isakatuparan, iikot at iikot ang ating paghuhukay sa Bibliya sa ilang pangunahing talata: 1) Sa Genesis 1:28 na nagtataglay ng ating orihinal na mandato mula sa Diyos, Magbunga kayo at magparami, punuin ninyo ang mundo at ito ay sugpuin. Pamahalaan ninyo ang mga isda, ibon at lahat ng claseng hayop na gumagalaw sa lupa. 2) Ang great commission ng ating Panginoon sa Matthew 28: 19-20, Kaya nga, humayo kayo at gumawa ng mga disipulo sa lahat ng bansa, bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritung Banal, at turuan silang sumunod sa lahat ng Aking pinag-utos. 3) Ang sabi naman sa atin sa Ephesians 2:10 ay ito: Tayo nga ay gawang-sining ng Diyos, nilalang kay Cristo Jesus para sa mga mabubuting gawa na inihanda na Niya bago pa man ang lahat upang ating isakatuparan. 4) Sa Matthew 5:16 naman, bilang asin ng lupa at ilaw ng mundo, ito ang sabi sa atin ni Cristo: Hayaan ninyong magliwanag ang inyong ilaw sa harapan ng madla para makita nila ang inyong mabubuting gawa at purihin ang ating Ama sa langit.

Para ma-individualize ang pagdetermina ng plano ng Diyos sa buhay ng tao, kailangang pag-aralan at suriin ang mga gifts na binabanggit sa 1 Corinthians 12:4-11 at Romans 12:6-8. At para naman sa application ng mga gifts ng Diyos sa ating buhay tulad ng time, abilities and resources, kailangan nating pag-aralan ang mga sitwasyon sa ating paligid kung paano tayo makagagawa ng tama at mabuti para sa kapakinabangan ng ating mga kapuso, kapamilya at kababayan.

Samakatuwid, sa pagpaplano ng kinabukasan, ang isang Cristiano ay mayroong general at particular guidelines na available sa kanya: 1) Ang original mandate para sa kabuoang plano ng Diyos para sa tao at mundo. 2) Ang great commission para sa priority ng pagpapatupad ng original mandate; Cristiano lamang ang makapagpapatupad ng original mandate, kaya kailangan ang evangelism at discipleship. 3) Bilang asin at ilaw sa mundo para sa paggawa ng isang world civilization na nagbibigay puri sa Diyos. 4) Ang mga gifts na taglay niya para sa kanyang individual part sa undertaking na ito. 5) Ang pamunuan ng iglesya upang makatulong sa paglalaan ng wisdom para sa kanyang plano. 6) Ang Book of Proverbs para sa kanyang day-to-day supply of practical wisdom o yaong tinatawag na prudence na maggagabay sa kanyang decision making.

Kung baga, hindi darating sa isang Cristiano ang plano ng Diyos sa kanyang buhay sa pamamagitan ng panaginip o propesiya ng kung sinong propeta. Kailangan niyang gamitan ng prudence ang kanyang pagpaplano sa buhay. Ang unang gagawin ng isang seeker ay mag-aral ng Bible. Aalamin niya ang mga guidelines in Christian Living na nakapaloob dito. Aalamin niya kung ano ang kanyang mga kakayahan o talents and abilities. Aalamin niya ang available resources para sa gusto niyang gawin.

Halimbawa, ang isang dukhang Cristiano ay hindi mag-aambisyong maging doctor kung hindi naman siya nakakukuha ng scholarship. Hindi siya mag-aasawa ng hindi mananampalataya kahit pa siya ay mayaman at makatutulong sa pagpapatupad ng kanyang ambisyon. Sisikapin niyang makapaglingkod sa iglesya-local. Coconsulta siya sa mga elders at ibang leaders ng iglesya upang malaman niya ang mga talents at abilities na mayroon siya na lumalantad habang siya ay naglilingkod. Pipilitin niyang alamin ang mga opportunities na kaya niyang abutin o gampanan. Maghahanap siya ng isang magmementor sa kanya. Sa ating panahon, marami ang mga Cristianong nagdudunong-dunungan (imbis na magtanong) kaya marami ang matanda na sa pananampalataya subalit hindi pa alam ang kanilang calling o bigo sa kanilang buhay. Huwag nating kalilimutan na walang exempted sa Pride. Homework: 1. Ano ang doctrine of Predestination? Biblical ba ito? Ipaliwanag. 2. Ano ang kaibahan ng doctrine of Election sa doctrine of Predestination?

Page 8: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 8

3. Ano ang maliwanag na sinasabi sa atin ng mga talata sa Romans 8:29-30, Ephesians 1:5-6, Ephesians 1:11-12 at Ephesians 2:10 bilang mga mananampalataya?

4. Ano ang requirement sa pagsunod sa batas? May makatutupad ba nito? Ano ang silbi ng batas? 5. Paano tayo itinuring na mga ampon ng Diyos? 6. Mayroon ba tayong obligasyon bilang mga ampon ng Diyos? 7. Ano ang mga benepisyo at mga pribilehiyo natin bilang mga inampon ng Diyos? 8. Magbigay ng ilang talata na magpapatunay na may plano ang Diyos sa bawat buhay ng Kanyang mga

anak. 9. Kaninong gawain ang paghuhubog ng mananampalataya sa wangis ng Diyos? 10. Kailan ito nangyayari?

C. The Fall – Ang Pagkahulog ng Tao sa Kasalanan

Ang orihinal na taong nilikha ng Diyos ay may tunay na kaalaman, tunay na katuwiran at tunay na kabanalan (Colossians 3:10, Ephesians 4:24). Ngunit alam natin kung ano ang nangyari: Ang isip (intellect) ng tao ay matinding naapektuhan nang siya ay mahulog sa kasalanan. Siya ay nawal an ng kakayahang mag-isip ng purong-purong tama lalo na pagdating sa mga bagay ukol sa Diyos. Ang isip niya’y naging madilim. Ito ay nagulo. At naapektuhan din ang kanyang pakiramdam (emotion) - - nakaranas ang tao ng pag-uusig ng budhi, pagkahiya, pagkawalay sa Diyos at pagkawalay sa isa’t isa. At ang puso ng tao ay naging sukdulang masama ayon sa Bibliya: Ang puso ay higit na mandaraya kaysa alin mang bagay at walang kagamutan. Sino ang makauunawa nito? (Jeremiah 17:9). Ang isip, emosyon at puso ng tao ay naapektuhan ng kasalanan. Ganoon pa man, hindi inalis ng Diyos ang kanyang kakayahan at kalayaan sa pagpili (freedom of choice) at nanatili ang kanyang pananagutan sa mga gagawin niyang pagpili. Ang tao ay may kalayaang sumalungat sa kalooban ng Diyos; at ito ay malaya niyang ginagawa magpahanggang ngayon. Kaya naman nararanasan niya ang mga bunga ng kanyang kasalanan: pasakit, pagdurusa, paghihirap, kawalan ng pag-asa, at kamatayan. Tandaan nating hangga’t hindi ipinanganganak muli ang tao, ang kanyang puso ay hindi hihilig sa tama o mabuti. Bagkos, ang kanyang pagkilos at pagdedesisyon ay pawang pangsarili lamang at sa mata ng Diyos ay parang maruming basahan (Isaiah 64:6).

Nililiwanag rin sa Romans 5:12 na ang kasalanan ay pumasok sa pamamagitan ni Adan at pumasok naman ang kamatayan sa sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang kasalanan. Maliwanag na tinuturo ng Bibliya na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Romans 6:23). At sapagkat ang lahat na isinisilang sa mundo ay nagmula kay Adan (ang makasalanan), lahat ay ipinanganganak na mayroong katulad ng kanyang kalikasan. Dalawang bagay ang dapat nating pakatandaan patungkol sa naging kalikasan ni Adan: a) ang kanyang physical life ay hulog sa kasalanan [mababa o kapos sa kaluwalhatian ng Diyos at nakahilig sa paggawa ng kasalanan] at ito ay may hangganan, at b) bagamat ang kanyang kaluluwa ay buhay, ito ay patay - - walang pakikipag-ugnayan o conecsyon sa Espiritu ng Diyos.

Ang lahat ng taong ipinanganganak ay patay ang espiritu (hindi siya walang espiritu kundi patay ang kanyang kaluluwa pagdating sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos). Kaya nga tinuturo ni Cristo sa John 3:3-6 na ang bawat isa sa atin sa sanlibutan ay kinakailangang ipanganak muli upang masumpungan ang kaharian ng Diyos. Niliwanag Niya na ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak naman sa espiritu ay espiritu. Ang pangalawang kapanganakan ay tinatawag na spiritual birth - - ang pagkabuhay ng kaluluwa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung Banal. Tandaan natin na ang kaluluwa ng tao, buhay man o patay sa Espiritu ng Diyos ay may walang hanggang existence. Ang tanong nga lamang ay, saan siya mag-i-spend ng kanyang everlasting existence? Sa piling ba ng Diyos o hiwalay sa Kanya?

Nang sabihin ni Cristo na ang ipinanganak sa laman ay laman, ang ibig Niyang sabihin ay hindi maaaring manganak ng espiritu ang laman o magkaroon ng kakayahan ang laman na buhayin ang kanyang patay na espiritu. Ang patay na espiritu ay walang kakayahan o kapangyarihan na buhayin ang kanyang sarili, gustuhin man niya ito o hindi. Ang Espiritu lamang ng Diyos ang nakapagbibigay ng hininga ng buhay sa patay; tulad ng ginawa Niya sa simula nang hingahan Niya ng buhay si Adan na nanggaling lang sa alabok (Genesis 2:7).

Page 9: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 9

Ang tao ay nag-iimbento ng maraming paraan na sa kanyang palagay ay makapagliligtas sa kanya sa walang hanggang kamatayan (ang walang hanggang pagkawalay sa Diyos). Halimbawa, relihion, pilosopiya, o ang paniniwala na walang Diyos at walang buhay sa likuran ng kamatayang pisikal. Subalit ano man ang kanyang gawin, mabuti man o masama sa tingin ng tao, wala itong kalalabasan. Ika nga, no effect ang mga ito. Mananatili pa rin na magulo at madilim ang kanyang isipan at walang katahimikan ang kanyang puso.

Upang makamtan ng tao ang minimithing katahimikan, may mga mahahalagang katotohanan na may kinalalaman sa pagkahulog ng tao sa kasalanan at ang epekto nito sa kanyang kinabukasan ang dapat niyang malaman. Ang Bibiliya lamang ang makapaglalaan ng mga makabuluhang kasagutan sa mga tanong na sumasakal sa kanyang kaluluwa:

1. Ano ang kamatayan na tinutukoy sa Genesis 2:17 nang sabihin ng Diyos na sa araw na kumain ang tao ng pinagbabawal na bunga siya ay mamamatay? Maliwanag na sinasalaysay ng Bibliya ang tunay na pangyayari at karanasan (hindi lamang parang kuwento ni Lola Basyang) ng unang magulang ng tao, sina Adan at Eba, na sila ay sumuway sa pinag-utos ng Diyos sa kabila ng babalang sila ay tiyak na mamamatay. Kumain sila ng bunga mula sa pinagbawal na puno ng kaalaman ng mabuti at masama (Genesis 2:17: 3:6). Agad silang dumanas ng spiritual death (ito ang paghiwalay ng Espiritu ng Diyos sa tao) na pinahihiwatig ng agad-agad na epekto ng kasalanan sa kalikasan ng tao. Matapos ang maraming taon, sila ay namatay din physically (ito ang paghihiwalay ng kaluluwa ng tao sa kanyang katawang lupa, Genesis 5:1-3). Samakatuwid, may dalawang uri ng kamatayan ang nakapaloob sa salitang ginamit ng Diyos sa Genesis 2:17, ang kamatayang espiritual at kamatayang pisikal.

2. Ano ang mga “immediate effects” ng kasalanan sa pagkatao nina Adan at Eba? Mababasa natin ang agarang epekto ng kasalanan kina Adan at Eba sa Genesis 3:9-19. Basahin natin nang dahan-dahan.

Verses 9-10: Nang marinig ng lalaki, kasama ang kanyang asawa, ang himig ng Panginoong Diyos na lumalakad sa hardin sa lamig ng araw, sila ay nagtago sa likuran ng mga puno sa hardin. Subalit tinawag siya ng Diyos, “Nasaan ka?”

Sumagot ang lalaki, “Narinig ko na nasa hardin Ka, natakot ako dahil ako ay hubad; kaya ako ay nagtago.

Samakatuwid, ang unang epekto ng kasalanan ay takot na nagmula sa pagkaunawa (awareness o consciousness) ng pagkakasala (guilt) at pangalawa ang pagkahiya (shame) na nauwi sa pagtatago. Pagkakasala (guilt) at pagkahiya (shame) na nauuwi sa takot at pagtatago; ito ang immediate effects ng kasalanan. At may karugtong pa yan, basahin natin ang sagot ni Adan at ni Eba sa verses 12 at 13.

Adan: Yung babae na dinala Mo rito upang kasamahin ko - - binigyan niya ako ng bunga mula sa pinagbabawal na puno, at kumain ako.

Eba: Niloko ako noong ahas, kaya ako kumain.

Kasunod na sa guilt and shame ang pagwawalang-sala sa sarili (self-righteousness) na nauuwi sa pagpasa ng personal na responsibilidad. Ibig sabihin, si Adan din pala ang nag-imbento ng defense, at ang depensang ginawa niya ay ang pagpasa ng blame sa iba. Ang sinasabi ni Adan sa Diyos ay ito: Huwag ako ang sisihin Mo. Ikaw ang naglagay sa piling ko ng babae, kaya Ikaw ang dapat sisihin. Ganito naman ang takbo ng depensa ni Eba (para ko nang narinig): Aba, huwag ako ang sisihin Mo, biktima lang ako dito. Sino ba ang naglagay ng ahas dito sa hardin? Ultimately, ang sinisisi ng tao ay ang Diyos.

Ang mga epekto naman ng parusa sa kasalanan ng tao ay sakit at hirap (pain and suffering). Makikita natin ito sa verses 16 at 17. At ang katapusan ay kamatayang pisikal, ang pagbabalik ng katawang lupa sa lupa (verse 19). Guilt at shame, pain at suffering, physical at spiritual death.

