2
Dinisenyo at Nilimbag ng CarlIlion Graphics (09770) Ang Operation ATALANTA ng European Union Naval Force - EU NAVFOR (Somalia) ay inatasang magsagawa ng mga opersayon upang makatulong na humadlang, pigilan, at ihinto ang mga gawaing pamimirata at armadong pagnanakaw sa karagatan ng Somalia. Ang misyon na ito ay suporta sa mga Resolusyon na 1814, 1816 at 1846 ng United Nations Security Council na isinabatas noong 2008. Ang misyon namin ay protektahan ang mga barko ng World Food Programme (WFP) na naghahatid ng pagkain sa mga nagugutom na tao sa Somalia, at para protektahan ang mga barkong naglalayag patawid ng Gulf of Aden at sa karagatan ng Somalia pati na sa Somali Basin. Ang Maritime Security Centre - Horn of Africa (msc-hoa) ay isang 24-oras na watch center na itinatag bilang bahagi ng EU NAVFOR (Somalia). Bilang bahagi ng trabaho nito, ang msc- hoa ay kumikilos bilang coordination centre sa pagitan ng mga mangangalakal at pwersang militar na dumaraan sa rehiyon na iyon. Ang impormasyong nilalaman ng seksiyon ng website namin na ito ay ibinibigay para sa pag-aaral at pagsasaalang-alang ng mga kompanya at mga taong dumaraan sa rehiyon na maaaring mabiktima ng pamimirata at armadong pagnanakaw. Napakaraming pagkukunan ng payo mula sa mga kagalang- galang na mga pinagkukunan, tungkol sa kung paano manatiling buhay kung ikaw ay inatake o binihag. Ang mga payong nilalaman dito, ay hinugot mula sa mga pinagkukunang iyon at narepaso na ng kawanihan ng hukbong sandataang pangkaragatan ng EU NAVFOR (Somalia) upang maipasadya ang mga mungkahi para mismo sa paggamit sa Somalia. Ipinapayo na sinumang tao o kompanyang nagdaraan sa Gulf of Aden, Horn of Africa o Somali Basin ay maging pamilyar sa nilalaman ng mga Circular ng IMO Maritime Safety Committee na 1332, 1334, at sa Guidance on Surviving as a Hostage (Gabay sa Pananatiling Ligtas Bilang Bihag) ng United Nations. Sumangguni sa seksiyon na Maritime Intelligence ng aming website para sa pinakabagong impormasyon sa mga gawaing pamimirata at armadong pagnanakaw sa rehiyon. PANANATILING LIGTAS SA PAMIMIRATA Sa karagatan ng Somalia Impormasyon para sa mga naging biktima ng pamimirata sa Gulf of Aden at Somali Basin. Pakitandaan na ang proseso sa pagbabayad ng pangtubos (ransom) ay nakapapagod para sa mga pirata at maaaring mas madali silang magalit kaysa sa karaniwan. Iwasan ang makipag-usap sa mga pirata sa panahong ito. Magpatuloy lamang sa karaniwang gawain at kilos upang hindi makahugot ng hindi kinakailangang pagpuna sa iyo. Maaaring abutin ng ilang araw makalipas ng pagbabayad bago kayo pakawalan. Huwag asahang agad-agad kayong pakakawalan. Lumahok sa Panayam Matapos ang Insidente Makibahagi agad kung maaari sa isang panayam tungkol sa insidente matapos na ikaw ay pakawalan. Ang impormasyong maibibigay mo ay maaaring makatulong sa iyo na lagpasan ang nangyari sa iyo, at makatutulong ito sa mga alagad ng batas na maliwanagan tungkol sa mga pamamaraang ginagamit ng mga pirata. Ang impormasyong ito ay makatutulong na mapigilan ang mga pag-atake sa hinaharap. Subukang maalala hanggang sa makakaya ang tungkol sa mga pirata. Ang kanilang mga kilos, kagamitan, mga kaugalian, komunikasyon habang nakasakay sa barko at habang wala sa barko, mga bitbit na armas, bilang ng sumakay, mga karaniwang ginagawa, pagpalit ng tauhan, atbp. Ipasa ang impormasyong ito sa panayam matapos ang insidente para matulungan ang mga alagad ng batas. Humingi ng Payo Humingi ng payo at suporta matapos kang pakawalan. Manmanan ang iyong pakikitungo at ugali matapos kang pakawalan. Huwag kang magagalit kung may makapuna ng pagbabago sa iyong personalidad, mga nakagawian, atbp. Tandaan na may pinagdaanan kang mahirap at nakapanghihinang karanasan. Kailangan mong matiyak na makakayanan mo ang mga epektong emosyonal, pisikal at sikolohikal ng iyong karanasan. Maging bukas tungkol sa iyong karanasan, at tanggapin ang anumang tulong na nakahanda. EU NAVFOR Somalia Maging Matiyaga sa Paghintay Para sa karagdagang impormasyon, makipag- ugnayan sa: European Union Naval Force European Union Operation HQ Northwood Headquarters Sandy Lane, Northwood Middlesex, HA6 3HP Tel : +44 (0)1923 958545 Email : [email protected] Web : www.mschoa.eu / www.eunavfor.eu EU NAVFOR Somalia 09770 Horn of Africa Z-Fold (Tagalog Text).indd 1 12/1/10 11:57:59

