14
Emilio Aguinaldo Unang Pangulo ng Pilipinas Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika (President of the First Republic) Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896. Isinilang siya noong March 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ay ika-pito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-aral ito sa mga pribadong paaralan sa kanilang lugar at pinagpatuloy sa Colegei de San Juan de Letran sa Maynila. Naging Gobernadorcillo ng Kawit,Cavite ang kanyang ama at ang kanyang mas nakakatandang kapatid na si Crispulo. Cabesa de Barangay ng Binakayan, Cavite naman siya sa loob ng walong taon at nagging Capitan Municipal din siya ng Kawit. 1896 ikinasal siya kay Niaria del Rosario may limang anak, tatlong babae at dalawang lalaki. Nang siya'y mabiyudo, napangasawa niya si Maria Agoncillo noong 1921. 1894 sumapi si Aguinaldo at si Santiago Alvarez sa Noveleta, Cavita kasama din ang pinsang si Baldomero Aguinaldo sa KKK, lihim silang nagpapalaganap ng kilusan sa Cavite. Nagtayo sila ng Chapter sa Cavite ito ay ang grupong Magdalo. August 31, 1896 nagrebolusyon ang grupo ni Aguinaldo sa kawit, Cavite pagkatapos ng "Unang Sigaw sa Pugadlawin". Rebolusyonaryong Gobyerno ang itinatag ng mga Pilipino noong March 22,1897 at si Aguinaldo ang Presidente. Nakasentro sa Cavite ang pamahalaan ni Aguinaldo ngunit napilitang ilipat ito sa Biak na Bato, Bulubundukin ng Bulacan dahil sa bakbakan ng puwersa ni Aguinaldo at ng mga sundalong kastila. December 14, 1897 nagkaron ng kasunduan sa Biak na Bato. Ang kasunduan na ito ng kastila at ng Pilipinas ay matigil na ang labanan(tigil-putukan), nangako ang mga dayuhan na magkaron ng pagbabago sa gobyerno, papaalisin ang mga prayle at mapang-abusong mga opisyales. Si Aguinaldo at ang ilang piling tauhan sa Hong Kong ang kapalit. Ngunit hindi nasunod ang kasunduang ito dahil sa paglabag ng magkabilang panig(hindi isinuko ng mga Pilipino ang lahat ng kanilang mga armas, sa halip ay ipinambili pa ang perang nakuha ng maraming armas. Hinuli naman ng mga kastila ang mga Pilipinong nagsuko ng kanilang mga baril.) Muling nagbalik si Aguinaldo sa Pilipinas kasama ang mga Amerikano, sila ang ang tumolong sa pag laban sa mga kastila. Hindi nagtagal muling nasakop ni Aguinaldo ang mga lalawigan maliban sa Maynila. Hunyo 12, 1898 itinatag ang unang Pamahalaan sa lalawigan ng Bacoor, Cavite. Dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at unang narinig ang Pambansang Awit ng Pilipinas. August 13,1898 sumuko ang Kastila sa mga Amerikano at inilipat ang pamahalaan sa Malolos, Bulakan at dito

pangulo ng pilipinas

Embed Size (px)

