46
PANG-URI NG CEBUANO AT TAGALOG: ISANG KONTRASTIBONG PAG-AANALISA

Pang-uri Ng Cebuano at Tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

PANG-URI NG CEBUANO AT TAGALOG: ISANG KONTRASTIBONG PAG-AANALISA

Introduksyon

• Sinasabi ng marami, na ang Tagalog ay pinakamadaling wikang napag-aaaralan.

• May mga tumutuligsa rin kung bakit ang isang wikang may maliit na sakop ay piniling maging pambansang wika.

Introduksyon

• At kung pakasusuriin sa mapa ay magkakaroon ng alinlangan kung ang lalawigang Mindoro ba ay nagsasalita rin ng Tagalog, na kung titingnan ang panloob nito ay dinodominahan ng wikang Mangyan.

• Hindi nga ba’t ang dulong Silangan ng Mindoro ay mga nagsasalita rin ng Bisaya.

Introduksyon

• Makikita sa mapa ang lawak ng mga lalawigang sakop ng Katutubong Tagalog na sinasabing sinasalita ng humigit –kumulang na 96% ng populasyon ng Pilipinas.

• Ang wikang Sebwano (Sebwano: Sinugbuanun; Kastila: idioma cebuano) ay isang wikang Austronesian na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya.

• Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ng Cebu, na hinulapi ng Kastilang -ano (nangangahulugang likas, o isang lugar).

Introduksyon

Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

• Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa pamahalaan.

• Ang Wikang Tagalog ay isa sa una at may mataas na uri ng wika sa kapuluang Pilipinas.

• Isa sa patunay ng katandaan nito ay ang dokumento ng LAGUNA COPPERPLATE INSCRIPTIONS YEAR 822 A.D., na bagamat may pagkakaiba ng anyo nito sa kasalukuyang Tagalog ay may patunay na ito nga ang Inang Wika ng bagong Tagalog natin sa Pilipinas.

Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

• Ang lawig ng panahon ng pakikipag ugnayan ng kabihasnang Tagalog sa iba’t ibang lahi ng mga tao sa ating kapuluan ay nagpayabong at nagpayaman sa wikang ito.

• Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ay siyang "lingua franca" o siyang kinilalang pangkaraniwang wika na kinikilala at siya ring Pambansang Wika ng Pilipinas.

Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

• 2.1 Pang-uri• Ang pang-uri ay mga salitang

naglalarawan sa pangngalan o nagpapahayag na ang isang pangngalan ay may partikular na katangian o kalidad.

• Nagkakaroon ito ng impleksyon sa mga bilang at hambingan. Ginamit ang infix -g- bilang pluralizer (gaya sa dako, pl. = dagko).

Paghahambing / Pagsusuri ng Datos

• 2.2 Pagbubuo ng Pariralang Pangalan (Isahang Pang-uri)

• Ipinakikita ng talahanayan ang iba’t ibang paraan ng pagbubuo ng isang pariralang pangngalan mula sa isang pang-uri at pangangalan.

Paghahambing / Pagsusuri ng Datos

Posisyon ng Pang-uri

Kailanan ng pangngalan

pormula Halimbawa ng pariralang pangngalan

Salin sa Ingles

Unahan ng pangngalan

Isahan <png-u> + <png.ugn> + <png><png-u> + <png.ugn> + <png>

Maayo ng libro(maayong libro)Maayos na libro (Tag.)

good book

Unahan ng pangngalan

Maramihan <png.u> + <png.ugn> + mga+ <png.><png.u> + <png.ugn> + mga+ <png.>

Maayo ng mga libro(maayong mga libro)Maayos na mga libro (Tag.)

good books

Hulihan ng pangngalan

Isahan <png.> + <png.ugn> + <png.u><png.> + <png.ugn> + <png.u>

Libro ng maayo(librong maayo)Aklat na maayos (Tag.)