PANANATILING LIGTAS SA PAMIMIRATA - itfseafarers.org Piracy... · nagugutom na tao sa Somalia, at para protektahan ang mga ... subalit ang masamang epekto ng mga ... Iwasan ang mga

  • Upload
    buingoc

  • View
    249

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PANANATILING LIGTAS SA PAMIMIRATA - itfseafarers.org Piracy... · nagugutom na tao sa Somalia, at para protektahan ang mga ... subalit ang masamang epekto ng mga ... Iwasan ang mga

Dinisenyo at Nilimbag ng CarlIlion Graphics (09770)

Ang Operation ATALANTA ng European Union Naval Force - EU NAVFOR (Somalia) ay inatasang magsagawa ng mga opersayon upang makatulong na humadlang, pigilan, at ihinto ang mga gawaing pamimirata at armadong pagnanakaw sa karagatan ng Somalia. Ang misyon na ito ay suporta sa mga Resolusyon na 1814, 1816 at 1846 ng United Nations Security Council na isinabatas noong 2008.

Ang misyon namin ay protektahan ang mga barko ng World Food Programme (WFP) na naghahatid ng pagkain sa mga nagugutom na tao sa Somalia, at para protektahan ang mga barkong naglalayag patawid ng Gulf of Aden at sa karagatan ng Somalia pati na sa Somali Basin.

Ang Maritime Security Centre - Horn of Africa (msc-hoa) ay isang 24-oras na watch center na itinatag bilang bahagi ng EU NAVFOR (Somalia). Bilang bahagi ng trabaho nito, ang msc-hoa ay kumikilos bilang coordination centre sa pagitan ng mga mangangalakal at pwersang militar na dumaraan sa rehiyon na iyon.

Ang impormasyong nilalaman ng seksiyon ng website namin na ito ay ibinibigay para sa pag-aaral at pagsasaalang-alang ng mga kompanya at mga taong dumaraan sa rehiyon na maaaring mabiktima ng pamimirata at armadong pagnanakaw.

Napakaraming pagkukunan ng payo mula sa mga kagalang-galang na mga pinagkukunan, tungkol sa kung paano manatiling buhay kung ikaw ay inatake o binihag. Ang mga payong nilalaman dito, ay hinugot mula sa mga pinagkukunang iyon at narepaso na ng kawanihan ng hukbong sandataang pangkaragatan ng EU NAVFOR (Somalia) upang maipasadya ang mga mungkahi para mismo sa paggamit sa Somalia.

Ipinapayo na sinumang tao o kompanyang nagdaraan sa Gulf of Aden, Horn of Africa o Somali Basin ay maging pamilyar sa nilalaman ng mga Circular ng IMO Maritime Safety Committee na 1332, 1334, at sa Guidance on Surviving as a Hostage (Gabay sa Pananatiling Ligtas Bilang Bihag) ng United Nations. Sumangguni sa seksiyon na Maritime Intelligence ng aming website para sa pinakabagong impormasyon sa mga gawaing pamimirata at armadong pagnanakaw sa rehiyon.

PANANATILING LIGTAS SA PAMIMIRATA

Sa karagatan ng Somalia

Impormasyon para sa mga naging

biktima ng pamimirata sa Gulf of Aden

at Somali Basin.