3. Paano mawawala ang epekto ng kasalanan sa katawan ng tao? Ang sabi ni Apostol Juan sa kanyang unang liham, verses 8-9 ay ito: Kung nagpapatunay tayo na tayo ay walang kasalanan, niloloko natin

Page 10: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 10

ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ikukumpisal natin ang ating mga pagkakasala, matapat at makatarungan ang Diyos na magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis ng ating karumihang galing sa ating mga kamalian at kasamaan. Ang sabi naman ni Apostol Pablo sa 1 Corinthians 15:42-48 ay ito: Kaya ito ang mangyayari sa pagkabuhay (resurrection) ng mga patay. Ang katawan na itinanim na nabubulok ay ibabangon sa walang pagkabulok; ang itinanim sa pagkawalang-dangal ay ibabangon sa kaluwalhatian; ang itinanim sa kahinaan ay ibabangon sa kapangyarihan; ang itinanim sa katawang lupa ay ibabangon sa katawang espiritu. Kung mayroong katawang lupa, mayroong katawang espiritu. Ito ay nasa kasulatan: Ang unang Adan ay naging buhay na nilalang; ang huling Adan naman ay espiritung nagbibigay buhay. Ang espiritual ay hindi nauna sa natural. Natural muna bago espiritual. Ang unang Adan ay galing sa alabok ng lupa, ang ikalawang Adan ay galing sa langit. Ang galing sa nagmula sa lupa ay tulad ding lupa, ang galing sa nagmula sa langit ay tulad ding makalangit. At gaya rin na tayo ay kawangis ng taong lupa, magiging kawangis din tayo ng taong langit. Ang puno’t dulo ng mga katuruang ito nina Juan at Pablo ay ito: Tayong mananampalataya ay magkakasala at magkakasala pa rin hanggang tayo ay nasasa ating katawang lupa. Makakamtan lamang natin ang tinatawag na sinless perfection pagkatapos na ng resurrection ng ating mga katawan. Ang malugod dito ay ang paglalaan ng Diyos ng patuloy na paglilinis sa ating budhi sa pamamagitan ng pagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa Kanya. Subalit huwag nating kalilimutan na ang bawat kasalanan ay may kanya-kanya pa ring epekto sa ating pagkatao. Takot, hiya, paghihirap at sakit ay mananatiling kahalo ng ating buhay dito sa mundo. Ika nga, walang immuned sa atin sa mga bagay na ito dahil lahat nga tayo ay nangagkakasala pa. Ang mahalagang tandaan tungkol sa paksang ito ay ang tatlong prinsipyong kaugnay ng kasalanan. Una, ang kabayaran ng kasalanan. Binayaran ni Cristo ang pagkakautang nating kamatayan dahil sa kasalanan. Liliwanagin pa natin ito sa mga susunod na aralin patungkol sa Pagtubos at Paglilinis. Wala na tayong utang. Bayad na! Ikalawa, ang kapangyarihan ng kasalanan. Tunay na makapangyarihan ang kasalanan at noon bago tayo nagtiwala kay Cristo ay sunod-sunuran lamang sa pita ng ating puso’t laman. Subalit ngayon na tayo ay tinatahanan na ng Espiritung Banal, may laban na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan. Hindi na tayo dapat sunod-sunuran na lamang sa kanyang bawat naisin. Ang palagiang pagkukumpisal sa Diyos ang nagpapaalpas sa atin sa sakal ng kasalanang ating paulit-ulit na ginagawa. Ikatlo, ang kalikasan ng kasalanan. Wala sa plano ng Diyos na mapaalis natin sa ating katawang lupa completely ang presensya ng kasalanan. Ang kalikasan nito ay nananahan sa lupa at ang lupa ay sinumpa ng Diyos dahil sa kasalanan ng ating unang magulang (Genesis 3:17). Sa madali’t sabi, tayo ay galing sa lupa, ang kalikasan ng kasalanan ay napasa-lupa nang nagkasala si Adan. Samakatuwid, habang tayo ay nasa katawang lupa, ang kalikasan natin ay kasapi sa kalikasan ng kasalanan. Purihin ang Diyos dahil siguradong darating ang sandali na iiwan natin ang lupang katawan at tatanggap tayo ng makalangit na katawan.

4. Mayroon bang pang-unawa ang makasalanang tao tungkol sa bagay na espiritual? Kailangan ang pag-iingat sa pagsagot sa katanungang ito. Kailangan munang liwanagin ang ibig sabihin ng pang-unawa sa espiritual na bagay ayon sa salita ng Diyos at pang-unawa sa espiritual na bagay ayon sa isipan ng tao. Kapag ginamit ng Bibliya ang salitang espiritual, ito ay may kaugnayan sa spiritual realm, ang ginagalawan ng mga bagay na espiritual. Halimbawa, ang katawang lupa ng tao ay nabubuhay sa physical o material realm samantalang ang kanyang kaluluwa ay nabubuhay sa spiritual realm. Ang mga anghel at demonyo ay nabubuhay sa spiritual realm bagamat sila paminsan-minsan ay nakatutuntong sa physical realm. Ang mga ulap sa kalangitan na ating nakikita at espasyong lampas pa sa alapaap na di natin nakikita kung saan naroroon ang mga bituin ay kasama sa physical realm. Ang langit kung saan nananahan ang Diyos ay nasa spiritual realm.

5. Kung may kakayahang unawain ng fallen man ang mga spiritual matters, may kakayahan din siyang gumawa ng tama at mabuting pagpili katulad nang pagtanggap sa gospel message. Kung ganoon nga, mali ang sinasabi sa Bibliya na, Walang matuwid, wala kahit isa; walang nakauunawa, walang naghahanap sa Diyos. Silang lahat ay tumalikod, pare-pareho silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa (Romans 3:11-12). At mali rin ang sinasabi sa Bibliya na, Ang taong hindi pinananahanan ng espiritu ay hindi tumatanggap ng ano man sa Espiritu ng Diyos, sapagkat kahangalan lamang ito sa kanya. At hindi niya ito mauunawaan sapagkat ang mga ito ay inu-

Page 11: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 11

Unawa lamang sa pamamagitan ng espiritu (1Corinthians 2:14). At paano masasabi ni Jesus na, . . . Maliban na ang tao ay ipanganak muli, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos (John 3:3). Kung ang fallen man ay may kakayahang makita ang kaharian ng Diyos bago siya ipanganak muli, tunay ngang makagagawa siya ng desisyon na tanggapin ang gospel message. But as it is, nangangailangang ipanganak muli ang fallen man upang magkaroon siya nang kakayahang makita ang kaharian ng Diyos at pagkatapos ay marinig at matanggap ang mensahe ng kanyang Hari: Magsisi kayo sapagkat nalalapit na ang kaharian ng Diyos.

At kung may kakayahan nga ang fallen man upang tanggapin ang gospel message, at kapag ginawa niya ito, ang kaligtasan ay nagiging gantimpala na at ito ay hindi na resulta ng biyaya ng Diyos. Samakatuwid, ang fallen man ay naging anak ng Diyos dahil sa kanyang human will. Kung ganoon nga, mali ang sinasabi ng Bibliya na, Ang pagliligtas sa inyo ay mula sa biyaya, sa pamamagitan ng pagtitiwala - - at ito ay hindi galing sa inyong sarili, ito ay handog ng Diyos - - hindi sa pamamagitan ng gawa, upang walang makapaghambog (Ephesians 2: 8-9). At mali ang Bibliya sa pagsasabing, Ang lahat ng tumanggap sa Kanya, ang lahat ng sumampalataya sa Kanyang pangalan ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos – sila’y isinilang hindi sa dugo, ni ayon sa kagagawan ng tao, kundi ng Diyos. Ang katotohanan ay desisyon lang ng Diyos kung sino man ang Kanyang aariing anak.

Kung ipipilit ng fallen man na sa kanyang sarili ay may kakayahan siyang maunawaan ang mga bagay na espiritual, katulad ng gospel message, at kaloobang ipanganak sa Diyos, nagagawa niya ito ayon sa kanyang karunungan at pagkaunawa. Dahil doon, ipaglalaban niya ang kanyang kaso sa pamamagitan ng paggamit ng pansariling pangangatuwiran (human logic) na nakabase sa pansariling pang-unawa (human understanding). Gagamitin pa rin niya ang Scriptura upang suportahan ang kanyang mga argumento imbes na hayaan niyang ang Scriptura ang magturo sa kanya.

Ang halimbawa ng argumentong ito ay ganito: Sa simula pa lang ay alam na ng Diyos kung sino ang tatanggap ng gospel message. Base sa Kanyang kaalaman kung ano ang magaganap sa panghinaharap (foreknowledge), humirang ang Diyos kung sino ang Kanyang aariing mga anak na ipanganganak muli sa isang punto ng kanilang mga buhay. Ginagamit ang Romans 8:29 upang masuportahan ang argumentong ito: For those God foreknew he also predestined. Kung susundan natin ang argumento, ang salitang foreknew ay tumutukoy sa mga tatanggap kay Jesus kung mabibigyan ng pagkakataong pumili. This sounds so logical. However, naroon pa rin ang katanungang - - “Ano ang katayuan ng foreknown man nang tanggapin niya si Cristo?” Siya ba ay nasa state of grace o fallen state nang tanggapin niya si Cristo? Iikot na naman tayo, hindi ba? Nararapat na matumbok muna natin ang katotohanan ukol sa kung may kakayahan o walang kakayahan ang fallen man na makaunawa patungkol sa espiritual na mga bagay. Pinatototohanan ng Bibliya ang bagay na ito: Ang fallen man ay walang kakayahang makaunawa ng mga espiritual na mga bagay. Ito ang unang punto sa isang sistema ng kaisipang tinatawag na The Five Points of Calvinism. Ito ay ang doctrina ng Total Depravity.

Ngunit maaari na namang ipagpilitan ang katanungang: “Paano ang freewill ng tao? Wala ba siyang free will, o para lang ba siyang puppet o robot? Kung wala siyang kakayahan sa kanyang sarili na piliing tanggapin si Cristo, hindi siya dapat managot sa pagtanggi niya sa ebanghelyo ng kaligtasan, hindi ba?” Ang mga ito ay mabuti at pinag-isipang mga tanong na nangangailangan ng tuwirang sagot. Siyempre, ang sagot ay makikita natin sa Bibliya.

Simulan nating pagtuunan ng pansin ang free will dahil sa ito’y may kinalalaman sa human heart. After all, ang free will ng tao ay laging malayang isinasakatuparan ang mga naisin ng kanyang puso. Nilikha ng Diyos ang tao na may katalinuhan, may damdamin at may kakayahang magdesisyon. Ang lahat ng pangkatauhang aspetong ito ng tao ay nananahan sa kanyang puso ayon sa Bible -- ang sentro ng katauhan kung saan ang isip (mind), emosyon (emotion) at kalooban (will) ay may pagkakaisa. Ang mind ay ang siyang naka-iisip, nakaaalam, nakababatid at nakauunawa. Ang emotion ay ang nakadarama. Ang will ay ang nagdedesisyon. Ang puso ay ang nag-iisip, dumarama at malayang nagsasakatuparan ng kanyang mga naisin. Magkakasama at nagkakaisang nananahan ang mind, will at emotion hanggang nang pumasok ang kasalanan. Naapektuhan ng kasalanan ang isip -- wala na siyang kakayahang maka-

Page 12: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 12

pag-isip ng mga makadiyos na kaisipan at purong-tama lamang. Katulad ng nabanggit na, ang isip ng tao ay naging madilim. Ito’y naguluhan. Naapektuhan ng kasalanan ang emotion -- biglang nakaranas ang tao ng pag-uusig ng budhi, pagkahiya, pagkawalay sa Diyos at pagkawalay sa kapwa. Ganito ang sinasabi sa Jeremiah 17:10, Akong Panginoon ay sumasaliksik sa puso at sumisiyasat sa isip, upang gantimpalaan ang tao ayon sa kanyang ugali, ayon sa kung ano ang nararapat sa kanyang gawa. Kaya’t napakahalagang maunawaan ang kaibahan ng heart at will; sa kadahilanang ang kalooban ay malaya at ang kasamaan ng puso ay walang lunas. Lubos na makasalanan ang puso ng tao. Higit na nangingibabaw ang kanyang mga pita kaysa sa pag-ibig niya sa Diyos. Lagi niyang isasakatuparan ang mga di makadiyos na gawain. Sasaliksikin ba ng fallen heart ang Diyos? Mauunawaan kaya niya ang mga bagay patungkol sa Diyos? Sa sarili ba niya ay makagagawa ito ng mabuti? Sinasabi sa Psalms 14:2-3 ang ganito: Magmula sa langit, ang Panginoon ay nagmamasid sa mga anak ng tao upang tingnan kung mayroon pang nakauunawa at naghahanap sa Diyos. Kasama ang Romans 3:11-12 sa pagdedeclara na: Walang nakauunawa, walang humahanap sa Diyos. Ang lahat ay tumalikod, pare-pareho silang naging masama; walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. Upang magkaroon ng kakayahan ang fallen man na saliksikin ang Diyos, maunawaan ang Diyos, at makita ang kaharian ng Diyos -- kinakailangang ipanganak siyang muli at tumanggap ng bagong puso, isang pusong laman at hindi bato (Ezekiel 11:19). Hindi problema ang will; ito ay tunay na malaya. Ang problema ay ang puso -- wala itong kakayahang turuan ang will upang gumawa ng mabuti at pumili ng tama. Homework: 1. Anong clase ang original man na nilikha ng Diyos? 2. Ano ang nangyari sa isip ng original man nang siya’y mahulog sa kasalanan? 3. Anong verse sa Bible ang makapagpapatunay sa iyong sagot? 4. Ano ang dalawang bagay na dapat nating tandaan sa kalikasan ni Adan? Magkapareho ba kayo ng

kalikasan? 5. Ano ang dalawang clase ng kamatayan na dinanas ng tao nang siya ay magkasala? 6. Ano-ano ang mga immediate effects ng kasalanan at ano-ano pa, sa palagay mo, ang mga bunga ng

mga epektong ito? 7. May kakayahan ba, on his own, ang tao na maunawaan ang mga espiritual na bagay? Magbigay ng

verse reference upang mapatunayan ang iyong sagot. 8. Makakaya ba ng natural na tao ang bigyan ng buhay ang kanyang patay na espiritu upang matanggap

niya ang gospel message? 9. Ano ang tatlong aspetong pangkatauhan na nananahan sa puso ng tao? Ano-ano ang kanilang

function? 10. Paano naapektuhan ng kasalanan ang mind, emotion at will ng tao? 11. Ano ang dapat na mangyari upang magkaroon ng kakayahan na saliksikin at maunawaan ng fallen

man ang Diyos?

