92
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KOMPREHENSYON NG MGA MAG-AARAL SA ASSIGNATURANG FILIPINO NG DALUBHASAANG COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA KLASE SA TAG-ARAW 2004 ni Ernel F. Galang Jr. Isang Panukalang Tesis Ipinasa Bilang Pagtupad na Pangangailangan sa Kursong PSR32S- Introduction to Educational Research Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo Mayo 2004

Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Panukalang Tesis ko sa Columban College bilang mag-aaral sa kursong BSED-Filipino. Bahagi ng pagtupad ng pangunahing pangangailangan sa kursong asignaturang "Educational Research" (Klase sa Tag-araw: 2004)

Citation preview

Page 1: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA

KOMPREHENSYON NG MGA MAG-AARAL SA

ASSIGNATURANG FILIPINO NG DALUBHASAANG

COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA

KLASE SA TAG-ARAW 2004

ni

Ernel F. Galang Jr.

Isang Panukalang Tesis

Ipinasa Bilang Pagtupad na Pangangailangan sa Kursong

PSR32S- Introduction to Educational Research

Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo

Mayo 2004

Page 2: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

COLUMBAN COLLEGE

OLONGAPO CITY

In partial fulfillment of the requirement for the Degree of

Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino this thesis

proposal entitled;

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA KOMPREHENSYON

NG MGA MAG-AARAL SA ASSIGNATURANG FILIPINO NG

DALUBHASAANG COLUMBAN SA ANTAS TERSYARYA

KLASE SA TAG-ARAW 2004

has been prepared and submitted by ERNEL F. GALANG JR.

who is hereby recommended for oral examination.

David Bueno Ed.D.

Faculty Adviser

Approved by the Committee of Oral Examiners:

______________________

______________________ ______________________

Date of Oral Defense: ______________________

Page 3: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

TALAAN NG MGA NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT.................................................. i

DAHON NG PAGPAPATIBAY....................................... ii

PASASALAMAT...............................................................iii

TALAAN NG MGA NILALAMAN..................................v

KABANATA

1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula........................................................ 1

Lugar ng Pananaliksik....................................8

Mapa Fig. 1.......................................... 10

Balangkas Konseptuwal................................. 11

Mapa Fig. 2..........................................14

Paglalahad ng Suliranin................................. 12

Pagpapalagay................................................. 15

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral...............15

Kahalagahan ng Pag-aaral..............................16

Katuturan ng mga Katawagan........................ 18

2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT

Page 4: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

PAMPANITIKANG PANANAW

Pampanitikang Pananaw

Sa Ibang Bansa…................................ 21

Sa Pilipinas………………………….. 29

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa Ibang Bansa.................................... 63

Sa Pilipinas...........................................65

3 DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN

Ginamit na Pamaraan ng Pananaliksik .......... 71

Respondents...................................................72

Instrumento.................................................... 73

Pagkamay-Bisa ng Instrumento..................... 74

Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos………. 74

Pagbibigay-Halaga sa Datos...........................75

TALASANGGUNIAN............................................ 76

APPENDIKS............................................................ 79

CURRICULUM VITAE..........................................87

Page 5: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang antas tersyarya ay maituturing na kritikal na panahon

para sa buhay ng isang mag-aaral. Sa pagpasok ng mga bagong

kaalaman at konsepto na itinuturo ng mga guro, pangunahing

nasusukat dito ang lawak at bilis ng komprehensyon ng bawat mag-

aaral. Kaya mapapansin na sa unahang bahagi pa lamang, malaki na

ang gampanin ng guro sa ikatututo at sa ikapagtatamo ng malawak

na komprehensyon ng mga mag-aaral.

Ang pagtuturo ay SINING. Ayon kay Belvez (2000) ang

pagtuturo ay isang sining sapagkat ito ay maayos na paraan ng

pagsasagawa ng pagkikintal ng kaalaman. Ito ay sangay ng

karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit na bagay,

magagandang kaganapan. Sa masining na pananaw at pamamaraan

ng isang guro nakasalalay ang mabisang pagtuturo. Ang pagiging

malikhain at pagka-“resourceful”ay nagbubunga ng mabisang

Page 6: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagtuturo. Samakatuwid ang isang masining na paraan ng pagtuturo

ay makakatulong sa mga mag-aaral, una sa lahat ay maganyak

(motivate) silang mag-aral. Ang pag-aaral ng liksiyon ay isang

hakbang naman tungo sa ikauunlad o ikalalawak ng

komprehensyon ng mga mag-aaral, na tanda ng pagkatuto.

Binigyang halimbawa at pagtutulad ni Calderon (1998) ang

sining ng pagtuturo sa isang pintor na kayang gumawa ng marikit,

masining at simbolikong obra-maestra. Kasama na rito ang mga

iba’t-ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro para sa bawat

uri ng kakayahang pang-akademiko ng mga mag-aaral.

Ang pagtuturo ay isang AGHAM. Isang sangay ito ng

karunungan, lalo na ng kaalaman kung paanong ang isang

pangyayari ay nagbibigay-daan sa pinagmulan ng iba sa lipunan.

Ito’y umaalinsunod sa mga simulain o prinsipiyo (Belvez; 2000).

Ang mga teknik at istratehiya sa pagtuturo ay umaalinsunod sa

maayos, sistematikong pagkakasunod ng mga hakbang. Ang

Page 7: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagtuturo ay may mga batayan at saligan. Ilan sa mga ito ay mga

batayang pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal.

Ang guro ay kinakailangan din na umagapay sa mabilis na

pag-unlad ng edukasyon. Karaniwan na sa mga gurong nagtapos ng

Sekundarya o kaya naman ay Elementaryang kurso sa Edukasyon

ang kumuha ng kurso para sa pagka-masteral at sa kalaunan ay sa

pagka-doctoral. Ito ay sa layunin nilang mapalawak pa at

maragdagan ng bago at napapanahong kaalaman at kalakaran sa

pagtuturo upang makatulong sa pagpapabuti ng mga mag-aaral.

Kinakailangan din ang patuloy na pananaliskik, pagbabasa ng mga

propesyonal na babasahin, pagdadalo sa mga seminar at panayam

para makakalap ng mga makabagong paraan sa pagtuturo.

Sa mga paaralan, maging pribado, o publiko, ay may

sinusundang kurikulum. Ang kurikulum ay ang kabuuan ng mga

pinag-aaralan sa isang institusyong pang-akademiko. Ito ay pinili

ng maayos at maingat na ipinapatupad sa mga paaralan.

Page 8: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang mga pasilidad ng paaralan ay nakakaapekto sa pagkatuto

ng mga mag-aaral. Gumugugol ng malaking halaga ng salapi ang

mga kilalang pamantasan at dalubhasaan upang matustusan lamang

ang pagpapatayo o pagsasaayos ng mga pasilidad. Nakasalalay kasi

ang lahat ng gawaing pang-edukasyon sa isang maayos na paaralan.

Batayan ng pag-unlad ng isang pamayanang pang-akademiko ang

maayos at kumpletong mga pasilidad at kagamitan.

Sa kasalukuyan, ang Dalubhasaang Columban ay nasa ilalim

ng “accreditation process” ng PAASCU na ang ibig sabihin ay

Philippine Accrediting Agency for Schools, Colleges, and

Universities. Isang malaking karangalan at hamon para sa isang

paaralan tulad ng Columban ang makapasa sa accreditation ng

PAASCU, sapagkat nagpapatunay lamang ito na nagsisikap ang

paaralan na tugunan ang lahat ng pangangailangang pang-

akademiko nito, at higit sa lahat, ito ay sumisimbolo sa kagalingan

ng isang paaralan.

Page 9: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Malimit nang ikinakapit ang pagkatuto sa pagtuturo. Ayon

kay Kolesnik (Aquino; 1988), ang pagkatuto ay nakatuon sa

pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon, kakintalan, at

pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at mga ibang uri ng

bagong tugon (new response). Binigyang katwiran ni Gregorio

(1976) na ang pagkatuto ay isang aktibong proseso na kung saan

ang mag-aaral ay tuwirang kabahagi. Natututo ang mag-aaral sa

kanyang ginagawa, at sa kanyang pag-iisip. Masasabi lamang na

may pagkatuto [pagkaunawa] kung may kakintalan (mastery or

retention). Hindi matatawag na pagkatuto ang tuwirang pagsasaulo

(pure memorization). Ang pag-unawa sa bawat konsepto o

kaalamang kanyang tinaglay ay magdudulot ng kakintalan

(retention), na kahayagan ng pagkatuto.

May tatlong pangunahing katangian ng pagkatuto

(Lardizabal; 1991). Una ay: ang pagkatuto ay umuunlad. Habang

ang tao ay lumalaki, siya ay natututo ng iba’t- ibang kaalaman at

mga kasanayan. Ikalawa ay: ang pagkatuto ay interaktib. Ito ay ang

Page 10: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagtugon sa stimuli na nangangahulugan ng pagnanais na matuto.

Ang pagtugon na ito ay maaaring nasa uring pasalita,

pagpapaliwanag muli ng mga dating konsepto, pagkatutong muli ng

mga kinagawian, atbp. Ikatlo ay: ang pagkatuto ay saligan ng

teoryang S-R (stimulus-response).

Nailahad na ang mga panunahing salik na nakakaapekto sa

komprehensyon ng mga mag-aaral kaya’t bilang panghuli, bibigyan

ng pahapyaw na pag-aaral kung anu-ano ang mga araling bumubuo

sa assignaturang Filipino.

Sa Dalubhasaang Columban at maging sa ibang paaralang

pang-antas tersyarya; ang Filipino ay binubuo ng apat na bahagi. Ito

ay ayon sa bagong memorandum na ipinalabas ng CHED, bilang

pagtupad sa bagong kurikulum na kilala sa tawag na General

Education Curriculum. Ang unang Filipino ay pinamagatang Sining

ng Pakikipagtalastasan. Ito’y nakatuon sa apat na kasanayang

pangwika- pagsasalita, pakikinig, pagbasa, at pagsulat. Ang

Filipino 2 ay pinamagatang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang

Page 11: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Disiplina. Ang mga Disiplina ay nauukol sa humanidades, likas na

agham, agham panlipunan, at kasaysayan, na may kaugnayan sa

teknismo ng pagbasa at pagsulat. Samantalanga ng Filipino 3 ay

pinamagatang Sining ng Retorika na sumsaklaw sa malikhaing

pagsulat kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag:

pagsasalaysay, paglalarawan, paglalarawan, paglalahad, at

pangangatuwiran. Panghuli ay ang Filipino 4 na nakatuon sa

Panitikang Filipino na tumatalakay sa kasaysayan ng pag-unalad n

gating panitikan mula sa Panahon ng ating mga ninuno hanggang sa

Kasalukuyang Panahon.

Naniniwala ang mananaliksik na ang ikapagkakaroon ng

mabisang pagtuturo, sistematiko at organisadong kurikulum,

maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan, disiplinadong mga

mag-aaral, at paggamit ng angkop na pagpapahayag sa wikang

Filipino; ay magiging malaking bahagi sa ikalalawak ng

komprehensyon ng bawat mag-aaral sa assignaturang Filipino. Sa

Page 12: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

gayon, magkakaroon ng pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa

kanilang ginagawang pag-aaral.