good book

Hulihan ng pangngalan

maramihan Mga + <png.> + <png.ugn> +<png.u>Mga + <png.> + <png.ugn> +<png.u>

Mga libro ng maayo(mga librong maayo)Mga aklat na maayos (Tag.)

good books

• 2.3 Pagbubuo ng Pariralang Pangngalan (Dalawahang Pang-uri)

• Ipinakikita ng talahanayan ang iba’t ibang paraan ng pagbubuo ng pariralang pangngalan mula sa dalawang pang-uri at isang pangngalan:

Paghahambing / Pagsusuri ng Datos

Posisyon ng Pang-uri

Kailanan ng pangngalan

pormula Halimbawa ng pariralang pangngalan

Salin sa Ingles

Unahan ng pangngalan

Isahan <png.u1> + ug + <png.u 2> + <png.ugn> + <png.><png.u1> + at <png.u 2> + <png.ugn> + <png.>

Kusgan ug isog nga tawoMalakas at matapang na tao

Strong brave man

Unahan ng pangngalan

Maramihan <png.u1> + ug + <png.u2> + <png.ugn.> + mga + <png.><png.u1> + at <png.u 2> + <png.ugn> + mga + <png.>

Kusgan ug isog nga mga tawoMalakas at matapang na mga tao

Strong brave men

Hulihan ng pangngalan

Isahan <png.> + <png.ugn> + <png.u1> + ug + <png.u 2><png.> + <png.ugn> + <png.u1> + at + <png.u 2>

Tawo nga kusgan ug isogTaong malakas at matapang

Strong brave man

Hulihan ng pangngalan

maramihan Mga + <png.> + <png.ugn> +<png.u1> + ug + <png.u 2>

Mga tawo nga kusgan ug isogMga taong malakas at matapang

Strong brave men

• 2.4 Pangmaramihan ng Pang-uri (Plural Adjectives)

• May mga pang-uri sa Cebuano na nagbabago ng anyo para sa maramihang pangangalan. Samantalang sa Filipino ay nagkakaroon lamang ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat ng pang-uri at nagdaragdag ng ‘mga’ sa pangngalan.

Paghahambing / Pagsusuri ng Datos

Cebuano Tagalog English (Singular)

English (Plural)

Isahan maramihan Halimbawa ng anyong isahan

Halimbawa ng anyong maramihan

Isahan maramihan Halimbawa ng anyong isahan

Halimbawa ng anyong maramihan

dako Dagko Dako ng libro(dakong libro)

Dagko ng mga libro(dagkong mga libro)

Malaki Malalaki Malaking libro

Malalaking mga bahay

Big book Big books

duol Dug-ol Duol nga balay

Dug-ol nga mga balay

Malapit Malalapit Malapit na bahay

Malalapit na bahay

Near house

Near houses

gamay Gagmay Gamay ng libro(gamayng libro)

Gagmay ng mga libro(gagmayng mga libro)

Maliit Maliliit Maliit na libro

Maliliit na mga libro

Small book Small houses

layo Lagyo Layo ng balay(layong balay)

Lagyo ng mga balay(lagyong mga balay)

Malayo Malalayo Malayong bahay

Malalayong mga bahay

Far house Far houses

mubo mugbo Mubo ng tawo(mubong tawo)

Mugbo ng mga tawo(mugbong mga tawo)

Maliit Maliliit Maliit na tao

Maliliit na mga tao

Short man Short men

taas Tag-as Taas nga tawo

Tag-as nga mga tawo

Matangkad matatangkad Matangkad na tao

Matatangkad na mga tao

Tall man Tall men

• 2.5 Intensidad ng Pang-uri • Ang epekto ng isang pang-uri ay maaaring

bigyang-intensidad sa pamamagitan ng pang-abay na ‘kaayo’ (very) sa Cebuano. Samantalang sa Filipino ay maaaring mag-reduplikasyon ng pang-uri o paggamit ng masyado, lubha, sobra at iba pa.

• Cebuano Filipino English

• Taas kaayo si John. Sobrang John is very tall.