Citation preview

Emilio AguinaldoUnang Pangulo ng Pilipinas Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika (President of the First Republic) Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896. Isinilang siya noong March 22, 1869 sa Kawit, Cavite. Siya ay ika-pito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. Nag-aral ito sa mga pribadong paaralan sa kanilang lugar at pinagpatuloy sa Colegei de San Juan de Letran sa Maynila. Naging Gobernadorcillo ng Kawit,Cavite ang kanyang ama at ang kanyang mas nakakatandang kapatid na si Crispulo. Cabesa de Barangay ng Binakayan, Cavite naman siya sa loob ng walong taon at nagging Capitan Municipal din siya ng Kawit. 1896 ikinasal siya kay Niaria del Rosario may limang anak, tatlong babae at dalawang lalaki. Nang siya'y mabiyudo, napangasawa niya si Maria Agoncillo noong 1921. 1894 sumapi si Aguinaldo at si Santiago Alvarez sa Noveleta, Cavita kasama din ang pinsang si Baldomero Aguinaldo sa KKK, lihim silang nagpapalaganap ng kilusan sa Cavite. Nagtayo sila ng Chapter sa Cavite ito ay ang grupong Magdalo. August 31, 1896 nagrebolusyon ang grupo ni Aguinaldo sa kawit, Cavite pagkatapos ng "Unang Sigaw sa Pugadlawin". Rebolusyonaryong Gobyerno ang itinatag ng mga Pilipino noong March 22,1897 at si Aguinaldo ang Presidente. Nakasentro sa Cavite ang pamahalaan ni Aguinaldo ngunit napilitang ilipat ito sa Biak na Bato, Bulubundukin ng Bulacan dahil sa bakbakan ng puwersa ni Aguinaldo at ng mga sundalong kastila. December 14, 1897 nagkaron ng kasunduan sa Biak na Bato. Ang kasunduan na ito ng kastila at ng Pilipinas ay matigil na ang labanan(tigil-putukan), nangako ang mga dayuhan na magkaron ng pagbabago sa gobyerno, papaalisin ang mga prayle at mapang-abusong mga opisyales. Si Aguinaldo at ang ilang piling tauhan sa Hong Kong ang kapalit. Ngunit hindi nasunod ang kasunduang ito dahil sa paglabag ng magkabilang panig(hindi isinuko ng mga Pilipino ang lahat ng kanilang mga armas, sa halip ay ipinambili pa ang perang nakuha ng maraming armas. Hinuli naman ng mga kastila ang mga Pilipinong nagsuko ng kanilang mga baril.) Muling nagbalik si Aguinaldo sa Pilipinas kasama ang mga Amerikano, sila ang ang tumolong sa pag laban sa mga kastila. Hindi nagtagal muling nasakop ni Aguinaldo ang mga lalawigan maliban sa Maynila. Hunyo 12, 1898 itinatag ang unang Pamahalaan sa lalawigan ng Bacoor, Cavite. Dito unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at unang narinig ang Pambansang Awit ng Pilipinas. August 13,1898 sumuko ang Kastila sa mga Amerikano at inilipat ang pamahalaan sa Malolos, Bulakan at dito ipinahayag ang Republika ng Pilipinas, January 23, 1899 naging Pangulo si Emilio Aguinaldo. February 6,1964 namatay si Emilio Aguinaldo.

Manuel L. QuezonIkalawang Pangulo ng Pilipinas Manuel Luis Quezon y Molina Unang Presidente ng Commonwealth (First President of the Commonwealth) Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong

siya ay binata pa. Ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina. Si Manuel ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letran kung saan niya tinanggap ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rin ay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang siya ay 38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinas Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilan kung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyang Kapanganakan. Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siya ang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o United Nations. Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit na tuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat ang kanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Jos P. LaurelIkatlong Pangulo ng Pilipinas Jos Paciano Laurel y Garca Pangulo ng Ikalawang Republika President of the Second Republic Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

U.P.

noong

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa 1915. siya ay agad namatay.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Sergio OsmenaIkaapat na Pangulo ng Pilipinas (Fourth President of the Philippines) Sergio Osmea y Suico Ikalawang Pangulo ng Commonwealth (Second President of the Commonwealth) Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya siManuel L. Quezon. Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Dalawampu't limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu.