D. Redemption - Ang Pagtubos sa mga Hinirang ng Diyos Kasama sa pakikipagtipan ng Diyos sa kanyang bayan ang gagawing pagtubos sa kanila mula sa pagkaalipin sa kapangyarihan ng kasalanan. Ang consepto ng pagtubos sa Bibliya ay may kinalalaman sa kaukulang kabayaran kapalit sa pagpapalaya ng tutubusin. Mayroong palitan na nagaganap sa pagtutubos.

Dito sa ating bansa, usong-uso ang pagsasanla ng alahas o ano mang bagay na may kahalagahan kapag nangailangan ng pera ang isang Pilipino. Kadalasan nga lang, hindi na natutubos ang isinanla dahil sa kakapusan. Sa Bagong Tipan, ang pagtubos ay nakatuon sa kapatawaran - ayon sa batas - patungkol sa pagkakautang. Sinabi ni Jesus sa Matthew 20:28 ang ganito: Hindi Ako naparito upang paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang Aking buhay bilang kabayaran para sa marami. Sa Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga disipulo, sinabi ni Jesus ang ganito patungkol sa alak na Kanyang hawak: Ito ang Aking dugo ng bagong tipan na mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami (Matthew 26:28). Ang nabanggit na legal concept na tutuparin ni Cristo Jesus ay ipinahayag sa Psalms 49:7-9, Walang sino man ang makatutubos ng buhay ng kanyang kapwa o makapagbibigay ng bayad sa Diyos

Page 13: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 13

para sa kanya. Mahal ang kabayaran sa buhay, walang pambayad ang magiging sapat para siya mabuhay ng walang hanggan at di siya makaranas ng pagkabulok. Ibig sabihin, nararapat na ang pantubos ay isang buhay na walang kapintasan; isang buhay na walang kabulukan o pagkabulok. Ang paalala ni Apostol Pedro sa ating mga mananampalataya ay ito: Alam ninyo na kayo ay hindi tinubos sa buhay na walang kabuluhan na minana pa ninyo sa inyong mga ninuno, sa pamamagitan ng naglalahong bagay tulad ng pilak o ginto kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, ang korderong walang bahid o mancha (1 Peter 1:18). Ang buhay ni Cristo ang naging kabayaran sa pagtubos sa iyo at sa akin.

Dito pa rin sa ating bansa, marami tayong dinaranas na pagpapakasakit dahil sa kasamaang pinasasabog ng mga drug lords, jueteng lords at ng mga nangungurakot sa gobyerno; at pagpapahirap sa buhay na dulot ng mga nangongotong na kapartner ng mga magugulong jeepney at tricycle drivers. Kailangang makalaya ang ating mga kababayan sa pagkaalipin ng mga teroristang ito. Sa Bibliya, hindi lamang ang pagbabayad ng pagkakautang ang nilalamang consepto sa pagtubos kundi pati na rin ang pagpapalaya.

Sa kalagayan ni Noah, siya ay nakalaya sa mga paghihirap na may kinalaman sa laganap na kasamaan ng tao at ng mundong puno ng corruption at karahasan. At, ang pagtubos ay pangangalaga rin. Itinatag ng Diyos ang kanyang tipan kay Noah, sa kanyang angkan at sa lahat ng may hininga na hindi na Niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha sa kabila ng kasamaan ng tao (Genesis 9:8-11). Ito ay tinutukoy na noahic covenant.

Sa katayuan ni Abraham, ang idea ng pagliligtas ay ang pagpapalaya sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. Sinasabi sa atin ng Joshua 24 na ang mga ninuno ng mga Israelita, kasama si Terah na ama nina Abraham at Nahor, ay namuhay sa kabilang ilog at sumamba sa ibang mga diyos. Ngunit inalis ng Diyos si Abraham mula sa lugar na iyon at dinala siya sa Canaan; at sinabi ng Diyos sa kanya: Itatatag ko ang panghabang buhay na tipan natin at ng iyong salinlahi, bilang inyong Diyos at Diyos ng mga susunod pang henerasyon (Genesis 17:7). Kasama rin sa pagtutubos ang pagbubukod at pangako ng pagpapala. Inatasan ng Diyos si Abraham na lumisan sa kanyang bayan at sambahayan ng kanyang ama, at magtungo sa lugar na ipakikita sa kanya: Gagawin kitang isang dakilang bansa at pagpapalain kita; magiging dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala. Pagpapalain Ko ang mga magpapala sa iyo at susumpain Ko ang sino mang susumpa sa iyo; at ang lahat ng tao sa buong mundo ay mapagpapala sa pamamagitan mo. At tinatakan ng Diyos ang Kanyang pakikipagtipan kay Abraham sa pamamagitan ng pagtutuli. Ito ay tinutukoy na abrahamic covenant.

Sa katayuan ni Moses, ang pagtubos ay ang pagpapalaya sa kahirapan at pagkaalipin sa mga Egyptians. Sa Exodus 6:6-7a, inutusan ng Diyos si Moses na sabihin sa mga Israelita ang ganito: Ako ang Panginoon at ilalabas Ko kayo sa pamatok ng mga Egyptians. Palalayain Ko kayo sa kanilang pang-aalipin at ililigtas Ko kayo sa pamamagitan ng Aking makapangyarihang mga gawang paghatol. Kayo ay aangkinin Ko bilang Aking bayan at magiging Diyos ninyo Ako. Inilabas ni Moses ang Israel mula sa Egypt patungo sa lupang pangako. Hindi naging madali ang gawaing ito. Ang mga Israelita ay mapag-rebelde. Tinawag sila ng Diyos na mga matitigas ang ulo. Sa kanilang paglalakbay sa ilang, ang Diyos ay nakipagtipan sa mga Israelita. Napapaloob sa tipang ito ang mga prinsipyo na gagabay sa relasyon nila sa Diyos. May kasamang mga pagpapala, mga sumpa at pangakong ibinigay ang Diyos sa tao nang tanggapin nila ang mga condisyon ng kasunduan. At kinakailangang ipatupad ng bawat henerasyon ang kasunduang ito (Exodus 24, Deuteronomy 29, Joshua 24). Ito ang tinataguriang mosaic covenant o covenant of the law. Ang requirements na nasa kasunduang ito ay nagpapatunay na imposibleng matupad ng tao ang lahat ng kautusan ng Diyos, kaya ang pangangailangan ng pagsisisi at paghahandog ng sacrifice ay lumitaw ng husto.

Sa katayuan ni David, ang pagtubos ay may kinalaman sa panunumbalik ng pamamahala ng tao. Sa Psalms 89:2-4, nakatala ang sinabi ng Diyos tungkol dito: Nakipagtipan ako sa Aking hinirang, sumumpa Ako kay David na Aking tagapaglingkod, itatatag Ko ang iyong lahi magpakailanman at gagawing Kong matatag ang iyong trono sa lahat ng salinlahi. Ito ay tinutukoy na davidic covenant. Si Cristo Jesus ang anak ni David na tumupad ng pangakong ito. Sinabi ni Jesus sa Matthew 28:18: Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa ay ipinagkaloob na sa Akin.

Page 14: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 14

Mapalad tayo sapagkat ang pagtubos ng Diyos sa atin ay bahagi ng Kanyang kasunduan sa Kanyang bayan. Nakasaad ang pangakong ito sa Hosea 13:14: Tutubusin Ko sila mula sa kapangyarihan ng libingan; ililigtas Ko sila sa kamatayan. Kamatayan nasaan ang iyong mga salot? Libingan nasaan ang iyong panira?

Ang pagtutubos ay tungkol sa pagpapalaya ng Diyos sa Kanyang bayan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at sa lahat ng kahirapang kasama nito. Ang pagtubos ay tungkol din sa nag-alay ng buhay upang masiguro ang kaligtasan ng Kanyang mga hinirang. Ito ay nakabuod sa 1 Timothy 2:5: Sapagkat iisa lang ang Diyos at iisang taga-pamagitan sa Diyos at sa tao, si Cristo Jesus, na nagbigay ng Kanyang sarili bilang kabayaran para sa lahat ng tao. Sa Kalbaryo, dinurog ni Jesus ang ulo ng ahas tulad ng propesiyang taglay sa Genesis 3:15. Doon sa krus, binayaran Ni Cristo ng buo ang pagkakautang ng Kanyang mga hinirang. At doon, tinubos Niya ang covenant people ng Diyos mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan at sila ay maging malaya sa pagsunod sa plano ng Diyos para sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng ginawa Niyang pagtubos, ipinahayag ng Diyos na Siya ay matiisin, mahabagin, mapagbiyaya, mabuti, may magandang loob, matapat, mahinahon, at higit sa lahat, tapat sa pag-ibig sa Kanyang mga hinirang. Homework: 1. Kailan at saan nangyari ang unang mensahe ng pagtubos? 2. Saan nakatuon ang pagtubos sa New Testament? 3. Bakit kailangang ibigay ni Cristo ang Kanyang buhay ayon sa Matthew 20:28? 4. Bakit kailangang mabuhos ang dugo ni Cristo ayon sa Matthew 26:28? 5. Ano ang kasama sa pagtutubos? Saan pinalaya sina Noah, Abraham, Moses at David? 6. Saan tayo pinalaya ng Diyos nang tinubos Niya tayo? 7. Ano ang noahic covenant? 8. Ano ang abrahamic covenant? 9. Ano ang davidic covenant? 10. Ano ang katotohanang pinatutunayan ng mga requirements ng mosaic covenant o covenant of the

law?

E. Atonement - Ang Paghuhugas ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos Puno ng pag-uusig ng budhi (guilt) at pagkahiya (shame) ang puso nina Adan at Eba matapos nilang suwayin ang utos ng Diyos. Kinailangang takluban nila ang kanilang mga sarili. Ganito ang sinasabi sa atin ng Genesis 3:7-8: . . . nabuksan nga ang kanilang mga mata, at nakita nilang sila’y hubad; kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos upang gawing panakip sa kanilang katawan. Sa kalamigan ng panahon ng araw na iyon, narinig ng mag-asawa ang yabag ng Panginoong Diyos sa Kanyang paglalakad sa hardin; kaya sila ay nagkubli sa mga puno sa hardin upang magtago.

Nang magkaroon si Isaiah ng pangitain tungkol sa kabanalan ng Diyos, siya ay napahiyaw at nagsabing: Sa aba ko! Wasak na ako! Sapagkat ako’y taong may maruming mga labi, at naninirahan sa kalagitnaan ng mga taong may maruruming labi, at nakita ng mata ko ang Hari, ang Makapangyarihang Panginoon (Isaiah 6:5).

Nang mapagwari ni Pedro kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid, nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagsabing: Lumayo Kayo sa akin Panginoon; ako ay makasalanan (Luke 5:8). Ang naging epekto sa makasalanang pagkatao ni Pedro ay tulad din sa epektong naranasan nila Adan, Eba at Isaiah. Maging si Apostol Juan sa aklat ng Revelation ay nagpahayag ng ganito nang makita niya ang Panginoon: Nagpatirapa ako na parang patay sa Kanyang harapan.

Ayon sa Bibliya, hindi kakayanin ng makasalanang tao na ma-expose sa kabanalan ng Diyos. Maco-conscious siya sa kanyang sobrang karumihan at hindi niya matatagalan ito. Kaya ang tanong ay, paano na tatayo at lalapit sa Diyos ang isang makasalanang tao?

Page 15: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 15

Dito sa ating bansa, nauso na rin ang tatoo; matagal na. Hindi ito maiiwasan sapagkat hanggang ngayon ay gaya-gaya puto-maya pa rin ang mga Pilipino sa mga Americano. Kung ano ang ginagawa sa America, gagawin din dito. Subalit ang tatoo ay hindi basta-basta natatanggal. Ilang ulit mo mang hugasan ng tubig at sabon, hindi ito maaalis. Kaya naman kapag pinagsisihan ang pagpapatatoo, hindi malaman kung paano pagtatakpan ito. Ang kasalanan ay parang tatoo. Hindi ito mahuhugasan o matatanggal ng basta. Ang nabuhos lamang na dugo ni Cristo sa krus ng Kalbaryo ang tanging makaaalis ng tatoo ng kasalanan.

Sina Eba’t Adan nga ay gumawa ng panaklob sa kanilang guilt and shame. Subalit ito ay hindi sapat. Ang Diyos ang gumawa ng pansamantalang kaparaanan para matakluban ang bagabag ng consensya at kahihiyang inukit ng kanilang kasalanan. Sinasabi sa atin ng Genesis 3:21 ang ganito: Ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga kasuotang yari sa balat ng hayop para kay Adan at sa kanyang asawa, at dinamitan sila. Kasuotang yari sa balat. ibig sabihin, may isang hayop na namatay at nagbubo ng dugo. Ang provision ng Diyos sa problema ng bagabag ng consensya at kahihiyan ng taong hindi karapat-dapat na tumayo sa harapan ng Banal na Diyos ay maliwanag na inilalarawan sa Lumang Tipan - - sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hayop. Ang dugo ng mga hayop na ihinahandog ay ginagamit bilang panaklob sa mga kasalanan ng taong makasalanan. Ang ceremonyang bumabalot dito ay punong-puno ng pagsasalarawan. Ito ang atonement sa Lumang Tipan. Ngunit ang paghahandog ng mga hayop ay nagtuturo lamang sa tunay na pag-aalay. Ang pag-aalay ng Tupa ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan (John 1:29). Hindi lamang dumanak ang dugo ni Jesus upang matakluban ang mga kasalanan kundi ito ay dumanak upang hugasan at alisin ang tatoo ng mga kasalanan ng sambayanan ng Diyos. Di katulad ng paulit-ulit na paghahandog ng mga hayop, ang ganap na paghahandog ni Jesus ng Kanyang buhay ay minsan lang ginawa para sa lahat. Sapagkat ito’y ganap, hindi na kailangang ulit-ulitin pa. Ito ay isang maliwanag na katuruan sa aklat ng Hebrews.