Lugar ng Pananaliksik

Dalubhasaang Columban ay isang institusyong Katoliko na

naglalayong pagsilbihan ang mga pangangailangang pang-

akademiko ng Zambales at Bataan. Unang nakilala ang institusyong

ito bilang Naval Resrvation Junior College na itinatag noong 1947

ni G. Pedro Mendoza, kasamang guro ni G. Dionisio Lindayag, na

parehong nagsipagtapos sa Mataas na Paaralan ng Bulacan noong

bago sumiklab ang digmaan. Ang mga naunang pagsisikap na

magtayo ng paaralan ay naisakatuparan sa kadahilanang walang

ibang paaralan na malapit sa Base Nabal ng Subic upang

pagsilbihan ang mga taong nagnanais na makapag-aral.

Noong 1961, ipinasa ng Pamilya Lindayag sa mga Columban

Fathers for the Prelature Nullius ng Iba ang pagmamay-ari sa

paaralan. Sa taong 1962, binago ang pangalan ng paaralang

institusyonal na ito, at nakilala sa tawag na Columban College Inc.

Page 13: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Bilang diocesan school, ito ay pinamumunuan ng Obispo ng Iba.

Ang unang Direktor ng Dalubhasaang Columban ay si Fr. Thomas

L. Convery, SSC kasama si Fr. Paul O’ Malley, SSC bilang

kanyang kanang-kamay. Nailipat kay Fr. Constancio Gan, C.M.,

tagapangasiwa ng mga Vicentian Fathers, ang pamamahala sa

Dalubhasaan noong 1983 bilang Direktor.

Humalili noong 1989 ang Daughters of Charity bilang

bagong tagapamahala sa Dalubhasaan. Samantalang noong 1993,

ang Dalubhasaan ay naisailalim sa patnubay ng Diocese of Iba na

pinamunuan noon ni Obispo Deogracias Iniguez Jr., D.D. Naatasan

naman si Fr. Daniel O. Presto bilang Pangulo mula 1993 hanggang

sa kasalukuyan.

Ang Dalubhasaang Columban ay matatagpuan sa #1 Mt. Apo

St., New Asinan, Lungsod ng Olongapo. Ito ay bukas sa mga mag-

aaral ng elementarya, sekundarya, tersyarya, at maging sa mga

taong nagnanais kumuha ng kursong pang-gradwado.

Page 14: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004
Page 15: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Balangkas Konseptuwal

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa limang salik na

nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa

assignaturang Filipino.

Mula elementarya, itinuturo na ang mga araling nakapaloob

sa assignaturang Filipino. Patuloy pa rin na nagsasagawa ng mga

pagbabalik-aral sa Antas Sekundarya at Antas Tersyarya. Naging

malalim lamang ang diwa, talasalitaan, at pagtalakay; subalit ang

pangunahing paksa ay pagbabalik-aral pa rin. Ang nakapagtataka

ay may mga mag-aaral pa rin na bumabagsak ang grado sa Filipino

maging sa Antas Tersyarya. Bakit kaya?

Nararapat tukuyin muna ang mga katangian ng mga mag-

aaral, ang kanilang Edad, Kasarian, Anyo ng paaralang

pinagtapusan sa hayskul, at Antas <year level>. Isama pa rito ang

pagtukoy sa limang salik- guro, kurikulum, pasilidad ng paaralan,

mag-aaral at Wikang Filipino. Gagamit ng Talatanungan,

Pakikipanayam, Pananalisik, Pangangalap at Pagsusuri sa mga

Page 16: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

datos sa pamamagitan ng pagkuha sa Percentage at Mean. Ang

resulta ay ang pagkakaroon ng malawak at malinaw na

komprehensyon ng mga mag-aaral <pagkatuto>.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay matukoy ang iba’t-

ibang salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral

sa assignaturang Filipino ng Dalubhasaang Columban sa Antas

Tersyarya, upang matiyak ang mga kasagutan ayon sa mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang katangian ng mga respondent ayon sa mga

sumusunod:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

1.3 Anyo ng paaralang pinagtapusan (hayskul); at

1.4 Antas?

2. Paano nakakaapekto ang mga sumusunod na salik sa mabilis

na ikauunawa ng mga mag-aaral?

Page 17: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

2.1 Guro;

2.2 Kurikulum;

2.3 Mga Pasilidad ng Paaralan;

2.4 Kaasalan at Gawi ng mga mag-aaral; at

2.5 Paggamit ng Wikang Filipino?

3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng wika sa

mga mag-aaral?

3.1 Sining ng Pakikipagtalastasan;

3.2 Pagbasa at Pagsulat;

3.3 Ang Sining ng Retorika; at

3.4 Panitikang Filipino?

4. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng malawak na

komprehensyon sa assignaturang Filipino bilang gabay ng

mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo?

Page 18: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Fig. 2

Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral

INPUT

Katangian ng mga

mag-aaral ayon sa:

Edad

Kasarian

Anyo ng

Paaralang

Pinagtapusan

<hayskul>

Antas

Mga Salik na

nakakaapekto sa

komprehensyon:

Guro

Kurikulum

Pasilidad ng

Paaralan

Gawi at

Kaasalan ng

mga mag-

aaral

Paggamit ng

Wikang

Filipino

PROCESS

1. Pangangalap

ng Datos

2. Paggamit ng:

Talatanungan

Pakikipanayam

Pananaliksik

3. Pagsusuri sa

mga nakalap na

Datos:

Percentage

Mean

OUTPUT

Pagkakaroon ng

malawak na

komprehensyon

<pagkatuto>

Page 19: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Pagpapalagay

Narito ang nabuong pagpapalagay:

1. Ang bilis ng komprehensyon at pagkatuto ng mga mag-aaral

ay nakabatay sa mga sumusunod na salik:

1.1 Mabisang Pagtuturo ng mga Guro na masusukat sa

kanilang taglay na:

1.1.1 Katangiang Personal; at

1.1.2 Pansariling Katangian

1.2 Organisado at Sistematikong Pagkakaayos ng Kurikulum

1.3 Maayos at Kumpletong Pasilidad ng Paaralan

1.4 Kaasalan at gawi ng mga mag-aaral

1.5 Mabisa at angkop na paggamit ng Wikang Filipino sa

pag-aaral at pagtuturo.

Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Bahagi at sakop ng pag-aaral na ito ang lahat ng mga mag-

aaral na kumukuha ngayong tag-araw ng assignaturang Filipino

(Filipino 1 hanggang 4).

Page 20: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang pag-aaral ay tatalakay sa mga ispisipikong bahagi ng

problema: (1) mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng

mga mag-aaral; at (2) kaugnayan ng wastong paggamit ng wika sa

ikalalawak ng komprehensyon sa assignaturang Filipino.

Sa pagkalap ng datos, ang pamamaraang ginamit ay

pagtatanong sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire).

Gumamit din ng mga pakikipanayam at pagsusuri sa mga datos

upang makakalap ng mas mahahalaga at napapanahong

impormasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa ikabibisa ng

pagtuturo ng assignaturang Filipino at sa paggamit ng Wikang

Filipino bilang midyum.

Sa mga tagapangasiwa ng Dalubhasaang Columban, ang pag-

aaral na ito ay makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa

kanilang mga pagpapasyang nauukol sa mga bagay na pang-

akademiko, tulad ng ikapagkakaroon ng mabisang ugnayan sa

Page 21: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagitan ng mga guro at mag-aaral. Lalo na sa pagsasaayos at

pagpapatayo ng mga pasilidad na makakatulong sa mga

kagalingang pang-akademiko at pang-kasanayan ng mga mag-aaral.

Maging ang pagpapatupad ng organisado at sistematikong

kurikulum ay magiging malaking tulong sa ikauunlad ng

akademikong pamayanan na ating kinabibilangan.

Sa mga guro, ang pagtukoy sa kanilang mga kalakasan at

kahinaan; pagpapaunlad ng kanilang mga kaalaman sa

pamamagitan ng pagdalo sa iba’t- ibang training seminar; at

pagkuha ng kursong pang- masteral at pang- doctoral ; ay lubhang

makakatulong sa pagiging epektibo ng kanilang pagtuturo.

Sa mga mag-aaral, na pangunahing makikinabang sa

ginawang pag-aaral na ito at sa anumang mga pagbabagong

magaganap sa kanilang gawi at kaasalan pagdating sa pag-aaral ay

tunay na makadaragdag sa kanilang taglay na kaalaman, at sa

paglawak ng kanilang komprehensyon lalo na sa assignaturang

Filipino.

Page 22: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Katuturan ng mga Katawagan

Narito ang mga pananalitang ginamit sa pag-aaral na ito:

Antas Tersyarya. Pangunahing tumutukoy sa pag-aaral na nasa

Dalubhasaan o Pamantasan.

Dalubhasaan. Makasining na pamamaraan ng pagpapakahulugan sa

terminong “kolehiyo”.

Guro. Pangunahing nagsasagawa ng pagtuturo sa klase at iba pang

kaugnay na tungkuling may kinalaman sa pagpapaunlad ng

kaalamn, kasanayan, at kaasalan na kinakailangan ng mga mag-

aaral upang sila’y maging responsible at produktibong mga

mamamayan ng siang demokratikong lipunan.

Komprehensyon. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa

pagkaunawa o pagkaintindi ng bawat mag-aaral sa mga konsepto at

kaalaman na kanilang napag-aralan.

Kurikulum. Sa pag-aaral na ito, pinapakahulugan nito ang

organisado at sistematikong pagkakahanay ng mga assignaturang

Page 23: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

kukunin ng bawat mag-aaral sa Antas Tersyarya, sa loob ng isang

takdang panahon.

Mag-aaral. Tumutukoy sa taong nag-uukol ng kanyang panahon na

matuto sa loob ng klase, kung saan napapaunlad niya ang kanyang

mga kasanayan at kaalaman upang magamit niya sa hinaharap.

Pagkatuto. Ito ay ang pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon,

kakintalan, at pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at iba pang

uri ng bagong tugon. (Aquino; 1988)

Pagtuturo. Ito ay isang gawain na lumilikha ng mga pangyayari,

mga bagay o kagamitan at patnubay na nagpapadala ng pagkatuto

kahit na pormal o di-pormal na kalagayan (Quinto; 1998)

Pasilidad. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa mga gusaling

pampaaralan tulad ng mga silid, laboratoryo, atbp.

Salik. Sa pag-aaral na ito, ito’y tumutukoy sa mga dahilan o sanhi

na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral.

Page 24: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Wika. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang

nalilinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa

umiiral na wikang Pilipino at iba pang mga wika (Quinto; 1998)

Page 25: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT PAMPANITIKANG

PANANAW

Ang kabanatang ito ay magpapakita ng pangkalahatang

kaalaman na kaugnay sa pag-aaral na ito. Naglalaman ito ng

mahahalagang pananaw at impormasyong makakatulong sa

paggawa ng panukalang tesis na ito.