Pakitandaan na ang proseso sa pagbabayad ng pangtubos (ransom) ay nakapapagod para sa mga pirata at maaaring mas madali silang magalit kaysa sa karaniwan. Iwasan ang makipag-usap sa mga pirata sa panahong ito. Magpatuloy lamang sa karaniwang gawain at kilos upang hindi makahugot ng hindi kinakailangang pagpuna sa iyo. Maaaring abutin ng ilang araw makalipas ng pagbabayad bago kayo pakawalan. Huwag asahang agad-agad kayong pakakawalan.

Lumahok sa Panayam Matapos ang Insidente

Makibahagi agad kung maaari sa isang panayam tungkol sa insidente matapos na ikaw ay pakawalan. Ang impormasyong maibibigay mo ay maaaring makatulong sa iyo na lagpasan ang nangyari sa iyo, at makatutulong ito sa mga alagad ng batas na maliwanagan tungkol sa mga pamamaraang ginagamit ng mga pirata. Ang impormasyong ito ay makatutulong na mapigilan ang mga pag-atake sa hinaharap. Subukang maalala hanggang sa makakaya ang tungkol sa mga pirata. Ang kanilang mga kilos, kagamitan, mga kaugalian, komunikasyon habang nakasakay sa barko at habang wala sa barko, mga bitbit na armas, bilang ng sumakay, mga karaniwang ginagawa, pagpalit ng tauhan, atbp. Ipasa ang impormasyong ito sa panayam matapos ang insidente para matulungan ang mga alagad ng batas.

Humingi ng Payo

Humingi ng payo at suporta matapos kang pakawalan. Manmanan ang iyong pakikitungo at ugali matapos kang pakawalan. Huwag kang magagalit kung may makapuna ng pagbabago sa iyong personalidad, mga nakagawian, atbp. Tandaan na may pinagdaanan kang mahirap at nakapanghihinang karanasan. Kailangan mong matiyak na makakayanan mo ang mga epektong emosyonal, pisikal at sikolohikal ng iyong karanasan. Maging bukas tungkol sa iyong karanasan, at tanggapin ang anumang tulong na nakahanda.

EUNAVFORSomalia

Maging Matiyaga sa Paghintay

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

European Union Naval ForceEuropean Union Operation HQNorthwood HeadquartersSandy Lane, NorthwoodMiddlesex, HA6 3HP

Tel : +44 (0)1923 958545Email : [email protected] : www.mschoa.eu / www.eunavfor.eu

EUNAVFORSomalia

09770 Horn of Africa Z-Fold (Tagalog Text).indd 1 12/1/10 11:57:59

Page 2: PANANATILING LIGTAS SA PAMIMIRATA - itfseafarers.org Piracy... · nagugutom na tao sa Somalia, at para protektahan ang mga ... subalit ang masamang epekto ng mga ... Iwasan ang mga

Alamin na ang pamimirata sa rehiyon ng Somalia ay naiiba sa ibang rehiyon sa dalawang aspeto.

Ang pangunahing dahilan ng pag-atake ng mga pirata sa barko ay para mabihag ito at ang crew nito ay ipatutubos, ngunit kasama rin ang pangunguha, o pagnanakaw ng mga ari-arian o kagamitan sa barko. Kaya, ang mga matagumpay na pamimirata ay nauuwi sa matagalang pambibihag ng crew sa kalaunan.

Ang pamimirata ay tinuturing na isang kalakal ng mga piratang Somali, at alam nila na ang hindi kinakailangang karahasan ay makasasama sa kanilang negosasyon o sa halaga ng ransom na kanilang makukuha.

Ang Pamimirata ay isang Kalakal

Manatiling Mahinahon

Subukang huminahon. Maaaring magkaroon ng panunutok sa isang pag-atake. Sa ngayon, lahat ng palatandaang tulad nito ay sinadya para takutin ang mga Ship Master na sumunod, at hindi aktuwal na karahasan sa barko o sa crew. Kapag pinirata ang inyong barko, makababawas sa tindi ng karahasan at potensiyal na aksidente ang kalamadong pagsunod. Tandaan, na matapos ang matagumpay na pag-atake, inaalala agad ng mga pirata na may mga hukbong militar na maaaring subakang mabawi ang barko. Mariin nilang ipagpipilitan ang kanilang kakayahan, at mabilis nilang pararamihin ang dami ng kanilang kasamahang sasakay. Sa puntong ito, mahalagang hindi mo paigtingin ang bumabalot na tensyon sa mga pirata, dahil maaari itong magdulot ng pinsala o karahasan sa iyo.