Ang Day of Atonement ay ang pinaka-importante at pinaka-maringal na araw sa religious calendar ng mga Judio. Sa araw na ito, ang kanilang high priest ay naghahandog ng isang kambing para sa kasalanan ng bansa. Siya ay pumapasok sa holy of holies at nagwiwisik ng dugo ng hayop sa trono ng awa upang mabayaran ang kanilang kasalanan. Ang atonement ay ang pagtataklob ng kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang handog o sacrifice na kakatawan at hahalili sa nagkasala. Ayon sa Bibliya, ang atoning sacrifice ay napagkakasundo ang Diyos at tao - - sila na naging magkaaway at magkahiwalay dahil sa kasalanan. Pagkatapos mag-atone ng high priest, ikukumpisal niya ang lahat ng mga nagawang kasalanan noong nakalipas na taon sa ulunan ng ikalawang kambing. Ang pangalawang kambing na ito ay pinawawalan sa ilang upang ilarawan ang pagkatanggal ng kasalanan ng mga Isaraelita. Kailangang ulitin ang Day of Atonement kada taon; ito ay nagpapakita ng pangangailangan ng isang mas mainam at permanenteng solusyon para sa kapatawaran ng kasalanan. Ang kamatayan ni Jesus sa krus ng Kalbaryo ay ang huli at ganap na atoning sacrifice para sa kasalanan.

Ang tanong ay ito, Kaninong mga kasalanan ang hinugasan ng dugo ni Jesu-Cristo? Sa ibang paraan ng pagtatanong: Para kanino namatay si Jesus? Ang mas tumpak na katanungan ay ito: Ang dugo ba ni Cristo ay para sa pangkalahatang pantubos ng mga kasalanan ng buong sanlibutan o ito ba ay pantubos para lamang sa Kanyang sambayanan, para sa Kanyang mga hinirang? Bago masagot ang katanungang ito, may isa pang anggulo sa doctrine of atonement na dapat nating talakayin -- ang paksa sa Romans 5:9-10, na ganito ang sinasabi: Yamang pinawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo, lalo nang maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan Niya. Sapagkat kung noon na kaaway pa tayo ng Diyos ay napagkasundo tayo sa Kanya sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak, lalo na tayong maliligtas sa pamamagitan ng Kanyang buhay ngayong napagkasundo na tayo. At ang paksa sa 2 Corinthians 5:21 na ganito ang nakasaad: Siya na walang kasalanan ay ginawa ng Diyos na maging makasalanan para sa atin upang sa Kanya tayo ay maging katuwiran ng Diyos.

May ilang bagay ang may kinalaman sa atonement: Ang una ay ang pagwawalang-sala (justification). Ang ibig sabihin ng pagwawalang-sala ay ang pagdedeclara na ang tao ay hindi uusigin sa harap ng Diyos at ang pagkakaroon ng karapatang humarap sa Diyos. Ang ikalawa ay ang pagpapayapa (propitiation). Ang ibig sabihin ng pagpapayapa ay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Diyos dahil sa pakikipagkasundo

Page 16: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 16

(reconciliation). At ang ikatlo ay ang paghahalili (substitution). Ang paghahalili ay ang pagpapatong ng ating mga kasalanan kay Cristo at ang katuwiran naman ni Cristo ay ibinalot sa atin! Mayroong kapatawaran dahil sa atonement sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Pagtatama, pagwawalang-sala, pagpapayapa at paghahalili ay naganap sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo ni Jesus.

Nakatala sa John 17 ang panalangin ni Jesus sa Ama bago Siya ipako sa krus. Sino ang ipinanalangin ni Jesus? Ipinanalangin Niya ang mga taong ibinigay ng Ama sa Kanya mula sa sanlibutan. Sinabi Niya rin na hindi Siya nananalangin para sa buong sangkatauhan kundi para lamang sa mga ibinigay ng Ama sa Kanya. Noong huling hapunan ng Panginoon, kinuha Niya ang saro, nagpasalamat at ibinigay Niya ito sa Kanyang mga disipulo. Sinabi Niya sa Matthew 26:27-28 ang ganito, Uminom kayong lahat diyan. Ito ang Aking dugo ng bagong tipan, na mabubuhos para sa marami sa ikapapatawad ng mga kasalanan. Ang sinabi ni Jesus, para sa marami. Magandang pagtuunan ng pansin na hindi Niya sinabing para sa lahat. Sinabi din sa Isaiah 53:11 patungkol kay Jesus ang ganito: Pagkatapos ng pagdurusa ng Kanyang kaluluwa, makikita Niya ang liwanag ng buhay at Siya ay masisiyahan; Dahil sa Kanyang karunungan, marami ang pawawalang-sala ng Aking lingkod na matuwid, at dadalhin Niya ang kanilang pagkakasala. Sa susunod na talata, muling sinabi ang ganito patungkol kay Jesus: . . . pagkat ibinuhos Niya ang Kanyang buhay hanggang kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga makasalanan. Pagkat dinala Niya ang kasalanan ng marami, at namagitan Siya para sa mga makasalanan. Sinabi ng may-akda ng Hebrews 9:28 ang ganito, . . . Si Cristo’y inihandog nang minsanan upang linisin ang mga kasalanan ng maraming tao. Sino ngayon itong marami na tinutukoy sa Bibliya? Siyempre, ang sagot sa katanungang iyan ay makikita sa sariling mga salita ni Jesus.

Sinabi ni Jesus sa John 10:14-15 ang ganito, Ako ang mabuting pastol; nakikilala Ko ang Aking mga tupa at nakikilala rin nila Ako - - gaya ng pagkakilala sa Akin ng Ama at pagkakilala Ko sa Kanya - - at ibinibigay Ko ang Aking buhay para sa mga tupa. Sinabi pa ni Jesus sa John 10:27-30 ang ganito, Nakikinig ang mga tupa Ko sa Aking tinig; nakikilala Ko sila at sumusunod sila sa Akin. Binibigyan Ko sila ng walang hanggang buhay at hindi na sila mapapahamak kailanman; walang makaaagaw sa kanila sa Aking kamay. Ang Ama na nagbigay sa kanila sa Akin ay higit na dakila kanino man; walang sino mang makaaagaw sa kanila sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa. Ganito ang sinabi ni Pablo sa 2 Timothy 2:19, Alam ng Diyos kung sino ang sa Kanya. Samakatuwid, maliwanag na ang tinutukoy na marami sa Bibliya ay ang mga tupa ni Jesus, sila na naging dahilan ng pagbuhos ng Kanyang dugo - - ang mga hinirang ng Diyos. Nagbuhos ng dugo si Jesus para sa Kanyang mga tupa. Nagbuhos ng dugo si

Jesus para sa mga ibinigay sa Kanya ng Diyos Ama. Nagbuhos ng dugo si Jesus para lang sa mga hinirang ng Diyos nang walang pasubali upang maging Kanya.

Ngunit maaaring may cumontra at magsabing, Teka muna! Kung si Jesus ay namatay para lang sa mga hinirang, bakit nakasulat sa 1 John 2:2 na si Jesus ang pambayad handog para sa ating mga kasalanan. Hindi lang para sa ating mga kasalanan, kundi para sa mga kasalanan ng sangkatauhan? At sa John 1:29 naman, tinukoy si Jesus bilang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Hindi lamang kasalanan ng mga hinirang kundi ng sangkatauhan. Hindi ba sinasabi ng mga talatang ito na nabuhos ang dugo ni Jesus para sa buong sangkatauhan? Magagandang tanong na may mahirap na kasagutan. Good question!

Sa ibabaw, parang inconsistent ang Bibliya tungkol sa bagay na ito. Para ba sa marami o para sa lahat. Upang magkaroon ng kalutasan ang pagtatalong ito, kinakailangan na i-apply ang tinatawag na sound principles of biblical interpretation. Ang ilan sa mga tamang prinsipyo sa hermeneutics ay ang mga sumusunod: a) hayaan ang Scriptura ang magsalita, b) hayaan ang Scriptura ang magpaliwanag ng Scriptura, at c) ipaliwanag ang Scriptura written in general terms sa liwanag ng Scriptura (na may kaparehong paksa) written in specific terms. Iyan ang kaso ng ating pinag-uusapan. Ang namatay si Cristo para sa Kanyang mga tupa ay Scripture written in specific terms.

Subalit huwag muna nating itabi ang kaisipan ng universal atonement alang-alang sa mga Scriptura written in general terms tungkol sa paksang ito. Sundan natin ang logical outworking ng dalawang consepto.

Page 17: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 17

Una, tingnan natin ang kaisipan ng universal atonement kung saan ang lahat ng kasalanan ng buong sanlibutan, simula kay Adan hanggang sa kahuli-hulihang tao na ipanganganak, ay inatone o hinugasan ng dugo ni Jesus. Kung ito ang kaso, wala ni isa ang dapat na mapunta sa impiyerno. Ngunit niliwanag ni Jesus sa Matthew 7:21 na hindi lahat ay makapapasok sa kaharian ng langit, kundi iyon lamang na gumawa ng kalooban ng Kanyang Ama na nasa langit. Samakatuwid, siguradong mayroong mapupunta sa impiyerno. Ngunit kung ang lahat ng kasalanan ng lahat ng tao sa mundo ay inalis na ng Kordero ng Diyos at kung ang kahulugan ng salitang sangkatauhan sa mga talatang ginamit ni Apostol Juan ay ang bawat taong nilalang, bakit mayroong mapupunta sa impiyerno?

Ang popular na paliwanag upang masagot ang tanong na ito ay: Hindi mabibigyang bisa ang paghuhugas ng kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo hanggat hindi tumatanggap ng ebanghelyo ni Cristo ang tao. Kung ito ay totoo na ang mga taong tatanggi sa gospel message ay yaong mga taong mapupunta sa impiyerno, paano na yaong mga taong hindi nakarinig ng ebanghelyo, gaya ng mga tao sa dark side ng Africa o Asia, o ang mga taong may kapansanan sa pag-iisip at walang kakayahang umunawa kung ano ang sinasabi sa kanila? At kung ang huling hantungan ng tao ay nakasalalay sa kanyang pagtanggap o pagtanggi sa ebanghelyo ni Cristo, paano na ang mga sanggol na wala pang kamuang-muang nang sila ay pumanaw? Kung ang mga talatang John 1:29 at 1 John 2:2 ay dapat tanggapin na literal, hindi tama na isaksak dito ang doctrina ng pagbibigay-bisa sa nabuhos na dugo ni Cristo.

Ang isa pang ginagawang argumento upang ipagkaila ang universal atonement sa pag-interpret literally ng ang talatang pinag-uusapan ay ito: Ang kasalanang pagtanggi kay Cristo ay hindi kasama sa kasalanan ng sanlibutan na inalis ng Kordero ng Diyos. At ipinaliliwanag pa nito na mayroon pang isang kasalanang hindi saklaw ng kasalanan ng sanlibutan na tinutukoy sa Bibliya na unforgivable sin -- ang paglapastangan (blasphemy) sa Espiritung Banal (Matthew 12:31). Iyan ay kung ang kasalanang paglapastangan sa Espiritung Banal ay hindi katulad ng kasalanang pagtanggi sa ebanghelyo ni Cristo. Kung ito ay totoo, mayroong hindi mapaglalabanang katanungan: Si Hitler ba at ang isang tapat na Buddhist na makatao ay masisintensiyahan ng magkaparehong parusa? Dahil pareho lang ang kasalanan nila na nagdala sa kanila sa impiyerno, ang pagtanggi kay Cristo? Kung ganoon nga, bakit sinasabi sa Revelation 20:12 na ang mga patay ay huhusgahan ayon sa kanilang mga ginawa na natala sa mga aklat. Disinsana ang sinabi ay ang mga patay ay huhusgahan ayon sa kanilang pananalig o pagkawalang-pananalig kay Cristo. Hindi ba’t ang ganitong linya ng pag-iisip ay malaunang hahantong sa extra-biblical o outside-the-Bible explanation? Katulad din, halimbawa, ng argumento nang pagpapawalang-sala dahil sa wala pa sa age of accountability. Ang ganitong linya ng pag-iisip ay napaka-problematic, hindi ba? Dapat maunawaan na hindi lamang ang paggawa ng kasalanan ang hindi katanggap-tanggap sa langit, kundi ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi rin katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos. Samakatuwid, hindi maiiwasan ang pangangailangan na dapat ipanganak muli ang isang tao kung siya ay makahaharap sa kabanal-banalang Diyos.

Tingnan naman natin ang pangunahing pagtutol sa linya ng pag-iisip patungkol sa particular atonement. Ganito ang katanungan ng iba: Hindi ba unfair ang Diyos kung ang dugo ni Jesus ay nabuhos para lang sa ilan at hindi para sa lahat? Ang simpleng kasagutan dito ay nasa anyong pagtatanong din: Bakit ibubuhos ni Cristo ang Kanyang dugo para sa mga taong alam naman Niyang mapupunta sa impyerno? Ang katotohanan ay ito: hindi unfair na hindi nabuhos ang dugo ni Jesus para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga pupunta sa impiyerno. Katulad nang nasabi na, Ang Diyos ay makatarungan sa lahat ngunit Siya ay mahahabag lamang sa mga nais Niyang kahabagan (Romans 9:15). Ang tatanggapin ng mga papunta sa impiyerno ay justice at ang tinanggap ng mga papunta sa langit ay mercy. Walang injustice sa Diyos.

Mahahadlangan ang pagtanggap ng doctrine of particular atonement kung hindi completo ang pagkaunawa sa kung ano ang nangyari sa krus ng Kalbaryo. Kung mauunawaan natin na hindi lamang itinuring ng Diyos na makasalanan si Cristo para sa mga believers kundi ang mga believers ay ginawang matuwid kay Cristo, hindi magiging mahirap tanggapin na ang mga taong wala kay Cristo ay hindi matuwid sa mata ng Diyos. Kaya, sila ay uusigin sa kanilang mga kasalanan. Nagdusa si Cristo sa

Page 18: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 18

makatuwirang kabayaran ng kasalanan ng Kanyang mga tupa. Ang mga hindi inari ni Cristo ay tatayo nang walang tagapatnugot sa harapan ng banal na hustisya. Homework: 1. Ano ang naging bunga ng kasalanan nina Adan at Eba bukod sa spiritual at physical death na tinamo

nila nang sila ay magkasala? 2. Ano ang inilarawan nang gumawa ang Diyos ng panaklob na yari sa balat ng hayop para kina Adan

at Eba? 3. Paano ginagawa ang atonement sa Lumang Tipan? 4. Sino ang nagsagawa ng ganap na atoning sacrifice? 5. Ano ang tatlong bagay na may kinalaman sa atonement? I-define ang bawat isa. 6. Ano ang sinabi ng John 10:14-15 tungkol sa mga tupa ni Cristo? 7. Para kanino nabuhos ang dugo ni Cristo? Magbigay ng Bible verse na magpapatunay sa iyong sagot. 8. Unfair ba ang Diyos kung ang dugo ni Cristo ay hindi nabuhos para sa lahat ng tao? Bakit? 9. Ano-ano ang mga prinsipyong ginagamit sa biblical interpretation? 10. Ano ang unforgivable sin na tinutukoy sa Bible? 11. Makapapasok ba ang lahat ng tao sa kaharian ng Diyos? 12. Ano ang tinanggap ng isang taong napunta sa impyerno? Ano ang tinanggap ng isang taong napunta

sa langit? 13. Ano ang sinasabi sa atin ng Romans 9:15?