A. Pampanitikang Pananaw

Sa Ibang Bansa

Ang pagkatuto ng may pag-unawa ay higit na mahalaga

kaysa pagsasaulo ng mga impormasyon. Ayon kay Cooper (1999),

ang pagkatuto ay nangangailangan ng pag-unawa sa mga

mahahalagang diwa na napapaloob sa bawat impormasyon upang

ito’y magamit sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Kapag

ang mga mag-aaral ay natuto ng may pagkaunawa, napapaunlad

nila ang kanilang kakayahang mag-isip, lumutas ng mga problema,

at maging mga mag-aaral na kayang matuto nang nag-iisa.

Page 26: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Isang kabiguan para sa mga guro kapag ang kanyang mga

mag-aaral ay nabigong magkaroon ng malalim na pagkaunawa at

lumutas ng mga problemang may kaugnayan sa ginagawang pag-

aaral.

Ang patuloy na pagsisiyasat ay makakatulong sa pagkatuto.

Kasama sa pamamaraan ng pagsisiyasat ang pagtatanong ng mga

kawili-wili at mahahalagang penomena, pagbubuo ng hinuha upang

sumagot sa mga tanong, pagkalap ng mga ebidensiya, pagsusuri, at

pagbubuo ng teorya ukol dito. Hindi magtatapos sa teorya ang

pagsisiyasat, sapagkat ito’y patuloy na proseso ng pag-alam. Sa

pagsisiyasat, lalong lumalawak ang taglay na kaalaman ng mga

mag-aaral, at higit sa lahat, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng

kritikal na pang-unawa.

May dalawang pangunahing kategoriyang binanggit si

Ausubel (1965) na nakakaapekto sa pagkatuto: Una ay ang

kategoriyang Intrapersonal na tumutukoy sa mga kaasalan at

Page 27: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

katangian ng mag-aaral. Nahahati ang kategoriyang ito sa limang

salik:

1. Cognitive Structure Variables- Tumutukoy ito sa kaugnayan

ng organisadong pagkakabalangkas ng dating nakalap na

kaalaman sa muling pagkalap ng panibagong kaalaman.

Dahil sa organisado at may pagkakahalintulad ng paksa,

handa na ang mag-aaral na matutuhan ang panibagong

kaalaman .

2. Development Readiness- Ito ay ang kaugnayan sa pagitan ng

Edad ng mag-aaral at ng kanyang kahandaang pangkaisipan.

Ang 15 taong gulang na mag-aaral ay mas may kahandaang

matuto ng iba’t-ibang kaalaman kaysa sa 6 na taong gulang

na mag-aaral.

3. Intellectual Activity- Ang ipinapakitang kagalingang pang-

akademiko ng isang mag-aaral sa iba’t ibang assignatura.

4. Motivational and Attitudinal- Tumutukoy sa interes ng mag-

aaral na matuto at paunlarin ang kanyang taglay na kaalaman

Page 28: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

sa isa o higit pang assignatura. Karaniwan itong mapapansin

sa pagsisikap at konsentrasyon ng mga mag-aaral sa kanilang

ginagawang pag-aaral.

5. Personality Factors- Ito ay ang pagkakaiba-iba ng asal at

gawi ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral.

Ang ikalawa ay ang Pangkalagayang Kategoriya, na kung saan

ito’y tumutukoy sa kalagayan ng pagkatuto ng mag-aaral. May apat

itong salik na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Pagsasanay

2. Pagkakaayos ng mga kagamitan sa pagtuturo

3. Panlipunang Salik- tulad ng kooperasyon sa larangang pang-

akademiko

4. Katangian ng Guro

Inilahad ni Raths (1971) ang kanyang panukala tungkol sa mga

gawin sa pagtuturo. Narito ang listahan:

1. Nagpapaliwanag, Nagbabatid, ipinapakita kung paano gawin

2. Nagpapasimula, nangangasiwa

Page 29: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

3. Pinapagkaisa ang grupo

4. Tagapanagot

5. Nililinaw ang mga kaasalan, paniniwala, at problema

6. Sinusuri an mga problema sa pagkatuto

7. Gumagawa ng mga kagamitang itinadhana ng kurikulum

8. Tagapagtala, tagapag-ulat

9. Nakikiisa sa mga gawaing pang-komunidad

10. Tagaayos at Tagapag-organisa ng klase.

11. Nakikibahagi sa mga aktibidad ng paaralan

12. Nakikibahagi sa mga gawaing propesyonal at pang-sibiko.

Para naman kay Borich (1996), ang mga gawain ng isang

epektibong guro ay ang mga sumusunod:

1. May personal na pananagutan sa pagkatuto ng mga mag-

aaral at may positibong inaasahan sa ang guro sa pagkatuto

ng mga mag-aaral.

2. Iniaangkop ang mga aralin sa kakayahan ng mga mag-aaral

upang maunawaan ng mas nakararami sa kanila.

Page 30: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

3. Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na

maisagawa nila ang kanilang natutuhang konsepto at patuloy

na sinisiyasat ang kanilang performance.

4. Ginugugol ang kabuuang oras ng klase upang mabigyan ng

pagkakataon ang mga mag-aaral na matutuhan ang

kabuuang aralin na kanilang pinag-aaralan .

5. Binibigyan ng direksyon ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pagtatanong, pagbubuo, at pagpapatunay.

6. Gumagamit ng iba’t-ibang kagamitan sa pagtuturo tulad ng

“visual aids”.

7. Nagsasagawa ng ebalwasyon sa mga mag-aaral upang

malaman niya kung nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang

aralin o hindi.

8. Hinihikayat ang mga mag-aaral na magbigay katuwiran at

palawigin ang tamang kasagutan sa iba’t-ibang tanong sa

panahon ng talakayan.

Page 31: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

9. Nagsisilbing tagapamagitan (facilitator) kapag may

malayang talakayan sa klase.

10. Gumagamit ng pangkaraniwang pakikipagtalastasan sa loob

ng klase upang mahikayat ang mga mag-aaral na makibahagi

sa talakayan.

Inilarawan ni Ornstein (1990) ang iba’t ibang aspeto ng

mabisang pagtuturo sa loob ng klase:

1. Pamamahala ng klase- Napapaunlad ng isang mabisang guro ang

kanyang magagandang pamamaraan sa pamamahala ng klase.

Nagiging disiplinado ang mga mag-aaral , at alam nila ang kanilang

mga gampanin at gawi.

2. Tuwirang Pagtuturo- Ito ay sistematikong pamamaraan ng

pagtuturo na kung saan nagsisimula ang guro sa pagtalakay ng

aralin, pagkatapos ay pagrerebyu at pagpapaliwanag muli nito bago

lumipat sa susunod na aralin. Nagbibigay ng pagsusulit ang guro

upang malaman kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang

tinalakay na aralin.

Page 32: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

3. Sapat na oras sa bawat gawain- Nagbibigay ang mabisang guro

ng mga gawaing pang-akademiko na kayang gawin at tapusin ng

mga mag-aaral sa isang takdang panahon.

4. Pagtatanong- Nagtatanong ang isang mabisang guro upang

makatulong sa pagpapaunalad ng kagalingang pang-akademiko ng

mga mag-aaral. “Nahahasa” ang isip ng mga mag-aaral nang dahil

sa pag-aanalisa sa mga katanungan ng guro patungkol sa mga

araling tinalakay.

5. Pagtuturo na may Komprehensyon- Tinuturuan ang mga mag-

aaral na maisagawa ang mga konseptong napag-aralan nila sa loob

ng klase; lumutas ng mga problemang pang-akademiko, at bantayan

ng mga guro ang bilis ng komprehensyon ng bawat mag-aaral.

6. Antas ng pagtuturong kognitibo- Binibigyan ng isang mabisang

guro ang mga mag-aaral ng mga pagsasanay na nakatuon sa pag-

iisip at pag-aanalisa sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang

pamamaraan sa layuning maganyaka ng mga mag-aaral na matuto.

Page 33: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

7. Pagpapangkat- Kadalasan itong ginagawa kapag may mga

gawain o pag-aaral na nangangailangan ng ilang pangkat ng mga

mag-aaral.

Sa Pilipinas

Bahagi na ng tradisyong pampaaralan ang pagdiriwang ng

Buwan ng Wika sa tuwing sasapit ang Agosto 13-19 bagamat may

mangilan-ngilan pa ring paaralang nakapikit ang mga mata sa

gawaing ito. Taun- taon, may natatanging paksang ibinibigay ang

Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating Surian ng Wikang

Pambansa). At sa bawat paksa, isa lamang ang diwang ibig

iparating- Kailangan natin ang isang wikang magagamit ng buong

sambayanang Pilipino tungo sa pambansang pagkakaisa at ganap na

kalayaan.

Sa pamamagitan ng Bagong Konstitusyon ng 1987, nilinaw

at tiniyak na mayroon tayong wikang pambansa at ito ay ang

“FILIPINO” na ang nukleo ay PILIPINO na isang “wikang umiiral,

buhay, ginagamit na at may literatura at gramatika, patuloy na

Page 34: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

lamang lilinangin at pagyayamanin batay sa mga umiiral na iba

pang wika at wikain ng Pilipinas.” (Abad; 1995)

Nahahati sa dalawang pangunahing bahagi ang pagtuturo ng

Filipino: ang Wika at ang Panitikan. Nakapaloob sa Wika ang

Sining ng Pakikipagtalastasan (Filipino 1), Pagbasa at Pagsulat

(Filipino 2), at Ang Sining ng Retorika (Filipino 3). Samantalang

ang Panitikan (Filipino 4) ay nakatuon sa kasaysayan, pag-unlad, at

mga iba’t-ibang literatura ng Pilipinas.

Problema sa lahat ng antas ng edukasyon ang pagtuturo ng

wika sapagkat para sa mga mag-aaral, isa itong kainip-inip na

gawain. Ganito ang umiiral na saloobin ng mag-aaral kahit anong

wika ang itinuturo.

Para sa isang guro ng wika, maging sa Filipino man o

dayuhang wika tulad ng Ingles, dalawang problema ang umiiral

(Papa; 2000):

Una- Ano ang ituturo? (Nilalaman)

Page 35: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Iba’t iba ang nagiging pokus ng araling pangwika sa antas

kolehiyo. May naniniwalang dapat daw higit na bigyang diin ang

Filipino 1 [na kung saan bahagi ng assignaturang ito] ang balarila

ng ating wika sapagkat hanggang sa antas na ito ng edukasyon ay

hindi pa rin gaanong marunong ng wastong balarila nag mga mag-

aaral. Wari bang maaring ipakahulugan na wala na silang

masyadong natutuhan sa mga antas elementarya at sekundarya. Sa

kabilang dako, may nagsasabi ring ang dapat pagtuunang pansin ay

ang paglinang sa mga kasanayang komunikatibo. Samakatuwid,

hindi kung ano ang wika, kungdi ang makabuluhang paggamit nito

sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat.