Kung ang barko ninyo ay napirata, tanggapin niyo ang katotohanang maaaring bihagin kayo nang matagal. Ang karaniwang pambibihag ay tumatagal ng mula 6 hanggang 12 linggo, ngunit maaaring mas matagalan batay sa tagumpay ng pakikipag-negosasyon. Dapat ninyong:

Tiyakin sa mga pirata na hindi kayo magiging sanhi ng problema para sa kanila.

Piliting mapanatili ang pinakamahusay na pamumuhay sa barko – makipag-usap sa mga pirata tungkol dito kung kailangan. Tandaan na maaaring umabot sa singkwenta o higit pang pirata ang maaaring manirahan sa barko habang bihag kayo. Gagamit sila ng mga tutulugan, ngunit sa pagiging resonable, mapapanatili mo ang mahusay na kondisyon para sa sarili mo at sa mga kasama mong crew.

Bumuo ng positibong routine na hersisyong pisikal at mental. Makatutulong ito sa inyo na makaagapay sa pagkakabihag; mapapanatili ang inyong kalusugan at mapapalipas ang mga oras nang kapaki-pakinabang. Subukang matulog nang regular.

Pagtanggap

Sumunod sa tuwing kailangan

Sumunod sa ipinag-uutos ng mga pirata. Tandaan, na patuloy ang mga negosasyon habang kayo ay bihag. Bilang bahagi ng negosasyon, maaaring magsagawa ng mararahas na pananakot ang mga pirata, para mapalakas ang kanilang mga hinihingi. Maaari rin nilang ipilit na makunan kayo ng litrato, o ipunin sa deck para makita. Ito ay karaniwang para patunayan na buhay kayo at hindi nasaktan. Ang mga pagkilos na ito ay bahagi ng negosasyon at hindi kayo dapat pumalag.Subukan manatiling positibo ang pag-iisip, at maging masayahin hangga’t maaari. Malayong ikaw ay dumaan sa abuso o karahasan kung ‘natutuwa’ sa iyo ang mga may-bihag sa inyo.

Ipaalam sa iyong pamilya at mga kaanak ang posibilidad ng panganib. Maaari itong makabahala, ngunit sa pamamagitan ng bukas na pagtalakay dito bago ka pa man dumaan sa rehiyon, matutulungan mo silang makaagapay sa pagkakataong mapirata ang iyong barko. Maaaring pilitin (o hilingin) ka na tumawag sa iyong pamilya habang bihag ka. Maaaring ipasabi sa iyo na ang kondisyon sa barko ay malala pa kaysa sa katunayan. Sa pamamagitan ng paunang pagtalakay dito, ang epekto sa mga mahal mo sa buhay ay mababawasan kung ihahambing sa kawalan ng pagkahanda at pang-unawa sa nangyayari.

Maging Handa

Ang khat ay karaniwang droga na ginagamit sa rehiyon ng Somalia. Kung ang mga piratang sumakay sa iyong barko ay gumagamit nito o iba pang droga, kailangan mong mag-ingat na umiwas sa anumang pakikipagtalo habang nasa ilalim sila ng impluwensiya ng mga naturang gamot. Hindi ka dapat mahimok na mag-droga, maliban kung para sa lehitimong karamdamang medikal, habang nabibihag. Ang paggamit ng droga ay maaaring makapagbigay ng panandaliang ginhawa, subalit ang masamang epekto ng mga sintomas ng withdrawal at dagdag na tensiyon dahil sa paghahanap ay magdudulot ng hindi kinakailangang karahasan mula sa mga may-bihag sa iyo.

Iwasan ang mga droga

Huwag sasali sa mga pagtatalo sa mga may-bihag sa iyo. Tandaan na maaaring may dagdag na pangamba ang mga pirata laban sa iba pang pirata at karaniwang tensiyon na nararanasan sa rehiyon na iyon. Maaring mauwi sa pagtatalo o away sa pagitan ng mga pirata ang mga tensiyon at pangambang iyon. Manatiling hindi nakikialam sa mga naturang pagtatalo.

Huwag makialam

09770 Horn of Africa Z-Fold (Tagalog Text).indd 2 12/1/10 11:58:00