Manuel RoxasIkalimang Pangulo ng Pilipinas (Fifth President of the Philippines) Manuel Acua Roxas Ikatlong Pangulo ng Commonwealth (Third President of the Commonwealth) Unang Pangulo ng Ikatlong Republika (First President of the Third Republic) Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Si Manuel Acuna Roxas ay nabbilang din sa hanay na isang sikat na presidenteng pinoy, si Manuel Acuna Roxas ay isang katutubong ng Capiz, si Manuel Roxas ay nakapagaral sa University of Manila. Ang kanyang pampulitikang karera ay nagsimula noong siya ay inihalal na Speaker ng Pilipinas bahay ng mga Kinatawan 1922-1934. Sa panahon na yaon, si Manuel Acuna Roxas ay naging isang Associate ng Pilipinas estadista. Si Manuel Luis Quezon din ay itinalaga sa kanya ng Kalihim ng Pananalapi. Sa panahon ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Japan at Estados Unidos, si Manuel Acuna Roxas ay sumali sa mga kawani sa amin General Douglas MacArthur. Nanilbihan siya sa paggambala at pagsira sa hindi matagumpay na pagtatanggol laban sa Japanese paglusob ng Pilipinas at siya ay nakuha ng mga Japanese sa taon 1942. Habang siya ay nasa dakong huli sa Japanese Government na isang manika, siya ay nabura ng collaborationist na yun ang layunin pagkatapos ng digmaan at noon ay ihahalal sa pagkapangulo ng Pilipinas sa Commonwealth sa 1,946. Noong Hulyo 4 na nasabing taon, ang pagsasarili ng Pilipinas ay ipinahayag. Si Manuel Acuna Roxas ang naging unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Siya advocated na ang pagtatatag ng malapit na sa pulitika at ekonomiya na may kaugnayan sa Estados Estado Siya ay namatay ng pagpalya ng puso habang nasa opisina.

Elpidio QuirinoIkaanim na Pangulo ng Pilipinas (Sixth President of the Philippines)

Elpidio Rivera Quirino Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika (Second President of the Third Republic) Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948. Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66. Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Ramon MagsaysayIkapitong Presidente ng Pilipinas (Seventh President of the Philippines)

Ramon del Fierro Magsaysay Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika (Third President of the Third Republic) Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49. Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Template:Fact Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Carlos P. GarciaIkawalong Pangulo ng Pilipinas (Eight President of the Philippines) Carlos Polistico Garcia Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika (Fourth President of the Third Republic) Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga produkto ng bansa. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na

kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.

Diosdado MacapagalIkasiyam na Pangulo ng Pilipinas (Ninth President of the Philippines)

Diosdado Pangan Macapagal Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika (Fifth President of the Republic) Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng mga repormang pangsakahan.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.

Ferdinand MarcosIkasampung Pangulo ng Pilipinas (Tenth President of the Philippines)

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika (Sixth President of the Third Republic) Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika (First President of the Fourth Republic) Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr. Kapanganakan Kamatayan Asawa 11 Setyembre 1917 Sarrat, Ilocos Norte 28 September 1989 Honolulu, Hawaii

Imelda Marcos Mariano Marcos Mga Magulang Josefa Edralin

Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siyang tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Muli siyang nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap Presidential Elections, ngunit ang malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People Power Revolution" ang puwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986.

Corazon AquinoIkalabing-isang Pangulo ng Pilipinas (Eleventh President of the Philippines) Mara Corazn Cojuangco-Aquino Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang June 30, 1992. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution". Si Mara Corazn Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986 Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamayari ng malawak na lupain sa Tarlac. Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapagaral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.

Fidel V. RamosIkalabindalawang Pangulo ng Pilipinas (Twelfth President of the Philippines) Fidel Valdez Ramos Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika (Second President of the Fifth Republic)

Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997. Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Joseph E. EstradaIkalabintatlong Pangulo ng Pilipinas (Thirteenth President of the Philippines) Joseph Ejercito Estrada Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika (Third President of the Fifth Republic) Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon. Si Jose Marcelo Ejercito ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Maynila. Siya ay anak ni Emilio Ejrcito, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at Mara Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito. Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City. Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gmez) na gumawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki. Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak.

Gloria Macapagal ArroyoIkalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas (Fourteenth President of the Philippines) Maria Gloria Macapagal-Arroyo Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika (Fourth President of the Fifth Republic) Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

(ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.

Benigno S. Aquino IIIIkalabinlimang Pangulo ng Pilipinas (Fifteenth President of the Philippines) Benigno Simeon Cojuangco Aquino III Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika (Fifth President of the Fifth Republic) Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino. Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".