Pangalawa- Paano ituturo ang wika (Istratehiya)

Sa puntong ito, ang empasis ay nasa pamamaraan o

istratehiya sa pagtuturo. May apat na lawak na dapat nating pag-

ukulan ng pansin para sa isang matagumpay at epektibong

pagtuturo ng wika:

Page 36: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

A. Kaligirang Sosyal (Social Environment)

Maaaring ito ay ang kaayusang pisikal, sitwasyong

instruksyonal at mismong katauhan ng guro. Ang pagpuna ng guro

sa maling sagot at maling asal, paraan ng pagpapahalaga s atamang

gawin at sagot ay mahalagang salik sa pagkakaroon ng mga mag-

aaral ng tiwala sa sarili.

B. Kaligirang Pisikal (Physical Environment)

Narito ang mungkahing gawin tungo sa pagkakaroon ng

kaaya-ayang kaligirang pisikal:

1. Pagkilala sa bawat mag-aaral

Pagpapakilala sa isa’t isa sa isang impormal na paraan.

2. Kaayusan ng silid-aralan

Pabagu-bago ng mga upuan, at iba pang kagamitan sa

loob ng silid-aralan at hindi isang kaayusang pamalagian.

3. Pagkakaiba-iba ng mga gawain sa pagkatuto

Higit na epektibo at kawili-wili ang pagkatuto ng wika

Page 37: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

kung may baryedad ng mga gawain sa paraan ng paglulunsad ng

aralin, sa paglalapat o pagsasanay at maging sa ebalwasyon o

pagtataya ng natutuhan.

Narito ang ilang baryedad na maaaring subukin:

a. Paggamit ngmga kagamitang audio-visual gaya ng tape,

overhead projector, slides, at video.

b. Mabisang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay,

paglalarawan, paghahambing, at pagmamatuwid.

c. Pagtatanghal ng dayalogo o skit upang mabigyang buhay

ang araling pangwika.

d. Pagpasok ng mga larong pangwika, tugma, awit

e. Role Playing

f. Pag-aanyaya ng isang tagapagsalita.

g. Pakikinig sa isang itineyp na talumpati, tulang bigkasan,

talakayan.

h. Pagpapabasa ng iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng

komiks, magasin, pahayagan, atbp.

Page 38: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Mahalaga sa ikapagtatagumpay ng ganitong mga gawain ang

malawak at aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa

pagbabalak hanggang sa pagtataya at maging s atakdang aralin.

Maisasagawa ito sa tulong ng sumusunod na mga mungkahing

paraan.

a. Sabayang Pagbasa o pagbigkas ng isang magandang tula o

usapan

b. Malayang talakayan o tanungan

c. Pagpapangkat ng dalawahan, tatluhan, at pagsasagawa ng

dyadic o triadic na usapan.

d. Dugtungang pagsasalaysay, paglalarawan, pagpapaliwanang

at iba pa.

4. Pagwawasto at Feedbacking

Narito ang ilang paraan ng pagwawastong nagdudulot ng

epektibong resulta:

a. Sariling pagwawasto ng mga mag-aaral ng sariling kamalian.

b. Sariling pagwawasto sa pamamantnubay ng guro.

Page 39: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

c. Sariling pagwawasto sa tulong ng mga kamag-aral

Mga Katangian ng Epektibong Guro ng Wika (Papa; 2000)

A. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon,

upang maklaikha ng positibong kaligirang sosyal.

B. May malawak na kabatiran sa paksa, assignatura at

wikang itinuturo.

C. Gumagamit ng iba’t-ibang istratehiya at mga

pagdulog sa pagtuturo na angkop sa layunin ng pagkatuto at sa

kakayahan ng mga mga-aaral.

D. Malikhain at maparaan sa pag-iisip at pagbabalak ng

mga aralin at sa paggamit ng iba-ibang gawain sa pagkatuto, mga

larong pangwika, tugma, awit at iba.

E. Bukas ang kaisipan sa mga umiiral na pagbabago sa

ekonomiya, lipunan at edukasyon

F. May pagpapahalaga sa damdamin ng mga mag-aaral.

G. Nakalilikha ng kaiga-igayang kaligiran sa pagkatuto,

nakapagbibigay ng malawak na oportunidad sa pakikilahok,

Page 40: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagwawasto at pagpapahalaga sa natutuhan.

Nakatuon ang Filipino 1 sa Sining ng Pakikipagtalastasan.

Ang komunikasyon ay galling s asalitang “communis” na hiniram

natin para gamiting panumbas saTagalog na pakikipagtalastasan.

Nangangahulugan ng panlahat o para sa lahat ang “communis”.

Kay Aristotle ay simple ang mga sangkap ng isang buong

siklo ng komunikasyon. Kailangan ay may pinanggalingan ng

mensahe, ang mensahe mismo at ang destinasyon ng mensahe. Ang

pinagmulan ng mensahe ay maaaring taong nagsasalita, sumusulat,

gumuguhit, kumukumpas; ang mensahe ay maaaring nakasulat,

sinasalita, galaw ng kamay o ulo o ang bandilang iniwawagayway o

tunog ng Morse Code; at ang destinasyon ay ang mga taong

nakikinig, nanonood, bumabasa o nagmamasid sa pintura. Kapag

naroon at naganap ang isang mabisang komunikasyon.

Ayon kay Tumangan (2001), ang wika ang kasangkapang

kailangan sa pakikipagkomunikasyon. Marahil, sa mga naimbeto ng

tao, wala nang hihigit pa sa wika.

Page 41: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

May apat na kasanayang pangwika na mahalagang malinang

sa mga tao upang maging mabisa sila sa paggamit ng wika:

1. Pagsasalita;

2. Pakikinig;

3. Pagbasa; at

4. Pagsulat

Lahat ng wika ay una munang natutuhang salitain ng tao.

Ginagamit ng tao ang kasanayang ito sa pakikipagkomunikasyon

ng kuru-kuro at upang maipahayag ang kanyang mga karanasan at

nalalaman. Ito ang kasanayan na una niyang natutuhan. Sa tahanan

pa lamang ay natutuhan na niya ang kasanayang ito upang siyang

gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang mga kasambahay.

Kinakailangan naman ng tao na maging sanay sa pakikinig

upang malaman at pakinabangan ang sinasabi ng kausap. Sa ganito,

naitutugma niya ang kanyang ikikilos at sasabihin sa kanyang

kausap. Mahalagang pangkuha ng impormasyon at karunungan ang

pakikinig. Nakikinig ang mga mag-aaral sa mga panayam at

Page 42: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

natututo sila ng maraming kaalaman. Nakikinig tayo sa mga

talumpati at nakukuha natin ang mahahalagang payo at isipan ng

nagsasalita.

Nang matuto nang sumulat ang tao, marami sa mga

karunungan niya ang isinatitik niya. Nais niyang maisalin sa mga

aklat ang kaalamng nasa kanyang isipan at utak upang maituro niya

iyon sa susunod na salinlahi.

Kaugnay ng kasanayan sa pagsulat ang kasanayan sa

pagbasa. Kailangan na maging mahusay sa pagbasa ang tao upang

makuha niya ang mga impormasyon at kaalamang inihayag ng

awtor sa kanyang libro.

Sa apat na kasanayang pangwika,a ng pasgsulat ang

masasabi at tinatanggap ng lalong marami na pinakamahirap

linangin kaya inihuhuli itong ituro sa mga mag-aaral. Sa pagsulat,

ang mga natutuhan sa pakikinig at pagbabasa at pakikipag-usap ay

mahalaga at gagamitin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang mga tao

Page 43: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

sa iba’t-ibang dako at sa iba-iban panahon ay nagkakaalaman ng

mga karanasan at kaalaman.

Nahahati naman sa dalawa ang uri ng komunikasyon: ang

pasalita at pasulat. Ang dalawang uring ito ng komunikasyon ay

nagagawa sa apat na paraan ng pagpapahayag:

1. Paglalahad. Ito ang pinakagamiting paraan ng

komunikasyon. Ibig ng nagsasalita o sumusulat na magpaliwanag.

2. Paglalarawan- Ang layuning ng nagsasalita o sumusulat ay

maipakita sa kausap at tagapakinig ang kabuuang anyo ng tao o

bagay, pook at damdamin sa pamamagitan ng mga pananalitang

mapaglarawan nang s agayon ay maipakita ang kaibhan ng bagay o

tao sa mga kauri nito. Tao ang karaniwang paksa sa paglalarawan.

3. Pagsasalyasay- Hangad ng nagsasalita o sumusulat na

maihayag sa nakikinig o bumabasa ang mga pangyayaring naganap

at minamahalaga at naisa na mabatid ng nakiking o bumabasa.

4. Pangangatuwiran- Ang hangarin ng nagsasalita o sumusulat

Page 44: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

ay maihayag ang mga dahilan o sanhi sa pagkaganap ng

pangyayari.

Kung ang Filipino 1 ay nakatuon sa pagbabalik-aral ng mga

pang-sekundaryang konsepto sa Filipino; magiging ispesipiko ang

mga aralin at pagtalakay sa Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat. Narito

ang panimulang pag-aaral sa Filipino 2 na matatagpuan sa aklat ni

Badayos (2000):

ANO ANG PAGBASA?

Marami nang pag-aaral at pananaliksik sa pagbasa. At

marami ring pagpapakahulugan na naging bunga ng gawing ito.

Sinabi ni Goodman (sa Badayos 1999) na ang pagbasa ay isang

“psycholinguistic guessing game” kung saan ang nagbabasa ay

nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong

binabasa. Kay Goodman, ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan

ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling

paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo

pang pagpapakahulugan. Sa ganitong pagpapakahulugan, hindi na

Page 45: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

kailangan pang basahing lahat ang teksto upang maunawaan ito,

lalo na kung higit na magaling ang tagabasa sa paghula o

pagbibigay ng haka. Kaya nga, ang isang tagabasa na magaling sa

pagbibigay ng tamang prediksyon ay nakababasa nang higit na

mabilis kaysa iba dahil hindi na niya kailangang basahin nang isa-

isa ang bawat salita sa teksto.

Si Coady (1979) ay nagbigay ng elaborasyon sa kaisipan ni

Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pag-

unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman ng tagabasa

ay maiuugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga

konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga

impormasyong masasalamin sa teksto.

BALIK-TANAW SA PROSESO NG PAGBASA

1. Ang pagbasa ay walang kahilingang imposible para hindi ito

maisagawa ng isang tagabasa. Pang-araw-araw nating “binabasa”

ang mga ekspresyon ng mukha ng mga taong ating

nakakasalubong. Nakukuha natin ang pangunahing

Page 46: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

ideya kung ano ang nagaganap sa isang pangyayaring

naoobserbahan; nakabubuo tayo ng sariling kongklusyon sa ating

nakita at marami pang iba. Ang mga pagpoprosesong mental na

binanggit ay ginagamit din sa akto ng pagbasa.

2. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip. Utak ang

ginagamit sa pagbasa, hindi ang ating mga mata. (Braille ang

binabasa ng mga bulag). Ang mga mata ay tagahatid lamang ng

mga imahen o mensahe sa utak. Ang pagpapabuti ng pagbasa ay

nangangahulugan ng pagpapabuti ng pag-iisip- hindi iyong

pagsasanay sa mabilis na panggalaw ng mata.

