29
Panunuring Pampanitikang Pambata (Maikling Kwento at Tula) FELY N. VICENTE MAEd-1 PROP. ERNA SALAS XAVIER UNIVERSITY-ATENEO DE CAGAYAN Kolehiyo ng Sining at Agham Kagawaran ng Filipino

panunuring panitikang pambata

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: panunuring panitikang pambata

Panunuring Pampanitikang Pambata

(Maikling Kwento at Tula)

FELY N. VICENTE

MAEd-1

PROP. ERNA SALAS

XAVIER UNIVERSITY-ATENEO DE CAGAYAN

Kolehiyo ng Sining at Agham

Kagawaran ng Filipino

Page 2: panunuring panitikang pambata

Maikling Kwentong Pambata

Page 3: panunuring panitikang pambata

Balangkas ng Pagsusuri

I. PamagatII. May-akdaIII. BuodIV. Elemento ng KwentoV. Mga Bisa ng AkdaVI. KongklusyonVII.Teoryang Pampanitikan

Page 4: panunuring panitikang pambata

I. Pamagat

“Paalam sa Pagkabata”

-Ang kwentong ito ay patungkol sa batang si Celso na nagnanais mabigyang kasagutan ang kanyang mga katanungan.

Page 5: panunuring panitikang pambata

II. May-akda

Nazareno D. Bas

-isang batikang manunulat na Cebuano. Nagsulat siya ng mga nobela, kwento at dula. Dating editor at mamamahayag.

Page 6: panunuring panitikang pambata

III. Buod

Ang batang si Celso ay may mga katanugan sa isipan na nais niyang mabigyang kasagutan. Simula’t sapol pa alam niyang may problema ang kanyang mga magulang na si Tomas at Isidora. Naging masidhi pa ang kanyang paghihinala nang minsang makita niyang nagalit ang kanyang ama dahil sa lambat na ginalaw ng kanyang ina. Nakadagdag pa sa kanyang pagtataka ang pagbabawal sa kanya ng kanyang ama na pumunta sa bahay-pawid sa may dalampasigan.

Page 7: panunuring panitikang pambata

IV. Elemento ng Kwento

A. Simula 1. Tauhan

a. Celso- isang batang lalaking may mga katanungan sa isipan na nais mabigyang-tugon. Anak ng mag-asawang Isidra at Tomas na sa kalaunan ay nabunyag ang kanyang tunay na pagkatao.

 b. Isidra- ina ni Celso at asawa ni Tomas

na palaging pinamumukha sa kanya ang bunga ng pagkakamaling kanyang nagawa sa nakaraan.

 

Page 8: panunuring panitikang pambata

c. Estranghero- ang taong kumakanta na nakabihag sa atensyon ni Celso at siyang umakit sa kanya upang magtungo sa bahay na pawid.

 d. Tomas- ama ni Celso at asawa

ni Isidra. Isang taong hindi maibaon sa limot ang nakaraan at ang pagkakamali minsan ng kanyang asawa.

Page 9: panunuring panitikang pambata

2. Tagpuan

Sa may dalampasigan, sa may bahay- pawid na ipinagbabawal kay Celso ng kanyang ama na puntahan.

3. Sulyap sa Suliranin

May isang lugar na hindi pwedeng puntahan ni Celso. Ito ang bilin ng kanyang ama sa kanya. Nais niyang matuklasan kung ano ang nasa lugar na iyon at bakit siya pinagbabawalang makapunta doon. Winasak ng isang pagkakamali ang kanilang pamilya.

Page 10: panunuring panitikang pambata

B. Gitna4. Saglit na Kasiglahan

Pumunta si Celso sa lugar na ipinagbabawal sa kanya nang makarinig siya ng isang malungkot na awitin buhat sa isang estraherong nang titigan niya’y parang tumingin siya sa salamin.

5. TunggalianTao laban sa tao

Ayaw na ayaw ng kinikilalang ama ni Celso na si Tomas ang makikila nito ang tunay na ama dahil sa galit na galit ito sa kanyang ama.

 

Page 11: panunuring panitikang pambata

Tao laban sa SariliNais kumawala kay Celso ang bigat na kanyang

nararamdaman sa tuwing makikita niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang. Sa kabilang banda naman, pilit na nilalabanan niya ang damdaming sumisiklab sa tuwing nakikita ang lambat na siyang naging saksi ng mga nangyari sa nakaraan.

6. KasukdulanNahuli si Celso ng kanyang kinikilalang ama na

si Tomas sa isang lugar na ipinagbabawal sa kanya habang kausap ang estrangherong lalaki. Galit na galit si Tomas at pinauwi siya. May pag-aalinlangang sinunod niya ang ama.

Page 12: panunuring panitikang pambata

C. Wakas7. KakalasanPag-uwi niya’y kumuha siya ng itak at winasak ang lambat. Nagalit si Tomas sa kanya. Sinuntok, sinipa at tinadyakan siya ng kanyang ama hanggang siya ay mawalan ng malay-tao.

8. Resolusyon Nang magising siya mula sa pagkawala ng malay, naramdaman niya ang yakap ng kanyang kinikilalang ama na may pagsisisi, pag-unawa at pagtanggap sa kanya.

Page 13: panunuring panitikang pambata

V. Mga Bisang Pandamdamin

A. Bisang Pandamdamin- Pagtataka at pagkagulat, ito ang dalawang damdaming una kong nadama.

B. Bisang Pangkaisipan- Maging bukas ang isipan sa mga katotohanan. Matutong maghintay sa takdang panahon dahil ika nga nila, ang taong marunong na maghintay ang siyang nakakakilala at nakararanas ng tunay na kaligayahan.

