17
Ang Parabula ng Mayaman at ang Pulubi (Lukas 16:19-31)

Parabula ng Mayaman at Pulubi

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Ang Parabula ng Mayaman at ang Pulubi

(Lukas 16:19-31)

Page 2: Parabula ng Mayaman at Pulubi

May isang mayamang

laging nagdaramit ng mamahalin at

saganang-sagana sa

pagkain araw-araw.

Page 3: Parabula ng Mayaman at Pulubi

May isa namang pulubing

nagngangalang Lazaro na tadtad ng

sugat sa katawan

Siya ay nakahiga sa may pintuan ng

mayaman.

Page 4: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Hinahangad ng pulubi na

matapunan man lamang ng mga

mumong nahuhulog mula

sa hapag ng mayaman.

Page 5: Parabula ng Mayaman at Pulubi

At doo’y nilalapitan siya ng mga aso

at dinidilaa

n ang kanyang

mga sugat.

Page 6: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Namatay at di

nabigyan ng maayos na libing

ang pulubing si Lazaro

Page 7: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Ngunit siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham sa langit bilang isang parangal

Page 8: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Namatay rin ang mayaman at tunay na di siya nailigtas ng kayamanang matagal niyang iningatan at inimpok.

Page 9: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Inilibing ang mayaman at maaaring isa utong napakalaking pangyayari na dinaluhan ng maraming mayayaman at kilalang tao kung saan siya pinuri’t pinasalamatan. Ngunit hindi ito naging dahilan upang huwag mahulog sa bangin ng impyerno ang mayaman.

Page 10: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham.

Page 11: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Kaya’t sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako’y naghihirap sa apoy na ito.’

Page 12: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay maligaya siya rito samantalang ikaw nama’y nagdurusa riyan.

Page 13: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya’t ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

Page 14: Parabula ng Mayaman at Pulubi

"Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap ko pong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, 28 sa aking limang kapatid na lalaki.

Page 15: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Suguin po ninyo siya upang sila’y bigyang-babala upang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’

Page 16: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang sundin.’ Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila’t tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’

Page 17: Parabula ng Mayaman at Pulubi

Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang sundin ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”