3. May tatlong mahalagang bahagi sa pagbasa: paghahanda

(pag-iisip kung ano ang alam sa paksang babasahin at pagtatakda

ng layunin sa pagbasa); pagpoproseso ng impormasyon; at

pagtugon o pagbibigay ng reaksyon sa binasa.

4. Ang epektibong mambabasa ay iyong mga interaktibong

tagabasa. Ang epektibong mambabasa ay palaging naghahanap ng

Page 47: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

mga posibleng maipapakahulugan sa teksto, gumagawa sila ng mga

alternatibong hakbang kung hindi nila nauunawaan ang teksto.

5. Maraming suliranin sa pag-unawa na hindi lamang mga

suliranin sa pagbasa. Maaaring sanhi ng di pagkaunawa sa teksto ay

ang mga kamalian sa pagkakasulat nito. Maaari ring hindi sapat ang

dating kaalaman o impormasyong taglay ng mambabasa para

maunawaan ang teksto.

6. Ang magaling na tagabasa ay sensitibo sa kayariang

balangkas ng tekstong binabasa. Ang pag-alam kung paano

binalangkas o binuo ang teksto ay makakatulong nang malaki sa

komprehensyon. Sa pagbasa, hindi sapat na alam ng tagabasa ang

paksa at pangunahing diwa ng bawat talata, mahalagang malaman

din ng tagabasa kung paano binuo ang teksto (hal. pagtatala, sanhi

at bunga, paghahambing at pag-iiba, atbp.).

7. Ang mabilis na pagbasa ay bunga ng komprehensyon o pag-

unawa. Ang mabilis na pang-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis

Page 48: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

sa pagbasa. Ang “mabilis” na pagbasa na walang pag-unawa ay

walang kabuluhan. Walang iniwan ito sa pagpaparaan lamang ng

mga mata sa mga salitang nakalimbag.

ANG PAGBASA SA ANTAS TERSYARYA

Ang kakayahang bumasa ay isang makabuluhang kasanayan

sa pagtatagumpay sa kolehiyo at pamantasan upang magampanan

ng lubusan ang gawaing pang-akademiko. At sa pagbasa ng mga

tekstong akademiko, unti-unti mong matutuklasan ang mga

katangian ng mga teksbuk sa antas tersyarya.

Sa pagbasa ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya-

1. Matutuklasan mo na ang isang talata ay maaaring magtaglay

ng maraming ideya o kaalaman. Ang tawag dito ay idea density.

Halos lahat ng pangungusap ay tila nagtataglay ng bago o

mahalagang impormasyon. Lahat ay parang mahalaga sa ganitong

uri ng talata.

2. Maraming bagong salita ang iyong makikilala dahil ang

Page 49: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

bawat sabjek ay may kanyang sariling set ng mga talasalitaan. Ito

ang tinatawag na teknikal na bokabularyo para sa isang tiyak na

sabjek o aralin.

3. Makakatuklas ka ng mga hulwaran sa pagbubuo ng iba’t-

ibang teksto. Halimbawa sa Agham Panlipunan, ang hulwarang

sanhi at bunga ang karaniwang ginagamit. Makikita ring ginagamit

ang hulwarang ito sa mga Likas na Agham.

4. Kakailanganin mong humito nang madalas at magtanong sa

sarili ng ganito: “Naunawaan ko ba ang aking binasa?” Ang tawag

dito ay pagmomonitor ng pag-unawa na malalaman mo kapag

nagbasa ka ng mga tekstong akademiko sa antas tersyarya.

5. Maaaring hindi sapat ang iyong dating kaalaman upang

maunawaan ang babasahin sa isang sabjek o aralin. Masasabi mo

tuloy na parang ibang wika ang iyong binabasa. Kung minsan,

maaaring akalain ng awtor o ng iyong propesor na marami ka

ngang alam. Kung ganito ang mangyayari, tungkulin mo pa ring

punan ang mga kakulangang ito sa iyong kaalaman. Maaaring

Page 50: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

hingan mo ng tulong ang iyong propesor o kamag-aral na higit na

maraming alam kaysa iyo.

6. Matutukalasan mo na hindi lahat ng aklat ay mahusay ang

pagkakasulat o pagkabuo. Kung sakaling may ganito kang aklat,

hindi mo pa rin ito maiwawaksi, dahil kailangang pag-aralan mo

kung paano ito magagamit nang mahusay sa tulong ng mga

kasanayan.

7. May pagkakataon na panghihinaan ka ng loob. Ang

damdaming ito’y karaniwang nararanasan ng bawat mag-aaral.

Ito’y tinaguriang intellectual despair. Makakatulong ang mga

kasanayang matututuhan mo sa Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang

Disiplina upang mapaglabanan mo ang panghihina ng loob.

ANO ANG PAGSULAT?

Ang pagsulat ay iinog kung gaano kabisa at kasensitibong

makabubuo ng mga pahayag ang isang manunulat upang ang

makabasa nito’y magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Sa

puntong pedagohikal, ang mga pahayag (statement) ay iyong

Page 51: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

paggamit ng wika bilang instrumento sa mabisang paglalahad ng

naiisip o nadarama, saloobin, at reaksyon sa isang natural na paraan

(kakayahang komunikatibo). Ang wika ay isa lamang sa maraming

midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag. Sa daigdig ng sining,

maraming kaparaanang ginagamit sa pagpapahayag ng karanasan,

halimbawa: musika, pagpinta, paglilok, sayaw, dula, atbp.

Kung tatanawin ang pagpapahayag sa wiikang Filipino

bilang isang anyo ng sining, marapat lamang na bigyang-pansin

natin ang tatlong dimension ng pagsulat.

1. Ang masining at istetikong hikayat (artistic and aesthetic

appeal) ng mga malikhaing sulatin na siyang pinakatampok

at minamalas natina ng mahika ng gamit ng wika.

2. Kasunod ng herarkiyang ito’y ang paggamit ng wika kung

nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri ng wikang

ginagamit sa mga pahayagan. Ito’y tinatawag na expressive

purpose ayon kay Samuel (1988)

3. At ang pinakagamiting dimension hinggil sa hikayat ng

Page 52: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagsulat ay ang functional purpose. Kabilang sa dimensyong ito

ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Ang mga

kombensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga

panimulang gawaing magagamit ng mga mag-aaral sa paglinang ng

mga kasanayan hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap,

pagsusumamo, at iba pa. Laging isaisip na palagay ang sinumang

tao kung alam niyang tinatanggap ng balana ang wikang ginagamit.

Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon

interpersonal na gumagamit ng simbulo at isinusulat/ inuukit sa

isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya’y isang

malapad at makapal na tipak ng bato. Ang pagsulat sa Filipino ay

gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a,b,c…z).

Nahaharap tayo sa iba’t ibang uri ng sulatin araw-araw: ang

dyaryo, adbertisment, phone bills, electric bills, liham, paalaala,

atbp. Hindi lahat ng tao ay nakakasulat kahit na nga ang sinumang

normal na tao ay nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal

Page 53: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

na pagtuturo. Kakaiba ang pagsulat. Kailangan tayong turuan ng

pagsulat at ito’y nagaganap sa paaralan.

MGA URI NG SULATIN

1. Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na

balangkas, at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri ng sulatin ng

mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang

paniniwala, damdamin, pag-iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila

sa kanilang sarili.

2. Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang

pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang impormasyon o mensaheng

nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng

ganitong sulatin.

3. Malikhaing Sulatin – masining na paglalahad ng naiisip o

nadarama at karaniwang binibigyang-pansin ang wikang ginagamit

sa sulatin. Ito’y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad

ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya’y

isang libangan.

Page 54: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang Filipino3 o ang Sining ng Retorika ay sumasaklaw sa

malikhaing pagsulat, kaugnay ng apat na paraan ng pagpapahayag

nang may pokus sa iba’t-ibang estilo ng wika. Lilinang ang

assignaturang ito sa mga kasanayan na pasalita at pasulat na

pagpapahayag ng mga mag-aaral.

Ang Retorika ay isang mahalagang karunungan ng

pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na

pagsasalita at pagsulat (Dinglasan; 2001). Kung ang balarila ay

nauukol sa kawastuhan, sa kaibhan ng tama sa maling

pangungusap, ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng

malinaw, mabisa, maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.

Samakatuwid, ang retorika ay isang sining ng diskurso,

pasalita man o pasulat, may kapangyarikhang makapagbigay-saya,

nananatili dahil sa kayamanan at kakaibhan ng wika at kung ang

isang pahayag ay naipapahayag lamang sa isang paraan, walang

retorika, at sinasabing ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika

sapagkat may iba’t-ibang pamimilian o alternatibo.

Page 55: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang mga kaayusan ng salita ay dinidikta ng

gramatika/balarila. Ang pagpili ng salita ay retorika. Sa ibang

salita, inuutos ng gramatika ang tamang paggamit ng salita upang

makabuo ng mga pangungusap na gramatika, iminumungkahi ng

retorika ang pinakamabisang paggamit ng salita, upang makabuo ng

pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat

sa lakas o dating ng mensahe sa nakiking o nagbabasa.

Ayon kay Sauco (1998) may tatlong simulain ng

Pagpapahayag:

1. Kalinawan- Ipinalalagay na may kalinawan ang

isang pahayag kung ito’y madaling maunawaan. May tatlong bagay

na makatutulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag:

a. Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan

nang hindi mapagkamalan.

b. Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may

pagkakaugnay (pambalarila at panretorika).

c. Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at

Page 56: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

wasto ang baybay kung pasulat.

2. Kapamigatan- Ipinalalagay na mabigat ang isang

pahayag kung may mga sumusunod na katangian:

a. Makatotohanan at ito’y di matutuklasang may

kasinungalingan pagkalipas ng ilang panahon. May mga pahayag

na waring totoo kaya’t madaling paniwalaan ngunit sa dakon huli

ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na

gamitin ng pagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag.

b. Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may

awtoridad sa paksa.

c. Kinakailangan ng katapatan na tanda ng pagiging

marangal.

d. Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang

karanasan at pananampalataya ng tao. Dapat pahalagahan ang

dignidad ng isang tao.

3. Kagandahan- May kagandahan ang pananalita kung

may mga sumusunod:

Page 57: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

a. Kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang

ipinapahayag at tunog ng mga salita.

b. Wastong bigkas ng mga salita

c. Matalinghaga ang diwang ipinapahayag

d. Kalugud-lugod na pagsasama-sama ng mga salita

sa pagbuo ng mga pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa

nakikinig o bumabasa.

e. Paggamit ng mga salitang makahulugan at

malarawan.

Narito ang balangkas ng mga araling nakapaloob sa Filipino

3-Ang Sining ng Retorika:

I. Ang Retorika at Mabisang Pagpapahayag

II. Mga Patalinghagang Pagpapahayag

III. Ang Pagsasaling-Wika

IV. Kawastuhang Pambalarila

V. Mga Uri ng Pagpapahayag

A. Ang Pagsasalaysay

Page 58: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

B. Ang Paglalarawan

C. Paglalahad

D. Pangangatuwiran

Ang Filipino 4- Panitikang Filipino ay ang panghuli sa mga

Minor subjects na itinakda ng General Education Curriculum.