F. Regeneration - Ang Espiritual na Kapanganakan

Ang tamang pag-unawa sa ano mang doctrina na may kinalalaman sa kaligtasan ng tao ay nararapat na magsimula sa paghihirang ng Diyos sa Kanyang mga magiging anak. Sa Romans 9:10-13, niliwanag ng Diyos kung paano Siya naghihirang - - bago pa man mayroong ginawang mabuti o masama ang kambal sa sinapupunan ni Rebekah, minahal na Niya si Jacob at si Esau naman ay Kanyang kinamuhian. Bago pa man mayroong ginawang mabuti o masama ang dalawa, itinalaga na ng Diyos na si Esau ay maglilingkod kay Jacob. Nauunawaan natin kung bakit ang bagay na ito ay hindi madaling lunukin ng tao. Sa Exodus 33:19, na tinukoy din ni Apostol Pablo sa kanyang argumento sa Romans 9:15-16, sinabi ng Diyos kay Moses na, Kahahabagan Ko ang kahahabagan Ko at kaaawaan Ko ang kaaawan Ko. Huwag nating kalimutan na hindi kailangan ng Diyos na panagutan sa tao ang Kanyang mga isipin at pamamaraan. Sapat nang tanggapin natin ang maliwanag na nakalathala sa Kasulatan at huwag nang tabasin pa ang salita ng Diyos upang magkasya sa sukat ng ating isipan. Ang sabi ng Diyos sa Isaiah 55:8-9 ay ito: Ang Aking kaisipan ay hindi inyong kaisipan, kahit ang Aking pamamaraan ay hindi inyong pamamaraan. Tulad nang ang langit ay higit na matayog sa lupa, ang Aking pamamaraan ay higit na matayog kaysa inyong pamamaraan at ang Aking kaisipan ay mas matayog sa inyong kaisipan.

Hindi man natin masakyan nang husto ang maliwanag na itinuturo ng Bibliya tungkol sa paghihirang ng Diyos na ito ay walang kinalalaman sa gawa ng tao, dapat natin itong tanggapin. Ang ginawang paghirang ng Diyos ay hindi nakacondisyon sa ano mang ginawa, sinabi, o inisip ng tao - past, present or future.

Sa Jeremiah 1:5, ang sabi ng Diyos sa propeta ay ito: Bago pa kita binigyang hugis sa sinapupunan kinilala na kita, bago ka pa ipinanganak hiniwalay na kita; in-appoint na kitang isang propeta para sa mga bansa. Sa Galatians 1:15 si Pablo naman ang nagpahayag na ang Diyos ang naghiwalay sa kanya bago pa man siya ipinanganak. Sa John 10:14, sinabi ni Cristo na kilala Niya ang Kanyang mga tupa. Sa 2 Timothy 2:19 nakasulat na, Kilala ng Panginoon kung sino ang sa Kanya. Sa Romans 8:29 naman, sinasabi na mayroong mga kinilala ang Diyos bago pa man ang lahat. Sa kabaligtaran, nakatala sa Matthew 7:23 ang sinabi ni Cristo sa mga huwad na exorcists at miracle workers ang ganito: Hindi Ko kayo kailanman nakilala. Lumayo kayo sa Akin mga manggagawa ng karimlan.

Kapag tanggap na natin na ang ginawang paghihirang ng Diyos Ama ay unconditional, matatanggap na rin natin na si Cristo ay namatay para lamang sa mga hinirang. Ang Kanyang dugo ay nabuhos para sa paghuhugas ng kasalanan ng mga ito. At kapag tanggap din natin na dahil sa pagkahulog sa kasalanan,

Page 19: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 19

ang natural na tao ay walang kakayahang lumapit sa Diyos nang kanyang sarili, matatanggap din natin na kinakailangang gumawa ang Diyos sa kanyang buhay upang kayanin niyang marinig ang salita ng Diyos at manalig sa Kanyang pangako. Kaya naman ito ang sinabi ni Cristo sa John 6:65: Kaya sinabi Ko sa inyo na walang makalalapit sa Akin kundi siya binigyan ng kakayahan ng Ama. At sa John 6:44 eto naman ang sabi Niya: Walang makalalapit sa Akin kung hindi siya hahatakin ng Diyos Ama na nagsugo sa Akin. Samakatuwid, kapag mayroon tayong nababasa sa Banal na Kasulatan na nagsasalaysay ng paglapit ng isang tao kay Cristo na nagresulta ng kaliwanagan ng kanyang isipan, alalahanin natin na sa likuran ng pangyayaring ito ay ang paggalaw ng Diyos Ama sa buhay ng taong iyon.

Sa John 3, mababasa natin ang kasaysayan ng paglapit ni Nicodemus sa Panginoong Jesus kung kailan binanggit ni Jesus ang ganito: Walang makakakita sa kaharian ng Diyos hanggang hindi pa siya ipinanganganak muli. Walang makapapasok sa kaharian ng Diyos hanggang hindi siya ipinanganganak sa tubig at sa Espiritu. Ang tinutukoy dito ni Cristo ay ang tinatawag na regeneration o ang pagiging born again, ang kapanganakang-muli. Ipinaliwanag Niya kay Nicodemus na ang laman ay nanganganak lamang ng laman, subalit ang Espiritu ay nakapagbibigay buhay sa espiritu.

Sa 1 Peter 1:23 ito naman ang sabi ni Apostol Pedro: Kayo ay ipinanganak-muli, hindi sa pamamagitan ng punla na naglalaho, kundi ng hindi naglalaho, sa pamamagitan ng buhay at nananatiling salita ng Diyos. Kaya alalahanin din natin na ang Espiritung Banal lamang ang nakapagtatanim ng punlang hindi naglalaho o nabubulok.

Sa Titus 3:4-5 ito naman ang sabi ni Apostol Pablo: Nang dumating ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, niligtas Niya tayo, hindi dahil sa matutuwid na bagay na ating ginawa, kundi dahil sa Kanyang habag. Niligtas Niya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng kapanganakang-muli at ng pagbabago mula sa Espiritung Banal . . .

Sa Ephesians 2:4-5 ang sabi naman ni Pablo ay ito: Dahil sa kalakihan ng Kanyang pag-ibig sa atin, kahit na tayo ay patay pa sa kasalanan, binuhay tayo ng Diyos na mayaman sa pagkahabag, kasama kay Cristo – sa pamamagitan ng biyaya kaya tayo ay naligtas. Ang natural na tao na patay sa espiritu kailanman ay hindi lalapit kay Cristo. Siya ay kinakailangang ipanganak sa Espiritu upang magkaroon siya ng capabilidad na makita ang kaharian ng Diyos at marinig ang tinig ng Hari ng kahariang ito.

Huwag na huwag nating kalilimutan na ayon sa mga talatang ating binasa, tayo ay naligtas hindi dahil sa ano pa mang gawa na nagmula sa ating bulok na pagkatao, kundi dahil sa pagtatalaga ng pag-ibig ng Diyos, kahabagan ng Diyos, biyaya ng Diyos at sa pamamagitan ng salita ng Diyos na ating tinanggap nang tayo ay hatakin ng Diyos Ama papunta sa Diyos Anak - na nagbuhos ng Kanyang dugo upang ang ating mga kasalanan ay mahugasan - at sa pamamagitan ng kapanganakang-muli na isinagawa ng Diyos Espiritung Banal. Homework for discussion, ano ang tamang statement: 1) Tanggapin mo si Cristo para ka maborn-again. 2) Ang taong born-again ay tatanggap kay Cristo. 3) Ang tao ay kusang nakalalapit kay Cristo para sa kaligtasan dahil mayroon siyang free will. 4) Ang natural na tao ay hindi mananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ni Cristo. 5) Ang natural na tao ay nakaririnig ng tinig ni Cristo. 6) Ang tupa ni Cristo ay nakaririnig ng Kanyang tinig matapos na ito ay maborn-again. 7) Ang kapanganakang-muli ang nagdadala ng pananalig sa buhay ng tao. 8) Ang kapanganakang-muli ang resulta ng pananalig sa salita ng Diyos. 9) Ang pananalig sa salita ng Diyos ang ebidensya ng kapanganakang-muli. 10) Ano ang mga verses o passages of Scripture ang sumusuporta ng iyong mga sagot, mula 1 - 9?

G. Call - Ang Pagtawag ng Diyos Ang sabi sa Romans 8:29-30 ay ito: Yaong mga kinilala ng Diyos noong una pa man, ay Kanya namang tinalaga na makatulad sa wangis ng Kanyang Anak, upang Siya ay maging panganay sa maraming

Page 20: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 20

magkakapatid. At yaong Kanyang mga itinalaga, ay Kanyang tinawag, yaong Kanyang tinawag ay Kanyang pinawalang-sala, yaong Kanyang pinawalang-sala ay Kanyang niluwalhati.

Nakapaloob dito sa dalawang talatang ito ang mga sumusunod na doctrina na bumubuo ng ating ordo salutis:

a) Pagkilala (bago pa man nilikha) – election, foreknowledge b) Pagtatalaga – predestination c) Pagkahulog (na nangailangan ng kaligtasan) – the fall d) Pagtubos at paghuhugas - redemption and atonement e) Kapanganakang-muli (na kinakailangan upang makatugon sa tawag) – regeneration f) Pagtawag – the call g) Pananalig (ang tamang human response para sa pagpapawalang-sala) – faith h) Pagpapawalang-sala – justification i) Paghihiwalay o pagbubukod (ang resulta ng pananalig) – sanctification j) Pagluluwalhati – glorification

Sa pagkakataong ito, ating talakayin ang pagtawag ng Diyos na binaggit sa Romans 8:29-30; ang pagtawag ng Diyos na kinakailangan sapagkat ang tao ay nawawala, naliligaw.

Ang pagtawag ng Diyos sa buhay ng tao ay dalawang uri - - para sa kanyang kaligtasan at para sa kanyang gawain; bagamat, kadalasan ay magkalakip ang dalawang ito. Subalit ang pagtawag ng Diyos kay Adan (siyempre alam naman ng Diyos kung nasaan si Adan) ay hindi upang siya ay iligtas o bigyan ng misyon kundi upang bigyang diin ang kanyang pagkawala o pagkahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan (Genesis 3:8-9). Ang tao, dahil sa kasalanan, ay nawala sa presensya ng Diyos, siya ay napalayas sa Paraiso at mula noon ay nagkaligaw-ligaw ng landas. Dahil sa kasalanan, ang lahat ng nagmula sa lahi ni Adan ay ipinapanganak na wala sa presensya ng Diyos, mistulang ligaw; pati ang mga tupa ni Cristo ay ligaw - - mga tupang ligaw nang isilang sa mundo. Kaya mauunawaan natin ang sinabi ni Cristo sa Luke 19:10: Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw. At kapag natagpuan na Niya ang isang tupa, ito ay Kanya nang tatawagin.

Sa Genesis 6, matutunghayan natin ang kuwento ni Noah at ng dilubyo, ang malaking bahang lampas bundok. Nakita ng Diyos ang sukdulang corruption sa mundo na punong-puno ng karahasan. Napaka-corrupt na ng kanilang cultura; ng clase ng kanilang pamumuhay o way of life. Walang patuloy na ginawa ang mga tao kundi mag-isip ng kawalanghiyaan lamang. Kaya sinabi ng Lord kay Noah, bibigyan Ko ng wakas ang sanlibutan, sapagkat ang buong mundo ay puno ng karahasan dahil sa kanila. Kaya gumawa ka ng isang arkong gawa sa kahoy na cypress para sa iyong sarili. Naging daan ng kaligtasan ni Noah at ng kanyang sambahayan ang ipinagawa sa kanya ng Diyos. Hindi sila nadamay sa silakbo ng galit ng Diyos bagkos sila ay naligtas dahil sa pagtitiwala sa salita ng Diyos.

Sa Genesis 12 naman nakatala ang pagkatawag sa buhay ni Abraham. Nagpakita ang Diyos kay Abraham na Kanyang sinabihang, Lisanin mo ang iyong bayan, ang iyong mga kababayan, at ang sambahayan ng iyong ama at pumunta ka sa lupain na ipakikita Ko sa iyo. Gagawin kitang isang dakilang nasyon at pagpapalain kita. Gagawin Kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala. Pagpapalain Ko ang magpapala sa iyo, at kung sino ang susumpa sa iyo ay Akin ding susumpain; at lahat ng mga bayan sa mundo mapagpapala sa pamamagitan mo. Sinasabi sa Genesis 15:6 na ang pagtitiwala ni Abraham sa salita ng Diyos ay tinuring para sa kanya na katuwiran.

Sa Exodus 3 naman natin mababasa ang pagtawag ng Diyos sa buhay ni Moses matapos na siya ay manirahan sa ilang ng Median mula sa pagkatakas niya sa palasyo ng Pharaoh. Isang araw, tinawag ng Diyos ang pansin ni Moses sa pamamagitan ng isang burning bush. Tinawag ng Diyos si Moses upang siya ang mamuno sa bayan ng Israel mula sa pagkakaalipin sa Egypt tungo sa Promised Land.

Sa Matthew 4:18-22 naman matutunghayan ang pagkatawag sa buhay ni Andrew, Peter, John at James. Tinawag sila ni Cristo at agad-agad nilang iniwan ang kanilang ginagawa at sumunod sa Panginoon.