Page 14: panunuring panitikang pambata

VI. Kongklusyon

“ Walang usok na makukumkom”

“Kakabit ng pagpapatawad ang paglimot sa pagkakamali”

“ Ang katotohanan ang makapagpapalaya sa atin”

“ Matutong maghintay”

“ Ang paghingi ng kapatawaran ay pagsisisi”

Page 15: panunuring panitikang pambata

VII. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Saykolohikal / Sikolohikal Nababanaag kay Celso na mayroon

siyang hinahanap na kasagutan sa kanyang mga katanungan.

Nagkaroon ng pagbabago sa kanyang paniniwala at pananaw

Sa kabilang banda naman, kay Tomas pinipilit niya ang kanyang sarili na balewalain ang lahat at kalimutan ang nakaraan.

Page 16: panunuring panitikang pambata

Teoryang Formalistiko

Nakasalig ang kwento sa takbo ng mga pangyayari. Naisalaysay sa kwento ang naging sanhi ng kanilang problema at kung paano ito binigyang-solusyon sa huli. Nasa daloy ng mga pangyayari nakaatas ang kahihinatnan ng mga pangunahing tauhan.

Page 17: panunuring panitikang pambata

Teoryang Arketipal

Ginamit bilang simbolo ang lambat na siyang naging saksi ng isang pagkakamaling naging mitya ng hindi pagkakaunawaan ng mga pangunahing tauhan.

Page 18: panunuring panitikang pambata

Tulang Pambata

Page 19: panunuring panitikang pambata

Balangkas ng Pagsusuri

I. PamagatII. May-akdaIII. BuodIV. Pagsusuri

a. Elemento ng Tula b. Uri ng Tula

V. Aral

Page 20: panunuring panitikang pambata

I. Pamagat

“Sa Aking Mga Kababata”

- Ang tulang ito ay patungkol sa kanyang panawagan sa mga kabataan na mahalin at pahalagahan an gating sariling wika.

Page 21: panunuring panitikang pambata

II. May-akda

Jose P. Rizal

- ang tulang ito ang kanyang pinakaunang tulang naisulat noong sya’y 8 taong gulang pa lamang. Ito ang kanyang tugon sa mga taong hindi marunong magpahalaga sa sariling wika.

Page 22: panunuring panitikang pambata

III. Sa Aking Mga Kababata

 Sapagkat ang baya’y sadyang umiibigsa kanyang salitang kaloob ng langit,sanlang kalayaan nasa ring masapitkatulad ng ibong nasa himpapawid.

 Pagka’t ang salita’t isang kahatulansa bayan, sa nayo’t mga kaharian,

at ang isang tao’y katulad, kabagayng alinmang likha noong kalayaan.

 

Page 23: panunuring panitikang pambata

Ang hindi magmahal sa kanyang salitaay higit sa hayop at malansang isda,

kaya nga ang marapat pagyamanin kusana tulad sa Inang tunay na nagpala.

 Ang wikang Tagalog ay tulad din sa Latin

sa Ingles, Kastila at salitang anghel,sapagkat ang Poong maalam tumingin

ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.  

Ang salita nati’y tulad din sa ibana may alpabeto at sariling letra,

na kaya nawala’y dinatnan ng sigwaang lunday sa lawa noong dakong una

Page 24: panunuring panitikang pambata

IV. Pagsusuri

A. Elemento ng Tula1. Sukat

Nagtataglay ang tula ng sukat na lalabindalawahin.

2. SaknongNagtataglay ang tula ng limang

saknong na tinatawag na quintet.

Page 25: panunuring panitikang pambata

3. Tugma Makikita sa ilang saknong ng tula na

mayroong tugmang papatinig at mayroon rin namang tugmang pa katinig.

Halimbawa ng Saknong na may tugmang patinig:

Ang hindi magmahal sa kanyang salitaay higit sa hayop at malansang isda,

kaya nga ang marapat pagyamanin kusana tulad sa Inang tunay na nagpala.

Page 26: panunuring panitikang pambata

Halimbawa ng Saknong na may tugmang katinig:

Ang wikang Tagalog ay tulad din sa Latin

sa Ingles, Kastila at salitang anghel,sapagkat ang Poong maalam tumingin

ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

 

Page 27: panunuring panitikang pambata

4. KariktanIpinakita ng tula ang kariktan ng

ating sariling wika. Hindi dapat ito ikahiya bagkus ipagmalaki pa sapagkat ito ang kaluluwa ng ating pagkakakilanlan bilang isang bansang malaya.

5. Talinghaga “ Ang hindi magmahal sa

kanyang salita ay higit sa hayop at malansang isda ”

Page 28: panunuring panitikang pambata

“ Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa ang lunday sa lawa noong dakong una ”

“Sapagkat ang Poong maalam tumingin ang siyang naggawad, nagbigay sa atin”

B. Uri ng TulaAng tulang ito ay nabibilang uri na

Tulang Liriko o tulang pandamdamin sapagkat direktang naghahayag ang may-akda ng kanyang saloobin, iniisip at persepsyon sa mga mambabasa.

Page 29: panunuring panitikang pambata

V. Aral

Tangkilikin ang sariling atin. Huwag mahiyang ipagsigawang tayo’y mga Pilipino sa pamamagitan ng ating sariling wika. Matutong pahalagahan ang ating wika sapagkat iginawad ito sa atin ng Poong Maykapal at ito rin ang simbolo ng ating pagiging Pilipino.