Para kay Casanova (2001), ang panitikan ay pangunahing

salamin ng kultura ng isang sambayanan. Dito nalalarawan ang

kanyang kahapon, ngayon at bukas. Sadyang nagkakaroon ito ng

iba’t-ibang anyo na bunga ng pagpapahayag ng damdamin at

kaisipan ng iba’t-ibang tao. Kadalasang nagsisimula ito bilang

pasalitang pagpapahayag o salin-dila hanggang sa landasin nito ang

daan tungo sa pagkalimbag. Sa ganitong paraan, natatanto ng

nagsisisunod na salin-lahi ang mga pangyayari at kaisipan ng mga

nauna sa kanila. Namamatay ang mga tao at nagpapalit-palit ang

mga henerasyon subalit nananatiling walang kamatayan ang

panitikan. Ang panulat ng mga tao’y lalagi sa kabang-yaman ng

bansa. Patuloy itong dadaloy sa kamalayan ng mga susunod pang

Page 59: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

lahi. Mananatiling buhay ang pagpapahalaga ng mga tao sa kultura

ng lahi na ipinapahayag sa mga tula nito; sa mga sanaysay,

maikling kuwento, nobela at lahat ng anyo ng pagpapahayag.

Para kay Santiago (1989), ang panitikan ay nagbubunsod sa

pagkilos ng mga mamamayan sa knailang pagkamakabayan o

nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang

damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at

katarungan.

Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo

kundi ito’y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga

mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan

ng kultura ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng bawat

panahon. Ito’y walang paglipas hanggang may tao sa sandaigdigan.

Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamtayang tumatanglaw sa

kabihasnan ng tao.

May limang mahahalagang bagay kung bakit dapat tayong

mag-aral ng Panitikang Pilipino (Santiago; 1989)

Page 60: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at

matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng

ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na

tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang

sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating

bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat

ng panitikan at makapagsananay na ito’y matuwid at mabago.

4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa

pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling

kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating

sariling panitikan.

Nahahati naman sa dalawa ang uri ng panitikan: (Sauco;

1997)

1. Patula- Ito’y nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama

Page 61: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng

mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod

sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang

liriko, tulang pasalaysay, tulang pantanghalan, at patnigan.

2. Tuluyan o Prosa- Ito’y nabubuo sa pamamagitan ng

malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.

Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-

akda. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kuwento,

nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita, at

editoryal.

Isa sa mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga

mag-aaral ay ang kurikulum. Ang terminong kurikulum ay nagmula

sa salitang Latin na currere, na ang ibig sabihin ay “tumakbo”. Sa

pananalitang edukasyonal, ang pagtakbo ay tumutukoy sa pagtupad

ng mga mag-aaral sa mga pangangailangang pang-akademiko na

nakapaloob sa kanyang kurso sa isang takdang panahon.

Page 62: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

May tatlong pagkakahati ang kurikulum: (Acero; 2000)

1. Academic Curriculum- Tumutukoy sa pormal na listahan ng

mga kurso ng bawat paaralan, na nakapaloob sa mga syllabus.

2. Extra Curriculum- Tumutukoy sa mga aktibidad at samahan

na itinataguyod ng paaralan, tulad ng isports, mga samahang

lilinang sa kanilang kakayahang umarte, sumayaw, kumanta, atbp.

3. Hidden Curriculum- Tumutukoy ito sa mga hindi

nakaplanong mga aktibidad pangkaalaman. Ito ay impormal na

bahagi ng kurikulum na kung saan nakapaloob ang 3R’s (rules,

regulations, and routines).

May limang gawain ang Kurikulum (Acero; 2000):

1. General Education- Ito’y bahagi ng kurikulum na nagbibigay

ng mahahalagang saligang karunungan na kinakailangan ng tao.

Ang mga assignaturang nakapaloob ditto ay nauukol sa wika,

siyensiya, matematika, humanidades, sining, atbp.

2. Specialized Education- Nakapaloob dito ang mga

Page 63: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

assignaturang nakatuon sa larangan ng ispesyalisasyon (major

subjects) ng mga mag-aaral.

3. Exploratory Education- Ito’y nasa anyo ng electives,

cognates, minor, o allied subjects. Layunin nitong makapagbigay

ng pagkakataon sa mga mag-aaral na alamin nila kung sang kurso o

larangan ng pag-aaral sila nabibilang.

4. Enrichment Education- Ang bahaging ito ng kurikulum ay

naglalayong pagyamanin ang mga taglay na kaalaman at karanasan

ng mga mag-aaral bukod pa sa kanilang mga natutuhan sa General,

Specialized, at Exploratory Education.

5. Special-interest Education- Layunin nitong linangin ang mga

hilig ng mag-aaral bukod pa sa larangan ng kanilang

ispesyalisasyon.

Ayon kay Palma (1992), may 3 elemento ang kurikulum:

1. Layunin

2. Pamamaraan

3. Pagtasa sa Kahihinatnan

Page 64: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang Kurikulum ay patuloy na umuunald upang ito’y lalong

maging mabisa. Subalit ayon kay Aquino (1985), ang

ikapagtatagumpay o ikabibigo ng kurikulum ay nakasalalay sa

guro. Ito ay sa kadahilanang sila ang tagapagsalin ng mga

nilalaman ng kurikulum tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Itinuturing din na mahalagang salik ang pagkakaroon ng

maayos at kumpletong pasilidad ng paaralan. Kaya naman ang

DepEd ay may sinusunod na malinaw na paraan at modelo sa

pagbili at pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan.

Kinakailangan ng maingat na pagpaplano bago bumili ng mga

kasangkapan o magpatayo ng mga pasilidad upang ito’y

mapakinabangan sa mahabang panahon.

Mahirap para sa mga guro ang magturo sa paaralan na kulang

sa mga kagamitang panturo at sa silid na sira ang kaanyuan nito.

Ang anyo at kalidad ng mga kagamitang panturo ay may malaking

papel na ginagampanan sa ikapagiging mabisa ng pasilidad ng

paaralan sa gawaing pagtuturo. Ayon kay Gregorio (1961), ang

Page 65: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

paaralang may maayos at mahusay na mga pasilidad ay isang

mahalagang kontribusyon sa kapakanang panlahat ng mga mag-

aaral at maging sa buong komunidad, dahil ang paaralan ay

itinuturing na sentrong pang-komunidad.

Inilahad sa Manual of Regulations for Public Schools

(Revised Edition, 1998) ang mga patakaran, na hangga’t maari ang

mga silid ng paaralan ay:

1. Malayo sa lugar na maaaring pagmulan ng apoy, at ang

pagtuturo ay hindi naaapektuhan ng ingay [ng trapiko].

2. May maayos na plano at lugar na pinagdaraanan ang mga

mag-aaral kung sakaling magkaroon ng sunog, bagyo, lindol, atbp.

3. May mga kagamitan tulad ng pamatay-sunog at mga lugar

tulad ng “fire exit”.

4. May sapat na dami ng comfort rooms na laging

pinananatiling malinis.

5. Sapat na naiilawan at may maayos na bentilasyon.

6. Naglalaman ng sapat na espasyo, at kasangkapan para sa

Page 66: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pangangailangang panlahat ng buong akademikong komunidad.

7. Hindi gagamitin bilang sa anumang paraan na

makahahadlang sa mga gawaing pampaaralan.

8. Nagtataglay ng silid-aklatan, opisina ng mga tagapangasiwa

ng paaralan, at guro na madaling hanapin at puntahan.

9. May sapat na mga kagamitang pang-laboratoryo para sa mga

kumukuha ng kurso sa larangan ng agham.

10. May sapat na laki para sa mga empleyado na tumutugon sa

mga pangangailangan ng mag-aaral.

Sa pagpaplano at pagpapatayo ng mg pasilidad, narito ang

mga salik na nararapat isaalang-alang (Gregorio; 1961):

1. Lugar

2. Kalusugan

3. Kaligtasan

4. Pagpapailaw

Page 67: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

B. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa Ibang Bansa

Tinalakay ni Rosenshine (1995) ang nauukol sa pag-unlad ng

pagtuturo na resulta ng tatlong bahagi ng pananaliksik na kanyang

isinagawa sa loob ng 25 taon. Ang mga pananaliksik ay nauukol sa

prosesong kognitibo, pag-aaral sa mga gurong humahawak ng klase

na nakakuha ng pinakamataas na mark, at pananaliksik sa

pamamaraang kognitibo. Tinangka ng pag-aaral na ito na alamin

ang mga gawi ng guro na may kaugnayan sa pagtatagumpay ng

mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Mula 1955 hanggang 1980,

mahigit 10 magkakaugnay at eksperimental na pag-aaral ang

isinagawa. Dalawang bagay ang natuklasan mula sa mga

isinagawang pananaliksik na may kaugnayan sa pagtuturo. Una ay

ang kahalagahan ng maikling hakbang sa pagtuturo at ang

kahalagahan kahalagahan ng gabay ng mga guro kapag may

pagsasanay ang mga mag-aaral.

Page 68: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Bilang buod, ang epektibong guro ay ginagawa ang mga

sumsunod: nagpapakilala ng mga bagay/ kaisipan sa isang tiyak na

panahon, ginagabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglutas ng

mga problemang pang-akademiko, binibigyan ng pagkakataon ang

mga mag-aaral na mapag-aralan ang mga bagong kaisipan na

itinuro, sinisiyasat ang komprehensyon ng mga mag-aaral, at

pinipigilan ang pagbubuo ng maling pagkaunawa sa mga mag-

aaral.

Marami nang pananaliksik ang isinagawa upang malamna

ang epekto ng iba’t-ibang estilo sa pagkatuto (learning styles).

Tulad ni Cafferty (1980) na kung saan ipinakita niya na kapag

estilo ng mga mag-aaral at guro ay nagkatugma pagdating sa pag-

aaral at pagtuturo, mas mataas ang nakukuhang marka o grado ng

mga mag-aaral sa klase. Idinagdag pa niya na kapag hinayaan ang

mga mag-aaral sa nais nitong estilo ng pag-aaral, mas mataas ang

mga nakukuhang marka nito sa pagsusulit at sa mga pagsasanay

(Dunn; 1989).

Page 69: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Iniulat ni Dunn, Deckinger, Withers, at Katzenstein (1990)

na ang pagtutugma ng mga pamamaraan sa pagtuturo at mga estilo

sa pag-aaral ng mga estudyante ay hindi lamang nakapagdudulot ng

makahulugang pagtatagumpay sa larangang pang-akademiko kundi

nababago nito ang mga gawi sa pag-aaral at nakakabawas ng

kaligaligan s amga mag-aaral.

Sa Pilipinas

Isa sa mga pangangailangan ng pag-aaral ng wika ay ang

pagsasanay sa paggamit ng wikang kanyang pinag-aaralan. Ito ay

maaari lamng magamit sa isang kaligirang relaks at impormal at

makakaramdam ng seguridad ang mga mag-aaral. Ipinahihiwatig

nito ang pangangailangan ng gurong makahikayat sa mga mag-

aaral na makilahok sa mga gawaing pang-komunikasyon at

magbibigay sa mag-aaral ng mga pagsasanay na angkop sa kanilang

pangangailangan. Ipinahihiwatig pa rin nito ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng gurong mabisang gumamit ng wika para

maisakatuparan ang kanyang mga tungkulin sa mag-aaral. Ang

Page 70: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

paraan ng paggamit ng wika ay nagpapahiwatig ng personalidad at

pagkatao ng isang guro.