Lubhang matangkad si John.

Masyadong

Matangkad na matangkad si John.

• Dako kaayo ang suba. Sobrang The river is very big Lubhang malaki ang ilog.

Masyadong

Malaking-malaki ang ilog.

• Maayo kaayo kini. Sobrang This is very good. Lubhang mahusay ito.

Masyadong

Mahusay na mahusay ito.

• Mubo kaayo ikaw. Sobrang You are very short. Lubhang kang maliit.

Masyadong

Maliit na maliit ka.

• 2.6 Pang-uri sa mga Pangungusap na Pandamdam

• Ang pang-uri ay maaaring gamitin sa isang pangungusap na pandamdam gamit ang sumusunod na pormula:

• Cebuano: pagka <pang-uri> + <obyek ng pariralang pangngalan>

• Filipino: pagka <reduplikasyon ng pang-uri> + <obyek ng pariralang pangngalan>

• Cebuano Filipino English

• Pagkataas kang John! Pagkatangkad-tangkad ni John! John is so tall!

• Pagkadako sa suba! Pagkalaki-laki ng ilog! The river is so big!

• Pagkamaayo niini! Pagkahusay-husay nito! This is so good!

• Pagkamubo kanimo! Pagkaliit-liit mo! You are so short!

2.12 Mga Nakitang Cognate

Cebuano Tagalog Englishsinirhan,sirado sarado closed

abtik aktibo activeulanon maulan rainyandam handa readylapad malapad widepait mapait bittertam-is matamis sweetbag-o bago newtibuok buo, kabuuan entire, whole

baho mabaho bad smellderetso deretso straightkurba kurbado curvedtul-id tuwid straightmahal mahal expensivebasa basa wetbastos bastos rude

Cebuano Tagalog English

tigulang magulang old (person)

batan-on bata young (person)

maayo maayos good (thing)

gaan magaan light (not heavy)

init mainit hot, warm

buhi buhay alive

patay patay dead

salabahis salbahe cruel

busog busog full (not hungry)

gigutom gutom hungry

walay buhat,walay trabaho

walang buhaywalang trabaho

idle

gastador gastador prodigal

kabos, pobre kapos, pobre poor

importante importante important

masakit masakit painful

palaranswertihan

mapaladmaswerte

lucky

dugang, sobra sobra extra

layo malayo far

hambugero hambog boastful

interesado interesado interested

Cebuano Tagalog Englishgrabe, seryuso seryoso, grabe seriouskataw-anan nakakatawa funnyhanginon mahangin windyhilaw hilaw unripehinog hinog ripemasakiton masakitin sickhinay mahinay slowpaspas, tulin matulin, paspas fastluag maluwag loosekulang kulang lackingNabasag, naguba Nabasag, nagiba brokeninayo gawa, naayos Fixed, repairedkawili-wili kawili-wili interestingmabaw mababaw shallowtaas mataas high, tall

Kongklusyon

• Batay sa mga ginawang paghahambing sa mga pang-uri ng Cebuano ay napatunayan na walang halos ipinakaiba ang istruktura nito sa Tagalog. Bagamat may ilang pagkakaiba napuna gaya ng pagkakaroon ng impleksyon sa mga bilang at hambingan. Ginamit ang infix -g- bilang pluralizer (gaya sa dako, pl. = dagko).

• May mga pang-uri sa Cebuano na nagbabago ng anyo para sa maramihang pangangalan. Samantalang sa Filipino ay nagkakaroon lamang ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat ng pang-uri at nagdaragdag ng ‘mga’ sa pangngalan.

Kongklusyon

• Ang epekto ng isang pang-uri ay maaaring bigyang-intensidad sa pamamagitan ng pang-abay na ‘kaayo’ (very) sa Cebuano.

• Samantalang sa Filipino ay maaaring mag-reduplikasyon ng pang-uri o paggamit ng masyado, lubha, sobra at iba pa.