A. Election – Ang Paghihirang ng Bayan ng Diyos B. Predestination – Ang Pagtatalaga ng mga Anak ng Diyos C. Fall – Ang Pagkahulog ng Tao sa Kasalanan D. Redemption – Ang Pagtubos sa mga Hinirang ng Diyos E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration – Ang Espiritual na Kapanganakan G. Call – Ang Pagtawag sa mga Hinirang ng Diyos H. Justification – Ang Pagpapawalang-sala sa Bayan ng Diyos I. Sanctification – Ang Paghihiwalay ng mga Anak ng Diyos J. Glorification – Ang Pagluluwalhati ng Bayan ng Diyos

Page 21: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 21

Sa John 10:3, ipinahayag ni Cristo na Siya ang mabuting pastol; kilala Niya ang Kanyang mga tupa at alam Niya ang kani-kanilang pangalan. At kilala din naman ng Kanyang mga tupa ang Kanyang tinig at sila ay sumusunod sa Kanya.

Mababasa natin sa Luke 19:1-10 ang kasaysayan ng pagkakilala ni Zacchaeus sa Panginoong Jesus:

Dumating si Jesus sa Jericho kung saan Siya ay daraan. Mayroong isang lalaki doon na nagngangalang Zacchaeus; siya ay colector ng buwis at mayaman. Gusto niyang makita kung sino si Jesus, subalit dahil sa kapandakan at sa dami ng tao hindi niya makita si Jesus. Kaya siya ay patakbong nauna at umakyat sa isang puno ng sycamore kung saan padaan si Jesus.

Nang dumating si Jesus sa may punong iyon, tumingin Siya pataas at nagsalita, “Zacchaeus, bumaba ka agad dito. Kailangan Kong tumuloy sa bahay mo ngayon.” Kaya bumaba siya agad at malugod niyang tinagggap si Jesus.

Nakita ito ng madla at sila ay nagsimulang magbulungan, “Naging panauhin Siya ng isang makasalanan.”

Subalit tumindig si Zacchaeus at nagsabi kay Jesus, “Masdan Ninyo Panginoon! Ngayon din ibinibigay ko ang kalahati ng aking mga ari-arian sa mahihirap, at ang sino man na aking nadaya ay babayaran ko ng apat na patong maging ano man yaon.”

At sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating ngayon ang kaligtasan sa tahanang ito, sapagkat ang taong ito rin ay anak ni Abraham. Kaya nga ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.”

Dahil sa ating pag-aaral ng mga doctrinang may kaugnayan sa kaligtasan ng tao, mauunawaan natin ang ibang mga pangyayaring bumabalot sa kuwentong ito ni Zacchaeus:

1) Nagkaroon ng matinding interes si Zacchaeus kay Jesus sapagkat siya ay hinahatak na ng Diyos Ama tungo sa Diyos Anak.

2) Alam ni Cristo ang pangalan ni Zacchaeus sapagkat siya ay Kanyang tupa. 3) Tinawag siya ni Cristo. 4) Sumunod agad si Zacchaeus sa tawag ni Cristo sapagkat siya ay naborn-again na. 5) Nagbunga agad ang kaligtasang dumating kay Zacchaeus ng restoration.

Ang sabi sa Romans 10:17 ay ito: Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng mensahe, at ang mensahe ay naririnig sa pamamagitan ng salita ni Cristo. Ang pagtawag ng Diyos sa mga tupang ligaw ni Cristo ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo sapagkat naririnig nila ang tinig ng kanilang mabuting pastol. Ibig sabihin, hindi maaaring ihiwalay ang salita ni Cristo sa mabuting balita ng kaligtasan para sa sanlibutan.

Ipinakikita ng Bibliya na ang bawat tupa ni Cristo ay Kanyang kinakatagpo sa takdang panahon. Maaaring sa simula, ang pakikipagtagpong ginagawa ng Diyos ay grupo-grupo tulad noong panahon ni Moses at noong panahon ng mga apostol, at pagkatapos ay tao-tao na tulad ng kuwento ni Nicodemus, Zacchaeus, ng adulterous woman at ng woman at the well. Sa ating panahon, ganito pa rin ang nangyayari – grupo-grupo at tao-tao. Matapos ang simulang encounter with the Lord, nagiging palinaw nang palinaw sa mananampalataya ang tawag ng Panginoon sa kanyang buhay, una tungkol sa kaligtasan at pangalawa ang tungkol sa gawain o misyon.

Kung hindi pa cumbinsido ang isang mananampalataya na may plano ang Diyos sa kanyang buhay, panahon na upang maliwanagan niya ito. Kailangan lamang na pakaisipin ng mananampalataya ang mga sumusunod:

1. Ang kanyang mga katangian bilang isang nilalang, nationality, mental, physical and emotional make-up, economic status, talents and abilities.

2. Ang panahon, cultura at kapaligiran na kanyang ginagalawan,

Page 22: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 22

3. Kalagayan ng bayan at mundo na kanyang kinabibilangan, 4. Mga opportunidad na bukas sa kanya, at iba pa.

Mayroon ngang freedom to choose ang tao, subalit patungkol sa mga bagay na kababanggit lamang, nasa Diyos lamang ang decision. Wala tayong say pagdating dito. Pumapasok ang ating kalayaang pumili kapag tayo ay nagkaroon na ng buhay at consciousness. Tulad na isang software, programmed na ang kanyang mga applications. Mayroon siyang kayang gawin, mayroong hindi, depende nga sa kanyang programa. Subalit, di tulad ng software na walang freedom to choose, ang tao ay mayroon noon; mayroon siyang kalayaan na sundin ang kanyang programa o hindi. At tulad ng software, ito ay maaaring mapabagal, magulo, o mapawalang-bisa ng tinatawag na computer virus. Ang pinakamatinding virus sa tao ay ang tinatawag na kasalanan. Ang kasalanan ang maaaring magpabagal, manggulo, o magpawalang-bisa sa isang mananampalataya.

Ang kaligtasan ng isang tupa ni Cristo ay sigurado. Siguradong siya, sa takdang panahon, ay kakatagpuin ng Panginoon, matapos siyang hanapin, hatakin at hamunin. Ang kanyang kaligtasan ay nasasa kamay ng Diyos. Subalit ang tawag ng Diyos sa kanyang buhay ay maaaring mavirus nang husto sa punto na nasayang lamang ang kanyang magandang programa kaya dito ay walang nakinabang. Kaya ang tanong sa bawat mananampalataya ay ito: Sino-sino ang nakikinabang sa buhay mo? Homework: 1. Basahin ang parable of the lost sheep sa Luke 15:3-7. Applicable ba ito sa doctrina na Pagtawag ng

Diyos? 2. Ano ang pinahihiwatig ng Diyos sa iglesya ng Panginoon Jesus kung sinasabi ng Bible na ang isang

tupang ligaw ay dapat hanapin, hatakin at hamuning tumanggap sa mensahe ng kaligtasan? 3. Ang isang tao ba na uhaw na uhaw matapos ang mahabang takbuhan sa ilalim ng init ng araw ay

makatatanggi sa malamig na tubig na pinagkakaloob sa kanya? 4. Ang lahat ba nang tinatawag ni Cristo ay lalapit sa Kanya? Consider John 6:35-40, 10:1-29, at

2 Timothy 2:19. 5. Kung ang lahat nang tinatawag tungo sa kaligtasan ay hindi makatatanggi sa kaloob na ito, ibig bang

sabihin nito ay ang lahat nang tinatawag sa gawain ng Diyos ay magtatagumpay tulad ng mga apostol at kanilang mga nadisciple? Ipaliwanag.

6. Bilang mga evangelists, paano ang dapat nating gawin patungkol sa pagtawag sa mga tupa ni Cristo? Basahin ang John 5:24, 11:25-27; Acts 16:25-34; Romans 10:9-17.

7. Sa iyong palagay, kailan ka sinimulang hanapin at hatakin ng Lord upang mapakinggan ang Kanyang salita at tanggapin ito? Ipaliwanag.

8. Paano mo malalaman ang mabubuting gawa na nakaprogram na sa buhay mo (Eph. 2:10)? Ipaliwanag.

H. Justification - Ang Pagwawalang-sala Ang doctrina ng pagpapawalang-sala ay ang doctrina na pagbaba ng verdict na “not guilty.” Ito ang tinatawag sa wikang Inggles na justification. Ang kabaliktaran nito ay condemnation o ang verdict na “guilty.”

Sa America ang paglilitis ng isang criminal na kaso laban sa isang acusado ay ginagawa sa pamamalakad, pagmamasid at superbisyon ng isang hukom at sa harapan ng 12 jurado, na mag-aaral ng kaganapan sa proceedings patungkol sa testimonia ng mga testigo. Ito ay tinatawag na trial by jury, hindi katulad dito sa Pilipinas na ang hukom ay both judge and jury. Ibig sabihin, ang judge lamang ang makikinig, mag-aaral at magdedesisyon kung guilty or not guilty ang acusado.

Sa langit ay may nagaganap din na paglilitis, kung saan ang mga nananalig kay Cristo ay dinedeclara na, na not guilty. At darating ang panahon na gaganapin ang tinatawag na Last Judgment kung saan, ang buong sanlibutan ay haharap sa dakilang trono ng Makapangyarihang Diyos .

Tatlong passages ng Scripture ang mahalaga na pag-aralan patungkol sa doctrina ng pagpapawalang-sala: A) Romans 3:10-5:11, B) Galatians 2:15-3:14 at C) James 2:14-26.

Page 23: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 23

A) Romans 3:10 to 5:11 Basahin ang Romans 3:10-20. Ang sinasabi ni Apostol Pablo ay ito: Walang taong matuwid, wala maski isa. Walang nakauunawa at walang humahanap sa Diyos; ang lahat ng tao ay tumalikod sa Kanya at nawalan ng kabuluhan. At wala rin namang kahit isang gumagawa ng mabuti. Ibig sabihin, wala ni isang tao sa balat ng lupa na gumagawa ng kalooban ng Diyos at para sa kasiyahan ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay nabubuhay lamang ayon sa sariling kalooban at para sa sariling kasiyahan.

Ihinayag ng Diyos ang Kanyang kalooban kung paano makapamumuhay ang tao nang matuwid sa pamamagitan ng Kanyang batas. Dahil nga sa walang may gustong sumunod sa kalooban ng Diyos, walang sumusunod sa batas. Kaya naman walang taong matuturing na matuwid dahil sa kanyang pagsunod sa batas. Bagkos dahil sa batas, mapagwawari natin na tayong lahat ay makasalanan at “guilty” sa harapan ng Diyos.

Basahin ang Romans 3:21-24. Sa pagpapatuloy ng kanyang argumento, sinabi ni Pablo na mayroong paraan ang Diyos kung paano magiging matuwid ang tao na walang kinalalaman sa pagsunod o pagsuway sa batas. Ang pagiging matuwid na ito ng makasalanang tao ay mararanasan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo at mararanasan ng lahat na maniniwala; sapagkat ang lahat (Judio man o Hintil) ay nagkakasala at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang libreng pagpapawalang-salang ito ay isinagawa ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutubos na nanggaling kay Cristo Jesus.

Basahin ang Romans 3:25-26. Sinabi ni Pablo rito na si Cristo ay inihain ng Diyos bilang handog ng paghuhugas (sacrifice of atonement), sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang dugo. Ginawa ito ng Diyos upang ipakita ang Kanyang katarungan, sapagkat dahil sa Kanyang pagtitimpi hinayaan Niya muna na ang kasalanan ay walang kaparusahan – ginawa Niya ito upang ipakita ang Kanyang katarungan sa pangkasalukuyang panahon, upang Siya ay maging makatarungan at ang nagpapawalang-sala sa kanila na nagtitiwala kay Jesus.

Ibig sabihin, ang kasalanan ay hindi agad-agad nagkaroon ng kaparusahan dahil na rin sa itinakdang panahon ng Diyos sa pagtutubos ng mga mananampalataya. Ipinaliliwanag lamang dito na hindi kailan man na nagiging hindi makatarungan ang Diyos. Mauunawaan natin dito na ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon. Nang ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipagtipan sa Israel sa Mt. Sinai, na tinatawag na Mosaic Covenant, kasama rito ang Kanyang Batas at mga kinauukulang kaparusahan sa pagsuway ng bawat artikulo ng kasunduan. Bago ang panahong ito, walang mga specific na kaparusahan na inilatag ang Diyos para sa sanlibutan. Hindi ibig sabihin nito na hindi naging makatarungan ang Diyos ng panahon bago pa ibaba ang Sampung Utos at iba pang mga batas na may kinalalaman sa pagsamba at sa lipunan. Ang kasalanan ay laging may masamang bunga at kalakip na dusa at hirap.

Basahin ang Romans 27-31. Dahil sa ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan lamang ng pagtitiwala at hindi ng pagsunod sa batas (na walang nakatutupad nang buo), walang makapagyayabang. Subalit, niliwanag din dito ni Apostol Pablo na hindi naman naging walang-silbi ang batas dahilan sa pananampalataya. May halaga at mahalaga ang batas at kinakailangan itong sundin.

Basahin ang Romans 4:1-8. Sa parteng ito nililiwanag ni Pablo na kung si Abraham ay napawalang-sala sa pamamagitan ng gawa, mayroon siyang puwedeng ipagmalaki. Subalit ang sabi sa Kasulatan ay ito: “Nagtiwala si Abraham sa Diyos, at ito ay itinuring na pagiging matuwid (Genesis 15:6).” Kaya walang sino mang makapagmamalaki sa langit; maski nga si Abraham na.

Patuloy na diniscurso ni Pablo ang katotohanang ito. Sinabi niya na kapag ang isang tao ay nagtrabaho, ang suweldo niya ay hindi regalo, kundi obligasyon. Samantala, para sa tao na hindi nagtrabaho kundi nagtiwala sa Diyos, na nagpapawalang-sala sa mga gahaman, ang pagtitiwalang yaon ay itinuturing na pagiging matuwid. Ibig sabihin, ito’y biyaya ng Diyos. At tinukoy din ni Pablo si David na nakaunawa ng prinsipyong ito. Sinabi ni David na maligaya ang tao na tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan, dahil hindi na siya mananagot sa kanyang pagkakautang.

Page 24: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 24

Mula sa Romans 4:9-25, niliwanag ni Pablo ang mga sumusunod na katotohanan:

a) Ang kaligayahang dala ng pagpapawalang-sala ay para sa lahat - - Judio at hindi Judio. b) Ang pangako na ang tagapagmana ng mundo ay hindi kinikilala sa pamamagitan ng batas kundi sa

pamamagitan ng pagiging matuwid na nagmumula sa pananalig. c) Tulad din ng pagpapawalang-sala kay Abraham dahil sa kanyang pagtitiwala, ang equation din na

faith = righteousness ay applicable din sa atin. d) Ang pagtitiwalang ito ay pagtitiwala sa Diyos na nagbangon kay Jesus na ating Panginoon mula sa

kamatayan. e) Si Jesus ay ibinigay sa kamatayan dahil sa ating kasalanan at nabuhay muli para sa pagpapawalang-

sala sa ating mga mananampalataya.