Sa pag-aaral ni Quinto (1998) tungkol sa paggamit ng

Filipino bilang wikang panturo sa mg assignaturang pangkolehiyo

sa Dalubhasaang Columban, inihayag niya ang mga sumusunod na

rekomendasyon batay sa kanyang isinagawang pagsasaliksik:

1. Manindigan sa pagpapayaman at pagpapayabong ng Filipino

bilang pambansang wika, ayon sa itinatadhana ng Konstitusyon sa

patakarang pang-wika na gagabay sa paggamit sa Filipino bilang

midyum ng pagtuturo at opisyal na wika sa komunikasyon.

2. Puspusang isulong ang paggamit at pagpapayaman ng

Filipino bilang wikang panturo. Sa ganitong tunguhin, gagamitin

ang Filipino hindi lang midyum ng pagtuturo kundi wika sa

pananaliksik, gawaing panlabas at opisyal na komunikasyon.

3. Tuunan ng pansin ang produksyon ng mga gamit-panturo

tulad ng isinasagawa sa Proyektong Aklatang Bayan. Marami nang

teksbuk sa agham at matematika para sa mataas na paaralang

Page 71: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

naisulat at nailimbag.

4. Magpalinang ng pananaliksik batay sa mga sumusunod na

paksa:

4.1 Pagtataya ng mga nalinang na kagamitang instruksyonal sa

Filipino

4.2 Ebalwasyon sa pagsasagawa ng mga pag-aaral sa kolehiyo

sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng panturo o opisyal na

wika ng komunikasyon.

Inilahad naman ni Arias (2000) ang kanyang mga

rekomendasyon na nauukol sa pagiging epektibong guro at ang

implikasyon nito sa kagalingan ng mga mag-aaral. Narito ang ilan:

1. Pagbibigay pansin sa ebalwasyon ng mga mag-aaral bilang

lehitimong feedback sa pagiging epektibo ng pagtuturo. Sa

pamamagitan nito, mapapabuti ng mga guro ang kanilang

pagtuturo.

2. Kinakailangang bigyan ng mga pagkakataon ang mga guro

na makadalo sa mga seminar, training, at pagkuha ng mga kurso sa

Page 72: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

antas gradwado. Ito ang daan upang mapaunlad nila ang kanilang

mga katangiang propesyonal at pansarili.

3. Pagtutulungan ng mga guro at mga tagapangasiwa ng

paaralan upang mapabuti ang maagang pagpasok ng mga guro sa

kani-kanilang klase.

Sa pag-aaral ni Panis (1998) ukol sa kaugnayan ng

pamamahal ng klase sa performance ng mga mag-aaral, narito ang

ilan sa kanyang mga rekomendasyon:

1. Bigyan ng orientasyon ang mga guro ukol sa pamamahala ng

klase sa pamamagitan ng miting, seminar, workshop, at

komperensiya. Dito tatalakayin ang mga makabagong estratehiya at

pamamaraan sa pagtuturo upang mapabuti ang kagalingan ng mga

mag-aaral.

2. Pagpapatupad ng Parent Learnig Support System (PLSS).

Magiging kaakibat ng mga guro ang mga magulang ng mga mag-

aaral sa pagtuturo at paghubog ng tamang kaasalan ng mga mag-

aaral pagdating sa pag-aaral.

Page 73: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Narito naman ang ilan sa mga rekomendasyon ni Soriano

(1998) mula sa kanyang pag-aaral ukol sa gawi at pagpapahalaga

ng mga guro sa kanilang propesyon:

1. Patuloy napagyamanin ang kanilang mga kakayahan tungo sa

makabagong pamamaraan ng pagtuturo, para higit nilang

magampanan ang kanilang mga gawain at responsibilidad- na

hubugin ang kaisipan ng kanilang mga mag-aaral.

2. Hinihikayat sa mga guro ang pagsasagawa ng ebalwasyong

pansarili (self-evaluaton) upang malamn kung naisasagawa nila ng

maayos at mabisa ang mga layunin ng bawat paaralan.

C. Relasyon ng mga Nakaraang Pag-aaral sa mga Bagong

Pananaliksik

Sa pagsusuri ng mga pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas,

malinaw na may pagkakahalintulad at pagkakaiba sa kasalukuyang

pag-aaral na nagpapatibay sa mga pangangailangan ng

pagpapaunlad ng pagtuturo ng Wikang Filipino.

Page 74: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ang mga pampanitikang pananaw sa Pilipinas ay tuwirang

naglahad at nagpaliwanag ukol sa mga salik na nakakaapekto sa

komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino.

Tinalakay ng lubos ang bawat salik na nakapaloob sa paksang

suliranin.

Ang mga pag-aaral ni Qunito, Arias, Panis, at Soriano ay

may pagkakahalintulad sa kasalukuyan pag-aaral dahil ang kanilang

ginamit na mga baryabol ay patungkol sa wikang Filipino at ang

pamamaraan na kanilang pagsasaliksik ay paglalarawan.

Subalit, ang mga nabanggit na isinagawang pag-aaral ay may

pagkakaiba rin sa kasalukuyang pag-aaral: una ay sa lugar kung

saan isinagawa ang pag-aaral, ikalawa ay ang mga respondent sa

pag-aaral, at ikatlo ay ang ginamit na statistical design at kagamitan

sa pag-aaral.

Bilang kabuuan ng ginawang pananaliksik, ito ay hindi pag-

uulit o replikasyon ng pag-aaral o anumang mga pag-aaral na

isinagawa.

Page 75: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Kabanata 3

DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng pamaraan ng

pananaliksik; anyo ng populasyon at paglalarawan; instrumento at

paglilikom; at pagpapahalaga sa mga datos o tala.

Ginamit na Pamaraan ng Pananaliskik

Ang nananaliksik ay gumamit ng paglalarawang pamaraan

ng pananaliksik. Ayon kay Sevilla (1990) ang palarawan na

pamaraan, bilang kabuuang pangangalap ng datos o tala, ay

naglalayong masubok ang haka o palagay o kaya ay aksagutan sa

tanong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng paksang pinag-aralan.

Para kay Good at Scates, ang palarawang pananaliskik ay

nagpapakahulugan ng mga pag-aaral na naglalayong ilahad ang

mga bagay o pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan. Halimbawa

nito ay ang mga impormasyong patungkol sa isang grupo ng mga

tao, bilang ng mga bagay, pangkat ng mga kalagayan o kondisyon

Page 76: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

at pangyayari, sistema ng kaisipan, mga uri ng penomena o

karanasan na maaaring pag-aralan.

Ang pagsisiyasat na gagawin ay nangangailangan ng

makatotohanang impormasyon na naglalaman ng mga nakalap na

datos o impormasyong nasuri, nilagom at ipinakahulugan sa

layuning makita ang mga salik na nakakaapekto sa komprehensyon

ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino. Kaya’t ang palarawang

pamaraan ang pinaka-angkop na gamitin sa pag-aaral na ito.

Respondents

Ang pokus ng pag-aaral ay binubuo ng lahat ng mga mag-

aaral sa Dalubhasaang Columban ngayong tag-araw (summer

classes). Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng

pamamahagi ng talatanungan. Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga

mag-aaral, sampung (10) mag-aaral lamang ang kinuhang

respondent, bawat sabjek na bumubuo sa assignaturang Filipino

(Filipino 1-4)

Page 77: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Instrumento

Ang talatanungan ang pangunahing instrumento na ginamit

sa pag-aaral na ito. Ito ay nahahati sa apat na bahagi:

Unang Bahagi- Pansariling Datos

Mga datos na sumusunod: Pangalan (optional), Gulang,

Kasarian, Paaralang Pinagtapusan (hayskul), Departamentong

Kinabibilangan, Kurso at Antas (year level), Antas o grdaong

nakuha sa Filipino.

Ikalawang Bahagi- Ang Guro at ang Pagtuturo

Nakapaloob ditto ang mga Kasanayan, Kabatiran sa Paksa,

Pangangasiwa sa Silid-Aralan, Kasanayan sa Pag-eebalweyt, at

Personalidad ng Guro.

Ikatlong Bahagi- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan

Kasama rito ang pagsusuri sa kaayusan at kalagayan ng mga

silid, pati ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga sangguniang

aklat.

Ikaapat na Bahagi- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral

Page 78: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Ito’y isinagawa sa pamamagitan ng maikling pagsusulit na

kinapapalooban ng limang tanong patungkol sa mga araling

Filipino na tinatalakay sa Antas Tersyarya.

Nagsagawa din ng mga pakikipanayam at mga pansariling

obserbasyon sa mga bagay na nangangailangan ng paglilinaw.

Pagkamay-Bisa ng Instrumento

Ang burador ng talatanungan ay sinubukan sa isang klase ng

Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina. Layunin

nitong makita ang mahihina at malalabong bahagi o bilang sa

instrumento. Kagyat itong inirebisa at iniwasto ng mananaliiksik.

Pamamaraan ng Pagtitipon ng Datos

Ang kapahintulutan na magsagawa ng pag-aaral,

pamamahagi ng talatanungan sa mga mag-aaral ay hiningi ng may

kapahintulutan sa Pangulo at sa Pangalawang Pangulo para sa

Kalakarang Pang-Akademiko ng Dalubhasaang Columban.

Page 79: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Pagbibigay-Halaga sa Datos

Ang mga nakalap na datos ay itinala, hinanay at isa-isang

sinuri. Narito ang mga pormulang istatistikal na ginamit:

1. Percentage- Ito’y ginamit upang malaman ang kabuuan ng

mga tagasagot.

2. Mean- Ginamit upang matuklasan ang persepsyon ng mga

respondent.

Kung Saan:

X= Mean

Σ= Summation

f= Frequency

N= Kabuuang Dami ng “kaso” (Respondent)

Katumbas ng paglalarawang antas sa halagang numerikal:

Numerical Value Scale Description Rating

3 2.51-3.00 Mabisa

2 1.51-2.50 Katamtaman

1 1.00-1.50 Hindi Mabisa

Pormula: %=f /nx100

Kung Saan:

%= Percentage

f= Frequency

N=Kabuuang

Dami ng “kaso”

(Respondent)

Pormula: x=Σfx/N

Page 80: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

TALASANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Abad, Marietta A. Filipino Bilang Tanging Gamit. Mandaluyong

City: National Book Store Inc., 1995

Acero, Victorina O. et.al Principles and Strategies of Teaching.

Quezon City: Rex Printing Company Inc., 2000

Aquino, Gaudencio V. Principles and Methods of Effective

Teaching. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1988

Ausubel, David P. Educational Psychology: A Cognitive View.

New York: Holt Rineheart, and Winstron, 1968

Badayos, Paquito B. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Makati City:

Grandwater Publications and Research Corporation, 2000

Belvez, Paz M. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex

Printing Company, 2000

Borich, Gary D. The Appraisal of Teaching: Concepts and Process.