• Ang mga pang-uring nagsisimula sa panlaping ‘gi’ sa Cebuano ay sumasalungat na pinangunguhan ng ‘wala’.

Kongklusyon

• Ang iba pang pang-uring sumasalungat ay pinangungunahan ng ‘dili’.

• Samantala, sa Tagalog ay pinangungunahan lamang ng ‘hindi’.

• Gayundin ay may nakitang pagkakatulad sa mga leksikon nito sa Tagalog. Kung gayon, matibay na pagpapatunay ito sa tinuran ni Marietta Alagad (1971) na may limang bahagdan na pagkakatulad ang Tagalog at Cebuano.

Kongklusyon

• Pinatutunayan din ang palagay nina David at Healey sa kanilang pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ang Tagalog at Cebuano ay higit na magkalapit sa dahilang pareho itong kabilang sa ‘Southern Philippine Family’.

Kongklusyon

• Samantala, sa klasipikasyon ni Conklin (1952) isinama niya ang Cebuano sa pangkat ng Tagalog-type batay sa korespondensiya ng mga tunog at iba pang katangiang panlinggwistika.

• Gayundin naman sa pag-aaral ni Dyen na gumamit ng lexicostatistical at ipinahayag niyang higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan.

Kongklusyon

• Maipapalagay na ang mga mag-aaral na nagkaroon ng kontak sa ibang wika ay makatatagpo ng ilang katangian na madali o di kaya’y lubhang mahirap.

• Ang mga elemento na katulad ng kanyang unang wika ay magiging madali para sa kanya, at yaong naiiba ay magiging mahirap para sa kanya.

• Kung gayon, ang guro na nagsagawa ng KP ay magkakaroon ng kabatiran sa kung ano talaga ang suliranin sa pagkatuto at makagagawa ng paraan upang mabigyang-solusyon ang kahirapang ito.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Sa ganito ring tagpo ay makagagawa siya ng kaukulang ebalwasyon at rekomendasyon sa kung anong batayang-aklat ang dapat na gamitin.

• Ang kaalaman sa KP ay makapagpapadali ng pagtuturo at nailalapat pa ang kultura at antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paksang itinuturo.

• Naiiwasan rin ng guro na makapagbigay ng maling paghuhusga, isteryotipo at pagkiling sa kanyang mga mag-aaral, sa ganitong kalagayan nakapagbibigay ito ng kapanatagan at kaayusan sa loob ng klase.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Gayundin naman kung may kabatiran sa unang wika ng kanyang mga mag-aaral ang guro, maibabatay niya ang kanyang aralin partikular sa pagsusulat at pagsasalita sa padron ng gramatika ng nasabing wika nang sa gayon ay di malito o magkabuhol-buhol sa pag-iisip ang bata kung paano niya tutumbasan o isasalin ang mga pagsasanay.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Isipin na lang ang bata, dahil sa higit ang kontak sa kanyang kapaligiran na may katulad ding wika ay nagagawang dalhin ang gawi ng paggamit ng kanyang wika gaya ng bigkas at istruktura kung gayon kahit pa nga dumaan sa maraming taon ng pag-aaral ang mga mag-aaral na ito babalik at babalik ito sa nakagawiang “bawal umihe dito!”

Implikasyon sa Pagtuturo

• Samantala, ang mga manunulat ng batayang aklat na guro rin ay gumagawa ng materyales na sa malas ay salin ng materyales sa Ingles.

• Sa kabilang dako, ang gurong di manunulat ay pikit-mata at buong giting na niyayakap ang kung ano ang nasa aklat, sabihin nang sunud-sunuran sa kung ano rin ang ibinigay sa kanya.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Ang gurong ito ay hindi nagsusuri sa kung may pagkakalapit ba ang nilalaman at pagtalakay ng aklat sa target na mag-aaral.