Sa Romans 5:1-5 naman, malalaman natin ang benepisyo ng ating justification through faith – ang kapayapaang taglay ng pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus na dahil na rin sa Kanya, tayo ay nagkaroon ng daanan tungo sa biyaya kung saan tayo ngayon ay nakatindig. At dahil dito, mayroon tayong pagdiriwang sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos. At kakayanin nating magdiwang sa ating pagdurusa, sapagkat ito ay magbubunga ng pagpupursigi na magbubunga naman ng magandang kalooban na magbubunga ng pag-asa. At hindi tayo hihiyain ng pag-asa dahil mauunawaan natin na ibinuhos ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa ating puso sa pamamagitan ng Espiritung Banal, na Kanyang ibinigay sa atin.

Taglay naman ng Romans 5:6-11 ang mga sumusunod na katotohanan:

a) Pinatunayan ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin nang tayo ay makasalanan pa, namatay para sa atin si Cristo,

b) Tayo ay napawalang-sala ng dugo ni Cristo, c) Wala na tayong dapat ikatakot sa galit ng Diyos, d) May kaluguran tayo kay Cristo, na dahil sa Kanya, kinasundo tayo ng Diyos.

B) Galatians 2:15-3:14 Ang problema dito sa Galatia patungkol sa doctrina ng pagpapawalang-sala ay tulad din ng naging problema sa Roma. Mayroon kasing mga professing Jewish-Christians na legalistic. Iginigiit nila ang Batas ni Moses, na kinakailangang sundin din ng mga Hintil para sa kanilang kaligtasan.

Sa Galatians 2:15-21 matutunghayan natin ang parehong argumento ni Pablo na walang tao ang mapawawalang-sala sa pamamagitan ng batas; na ang pagpapawalang-sala ay nakakamtan lamang sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo. Dinagdag ni Pablo ang katotohanan na para sa batas, siya ay patay na (kasi nga “guilty” siya tulad nating lahat) at dahil dito makakaya na niyang makapamuhay para sa Diyos.

Nakapaloob din dito sa passage na ito na tumatalakay sa justification by faith alone, ang doctrina ng substitutionary death ni Cristo. Naunawaan ni Pablo na ang kamatayan ni Cristo sa krus ng Kalbaryo ay kamatayan din niya. At ang buhay ni Cristo ang pinamumuhay niya sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa kanya, at para sa kanya ay nag-alay ng sariling buhay. Hindi mabale-wala ni Pablo ang biyaya ng Diyos sapagkat kung mayroong mapapawalang-sala sa pamamagitan ng batas, magiging bale-wala ang pagkamatay ni Cristo.

Matindi ang pagse-sermon ni Pablo sa mga taga-Galatia. Sa Galatians 3:1-5, tinawag niya ang mga ito na mga loko at tinanong niya kung sino ang nanloko sa kanila. Ang tanong pa niya na may pagka-sarcastico ay ito: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa batas o sa pamamagitan ng pagtanggap ng inyong narinig? Sira ba talaga kayo? Matapos na kayo ay nagsimula sa Espiritu, ngayon ay nagsusumikap na makamtan ninyo ang inyong layunin sa pamamagitan ng sariling lakas? Maski na sa ating panahon, obvious dapat ang sagot dito. Dapat tayong mamuhay hindi sa sariling lakas kundi sa kapangyarihan ng Espiritu. Hindi natin kayang sundin ang batas sa sariling lakas subalit kaya nating mapagtagumpayan ang kasalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung Banal.

Page 25: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 25

Mula sa Galatians 3:6 hanggang 3:9, ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang ginawang pag-papawalang-sala ng Diyos kay Abraham - na ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang lahat nang nananalig ay anak ni Abraham. Sinabi niya na alam ng Kasulatan sa simula pa lamang na iju-justify ng Diyos ang mga Gentiles sa pamamagitan din ng pananampalataya, kaya noon pa man ay ibinahagi na ng Diyos ang ebanghelyo kay Abraham: Ang lahat ng bansa ay mapagpapala sa pamamagitan mo. Kaya nga, ang lahat nang may pagtitiwala ay pinagpapala kasama ni Abraham, ang taong may pagtitiwala.

Sa verses 10 at 11 naman, niliwanag ni Apostol Pablo na ang lahat na dumidepende sa pagsunod sa batas ay sumasailalim sa sumpa sapagkat ihinayag na, Na ang sino mang hindi nagpapatuloy sa paggawa ng lahat-lahat na nakasulat sa Aklat ng Batas ay isinusumpa. Maliwanag na walang mapapawalang-sala ang batas sapagkat, Ang matuwid ay mabubuhay sa pagtitiwala.

Parang paulit-ulit na dito si Apostol Pablo. Kaya naman dapat na maliwanag na sa lahat, sa bahaging ito ng ating pag-aaral, ang mga sumusunod patungkol sa doctrina ng pagpapawalang-sala:

a) Ipinahayag ng Diyos sa tao kung paano makapamumuhay ayon sa Kanyang kalooban at para sa Kanyang kasiyahan at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang batas.

b) Wala ni isang tao sa balat ng lupa ang namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos at para sa kasiyahan ng Diyos. Samakatuwid ang tao ay nabubuhay lamang ayon sa sariling kalooban at para sa sariling kasiyahan.

c) Ang batas ng Diyos ang nagdedeclara na ang lahat ay “guilty” o nagkasala at walang nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

d) Mayroong paraan ang Diyos kung paano magiging matuwid ang tao, na walang kinalalaman sa pagsunod o pagsuway sa batas. Ang pagiging matuwid na ito ng makasalanang tao ay mararanasan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus.

e) Ang libreng pagpapawalang-salang ito ay isinagawa ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus na siyang nagbuhos ng Kanyang dugo para sa ikahuhugas ng kasalanan ng tao.

f) Ang paraang ito nga ay sa pamamagitan ng pagtitiwala, pananalig o panananampalataya lamang at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa batas.

C) James 2:14-26

Ngayong maliwanag na sa ating isipan na ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi sa pagsunod sa batas, handa na tayong basahin ang sinasabi ni James sa 2:24: Ang tao ay napapawalang-sala ng kanyang gawa at hindi ng panananampalataya lamang.

Ooops. Ano ba yan? Magkasalungat ba ang sinasabi ni Pablo at James patungkol sa bagay na ito? Hmmm, teka muna.

Sa biglang tingin, ang sagot ay Oo. Subalit, kapag inusisa natin ang texto na bumabalot sa declarasyon na ito ni James, ang sagot ay Hindi. Basahin ang James 2:14-25.

Ang discurso ni James ay may kinalalaman sa relasyon ng pananalig sa mabuting gawa. Kay Pablo, ang paksa ay ang relasyon ng pananalig sa pagsunod sa batas. Ang nililiwanag ni James ay ang kalidad ng tunay na pananalig, ang pagtitiwala na nakapagliligtas o saving faith. Ang nililiwanag ni Pablo ay ang doctrina ng pagpapawalang-sala. Ang sinasabi ni Pablo ay ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan ng pagtitiwala; ang sinasabi ni James ay ang pagtitiwalang tunay ay nagbubunga ng mabuting gawa at kung hindi nagbubunga ng mabuting gawa ang inaangking pagtitiwala, ito ay hindi tunay. Ito ay patay at hindi nakapagliligtas.

Mahalaga ang katuruang ito ni James sapagkat napakadaling sabihin ng isang Pilipino na kilala niya si Jesus, o tinatanggap niya si Jesus. 90% sa mga Pilipino ang kinalakhan na ang pagsisimba kung saan naririnig nila ang kuwento tungkol kay Cristo at nababahagihan sila ng ebanghelyo. Subalit kung pagmamasdan mo ang kanilang ugali, gawi o pamumuhay, walang lumalabas na pruweba na sumasampalataya nga sila kay Cristo.

Page 26: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 26

Ang matututuhan naman ng mga tunay na mananampalataya kay James ay ito: Ipakita mo ang iyong pagtitiwala kay Cristo sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti. Mas malakas kasi mangusap ang aksyon kaysa salita. Hindi ba nakakainis makita at mapakinggan ang isang taong sermon nang sermon at panay ang quote ng Scripture subalit hindi mo naman makita sa kanyang buhay ang pag-ibig sa Diyos, kapwa, o bayan at ang pag-iingat sa kalikasan?

Ginamit din ni James ang halimbawa ni Abraham, na ang pagpapawalang-sala sa kanya ay naganap sa pagsunod niya sa utos ng Diyos na ihain si Isaac na kanyang anak bilang handog. Ito ay matatagpuan sa Genesis 22. Ang pagpapawalang-sala kay Abraham ay binanggit ni Pablo sa Genesis 15 pa lamang. Subalit kung tutuusin sa Mesopotamia pa lamang ay mapagwawari na natin ang pananampalataya ni Abraham nang utusan siya ng Diyos na umalis sa kanyang bayan tungo sa siyudad na ituturo pa lamang sa kanya ng Diyos, at siya ay sumunod. Ito ay binanggit ni Stephen sa kanyang patotoo sa Acts 7. Ang maliwanag na tinuturo ng Bibliya ay ito: Ang taong makasalanan ay napapawalang-sala ng kanyang pananampalataya sa Diyos na napagmamasdan sa kanyang pagsunod sa salita ng Diyos. Ang tunay na pananampalataya na nakapagliligtas ay tiyak na magbubunga na mga gawang kasiya-siya sa Diyos na mapagmamasdan sa buhay ng masunuring tao.

Sa parable naman na kuwento ni Jesus sa Luke 18:9-14, mapagwawari natin na ang isang napapawalang-sala ng Diyos ay ang taong nakauunawa na siya ay makasalanan, mapagpakumbaba sa harap ng Diyos, at humihiling ng kahabagan sa Diyos. Ganito ang taong tunay na napapawalang-sala at hindi ang taong mataas ang tingin sa sarili at mata-pobre. Homework: 1. Basahin ulit: a) Romans 3:10-5:11, b) Galatians 2:15-3:14 at c) James 2:14-26. Isulat ang mga

pangungusap na nais mong matandaan. 2. Paano napapawalang-sala ang isang makasalanan? 3. Ano ang ugat ng justification? 4. Ano ang nagsasakatuparan ng justification? 5. Paano nasagawa ang justification? 6. Ano ang pinagkaiba ng paliwanag ni Pablo at James patungkol sa justification? 7. Paano mapagwawari ang isang taong tunay na napawalang-sala? 8. Sa iyong palagay, kailan ka na-justify?

I. Sanctification - Ang Paghihiwalay

Ang Sanctification ay ang doctrina ng paghihiwalay at ito ay may 2 sides. Una, ito ay ang paghihiwalay sa mga hinirang ng Diyos in time. In one sense, sa panahon pa lamang na ang isang nilalang ay hinirang ng Diyos, siya ay hiniwalay o inangkin na ng Diyos na maging Kanya. In another sense, ang paghihiwalay ng Diyos sa isang nilalang in time ay nang siya ay ipinanganak nang muli o sa sandali ng kanyang Regeneration. Ito ay minsan lamang ginaganap. Ikalawa, matapos na siya ay ipanganak nang muli ang proseso ng pagco-conform niya sa larawan ni Cristo ay magsisimula na at matatapos lamang sa sandali ng kanyang Glorification. Ang implicasyon nito ay ito: Hindi makakamtan ng isang believer ang sinless perfection dito pa lamang sa ating buhay sa lupa. Ang Glorification ng ating pagkatao ay magaganap sa ating resurrection, not before.

Sa Kanyang high priestly prayer sa John 17:17-19, sinabi ni Cristo sa Diyos Ama ang ganito patungkol sa mga believers: Ihiwalay Mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang Iyong salita ay katotohanan. Tulad nang pagsugo Mo sa Akin sa mundo, isinugo Ko sila sa mundo. Para sa kanila ihiniwalay Ko ang Aking sarili, upang sa ganoon, tunay na sila ay maihiwalay din.

May ilang bagay tayong dapat matutuhan sa mga salitang ito ni Cristo patungkol sa Sanctification. Una, ang naghihiwalay sa mananampalataya ay ang Diyos Ama sa pamamagitan ng katotohanan ng Kanyang salita; ang Espiritung Banal ay ang espiritu ng katotohanan. Ikalawa, ang mananampalataya ay ihinihiwalay para sa gawain ng pagpapatotoo sa mundo tungkol sa katotohanan ng salita ng Diyos.

Page 27: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 27

Ikatlo, ihiniwalay ni Cristo ang Kanyang sarili para sa ating sanctification. Samakatuwid, ang tatlong persona ng Godhead ay involved sa ating sanctification.

Na ang sanctification process ay nagsimula na sa buhay ng isang mananampalataya ay pinatototohanan ng isang inner struggle sa kanyang buhay. Tulad nang experyensya ni Apostol Pablo na kanyang isinalaysay sa Romans 7:14-20, kung saan sinabi niya na alam natin na ang batas ay spiritual; subalit siya ay hindi spiritual, ipinagbili na alipin ng kasalanan. Hindi ko nauunawaan ang aking ginagawa. Sapagkat yaong gusto kong gawain ay hindi ko ginagawa, kundi yaong aking kinamumuhian ang aking ginagawa. At kung ginagawa ko ay yaong hindi ko naman gusto, sumasang-ayon ako na mabuti ang batas. Kaya nga, hindi na ako mismo ang gumagawa, kundi ang kasalanan na nananahan sa akin. Alam ko na walang nananahang mabuti sa akin, sa aking makasalanang kalikasan. Sapagkat mayroon akong pagnanasa na gumawa ng mabuti, subalit hindi ko ito maisagawa. Bagkos ang aking ginagawa ay hindi yaong mabuti na nais kong gawin; ang karimarimarim na hindi ko gustong gawin ang aking palagiang ginagawa. Kaya kung ginagawa ko yaong hindi ko nais gawin, hindi na ako ang gumagawa noon, kundi ang kasalanan na nananahan sa akin ang siyang gumagawa.

Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan mula’t sapul. Ito ay sinang-ayunan ni David sa Psalms 51:5, Walang dudang ako ay makasalanan nang ipanganak, makasalanan mula pa nang ako ay nabuo sa sinapupunan ng aking ina. Maliwanag na ang lahat ng tao na totoo sa sarili ay makare-relate sa experyensyang ito ni Pablo.