Massachusetts: Addison-Wesley Publishing Co., 1977

Calderon, Jose F. Principles and Methods of Teaching. Quezon

City: Great Books Trading, 1998

Cooper James M. Classroom Teaching Skills. USA: Houghton

Mifflin Company, 1999

Dinglasan, Resurreccion D. Retorikang Filipino. Manila: Rex

Printing Company Inc., 2001

Page 81: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Gregorio, Herman C. Principles and Methods of Teaching. Quezon

City: Garotech Publishing, 1976

Gregorio, Herman C. School Administration and Supervision.

Quezon City: R.P. Garcia Publishing Company, 1961

Guamen, Pructuosa C. et.al. Tanging Gamit ng Filipino. Qezon

City: Rex Printing Company Inc., 1986

Lardizabal, Amparo S. et.al Principles and Methods of Teaching.

Quezon City: Phoenix Press Inc., 1991

Ornstein, Allan C. Teaching: Theory in Practice. Massachusetts:

Allyn and Bacon, 1995

Palma, Jesus C. Curriculum Development System, A Handbook for

School Practitioners in Basic Education. Mandaluyong City:

National Book Store Inc., 1992

Papa, Nenita P. Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Manila:

Booklore Publishing Corporation, 2000

Raths, James, John R. Pamcella, and James S. Van Ness, eds.

Studying Teaching 2nd

Edition. New Jersey: Prentice Hall Inc.,

1971

Santiago Erlinda M. et.al Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-

unlad. Mandaluyong City: National Book Store Inc., 1989

Sarmiento, Ulpiano P. Manual of Regulations for Private Schools

Annotated. Quezon City: Risen Publishing, 1998

Sauco, Consolacion P. et.al Panitikang Filipino: Pandalubhasaan.

Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1997

Page 82: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Sauco, Consolacion P. et.al Retorikang Filipino: Pang-antas

Tersyaryo. Quezon City: Katha Publishing Co. Inc., 1998

Tumangan, Alcomtiser P. et.al. Sining ng Pakikipagtalastasan.

Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation,

2001

B. Babasahin

Dunn, R. Beaudry, J.S. and A. Klavas. 1989. “Survey of Research

on Learning Styles”. Educational Leadership VI (6), March 1989:

50-55

C. Mga Di-Nalathalang Tesis

Arias, Elizabeth G. “Teacher Effectiveness As Perceived By the

Students of Selected Private Secondary schools in Olongapo City:

Implication to Student Performance and Progress.” Unpublished

Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City, 2000

Quinto, Concepcion S. “Ang Paggamit ng Filipino Bilang Wikang

Panturo sa mga Assignaturang Pangkolehiyo sa Dalubhasaang

Columban Lungsod ng Olongapo.” Unpublished Master’s Thesis,

Columban College, Olongapo City, 1998

Panis, Flordeliza P. “Relationship of Classroom Management with

the Performance of Pupils at District III Olongapo City.”

Unpublished Master’s Thesis, Columban College, Olongapo City,

1998

Soriano, Levy P. “Attitudes and Values of Olongapo City District II

Teachers Towards the Teachers Profession.” Unpublished Master’s

Thesis, Columban College, Olongapo City, 1998

Page 83: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

APPENDIKS

Page 84: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo

Mayo 17, 2004

Rev. Fr. Daniel O. Presto

Pangulo ng Dalubhasaang Columban

Lungsod ng Olongapo

Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng

talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay

may kaugnayan sa aking pag-aaral na “Mga Salik na Nakakaapekto sa

Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas

Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004”

Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo,

ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.)

Mananaliksik

Page 85: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Dalubhasaang Columban, Lungsod ng Olongapo

Mayo 17, 2004

Dr. Antonia Balde

Pangalawang Pangulo para sa Kalakarang Pang- Akademiko,

ng Dalubhasaang Columban

Lungsod ng Olongapo

Ako po ay humihingi ng inyong pahintulot na makapagbigay ng

talatanungan sa mga mag-aaral ng Columban sa Antas Tersyarya. Ito po ay

may kaugnayan sa aking pag-aaral na “Mga Salik na Nakakaapekto sa

Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa Assignaturang Filipino sa Antas

Tersyarya, Klase sa Tag- Araw 2004”

Umaasa po akong bibigyan ninyo ako ng karampatang tugon.

Lubos na Sumasainyo,

ERNEL F. GALANG JR. (Sgd.)

Mananaliksik

Page 86: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

TALATANUNGAN

“Pagsusuri sa Pananaw ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang salik na

nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa assignaturang Filipino

ng Dalubhasaang Columban, sa Antas Tersyarya”

Panuto: Tsekan ang katumbas na sagot sa kaukulang bilang o aytem. At kung

hinihinging sagot ay letra, salita o parirala, mangyaring punan o sulatan ang

kaukulang blangko.

Bahagi I- Pansariling Datos

1. Pangalan (optional) - _____________________________

2. Gulang _______

3. Kasarian:

____Lalaki ____ Babae

4. Paaralang Pinagtapusan (hayskul) ___________________

____Public ____Private Non- Sectarian

____Private

5. Departamentong Kinabibilangan:

____Architecture ____Engineering

____Arts and Sciences ____ ITC

____Commerce ____Nursing

____Education

Page 87: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

6. Kurso at Antas (year level) _______________________

7. Antas o [huling] markang nakuha sa Filipino:

____4th

Year High School

____Sining ng Pakikipagtalastasan (FIL111/PL111)

____Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t- Ibang Disiplina (FIL121/PL121)

____Retorika (FIL211)

____Panitikan ng Pilipinas (FIL221/PL221)

8. Pangalan ng Guro______________________________

Bahagi II- Ang Guro at ang Pagtuturo

Panuto: Isulat ang mga letra sa blangko kung ang mga sumusunod ay:

M- Mabisa

K- Katamtaman

HM- Hindi Mabisa

A. Kasanayan sa Pagtuturo

1. Pumipili, naghahanda at gumagamit ng mga kagamitang panturo. ____

2. Gumagamit ng Iba’t-Ibang teknik at istratehiya sa masigla at kawili-

wiling pagtuturo. ____

3. Naglalahad at nagpapaliwanang ng aralin, gumagamit ng angkop na

mga ilustrasyon, mga halimbawa, at mga kagamitang biswal. ____

4. Nagagawang laging masigla at buhay na buhay ang mga talakayan,

Page 88: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

pagpapaliwanang at palitang kuro. ____

B. Kabatiran sa Paksa/ Assignaturang Itinuturo

1. May ganap na kabatiran sa nilalaman ng kursong (course content)

itinuturo. ____

2. Malawak at higit na malalim ang kabatiran ng guro sa paksa,

assignatura, kursong itinuturo na ipinahihiwatig ng kanyang kahusayan

at kasanayan sa malinaw, wasto, angkop na paliwanag at pagtalakay sa

aralin. ____

3. May kaalaman hindi lamang sa saklaw ng kurso/ assignatura o

disiplinang itinuturo kundi gayon din sa kaugnayan nito sa iba

pang kurso, assignatura, o disiplina. ____

4. May laging bago at up-to-date na kabatiran hinggil sa itinuturo. ____

C. Pangangasiwa sa Silid-Aralan

1. Sinisikap ng guro na magkaroon ng kaaya-ayang kaligiran sa silid-

aralan. ____

2. May kaiga-igayang kaligirang sosyal, magandang relasyong guro-mag-

aaral, mag-aaral-mag-aaral. ____

D. Kasanayan sa Pag-eebalweyt ng Mag-aaral

1. May kasanayan sa pagbuo at paghahanda ng angkop na pagsusulit

na epektibong susukat sa antas ng pagkatutong naganap, susukat sa

Page 89: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

kasanayan, lakas at kahinaan ng mag-aaral. ____

2. Hindi siya maramot sa pagbibigay ng kaukulang papuri sa mga mag-

aaral na may magandang “performance” o sa mga mag-aaral na karapat-

dapat sa papuri. ____

3. Sinisikap na maging fair at may pantay-pantay na pagtingin sa bawat

miyembro ng kanyang klase. Iniiwasan ang pagkakaroon ng mga

paboritong mag-aaral sa klase. ____

E. Persoalidad ng Guro

1. May kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, may diwa ng

paluwag-tawa (sense of humor). ____

2. May katamtamang lakas ng tinig na nagagamit niya sa malinaw na

pagpapaliwanang ng aralin. ____

3. May mataas na antas ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, sa gamit ng

wika, lalo na ng Filipino. ____

4. Maunlad, mapanaliksik, malikhain, mapamaraan, at may pagkukusa.

____

Bahagi III- Ebalwasyon sa mga Pasilidad ng Paaralan

1. Maayos na silid (classroom) para sa pag-aaral. ____

2. Naglalaman ang silid-aklatan ng mga bagong sangguniang aklat na

tumatalakay sa iba’t-ibang aralin na nauukol sa Filipino. ____

Page 90: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

3. May mga nakatakdang silid para sa iba’t-ibang gawain. ____

Bahagi IV- Pagsukat sa Kaalaman ng mga Mag-aaral

1. Prosesong sosyal o panlipunan na bunga ng interaksyong proseso ng

mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa

pagkatuto.

____Pagbasa ____Pagsulat ____Pakikipagtalastasan

2. Isang patuloy na siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghula,

pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan.

____Pagbasa ____Pagsulat ___Retorika

3. Pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang

wika.

____Ponolohiya ____Morpolohiya ____Sintaksis

4. Pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

____Ponema ____Morpema ____Sintaksis

5. Tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at

pagsulat.

____Retorika ____Morpolohiya ____Sintaksis

“Salamat sa Inyong Pagtugon”

ERNEL GALANG JR.

BSED-Filipino

Page 91: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

CURRICULUM VITAE

Batay sa pangkasalukuyang impormasyon (2012)

I. PANSARILING DATOS

Pangalan: Ernel Galang Jr. Kalagayang Sibil: Single

Edad: 27 taong gulang Kasarian: Lalake

Lugar: Lungsod ng Olongapo

II. MGA PAARALANG PINASUKAN

Graduate: Tertiary: Secondary:

St. Joseph’s College

Bulacan State University

Graduate Studies

Consortium

Master of Arts in

Education- Major in

Educational Management

Completed Academic

Requirements

Columban College, Inc.

Olongapo City

Bachelor of Secondary

Education- Major in

Filipino (BSED-F)

Year Graduated: 2006

Olongapo Wesley School

Olongapo City

Year Graduated: 2002

Page 92: Panukalang Tesis (BSED-Filipino) Klase sa Tag-araw: 2004

III. MGA KARANASAN SA TRABAHO

“Secondary School Teacher”

September 2009-present

Kalalake National High School

14’th Street New Kalalake, Olongapo City

“College Instructor (part-time)”

June 2007-present

Subic Bay Colleges, Inc

#3 18’th Street West Bajac-Bajac, Olongapo City

June 2009-October 2010

Colegio de Castillejos

Brgy. San Roque, Castillejos, Zambales

“High School Teacher”

Academic Year 2006-2007

Little Angel Study Center, Inc.

32 3rd

Street West Tapinac, Olongapo City