14
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

Panitikan sa panahon ng himagsikan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKANANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIKKALIGIRANG KASAYSAYANHindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Himagsikan==maalab

Citation preview

Page 1: Panitikan sa panahon ng himagsikan

PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

Page 2: Panitikan sa panahon ng himagsikan

ANG PANAHON NG TAHASANG

PAGHIHIMAGSIK

Page 3: Panitikan sa panahon ng himagsikan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

Page 4: Panitikan sa panahon ng himagsikan

Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Himagsikan

==maalab na damdaming makabayan

==panunuligsang pampulitika

Page 5: Panitikan sa panahon ng himagsikan

ANDRES BONIFACIO• kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN”

• hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan”

• umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA

• lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat

Page 6: Panitikan sa panahon ng himagsikan

MGA AKDA NI A. BONIFACIO

1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito

2. HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios”

3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar

4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG –bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila

Page 7: Panitikan sa panahon ng himagsikan

• KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS

Page 8: Panitikan sa panahon ng himagsikan

Katapusang Hibik ng Pilipinas• Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,

kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.    

Page 9: Panitikan sa panahon ng himagsikan

EMILIO JACINTO-isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875

-gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW”

-Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”

-Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio

-Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN

-Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN

Page 10: Panitikan sa panahon ng himagsikan

MGA AKDA NI E.JACINTO

= KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan

= LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng pag-ibig sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala

= A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina

= A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra

Page 11: Panitikan sa panahon ng himagsikan

• Ibigin mo ang Diyos nang buong puso• Laging isaisp na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang

pag-ibig sa bayan at sa kapwa tao.• Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at

kaligayahan ay natatamo sa iyong pagkamatay sa pakikilaban sa ngalan ng iyong bayan.

• Ang lahat ng mabuti mong hangarin ay makakamtan kung ikaw ay mahinahon, matyaga, makatwiran, may pag-asa sa iyong gawain.

• Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga hangarin ng K.K.K.

• Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagmamalupit na matupad ang isang marangal na hangarin, kahit mapilitang ihandog ang sariling buhay at yaman.

Page 12: Panitikan sa panahon ng himagsikan

• Bayaang ang ating sariling pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin ay maging uliran ng iba.

• Bahaginan mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulangpalad sa loob ng iyong makakaya.

• Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan.

• May parusa sa bawat salarin at taksil, at gantimpala sa lahat ng mabuting gawa. Panaligang ang mga puntahin ng K.K.K. na kaloob ng Diyos at ang hangarin hinggil sa iyong bayan ay hangarin din ng Diyos.

Page 13: Panitikan sa panahon ng himagsikan

APOLINARIO MABINI= nagmula sa maralitang angkan

= isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas

= nagtapos ng pagka-manananggol

= tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”

= ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano

= namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

Page 14: Panitikan sa panahon ng himagsikan

MGA AKDA NI A. MABINI

= ANG HIMAGSIKANG PILIPINO –isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban

= SA BAYANG PILIPINO –isang tulang handog sa bayan

= ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto

= EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA-Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino

= PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO

= EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung Utos