• Bunga nito, sa halip na umusad paitaas ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral ay patuloy itong bumababa sa dahilang malayung-malayo ito sa realidad na kanilang ginagalawan.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Nakatatawa pa nga na ang mga guro ay nahilig sa padron ng Ingles gaya ng istrukturang ‘S+P’ sa pagsasalita kung kaya sinasabi rin ng bata ang ‘Ako si John’ (I’m John) sa halip na ‘Si John ako’ na siyang normal na pagpapakilala.

• Kung kaya nga sa awiting ‘Ako ay Pilipino’ sa halip na ‘Pilipino ako’ naipagpapalit ng guro ang karaniwan at normal na galaw ng wika.

• Bakit ganito? Kasi nga, ito ang nasa gramatika… ito ang nasa aklat … at walang magagawa ang mga guro kundi ang ituro kung ano ang nasa aklat.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Subalit, kung ang guro ay may kabatiran sa kontrastibong pag-aanalisa ng mga wika (KP) ay makagagawa ito ng pagbabagay sa kung ano ang karaniwang kalagayan o sitwasyon ng target na mag-aaral.

• Gayundin naman sa mga manunulat ng aklat ay makagagawa ng paglalakip at paghahalimbawa ng mga wika ng mga target na mag-aaral at guro.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Naipapakita tuloy na sa ganitong pagpapaliwanag ng aralin ay may ilang pagkakaiba ito sa kanilang ponolohiya, morpolohiya at sintaks.

• Nagagawa tuloy ng mga mag-aaral na maisantabi kahit paano ang kanilang unang wika at maibagay ito sa kasalukuyang pinag-aaralan.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Gayundin naman sa paggamit ng mga halimbawang pangungusap sa mga aralin ay marapat na gumamit ng paghahalimbawa sa iba’t ibang wika upang masabi ng mga target na mag-aaral na hindi lamang nakabatay sa Tagalog(Filipino) ang aklat kundi may pagpapahalaga rin sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Implikasyon sa Pagtuturo

• Sa ganitong kalagayan ay makararamdam ang mga mag-aaral ng pagmamalaki at magagawang makapag-analisa at maghambing ang di-Tagalog sa mga Tagalog.

• Hindi ba’t lalong maigi ito sa klase.• Ayon kina Halliday, et.al:

Implikasyon sa Pagtuturo

• “Ang pagtuturo ng wika’y may tatlong pangunahing bahaging nagkakawing: una, linguistic komponent; pangalawa, pedagohikal komponent; at pangatlo, organisayunal na komponent. Ibinibigay ng unang dalawa ang saloobin, ang mga pakto (facts) ang mga teorya, ang mga tekniks at metodong pumapatnubay sa mga gawaing propesyunal ng mga guro. Ibinibigay ng pangatlo ang ‘kola’ na nagbubuklod sa unang dalawa, at gayon din ang paglalapat sa gawaing pagtuturo ng wika ng bansa sa angkop na puwang sa patakaran, pangasiwaan, at sa lipunan sa kabuuan.”

Implikasyon sa Pagtuturo

• Kung gayon, marapat lamang sundin ng mga manunulat na maibatay o maikunsidera ang tatlong komponent na ito sa pagbubuo ng angkop na batayang-aklat na magagamit ng mga mag-aaral.

• Language learning is a social activity; it requires negotiating meaning and taking in feedback from partners. Whole language practitioners work to provoke, elicit, and show interest in communication exchanges--both learner-learner and learner-teacher. (Neuman, 1985)

Implikasyon sa Pagtuturo

Sanggunian

• Batnag, A et.al (2006). Diksyunaryong English- Filipino. The bookmark Inc.

• Llamson, T., Del Rosario, F at Sanchez, M. (1972). Makabagong Balarila ng Wikang Tagalog. Ateneo Language Center.

• Ramos, T. (1971) Tagalog Structures. University of Hawaii Press.

• Santiago, A. (1985). Makabagong Balarilang Pilipino. Rex bookstore.Manila

• http://www.languagelinks.org

• Impormant:

• Myrna Calamian, MSU, mag-aaral doktorado sa PNU