Ang dapat nating bigyang pansin sa pagkakataong ito ay ang sensitivity ni Pablo patungkol sa mabuti o masama, at tama o mali. Ito ay hindi nangyayari sa isang taong hindi pa born-again. Ang sensitivity sa karumihan ng kasalanan ay ebidensya ng sanctification.

Sa pagpapatuloy ni Pablo, sinabi niya na, napapansin ko ang isang nagpapatakbong prinsipio: Kapag gusto kong gumawa ng mabuti, ang kabuktutan ay nandoroon na kasa-kasama ko. Ako nga ay nagagalak sa batas ng Diyos sa kailaliman ng aking pagkatao; subalit nakikita ko ang isa pang batas na naghahari sa lahat ng parte ng aking katawan na nakikipagdigma laban sa batas ng aking isipan at ginagawa akong bilanggo ng batas ng kasalanang gumagalaw sa aking mga kasu-kasuan (Romans 7:21-23).

Dito natin tunay na maa-appreciate ang struggle ni Pablo laban sa kasalanan. Subalit tulad nang nasabi na, ang isang taong born-again ay nagiging super-sensitive sa kapangyarihan ng kasalanan at sa karumihan nito. Ebidensya na gumagalaw ang Espiritu ng Diyos sa kanyang buhay.

Ang ating mga naisin at pagnanasa ay nananahan sa ating puso. Ang nasasa puso ng isang taong hindi born-again ay pawang pang-sarili lamang. Ang taong born-again ay mayroong bagong espiritu at bagong pusong malambot sa kalooban ng Diyos. Ang kanyang mga pagnanasa ay makadiyos. Sa Galatians 2:20, ang sabi naman ni Pablo ay ito: Ako ay ipinako sa krus kasama ni Cristo at hindi na ako nabubuhay, kundi si Cristo ay nabubuhay sa akin.

Samakatuwid, ang isang taong born-again ay mayroong dalawang uri ng pagnanasa: Makasalanang pagnanasa ng kanyang lumang puso at makadiyos na pagnanasa ng kanyang bagong puso. Malaya tayong pumili kung ano ang ating gagawin, subalit sa pagkakataong ito, kaninong pagnanasa ang ating susundin? Ang gusto ng lumang puso o bagong puso? Ang proseso ng sanctification ang nagpapatibay sa ating kalayaang sundin ang kalooban ng ating pusong makadiyos.

Paminsan-minsan ay mararamdaman ng believer na para siyang sumasakay sa roller coaster dahil sa pagkilos ng dalawang puwersang naglalaban sa kanyang pagkatao. Huwag nating kalilimutan na ang digmaang ito ay tunay upang huwag tayong manlupaypay at mauwi sa depression kapag nalulublob tayo sa mga dating kasalanang bumilanggo sa atin. Sa sandali na tayo ay magkasala, alalahanin nating maaari tayong dumulog sa trono ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin ng paghingi ng kapatawaran (1 John 1:9). Ang malimit na paghingi ng tawad ay isa pang ebidensya na ang proseso ng sanctification ay nagpapatuloy sa buhay ng mananampalataya.

Page 28: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 28

Ang doctrina ng Sanctification sa Old Testament at New Testament. Ang sanctification sa OT ay ang paghihiwalay mula sa karamihan o pangkaraniwan upang maibukod para sa gawain ng Diyos lamang. Maaaring ang ibinukod ay sino mang tao o alin mang bagay. Tulad ng sinabi ng Diyos kay Moses sa Exodus 13:1, Ibukod mo sa Akin ang bawat panganay na lalaki. Ang unang supling ng tao man o hayop sa Israel ay Aking pag-aari. At sa Leviticus 8:10 naman matutunghayan natin ang pagbubukod na ginawa ni Moses sa tabernaculo, sa altar at sa lahat ng kasangkapang naroon bilang pagsunod sa utos ng Diyos. Pati si Aaron ay ibinukod din para sa pagsasagawa ng mga ritual ng kanilang relihion bilang high priest.

Sa NT naman, ang sanctification ay isang proseso ng pagbabago tungo sa pagcocomporme sa wangis ni Cristo na nagaganap lamang sa buhay ng taong born-again. Kasakop sa pagco-compormeng ito ang natatanging pagsamba at paglilingkod sa Diyos. Sa dalawang bagay na ito nagiging malinaw ang katotohanang nagaganap sa buhay ng isang tunay na Cristiano: Ang kanyang pagsamba sa Diyos ay lumalago sa katotohanan at sa espiritu sapagkat ang katotohanan o salita ng Diyos ay siyang nagbubukod sa kanya ayon sa sinabi ni Cristo sa John 17:17. Maging ang kanyang paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa kanyang puso at hindi sa sariling lakas na nagiging kapuna-puna sa mga ibang manggagawa sa kanyang paligid. Mga issues na bumabalot sa doctrina ng Sanctification. Ang lahat ng doctrina na atin nang napag-aralan (maliban sa Fall – Ang Pagkahulog): 1) Election – Ang Paghihirang ng Bayan ng Diyos, 2) Predestination – Ang Pagtatalaga ng mga Anak ng Diyos, 3) Redemption – Ang Pagtubos sa mga Hinirang ng Diyos, 4) Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos, 5) Regeneration – Ang Espiritual na Kapanganakan, 6) Call – Ang Pagtawag sa mga Hinirang ng Diyos, 7) Justification – Ang Pagpapawalang-sala sa Bayan ng Diyos, at pati na ang susunod na ating pag-aaralan, ang 8) Glorification – Ang Pagluluwalhati ay gawa ng Diyos at ng Diyos lamang. Walang kinalalaman ang tao sa mga gawaing ito. Subalit sa Sanctification, ang mananampalataya ay mayroong bahagi. Dahil dito marami ang mga issues na lumabas. Ang mga issues na ito ang atin ngayong tatalakayin.

1. Ang Sanctification ba ay pre-requisite o kinakailangan ng Justification? Ang catolicong sanga ng Cristianismo ay nagsasabing kinakailangan na ang pananalig ay may kasamang mga mabubuting gawa na dapat ay mas mabigat kaysa kanyang mga kasalanan sa sandaling ilagay ang mga ito sa timbangan pagdating ng paghuhusga ng Diyos. At hindi lang iyon, wala dapat siyang mortal sin sa sandali ng kanyang kamatayan sapagkat ang Cristianong namatay na may mortal sin ay derecho sa impiyerno. Subalit kung ang kanyang mga mortal sins ay napawalang- sala sa pamamagitan ng cumpisal at absolusyon ng pari, at ang nalalabi lamang na kasalanan sa kanyang puso ay maliliit o venial sins, siya ay pupunta sa Purgatorio. At kung siya naman ay nasa bingit na ng kamatayan at hindi na niya makuhang mangumpisal pa subalit mayroong pari na nakapag-perform ng sacramentong Extreme Unction, sa Purgatorio din ang kanyang punta kung saan, kasama ng iba, siya ay daranas ng paglilinis upang siya ay maging katanggap-tanggap sa langit. Maliwanag na sinasabi ng Bibliya na ang bahagi ng sanctification na may kinalalaman sa paglilinis ng budhi ng isang Cristiano upang ang kanyang wangis ay mas maging katulad ng kay Cristo, ay nagsisimula matapos na siya ay ma-justified na o mapawalang-sala. Sa Bibliya, nauuna ang Justification kaysa sa proseso ng Sanctification.

2. Ang Sanctification ba ang magdadala sa isang Cristiano sa langit? May isang sanga ng protestanteng Cristianismo ang nagsasabing maaaring mawala ang Salvation ng isang Cristiano matapos na siya ay ma-born-again kapag siya ay naging pabaya sa kanyang pananampalataya. Isa itong doctrina na may kinalalaman sa Sanctification na performance-based. Nakasalalay ang kaligtasan ng tao sa kanyang performance at hindi sa performance ng Diyos. Maliwanag na tinuturo ng Bibliya at ng ating aralin na ang puno’t dulo ng kaligtasan ng mga hinirang ng Diyos, ng mga tupa ni Cristo, ay ang tatlong persona ng Godhead.

3. Ang patuloy na back-sliding ba ng isang professing Christian ay nagpapatunay na hindi tunay ang kanyang pagtanggap sa Gospel? Para naman sa sangay ng protestanteng Cristianismo na nagtuturo na hindi nawawala ang kaligtasan na tinatamo ng mga tumatanggap kay Cristo at sa Kanyang ebanghelyo, ang issue ay tungkol sa back-sliding. Maliwanag sa ating pagtatalakay ng patotoo ni Pablo sa Romans 7 at

Page 29: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 29

iba pang bahagi ng kanyang mga sulat, na ang struggle for dominance ng old heart at new heart ng isang born-again ay matindi. At dito nagkakaroon ng kabuluhan ang parte ng isang mananampalataya sa proseso ng Sanctification. Lahat ng tunay na Cristiano ay nagkakasala pa dahil sa presensya ng kanyang sinful nature, subalit ang presensya din ng Espiritung Banal ay nasasa kanya na patuloy ang paggalaw sa kanyang buhay. Ang isa sa pinakamahalaga at kayang gawin ng mananampalataya ay ang mag-confess ng kanyang kasalanan bago lumubog ang araw. Kinakailangan na makitaan ng progreso ang buhay espiritual ng isang professing Christian, maski gaano kaliit, kung ang kanyang pinatotohanang pagtanggap kay Cristo ay magiging kapani-paniwala. Napagmamasdan ang progresong ito sa paglago ng kanyang kaalaman sa salita ng Diyos at sa kalidad ng kanyang pagsamba.

Glorification - Ang Pagluluwalhati

Sa 1 Corinthians 15:50-54, sinasabi sa atin ni Pablo ang ganito: ang laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos, kung paanong ang may pagkasira ay makapagmamana ng walang pagkasira. Sinabi pa niya ng patuloy na ang lahat ay babaguhin -- sa isang iglap, sa isang kisap-mata at sa huling tunog ng trumpeta. At ipinaliwanag niya ang mangyayari: Tutunog ang trumpeta, ang mga patay ay bubuhaying wala nang kasiraan at tayo’y babaguhin. Ang may pagkasira ay papalitan ng ng walang pagkasira at ang may kamatayan ng walang kamatayan. Kung ang may pagkasira ay mapalitan ng walang pagkasira at ang may kamatayan ng walang kamatayan, matutupad ang nasusulat: Ang kamatayan ay napagtagumpayan na. Kung saan at kailan ang kasalanan ay tumigil na, wala na ring kamatayan. Katulad ng nabanggit na, malalasap at mararanasan natin ang kaligayahan ng sinless perfection sa ating pang walang-hanggang kalagayan.

Maliwanag ang katuruan ng Bibliya na ang Diyos ay mayroong magandang plano para sa bawat believer. Mayroon Siyang plano at isasagawa Niya ito hanggang sa lubos na kaganapan (Philippians 1:6). Ang tunay na believer ay lalapit kay Cristo sa oras na marinig niya ang tawag. Ang tunay na believer ay may kagalakan to work with God bagamat ang sinful nature ay patuloy na kumikilos sa buhay ng believer at patuloy na nagrerebelde sa kalooban ng Diyos. Ganoon pa man, ang mga tunay na believer ay maaaring magsaya ngayong naghihintay na lang ang pagluluwalhati sa kanila sa maluwalhating araw ng resurrection, kung saan matatanggap nila ang kanilang niluwalhating katawan at mapapalaya na sila sa sinful nature na sa kasalukuyan ay gumagapi sa kanila paminsan-minsan.

With regards to the believer’s eternal state, Revelation 21:2-4 says it all: At mula sa trono’y narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasabi, Ngayon ang tirahan ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y makakasama nila. Sila ang magiging bayan Niya at ang Diyos mismo ay makakasama nila at Siya ang magiging Diyos nila. Papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Mawawala na ang kamatayan o kapighatian o pag-iyak o kirot, pagkat lumipas na ang mga bagay na ito.

Ang tawag ko rito ay Balik-Eden. Ang simula ng history of man ay nagsimula sa Garden of Eden. Doon bago ang Fall, ay tumanggap ang tao sa Diyos ng dakilang layunin - - Ang punuin ang mundo ng mga supling na kawangis ng Diyos, pamahalaan ang mga ibon, isda at lahat ng hayop sa balat ng lupa, at lupigin ang mga lupain. Ito ang ating tutuparin sa simula ng ating eternal state at wala nang makahahadlang sa atin. Tutuparin natin ang dakilang layuning ito ng Diyos para sa ating kaligayahan at kapurihan ng Panginoon. Ito ang ating maluwalhating pagkatao at maluwalhating buhay. © Revised 2014

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher, Philippine Biblical Worldview Institute.

Page 30: Part Three: Ang Kaligtasang Mula sa Diyos · PDF filekasalanan at ang bunga nitong kamatayan. ... E. Atonement – Ang Pagtanggal ng Kasalanan ng Bayan ng Diyos F. Regeneration –

Philippine Biblical Worldview Institute 30

Homework: 1. Ano ang kahulugan ng Sanctification? 2. Ipaliwanag ang 2 sides ng sanctification ng mga believers. 3. Ano ang tatlong bagay na matututuhan mo sa salitang Sanctification base sa prayer ni Jesus sa John

17:17-19? Sino ang involved sa ating sanctification? 4. One time lang ba ang sanctification sa buhay ng believer o proseso ba ito na nararanasan ng isang

believer? Magbigay ng Bible reference para sa iyong sagot. 5. Ano ang parte ng believer sa proseso ng sanctification sa kanyang buhay? Ipaliwanag. 6. Paano mapatototohanan ng believer na siya ay dumadaan sa proseso ng sanctification? 7. Matatamo ba ng believer ang ganap na sanctification sa kanyang lifetime? Bakit? 8. Ano ang kaibahan ng doctrine of Sanctification sa Old at New Testaments? 9. Pre-requisite ba ang sanctification sa Justification? Ipaliwanag. 10. Madadala ba tayo sa langit ng sanctification? 11. Ano ang maaari nating gawin sa tuwing tayo ay nagkakasala? Ano ang kinalaman nito sa ating

sanctification? 12. Kailan natin mae-enjoy ang sinless perfection? Magbigay ng Bible reference para sa iyong sagot.

© Revised 2014

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher, Philippine Biblical Worldview Institute.